Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na buhay.. Ipakita ang lahat ng mga post

Enero 3, 2018

Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan

I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N'ya
sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong
ito ay 'di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay 'di kayang
direktang sirain si Satanas,
Magagamit N'ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan
at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.

Enero 2, 2018

Ang Himno ng Salita ng Diyos Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao



Kidlat ng Silanganan Ang Himno ng Salita ng Diyos
Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Biblia
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao

Disyembre 27, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay


I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao'y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao'y muling mabuhay.

Disyembre 25, 2017

Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan

ongxin, Siyudad ng Yibin, Lalawigan ng Sichuan
   Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!

Disyembre 22, 2017

babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:   Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

Disyembre 17, 2017

Awit ng Pagsamba | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Awa ng Diyos sa Sangkatauhan

I
Ang "awa" ay pwedeng unawain sa iba't-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang "awa" ito'y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ito'y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito'y nagdadala ng Kanyang puso't saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.