Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II) (Ikaapat na Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: " Ang pagbibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng katustusan na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng mga bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba. Nagbibigay Siya ng lahat ng pangangailangan ng lahat ng mga bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ay ang mga pinakapangunahing mga pangangailangan, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang katustusan ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang estado sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay. Ito ay walang dudang totoo."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento