Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinig. Ipakita ang lahat ng mga post

Nobyembre 21, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,

dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Oktubre 30, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

Nais kong umiyak nguni't walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni't walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama'y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay 'tinataas sa pagpupuri't galak, naparito Ka sa mundo.

Oktubre 22, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

     Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang nilalang ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit isang tao, o anumang isang nilalang, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang “gantimpala,” at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

Oktubre 9, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Oktubre 7, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!