Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na walang hanggang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na walang hanggang. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 13, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos


'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso,
Iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso.
Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.
Sa kaharia'y walang pandaraya,
walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.
Tanging kataimtiman at katapatan;
tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.
Siya'y pag-ibig, Siya ay mapag-aruga,
walang hanggang kahabagan.
Sa iyong buhay, saya'y nadarama,
kung buksan ang puso mo sa Diyos.
Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,
maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.
Makikita mo kung anong mayron at sino Siya,
kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya,
ng hapis, ng lungkot at galit,
nariyang makita ng lahat.
'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos
at anyayahan Siyang tumuloy.


mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pebrero 11, 2018

3. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo

3. Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.

       Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawa’t isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.