Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Pebrero 3, 2018

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus

2.Salita ng Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.


      
     Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehovah ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Kristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Kristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehovah; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya sa kasalukuyan, kinakain at iniinom pa rin ng mga tao ang mga salita ni Jehova, at ikinakapit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi mo ba sinusunod ang patakaran? Hindi ka ba naiipit sa nakaraan? Sa kasalukuyan, nababatid mo na ang mga huling araw ay dumating na. Kapag si Jesus ay dumating, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga tao ng Israel na ang isang Mesias ay darating, ngunit nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesias kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at na Siya ay darating kagaya nang sa Siya ay umalis. Ang mga ito ay mga salita ni Jesus, ngunit nasaksihan mo bang umalis si Jesus? Kaya si Jesus ay umalis sa isang puting ulap ngunit personal ba Siyang babalik sa gitna ng tao sa isang putting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehovah at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehovah, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakayang pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, ngunit paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro? Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

     Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bagong Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila ipapako Siya magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba’t binibigyang kahulugan nila ang Diyos? Kung Siya ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga lalaki, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga babae. Kung gayon, paniniwalaan ng mga lalaki na ang Diyos ay mayroong kaparehong kasarian gaya ng mga lalaki, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga lalaki—at paano naman ang sa mga babae? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, kung gayon lahat silang iniligtas ng Diyos ay magiging mga lalaki kagaya Niya, at walang magiging kaligtasan para sa mga babae. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, ngunit kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang larawan. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga lalaki—Siya ay Diyos din ng mga babae. Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya ang mas marami sa Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging habag at pag-ibig sa panahon ni Jesus. Yamang mayroon Siyang bagong gawain, ang bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang- tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makibahagi ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao. Kasabay nito, nakumpleto na rin ng Diyos ang gawain ng Diyos bilang Diyos ng kapwa mga lalaki at mga babae, at natamo na ang kabuuan ng Kanyang gawain sa laman. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat bagong kapanahunan. Simula nang dumating na ang mga huling araw, isasagawa Niya ang mga gawain ng mga huling araw, at ibubunyag ang Kanyang buong disposisyon sa mga huling araw. Ang mga huling araw ay nakahiwalay na kapanahunan, iyon ay kung saan sinabi ni Jesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong kapanahunan at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kanyang disposisyon ay mahabagin at mapagmahal, at mahal Niya ang mga tao gaya ng Kanyang sarili, at naghahandog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi sila kailanman kinasusuklaman, gayon magagawa ba Niyang maisakatuparan ang Kanyang gawain? Nang dumating si Jesus, ipinako Siya sa krus, at inialay Niya ang Kanyang sarili para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang sarili sa harap ng altar. Naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan nito, kaya ano ang magiging layunin ng pag-uulit sa mga gawain ng kapanahunang iyon sa mga huling araw? Hindi ba’t ang paggawa ng parehong bagay ay isang uri ng pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi isinagawa ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus kapag Siya ay nakarating sa yugtong ito, ngunit Siya ay nanatiling mahabagin at mapagmahal, makakaya ba Niyang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan? Makakaya bang wakasan ng mahabagin at mapagmahal na Diyos ang kapanahunan? Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
     mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehovah” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehovah, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehovah, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na Akong kinilala bilang Jehovah. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehovah o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng mga bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng mga bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.
       mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’”
      sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
   Kahit na ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang kakanyahan ng mga laman, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral para gampanan ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Kahit ano pa man, ang mga katawang-taong laman ng Diyos ay magkabahagi sa parehong kakanyahan at sa parehong pinanggalingan—ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagtanggi.
      mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos”
      sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     Ang unang pagkakataon na Ako ay dumating sa mga tao ay sa Panahon ng Katubusan. Mangyari pa, Ako ay nagmula sa pamilya ng Hudyo; samakatuwid ang unang nakakita sa pagdating ng Diyos sa lupa ay ang mga taong Hudyo. Ang dahilan kung bakit ginawa Ko ang akdang ito nang personal ay dahil nais Kong gamitin ang Aking nagkatawang-tao na laman bilang handog sa kasalanan sa Aking gawa ng pagtubos. Kaya ang unang nakakita sa Akin ay ang mga Hudyo sa Kapanahunan ng Biyaya. Iyon ay ang unang pagkakataon na Ako ay nagtrabaho sa katawang-tao. Sa Panahon ng Kaharian, Ang Aking gawa ay manlupig at gawing perpekto, kaya Ko ginawa ulit ang pagpapastol sa katawang-tao. Ito ang Aking ikalawang pagkakataon na magtratrabaho sa katawang-tao. Sa huling dalawang yugto ng gawa, ang nakasalamuha ng tao ay hindi na ang di-nakikita, di nahahawakang Espiritu, bagkus isang tao na ang Espiritu ay nagkatawang-tao. Kaya sa mata ng tao, Ako ay muling naging tao na walang hitsura at pakiramdam ng Diyos. Bukod dito, ang Diyos na nakita ng mga tao ay hindi lamang lalaki, kundi pati na rin babae, na kung saan ay pinaka-lubhang kataka-taka at nakalilito sa kanila. Oras at oras muli, ang Aking pambihirang gawa ay bumasag sa lumang paniniwalang ginawa sa napakaraming taon. Ang mga tao ay nasindak! Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw ng lahat sa Espiritu, kundi pati na rin ang tao, isang ordinaryong tao, isang di pang-karaniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi pati na rin babae. Sila ay may pagkakapareho kung saan pareho silang ipinanganak sa tao, at hindi magkapareho sa isa dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak bilang tao ngunit nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad kung saan sila ay parehong nagkatawang-tao na Diyos na ipinapatupad ang Gawa ng Diyos Ama, at hindi magkapareho sa isa na gumagawa ng gawa ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawa ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawa ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang matupad ang gawa ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay Wakas. Ang isa ay walang kasalanang laman, ang isa naman ay laman na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawa, at hindi kailanman nagkasala. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit tumira Sila sa iba’t ibang katawang-tao at parehong ipinanganak sa iba’t ibang mga lugar. At Sila ay pinaghiwalay nang ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang mga gawa ay magkasangga, hindi magkasalungat, at maaaring sambitin sa parehong hininga. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae.
     mula sa “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa”
     sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.
    mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Ako ay naniniwala na ang ating salinlahi ay biniyayaan na matahakan ang hindi natapos na landas ng mga tao sa nakaraang mga salinlahi, at magawang makita ang muling pagpapakita ng Diyos mula sa ilang libong taon na ang nakararaan—ang Diyos na nandito sa gitna natin, at pinupuno ang lahat ng mga bagay. Ang hindi mo kailanman maiisip na makakalakad ka sa landas na ito: Magagawa mo ba ito? Ang landas na ito ay tuwirang sa Banal na Espiritu, ito ay pinangungunahan ng makapitong beses na pinalakas na Espiritu ng Panginoong JesuCristo, at ito ang landas na binuksan para sa iyo ng Diyos sa kasalukuyan. Maging sa iyong guni-guni hindi mo maaaring isipin na si Jesus ng ilang libong taon na ang nakaraan ay muling magpapakita sa harap mo. Hindi ka ba nakakadama ng kaluguran? Sino ang nakakagawang makalapit sa Diyos nang harapan? Madalas Akong nananalangin para sa ating grupo na tumanggap ng lalong dakilang mga pagpapala mula sa Diyos na mangyaring kilingan tayo ng Diyos at Kanyang makamit, ngunit mayroon ding di-mabilang na mga pagkakataon na Ako ay tumangis para sa atin, hinihiling na liwanagan tayo ng Diyos, at tulutan tayong makita ang lalong dakilang mga pagbubunyag.
mula sa “Ang Landas … (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento