Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotothanan?
Xiaohe Puyang City, Henan Province
Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.