Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Buhay musika. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Buhay musika. Ipakita ang lahat ng mga post

Oktubre 13, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"

I Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon, ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay. Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay. Gayong bagay ang 'di alam ng tao noon hanggang ngayon 'di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos, o plano Niya'y di pa naisakatuparan, nguni't dahil puso't espiritu ng tao, napakalayo sa D'yos. Kahit tao'y sumusunod sa Diyos. Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas. Walang aktibong humahanap sa bakas ng D'yos. Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D'yos, at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga't pag-iingat ng D'yos. Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao. Di namalayan na sa proseso, puso't espiritu N'ya'y isinakripisyo kay Satanas at ng kasamaan. Bukod dito, puso't espiritu ng tao'y nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan. II Sa paraang ito, di namamalayang 'di na maunawaan ng tao ang mga prinsipyo ng pagiging tao, at halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Mga batas mula sa D'yos at ang tipan N'ya sa tao dahan-dahang kumupas sa puso ng tao at di na n'ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos. Sa paglipas ng panahon tao'y di na makaintindi kung bakit s'ya'y nilikha ng D'yos, di maintindihan mga salita ng Diyos di matanto na lahat ay nanggagaling sa D'yos. Nagsisimulang labanan ng tao mga batas at kautusang itinakda ng D'yos; puso't espiritu niya'y naging patay. Nawala ng Diyos ang orihinal na tao. Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan. Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito. Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito. Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.

Oktubre 3, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

I Nais n'yo bang malaman kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus? Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias, naniniwala lamang sa Kanyang pagdating, di-hanap ang katotohanan ng buhay. Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon, landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman. II Paanong mga taong hangal, sutil, mangma'y pagpapala ng Diyos makakamtan? Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan? Kinontra nila si Jesus, di-nalamam na sinabi N'ya ang landas ng katotohanan, di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu, di-nakita ni nakasama S'ya kailanman. Mga hungkag na papuri ‘ginawad sa ngalan Niya at lahat ginawa para labanan S'ya. III Pasaway, sutil, hambog, pinanghawakan nila ang paniniwalang ito. Malalim man pangangaral Mo, mataas man awtoridad Mo, di Ka Cristo malibang Mesias ang tawag sa'Yo. Paligoy-ligoy lang ang mga ito na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao. IV Tanong ng Diyos sa inyo: Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo? Yamang si Jesu-Cristo'y di n'yo naiintindihan, nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay, ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan? Matitiyak mo bang di mo lalabanan si Cristo? Kung di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, di ng buhay.

Oktubre 2, 2018

Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao"

Latest Tagalog Christian Worship Song | "Tanging Matatapat na Tao ang May Pagkakahawig sa Tao" (Hymno)

Para sa tubo, aking tinalikuran ang lahat ng pamantayan ng pag-uugali, at tahasang ginamit ang pandaraya para kumita ng ikabubuhay, Hindi ko pinahalagahan ang konsensiya o moralidad, wala para sa integridad o dignidad. Nabuhay lang ako para sawatain ang lumalala kong kahalayan at kasakiman. May balisang puso, nagkandahirap ako sa putik ng kasalanan, nang walang paraan para makawala sa walang hangganang kadiliman. Ang kayamanan ng buhay at panandaliang mga libangan ay hindi maitago ang kawalang-laman at pait sa aking puso. Madaling isulat ang salitang “tao”. Ngunit ang maging matapat at mapagkakatiwalan ay mas mahirap kaysa mahirap. Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan? Sino ang makapagliligtas sa akin mula sa lalim ng kasalanan? Ang tinig ng Diyos ang nag-akay sa akin patungo sa Kanya. Ngayon ako ay makakasunod sa Diyos at gugugol para sa Kanya. Ang aking puso ay punong-puno ng tamis mula sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos araw-araw. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan, taglay ko na ngayon ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ang lahat ng aking ginagawa at sinasabi ay ayon sa mga salita ng Diyos. Pagtanggap ng pagsisiyasat ng Diyos sa lahat nagagawang magpahinga ang puso kong tiwasay at payapa Walang pandaraya, walang panlilinlang, ako ay namumuhay sa liwanag. Taglay ang bukas na puso, ako ay matapat na tao, at sa wakas ako ay namumuhay na kahawig ng tao. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang nagligtas sa akin, at tinulungan ako para maipanganak muli sa mga salita ng Diyos. Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos! Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos! Magpakailanman akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos at sa pagliligtas ng Diyos!