Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bible scriptures. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na bible scriptures. Ipakita ang lahat ng mga post

Marso 6, 2019

Kuwento sa Biblia | Gumamit ang Diyos ng mga Balat ng Hayop para Gumawa ng mga Kasuotan para kina Adan at Eba

Kuwento sa Biblia | Gumamit ang Diyos ng mga Balat ng Hayop para Gumawa ng mga Kasuotan para kina Adan at Eba


2018-04-18
(Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Una, hayaan ninyong magbigay Ako ng ilang mga palatandaan. Palawakin ninyo ang inyong pag-iisip at ilarawan ang Hardin ng Eden, kung saan nakatira sina Adan at Eba. Binisita sila ng Diyos ngunit nagtago sila dahil sila ay hubad. Hindi sila makita ng Diyos, at matapos Niya silang tawagin, sinabi nila, “Hindi kami mangangahas na makita Kayo dahil ang mga katawan namin ay hubad.” Hindi sila nangahas na makita ang Diyos dahil sila ay hubad. Kaya ano ang ginawa ng Diyos na si Jehova para sa kanila? Ang sabi sa orihinal na teksto: “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Ngayon, alam ba ninyo kung ano ang ginamit ng Diyos sa paggawa ng mga damit nila? Gumamit ang Diyos ng mga balat ng hayop para gumawa ng mga damit nila. Ang ibig sabihin, ang damit na ginawa ng Diyos para sa tao ay isang balabal na balahibo. Ito ang unang piraso ng damit na ginawa ng Diyos para sa tao. Ang balabal na balahibo ay isang mamahaling damit sa kasalukuyang mga pamantayan, isang bagay na hindi lahat ay kakayaning isuot. Kung may magtatanong sa iyo: Ano ang unang piraso ng damit na sinuot ng mga ninuno ng sangkatauhan? Maaari mong sabihin: Ito ay isang balabal na balahibo. Sino ang gumawa ng balabal na balahibong ito? Maaari mo pang itugon: Ang Diyos ang gumawa nito! Yan ang pangunahing punto: Ang damit na ito ay ginawa ng Diyos. Hindi ba ito karapat-dapat pansinin? Ngayong kalalarawan ko lang nito, may imahe bang nabuo sa inyong mga isipan? Dapat ay mayroong kahit na malabong bakas man lamang nito. Ang saysay ng pagsasabi nito sa inyo sa araw na ito ay hindi upang ipaalam sa inyo kung ano ang unang piraso ng damit ng tao. Kung ganun ano ang punto? Hindi yung balabal na balahibo ang punto, ngunit kung paano malalaman ang disposisyon at katauhan at mga kataglayan na ipinahayag ng Diyos noong ginagawa Niya ang bagay na ito.

Sa imaheng ito ng “At iginawa ni Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” anong uri ng papel ang ginagampanan ng Diyos noong kasama Niya sina Adan at Eba? Sa anong uri ng pagganap nagpapakita ang Diyos sa isang mundo na may dadalawang tao lamang? Bilang Diyos? Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Hongkong, mangyaring sumagot kayo. (Bilang isang magulang.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Timog Korea, sa anong uri ng pagganap sa palagay ninyo ang pagpapakita ng Diyos? (Pinuno ng pamilya.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Taiwan, ano sa palagay ninyo? (Bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, bilang isang miyembro ng pamilya.) Sa palagay ng ilan sa inyo ang Diyos ay nagpapakita bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, habang ang ilan ay nagsasabing nagpapakita ang Diyos bilang pinuno ng pamilya at ang sabi ng iba bilang isang magulang. Ang lahat ng ito ay napaka-angkop. Ngunit saan ako patungo? Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay. Sa halip na ilagay ang Sarili Niya sa isang mataas at makapangyarihan na katayuan, personal na ginamit ng Diyos ang mga balat upang gumawa ng damit para sa tao. Hindi mahalaga kung ang balabal na balahibong ito ay ginamit upang takpan ang kanilang kahinhinan o sanggahan sila mula sa lamig. Sa madaling salita, itong damit na ginamit upang takpan ang katawan ng tao ay personal na ginawa ng Diyos gamit ang sarili Niyang mga kamay. Sa halip na likhain ito sa pamamagitan ng pang-isipan o mahimalang mga pamamaraan, gaya ng nasa imahinasyon ng mga tao, marapat na ginawa ng Diyos ang isang bagay na sa palagay ng tao ay hindi magagawa at hindi dapat gawin ng Diyos. Maaaring simpleng bagay ito na marahil sa palagay ng ilan ay ni hindi na dapat pang banggitin, ngunit hinahayaan nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos na dati ay puno ng malalabong kaisipan tungkol sa Kanya upang magkaroon ng maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang pagkatotoo at pagkamapagmahal, at upang makita ang Kanyang tapat at mapagpakumbabang kalikasan. Nagagawa nitong payukuin ang mapagmataas na ulo ng mga lubhang napakayabang na tao na nag-iisip na sila’y mataas at malakas dahil sa hiya sa harap ng pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos. Dito, nakatutulong pa ang pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos upang maipakita sa mga tao kung gaano Siya kaibig-ibig. Sa paghahambing, ang “napakalaking” Diyos, “kaibig-ibig” na Diyos, at Diyos na “makapangyarihan sa lahat” sa puso ng mga tao ay napakaliit, nakakawalang-gana, at hindi kayang labanan ang kahit isang hampas. Kapag nakita mo ang bersikulong ito at narinig ang kuwentong ito, bumababa ba ang tingin mo sa Diyos dahil ginawa Niya ang ganoong bagay? May ilang mga tao ang maaring ganoon, ngunit para sa iba, ito ay ang lubos na kabaliktaran. Iisipin nila na ang Diyos ay totoo at kaibig-ibig, at ang mismong pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ang tumitinag sa kanila. Habang lalo nilang nakikita ang tunay na panig ng Diyos, lalo nilang pahahalagahan ang tunay na pag-iral ng pag-ibig ng Diyos, ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang mga puso, at kung paano Siya nananatili sa tabi nila sa bawat sandali.

Sa puntong ito, dapat nating iugnay ang ating talakayan sa kasalukuyan. Kung kaya ng Diyos na gawin ang iba’t ibang maliliit na bagay na ito para sa mga taong nilikha Niya sa simula’t simula pa, kahit ang ilang mga bagay na hindi kailanman mangangahas ang mga taong isipin o asahan, maaari kayang gawin ng Diyos ang mga ganoong bagay para sa mga tao sa kasalukuyan? Sabi ng ilang tao, “Oo!” Bakit ganoon? Dahil ang diwa ng Diyos ay hindi huwad, ang Kanyang kagandahan ay hindi huwad. Dahil tunay ang diwa ng Diyos at hindi bagay na idinagdag ng iba, at tiyak na hindi bagay na nagbabago kasabay ng mga pagbabago sa oras, lugar, at mga kapanahunan. Ang pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ay maaring maipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na sa palagay ng tao ay di mapapansin at walang-kuwenta, isang bagay na napakaliit na hindi man lang iniisip ng tao na gagawin Niya kailanman. Ang Diyos ay hindi mapagpanggap. Walang pagmamalabis, pagbabalatkayo, pagmamataas, o pagmamayabang sa Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Siya kailanman naghambog, ngunit sa halip ay nagmamahal, nagpapakita ng malasakit, nagsubaybay, at pinangungunahan ang mga taong Kanyang nilikha nang may katapatan at sinseridad. Kahit gaano man ito mapahalagahan, madama, o makita ng mga tao, lubos na ginagawa ng Diyos ang mga bagay na ito. Ang malaman ba na ang Diyos ay may ganitong diwa ay makaaapekto sa pag-ibig ng tao para sa Kanya? Maaari ba itong maka-impluwensya sa kanilang takot sa Diyos? Umaasa akong kapag naunawaan mo ang pagiging totoo ng Diyos ay lalo ka pang mapapalapit sa Kanya at lalo pang tunay na mapahahalagahan ang Kanyang pag-ibig at paglingap para sa sangkatauhan, habang kasabay nito ay maibibigay ang iyong puso sa Diyos at hindi na magkakaroon ng anumang paghihinala o pagdududa sa Kanya. Tahimik na ginagawa ng Diyos ang lahat ng kung ano Siya para sa tao, tahimik na ginagawa ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng Kanyang sinseridad, katapatan, at pag-ibig. Ngunit wala Siya kailanmang pangamba o pagsisisi para sa lahat ng Kanyang ginagawa, ni wala rin Siyang pangangailangang bayaran ng ninuman sa anumang paraan o layunin kailanman na may makuha mula sa sangkatauhan. Ang tanging layunin ng lahat ng ginawa Niya kailanman ay upang matanggap Niya ang tunay na pananampalataya at pag-ibig ng sangkatauhan. Tapusin natin ang unang paksa dito.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marso 5, 2019

Ang Utos ng Diyos kay Adan

2018-04-18

(Gen 2:15-17) At kinuha ni Jehova ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ni Jehova sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka.

May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan? Maaari ninyong subukin na gunigunihin: Kung kayo yung naroon sa eksenang yun, ano kaya ang magiging anyo ng Diyos sa inyong puso? Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa imaheng ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagamat ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay lubhang karapat-dapat na kainggitan: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay walang-kabayarang ipinagkaloob sa tao, bumabalot sa tao; ang tao ay parang bata at inosente, walang kabigatan at walang alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pag-iingat at pagpapala ng Diyos; ang bawat isang bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na naka-ugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.

Maaari ninyong sabihin na ito ang unang utos na ibinigay ng Diyos sa tao simula noong nilikha siya. Ano ang nilalaman ng utos na ito? Taglay nito ang kalooban ng Diyos, ngunit taglay rin nito ang Kanyang mga alalahanin para sa sangkatauhan. Ito ang unang utos ng Diyos, at ito rin ang unang pagkakataon na nag-alala ang Diyos tungkol sa tao. Ang ibig sabihin, mayroong pananagutan ang Diyos para sa tao mula pa noong sandaling nilikha Niya siya. Ano ang Kanyang pananagutan? Kailangan Niyang ingatan ang tao, alagaan ang tao. Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita. Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao. Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod: “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ibinubunyag din ng mga ito na ang puso ng Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao. Sa gitna ng lahat ng mga bagay, si Adan lang ang nilikha sa wangis ng Diyos; si Adan lang ang nabuhay na taglay ang hininga ng buhay ng Diyos; maaari siyang lumakad kasama ang Diyos, makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kaya siya binigyan ng Diyos ng ganoong utos. Ginawang napakalinaw ng Diyos sa utos na ito kung ano ang maaaring gawin ng tao, at kung ano rin ang hindi niya maaaring gawin.

Sa iilang mga simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Ngunit anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang napahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang mga simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang mga salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo sinusubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Ngunit kung ikaw ay isang taong may konsensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, madadama mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama yan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano talaga kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, hindi ba nagsasabi ang Diyos ng maraming kagaya ng mga bagay na ito sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Ngunit pinahahalagahan ba ng mga tao sa panahong ito ang puso ng Diyos? Nauunawaan ba ninyo ang katatalakay ko lang na kalooban ng Diyos? Ni hindi ninyo maaninag ang kalooban ng Diyos kapag ito ay tunay, nahahawakan, at makatotohanan. Kaya ko nasasabing wala kayong totoong kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba ito totoo? Iyan lamang ang ating pag-uusapan sa seksyong ito.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marso 4, 2019

Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa

Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa

2018-04-18

Hindi namalayan, nagpatuloy ang paggawa ng Manlilikha sa lahat ng mga bagay nang limang araw, kasunod agad na sinalubong ng Manlilikha ang pang-anim na araw ng Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay. Panibagong simula na naman ang araw na ito, at panibagong pambihirang araw. Ano, ngayon, ang plano ng Maylalang sa bisperas ng bagong araw na ito? Anong mga bagong nilalang ang Kanyang ilalabas, lilikha ba Siya? Makinig, iyan ang boses ng Maylalang….
“At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa’t umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:24-25). Anong mga buhay na nilalang ang kasama rito? Ang sabi ng Kasulatan: mga hayop, at mga gumagapang na nilalang, at mga iba’t-ibang uri ng hayop sa lupa. Ibig sabihin, sa araw na ito, hindi lang mayroong iba’t-ibang uri ng mga buhay na nilalang sa lupa, ngunit nakauri sila lahat ayon sa klase, at ganoon din, “nakita ng Dios na mabuti.”
Tulad ng nakaraang limang araw, sa parehong tono, sa pang-anim na araw inutos ng Maylalang ang pagbibigay buhay sa mga gusto Niyang mga buhay na nilalang, at lumitaw sila sa lupa, ayon sa uri ng bawat isa. Kapag ipinatupad ng Maylalang ang Kanyang awtoridad, wala sa Kanyang mga salita ang mababalewala, at kaya, sa pang-anim na araw, ang bawat buhay na nilalang na Kanyang gustong likhain ay lumitaw sa itinakdang oras. Tulad ng sinabi ng Maylalang “Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri,” agad na napuno na naman ang mundo ng buhay, at biglang naglitawan sa lupa ang hininga ng lahat ng klase ng mga buhay na nilalang…. Sa berdeng damuhang kaparangan, matatabang baka, na pumapalo ang kanilang buntot nang paroon at parito, ang isa-isang lumitaw, nagtipon-tipon ang mga umuungang tupa, at nagsimulang tumakbo nang may palukso ang mga kabayo…. Sa isang iglap, napuno ng buhay ang malawak na tahimik na damuhan…. Magandang tanawin ang paglitaw ng iba’t-ibang uri ng mga hayop sa tahimik na damuhan, at kasama nito ang walang hanggang kasiglahan…. Sila ang mga kasama ng mga damuhan, at mga amo ng mga damuhan, na nakadepende sa bawat isa; gayon din sila ang magiging tagabantay at tagapangalaga ng kalupaang ito, kung saan ay magiging permanenteng tirahan nila, at kung saan ay magbibigay sa kanila ng lahat ng kailangan nila, pagmumulan ng walang hanggang pagkain para sa kanilang pamumuhay…
Sa parehong araw na nabuhay ang iba’t-ibang mga hayop na ito, sa pamamagitan ng salita ng Maylalang, lumitaw rin ang maraming insekto, isa-isa. Kahit na sila ang pinakamaliit sa mga buhay na nilalang, ang mga puwersa ng kanilang buhay ay mahimalang paglikha pa rin ng Maylalang, at hindi sila huling dumating…. Ikinampay ng iba ang kanilang maliliit na pakpak, habang gumapang nang mabagal ang iba; tumalon at tumalbog ang ilan, sumusuray-suray ang ilan; gumugulong paharap ang ilan, habang mabilis na umaatras ang iba; gumagalaw patagilid ang ilan, mataas at mababang tumatalon ang iba…. Abala ang lahat na humanap ng matitirhan para sa kanilang mga sarili: Pinilit ng ilan na pumasok sa damo, naghukay naman ang ilan ng mga butas sa lupa, lumipad sa mga puno ang ilan, nagtago sa mga kagubatan…. Kahit pa maliit, hindi nila gustong magdusa dahil walang laman ang tiyan, at matapos makahanap ng kanilang mga matitirahan, nagmadali silang naghanap ng pagkain para pakainin ang kanilang mga sarili. Umakyat ang iba sa damo para kainin ang mga malalambot nitong talim, sinakmal ng iba ang lupa at kinain ito, kumakain ng may sobrang sarap at kasiyahan (para sa kanila, kahit ang dumi ay masarap na pagkain); nagtatago ang ilan sa mga kagubatan, ngunit hindi sila huminto para magpahinga, habang nagbibigay ng makatas na pagkain ang dagta sa loob ng makintab na berdeng mga dahon…. Matapos silang magsawa, hindi pa rin huminto sa kanilang mga gawain ang mga insekto; bagamat maliit ang tayog, mayroon silang napakatinding enerhiya at walang limitasyong kasiglahan, at kaya sa lahat ng mga nilalang, sila ang pinakamaliksi, at pinakamasipag. Hindi sila kailanman naging tamad, at kailanman ay hindi nagpahinga. Matapos magsawa, ginagawa pa rin nila ang kanilang mga trabaho alang-alang sa kanilang hinaharap, abala ang kanilang mga sarili at nagmamadali para sa kanilang kinabukasan, para sa kanilang pamumuhay…. Marahan silang humuhuni ng mga iba’t-ibang himig at ritmo para hikayatin at himuking magpatuloy ang mga sarili. Nagbigay rin sila ng kasiyahan sa damo, mga puno, at sa bawat pulgada ng lupa, ginagawa ang bawat araw, at bawat taon na, natatangi…. Sa kanilang sariling mga wika at sa kanilang mga sariling paraan, nagdadala sila ng mga kaalaman sa lahat ng mga buhay na nilalang sa kalupaan. At gamit ang kanilang sariling espesyal na kurso ng buhay, minamarkahan nila ang lahat ng mga bagay, kung saan nag-iiwan sila ng mga bakas…. Malapit ang relasyon nila sa lupa, sa damo, at sa mga kagubatan, at nagdadala sila ng kalakasan at kasiglahan sa lupa, sa damo, sa mga kagubatan, at dala ang mga pangaral at pagbati ng Maylalang sa lahat ng mga buhay na nilalang…
Nakarating ang pagtitig ng Maylalang sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, at sa sandaling ito, huminto ang Kanyang mata sa mga kagubatan at kabundukan, umiikot ang isipan Niya. At binigkas ang Kanyang mga salita, sa makapal na mga kagubatan, at sa ibabaw ng mga kabundukan, may lumitaw na isang uri ng mga nilalang na di-tulad ng ibang dati nang dumating: Mababangis na hayop ang mga ito na binigkas ng bibig ng Diyos. Inuga nila ang kanilang mga ulo at pinaroon at parito ang kanilang mga buntot, may sarili silang natatanging itsura. Mabalahibo ang ilan, may kalasag ang ilan, may pangil ang ilan, nakangisi ang ilan, mahaba ang leeg ng ilan, at maikli ang buntot ng ilan, mabangis ang mata ng ilan, mahiyain ang tingin ng ilan, yumuyuko ang ilan para kumain ng damo, may dugo ang mga bibig ng ilan, tumatalon-talon sa dalawang paa ang ilan, naglalakad ang ilan gamit ang apat na malalaking kuko, tumitingin sa malayo ang ilan sa itaas ng mga puno, naghihintay ang ilan sa mga kagubatan, naghahanap ang ilan ng mga kweba para magpahinga, tumatakbo at masaya ang ilan sa mga kapatagan, umaali-aligid ang ilan sa mga kagubatan...; umaatungal ang ilan, umaalulong ang ilan, tumatahol ang ilan, umiiyak ang ilan…; soprano ang ilan, baritono ang ilan, buong lalamunan ang ilan, malinaw at malambing ang ilan…; mabagsik ang ilan, maganda ang ilan, nakakadiri ang ilan, nakatutuwa ang ilan, nakatatakot ang ilan, walang muwang na kaakit-akit ang ilan…. Isa-isa, sila ay lumabas. Tingnan kung paano sila lumitaw, masigla, medyo mailap sa bawat isa, walang pakialam na lumingon sa bawat isa…. Nagtataglay ang bawat isa ng partikular na buhay na ibinigay sa kanila ng Maylalang, at ang kanilang pagiging mabangis, at kalupitan, lumitaw sila sa mga kagubatan at sa mga kabundukan. Suwail sa lahat, ganap na nangingibabaw—sino ang gumawa sa kanila para maging mga tunay na amo ng mga kabundukan at kagubatan? Sa sandaling itinakda ang kanilang mga hitsura ng Maylalang, “inangkin” na nila ang mga kagubatan, at “inangkin” na ang mga kabundukan, dahil tinakpan na ng Maylalang ang kanilang mga hangganan at tinukoy na ang sakop ng kanilang pag-iral. Sila lang ang totoong mga panginoon ng mga kabundukan at kagubatan, at kaya napakabangis nila, at napakasuwail. Tinawag silang “mababangis na hayop” dahil lang, sa lahat ng mga nilalang, sila lang ang tunay na mabangis, malupit, at di mapaamo. Hindi sila mapaamo, kaya di sila maalagaan, at di maaaring mamuhay nang maayos kasama ang sangkatauhan o magtrabaho sa ngalan ng sangkatauhan. Ito’y dahil di sila maalagaan, di maaaring magtrabaho para sa sangkatauhan, na kailangan nilang mamuhay nang malayo sa sangkatauhan, at di maaaring lapitan ng tao. At ito’y dahil malayo silang namumuhay sa sangkatauhan, at di maaaring lapitan ng tao, na kayang tuparin ang kanilang katungkulan na ibinigay sa kanila ng Maylalang: binabantayan ang mga kabundukan at ang mga kagubatan. Pinoprotektahan ng kanilang kabangisan ang mga kabundukan at binabantayan ang mga kagubatan, at ang pinakamagandang pag-iingat at kasiguruhan ng kanilang pag-iral at pagpaparami. Kasabay nito, pinapanatili at sinisiguro ng kabangisan nila ang balanse sa lahat ng mga bagay. Nagbigay ng suporta at kanlungan ang kanilang pagdating sa mga kabundukan at mga kagubatan; nagdulot ang pagdating nila ng walang hangganang kalakasan at kasiglahan sa tahimik at walang laman na mga kabundukan at mga kagubatan. Mula sa puntong ito, naging permanenteng tirahan na nila ang mga kabundukan at mga kagubatan, at kailanman di mawawala sa kanila ang kanilang tirahan, dahil lumitaw at ginawa ang mga kabundukan at kagubatan para sa kanila, at tutuparin ng mga mabangis na hayop ang kanilang mga tungkulin, at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya, para bantayan ang mga ito. Kaya, gayun din, ang mga mababangis na hayop ay mahigpit na mamalagi sa mga pangaral ng Maylalang na panghawakan ang kanilang mga teritoryo, at patuloy na gamitin ang kanilang malahayop na kalikasan para panatilihin ang balanse ng lahat ng mga bagay na itinatag ng Maylalang, at ipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang!
                                             mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

Marso 3, 2019

Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

Sa Pang-apat na Araw, ang mga Panahon, mga Araw, at mga Taon ng Sangkatauhan ay Dumating habang Muling Ipinatupad ng Diyos ang Kanyang Awtoridad

2018-04-18

Ginamit ng Maylalang ang Kanyang mga salita para tapusin ang Kanyang plano, at sa paraang ito, natapos Niya ang mga unang tatlong araw ng Kanyang plano. Sa loob ng tatlong araw na ito, hindi nakitang naging abala ang Diyos, o napagod ang Kanyang sarili; bagkus, natapos Niya ang kamangha-manghang unang tatlong araw ng Kanyang plano, at nakamit ang dakilang gawain ng pagpapanukala ng malubhang pagbabago sa mundo. Isang bagong mundo ang lumitaw sa Kanyang harapan, at, isa-isa, ang magandang larawan na nakatago sa loob ng Kanyang kaisipan ay sa ganap na naibunyag na sa mga salita ng Diyos. Ang paglitaw ng bawat bagong bagay ay parang kapanganakan ng isang bagong silang na sanggol, at nalugod ang Maylalang sa larawang minsa’y nasa Kanyang kaisipan, ngunit ngayon ay nabigyan na ng buhay. Sa oras na ito, nagkaroon ng kapirasong kasiyahan ang Kanyang puso, ngunit nagsisimula pa lamang ang Kanyang plano. Sa isang kisap mata, dumating na ang bagong araw—at ano ang susunod na pahina sa plano ng Maylalang? Ano ang sinabi Niya? At paano Niya ipinatupad ang Kanyang awtoridad? At, kasabay nito, anong mga bagong bagay ang dumating dito sa bagong mundo? Sa pagsunod sa gabay ng Maylalang, matutuon ang ating pagtingin sa pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, isang araw na kung saan ay may panibagong simula. Siyempre, para sa Lumikha, walang duda na ito’y kamangha-manghang panibagong araw, at panibagong araw na napakahalaga para sa sangkatauhan sa kasalukuyan. Ito nga, siyempre, ay isang araw na hindi matantya ang halaga. Paano ito naging maganda, paano ito naging napakahalaga, at paanong hindi matantya ang halaga nito? Makinig muna tayo sa mga salitang binigkas ng Maylalang….
“At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa” (Gen 1:14-15). Isang pagpapatupad na naman ito ng awtoridad ng Diyos na ipinakita ng mga nilalang na sumunod sa Kanyang paglikha ng tuyong lupa at ang mga halamang narito. Para sa Diyos, ang naturang gawa ay parehong madali, dahil may naturang kapangyarihan ang Diyos; kasinggaling ng Diyos ang Kanyang salita, at matutupad ang Kanyang salita. Iniutos ng Diyos na lumitaw ang liwanag sa langit, at ang mga liwanag na ito ay hindi lang nagpaliwanag sa kalangitan at sa lupa, ngunit naging mga senyales din ng araw at gabi, para sa mga panahon, mga araw, at mga taon. Sa paraang ito, habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang bawat gawa na gustong makamit ng Diyos ay nangyari ayon sa kahulugan ng Diyos at sa paraang hinirang ng Diyos.
Ang mga liwanag sa langit ay bagay sa kalangitan na kayang magbigay ng sinag ng liwanag; kaya nitong ilawan ang langit, at kayang ilawan ang lupa at mga karagatan. Umiikot ang mga ito ayon sa ritmo at dalas na utos ng Diyos, at liniliwanagan ang iba’t-ibang oras ng mga panahon sa lupa, at sa ganitong paraan, ang pag-ikot ng liwanag ang nagiging sanhi ng araw at gabi para lumabas sa silangan at kanluran ng lupa, at hindi lamang sila mga senyales ng gabi at araw, ngunit sa pamamagitan nitong mga iba’t-ibang pag-ikot, palatandaan din sila ng mga pista at iba’t-ibang espesyal na mga araw ng sangkatauhan. Perpektong pambuo at kasama ang mga ito sa apat na panahon—tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig—na inutos ng Diyos, kasama kung saan ang mga liwanag ay magkakatugma na nagsisilbing regular at tiyak na mga marka para sa anyo ng buwan, mga araw, at mga taon ng sangkatauhan. Bagama’t noong dumating lamang ang pagsasaka na ang sangkatauhan ay nagsimulang maintindihan at makita ang paghihiwalay ng mga anyo ng buwan, mga araw at mga taon na dulot ng mga liwanag na nilikha ng Diyos, sa katunayan ang mga anyo ng buwan, mga araw, at mga taon na naiintindihan ng tao ngayon ay nagsimula ng maipakita nang matagal noong pang-apat na araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at gayun din ang pagpapalitan ng pag-ikot ng tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig na naranasan ng tao ay nagsimula noon pang ika-apat na araw ng paglika ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Ang ginawang mga liwanag ng Diyos ay nakatulong sa tao na regular, tiyak, at malinaw na matukoy ang kaibahan ng gabi at araw, at bilangin ang mga araw, at malinaw ng subaybayan ang mga anyo ng buwan at mga taon. (Ang araw ng bilog na buwan ay pagkumpleto ng isang buwan, at mula rito, alam ng tao na ang pagpapalinaw ng mga ilaw ay simula ng bagong pag-ikot; ang araw na may kalahating buwan ay pagkumpleto sa kalahati ng buwan, kung saan sinasabi sa tao na nagsimula na ang isang bagong anyo ng buwan, mula rito maaaring maipahiwatig kung gaano karami ang mga araw at gabi sa isang anyo ng buwan, kung gaano karami ang anyo ng buwan sa isang panahon, at kung gaano karaming panahon ang mayroon sa isang taon, at karaniwang naipapakita ang lahat ng ito.) At kaya, madaling masubaybayan ng tao ang mga anyo ng buwan, mga araw, at mga taon na minarkahan ng mga pag-ikot ng mga liwanag. Mula sa puntong ito, hindi namamalayan ng sangkatauhan at ng lahat ng mga bagay na namumuhay sila sa gitna ng maayos na pagpapalitan ng gabi at araw at ng mga pagpapalitan ng mga panahon na sanhi ng mga pag-ikot ng mga liwanag. Ito ang kahalagahan ng paglikha ng Maylalang sa mga liwanag sa pang-apat na araw. Katulad nito, ang mga layunin at kahalagahan nitong pagkilos ng Maylalang ay hindi pa rin maaaring ihiwalay mula sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan. At kaya, ang mga liwanag na ginawa ng Diyos at ang kahalagahan na nalalapit nitong dalhin sa tao ay panibagong kumpas ng kahusayan sa pagpapatupad ng awtoridad ng Maylalang.
Sa bagong mundong ito, na kung saan hindi pa lumilitaw ang sangkatauhan, inihanda ng Maylalang ang gabi at umaga, ang kalawakan, lupa at mga karagatan, damo, halaman at iba’t-ibang uri ng mga puno, at “ang mga liwanag, mga panahon, mga araw, at mga taon” para sa bagong buhay na nalalapit Niyang likhain. Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay naipakita sa bawat bagong bagay na Kanyang ginawa, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang walang maliit na kaibahan, at nang walang bahagyang pagitan. Ang paglitaw at pag-usbong ng lahat ng mga bagong bagay ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang: Kasing-galing Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na ay mananatili magpakailanman. Hindi nagbago ang katunayang ito: kaya ito ang nangyari noon, kaya ganito rin ngayon, at kaya ito rin ang mangyayari magpakailanman. Kapag muli ninyong tiningnan ang mga salitang iyon sa kasulatan, para bang bago ang mga ito sa inyo? May nakita ba kayong mga bagong nilalaman, at may mga natuklasan ba kayong bago? Iyon ay dahil hinipo ng mga gawa ng Maylalang ang inyong mga puso, at ginabayan ang direksiyon ng inyong kaalaman sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at binuksan ang pintuan ng inyong kaunawaan sa Lumikha, at ang Kanyang mga gawa at awtoridad ay nagbigay ng buhay sa mga salitang ito. At kaya sa mga salitang ito, nakita ng tao ang isang totoo, malinaw na pagpapakita ng awtoridad ng Maylalang, at tunay na nasaksihan ang pananaig ng Maylalang, at minasdan ang di-pangkaraniwang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang.
Ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay lumilikha ng sunod-sunod na himala, at pinupukaw Niya ang pansin ng tao, at walang magawa ang tao kundi ipako na lamang ang tingin sa mga kahanga-hangang gawa na nanggaling sa pagpapatupad ng Kanyang awtoridad. Ang Kanyang di-pangkaraniwang kapangyarihan ay nagdadala nang sunud-sunod na kasiyahan, at naiwan ang tao na puno ng mangha at labis na tuwa, at napapabuntong hininga sa paghanga, tulala, at masaya; ano pa, ang tao ay halatang naantig, at nabuo sa kanya ang respeto, paggalang, at pagkagiliw. May malaking epekto ang awtoridad at mga gawa ng Maylalang sa espiritu ng tao, at nililinis ang espiritu ng tao, at, bukod dito, nagbibigay ng kaganapan sa espiritu ng tao. Ang bawat kaisipan Niya, bawat pagbigkas Niya, at ang bawat pagbubunyag ng Kanyang awtoridad ay isa sa pinakamahusay na gawa sa lahat ng mga bagay, at isang malaking gawaing pinakakarapat-dapat sa malalim na kaunawaan at kaalaman ng nilikhang sangkatauhan. Kung bibilangin natin ang bawat nilikha na nagmula sa mga salita ng Maylalang, ang mga espiritu natin ay napapalapit sa paghanga sa kapangyarihan ng Diyos, at makikita natin ang ating mga sarili na sinusundan ang mga yapak ng Maylalang hanggang sa susunod na araw: ang panlimang araw ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay.
Patuloy nating basahin ng isa-isa ang talata sa Kasulatan, habang tinitingnan natin ang mas marami pa sa mga gawa ng Maylalang.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Marso 2, 2019

Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita

Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita

2018-04-18

Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong sabihin at gawin ng Diyos? Ang mga kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”
Ang dalawang maikling mga pangungusap na ito ay nagtatala ng isang kahanga-hangang pangyayari, at naglalarawan ng kamangha-manghang kaganapan—ang napakalaking pamamahala kung saan ang Diyos ang namahala sa mga katubigan, at lumikha ng espasyo kung saan ang tao ay maaaring mamuhay...
Sa larawang ito, ang mga katubigan at ang kalawakan ay lumitaw sa harap ng Diyos sa isang iglap, at sila ay pinaghiwalay ng awtoridad ng salita ng Diyos, at pinaghiwalay sa itaas at ibaba sa paraang iniutos ng Diyos. Na ang ibig-sabihin, hindi lamang sakop ng kalawakan na nilikha ng Diyos ang mga katubigan sa ibaba, kundi pati na rin ang mga katubigan sa itaas.... Dito, walang magagawa ang tao kundi ang matulala, mamangha sa kagandahan habang pinagmamasdan ang kagandahan ng pangyayari kung saan inilipat ng Maylalang ang mga katubigan, at inutusan ang mga katubigan, at nilikha ang kalawakan, at sa kapangyarihan ng Kanyang awtoridad. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ng kapangyarihan ng Diyos, at ng awtoridad ng Diyos, nagtamo ang Diyos ng isa pang dakilang gawa. Hindi ba ito ang kapangyarihan ng Awtoridad ng Maylalang? Gamitin natin ang mga kasulatan upang ipaliwanag ang mga gawa ng Diyos: Sinambit ng Diyos ang mga salita, at dahil sa mga salitang ito ng Diyos nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan. At sa parehong panahon, ang napakalaking pagbabago ay nangyari sa kalawakan dahil sa mga salita ng Diyos, at hindi ito nabago sa isang ordinaryong pakiramdam, ngunit isang paghalili kung saan walang nangyari sa isang bagay. Ito ay nabuhay mula sa mga kaisipan ng Maylalang, at naging isang bagay mula sa wala dahil sa mga salita na sinambit ng Maylalang, at, higit pa roon, at mula rito, ito ay maaaring umiral at maitatag, para sa kapakanan ng Maylalang, at maaaring lumipat, magbago, at mabago kaayon sa mga kaisipan ng Maylalang. Inilalarawan ng talatang ito ang pangalawang kilos ng Maylalang sa paglikha ng buong mundo. Ito ay isa pang pagpapahayag ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at isa pang pangunahing pamamahala ng Maylalang. Ang araw na ito ay ang ikalawang araw ng Maylalang na nagpahinga simula sa pagbuo ng mundo, at ito ay isa pang kahanga-hangang araw para sa Kanya: Siya ay naglakad sa gitna ng ilaw, Dinala Niya ang kalawakan, inayos at pinamahalaan ang mga katubigan, at ang Kanyang mga gawa, ang Kanyang awtoridad, at ang Kanyang kapangyarihan ay inilagay sa gawain sa bagong araw...
May kalawakan na ba sa gitna ng mga katubigan bago bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita? Siyempre wala! At paano naman noong matapos sabihin ng Diyos na “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig”? Lumitaw ang mga bagay na sinadya ng Diyos; nagkaroon ng kalawakan sa gitna ng mga katubigan, at naghiwalay ang mga katubigan dahil sinabi ng Diyos “at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.” Sa paraang ito, sa pagsunod sa mga salita ng Diyos, dalawang bagong bagay, dalawang kagagawang bagay ang lumitaw sa kalagitnaan ng lahat ng mga bagay bilang resulta ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. At ano ang naramdaman ninyo sa paglitaw ng dalawang bagay na ito? Ramdam ba ninyo ang kadakilaan ng kapangyarihan ng Lumikha? Ramdam ba ninyo ang natatangi at pambihirang puwersa ng Maylalang? Ang kadakilaan ng naturang pwersa at kapangyarihan ay dahil sa awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad na ito ay ang pagkatawan sa Diyos Mismo, at natatanging katangian ng Diyos Mismo.
Binigyan ba kayo ng talatang ito ng panibagong malalim na pakiramdam ng pagiging natatangi ng Diyos? Ngunit malayo ito sa kasapatan; ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay lampas pa rito. Ang Kanyang pagiging natatangi ay hindi lang dahil mayroon Siyang diwa na hindi katulad ng anumang nilikha, ngunit dahil din ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan ay pambihira, walang limitasyon, kataas-taasan, at namamayagpag sa lahat, at bukod dito, dahil ang Kanyang awtoridad at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay kayang lumikha ng buhay, at nakakagawa ng mga himala, at kayang likhain ang bawat at lahat ng kagila-gilalas at pambihirang minuto at segundo, at sa parehong oras, kaya Niyang pamahalaan ang buhay na Kanyang nililikha, at hawakan ang kapangyarihan sa loob ng bawat milagro at bawat minuto at segundo na kanyang nililikha.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao