Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Marso 12, 2019

Ang Gawa-gawang Kaso sa Zhaoyuan | Anong Masamang Balak ng ng Chinese Communist Party sa Paglilitis sa Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28?

Ang Gawa-gawang Kaso sa Zhaoyuan | Anong Masamang Balak ng ng Chinese Communist Party sa Paglilitis sa Kaso sa Zhaoyuan noong Mayo 28?

2018-05-22

Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Sinusupil at tinutuligsa ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganito, pero akala mo mga gawa-gawa at maling paratang ang lahat ng akusasyong 'yon. Kung gayo'y tatanungin ko kayo, paano n'yo ipapaliwanag ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong noong Mayo 28 na nakagulat sa bansa at sa mundo? Dininig naman pala ang kasong ito sa harap ng publiko! Matapos mangyari ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, pinatindi ng gobyerno ang pagtugis nito sa mga bahay-iglesia, na gumagamit pa ng mga puwersa ng sandatahang pulisya para tugisin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng masigasig na paghahanap at pag-aresto sa mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bagama't maraming tao ang nagduda tungkol sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, sa paniniwalang ito ay isang maling kasong inimbento ng CCP para makuha ang mga opinyon ng publiko sa pagsuporta sa pagtugis nito sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hayagang iniulat ng Chinese media ang kaso tama man o mali ang mga detalye. Nagkaroon ito ng ilang epekto sa iba't ibang bansa sa mundo. Gaano mo man itanggi ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, marami pa ring taong nananalig sa Communist Party. Kaya gusto kong marinig kung ano ang palagay mo sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong.
zhaoyuan-case.jpg
    Zheng Yi(Isang Kristiyano): Pa, gaano katagal lolokohin ng CCP ang mundo dito sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong na mag-isa nitong inimbento? Maililigtas ba nito ang di-maiiwasang kapalaran ng pagkamatay ng CCP? Ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong ay maraming epekto sa loob at labas ng bansa noon. Nilinlang din nito ang maraming taong walang malay. Pero permanente bang matatakpan ng maiitim na ulap ang araw? Matatakpan ba ng mga pakpak ng uwak ang sinag ng araw? Hindi permanente ang pagtatago at panlilinlang. Ang mga kasinungalingan ay laging mga kasinungalingan, hindi sila magiging katotohanan kailanman. Sa loob ng napakaraming taon, lalong naging kilala, tiwali at masama ang CCP dahil sa mga panlilinlang at panloloko nito. Kasumpa-sumpa ang CCP rito at sa ibang bansa. Maililigtas ba ng mga panloloko at panlilinlang lamang ang CCP? Parami nang parami ang mga tao sa mundo na nakakakita sa tunay na diwa ng CCP. Wala nang naniniwala rito. Dahil ang CCP ay kilalang isang partidong ateista at makademonyong grupo na napakasama at kumakalaban sa Diyos sa mundo, ang mga hukuman ng CCP ay mga hukuman ni Satanas. Maaari bang magkaroon ng kabutihan at katarungan sa mga kasong hinuhusgahan ng mga hukumang ito? Ang CCP ay diktaturya at kalupitan ng iisang partido. Walang independiyenteng hudikatura sa China. Ang mga hukom ng CCP ay walang kalayaan. Tumatanggap silang lahat ng utos mula sa gobyernong Chinese at hinahawakan ang mga kaso ayon sa mga intensyon ng gobyerno. Ito ang totoong nangyayari. Ang mga kasong nililitis sa mga hukuman ng CCP ay nakatakdang maging lubhang pagbabaluktot ng mga katotohanan at pagbabaligtad ng tama at mali. Habang pumapasok sa pulitika at paghahari ng pulitika sa loob ng napakaraming taon, ang CCP ay patuloy na umasa sa pagbibintang para makuha ang mga opinyon ng publiko. Sanay na sanay ito sa ganito! Nang litisin ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong sa hukuman ng CCP, malinaw na sinabi ng mga nasasakdal sa hukuman, "Hindi ako kailanman nagkaroon ng kaugnayan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos." "Ang tinutugis ng estado ay ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinananaligan ni Zhao Weishan, hindi ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinananaligan namin." Kahit ang mga nasasakdal mismo ay hindi umamin na kabilang sila sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at hindi sila kilala ng Iglesia. Bakit hindi tinanggap ng hukom ng CCP ang mga totoong pangyayari? Sa kawalan ng ebidensya, bakit iginiit ng hukom na iugnay ang mga pinaghihinalaan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Hindi ba pakana itong mambintang? Hindi ba pagbubulaan at panlilinlang ito? Ngayo'y wala nang naniniwala sa mga ulat ng CCP media at mga kasinungalingan ng CCP. Pa, nagtrabaho na kayo sa sistema ng Communist sa loob ng napakaraming taon, tiyak na mas malinaw n'yong nakikita ang mga bagay na ito kaysa sa akin. Naniniwala ba kayo talaga na ang Kaso sa Zhaoyuan sa Shandong ay makakatulong sa CCP na manatiling makapangyarihan?

    Zheng Rui(Isang Kristiyano): Pa, ilang taon na akong reporter, lubos kong nauunawaan ang lahat ng ito. Tuwing bago marahas na supilin ang mga pananalig sa relihiyon, mga kilusang para sa demoktratikong karapatan, mga protestang etniko, atbp., nag-iimbento ng huwad na kaso ang CCP at walang-pakundangang lumilikha ng mga opinyon ng publiko para pagalitin ang masa, kasunod ng isang madugong pagtugis. Halimbawa'y ang kilusan ng mga estudyante noong Hunyo Kuwatro, na nagsimula sa pagtataguyod ng integridad laban sa katiwalian, demokrasya at kalayaan. Pagkatapos ay inutusan ng CCP ang ilang di-kilalang tao na magkunwang mga estudyante at sumalingit sa grupo para makipag-away, mambasag, manunog, itaob ang mga sasakyang militar, at lumikha ng kaguluhan. Dahil dito'y tinawag ang kilusan ng mga estudyante na "kontra sa rebolusyon," na may layon na mag-udyok ng mga kaguluhan, at binigyan ang CCP ng katwirang kailangan nila para mapigilan ang grupo. Pagkatapos ay nagpasimula ang CCP ng madugong pagtugis sa mga estudyanteng ito. Hindi lang ilang libong estudyante ang binaril at sinagasaan ng mga tangke. Ganito ipinakita ng CCP ang madugong Tiananmen Incident na napanginig sa mga Chinese at nakasindak sa mundo! Gayon din ang ginawang pagsupil ng CCP sa mga protesta ng masa sa Tibet. Nagsingit ng mga taong gobyerno ang CCP sa nagpoprotestang grupo para sadyang manunog, pumatay, magnakaw at mandambong. Pagkatapos ay pinakilos nito ang hukbo para pagpapatayin ang nagpoprotestang mga grupo sa pagkukunwaring pinapayapa nila ang paghihimagsik ng mga Tibetan. Sapat na ang mga pangyayaring ito para patunayan na ang pagsisimula sa pag-iimbento ng mga kasinungalingan, pagbabaluktot sa mga totoong pangyayari at pagbibintang, kasunod ng marahas na pagsupil ang karaniwang paraan ng CCP para patigilin ang awayan. Ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong ang naging batayan ng damdamin ng publiko na nagtulot sa malupit na panunupil at pagpapahirap ng CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang isa pang malaking krimen ng pagpapahirap ng CCP sa mga relihiyon. Pa, isa kayong opisyal sa loob ng sistema ng CCP, dapat ay mas marami kayong alam kaysa sa amin tungkol sa modus operandi ng CCP!

    Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Ah, nakasama ko na ang komunista sa loob ng napakaraming taon, malinaw na malinaw sa akin kung ano ang CCP. Sa kabila ng maringal na hitsura ng mga opisyal ng CCP, lahat ng ginagawa nilang patago ay masasamang gawain at transaksyon. Hindi na kailangang sabihin pa tungkol sa kaso sa Zhaoyuan na walang makatarungan sa lahat ng kasong nilitis ng mga hukumang Komunista. May mga transaksyon at panunuhol sa lahat ng kaso. May pamumulitika sa likod ng lahat ng kaso tungkol sa mga relihiyon at minoryang etniko. Ngayong parami nang parami ang mga taong naglalantad ng lahat ng masasamang gawa ng CCP, palagay ko ang klase ng panlilinlang sa kaso sa Zhaoyuan ay hindi maililihim nang matagal.

    Zheng Weiguo: Hindi ko inasahan na mahihiwatigan n'yo nang husto ang mga intensyon ng CCP sa likod ng mga kilos nito! Mukhang nasa hustong gulang na nga kayo. Pero isip-bata pa rin kayo. Ano'ng nangyari pagkatapos ng kaguluhan sa Pangyayari noong Hunyo Kuwatro ng 1989 dahil sa galit na mga kabataang iyon? Hindi ba sila napayapang lahat? Ang ilan sa kanila ay pinatay, nasugatan at ikinulong samantalang ang iba ay tumakas sa ibang bansa. Sino ang nakalaban sa CCP? Kahit ang kaso sa Zhaoyuan ay walang katarungan at isang kasinungalingan, e ano ngayon? Napakaraming walang katarungan at maling kaso ang nilikha ng CCP, at marami roon ang alam ng mga tao. Pero sino ang makakalutas sa problema? Sino ang may magagawa tungkol sa CCP? Alam n'yo ba kung ano ang pinaniniwalaan ng CCP? Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, "Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses." Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta't makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, "Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan." Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n'yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga't may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo!
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento