Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Pebrero 10, 2018

2. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig

2.Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig


       Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
     Ang layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng tao, upang sumpain ang masama, at tangi sa roon, lumulupig Ako upang gawing perpekto yaong mga may puso ng pagsunod.

      mula sa “Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
     Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. …
     … Kapag isinasagawa na Niya ang gawain ng panlulupig, hindi ka kokontrolin ng Diyos gamit ang iyong mga inaasam, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang layunin ng gawain ng panlulupig ay upang maisakatuparan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin siya sa Maylalang, at pagkatapos lamang nito siya maaaring pumasok sa kamangha-manghang hantungan.
     mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”
      sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
      Upang gawing perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng mga nilikhang nilalang. Kung ang gawain sa yugtong ito ay sangkot lamang sa paggawang perpekto sa mga tao, samakatwid maaaring gawin ito sa Inglatera, o Amerika, o Israel; maaari itong gawin sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawaing panlulupig ay may pinipili. Ang unang hakbang sa gawaing panlulupig ay panandalian; higit pa rito, gagamitin ito upang hamakin si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin na sinumang nilalang na naniniwala sa Diyos ay maaaring gawing perpekto dahil upang gawing perpekto ay isang bagay na makakamit lamang pagkatapos ng pangmatagalang pagbabago. Ngunit upang malupig ay naiiba. Ang uliran sa paglupig ay dapat na ang isa na naiiwan sa kahuli-hulihan, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman, gayundin ang pinakainaalipusta, ang pinaka hindi handang tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin sa Diyos. Ito ang uri ng tao na magpapatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng gawaing panlulupig ay ang pagtalo kay Satanas. Ang pangunahing layunin ng paggawang perpekto ng mga tao, sa kabilang banda, ay upang makamit ang mga tao. Ito ay upang pangyarihin na magpatotoo pagkatapos malupig na ang gawaing panlulupig ay inilagay dito, sa mga taong tulad ninyo. Ang layunin ay upang magtaglay ang mga tao ng pagpapatotoo pagkatapos malupig. Ang mga nalupig na taong ito ay gagamitin upang kamtin ang layunin na hamakin si Satanas.
   mula sa “Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay”
       sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunang ito sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling sangkatauhan. Ito ay hindi upang sabihin na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang pagkaintindi ng tao ay magkakapareho lahat, at bagamat ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon maaaring kinakalaban nila Siya. … Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig sila ay magiging isang modelo at ispesimen at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano sa pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan—sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
    mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
       Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
    mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan”
      sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao 

 Mula sa Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos (Mga Kinakailangan ng Bagong Mananampalataya)

Ang pinagmulan:Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento