Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Himno ng Salita ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
IAng gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
II
Di-pananatilihin ng Diyos parehong gawain;
lagi itong nagbabago, laging bago.
Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos
at laging paggawa ng bagong gawain sa'yo.
Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos;
ang susi'y nasa "nakakamangha," "nakakamangha" at "bago."
"Di-nagbabago ang Diyos, Siya'y laging Diyos."
Ito'y kasabihang tunay at totoo.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
III
Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos,
para sa di-alam ang gawain ng Banal na Espiritu,
at kakat'wang tao na katotohana'y di-alam,
hahantong silang kalaban ng Diyos.
Kakanyahan ng Diyos kailanma'y di-magbabago;
Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma'y di-Satanas.
Ngunit di-nangangahulugang gawain Niya'y di-nagbabago,
at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan.
Sinasabi mong Diyos kailanma'y di-nagbabago,
ngunit pa'no mo ipapaliwanag ang "kailanma'y di-luma, laging bago, laging bago"?
Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago,
Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento