Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" | The Heart's Voice of a Christian
Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin. Si Chen Xi ay nangibang-bayan noong 2016 para takasan ang pagtugis at pang-aapi ng Komunistang gobyerno ng China, at kinailangang gumamit ng Ingles sa pagganap ng kanyang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagbibigay saksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ikinarangal niya ito, at nadamang kakaiba ang kanyang talento. Nang puno na siya ng kumpiyansa at iniisip na magkaroon siya ng posisyon sa iglesia, natuklasan niya na ang kanyang mga kapatid ay nagbahagi ng mga salita ng Diyos nang may liwanag at mas mahusay sila sa Ingles kaysa sa kanya. Ayaw niyang mapag-iwanan, kaya't para malampasan ang iba at tingalain siya at purihin nila, dinoble niya ang kanyang pagsisikap na matuto. Lumipas ang kaunting panahon ngunit hindi pa rin niya mapantayan ang iba. Hindi matanggap ni Chen Xi ang katotohanang ito at natagpuan niya ang kanyang sarili na namumuhay araw-araw na nahihirapang magkaroon ng pangalan at ng personal na pakinabang. Hindi na siya naghahanap ng katotohanan o nakapokus sa pagpasok sa buhay, at lalong hindi niya nagagampanang mabuti ang kanyang tungkulin. Naging negatibo siya at pinanghinaan ng loob…. Noon siya humarap at lumapit sa Diyos sa panalangin at binasa ang Kanyang mga salita—ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita ay pumukaw sa kanyang kaluluwa at dahil dito'y malinaw niyang nakita ang diwa ng reputasyon at status o katayuan sa buhay gayundin ang mga bunga ng kanyang pagkagapos at kahirapang hatid ng mga bagay na ito. Naunawaan niya ang kahalagahan ng pagganap sa kanyang tungkulin, ang tunay na halaga ng buhay, at anong uri ng buhay ang tunay na kaligayahan. Magmula noon nagsimula siyang magkaroon ng mga wastong mithiin at hindi na napailalim sa matinding paghadlang ng katanyagan o katayuan. Nagsimula na siyang magpokus sa paghahanap ng katotohanan at pagganap sa tungkulin ng isang nilalang para masuklian ang pagmamahal ng Diyos …
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento