Tagalog Christian Songs Video 2019 | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon
IAng gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.
II
Kung walang pagbabago sa inyo, ibig sabihin
ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa inyo.
Kahit naglilingkod kayo,
ginagawa ninyo ito para magkamit ng pagpapala.
Sa paminsan-minsang serbisyo
hindi ibig sabihin ay pagbabago sa disposisyon.
Ang mga nagbibigay-serbisyo ay wawasakin
dahil hindi sila kailangan ng kaharian.
Hindi kailangan ng kaharian ang hindi nagbago
para maglingkod sa mga tapat at naperpekto.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya, sa Kanya.
Manood ng higit pa:Tagalog Worship Songs
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento