Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulang kahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walang patatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.
Ang bawa’t ginagawa Ko ay may dahilan; kapag “ibinubunyag” ng tao ang “katotohanan” sa Akin, sinasamahan Ko sila sa “dakong bitáyán,” dahil ang kasalanan ng sangkatauhan ay sapat upang Aking kastiguhin. Kaya’t hindi Ko bulag na kinakastigo ang mga tao; sa halip, ang Aking pagkastigo sa kanila ay laging akma sa katotohanan ng kanilang kasalanan. Kung hindi ang sangkatauhan ay hindi kailanman yuyukod at aaminin ang kanilang kasalanan sa Akin dahil sa kanilang pagkarebelde. Ang mga tao ay atubiling lahat na iyukod ang kanilang mga ulo dahil sa kasalukuyang katayuan, subali’t ang kanilang mga puso ay nananatiling hindi napapaniwala. Binibigyan Ko ang mga tao ng “barium” upang inumin, kaya’t ang kanilang mga bahagi sa loob nila ay nagpapakitang malinaw sa harap ng isang “lente”; ang karumihan at hindi-kadalisayan sa loob ng kalooban ng tao ay nananatiling hindi nabubuwag. Sari-saring uri ng dumi ang umaagos sa kanilang mga ugat, kaya’t ang lason sa loob nila ay lumalaki. Dahil ang tao ay namuhay nang ganito nang napakatagal sila ay nahirati na rito at hindi ito ipinalalagay na kakatwâ. Bilang resulta, ang mga mikrobyo sa loob nila ay gumugulang, nagiging kanilang kalikasan, at bawa’t isa ay namumuhay sa ilalim ng kanilang pagkasakop. Ito ang kung bakit ang mga tao ay gaya ng ligáw na mga kabayo, nagtatatakbo sa buong lugar. Gayunpaman, hindi nila kailanman lubos na isinusuko ito kundi tumatangô lamang upang ipakita na sila ay “napapaniwala.” Ang katotohanan ay hindi isinasapuso ng mga tao ang Aking salita. Kung ipinalalagay nila ang Aking salita bilang lunas, kung gayon sila ay “susunod sa mga utos ng doktor,” at hahayaan ang lunas na gamutin ang karamdaman sa loob nila. Gayunpaman, sa Aking puso, ang kanilang asal ay hindi kayang tuparin ang inaasam na ito, kaya’t maaari lamang Akong “kumagat sa bala,” at patuloy na magsalita sa kanila. Kung makinig man sila o hindi, ginagawa Ko lamang ang Aking tungkulin. Ang tao ay hindi handang tamasahin ang Aking mga pagpapala at mas nanaisin pang sumailalim sa pagpapahirap ng impiyerno, kaya wala Akong magagawa kundi sumang-ayon sa kanilang hiling. Gayunpaman, upang ang Aking pangalan at ang Aking Espiritu ay hindi mapahiya sa impiyerno, didisiplinahin Ko muna sila at saka “magpapasailalim” sa kanilang mga inaasam, at gawin ito upang makaranas sila ng “buong-pusong kagalakan.” Hindi Ako pumapayag na hayaan ang tao na hiyain Ako sa ilalim ng sarili Kong nasasakupan kahit kailan o kahit saan, na dahilan kung bakit dinidisiplina Ko sila nang paulit-ulit. Kung walang paninikil ng mahigpit na mga salitang Aking sinasalita, paano pang makatatayô ang tao sa harap Ko ngayon? Hindi ba ang mga tao ay umiiwas lamang sa pagkakasala dahil natatakot sila na Ako ay aalis? Hindi ba totoo na sila ay hindi dumaraing dahil lamang sa natatakot sila sa pagkastigo? Kaninong pagpapasya ang alang-alang lamang sa Aking plano? Iniisip ng lahat ng mga tao na Ako ay isang pagka-Diyos na kulang sa “kalidad ng katalinuhan,” subali’t sinong makauunawa na kaya Kong masilip ang lahat ng bagay sa sangkatauhan? Ito ay eksaktong gaya ng sinasabi ng mga tao na, “Bakit pupukpukin ang isang pako ng isang maso?” “Minamahal” Ako ng tao, hindi dahil ang kanilang pagmamahal para sa Akin ay likas, kundi dahil natatakot sila sa pagkastigo. Sino sa gitna ng mga tao ang isinilang na nagmamahal sa Akin? Sinong nagtuturing sa Akin na parang Ako ay sarili nilang puso? Kaya’t binubuo Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa gitna ng mga tao, walang isa mang nagmamahal sa Akin.
Dahil nais Kong wakasan ang Aking gawain sa lupa, minadali Ko ang lakad ng Aking gawain sa paraang ito kung hindi ay baka mapahagis nang malayo ang tao mula sa Akin, napakalayo na babagsak sila sa walang-hangganang karagatan. Dahil nasabi Ko sa kanila ang realidad ng mga bagay-bagay nang pauna kaya sila ay medyo nakaalerto. Kung hindi rito, sino ang magtataas ng layag kapag makakaharap na ang marahas na habagat at mga alon? Ang mga tao ay gumagawang lahat ng gawain ng pagbabantay. Para bang Ako ay naging isang “manloloob” sa kanilang mga mata. Sila ay natatakot na kukunin Ko mula sa kanila ang lahat ng mga bagay-bagay sa kanilang mga tahanan, kaya’t itinutulak nilang lahat ang kanilang mga “pintuan” nang buo nilang kalakasan, mamamatay-sa-takot na bigla Akong papasok. Pag nakikita Ko silang nag-aasal na parang mga dagang naduduwag, Ako ay umaalis nang tahimik. Sa guni-guni ng tao, tila ang isang “matinding kapahamakan” ay darating sa mundo, kaya’t lahat sila ay tumatakas na gulung-gulo, na halos masiraan ng ulo sa takot. Doon Ko lamang nakikita ang mga multo na naggagala sa lupa. Hindi Ko maiwasang matawa, at sa kalagitnaan ng tunog ng Aking halakhak ang tao ay nagulat at nahintakutan. Doon Ko lamang natanto ang katotohanan, kaya’t pinigil Ko ang Aking ngiti, at hindi na tumingin sa ibabaw ng lupa, sa halip ay bumabalik sa Aking orihinal na plano. Hindi Ko na ituturing ang tao bilang isang huwaran at gagawin silang mga halimbawa para sa Aking pananaliksik, sapagka’t sila ay walang iba kundi mga tirá-tirá. Sa sandaling itapon Ko sila, wala na silang anumang paggagamitan—sila ay mga pira-pirasong basura. Sa sandaling ito, buburahin Ko sila at itatapon sila sa apoy. Sa isipan ng tao, ang Aking paghatol, kamahalan, at poot ay nagtataglay ng Aking habag at mapagmahal-na-kabaitan. Nguni’t bahagya lamang nilang nalalaman na matagal Ko nang hindi pinapansin ang kanilang mga kahinaan, at matagal Ko nang binawi ang Aking habag at mapagmahal-na-kabaitan, at iyan ang kung bakit sila ay nasa katayuang kinalalagyan nila ngayon. Walang tao ang makakakilala sa Akin, ni mauunawaan man nila ang Aking mga salita o makita man ang Aking mukha, ni madama man nila ang Aking kalooban. Hindi ba ito ang kasalukuyang katayuan ng tao? Kung gayon ay paano masasabi ng isa na mayroon Akong habag o mapagmahal-na-kabaitan? Wala Akong pakialam sa kanilang mga kahinaan, at hindi Ko “isinasaalang-alang” ang kanilang mga kakulangan. Ito ba ay Akin pa ring habag at mapagmahal-na-kabaitan? At pagmamahal Ko pa rin para sa kanila? Ang mga tao ay naniniwalang lahat na sinasalà Ko ang Aking pananalitâ alang-alang sa pamantayan, kaya’t hindi sila naniniwala sa mga salitang Aking sinasalita. Nguni’t sino ang nakauunawa sa “Yamang ito ay ibang kapanahunan ang Aking habag at mapagmahal-na-kabaitan ay wala ngayon; gayunman Ako ay palaging ang Diyos na ginagawa ang Kanyang sinasabi”? Ako ay nasa kalagitnaan ng sangkatauhan, at sa mga isipan ng mga tao nakikita nila Ako bilang ang Kataastaasan, kaya’t ang tao ay naniniwala na mahilig Akong magsalita sa pamamagitan ng Aking karunungan. Sa gayon, laging may-pasubali ang tao sa Aking salita. Nguni’t sino ang makasasagap ng mga panuntunan sa likod ng Aking pananalita? Sino ang makatatarok ng mga pinagmulan ng Aking mga salita? Sino ang makatatarok sa Aking tunay na nais matupad? Sinong paunang-makakakita sa mga detalye ng kongklusyon ng Aking planong pamamahala? Sino ang magiging katiwala Ko? Sa lahat ng mga bagay, sino maliban sa Akin ang makauunawa kung ano ang eksaktong Aking ginagawa? At sinong makaaalam sa Aking sukdulang layunin?
Abril 30, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento