Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II) (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng mga bagay at nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Ang Diyos na pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng lahat ng mga bagay habang ang Diyos ang nagbibigay ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng mga bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Tama? Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng mga bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Nakikitanang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay. Iyon ay, ang lahat ng mga bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri....Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit kapag patuloy na magsaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng mga bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento