Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Ang pagpapabuti sa kakayahan ng mga tao ay nangangailangan na pagbutihin ninyo ang inyong kakayahang tumanggap. Ang pinakapangunahing pangangailangan sa inyo ay ang matanggap ninyo nang malinaw ang mga salita na sinasabi sa inyo. Hindi ba ito nakalilitong pananampalataya kung susundin mo Ako nang hindi nauunawaan kung ano ang Aking sinasabi? Ang inyong kakayahan ay napakababa. Ito ay dahil hindi ninyo taglay ang kakayahan na tumanggap na wala man lamang kayo ni katiting na pagkaunawa sa kung ano ang ipinahahayag. Dahil dito, napakahirap na makamit ang inaasam na mga resulta. Maraming mga bagay ang hindi maaaring sabihin sa inyo nang tuwiran at ang dating epekto ay hindi maaaring matamo. Kung gayon, ang karagdagang mga gampanin ay kailangang maidagdag sa Aking gawain. Kinakailangang ilunsad itong “pagpapataas ng kakayahan ng mga tao” na gampanin sa gitna ninyo sapagkat ang inyong mga kakayahang tumanggap, mga kakayahang makakita, at ang mga pamantayan ng inyong mga buhay ay napakababa. Ito ang kinakailangang direksyon; walang ibang pagpipilian, at ito ay kailangang gawin sa ganitong paraan upang ang isang bahagi ng mga resulta ay matamo. Kung hindi, ang lahat ng mga salitang Aking sasabihin ay mauuwi sa wala, at hindi ba kayo maaalala sa kasaysayan bilang mga makasalanan? Hindi ba kayo magiging mga mababang-uri? Ano ba ang gawaing ito na isinasagawa sa inyo? Ano ang kinakailangan sa inyo? Hindi ba ninyo alam? Kailangan ninyong malaman ang inyong sariling kakayahan; hindi nito maaabot kung ano ang Aking kinakailangan sa inyo. Hindi ba nito inaantala ang gawain? Sa inyong kasalukuyang kakayahan at ugali, walang sinuman sa inyo ang angkop na magpatotoo para sa Akin, at walang sinuman ang karapat-dapat sa gampanin nang pagpapasan sa mabigat na pananagutan ng Aking gawain sa hinaharap. Hindi ba kayo nakadarama ng labis na pagkapahiya tungkol dito? Paanong magiging posible na masapatan ang lahat ng Aking mga kahilingan kung magpapatuloy ang ganito? Dapat mong gawing ganap at kasiya-siya ang iyong buhay. Huwag mong hayaang lumipas ang panahon nang walang kabuluhan. Walang saysay ang paggawa nito. Dapat mong malaman kung anong mga bagay ang dapat isangkap sa iyo. Huwag mong ituring ang iyong sarili na isang marunong sa lahat ng trabaho. Malayo sa katotohanan! Ano ang maaaring pag-usapan kung hindi mo taglay maging ang pinakapangunahing kaalaman ukol sa sangkatauhan? Hindi ba magiging walang saysay ang lahat? Walang isa man sa gitna ninyo ang ganap na karapat-dapat kung ang pag-uusapan ay kung ano ang Aking kinakailangan ukol sa kakayahang pantao. Mahirap makahanap ng isa na karapat-dapat sa paggamit. Naniniwala kayo na kayo ay mga tao na makakagawa ng mas dakilang gawain para sa Akin at makakakuha ng isang mas malaking pagtitiwala mula sa Akin. Ang totoo, ni hindi ninyo nalalaman kung paano pasukin ang marami sa mga aral sa harap ninyo, kaya paano magiging posible na pumasok sa mas malalim na mga katotohanan? Ang inyong pagpasok ay dapat masistema. Huwag itong gawin nang walang sistema. Hindi ito magiging mabuti. Pumasok mula sa pinakamababaw na dulo—basahin ang bawat linya ng mga salitang ito hanggang sa inyong matamo ang pagkaunawa at kalinawan. Ang bawat kapatid na lalaki at kapatid na babae ay dapat makabasa man lamang. Huwag lamang susulyapan ito nang nagmamadali, at huwag gagawin nang napipilitan lamang. Karaniwan na, makapagbabasa ka rin ng ilang reperensiyang akda (gaya ng balarila o mga aklat ng retorika). Hindi kailangang magbasa ng mga aklat na nagpapasigla sa iyong isipan nang sobra (mga nobela ng pag-ibig, pornograpiya, at mga magasin, o mga talambuhay ng mga dakilang tao), na nagdudulot ng mas makakapinsala kaysa makakabuti. Dapat mong makabisa ang lahat ng dapat mong pasukin at dapat unawain. Ang layunin sa pagpapabuti ng kakayahan ay walang iba kung hindi ang tulungan ang mga tao na malaman ang kanilang sariling kakanyahan, pagkakakilanlan, kalagayan o halaga. Ano ang pangunahing bagay na dapat pasukin ng iglesia sa ibaba? Hindi ba itinataas ng mga tao ang kanilang kakayahan ngayon? Mahalagang humawak sa pagpasok na ito ng pagiging edukado; hindi ito maaring pakawalan! Ang isang aspeto ay ang dapat ninyong maintindihan kung bakit ang kakayahan ng mga tao ay dapat mapagbuti kung paanong maaaring mapagbuti ang kakayahan, at alin sa mga aspeto ang papasukin. Dapat ninyong maunawaan ang kahulugan ng normal na pagkatao, kung bakit kailangang gawin ang gawaing ito, at kung paano ito dapat magtugma. Sa pagiging edukado, aling mga aspeto ang kailangang matutunan, at kung paanong ang isa’y dapat pumasok? Dapat ninyong malamang lahat kung ano ang layunin ng pagiging edukado. Hindi ba ito upang maunawaan ang mga salita ng Diyos at pasukin ang katotohanan? Ano ang namamayaning kalagayan sa mga iglesia sa kasalukuyan? Kung hihingin ninyo sa isang tao na maging edukado, malilimutan nila ang tungkol sa pagtatamasa sa mga salita ng Diyos. Kung inyong pag-uusapan ang tungkol sa normal na pagkatao, aasikasuhin lamang nila ang paglilinis sa kanilang bahay, pagwawalis sa mga sahig o pagluluto, paglilinis ng kusina at pagbili ng mga kagamitan sa pagluluto. Aalalahanin lamang nila ang tungkol sa mga bagay na ito at hindi nalalaman kung paano normal na isabuhay ang isang pamumuhay sa iglesia. Kung hindi titingin na lamang sila ng mga salita sa diksyunaryo at matututo ng mga bagong salita, ngunit hindi na gagawa ng anuman sa buong araw. Ikaw ay lumihis kung mananatili ka sa kasalukuyang kalagayan. Kaya bakit hinihiling sa iyo na pumasok sa isang espiritwal na buhay? Ang tanging natutunan mo ay ang mga bagay na ito na hindi makakatulong sa iyong matamo kung ano ang kinakailangan sa iyo. Ang pinakamahalagang bagay pa rin ay ang pagpasok sa buhay. Ang dahilan sa paggawa sa gawaing ito ay upang lutasin ang mga paghihirap na nasasagupa ng mga tao sa kanilang mga karanasan. Ang pagpapataas ng kakayahan at pagkilala sa kalikasan ng tao at ang kakanyahan ng tao—ang pangunahing layunin sa pagkaalam sa mga bagay na ito ay upang ang espiritwal na buhay ng mga tao ay lumago at ang kanilang disposisyon ay magbago. Maaaring alam mo kung paano magbihis ng maganda at magmukhang maganda; maaaring taglay mo ang kabatiran at karunungan, ngunit sa huli, kapag dumating ang araw upang ikaw ay gumawa, hindi mo ito magagawa. Dapat mong malaman, kung gayon, kung ano ang dapat mo ring gawin habang itinataas ang iyong kakayahan. Ang baguhin ka ay layunin. Ang pagpapataas ng iyong kakayahan ay karagdagan. Hindi ito mangyayari kung ang iyong kakayahan ay hindi pinabuti. Mas lalo pang malala kung ang iyong disposisyon ay hindi mababago. Ang isa ay hindi sapat kung wala ang isa pa. Ang pagkakaroon ng normal na pagkatao ay hindi nangangahulugan na nagbabata ka ng isang umaalingawngaw na patotoo. Kung ano ang kinakailangan sa iyo ay hindi ganoon kasimple.
Kapag ang kakayahan ng isang tao ay napabuti na taglay nila ang katinuan at pamamaraan ng pamumuhay ng isang normal na pagkatao at mayroon ding pagpasok sa buhay, sa gayon lamang nila magagawang magbago at sumaksi. Kapag ang araw ng pagpapatotoo ay dumarating, mayroon ding pangangailangan na pag-usapan ang tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng tao at tungkol sa kaalaman sa Diyos sa loob. Ang pinagsama-sama lamang na dalawang mga aspeto na ito ay siyang tunay na patotoo at iyong tunay na pakinabang. Hindi ito mangyayari kung taglay mo lamang ang isang pagbabago sa pagkatao sa panlabas at walang pagkaunawa sa panloob. Hindi rin ito mangyayari kung mayroon kang pagkaunawa at katotohanan sa panloob ngunit nakakaligtaan mong isabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang gawain na isinasagawa sa iyo sa kasalukuyan ay hindi upang ipakita sa iba kundi para baguhin ka. Kailangan mo lamang bigyang-pansin ang pagbabago ng iyong sarili. Maaari kang magsulat at makinig araw-araw, ngunit hindi ito magkakabisa kung hindi ka makikisali sa ibang bahagi ng iyong buhay. Dapat kang magkaroon ng pagpasok sa bawat aspeto. Dapat kang magkaroon ng normal na buhay ng isang banal. Marami sa mga kapatid na babae ang nagdadamit gaya ng mayayamang mga binibini at ang mga kapatid na lalaki ay nagdadamit gaya ng mayayamang mga ginoo o mga panginoon, lubos na iniwala ang kabaitan ng mga banal. Isang aspeto ay ang pagpapataas sa kakayahan ng isang tao, na matatamo nang hindi sinasadya. Isa pang aspeto na pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Hindi ba ito magiging isang pagsasayang lamang ng kaalaman kung ang iyong kakayahan ay nakataas ngunit hindi ginamit sapagkat hindi ka kumain at uminom ng mga salita ng Diyos? Ang parehong mga aspeto ay dapat pagsamahin. Bakit ang kaalaman ukol sa Diyos ay binabanggit sa talakayan na kung ano ang kinakailangan sa iyo? Hindi ba ito para sa kapakanan ng mga resulta ng gawain sa hinaharap? Pagkatapos na ikaw ay lupigin, kailangan mong magpatotoo mula sa iyong sariling mga karanasan. Hindi ito mangyayari kung ang iyong panlabas na kaanyuan ay isa na may normal na pagkatao ngunit hindi mo maipahayag ang iyong mga karanasan sa pamamagitan ng iyong bibig. Kapag taglay mo ang isang normal na buhay espiritwal, dapat mong makamit ang normal na pagkatao, at maraming mga aspeto sa normal na pagkatao ay maaaring matutunan nang hindi sinasadya. Sasabihin mo ba na ang pagwawalis sa sahig ay nangangailangan ng natatanging pagsasanay? Kung kinakailangan mong gumugol ng isang oras sa pagsasanay sa paghawak ng mga chopstick para sa pagkain, ang gayon ay lalong mas hindi katanggap-tanggap! Kabilang sa normal na pagkatao ang mga aspetong ito: kabatiran, katinuan, konsiyensya, at karakter. Kung matatamo mo ang pagka-karaniwan sa bawat isa na mga aspetong ito, ang iyong pagkatao ay hanggang sa pamantayan. Dapat kang magkaroon ng pagkakahawig sa isang normal na tao at gumawi kagaya ng isang mananampalataya sa Diyos. Hindi mo kailangang magtamo ng malalaking tagumpay o makibahagi sa diplomasya. Kailangan mo lamang maging isang normal na tao, na mayroong isang normal na katinuan ng tao, magagawang makita sa pamamagitan ng mga bagay, at kahit man lang magmukhang isang normal na tao. Ang gayon ay magiging sapat na. Ang lahat ng kinakailangan sa iyo sa kasalukuyan ay nasa sa loob ng iyong mga kakayahan at hindi ka sa anumang paraan pipiliting gawin ang isang bagay na hindi mo kayang gawin. Walang mga walang kabuluhang salita o walang kabuluhang gawa ang gagawin sa iyo. Ang lahat ng kapangitang ipinahahayag o ibinubunyag sa iyong buhay ay dapat itapon. Kayo ay ginawang tiwali ni Satanas at mayroong masyadong maraming taglay na mga lason ni Satanas. Ang tanging hinihiling sa iyo ay ang alisin ang tiwali at makademonyong disposisyon na ito, hindi para ikaw ay maging isang tao na may mataas-na-ranggo, o isang sikat o dakilang tao. Ito ay walang kabuluhan. Ang gawain na ginagawa sa inyo ay naaayon sa kung ano ang likas sa inyo. Mayroong mga hangganan sa kung ano ang Aking kinakailangan sa tao. Kung ang mga tao sa kasalukuyan ay nakakamukhang lahat ng mga kadreng Tsino, at isinasagawa ang tono ng boses ng mga kadreng Tsino, nagsanay sa paraan ng pagsasalita ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, o nagsanay sa pamamaraan ng tono ng pagsasalita ng mga manunulat ng sanaysay at mga manunulat ng nobela, kung gayon hindi rin ito mangyayari. Ito ay hindi matatamo. Alinsunod sa kakayahan ng mga taong ito, sila ay dapat man lamang makapagsalita nang may karunungan at maingat at ipinapaliwanag ang mga bagay nang malinaw. Sa gayon nila maaabot ang mga kinakailangan. Sa paanuman, ang kabatiran at katinuan ay dapat na matamo. Sa kasalukuyan ang pinakapangunahing bagay ay ang itakwil ang tiwali at makademonyong disposisyon. Dapat mong itakwil ang kapangitan na iyong ipinapahayag. Kung hindi mo naitatakwil ang mga ito, paano mo maaaring mahawakan ang kataas-taasang katinuan at kabatiran? Napakaraming mga tao ang nakakakita na ang kapanahunan ay nababago, kaya hindi sila nagsasanay ng kababaang-loob o pagtitiyaga, at maaaring hindi rin sila nagtataglay ng anumang pag-ibig o pagiging disente ng isang banal. Ang mga taong ito ay totoong kakatwa! Mayroon ba sila kahit na kapirasong normal na pagkatao? Mayroon ba silang mababanggit na anumang patotoo? Wala silang anumang kabatiran o katinuan o kahit na ano. Mangyari pa, ang ilang mga aspeto ng pagsasagawa ng mga tao na lihis at mali ay kailangang maitama. Kagaya ng mahigpit na espiritwal na buhay ng mga tao o ang anyo ng pagiging manhid at kamangmangan ng nakaraan—ang lahat ng mga bagay na ito ay kailangang magbago. Ang pagbabago ay hindi nangangahulugan na hahayaan kang maging napakasama o magpasasa sa laman, o pagsasabi ng anumang naisin mo. Hindi maaari ang pagsasalita nang walang ingat! Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi. Maging tapat sa katotohanan at magsalita nang akma. Huwag mandadaya, huwag magsinungaling. Dapat malaman kung anong mga limitasyon ang maaaring maabot ng isang normal na tao tungkol sa pagbabago ng disposisyon. Kung hindi iyon kilala, hindi ka makakapasok sa realidad.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos
Rekomendasyon:
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento