Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi nila ito kayang isagawa. Ang isang sanhi ay ayaw magbayad ng halaga ang tao, at ang isa pa, masyadong di-sapat ang pang-unawa ng tao; hindi niya kayang makita ang nakalipas na mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa. Sa dahilang ang tao ay may maliit na karanasan, mahinang kakayahan, at limitadong pang-unawa ng katotohanan, hindi niya kayang malutas ang mga kahirapan na kanyang nararanasan sa buhay. Siya ay naglilingkod sa salita lamang sa kanyang pananampalataya sa Diyos, gayunpaman hindi nakikita ang Diyos sa kanyang araw-araw na buhay. Sa ibang salita, ang Diyos ay Diyos, at ang buhay ay buhay, para bagang ang tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanyang buhay. Iyan ang pinaniniwalaan ng lahat ng tao. Ang ganitong pamamaraan ng pananampalataya sa Diyos ay hindi nito pinahihintulutan ang tao na Kanyang makuha at mapadalisay sa katotohanan. Sa katotohanan, hindi sa hindi ganap ang salita ng Diyos, ngunit sa halip, hindi sapat ang kakayahan ng tao upang tanggapin ang Kanyang salita. Maaaring sabihin na halos walang isa mang tao ang kumikilos ayon sa layunin ng Diyos. Sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling intensyon, naitatag na mga relihiyosong pananaw, at mga kaugalian. Kaunti ang mga sumailalim sa isang pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at magsimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nananatili pa rin sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang tao ay nagsisimulang maniwala sa Diyos, ginagawa niya ito batay sa nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikipag-ugnayan sa iba na lubusang batay sa kanyang sariling pilosopiya sa buhay. Iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Kakaunti ang mga nagpapanukala ng isa pang plano at magpanibagong simula pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Walang nagtatangi o magawang isagawa ang salita ng Diyos bilang katotohanan.
Isaalang-alang ang pananampalataya kay Jesus, bilang halimbawa. Kung ang isang tao man ay baguhan sa pananampalataya o dati ng may pananampalataya sa napaka-habang panahon, ang lahat ay ginagamit ang anumang mga talento nila at nagpapakita ng kahit anong mga kasanayang kanilang angkin. Idinagdag lang ng mga tao ang tatlong salitang "pananampalataya sa Diyos" sa normal nilang buhay, gayunman walang ginawang pagbabago sa kanilang disposisyon, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi lumago kahit katiting. Ang pagtataguyod ng isang tao ay hindi mainit o malamig. Hindi niya sinabi na hindi siya naniwala, gayunman hindi niya ibinigay ang lahat sa Diyos. Kailanman ay hindi niya totoong namamahal ang Diyos o nasusunod ang Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay kapwa tunay at pakunwari, at nagbubulag-bulagan siya at hindi masigasig sa pagsasagawa ng kanyang pananampalataya. Siya ay nagpatuloy sa isang kalagayang may kalituhan mula sa pinaka-simula hanggang sa oras ng kanyang kamatayan. Ano ang ibig sabihin nito? Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Walang dapat maging kampante kung paano ang kalagayang ng mga bagay na ito. Hindi kayo maaaring mag-dalawang-isip tungo sa gawain ng Diyos o bale-walain ito. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng larangan at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay para sa Kanyang kapakanan. At kapag nagsasalita kayo o gumawa ng mga bagay-bagay, dapat ninyong unahing ilagay ang mga interes ng tahanan ng Diyos. Tanging ito ang tumatalima sa kalooban ng Diyos.
Ang pinakamalaking pagkakamali ng tao sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay sa mga salita lamang ang kanyang pananampalataya, at hindi sa anumang paraan umiiral ang Diyos sa kanyang praktikal na buhay. Ang lahat ng tao, sa katunayan, ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subali’t ang Diyos ay hindi isang bahagi ng kanilang pang araw-araw na mga buhay. Marami sa mga panalangin sa Diyos ay mula sa bibig ng tao, ngunit ang Diyos ay may maliit na lugar sa kanyang puso, at dahil dito paulit-ulit na sinusubok ng Diyos ang tao. Sa dahilang ang tao ay hindi malinis, ang Diyos ay walang mapagpipilian kundi subukin ang tao, upang mapahiya siya at makilala ang kanyang sarili sa mga pagsubok. Kung hindi, ang mga tao ay magiging mga anak ng arkanghel, at lalong magiging tiwali. Sa panahon ng paniniwala ng tao sa Diyos, maraming mga personal na motibo at mga layunin ang matatanggal habang siya ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Kung hindi, walang tao ang maaaring gamitin ng Diyos, at walang paraan ang Diyos sa paggawa sa tao ng dapat Niyang gawin. Unang nililinis ng Diyos ang tao. Sa prosesong ito, maaaring makilala ng tao ang sarili niya, at maaari siyang baguhin ng Diyos. Pagkatapos lamang nito maaaring ibahagi ng Diyos ang Kanyang buhay sa tao, at sa ganitong paraan maaaring ang puso ng tao ay ganap na manumbalik sa Diyos. Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos. Sa landas na ito, maraming mga tao ang maaaring makapagsalita ng maraming kaalaman, ngunit sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay apaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagsayang sa isang buong buhay at namuhay nang walang halaga hanggang sa katandaan. May pang-unawa lang sila, ngunit walang pagkakataong luwalhatiin ang Diyos. Ginugol nila ang kanilang buong buhay sa pakikipaglaban at naglalakbay nang pabalik-balik, gayunman sa kanilang oras ng paghihingalo, may pagsisisi sa kanilang mga puso. Tanging sa kanilang naghihingalong mga oras marami ang natatauhan at napagtatanto ang kahulugan ng buhay. Hindi pa ba ito kung gayon masyadong huli na? Bakit hindi mo gamitin and pagkakataon at hanapin ang katotohanan na mahal mo? Bakit pa maghihintay hanggang kinabukasan? Kung sa buhay ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o hinanap na makamit ito, posible bang ninanais mong maramdaman ang pagsisisi sa iyong oras ng paghihingalo? Kung gayon, bakit pa naniniwala sa Diyos? Sa katotohanan, maraming mga bagay na kung saan ang tao, kung siya’y mag-uukol lamang ng katiting na pagsisikap, ay kayang isagawa ang katotohanan at sa gayon mapalulugod ng Diyos. Ang puso ng tao ay palagiang nilulukuban ng mga demonyo kung kaya hindi siya makakilos para sa kapakanan ng Diyos. Sa halip, siya ay palaging naglalakbay nang pabalik-balik para sa laman, at walang anumang pinakikinabangan sa katapusan. Salig sa mga kadahilanang ito ang tao ay may palagiang mga problema at paghihirap. Hindi ba ito mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba ito katiwalian ng laman? Hindi mo dapat lokohin ang Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa salita lamang. Sa halip, dapat kang gumawa ng nadaramang pagkilos. Huwag mong lokohin ang iyong sarili; ano ang kahulugan noon? Ano ang maaari mong pakinabangan sa pamamagitan ng pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pagpapagal para sa katanyagan at kapalaran?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento