.︵.♡_.︵._︵._♡.︵._.︵._♡.︵.
Xu Lei Zaozhuang City, Shandong Province
Isang araw nakatanggap ako ng paunawa tungkol sa isang pagpupulong. Karaniwan, ito ay isang masayang kaganapan, ngunit sa sandaling naisip ko kung gaano ganap na magulo ang aking sariling gawain nitong mga huling araw, hindi ko mapigilan ang mag-alala. Kung alam ng aking nakatataas na hindi ko pa natapos ang anuman sa aking gawain, siguradong bibigyan niya ako ng babala, at baka palitan pa niya ako.
Ano ang gagawin ko kung magkagayon? Nang sumunod na araw dumalo ako sa pagpupulong na may mabigat na puso. Noong dumating ako doon, nakita kong hindi pa dumating ang aking nakatataas, ngunit naroon na ang ilan sa mga katrabaho ko. Naisip ko: “Hindi ko alam ang estado ng anumang gawain nila. Noong nakaraang pagpupulong, narinig kong sinasabi nila na halos tapos na sila sa kanilang gawain, at sa ngayon siguradong natapos na nila lahat ang mga ito. Kung natapos na nila ang lahat ng kanilang gawain at ako lamang ang masama, kung ganoon lagot ako.” Nagulat ako noon dahil, noong magkakasama kami at pinag-uusapan namin ang tungkol sa aming sariling mga sitwasyon sa trabaho, marami sa aking mga katrabaho ang nagsasabi kung paano hindi pa nila natatapos ang ilang bahagi ng kanilang gawain. Noong narinig ko ito, ang dating napakabigat na puso ko ay biglang gumaan nang kaunti. Naisip ko: “Lumalabas nawala pang nakatapos sa kanilang gawain, hindi lamang ako. Hindi ako dapat mag-alala kung gayon. Hindi pwedeng palitan kaming lahat.” Nawalang bigla ang malaking bahagi ng aking hindi mapalagay na pakiramdam.
Habang nagsisimula na akong maging komportable sa aking estado ng pagpapalubag sa sarili kong kalooban, isang sipi ng pagbabahagi mula sa itaas ang sumagi sa aking isip: Kung ang isang tao ay magdadala ng mga makamundong pagtanaw sa pamilya ng Diyos, kung gayon sila ay mga kuru-kuro at sinasalungat nila ang Diyos. Maraming tao ang may parehong mga pagtanaw sa mga bagay kagaya ng mga hindi naniniwala. Dahil walang katotohanan sa kalooban nila, sa sandaling makarating sila sa pamilya ng Diyos ginagamit nila ang mga makamundong pagtanaw para tingnan ang gawain ng pamilya ng Diyos, para magbigay ng komento sa mga bagay tungkol sa pamilya ng Diyos, at ang resulta nito ay ang kanilang pagpigil sa kanilang mga sarili, na sanhi ng pagiging palaging mahina at negatibo, hindi makayanang hanapin ang katotohanan o bayaran ang halaga. Hindi ba ito nilikha ng kanilang kamangmangan?” (“Paano Malalaman ang mga Kuru-kuro at mga Paghahatol ng Tao” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay III). Pinag-isip ako ng mga salitang ito tungkol sa aking reaksyon kanina lamang. Noong naisip ko na hindi ko pa natapos ang aking gawain, naging napakabigat ng aking puso at hindi ko maiwasang mag-alala. Subalit noong nalaman ko na hindi pa natapos ang aking mga katrabaho sa kanilang gawain, gumaan kaagad ang aking pakiramdam, at naisip ko nang magaan sa aking konsiyensya na hindi lamang ang aking gawain ang walang anumang nakamit. Kung didisiplinahin kami ng aming nakatataas, kung ganoon ang lahat ay magkakaroon ng kanilang bahagi. Dahil napakarami sa amin ang hindi pa nakatapos sa aming trabaho, siguradong hindi kami lahat mapapalitan ng aming superbisor. Hindi ba’t ang ganitong pag-iisip ay nagpapakita ng pangingibabaw ng pagtanaw ni Satanas: “Hindi ito kasalanan kung lahat ay gumagawa nito”? Hindi ba’t tunay na ginagamit ko ang pagtanaw na ito ni Satanas para sukatin ang mga prinsipyo ng gawain ng iglesia? Ginamit ko ang lohikal na pagtanaw ni Satanas sa iglesia, ginamit ko ito na pampalubag-loob sa aking sarili, para pagbigyan ang aking sarili—ngunit hindi ko ba sinasaktan lamang ang aking sarili? Ako sa katunayan ay napakabulag at mangmang! Sa pagbabalik-tanaw, maraming beses kong tinanggap ang pangingibabaw ng pagtanaw na ito ni Satanas para pampalubag sa aking kalooban. Sa ilang sandali, namuhay ako sa laman na hindi nakakapasok sa buhay at, kahit na nag-alala tungkol sa aking sariling kaligtasan, noong makita ko ang aking mga kapatid na hindi pa rin nakakapasok sa katotohanan, nakawala ako sa aking pag-aalala at itinigil ko ang pagpapahirap sa aking sarili. Inisip ko na kung naparaming tao ang hindi nakapasok sa buhay, kung gayon, hindi kami makakayanang salain lahat ng Diyos, 'di ba? Samakatuwid namuhay ako sa isang estado ng mapagpabayang pagpapalayaw sa sarili, walang tangan na tunay na pasanin para sa aking sariling buhay. Noong hindi ako nakapagsulat ng anumang artikulo sa matagal na panahon at nakadama ako ng paghatol sa aking sarili, nakikita ko ang iba na hindi rin nakasulat ng anuman, at ang pagkondena sa aking puso ay nawawala. Naiisip ko: Hindi malaking bagay ang hindi pagsusulat ng isang artikulo at gayon pa man, hindi lang naman ako ang hindi pa nakapagsulat ng isa. Nang wala akong nakita kailanman na resulta mula sa aking gawain para sa ebanghelyo, nakakaramdam ako ng pagkabalisa. Ngunit nang nakita ko ang gawain para sa ebanghelyo ng iba na wala ring resulta, nagiging kalmado ako, iniisip ko na ang lahat ay ganito, na hindi lamang ako ang kailanman walang sinumang dinala sa iglesia. ... Noong panahong iyon, nakita ko na ang pagtanaw ni Satanas —“Hindi ito kasalanan kung ang lahat ay gumagawa nito”—na nagkaugat na ng napakalalim sa aking puso. Sa ilalim ng pangingibabaw ng pagtanaw na ito, palagi kong pinagbibigyan ang aking sarili kapag isinasagawa ko ang aking mga tungkulin, hindi ko ibinibigay sa mga ito ang buo kong pagsisikap at hindi ko hinahanap ang pinakamagandang kalalabasan nito. Hindi lamang ito nagdulot ng malaking pagkawala sa gawain ng iglesia, kundi nagdulot din ng malaking pagkawala sa aking sariling buhay. Dahil tinanggap ko ang mapanlinlang na lason ni Satanas—“Hindi ito kasalanan kung ang lahat ay gumagawa nito”—hindi ko sineryoso ang aking tunay na pasanin sa aking gawa para sa iglesia, palaging kulang sa pagsisikap sa trabaho at hindi ko hinahangad ang anumang kalalabasan; nawalan ako ng konsiyensya at katwiran na dapat ay taglay ng isang nilikha ng Diyos. Dahil tinanggap ko ang mga kadena ng pagtanaw ni Satanas na “Hindi ito kasalanan kung ang lahat ay gumagawa nito,” palagi akong nakikigulo lamang sa kurso ng pagsunod ko sa Diyos. Hindi ko isinaalang-alang ang aking paniniwala sa Diyos na maging anumang bunga, hindi ko pinagsikapang hanapin ang katotohanan, binalewala ko ang tungkol o ang pagtuon sa aking sariling pagpasok sa buhay; wala akong layunin na maghanap, walang direksyon sa buhay. Nakikigulo lamang ako at ginagawa ang pinakakaunti para lamang makaraos. Noon ko lamang nakita na malala akong nasaktan ng pagtanaw ni Satanas na “Hindi ito kasalanan kung ang lahat ay gumagawa nito,” at tuluyan akong nawalan ng konsiyensya, katwiran, integridad at dignidad na dapat ay taglay ng isang normal na tao. Nag-iisip akong mabuti, namumuhay ako sa loob ng aking sariling imahinasyon at mga pag-intindi mula't sapul, naniniwala na “Hindi ito kasalanan kung ang lahat ay gumagawa nito,” na kung maraming tao ang nagkakasala, kung gayon hahayaan ng Diyos na kami ay makawala sa lambat at hindi Niya pananagutin ang sinuman, nang hindi kailanman naisip kung ganito ang aktuwal na magiging pagtrato ng Diyos sa mga tao o hindi. Sa panahong iyon, hindi ko maiwasang isipin ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral.” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay nakakapagpanginig sa akin sa takot, dahil nakita ko na hindi hahayaan ng disposisyon ng Diyos ang sinuman na magkasala at na hindi Niya ibabatay ang Kanyang desisyon sa kung sisirain o hindi ang tao batay sa bilang ng mga makasalanan. Sa pagbabalik-tanaw, ang mga tao sa panahon ni Noah ay mga makasalanan at mahalay at sinira ng Diyos ang lahat ng nabuhay noong panahon na iyon maliban sa pamilya ni Noah. Ganito rin ang Kanyang pagsira sa siyudad ng Sodom. Ngayon ang mga tao sa mga huling araw ay umabot na sa ilang bilyon, isang bilang na mas higit pa kaysa noong panahon ni Noah. Ngunit hindi isinantabi ng Diyos ang Kanyang batas at nagpakita ng awa dahil napakaraming makasalanan sa mga huling araw; para sa mga taong ito, tanging pagkamuhi, kaparusahan, pagkapoot at pagtanggi ang taglay ng Diyos, gamit ang lahat ng uri ng natural na kalamidad at mga kapahamakang gawa ng tao para unti-unti silang lipulin. Sa huli, maliban sa ilan na nailigtas, tuluyang sisirain ng Diyos ang sinumang natitira. Noon ko lamang nakita kung gaano kaliit ang pag-unawa ko sa disposisyon ng Diyos. Hindi ko naunawaan na ang Diyos ay matuwid, isang banal na Diyos na hindi hahayaan ang tao na magkasala, hanggang sa ako ay nalito sa mga kasinungalingan ni Satanas at nahulog sa kanyang tusong mga pakana. Ngayon, kung hindi dahil sa pagliliwanag ng Diyos, namumuhay pa rin sana ako sa kasalanan nang hindi inisiip na ito ay kasalanan, mapaparusahan ng Diyos sa bandang huli nang hindi ko man lamang nalalaman kung bakit ako mamamatay—ito ay tunay na napakamapanganib!
Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa Kanyang pagliliwanag na gumising sa akin mula sa pandaraya ni Satanas at napagtanto na ang “Ito ay hindi kasalanan kung lahat ay gumagawa nito,” ay ganap na eretikong kamalian ni Satanas. Ito ay tusong pakana ni Satanas para saktan at sirain ang mga tao. Higit pa dito, nakita ko ang Diyos na matuwid, na hindi hahayan ng disposisyon ng Diyos ang anumang pagkakasala, na hindi ibabatay ng Diyos ang huling desisyon para sa katapusan ng mga tao sa kung taglay ba ng mga tao ang katotohanan o hindi, at na hindi Siya magpapakita ng kakaibang awa sa sinuman na walang katotohanan. Magmula sa araw na ito, gusto kong lalong magsumikap na hanapin ang katotohanan, sa paghahangad na maunawaan ang Diyos, na ibatay ang aking pagtanaw sa lahat ng bagay ayon sa mga salita ng Diyos, na gamitin ang mga salita ng Diyos bilang pamantayan na pagbabasehan na kung saan gagawa ako ng estriktong mga hinihingi sa aking sarili, upang iwanan ang lahat ng kasinungalingan at mga panlilinlang ni Satanas, at na maghangad na maging isang taong namumuhay sa pagsalig sa katotohanan.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento