Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na New Gospel Skit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na New Gospel Skit. Ipakita ang lahat ng mga post

Enero 5, 2019

Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)

Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)

    Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sa relihiyon

Enero 4, 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Pagmamatyag" | The CCP Uses High Tech to Violate Human Rights

Tagalog Christian Crosstalk | "Pagmamatyag" | The CCP Uses High Tech to Violate Human Rights

    Mula nang magkaro'n ng kapangyarihan ang CCP, palagi na nitong inaatake ang mga sumasalungat at pinahihirapan ang relihiyosong pananampalataya. Para tuluyang makontrol ang mga mamamayan ng Tsina, gumastos ng malaking halaga ang CCP para gumawa ng maraming uri ng surveillance network sa bansa, at naging lubhang matindi ang pagsubaybay sa mga Kristiyano. Ang pagsasagawa ng pagsubaybay sa telepono, sa internet, at mga surveillance camera ang nagpahintulot sa CCP para matinding arestuhin ang di-mabilang na mga Kristiyano, marami ang napilitang lumisan sa tahanan at nagpagala-gala, marami sa kanila ang ikinulong, at ang iba naman ay pinilayan o pinatay! Inilalantad ng pang-grupong crosstalk na Pagmamatyag ang pagkukunwari ng Tsina sa "kalayaan sa relihiyon" at "kalayaan sa pagsasalita", at ipinakikita nito sa iyo ang makasalanang katibayan kung paano ginagamit ng Tsina ang mga high-tech na pamamaraan para atakihin ang katuwiran at pagusigin ang relihiyosong pananampalataya. 

Disyembre 26, 2018

Tagalog Crosstalk "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel

Tagalog Christian Crosstalk "Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon" | A Horrible Experience of Preaching the Gospel

    Ang salitang pag-uusap na Paghihigpit sa mga Tao sa Nayon ay isinalasaysay ang nakapanlulumong kuwento tungkol kay Christian Yang Ming na tiniktikan ng mga espiya ng CCP at muntik nang maaresto habang nagbabahagi ng ebanghelyo sa kanyang tita. Ang dalawang aktor ay nagpapakita ng malinaw at nakakatawang pagtatanghal ng mga paghihirap na dinanas ng mga Kristiyano sa China na nangangaral ng ebanghelyo. Ang mga taktika ng CCP sa pag-atake at pagsupil sa mga paniniwala sa relihiyon ay masama; marami silang ginawang pandaraya at nakamatyag sila sa lahat ng dako. Lubhang pinag-iingat ngayon kahit ang maliliit na nayon, at parang mga lawin na nakamatyag ang mga espiya ng gobyerno sa mga tagalabas. Masusi silang nag-iimbestiga at lubhang limitado ang mga pagtitipon at pangangaral ng mga Kristiyano. Pero gaano man kahibang ang CCP sa pagsupil sa kanila, ikinakalat pa rin ng mga Kristiyano ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos sa pag-asa sa karunungan at pananampalatayang bigay sa kanila ng Diyos.

Disyembre 22, 2018

Tagalog Christian Crosstalk "Mga Mapagpanggap" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom

Tagalog Christian Crosstalk "Mga Mapagpanggap" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"

    Upang ganap na maipagbawal ang paniniwala sa relihiyon at magawang isang bansang walang Diyos ang Tsina, ginagawa ng CCP, isang ateista at naghaharing rehimen, ang bawat pamamaraan, pakana, at bitag, at gumagamit ng iba't ibang masasamang pamamaraan para arestuhin at pagmalupitan ang mga Kristiyano. Inilalantad ng crosstalk na Mga Mapagpanggap ang isa na namang pakana na ginagamit ng CCP para arestuhin ang mga Kristiyano—itinatago ang kanilang pagkakakilanlan para mapasok ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ipinakikita nito ang mga taktikang ginagamit ng CCP upang mahuli sa bitag ang mga Kristiyano, at maalis ang maskara ng "kalayaan sa relihiyon" ng Tsina.