Kuiqian Rizhao City, Shandong Province
════ ♡♡♡ ════
Ang aking istasyon sa buhay, o katayuan, ay isang bagay na hindi ko kailanman mabibitiwan, at nang nilikha ng Diyos ang isang kapaligiran na naglantad sa akin, naging negatibo lamang ako, nagrereklamo, at nawawalan ng pag-asa. Tanging sa pamamagitan ng kapinuhan pagkatapos ng kapinuhan ko lamang naunawaan ang magandang mga intensyon ng Diyos, at ang Kanyang pagsubok sa akin ay hindi upang pahirapan ako. Sa halip, ito ay upang linisin ako at gawin akong perpekto, upang pahintulutan akong maunawaan na ang paniniwala sa Diyos alang-alang sa isang istasyon ay maaaring sumira lamang sa akin, sa ganitong paraan ay pinahihintulutan ako na alisin ang mga hindi tamang pananaw ng paghangad, at upang magkaroon ng tamang layuning hahangarin.
Sa ilang panahong paglilingkod bilang isang pinuno ng simbahan, na-promote ako bilang katambal ng isang pinuno ng distrito. Hindi nagtagal, muli akong na-promote at pinagkatiwalaang maging isang pinuno ng distrito. Ang matuwid na “pag-angat” na ito ay nagdulot upang mas pagbutihan ko pa ang paggawa ng aking tungkulin, umaasang balang araw higit pa rito ang ipagkakatiwala sa akin. Ang pag-asa na ito ang siyang nag-bunsod ng aking mga hangarin. Subalit, habang nangangarap ako ng aking baytang-baytang na “pag-akyat”, pinalitan ako! Nadurog ako nang oras na iyon—pakiramdam ko ay nawala ang aking istasyon at ang landas ng pananampalataya ko sa Diyos ay nagwakas na. Nasaktan ako hanggang sa puntong pinag-iisipan kong iwan na ang simbahan. Naisip ko rin ang tungkol sa pagkamatay. Nang maglaon, sa pamamagitan ng pagliliwanag mula sa mga salita ng Diyos, unti-unti akong nakalabas sa pagkanegatibong iyon. Ang Kanyang mga salita ay: “Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon?” (“Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang panahong iyon, bagaman natanto ko na ang aking pagnanais para sa katayuan ay masyadong malakas at ang pananampalataya sa Diyos ay hindi dapat maging isang paghangad ng katayuan, wala akong anumang tunay na pag-unawa sa aking sarili, at napaisip ako sa aking sarili: Hindi ko na hahangarin pa ang katayuan; anumang mga tungkulin ang isaayos para sa akin, susunod ako at iyon lang. Nang maglaon, isinaayos ng simbahan na mangaral ako ng ebanghelyo at ang pangalagaan ang mga bagong mananampalataya. Tinanggap ko ang lahat ng iyon. Kaya naman, naniwala ako na nabitawan ko na ang aking pagnanais para sa katayuan.
Hindi nagtagal, lumipat ako mula sa pangangalaga ng mga bagong mananampalataya sa muling pagiging isang pinuno ng simbahan. Nang panahong iyon, namumuo ang malalim na pagnanais ng aking puso na “magtagumpay sa aking pagbabalik”. Sa ilalim ng paghahari ng pagnanais na iyon, ang lahat ng gawin ko ay para magpasikat, umaasa na makikita ng liderato ang aking “pagbabago.” Nang oras na para magplano ng mga distrito ng simbahan, hindi ko mapigilang isipin na: Malamang sa pagkakataong ito ay gagawin na nila akong katambal ng isang pinuno ng distrito. Subalit, muling sinira ng plano ng Diyos ang aking pangarap na katayuan, at nauwi ako sa pagiging deacon liaison para sa ibang simbahan. Nahaharap sa katotohanang ito, mali ang pagkakaintindi ko rito, nagreklamo ako, at isang pagpupumiglas ang biglang namuo sa aking puso: O Diyos, ang iba naman ay may mga katiwalian din at nagkakamali sa kanilang gawain, ngunit nagtatrabaho pa rin sila bilang mga pinuno. Ibinigay ko ang hindi bababa kaysa sa iba sa bawat aspeto—bakit hindi ako gamitin ng Diyos? Bakit napakamalas ko? Muli, bumagsak ako sa sakit ng pagpipino. Sa gitna ng kadiliman, pinatnubayan ako ng mga salitang ito ng Diyos: “Hindi mo nakikita na ang paulit-ulit na paghampas at paulit-ulit na disiplina ay ang pinakamahusay na proteksiyon, bagkus nakikita ito bilang mga pagpukaw ng galit mula sa Langit o angkop na kagantihan sa iyo. Ikaw ay talagang mangmang! … Hindi binago ng pagkastigo na itinuturing mo na malupit ang iyong puso sa anumang paraan, ni sinakop nito ang iyong puso. Sa halip, ito ay pininsala nito. Itinuring mo lamang itong ‘malupit na pagkastig’ bilang iyong kalaban sa buhay na ito ngunit wala kang nakakamit. Ikaw ay napaka-makasarili! Madalang mo lamang pinaniniwalaan na ikaw ay sumasailalim sa ganitong uri ng mga pagsubok sapagkat ikaw ay totoong kasuklam-suklam, sa halip, pinaniniwalaan mo na masyado kang kapus-palad at higit sa rito, sinasabi mo na palagi kitang hinahanapan ng mali” (“Hindi Ba Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam ay mga Hayop?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay tumagos sa aking puso gaya ng isang matalim na espada. Totoo ito! Lahat ng panahong iyon ng pagkakadapa—wala akong nakuha na kahit ano mula sa kanila. Sa bawat oras na nawala ang aking istasyon, naramdaman kong aali-aligid ako sa pagitan ng buhay at kamatayan, na tila kapag nawala ang aking istasyon, nawalan ng kahulugan ang buhay ko. Katayuan ang naging mortal na sugat ko. Ngunit mula sa ilang mga pagtutuwid, hindi ko talaga naintindihan ang sarili ko, at lalong hindi ko naintindihan ang maalab na mga layunin ng Diyos. Hindi ko naintindihan na ang pagsubok ng Diyos sa akin ay upang mapaglabanan ko ang pagnanais para sa katayuan, upang magkaroon ako ng tamang hangarin. Sa halip, mali ang pagkakaunawa ko sa Diyos, nagreklamo ako, at naniwala na sadyang pinahihirapan Niya ako, sinusubukang gawing mahirap ang mga bagay para sa akin, at naniwalang napakamalas ko. Talagang hindi ako naging makatuwiran, katawa-tawa talaga!
Nang maglaon, nakita ko sa pagbabahagi mula sa Diyos: “Ang kasamaan sa loob ng kalikasan ng tao ay dapat na malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa alinmang mga aspeto hindi nakakapasa, sa ganitong mga aspeto dapat na mapino—ito ang kaayusan ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng kapaligiran, na pumipilit sa iyo para mapino doon upang malaman ang iyong sariling kasamaan…. Sa alinmang mga aspeto pa napapasakop sa pagkaalipin ni Satanas, sa alinmang aspeto pa may mga sariling pagnanasa, may mga sariling hinihingi--sa mga aspetong ito dapat magdusa” (“Kung Paano Bigyang-Kaluguran ang Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pagtingin sa mga salita ng Diyos, iniisip ang kapinuhan pagkatapos ng kapinuhan na dumating sa akin, sa wakas ay naunawaan ko na ang mga mabuting intensyon ng Diyos, at nalalasap na ang dakilang pagmamahal at kaligtasan ng Diyos. Kahit ako ay naging mapagmataas at walang alam at walang pag-unawa sa puso ng Diyos, nilikha Niya ang isang kapaligiran upang subukan ako nang paulit-ulit, pinupwersa ako, sa gitna ng sakit nang dahil sa pagpipino, upang makilala ko ang sarili kong katiwalian, ang aking sariling kayabangan at pagiging hindi makatuwiran, at ang aking pagnanais para sa katayuan ay masyadong matindi. Pinatnubayan Niya ako upang iwaksi ang pagiging nasa ilalim ng pamamahala ng aking istasyon, pinatnubayan Niya ako upang hindi na maghangad ng katayuan. Habang lalo kong sinusubukang unawain ito, higit kong naramdaman na ang pag-ibig ng Diyos para sa akin ay tunay na dakila, habang ako ay bulag at walang alam. Mali ang pagkakaunawa ko at sinisi ang Diyos, at tunay na sinugatan ang Kanyang puso. Nang panahong iyon, hindi ko napigilan kundi ang lumuha sa pagsisisi at bumagsak sa harapan ng Diyos sa panalangin: O Diyos! Salamat sa Iyong pag-ibig at kaligtasan para sa akin. Kung hindi ako nagkaroon ng mga pagkastigo at paghatol na ito mula sa Iyo, malamang nasa one-way na landas ako patungo sa aking pagkawasak nang dahil sa aking paghangad ng katayuan. Ang Iyong mga pagsubok at mga pagpipino sa akin ay isang mahusay na proteksyon at kaligtasan para sa akin. O Diyos! Naintindihan ko ang Iyong mga magandang intensyon para sa akin, at handa akong bitawan ang mga hadlang na ito sa paghahangad ng katotohanan, upang mas hanapin pa ang Iyong kalooban sa kapaligirang nilikha mo, upang hangarin ang katotohanan, upang hangarin ang pagbabago ng disposisyon, upang maging isang matapat, makatuwirang nilalang, upang hindi pahintulutang mawalan ng kabuluhan ang Iyong gawa sa loob ko.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento