Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyosat bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!” Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gampanan ang gawain ng paghatol gamit ang katotohanan
Noong 1991, sinimulan ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, na opisyal na isagawa ang Kanyang ministeryo sa China. Pagkatapos, nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita at sinimulan Niya ang gawain ng paghatol ng dakila at puting luklukan sa mga huling araw. Tulad nga ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos” (mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) “Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ang Banal na Espiritu at maaari ding magkatawang-tao; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon. … Para ang Diyos ay magwika ng mga pagbigkas upang ipatupad ang gawain, Siya ay dapat magkatawang-tao, kung hindi ang Kanyang gawain ay hindi makapagkakamit ng Kanyang hangarin.” (mula “Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Dahil sa pagpapakita at mga pahayag ni Cristo sa mga huling araw, mas marami pang taong nauuhaw at naghahanap sa katotohanan ang nalupig at napadalisay ng salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ang pagpapakita ng Diyos at pagbabalik ng Manunubos.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay personal na itinatag ng Diyos, hindi ng sinumang tao
Nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang Iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinuman ang gamitin ng Diyos na nagkatawang-tao ay itinalaga ng Diyos, at personal na hinirang at pinatotohanan ng Diyos, tulad noong personal na pinili at hinirang ni Jesus ang labindalawang disipulo. Yaong mga kinakasangkapan ng Diyos ay tumutulong lamang sa Kanyang gawain, at hindi magagawa ang gawain ng Diyos para sa Kanya. Ang Iglesia ay hindi itinatag ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos, ni pinaniniwalaan o sinusunod ng mga piniling tao ng Diyos ang mga ito. Ang mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi itinalaga ni Pablo at ng iba pang mga apostol, kundi produkto ng gawain ng Panginoong Jesus at itinatag ng Panginoong Jesus Mismo. Gayundin, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi naitatag ng taong kinakasangkapan ng Diyos, kundi produkto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang taong kinakasangkapan ng Diyos ay dinidiligan, tinutustusan, at pinamumunuan lamang ang mga iglesia, na ginagampanan ang tungkulin ng tao. Bagama’t ang mga piniling tao ng Diyos ay pinamumunuan, diniligan, at tinutustusan ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos, wala silang ibang pinaniniwalaan at sinusunod kundi ang Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap at sinusunod nila ang Kanyang mga salita at gawain. Ito ay isang katotohanang hindi maikakaila ninuman. Dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, maraming tunay na naniniwala sa Panginoon sa lahat ng panrelihiyong denominasyon at sekta ang nakarinig na sa wakas sa tinig ng Diyos, nakakita na dumating na ang Panginoong Jesus at isinagawa na ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at napatunayan nilang lahat na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus—at dahil dito, tinanggap na nila ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Lahat ng nalupig ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagiging sakop sa Kanyang pangalan. Samakatwid, lahat ng piniling tao ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdarasal sa Makapangyarihang Diyos, at sinusundan, sinusunod at sinasamba Siya. Dahil naranasan na ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, pinahalagahan na ng mga piniling tao sa China ang Kanyang matuwid na disposisyon, at nakita na ang Kanyang kamahalan at galit, kaya nga lubos silang nalupig ng salita ng Diyos at nagpatirapa sila sa harapan ng Makapangyarihang Diyos, at handa silang sundin at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Sa gayon, natamo nila ang pagliligtas ng Diyos.
Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos ay isinilang ng pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ganap na tinutupad ang mga propesiya ng Aklat ng Pahayag
Dahil ibinubunyag nga ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, nauunawaan ng mga piniling tao ng Diyos, sa pagbubunyag ng mga salita ng Diyos, na may bagong pangalan ang Diyos sa bawat kapanahunan, at ang Kanyang bagong pangalan ay sagisag na may bagong gawaing ginagawa ang Diyos, at bukod pa riyan, na winawakasan ng Diyos ang isang lumang kapanahunan at pinasisimulan ang isang bagong kapanahunan. Ang kahulugan ng pangalan ng Diyos ay napakadakila at napakalalim! Naroon ang kahalagahan ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay gumagamit ng mga pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit Niya ang pangalang Jehova para maglabas ng mga batas at utos at gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginamit Niya ang pangalang Jesus para gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa pagdating ng Kapanahunan ng Kaharian, ginamit Niya ang pangalang Makapangyarihang Diyos upang isagawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, upang dalisayin, baguhin, at iligtas ang tao. Ang bagong pangalan ng Diyos ay hindi isang bagay na nagkataong itinawag lamang sa Kanya ng tao, kundi sa Diyos mismo nanggaling dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain. Ang pangalang ginagamit ng Diyos sa bawat yugto ng gawain ay nagmumula sa Biblia, at ang pangalang gagamitin ng Panginoong Jesus pagbalik Niya sa mga huling araw ay ipinropesiya na noon pa man sa Aklat ng Pahayag: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit mula sa aking Dios: at isusulat ko sa kanya ang bago kong pangalan” (Rev 3:12). “Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang katapusan, sabi ng Panginoong Dios, ang ngayon at ang nakaraan, at ang darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Rev 1:8). “At narinig ko ang gaya ng tinig ng maraming tao, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: dahil naghahari ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat” (Rev 19:6). Ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay tinutupad mismo ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag. Ang Diyos ay Makapangyarihan sa lahat. Siya ang lumikha at naghahari sa lahat ng bagay, at Siya ang Una at Huli; angkop na angkop na tawagin natin Siyang Makapangyarihang Diyos. Dahil diyan, tinawag ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos at tinawag din ang Cristo na nagkatawang-tao na Praktikal na Diyos. At iyon ang naging tawag sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Habang ang ebanghelyo ng kaharian ay mabilis na lumaganap sa Lupain ng Tsina, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay malupit na nasiil at nausig ng pamahalaan ng CCP
Nang kumalat ang ebanghelyo ng kaharian sa Mainland China, binawi ng Diyos ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob at itinuon ito sa grupong ito ng mga tao na tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sa mga itinalaga at pinili ng Diyos at taos na naghangad sa totoong daan. Dahil nalipat ang gawain ng Banal na Espiritu, nawala sa lahat ng denominasyon at sekta ang gawain ng Banal na Espiritu at naging disyerto, at naiwan ang mga tao na walang mapagpilian kundi hanapin ang totoong daan. Natupad nito mismo ang propesiya sa Biblia, “Narito, dumarating ang mga araw … na magpapadala ako ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o pakauhaw sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova” (Amo 8:11). Sa patnubay ng Banal na Espiritu, yaong mga nasa iba’t ibang denominasyon at sekta na naghahanap sa katotohanan at tunay na naniwala sa Diyos ay binalewala ang mga pagbabawal at paghadlang ng mga anticristo at ng masasamang tagapaglingkod, at sa huli ay narinig at nakilala ang tinig ng Diyos, at dumami nang dumami ang mga taong nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos. Lumitaw sa lahat ng dako ang nakasisiyang mga tagpo ng pagkakaisa ng lahat ng denominasyon at pag-akyat ng lahat ng bansa sa bundok na ito. Dahil nagsibalik ang malaking bilang ng mga tunay na naniniwala sa Diyos mula sa lahat ng relihiyon at sekta, bumagsak ang karamihan sa mga denominasyon at sekta at simula noon ay nakilala na lamang sa pangalan. Sino ang makapipigil sa mga yapak ng gawain ng Diyos? Sino ang makahahadlang sa mga piniling tao ng Diyos sa pagbalik sa Diyos? Para bang buong komunidad ng mga relihiyoso ang naituwid. Ang daloy ng mga bumabalik ay parang daluyong ng malalaking alon. Walang puwersang makahahadlang sa gawain ng Diyos! Mula nang magpakita ang Makapangyarihang Diyos at magsimula ang Kanyang gawain, hindi na tumigil ang pamahalaang CCP sa pagpapahirap nito sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Walang-humpay nitong hinahanap si Kristo ng mga huling araw at ang mga tagasunod ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos, at malupit na pinahihirapan ang mga piniling tao ng Diyos, sa pagtatangkang buwagin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tumawag na ito ng maraming biglaang pulong para planuhin kung paano bubuwagin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sumulat at naglabas na ito ng maraming lihim na dokumento at gumamit ng iba’t ibang paraan na hamak at napakasama: nagpapaskil sila ng mga pabatid sa lahat ng dako, naglalabas sila ng mga pampublikong pabatid, gumagamit sila ng telebisyon, radyo, mga pahayagan, Internet, at iba pang media para walang habas na magtahi-tahi ng tsismis, paninira at istorya, para siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; sapilitan nilang tinuturuan ang mga tao ng masasamang turo at kamalian, at nagsasagawa sila ng masasamang propaganda at pagtitipon; ginagamit nila ang Three-Self Church para mamahala at manupil, nagpapadala sila ng mga espiya para hayagang magsiyasat at lihim na mag-usisa, sinusupil nila ang mahihirap, iniuutos nilang subaybayan ang mga kapitbahay, at hinihikayat nila ang mga tao na magsumbong sa pamamagitan ng pangangako ng malaking pabuya; nagsasagawa sila ng di-makatwirang pagsisiyasat sa bahay ng mga tao, hinahalughog ang bahay nila at kinukumpiska ang kanilang ari-arian, nangingikil sila ng pera sa pamamagitan ng mga multa at nagpapayaman sa madayang paraan; lihim nilang inaaresto ang mga piniling tao ng Diyos, pinipigilan at ikinukulong sila at puwersahang pinagtatrabaho sa mga kampo kung kailan nila gusto, pinagkukumpisal ang mga tao sa pamamagitan ng mga pahirap, paghagupit sa katawan at isipan, at pagbugbog sa mga tao hanggang sa mamatay nang hindi napaparusahan; gumagamit pa ng mga armadong pulis at sundalo para sugpuin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos; at kung anu-ano pa. Walang habag na dinakip at pinahirapan ng pamahalaang CCP ang mga Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—ang mga piniling tao ng Diyos, para pagdusahin sila sa walang-konsiyensyang pagnanakaw sa kanilang ari-arian at pisikal at espirituwal na pagdurusa at paghihirap, at maraming kamatayan. Ang mga kilos ng pamahalaan ay kakila-kilabot. Ayon sa dokumento, di-kukulangin sa pitumpung Kristiyano hanggang Hulyo 2018 ang inusig na humantong sa kamatayan. Halimbawa: Si Xie Yongjiang (lalaki, 43-taong-gulang), isang Kristiyano sa Bayan ng Wugou sa Suixi County, Probinsya ng Anhui, ay lihim na dinakip nang maaga ng mga lokal na pulis noong Abril 30, 1997 at inabuso hanggang sa mamatay. Noong Mayo 10, nang makita ng pamilya ni Xie ang kanyang katawan sa crematorium, lamog na lamog ang buong katawan niya at may bahid ng dugo, at marami siyang sugat sa ulo na ikinamatay niya. Si Ye Aizhong (lalaki, 42-taong-gulang), isang Kristiyano ng Shuyang County, Probinsya ng Jiangsu, ay dinakip ng mga pulis ng CCP noong Marso 26, 2012 habang bumibili ng mga gamit para sa Iglesia. Sa ikatlong araw, binugbog siya hanggang sa mamatay. Si Jiang Guizhi, isang Kristiyano sa Distrito ng Qinghe sa Pingyu County, Probinsya ng Henan (babae, 46-taong-gulang, na noon ay isang nakatatandang pinuno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos), ay lihim na dinakip at ikinulong ng mga pulis na CCP noong Enero 4, 2013 sa Lungsod ng Xinmi, Probinsya ng Henan. Nagtalaga ng ilegal na hukuman ang mga pulis at gumamit ng pagpapahirap para paaminin siya. Maaga pa noong umaga ng Pebrero 12, namatay si Jiang dahil sa pisikal na pang-aabusong ginawa sa kanya ng mga pulis… Bukod pa riyan, libu-libong iba pang mga Kristiyano ang dinakip at ikinulong ng mga pulis na CCP. Ang ilan ay ininiksyunan ng droga at sa dakong huli ay nagkaroon ng schizophrenia; ang ilan naman ay nalumpo dahil sa pagpapahirap kaya hindi na nila maalagaan ang kanilang sarili; ang ilan pa ay ikinulong at puwersahang pinagtrabaho sa mga kampo, at matapos silang pawalan, ay sinubaybayan ng pamahalaang CCP at pinagkaitan ng personal na kalayaan. Ayon sa tantiya ng estadistika, sa dalawang maiikling taon mula 2011 hanggang 2013, 380,380 ng mga piniling tao ng Diyos ang dinakip at ikinulong ng pamahalaang CCP sa Mainland China. Sa mga taong ito, 43,640 ang nagdusa ng lahat ng uri ng pagpapahirap habang nasa ilalim ng ilegal na interogasyon; 111,740 ang pinaratangan ng iba’t ibang kaso at lantarang pinagmulta o kinikilan ng mahigit 243,613,000 RMB; 35,330 ang hinalughog at pinagnakawan ang mga bahay, at di kukulangin sa 1,000,000,000 RMB (kabilang na ang mga handog sa iglesia at mga personal na pag-aari) ang kinumpiska nang sapilitan at walang dahilan ng mga departamento ng pampublikong seguridad at ng kanilang mga tauhan o ibinulsa ng mga pulis. Pagdating sa pagdakip at pagpapahirap ng pamahalaang CCP sa mga Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, tinantiya lamang ang estadistikang ito, at pagdating sa lahat ng Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bahagi lang ito ng problema. Katunayan, mula nang simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain, hindi na mabilang ang mga Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang dinakip, pinahirapan, naglaho, o sinubaybayan ng pamahalaang CCP. Ginamit nito ang lahat ng malulupit na paraan para madugong supilin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at napuno ng sindak ang mga tao sa Mainland China. Dagdag pa rito, siniraang-puri, isinumpa, at inatake rin ng lahat ng denominasyon at sekta Ang Iglesia. Humantong ito kaagad sa laganap na mga tsismis at pagbuhos ng lahat ng klase ng paninira, pang-aabuso, at pagsumpa. Ang buong lipunan at buong komunidad ng mga relihiyoso ay napuno ng lahat ng uri ng masasamang propaganda. Ang pagkalaban ng mga tiwaling sangkatauhan sa tunay na Diyos at pag-uusig sa tamang daan ay umabot na sa sukdulan.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatuloy na lumago sa harap ng marahas na pagkondena at pag-uusig ng pamahalaan ng CCP at ng relihiyosong komunidad
Dahil pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, hindi tumigil ang Diyos kailanman sa Kanyang plano sa pamamahala na iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, hindi alam ng sangkatauhan ang katotohanan, ni hindi nila kilala ang Diyos. Dahil dito, tuwing magkakatawang-tao ang Diyos upang magsimula ng bagong gawain, inaayawan at pinapahirapan Siya ng mga may kapangyarihan at mga relihiyosong grupo. Dalawang libong taon na ang nakararaan, nang maging tao si Jesus, pinahirapan at dinakip Siya ng pamahalaang Romano at mga Judio, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, nang ang Diyos na naging tao ay magbalik sa China para gawin ang gawain ng paghatol, malupit Siyang pinahirapan at hinanap ng pamahalaang CCP, at isinumpa, pinagbintangan, hinatulan, at tinanggihan ng lahat ng denominasyon at sekta ng Kristiyanismo. Malinaw na tanda ito ng katiwalian at kasamaan ng tao. Mawawari natin kung gaano kahirap para sa Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa gayong kuta ng mga demonyo, kung saan makapal ang itim na mga ulap at may kapangyarihan ang mga diyablo. Magkagayunman, ang Diyos ay makapangyarihan, at may pinakamataas na awtoridad at kapangyarihan. Gaano man kalaganap ang mga puwersa ni Satanas, gaano man nila labanan ang mga pag-atake at gaano man sila umatake, wala silang mapapala. Sa loob lamang ng 20 taon, lumaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa buong Mainland China sa ilalim ng matinding panunupil. Ilang daang libong iglesia ang sumulpot sa buong bansa at milyun-milyong katao ang nagpailalim sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Halos biglang namanglaw ang lahat ng relihiyon at sekta, sapagkat narinig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos, at nagsibalik na sila sa pagsunod sa tinig, nagpatirapa sa harapan ng Diyos, at personal na nadiligan at napatnubayan ng Diyos. Natupad nito ang propesiya sa Biblia na “lahat ng bansa ay pupunta doon.” Hindi maiiwasan na lahat ng tunay na naniniwala sa Diyos ay babaling sa Makapangyarihang Diyos sa huli, dahil naiplano at naitalaga na ito ng Diyos noon pa man. Walang makakapagbago nito! Yaong mga huwad ang paniniwala na ang pananampalataya sa Diyos ay para lamang makakain sila ng tinapay, at yaong iba’t ibang mga kaaway na gumagawa ng masama, na nilalabanan at hinuhusgahan ang Makapangyarihang Diyos ay inalis nang lahat ng gawain ng Diyos. Ang buong komunidad ng mga relihiyoso ay lubos nang sinira at binuwag ng gawain ng Diyos. Sa wakas ay natapos na nang maluwalhati ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Sa loob ng panahong ito, sa kabila ng galit na galit na paglaban at madugong panunupil ng pamahalaang CCP, lumaganap pa rin nang simbilis ng kidlat ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Bigo ang masamang balak ng CCP na alisin at buwagin ang gawain ng Diyos. Lahat ng puwersa ng kasamaan na lumalaban sa Diyos ay lubos na napuksa at nabuwag sa gitna ng makahari at mabagsik na paghatol ng Diyos. Tulad nga ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” (mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng Ang Pagbikas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) “Nahuhubog ang kaharian Ko sa buong sandaigdigan, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng trilyun-trilyong mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Ipagpapatuloy Ko ang Aking gawain, maghahari Akong pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!” (mula sa “Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas” ng Ang Pagbikas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Habang lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, lalong lumalaki Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at walang-tigil na dumarami ang bilang ng mga naniniwala. Ngayon, lumalago ito nang higit kaysa rati. Ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos—ang Cristo sa mga huling araw—ay lumaganap na simula noon sa libu-libong sambahayan, at parami nang parami ang tumatanggap dito. Naipamalas ng salita ng Diyos ang pinakamataas na awtoridad at kapangyarihan nito. Lubos na pinatutunayan ng di-maikakailang katotohanang ito na “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos!”
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isinilang at nagpapatuloy na umunlad mula sa gawain at pamumuno ng salita ng Diyos
“Sa simula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jhn 1:1) Sa simula, nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng naroon sa salita, at inakay ang sangkatauhan sa salita. Sa mga huling araw, isinasakatuparan din ng Diyos ang lahat sa salita. Ang pagka-perpekto ng mga piniling tao ng Diyos at ang pagsasakatuparan ng kaharian ni Cristo ay kapwa makakamit sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Sa gayon, walang pambihira sa kung paanong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagmula sa gawain ng Diyos sa salita, nabuo sa patnubay ng salita ng Makapangyarihang Diyos, at, higit pa riyan, lumalago sa kabila ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng pamahalaang CCP at ng galit na galit na pagtuligsa at paglaban ng mga puwersa ng anticristo sa mga relihiyosong grupo. Lubos na ipinamamalas nito ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Diyos. Masasabi na, kung hindi sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, wala sana Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at kung hindi sa mga salitang ipinahayag ng Diyos, wala ring Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngayon, dinidiligan at pinakakain Niya ang Kanyang mga piniling tao ng milyun-milyong salitang ipinapahayag Niya, at lahat ng tumanggap sa Kanyang gawain ay nagtatamasa ng patnubay ng Kanyang mga salita at nararanasan ang Kanyang gawaing iligtas ang tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa takbuhan ng mga tao nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang “sanggol” na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan -sa -lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!” (mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Natanggap ng mga piniling tao ng Diyos ang dakilang kaligtasan dahil sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa wakas ay natapos din nang maluwalhati ang gawain ng Diyos sa Mainland China. Ngayo’y pinalalaganap ng mga piniling tao ng Diyos ang Kanyang salita at pinatototohanan ang Kanyang mga gawa sa bawat bansa at lugar. Ang salita ng Diyos ay lalaganap sa buong mundo, at di-maglalaon ay magpapakita Siya sa madla sa lahat ng bansa at lahat ng tao. Hinding-hindi pinangarap ng mga tao ng bawat bansa at lugar na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos na ang Diyos na pinananabikan nilang magpakita sa madla ay lihim nang bumaba sa China at nagsagawa ng isang yugto ng gawain ng pananakop at pagliligtas.
Lahat ng masasamang puwersa na kumokondena at lumalaban sa Makapangyarihang Diyos ay sasalubungin ang mga sumpa at pagwasak ng Diyos
Sa mga huling araw, kapag malapit nang magwakas ang kapanahunan, ang Diyos ay nagkakatawang-tao at lihim na bumababa sa tinitirhan ng malaking pulang dragon, ang engrandeng pagtitipon ng mga pinunong diktador: China, ang matibay na balwarte ng ateismo. Sa Kanyang iba’t ibang karunungan at kapangyarihan, nilalabanan ng Diyos si Satanas at isinasagawa ang pangunahing gawain sa Kanyang plano sa pamamahala—ang masusing pagkatalo ni Satanas at ang kaligtasan ng buong sangkatauhan. Subalit dahil sa mga maling paratang, pagtuligsa, kasinungalingan, at paninira ng CCP na nasa kapangyarihan, marami sa mga hindi nakakaalam sa totoong mga pangyayari ang talagang naniniwala sa mga sabi-sabi ng CCP. Ang mga relihiyosong grupo, lalo na, ay patuloy na tumutuligsa at lumalapastangan sa pagdating ng Diyos kahit sa panahong ito, at lubos silang pumapanig sa pamahalaang CCP na walang kinikilalang Diyos para labanan ang gawain ng Diyos. Nakapanlulumo! Hindi inaasahan ng mga taong ito kailanman na ang Makapangyarihang Diyos, ang Isa na kanilang nilalabanan, ang mismong nagbalik na Panginoong Jesus. Kapag nagpakita sa madla ang Diyos, mag-iiyakan lang sila habang nagngangalit ang mga ngipin at binabayo ang kanilang dibdib. Lubos nitong tinutupad ang mga salita sa Aklat ng Pahayag, “Narito, dumarating siya sa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng mga umulos sa kaniya; at mananaghoy ang lahat ng angkan sa lupa dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa” (Rev 1:7). Sa wakas ay nagsimula na ang paghatol ng dakila at puting luklukan! Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa kaharian, ang hindi mabilang na mga bagay-bagay ng paglikha ay nagsimula upang pasiglahin at mabawi ang kanilang buhay. Dahil sa mga pagbabago sa lagay ng lupa, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupa at ng isa pa ay nagsimulang lumipat. Noong una, Aking hinulaan: Kapag ang lupa ay nahati mula sa lupa, at ang lupa ay maging-isa sa lupa, ito ang panahong wawasakin Ko ang mga nasyon nang pira-piraso. Sa oras na ito, babaguhin Ko ang lahat ng paglikha at paghihiwalayin ang buong sansinukob, sa gayong paraan ilalagay sa kaayusan ang sansinukob, babaguhin ang kanyang lumang estado patungo sa bago. Ito ang Aking plano. Ito ang Aking mga gawa. Kapag ang mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibigay ito sa mundo ng tao, kaya’t, salamat sa Akin, ito ay mapupuno nang walang kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga ito:
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng Isang Banal na nakasakay sa ‘puting ulap’. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.” (mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng Ang Pagbikas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Sa kasaysayan ng sangkatauhan, nakikita natin kung paano nililipol ng Diyos ang lahat ng puwersa ng kasamaan na garapalang nilalabanan ang Diyos at galit na galit na nilalabanan ang Diyos. Apat na libong taon na ang nakararaan, dahil sa mabibigat nilang kasalanan, ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra ay tinupok ng apoy at asupre na ipinadala ng Diyos mula sa langit. Ang Imperyong Romano ay nawasak din ng mga kalamidad na ipinadala ng Diyos dahil sa paglaban at pagtuligsa nito sa Panginoong Jesus at sa pagpapahirap nito sa mga Kristiyano. Sa mga huling araw, anumang puwersa ng kasamaan na tumutuligsa at lumalaban sa Diyos ay susumpain ng Diyos at tiyak na pupuksain Niya. Ito mismo ang matuwid na disposisyon ng Diyos!
Ang Makapangyarihang Diyos ay nakagawa ng isang grupo ng mananagumpay sa Tsina, at ang ebanghelyo ng kaharaian ay mabilis na lumalaganap sa mga bansa sa buong mundo
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. … Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob” (mula sa “Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas” ng Ang Pagbikas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) “Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong makapagdadala ng patotoo sa Diyos ay makakatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging ang pangkat na maiiwan sa katapus-katapusan, na nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagdadala ng patotoo sa Diyos. Marahil silang lahat na mga kasama ninyo ay maaaring maging kasapi ng pangkat na ito, o marahil kalahati lamang, o kaunti lamang—depende sa inyong kalooban at inyong paghahabol.” (mula sa “Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Ang salita ng Diyos ay maisasakatuparan, at yaong naisakatuparan ay magtatagal magpakailanman. Ang hinaharap ng kaharian ay maningning at kahanga-hanga! Nakabuo na ang Makapangyarihang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa Mainland China. Naisakatuparan na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw! Ngayon, ang unang gawaing ginawa ng Diyos noong lihim Siyang dumating sa China ay natapos nang maluwalhati, at di-maglalaon ay magpapakita Siya sa madla sa lahat ng bansa at lugar. Ang mga piniling tao ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang grupo ng mga mananagumpay na binuo ng Diyos sa China. Binabalikat ang banal na misyon, pinatototohanan nila ang gawain ng Diyos at ipinapahayag ang banal na pangalan ng Diyos sa lahat ng bansa at lugar. Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis na lumalaganap sa buong mundo. Ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay makukuha nang libre sa Internet para hanapin at siyasatin ng lahat ng bansa at lugar. Walang mangangahas na magkaila na ito ang mga salita ng Diyos, at walang mangangahas na magkaila na ito ang katotohanan. Parami nang parami ang mga taong nauuhaw sa katotohanan at nasasabik sa liwanag na naghahanap at nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ang mga sangay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naitatag sa maraming malalaking bansa at mga rehiyon sa buong mundo habang parami nang parami ang mga taong bumabalik sa Makapangyarihang Diyos. Unti-unting namumulat ang sangkatauhan sa salita ng Diyos, at natatanggap at nalalaman na nila ang katotohanan. Ang salita ng Diyos ay aakay sa buong sangkatauhan at magsasakatuparan ng lahat ng bagay. Lahat ng tao na tunay na naniniwala sa Diyos at naghahanap ng tamang daan ay tiyak na babalik sa Diyos at magiging masunurin sa harapan ng Kanyang luklukan, at malalaman ng buong sangkatauhan na dumating na ang Diyos, at nagpakita, at ang Kanyang pangalan ay tiyak na magiging dakila sa buong sangkatauhan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento