Salita ng Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga tao, at iyong mga naglilingkod. Ipinapalagay Ko ang mga pagkakaibang ito alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag pinagbukud-bukod ang lahat ng tao ayon sa uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naging malinaw, aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang nararapat na lugar sa gayon ay maaari kong matanto ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, aking tinatawag ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay tatanungin Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan o parurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga nagawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.
Ako ay nakatira ngayon sa mundo at namumuhay kasama ang mga tao. Ang lahat ng mga tao ay nakararanas ng Aking gawain at sinusubaybayan ang Aking salita, at dahil dito Aking ipagkakaloob ang lahat ng mga katotohanan sa bawat isa sa Aking mga tagasunod upang sila ay tumanggap ng buhay na mula sa Akin at sa gayon ay magkaroon ng daan na susundin. Sapagka’t ako ay Diyos, Tagapagbigay ng buhay. Sa panahon ng Aking maraming taon ng gawain, ang tao ay tumanggap ng marami at marami din ang ibinigay, ngunit ipinapahayag Ko pa rin na ang tao ay hindi tunay na naniniwala sa Akin. Sapagka’t ang tao ay basta na lamang kumikilala sa panlabas, na ako ang Diyos, at hindi sumasang-ayon sa katotohanan na aking ipinapahayag, lalo na hindi isinasagawa ang katotohanan na Aking hinihingi sa kanya. Ibig sabihin nito na kinikilala lamang ng tao ang pagkakaroon ng Diyos, ngunit hindi ang katotohanan; kinikilala lamang ng tao ang pagkakaroon ng Diyos, ngunit hindi ang buhay; kinikilala lamang ng tao ang pangalan ng Diyos, ngunit hindi ang Kanyang diwa. Dahil sa kanyang sigasig, ang tao ay kasuklam-suklam sa Akin. Sapagkat gumagamit lamang ang tao ng mga salitang nakalulugod sa tainga upang linlangin Ako, at walang sumamba sa Akin nang may tapat na puso. Ang inyong mga salita ay nagtataglay ng tukso ng ahas. At ang inyong mga salita ay sukdulang mapagmataas, na parang arkanghel ang naghayag ng mga ito. Higit pa rito, ang inyong mga gawa ay pawang malata; ang inyong walang habas na mga nais at mapag-imbot na intensyon ay hindi kanais-nais na marinig. Kayong lahat ay naging mga gamu-gamo sa Aking bahay at mga bagay ng Aking pagkamuhi at pagtanggi. Dahil walang sinuman sa inyo ang nagmamahal sa katotohanan, tanging mga tao lamang na pumapabor sa biyaya, na nais umakyat sa kalangitan, kung saan kalugod-lugod sa inyo na makita ang kadakilaan ni Kristo gamit ang Kanyang kapangyarihan sa lupa. Naisip niyo ba kung paano ang isang taong tulad ninyo na sukdulang naging masama, na hindi nakakaalam kung ano ang Diyos, ay maaaring maging karapat-dapat na sumunod sa Diyos? Papaano kayo makakaakyat sa langit? Paano kayo magiging karapat-dapat na masaksihan ang hindi pa nagaganap na kagandahan ng kadakilaan? Ang inyong mga bibig ay puno ng mga salita ng panlilinlang at masasamang salita, ng pagkakanulo at kapalaluan. Kailan man ay hindi kayo nagsalita ng katapatan at kabanalan sa Akin, ni hindi man mga salita na nakaranas ng Aking salita at pagsunod sa Akin. Anong pananampalataya ito? Ang inyong mga puso ay puno ng mga pagnanais at kasaganaan; ang inyong mga pag-iisip ay puno ng mga bagay na materyal. Araw-araw, kinakalkula ninyo kung paano makakakuha sa Akin, sinusuri kung gaano karaming kayamanan at kung gaano karaming mga materyal na bagay ang inyong nakuha mula sa Akin. Araw-araw, ay mas lalo kayong naghihintay ng mas maraming biyayang bumaba sa inyo nang sa gayon ay masiyahan kayo sa mas malalaki at kaaya-ayang mga bagay. Iyon ang nasa inyong mga isipan sa bawat sandali at hindi Ako o ang katotohanan na nagmumula sa Akin, sa halip ang inyong asawang lalaki (asawang babae), mga anak na lalaki, mga anak na babae, o kung ano ang kinakain ninyo at isinusuot, at kung paano kayo masisiyahan sa mas mahusay, mas malaking katiwasayan. Kahit pa lamnan ninyo ang inyong sikmura hanggang sa mapuno ito, hindi ba’t kahit kaunti ay wala pa rin kayong pinagkaiba sa isang bangkay? Kahit pa palamutian ninyo nang maluwalhati ang inyong anyo, hindi ba’t wala pa rin kayong pinagkaiba sa isang naglalakad na bangkay na walang buhay? Nagpapakahirap kayo alang-alang sa kapakanan ng inyong sikmura hanggang sa tubuan na kayo ng puting buhok, subalit wala man lang handang magsakripisyo ng kahit isang hibla man lang ng kanyang buhok para sa Aking gawain. Naglalakbay kayo, nagpapakahirap, at sinusunog ang inyong utak para sa inyong laman, at ang inyong mga anak na lalake at babae, gayon ma’y wala man lamang nag-alala tungkol sa o nag-isip kung ano ang nasa Aking puso at isipan. Ano ang nais ninyong makuha sa Akin?
Hindi ako kailanman nagmamadali sa Aking gawain. Gaano man Ako sundin ng tao, gagawin Ko ang Aking gawain alinsunod sa bawat hakbang, tulad ng sa Aking plano. Bagaman maaaring ikaw ay maghimagsik nang lubos laban sa Akin, hindi ko inihihinto ang Aking gawain at patuloy na binibigkas ang salitang nais Ko. Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng aking itinalaga upang makinig sa Aking salita, at pagkatapos ay ilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Ang mga taong ipinagkanulo ang Aking salita, mga taong hindi sumunod at nagpasakop sa Akin, at mga taong hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan. Ang lahat ng mga tao ay namumuhay sa katiwalian at sa ilalim ng kamay ng kasamaan, kaya hindi madami sa mga taong sumusunod sa Akin ang talagang nagnanais ng katotohanan. Ibig sabihin, hindi sumasamba ang karamihan sa Akin nang may tapat na puso o sa katotohanan, ngunit sinusubukang kunin ang Aking tiwala sa pamamagitan ng katiwalian, paghihimagsik, at mga hakbanging mapanlinlang. Dahil sa kadahilanang ito kaya ko sinasabi na, “Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang.” Ang lahat ng mga tinatawag ay labis ang katiwalian at namumuhay sa parehong panahon, ngunit ang mga taong pinili ay ang bahagi lamang niyon na naniniwala sa at tinatanggap ang katotohanan at isinasabuhay ang katotohanan. Ang mga taong ito ay isa lamang napakaliit na bahagi ng kabuuan, at mula sa mga taong ito Ako ay makatatanggap ng higit pang kaluwalhatian. Sukatin batay sa mga salitang ito, alam niyo ba kung kayo ay kabilang sa mga hinirang? Ano ba ang inyong magiging katapusan?
Aking nabanggit na ang mga sumusunod sa Akin ay marami ngunit ang mga nagmamahal sa Akin nang taos puso ay kakaunti. Marahil sasabihin ng ilan na, “Magsasakripisyo ba ako nang sobra kung hindi Kita minahal? Susunod ba ako sa Iyo kung hindi Kita minahal?” Katunayan marami kang mga dahilan. Ang iyong pagmamahal, sa katunayan, ay totoong dakila, ngunit ano ang pinakadiwa ng iyong pagmamahal para sa Akin? Ang pag-ibig kung paano ito tawagin, ay tumutukoy sa isang dalisay na damdamin na walang kapintasan, kung saan ginagamit mo ang iyong puso upang magmahal, makiramdam, at maging maalalahanin. Sa pag-ibig walang mga kondisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pag-ibig walang pagsuspetya, walang daya, at walang katusuan. Sa pag-ibig walang distansya at walang marumi. Kung nagmamahal ka, hindi ka nanlilinlang, nagrereklamo, nagkakanulo, nagrerebelde, nangunguha, o humihiling na tumanggap ng anumang bagay o isang tiyak na halaga. Kung nagmamahal ka, malugod kang nagsasakripisyo, nagtitiis sa kahirapan, at kaayon sa Akin kung gayon. Isusuko mo ang lahat ng iyo para sa Akin: ang iyong pamilya, ang iyong hinaharap, ang iyong kabataan, at ang iyong kasal. Kung hindi, ang iyong pag-ibig ay hindi tunay na pag-ibig, ngunit panlilinlang at pagkakanulo! Anong uri ng pag-ibig ang nasa iyo? Ito ba ay tunay na pag-ibig? Ito ba ay huwad? Gaano ba ang iyong naisuko? Gaano ba ang iyong naisakripisyo? Gaano ba ang pag-ibig na pakikinabangin Ko mula sa iyo? Alam mo ba? Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagkakanulo, at panlilinlang. Samakatuwid, gaano karaming hindi dalisay na pag-ibig ang nasa inyo? Naniniwala kayong isinuko na ninyo ang sapat para sa Akin; naniniwala kayo na ang inyong pagmamahal para sa Akin ay sapat, nguni’t bakit ang inyong mga salita at kilos ay lagi pa ring nagdadala ng paghihimagsik at panlilinlang? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo kinikilala ang Aking salita. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit tinatakwil ninyo Ako. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo nagtitiwala sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo matanggap ang Aking presensya. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit hindi ninyo Ako tinuturing na talagang Ako, at gumagawa ng mga bagay na mahirap para sa Akin sa bawat pagbaling. Maituturing ba ito na pag-ibig? Sumusunod kayo sa Akin, ngunit itinuturing ninyo Ako na hangal at nililinlang Ako sa bawat bagay. Maituturing ba ito na pag-ibig? Naglilingkod kayo sa Akin, ngunit hindi kayo takot sa Akin. Maituturing ba ito na pag-ibig? Tinututulan ninyo Ako sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay. Maituturing ba ang lahat ng ito na pag-ibig? Kayo ay nag-sakripisyo nang malaki, ito ay totoo, gayon pa man hindi ninyo kailanman isinabuhay kung ano ang hinihiling ko sa inyo. Maaari ba itong ituring na pag-ibig? Ipinapakita ng maingat na pagbalik-tanaw na wala kahit isa man lang hiwatig ng pag-ibig para sa Akin ang nasa inyo. Pagkatapos ng maraming taon na ito ng gawain at sa dami ng mga salitang ibinigay ko, gaano ba karami ang aktwal niyong tinanggap? Hindi ba ito nangangailangan ng isang maingat na pagbalik-tanaw? Kayo ay aking pagsasabihan: Yaong Aking tinawag ay hindi ang mga taong hindi naging masama, ngunit ang mga pinili ko ay ang mga taong tunay na nagmamahal sa Akin. Samakatuwid, dapat kayong maging mapagmatiyag sa inyong mga salita at gawa, at suriin ang inyong mga intensyon at saloobin nang sa gayon ay hindi ito lumampas sa linya. Sa panahon ng katapusan, gawin ang inyong buong makakaya na iharap ang inyong pag-ibig sa Aking harapan, kung ayaw ninyong huwag nang humupa ang Aking poot sa inyo!
Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan
Ang pinagmulan:Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang
Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento