Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao
IDakila ang mga gawa ng Espiritu ng D'yos
mula pa man sa paglalang ng mundo.
Tinapos N'ya iba't-ibang mga gawain sa iba't-ibang mga bansa,
at sa iba't-ibang mga kapanahunan.
Ang mga tao sa bawat kapanahunan
nakikita'ng iba't iba N'yang mga disposisyon
likas na ibinunyag para makita ng lahat
at ipinakita sa iba't ibang mga gawain.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.
Bagaman Siya ay kahatulan, kaparusahan at sumpa ng tao.
II
Kaya N'yang patnubayan ang tao
sa loob ng dalawang-libong taon o higit pa
at tubusin ang tiwaling tao mula sa kasalanan.
Kaya N'yang lupigin ang lahat ng tao na 'di S'ya kilala.
Upang ang lahat ay ganap na sumuko sa Kanya.
Sa huli ay susunugin N'ya ang karumihan at kasamaan
sa mga tao sa mundo.
Upang makita ng mga tao na S'ya'y Banal at kamangha-mangha,
S'ya ay D'yos na humahatol sa tao.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.
Bagaman Siya ay kahatulan, kaparusahan at sumpa ng tao.
III
Sa mga masasama, S'ya ay apoy.
Siya ay ang hukom at tagapag-parusa.
S'ya'y pakikitungo at sumusubok
sa mga gustong maging ganap,
Siya rin ay ginhawa, at tagapagkaloob ng salita.
Sa mga inalis, S'ya ay parusa at ganti.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.
Ngunit nagbibigay Siya ng paghatol, sumpa at pagkastigo.
Isang sumpa sa tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento