Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II
Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala niyo ba kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pakikisama ay ang: Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalagang paksa ba ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Katangian ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa lahat ng aspeto ng Kanyang trabaho, at ang Kanyang disposisyon ay palaging naisisiwalat sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay lahat mula sa bawat isa.
Ang nilalaman ng ating huling pagsasama tungkol sa gawain ng Diyos ay ang mga salaysay sa Biblia na naganap matagal na panahon na ang nakalipas. Mga kuwento ang lahat ng ito tungkol sa tao at Diyos, at nangyari ang mga ito sa tao at sabay na nasali ang partisipasyon at pagpapahayag ng Diyos, upang ang mga kuwentong ito ay magkaroon ng partikular na halaga at kabuluhan sa pag-alam sa Diyos. Pagkatapos na pagkatapos Niyang nilikha ang sangkatauhan, nagsimulang makipag-ugnayan ang Diyos sa tao at nakipag-usap sa tao, at ang Kanyang disposisyon ay naihayag sa tao. Sa ibang salita, mula sa unang pakikipag-ugnay ng Diyos sa sangkatauhan, nagsimula Siyang magpakita sa tao, nang walang hinto, ang Kanyang diwa at kung anong mayroon Siya at ano Siya. Hindi alintana kung ang mga mas naunang tao o ang mga tao ng panahong ito ay nakikita o nauunawaan ito, sa madaling salita nakikipag-usap ang Diyos sa tao at gumagawa kasama ng tao, ipinapakita ang Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang diwa—na isang katotohanan, at hindi maikakaila ng sinumang tao. Nangangahulugan din ito na ang disposisyon ng Diyos, diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay tuluy-tuloy na lumalabas at naisisiwalat sa mga gawain at Siya ay nakikipag-ugnay sa tao. Hindi Siya kailanman naglihim o nagtago ng anumang bagay mula sa tao, ngunit sa halip ay nagpakita sa madla at inilabas ang Kanyang sariling disposisyon nang walang pag-aatubili. Kaya, umaasa ang Diyos na kilalanin Siya ng tao at unawain ang Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Niya nais tratuhin ng tao ang Kanyang disposisyon at diwa bilang walang hanggang misteryo, hindi rin Niya gustong tingnan ng sangkatauhan ang Diyos bilang isang palaisipan na hindi maaaring malutas. Kapag kilala ng sangkatauhan ang Diyos saka lamang malalaman ng tao ang daan pasulong at magagawang tanggapin ang gabay ng Diyos, at tanging ang taong tulad nito ang magagawang mabuhay sa kapangyarihan ng Diyos, at mabuhay sa liwanag, kapiling ang mga biyaya ng Diyos.
Ang mga salita at disposisyong nilabas at ipinakita ng Diyos ay kumakatawan sa Kanyang kalooban, at kinakatawan din ang Kanyang diwa. Kapag nakikipag-ugnay ang Diyos sa tao, anuman ang Kanyang sabihin o gawin, o anuman ang disposisyong Kanyang ipakita, at anuman ang makita ng tao sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos para sa tao. Hindi alintana kung hanggang saan ang kayang matanto, maunawaan o maintindihan ng tao, kinakatawan nito lahat ang kalooban ng Diyos—ang kalooban ng Diyos para sa tao. Ito ay walang duda! Ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan ay kung paanong maging ang kinakailangan Niya sa mga tao, ang mga hiniling Niyang gawin nila, kung paano Niya sila kinakailangang mabuhay, at kung paano Niya sila kinakailangang magkaroon ng kakayahang maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ito ba ang mga bagay na hindi mahihiwalay mula sa mga diwa ng Diyos? Sa ibang salita, inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon Siya at sa parehong oras sa pag-utos sa tao. Walang kasinungalingan, walang pagkukunwari, walang pagkatago, at walang pagpapaganda. Ngunit bakit hindi kaya ng tao ang pag-alam, at bakit hindi niya kailanman nagawang makita nang malinaw ang disposisyon ng Diyos? At bakit hindi niya kailanman natanto ang kalooban ng Diyos? Iyong naisiwalat at nailabas ng Diyos Mismo ay kung sino at ano Siya, pati ang bawat pilas at tapyas ng Kanyang tunay na disposisyon—kaya bakit hindi makakita ang tao? Bakit hindi kaya ng tao ang masusing kaalaman? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Mula noong panahon ng paglikha, hindi kailanman itinuturing ng tao ang Diyos bilang Diyos. Sa mga pinakaunang panahon, anuman ang ginawa ng Diyos tungkol sa tao, ang tao na kalilikha lamang, itinuring Siya ng tao na hindi hihigit sa isang kasamahan, bilang isang tao na maaaring asahan, at walang kaalaman o pag-unawa tungkol sa Diyos. Na ang ibig sabihin, hindi Niya alam kung ano ang inilabas sa pamamagitan ng Nilalang na ito—ang Nilalang na ito na Kanyang inasahan at nakita bilang kasamahan—ay ang diwa ng Diyos, ni hindi rin Niya alam na ang Nilalang na ito ay ang Siyang namamahala sa lahat ng bagay. Sa madaling sabi, ang mga tao ng panahong iyon ay hindi magkakaroon ng kahit kakaunting kaalaman sa Diyos. Hindi nila alam na ang langit at lupa at lahat ng mga bagay ay ginawa Niya, at sila ay walang kaalam-alam kung saan Siya nanggaling, at, higit pa rito, kung ano Siya. Mangyari pa, hindi kinailangan ng Diyos ang tao noong una na kilalanin Siya, o unawain Siya, o intindihin ang lahat ng Kanyang ginawa, o maging malaman ang Kanyang kalooban, dahil ito ang mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha sa sangkatauhan. Nang magsimula ang Diyos sa paghahanda para sa gawain ng Panahon ng Kautusan, ginawa ng Diyos ang ilang mga bagay sa tao at nagsimula rin ang Kanyang pag-utos sa tao, na sinasabi kung paano magbigay ng mga handog at sumamba sa Diyos. Saka lamang nagkaroon ang tao ng mga simpleng pananaw tungkol sa Diyos, saka lamang niya nalaman ang kaibahan sa pagitan ng tao at Diyos, at ang Diyos na lumikha sa sangkatauhan. Nang malaman ng tao na ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao, nagkaroon ng isang tiyak na distansya sa pagitan niya at ng Diyos, ngunit hindi pa rin tinanong ng Diyos ang tao kung may mahusay Siyang kaalaman o malalim na unawa sa Kanya. Kaya, gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang mga kinakailangan ng tao batay sa mga yugto at mga pangyayari ng Kanyang gawain. Ano ang nakikita ninyo rito? Anong aspeto ng disposisyon ng Diyos ang nakikita ninyo? Totoo ba ang Diyos? Angkop ba ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao? Sa mga pinakaunang panahon kasunod ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, noong kailangan pang gawin ng Diyos ang paglupig at gawing perpekto ang tao, at hindi nagbanggit ng maraming salita sa kanya, kaunti ang Kanyang hiningi sa tao. Hindi alintana kung ano ang ginawa o kung paano umasal ang tao—kahit ginawa niya ang ilang mga bagay na nakakasakit sa damdamin ng Diyos—pinatawad iyon lahat ng Diyos, at hindi na pinansin. Dahil alam ng Diyos kung ano ang ibinigay Niya sa tao, at alam kung ano ang nasa loob ng tao, kaya alam Niya ang pamantayan ng mga pangangailangan na dapat Niyang makuha sa tao. Kahit na ang mga pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan ay masyadong mababa sa panahong iyon, ito ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay hindi mahusay, o na ang Kanyang karunungan at kataas-taasang kapangyarihan ay mga walang lamang salita. Para sa tao, mayroon lamang isang paraan upang malaman ang disposisyon ng Diyos at Diyos Mismo: sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang ng mga gawain ng pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan ng Diyos, at pagtanggap ng mga salitang binabanggit ng Diyos sa sangkatauhan. Gayong alam na kung anong mayroon at ano ang Diyos, at alam ang disposisyon ng Diyos, hihilingin pa rin kaya ng tao sa Diyos na ipakita ang tunay Niyang pagkatao? Hindi kailanman, at hindi maglalakas-loob ang tao, dahil sa pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at ano ang mayroon Siya at ano Siya, nakita na ng tao ang tunay na Diyos Mismo, at nakita na ang Kanyang tunay na pagkatao. Ito ang kalalabasang di maiiwasan.
Habang walang humpay ang pasulong na pag-unlad ng gawa at plano ng Diyos, at matapos maisagawa ang tipan ng bahaghari ng Diyos sa tao bilang hudyat na hindi na Niya sisirain pang muli ang mundo sa paggamit ng baha, mataas ang pagnanais ng Diyos na makamit ang mga taong kayang makipag-isang isip sa Kanya. Gayundin naman, ang Kanyang hangaring madaliang maisakatuparan ang Kanyang kalooban sa lupa, at, higit pa rito, upang makatamo ng isang grupo ng mga tao na magagawang makawala sa mga puwersa ng kadiliman, at hindi masaklawan ni Satanas, at magagawang magpatotoo sa Kanya sa lupa. Ang pagtamo ng ganoong grupo ng tao ay ang matagal nang ninanais ng Diyos, ang hinihintay Niya simula pa sa panahon ng paglikha. Kaya, di alintana ang mga bahang ginamit ng Diyos upang sirain ang mundo, o ng Kanyang tipan sa tao, ang kalooban ng Diyos, kaisipan, plano, at pag-asa ay nanatiling ganoon pa rin. Kung ano ang nais Niyang gawin, na kung saan Siya ay naghangad bago pa man ang panahon ng paglikha, upang makakuha sa sangkatauhan ng nais Niyang makuha—upang makuha ang grupo ng tao kayang umunawa at malaman ang Kanyang disposisyon, at unawain ang Kanyang kalooban, isang grupo na kaya Siyang sambahin. Tulad ng isang grupo ng mga tao na tunay na maaaring magpatotoo sa Kanya, ang mga ito, maaaring ito ay masabi na, Kanyang mga pinagkakatiwalaan.
Ngayon, ipagpatuloy natin ang paghahanap sa mga yapak ng Diyos at ang pagsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain, upang matuklasan natin ang mga saloobin at kaisipan ng Diyos, at lahat ng may kinalaman sa Diyos, ang lahat ng ito’y “itinago sa lagakan” nang matagal. Sa pamamagitan ng mga bagay na ito malalaman natin ang disposisyon ng Diyos, mauunawaan ang diwa ng Diyos, patutuluyin natin ang Diyos sa ating mga puso, at ang bawat isa sa atin ay dahan-dahang mapapalapit sa Diyos, binabawasan ang ating distansya mula sa Diyos.
Bahagi ng ating pinag-usapan noong nakaraan ay may kinalaman sa kung bakit itinatag ng Diyos ang Kanyang tipan sa tao. Sa ngayon, pag-uusapan natin nang sama-sama ang mga sipi ng banal na kasulatan sa ibaba. Magsimula tayo sa pamamagitan ng pagbasa sa mga banal na kasulatan.
A. Abraham
1. Nangako ang Diyos na Bibigyan ng Anak na Lalaki si Abraham
(Gen 17:15-17) At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan. At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya’y bibigyan kita ng anak: oo, siya’y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya. Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, atnasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?
(Gen 17:21-22) Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating. At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.
2. Isinakripisyo ni Abraham si Isaac
(Gen 22:2-3) At kaniyang sinabi, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo. At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios.
(Gen 22:9-10) At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak.
Walang Makapagtatago sa Gawaing Pagpapasiyahan ng Diyos
Katatapos niyo lamang marinig ang kuwento ni Abraham. Siya ay pinili ng Diyos pagkatapos wasakin ng baha ang mundo, ang kanyang pangalan ay Abraham, at nang siya ay isang daang taong gulang na, at ang kanyang asawang si Sara ay siyamnapu, ang pangako ng Diyos ay dumating na sa kanya. Ano ang ipinangako ng Diyos sa kanya? Ang tinukoy sa Banal na Kasulatan ang ipinangako ng Diyos: “At akin siyang pagpapalain, at saka sa kanya’y bibigyan kita ng anak.” Ano ang balangkas sa pangako ng Diyos na bigyan siya ng isang anak na lalaki? Nagbibigay ang Banal na Kasulatan ng sumusunod na pahayag: “Nang magkagayo’y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?” Sa ibang salita, masyado nang matanda ang mag-asawang ito para magkaanak. Ano ang ginawa ni Abraham pagkatapos gawin ng Diyos ang Kanyang pangako sa kanya? Nagpatirapa si Abraham sa kanyang harapan nang tumatawa, at nasabi sa sarili niya, “Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na?” At naniwala si Abraham na ito ay imposible—nangangahuluhan ito na naniwala siyang walang iba kundi isang katatawanan ang ipinangako ng Diyos sa kanya. Mula sa pananaw ng tao, ito ay hindi matatamo sa pamamagitan ng tao, at gayon din naman hindi matatamo sa pamamagitan ng Diyos at isang imposibleng bagay para sa Diyos. Marahil, kay Abraham, ito ay katawa-tawa: Nilikha ng Diyos ang tao, gayon pa man hindi Niya alam na ang isang taong sobrang tanda na ay wala nang kakayahang magsilang ng anak; sa Kanyang palagay ay maaaring Niya akong pahintulutang magkaanak, sinabi Niya na bibigyan Niya ako ng isang anak na lalaki—tiyak na imposible! At sa gayon, nagpatirapa si Abraham sa kanyang mukha, at tumawa, at nasabi sa sarili niya: Imposible—Niloloko ako ng Diyos, hindi ito totoo! Hindi niya sineryoso ang mga salita ng Diyos. Kaya, sa paningin ng Diyos, anong uri ng tao si Abraham? (Makatuwiran.) Saan mo nalaman na siya ay matuwid? Sa paningin ninyo makatuwiran ang lahat ng tinatawag ng Diyos, at perpekto, at mga taong lumalakad kasama ang Diyos. Sumusunod kayo sa doktrina! Dapat ninyong makita nang malinaw na kapag tumutukoy ang Diyos sa isang tao, hindi Niya iyon ginagawa nang nagkataon lang. Hindi sinabi ng Diyos dito na makatuwiran si Abraham. Sa Kanyang puso, ang Diyos ay may mga pamantayan para sa pagsukat ng bawat tao. Bagaman hindi sinabi ng Diyos kung anong uri ng tao si Abraham, pagdating sa kanyang pag-uugali, anong uri ng pananampalataya mayroon si Abraham sa Diyos? Medyo matalinghaga ba ito? O malaki ba ang kanyang pananampalataya? Hindi, wala siya noon! Ang kanyang tawa at saloobin ay nagpakita kung sino siya, kaya ang inyong paniniwala na siya’y matuwid ay isang katha ng inyong imahinasyon, ito ay ang bulag na aplikasyon ng doktrina, ito ay isang iresponsableng pagtatasa. Nakita ba ng Diyos ang tawa at maliliit na paghayag ni Abraham,[a]alam ba Niya ang mga ito? Alam ng Diyos. Ngunit babaguhin ba ng Diyos ang Kanyang napagpasiyahan? Hindi! Kapag binalak at napagpasiyahan ng Diyos na Siya ang pipili sa taong ito, ang bagay ay natapos na. Kahit ang saloobin ng tao o ang kanyang pag-uugali ay ni hindi makaiimpluwensiya o makagagambala sa Diyos; hindi babaguhin ng Diyos ang Kanyang plano, hindi rin Niya babaguhin o pasasamain ang Kanyang plano dahil sa ugali ng tao, na maaaring magiging isang kahangalan lamang. Kung gayon, ano ang nasusulat sa Genesis 17:21-22? “Nguni’t ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating. At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.” Walang kakaunting atensyong ibinigay ang Diyos sa inisip o sinabi ni Abraham. At ano ang dahilan ng Kanyang pagwawalang-bahala? Ito ay dahil, sa oras na iyon, hindi hiniling ng Diyos sa tao na magkaroon ng malaking pananampalataya, na siya ay magkaroon ng malaking kaalaman tungkol sa Diyos, o, higit pa rito, na magagawa niyang unawain kung ano ang nagawa at sinabi ng Diyos. Kaya, hindi niya hiniling sa taong iyon na unawain nang lubos kung ano ang napagpasiyahan Niya, o ang mga taong Kanyang pipiliin, o ang mga prinsipyo ng Kanyang pagkilos, dahil ang katayuan ng tao ay masyadong kulang. Nang panahong iyon, itinuturing ng Diyos ang anumang gawin ni Abraham o maging kung paano ang kanyang asal bilang normal. Hindi Niya isinumpa, o pinagalitan, bagkus ay nagsabing: “Dadalhin ni Sara si Isaac sa iyo, sa tadhanang araw, sa taong darating.” Sa Diyos, pagkatapos Niyang ihayag ang mga salitang ito, ang bagay na ito ay naging totoo nang sunud-sunod; sa paningin ng Diyos, ang dapat maganap sa pamamagitan ng Kanyang planong nakamit na. At matapos ang pagkumpleto ng mga kaayusan para sa mga ito, ay umalis ang Diyos. Anuman ang ginagawa ng tao o nauunawaan niya, ang mga plano ng tao—wala sa mga ito ang may kinalaman sa Diyos. Ang lahat ay naisaayos ayon sa plano ng Diyos, alinsunod sa mga oras at yugtong itinalaga ng Diyos. Ito ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay hindi gumagambala sa kahit anong iniisip o nalalaman ng tao, at hindi rin Niya tinatalikuran ang Kanyang plano, o iniiwan ang Kanyang trabaho, dahil ang tao ay hindi naniniwala o nakauunawa. Ang mga katotohanan ay naisagawa nang ayon sa plano at saloobin ng Diyos. Ito tiyak ang nakikita natin sa Biblia: Hinayaan ng Diyos si Isaac na ipinanganak sa panahong itinalaga Niya. Pinatutunayan ba ng mga katotohanan na ang asal at pag-uugali ng tao ay humahadlang sa gawain ng Diyos? Hindi sila humadlang sa gawain ng Diyos! Naapektuhan ba ng maliit na pananampalataya ng tao sa Diyos at ng kanyang pag-iisip at imahinasyon ang gawain ng Diyos? Hindi, hindi nila naapektuhan! Hindi sa pinakakaunti! Hindi naaapektuhan ng sinumang tao, bagay, o kapaligiran ang plano ng pamamahala ng Diyos. Lahat ng Kanyang pagpapasiya sa gawain ay nakumpleto na at natapos sa oras at ayon sa Kanyang plano, at ang Kanyang trabaho ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang mga tao. Hindi binigyang pansin ng Diyos ang kamangmangan at kawalang-alam ng tao, maging hindi pinapansin ang ilan sa paglaban ng tao at kaisipan tungo sa Kanya; sa halip, ginagawa Niya ang gawaing nararapat niyang gawin nang walang pag-aalangan. Ito ang disposisyon ng Diyos, at ito ay isang pagmuni-muni ng Kanyang walang hanggang kapangyarihan.
Ang Gawain sa Pamamahala ng Diyos at Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagsisimula sa Pagsakripisyo ni Abraham kay Isaac
Matapos mabigyan ng isang anak na lalake si Abraham, ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Abraham ay natupad. Ito ay hindi nangangahulugan na ang plano ng Diyos ay tumigil dito; sa kabilang banda, ang kahanga-hangang plano ng Diyos para sa pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan ay kasisimula pa lamang, at ang Kanyang pagpapala ng isang lalaki kay Abraham ay isang pagpapakilala sa Kanyang pangkalahatang plano sa pamamahala. Sa sandaling iyon, sino ang nakaalam na ang digma ng Diyos kay Satanas ay tahimik na nagsimula nang isinakripisyo ni Abraham si Isaac?
Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao —Hinihiling Lang Niyang Maging Totoo ang Tao
Susunod, ating tingnan ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa Genesis 22:2, ibinigay ng Diyos ang sumusunod na kautusan kay Abraham: “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.” Ang pakahulugan ng Diyos ay malinaw: Sinasabi Niya kay Abraham na ialay ang kanyang bugtong na anak na si Isaac, na kanyang iniibig, bilang handog na susunugin. Kung titingnan ninyo ito ngayon, tinutuligsa pa rin ba ng kaisipan ng tao ang utos ng Diyos? Oo! Lahat ng ginagawa ng Diyos sa oras na iyon ay lubos na salungat sa mga kaisipan ng tao at hindi kayang unawain ng tao. Sa kanilang kaisipan, ang mga tao ay naniniwala sa mga sumusunod: Kapag ang isang tao ay hindi naniniwala, at naisip na ito’y hindi kailanman magiging posible, binigyan siya ng Diyos ng isang lalaki, at matapos niyang magkamit ng isang lalaki, inutusan siya ng Diyos na ialay ang kanyang anak—hindi kapani-paniwala! Ano talaga ang binalak gawin ng Diyos? Ano ang tunay na layunin ng Diyos? Walang pasubali Niyang binigyan ng anak na lalaki si Abraham ngunit inutusan rin Niya si Abraham na huwag magdalawang isip sa pag-alay. Labis ba ito? Sa punto ng isang ikatlong partido, ito ay hindi lamang labis ngunit medyo isang kaso ng “paggawa ng problema mula sa wala.” Ngunit hindi makapaniwala mismo si Abraham na masyadong malaki ang hinihingi ng Diyos. Bagama’t nagkaroon siya ng mga pagkukulang, at bahagyang pinaghinalaan ang Diyos, handa pa rin niyang gawin ang pag-alay. Sa puntong ito, ano ang nakita mong patunay na handa nga si Abraham na ialay ang kanyang anak? Ano ang sinasabi ng mga pangungusap na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng sumusunod na mga pahayag: At si Abraham ay bumangong maaga, at inihanda ang kaniyang asno, at ipinagsama ang dalawa sa kaniyang mga alila, at si Isaac na kaniyang anak: at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa dakong sinabi sa kaniya ng Dios (Gen 22:3). At sila’y dumating sa dakong sa kaniya’y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak (Gen 22:9-10). Kapag iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hiniling ng Diyos si Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay ipinakita sa Diyos ang puso ni Abraham, at hindi alintana ang kanyang dating kamangmangan, kawalang-alam, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, sa oras na iyon ang puso ni Abraham sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay na ibabalik Niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod—ang mismong pagsunod na nais Niya.
Sa tao, maaaring hindi kayang unawain at hindi kapani-paniwala ang Diyos. Kapag nais ng Diyos na magsaayos ng isang tao, ang pagpapakitang ito ay madalas salungat sa kaisipan ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man tiyak na ang kawalan ng koordinasyong ito at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Si Abraham, samantala, ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang pangangailangan ng Diyos. Saka lamang, kapag nagawang sundin ni Abraham ang pangangailangan ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, tunay na naramdaman ng Diyos ang katiyakan at pagsang-ayon sa sangkatauhan—tungo kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na kanyang hinirang ay isang hindi mababalewalang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang mga susunod na plano sa paggawa. Kahit na ito ay isang pagsubok, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pag-ibig ng tao para sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Sa sandaling iyon na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialok ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya, pinigilan ng Diyos si Abraham nang nasa oras. Para sa Diyos, nakapasa sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kalalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang kung anong nais ng Diyos, at ang kung anong Kanyang nais na makita. Totoo ba ito? Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham, at walang kondisyon ang kanyang pagsunod, at ang tiyak na mismong “walang kondisyong” iyon ang ninais ng Diyos. Madalas sabihin ng mga tao, Inialay ko na ito, tinalikuran ko na iyan—bakit hindi pa rin nasisiyahan ang Diyos sa amin? Bakit Niya ako laging isinasailalim sa mga pagsubok? Bakit Niya ako parating sinusubukan? Ito ay nagpapakita ng isang katotohanan: Hindi nakita ng Diyos ang iyong puso, at hindi Niya nakamit ang iyong puso. Ang ipinahihiwatig nito, hindi Niya nakita ang katapatan gaya ng ipinamalas ni Abraham nang nagawa niyang itaas ang sundang para patayin ang kanyang anak sa sarili niyang mga kamay upang ialay siya sa Diyos. Hindi Niya nakita ang iyong walang kondisyong pagsunod, at hindi mo pa Siya naaaliw. Ito ay likas, samakatuwid, na patuloy kang sinusubok ng Diyos. Hindi ba ito totoo? Dito natin tapusin ang paksang ito. Susunod, babasahin natin ang “Pangako ng Diyos kay Abraham.”
3. Ang Pangako ng Diyos kay Abraham
(Gen 22:16-18) … At sinabi, Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.
Ito ay isang walang bawas na pahayag ng pagpapala ng Diyos kay Abraham. Kahit maikli, ang nilalaman nito ay sagana: Kabilang dito ang siyang dahilan, at nilalaman ng, regalo ng Diyos kay Abraham, at kung ano ang ibinigay Niya kay Abraham. Hitik din ito sa kagalakan at kasiyahan na kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito, pati na rin ang pangangailangan ng madaliang pagkilos ng Kanyang pag-asam upang makakuha ng mga taong magagawang pakinggan ang Kanyang mga salita. Dito, nakikita natin ang kasiyahan ng Diyos, at kalinga tungo, sa mga sumusunod sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanyang mga utos. Gayundin naman, nakikita natin ang halaga ng Kanyang binabayaran upang makamit ang tao, at ang kalinga at pagtuon na Kanyang binibigay sa kanila. Bukod dito, ang sipi, na naglalaman ng mga salitang “Sumumpa ako sa aking sarili,” ang nagbigay sa atin ng matinding pag-iisip ng kapaitan at pasakit na taglay ng Diyos, at tanging Diyos, ang nasa likod ng Kanyang gawain ng plano sa pamamahala. Ito ay isang nakakapukaw-isipang sipi, isang may natatanging kabuluhan na pinanghahawakan, at nagkaroon ng napakalalim na epekto para sa mga taong dumating pagkatapos noon.
Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin
Malaki ba ang pagpapalang ibinigay ng Diyos kay Abraham na ating nabasa rito? Gaano ito kalaki? Mayroong isang napakahalagang pangungusap dito: “At sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain,” na nagpapakita na natanggap ni Abraham ang bendisyon na hindi ibinigay sa sinumang dumating bago o pagkatapos. Nang, gaya ng itinanong ng Diyos, ibinalik ni Abraham ang kanyang nag-iisang anak na lalaki—kanyang pinakamamahal at nag-iisang anak na lalaki— sa Diyos (tandaan: Hindi natin maaaring gamitin dito ang salitang “inalok”; dapat nating sabihing ibinalik niya ang kanyang anak sa Diyos), hindi lamang hindi pinahintulutan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, kundi binasbasan din Niya siya. Anong pangako ang Kanyang naging pagpapala kay Abraham? Ang pangako na paramihin ang kanyang lahi. At gaano karami silang dadami? Ibinigay ng Banal na Kasulatan ang sumusunod na talaan: “gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;” Ano ang konteksto kung saan binigkas ng Diyos ang mga salitang ito? Na ang ibig sabihin, paano natanggap ni Abraham ang pagpapala ng Diyos? Natanggap niya ito tulad ng sinasabi ng Diyos sa banal na kasulatan: “sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.” Iyon ay, dahil sumunod si Abraham sa utos ng Diyos, dahil ginawa niya ang lahat ng Kanyang sinabi, nagtanong at nag-utos nang wala ni katiting na pagdaing, kung kaya’t gumawa ng ganitong pangako ang Diyos sa kanya. May isang mahalagang pangungusap sa pangakong ito na tumuon sa kaisipan ng Diyos sa panahong iyon. Nakita ninyo ito? Maaaring hindi niyo gaanong binigyang pansin ang mga sinabing ito ng Diyos “Sa pamamagitan ng aking sarili, ako ay nanumpa.” Ibig nilang sabihin ay, nang bigkasin ng Diyos ang mga salitang ito, nanunumpa Siya sa Kanyang sarili. Ano ang ipinapangako ng mga tao kapag nanunumpa sila? Sumusumpa sila sa pamamagitan ng Langit, na ang ibig sabihin ay nangangako sila at sumusumpa sa ngalan ng Diyos. Maaaring walang gaanong pangunawa ang mga tao sa kababalaghan kung saan nanumpa ang Diyos sa Sarili Niya, ngunit mauunawaan ninyo rin ito kapag naibigay ko sa inyo ang tamang paliwanag. Kapag kaharap Niya ang isang tao na naririnig lamang ang Kanyang mga salita ngunit hindi naman nauunawaan ang Kanyang puso, nadarama Niyang muli ang kalungkutan at kawalan. Sa kawalan ng pag-asa—at, maaaring sabihin na, bunga ng pag-iisip—ginawa ng Diyos ang isang napakalikas na bagay: Inilagay ng Diyos ang Kanyang kamay sa Kanyang puso at nangusap ukol sa pangakong regalo kay Abraham sa Sarili Niya, at mula sa taong ito narinig ang sinabi ng Diyos “Nanumpa ako sa aking sarili.” Sa pamamagitan ng pagkilos ng Diyos, maaari mong isipin sa iyong sarili. Kapag inilagay mo ang iyong kamay sa iyong puso at makipag-usap sa iyong sarili, malinaw ba sa iyo ang iyong sinasabi? Taos-puso ba ang iyong saloobin? Ikaw ba ay nagsasalita nang matapat, nang iyong buong puso? Kaya, nakikita natin dito na kapag nagsalita ang Diyos kay Abraham, Siya ay maalab at taos-puso. Kasabay ng pagsasalita at pagpapala kay Abraham, nangungusap din ang Diyos sa Sarili Niya. Sinasabi Niya sa Sarili Niya: Pagpapalain Ko si Abraham, na gumawa ng kanyang mga supling na kasing dami ng mga bituin sa langit, at kasing sagana gaya ng buhangin sa tabi ng dagat, sapagka’t dininig niya ang aking mga salita at siya ang Aking pinili. Nang sabihin ng Diyos “Sa aking sarili ay sumumpa ako,” pinagpasiyahan ng Diyos na magmumula kay Abraham ang Kanyang mga napiling tao ng Israel, pagkatapos, ay pangungunahan Niya ang mga taong ito ayon sa bilis ng Kanyang gawain. Iyon ay, gagawin ng Diyos ang mga inapo ni Abraham bilang taga-dala ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang gawain ng Diyos at ipinahayag ng Diyos ay magsisimula kay Abraham, at magpapatuloy sa mga inapo ni Abraham, kaya’t maisasakatuparan ang hangarin ng Diyos na iligtas ang tao. Masasabi niyo bang hindi ito isang bagay ng pagpapala? Para sa tao, wala nang hihigit pang pagpapala kaysa rito; ito ay, maaaring sabihin na, ang pinakamapalad na bagay. Ang pagpapalang nasumpungan ni Abraham ay hindi ang pagpaparami sa kanyang supling, ngunit ang tagumpay ng Diyos sa Kanyang pamamahala, ang Kanyang komisyon, at ang Kanyang gawain sa mga inapo ni Abraham. Ibig ipakahulugan ng mga ito na ang mga pagpapalang nasumpungan ni Abraham ay hindi pansamantala, ngunit patuloy na sumulong ayon sa plano ng pamamahala ng Diyos. Nang magsalita ang Diyos, nang mangako ang Diyos sa Kanyang sarili, nakapagpasiya na Siya agad. Totoo ba ang proseso ng pagpapasiyang ito? Tunay ba ito? Nalutas iyon ng Diyos, mula noon, ang Kanyang mga pagsisikap, ang kabayarang Kanyang tinubos, ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang lahat ng Kanya, at maging ang Kanyang buhay ay ibibigay kay Abraham at sa mga inapo ni Abraham. Maging yaon ay nilutas ng Diyos, magmula sa grupong ito ng tao, inihayag Niya ang Kanyang mga gawain, at pinayagan ang taong makita ang Kanyang karunungan, awtoridad, at kapangyarihan.
Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos
Kasabay ng pakikipag-usap sa Sarili Niya, nangusap din Siya kay Abraham, ngunit maliban sa mga narinig na pagpapapala na ibinigay ng Diyos sa kanya, ganap nga bang naunawaan ni Abraham ang tunay na mga kahilingan ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga salita sa sandaling iyon? Hindi niya alam! Kaya, sa sandaling iyon, nang mangako ang Diyos sa Sarili Niya, malungkot at nag-iisa pa rin ang Kanyang puso. Wala pa rin kahit isang tao ang nakauunawa o nakaiiintindi ng Kanyang balak at plano. Sa sandaling iyon, walang sinuman—kabilang si Abraham—ang buo ang loob na makipag-usap sa Kanya, at lalong hindi ang makipagtulungan ang sinuman sa Kanya sa paggawa ng mga dapat Niyang gawin. Sa panlabas, nakamit ng Diyos si Abraham, at nakamit ang isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa katunayan, ang kaalaman ng taong ito sa Diyos ay bahagyang salat na salat. Kahit na pinagpala ng Diyos si Abraham, ang puso ng Diyos ay hindi pa rin nasiyahan. Ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay hindi nasiyahan? Ito ay nangangahulugan na ang Kanyang pamamahala ay kailan lamang nasimulan, ito ay nangangahulugan na ang mga taong ito na nais Niyang makamit, mga taong inasam Niyang makita, mga taong inibig Niya, ay malayo pa rin sa Kanya; kailangan Niya ng oras, kailangan Niyang maghintay, at kailangan Niyang maging mapagtiyaga. Nang panahong yaon, bukod sa Diyos Mismo, wala ni isa ang nakakaalam ng mga pangangailangan Niya, o mga nais Niyang makuha, maging Kanyang mga inaasam na makamit. Kung kaya, kasabay ng naramdaman na matinding kasiyahan, nakaramdam din ng kabigatan ng puso ang Diyos. Ngunit hindi Niya pinigilan ang Kanyang mga hakbang, at nagpatuloy sa susunod na hakbang na dapat Niyang gawin.
Ano ang nakikita ninyo sa pangako ng Diyos kay Abraham? Nagbigay ng maraming biyaya ang Diyos kay Abraham dahil lamang nakinig si Abraham sa mga salita ng Diyos. Kahit na, sa panlabas na anyo, tila normal ito, at mangyari pa, sa loob nito nakikita natin ang puso ng Diyos: Pinahahalagahan ng Diyos ang pagkamasunirin ng tao sa Kanya, at minamahal ang pag-unawa ng tao sa Kanya at ang katapatan nito tungo sa Kanya. Gaano minamahal ng Diyos ang katapatan? Maaaring hindi ninyo maunawaan kung gaano Niya ito minamahal, o maaaring wala ni isa ang natanto ito. Ibinigay ng Diyos ang isang anak na lalaki kay Abraham, at nang lumaki ang batang ito, tinanong ng Diyos si Abraham na ialay ang kanyang anak sa Diyos. Sinunod ni Abraham ang utos ng Diyos sa kasulatan, sinunod niya ang salita ng Diyos, at nakapagpalambot sa damdamin ng Diyos ang kanyang katapatan at pinahalagahan ng Diyos. Gaano ito pinahalagahan ng Diyos? At bakit Niya ito pinahalagahan? Sa panahong walang nakakaunawa sa mga salita ng Diyos o nakakaintindi sa Kanyang puso, may ginawa si Abraham na nagpayanig sa kalangitan at nagpanginig sa kalupaan, at nagbigay ito ng di matatawarang kasiyahan sa Diyos, maging nagbigay-ligaya sa Diyos sa pagkamit ng isang tao na kayang sundin ang Kanyang mga salita. Ang kasiyahan at kagalakan na ito ay nagmula sa isang nilalang na ginawa ng sariling kamay ng Diyos, at ang unang “sakripisyo” na inialay ng tao sa Diyos na lubos Niyang pinahalagahan, mula nang ang tao’y nilikha. Naging napakahirap para sa Diyos ang paghihintay para sa sakripisyong ito, at trinato Niya itong pinakamahalagang regalo na mula sa tao, na nilikha Niya. Ipinakita nito sa Diyos ang unang bunga ng Kanyang mga pagsusumikap at ang halaga ng Kanyang binayaran, at pinahintulutan Siyang makita ang pag-asa na mayroon ang sangkatauhan. Pagkatapos, nagkaroon ng higit pang pananabik ang Diyos para sa isang grupo ng mga naturang tao upang samahan Siya, tratuhin at kalingain Siya nang may katapatan. Umasa rin ang Diyos na magpapatuloy si Abraham, dahil ninais Niyang magkaroon ng gayong uri ng puso upang samahan Siya sa pagpapatuloy Niya sa Kanyang pamamahala. Anuman ang nais ng Diyos, isa lamang iyong hangarin, isang ideya—dahil si Abraham ay isang lamang taong nagawa Siyang sundin, at walang kahit kakaunting kamalayan o kaalaman sa Diyos. Siya ay isang taong masyadong malayo ang agwat sa pamantayan na kinakailangan ng Diyos para sa tao: sa pagkilala sa Diyos, sa kakayahang magpatotoo sa Diyos, at sa pakikiisa sa isipan ng Diyos. At sa gayon, hindi siya makalakad kasama ng Diyos. Sa paghahandog ni Abraham kay Isaac, nakita ng Diyos ang katapatan at pagkamasunurin ni Abraham, at nakitang napagtagumpayan niya ang pagsubok ng Diyos sa kanya. Kahit pa tinanggap ng Diyos ang kanyang katapatan at pagkamasunurin, hindi pa rin siya karapat-dapat na maging katiwala ng Diyos, isang nilalang na kilala ang Diyos at nauunawaan ang Diyos, at binigyang kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos; malayo siya sa pagiging kaisa sa isipan ng Diyos at sa pagpapatupad ng Kanyang kalooban. At sa gayon, sa Kanyang puso, ang Diyos ay nag-iisa at nababahala pa rin. Habang mas nalungkot at nababahala ang Diyos, mas kinailangan Niyang ipagpatuloy ang Kanyang pamamahala sa lalong madaling panahon, at piliin at matamo ang isang grupo ng mga taong tutuparin ang Kanyang plano sa pamamahala at makamit ang Kanyang kalooban sa lalong madaling panahon. Ito ang masugid na pagnanais ng Diyos, at hindi ito nagbago mula sa pinakasimula hanggang ngayon. Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula, nananabik ang Diyos sa grupo ng mga nagtatagumpay, isang grupo na kasabay Niyang lalakad, na nauunawaan, naiintindihan at nalalaman ang Kanyang disposisyon. Ito ang pagnanais ng Diyos na hindi nagbago kailanman. Hindi alintana kung gaano katagal Siyang naghintay, hindi alintana kung gaano kahirap ang daan sa hinaharap, gaano man kalayo ang mga layuning Kanyang kinasasabikan, hindi kailanman nagbago ang Diyos o sumuko sa mga inaasahan sa tao. Ngayong nasabi ko na ito, may napagtanto ba kayo tungkol sa pagnanais ng Diyos? Marahil kung ano ang inyong natanto ay hindi masyadong malalim—ngunit unti-unti itong darating!
Sa kapanahunan din ni Abraham, ginunaw ng Diyos ang isang lungsod. Ang lungsod na ito ay tinatawag na Sodoma. Walang duda, maraming mga tao ang pamilyar sa kuwento ng Sodoma, ngunit walang sinuman ang nakakaalam sa kaisipan ng Diyos na Kanyang dahilan sa pagwasak ng lungsod.
Kaya ngayon, sa pakikipag-usap ng Diyos kay Abraham, matututunan natin ang Kanyang kaisipan sa panahon na iyon, habang natututunan din ang Kanyang disposisyon. Susunod, basahin natin ang mga sumusunod na talata ng kasulatan.
B. Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma
(Gen 18:26) At sinabi ng Panginoon, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limang pung banal sa loob ng bayan, patatawarin ko ang buong dakong yaon, alangalang sa kanila.
(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kaniya, at nagsabi, Marahil ay may masusumpungang apat na pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin, alangalang sa apat na pu.
(Gen 18:30) At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon, at ako’y magsasalita: kung sakaling may masusumpungan doong tatlong pu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin kung makakasumpong ako roon ng tatlong pu.
(Gen 18:31) At kaniyang sinabi, Narito ngayon, ako’y nangahas na magsalita sa Panginoon: kung sakaling may masusumpungan doong dalawang pu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa dalawang pu.
(Gen 18:32) At sinabi niya, Oh huwag magalit ang Panginoon at magsasalita na lamang akong minsan: kung sakaling may masusumpungan doong sangpu: at sinabi niya, Hindi ko lilipulin, alangalang sa sangpu.
Ito ang ilang mga siping napili ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili ko lamang dito ang ilang mga pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang mga pangungusap na walang kinalaman sa ating pagsasama-sama ngayon. Sa lahat ng mga sipi at nilalaman na ating pag-uusapan, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng kuwento at kaugalian ng tao sa kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos at lahat ng ginawa Niya, makikita natin ang tunay na DiyosMismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Naglalaman ng ilang mga pangunahing salita ang mga sipi sa itaas: mga numero. Una, sinabi ni Jehovah na kung may matagpuan Siyang limampung matuwid sa lungsod, patatawarin Niya kung gayon ang buong lugar, na nangangahulugang hindi Niya wawasakin ang lungsod. Mayroon nga ba talagang limampung matuwid sa Sodoma? Wala. Pagkatapos na pagkatapos, ano ang sinabi ni Abraham sa Diyos? Sinabi niyang, marahil ay may masusumpungang apatnapu? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. Pagkatapos, sinabi ni Abraham, marahil ay may masusumpungang tatlumpu roon? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. At marahil dalawampu? Hindi Ko gagawin ito. Sampu? Hindi Ko gagawin ito. Mayroon nga bang sampung matuwid sa lungsod? Walang sampu—ngunit mayroong isa. At sino ang isang ito? Ito ay si Lot. Sa panahong iyon, may iisa lamang na taong matuwid sa Sodoma, ngunit masyado bang mahigpit at mapagwasto ang Diyos pagdating sa bilang? Hindi, hindi Siya! At nang paulit-ulit na nagtanong ang tao, “Paano kung apatnapu?” “Paano kung tatlumpu?” hanggang sa napunta siya sa “Paano kung sampu?” Sinabi ng Diyos, “Kahit na may sampu lamang, hindi ko wawasakin ang lungsod; patatawarin ko iyon at papatawarin ang mga tao bukod sa sampung ito.” Maaaring kaawa-awa talaga ang sampu, ngunit sa totoo, wala man lang ganoon karaming tao ang matuwid sa Sodoma. Nakikita mo na sa mga mata ng Diyos, ang kasalanan at masama sa lungsod ay para bang wala nang iba pang magagawa ang Diyos kundi ang wasakin sila. Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang hindi Niya wawasakin ang lungsod kung may limampung matuwid? Ang mga numerong ito ay hindi mahalaga sa Diyos. Ang mahalaga ay kung naglalaman ang lungsod ng matino na nais Niya. Kung may isang matuwid na tao ang lungsod, hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak sila sa Kanyang pagwasak sa lungsod. Ang ibig sabihin ito ay, hindi alintana ng Diyos ang pagwasak sa lungsod at gaano man karami ang matuwid doon, para sa Diyos ang makasalanang lungsod na ito ay kasuklam-suklam, at dapat wasakin at dapat maglaho sa mata ng Diyos, habang dapat manatili ang matuwid. Hindi alintana ang panahon, hindi alintana ang yugto ng pag-unlad ng sangkatauhan, ang saloobin ng Diyos ay hindi nagbabago: Kinamumuhian Niya ang kasamaan, at nagmamalasakit sa mga matuwid sa Kanyang mga mata. Ito malinaw ang saloobin ng Diyos na siya ring tunay na kapahayagan ng diwa ng Diyos. Dahil sa nag-iisa lamang ang makatuwirang tao sa loob ng lungsod, hindi na nag-atubili pa ang Diyos. Ang kinlabasan na resulta ay ang hindi maiwasang pagkawasak ng Sodoma. Ano ang nakikita ninyo rito? Sa panahong iyon, hindi wawasakin ng Diyos ang lungsod kung mayroong limampung banal sa loob nito, at hindi rin kung may mga sampu, na nangangahulugan na ang Diyos ay nagpasiya na magpatawad at maging mapagparaya sa sangkatauhan, o gagawin ang gawain ng pagsubaybay, dahil kaya Siyang igalang at sambahin ng ilang tao. Naglalagay ang Diyos ng katuwiran sa tao, marami ang Kanyang inilalagay sa mga sumasamba sa Kanya, at marami ang Kanyang inilalagay sa mga nakakagawa ng mabuting gawain sa harapan Niya.
Mula sa sinaunang panahon hanggang ngayon, nabasa na ba ninyo ang Biblia ng Diyos habang winiwika ang katotohanan, o sinasalita ang paraan ng Diyos sa sinumang tao? Hindi, hindi kailanman. Ang mga salita ng Diyos sa tao na mababasa natin ay nagsabi lamang sa mga tao kung ano ang gagawin. Ang ilan ay yumaon at ginawa ito, ang ilan ay hindi; iba’y nagsipaniwala, at ang ilan ay hindi. Iyon lamang ang naroroon. Kaya, ang matuwid sa panahong iyon—ay ang mga matuwid sa mata ng Diyos—yaong mga nakakarinig sa mga salita ng Diyos at nakakasunod sa mga utos ng Diyos. Sila ang mga tagapaglingkod na naisakatuparan ang mga salita ng Diyos sa tao. Matatawag ba ang mga taong ito na nakakakilala sa Diyos? Matatawag ba silang mga taong ginawang perpekto ng Diyos? Hindi, hindi maaari ang mga ito. Samakatuwid, anuman ang kanilang bilang, sa mga mata ng Diyos, karapat-dapat ba ang mga matutuwid na ito bilang mga katiwala ng Diyos? Maaaring ba silang tawaging mga saksi ng Diyos? Tiyak na hindi! Sila ay tiyak na hindi karapat-dapat tawaging mga saksi at pinagkakatiwalaan ng Diyos. Kaya ano ang itinawag ng Diyos sa mga naturang tao? Sa Biblia, hanggang sa mga sipi ng banal na kasulatan na ating nabasa, maraming mga pagkakataon na tinatawag sila ng Diyos bilang “Aking lingkod.” Na ibig sabihin, sa panahong iyon, sa mga mata ng Diyos ay mga tagapaglingkod ng Diyos ang mga matutuwid na taong ito, sila ang mga taong naglingkod sa Kanya sa lupa. At paano inisip ng Diyos ang katawagang ito? Bakit Niya sila tinawag nang ganoon? Mayroon bang pamantayan ang Diyos sa Kanyang puso sa kung ano ang mga tinatawag Niya sa tao? Tiyak na mayroon Siya. May pamantayan ang Diyos, hindi alintana kung ang tawag Niya sa mga tao ay matuwid, perpekto, wasto o mga tagapagsilbi. Kapag tinawag Niyang tagapaglingkod ang isang tao, matibay ang Kanyang paniniwala na natatanggap ng taong ito ang Kanyang mga mensahe at nagagawang sundin ang Kanyang utos, naipapatudpad ang mga ipinaguutos bilang mensahero. At ano ang isinasagawa ng taong ito? Yaong inuutos ng Diyos at ipapatupad sa mundo. Sa panahong iyon, ang iniutos ba ng Diyos sa tao at kanyang ipapatupad sa lupa ay matatawag bang paraan ng Diyos? Hindi, hindi ito maaari. Sa panahong iyon, inutusan lamang ng Diyos ang tao na gumawa ng mga simpleng bagay; nagbanggit Siya ng ilang simpleng utos na sinasabi sa taong gawin ito o iyon, at wala nang iba pa. Ang Diyos ay nagtatrabaho ayon sa Kanyang plano. Dahil, sa oras na iyon, maraming mga kondisyon ang hindi pa nangyayari, hindi pa hinog ang panahong iyon, at mahirap sa sangkatauhang pasanin ang paraan ng Diyos, kaya kailangang magsimula ang paraan ng Diyos at manggagaling sa puso ng Diyos. Sa ganito, nakita natin na hindi alintana kung may tatlumpu o dalawampung matuwid na binanggit ng Diyos, sa Kanyang mga mata ang lahat nga’y pawang Kanyang mga lingkod. Nang pinuntahan ng mga mensahero ang mga tagapaglingkod na ito ng Diyos, magagawa nila silang tanggapin, at sundin ang kanilang mga utos, at kumilos alinsunod sa kanilang mga salita. Ito tiyak ang dapat na gawin, at matamo, ng mga tagapaglingkod sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay mahusay magpasiya sa Kanyang pagpapangalan sa mga tao. Hindi niya sila tinawag na Kanyang mga lingkod dahil sila ay tulad ninyo ngayon—dahil marami ang kanilang narinig na pangaral, alam kung ano ang gagawin ng Diyos, naunawaan ang kalooban ng Diyos, at naintindihan ang plano ng pamamahala ng Diyos—ngunit dahil hindi tapat ang kanilang pagkatao at nagawa nilang sumunod sa mga salita ng Diyos; nang inutusan sila ng Diyos, naisantabi nila ang kanilang ginagawa at ipinatupad kung ano ang inutos ng Diyos. At kaya, para sa Diyos, ang iba pang suson ng kahulugan sa pamagat ng[b]lingkod ay ang pakikipagtulungan nila sa Kanya sa lupa, at kahit na hindi sila mensahero ng Diyos, sila ang mga tagapagpatupad ng mga salita ng Diyos sa lupa. Makikita ninyo, pagkatapos, na ang mga tagapaglingkod o makatuwirang mga tao ay may kabuluhan sa puso ng Diyos. Ang gawain na sisimulan ng Diyos sa lupa ay hindi mangyayari kung wala ang mga taong tumutulong sa Kanya, at ang papel na ginagampanan ng mga lingkod ng Diyos ay hindi mapapalitan ng mga mensahero ng Diyos. Ang bawat gawain na iniutos ng Diyos sa mga lingkod na ito ay malaki ang kahalagahan sa Kanya, kaya hindi Niya sila kayang iwan. Kung wala ang pakikipagtulungan na ito ng mga lingkod sa Diyos, maaaring mahinto ang Kanyang gawain sa sangkatauhan, dahil dito maaaring mauwi sa wala ang plano ng pamamahala at pag-asa ng Diyos.
Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Inaayawan Niya
Sa kasaysayan ng Biblia, nangandoon nga ba ang sampung mga lingkod ng Diyos sa Sodoma? Hindi, wala ang mga ito! Karapat-dapat bang kaawaan ng Diyos ang lungsod na ito? Tanging ang isang tao sa lungsod—Lot—ang tumanggap ng mga sugo ng Diyos. Ang implikasyon nito ay dahil iisa lamang ang lingkod ng Diyos sa lungsod, at walang ibang pagpipilian kundi ang iligtas si Lot at wasakin ang lungsod ng Sodoma. Maaaring simple ang pagpapalitang mensaheng ito sa pagitan ni Abraham at ng Diyos ngunit isang bagay na napakalalim ang ipinapakita nito: May mga prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos, at bago gumawa ng isang desisyon, maglalaan Siya ng mahabang oras sa pagpuna at paglimi; bago ang tamang oras, siguradong hindi Siya gagawa ng anumang desisyon o agad-agad na magpapasiya. Ang palitan ng mensahe sa pagitan ni Abraham at ng Diyos ay nagpapakita sa atin na ang desisyon ng Diyos sa pagwasak sa Sodoma ay walang katiting na pagkakamali, dahil alam ng Diyos na walang apatnapung matuwid sa lungsod, walang tatlumpu, walang dalawampu. Hindi kahit na sampu. Ang tanging matuwid na tao sa lungsod ay si Lot. Ang lahat ng nangyari sa Sodoma at kalagayan nito ay pinuna ng Diyos, at pamilyar sa Diyos gaya ng likuran ng Kanyang kamay. Kaya, Ang Kanyang desisyon ay hindi maaaring maging mali. Sa kabilang banda, kumpara sa pagkamakapangyarihan ng Diyos, manhid ang tao, sobrang hangal at ignorante, napakaigsi ng pananaw. Ito ang nakikita namin sa mga palitan sa pagitan ni Abraham at ng Diyos. Inilathala ng Diyos ang Kanyang disposisyon mula sa simula hanggang sa ngayon. Dito, gayon din naman, mayroon ding disposisyon ng Diyos na ating nakikita. Simple ang mga numero, at hindi nagpapakita ng kahit ano, ngunit dito ay mayroong napakahalagang pahayag sa disposisyon ng Diyos. Hindi sisirain ng Diyos ang lungsod dahil sa limampung matuwid. Ito ba ay dahil sa awa ng Diyos? Ito ba ay dahil sa Kanyang pag-ibig at pagpapaubaya? Nakita niyo ba ang bahaging ito ng Katangian ng Diyos? Kahit na may sampung matuwid lamang, hindi sana winasak ng Diyos ang lungsod dahil sa sampung matuwid na tao. Ito ba, o hindi ba ito ang pagmamahal at pagpapaubaya ng Diyos? Dahil sa awa ng Diyos, pagpapaubaya, at pag-aalala sa mga matuwid na tao, hindi Niya sana wawasakin ang lungsod. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos. At sa katapusan, ano ang kalalabasan na nakikita natin? Nang sinabi ni Abraham, “Marahil sampung mangasusumpungan doon,” Sinabi ng Diyos, “Hindi ko lilipulin.” Pagkatapos noon, wala nang sinabi si Abraham—dahil walang sampung matuwid sa Sodoma na Kanyang tinukoy, at wala na siyang sasabihin pa, sa panahong iyon naunawaan niya kung bakit nagpasiya ang Diyos na wasakin ang Sodoma. Dito, anong disposisyon ng Diyos ang nakikita niyo? Anong klaseng paglutas ang binitiwan ng Diyos? Iyon ay, kung walang sampung matuwid ang lungsod na ito, hindi pahihintulutan ng Diyos ang pag-iral nito at hindi maiiwasan ang pagwasak dito. Hindi ba ito ang galit ng Diyos? Ang poot ba na ito ang kumakatawan sa Katangian ng Diyos? Ito ba ang disposisyon ng kapahayagan ng banal na diwa ng Diyos? Ito ba ay ang pahayag ng makatuwirang diwa ng Diyos, na hindi dapat saktan ng tao ang damdamin? Dahil nakumpirmang walang sampung matuwid sa Sodoma, sigurado ang Diyos na wawasakin ang lungsod, at parurusahan nang matindi ang mga tao sa lungsod na iyon, dahil sinalungat nila ang Diyos at dahil marumi at masama sila.
Bakit pinag-aralan namin ang mga talatang ito sa ganitong paraan? Dahil ang ilang mga simpleng pangungusap na ito ay ganap na naghahayag sa disposisyon ng Diyos tungkol sa masaganang awa at malalim na poot. At ganoon din sa pagpapahalaga sa matuwid, pagkakaroon ng awa, pagpapaubaya, at pagmamalasakit sa kanila, may malalim na galit sa puso ng Diyos para mga taga Sodoma na naging masama. Ito ba ay, o hindi, malaking awa at malalim poot? Sa anong paraan ginawa ng Diyos na gibain ang lungsod? Sa pamamagitan ng apoy. At bakit Niya winasak ito gamit ang apoy? Kapag nakikita mo ang isang bagay na nasusunog ng apoy, o kung magsusunog ka ng isang bagay, ano ang nararamdaman mo dito? Bakit gusto mong sunugin ito? Nadarama mo ba na hindi mo na kailangan ang mga ito, na hindi mo na nais pang tingnan ang mga ito? Gusto mo bang iwanan ito? Nangangahulugan ng pag-iwan ang paggamit ng Diyos sa apoy, at pagkamuhi, at hindi na Niya nais pang makita ang Sodoma. Ito ang damdaming nagtulak sa Diyos upang tupukin ang Sodoma sa apoy. Ang paggamit ng apoy ay kumakatawan lamang kung gaano ang galit ng Diyos. Ang awa at pagpapaubaya ng Diyos ay umiiral sa katunayan, ngunit ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos kapag pinakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin na walang pagkakasala sa panig ng Diyos. Kapag ganap na kayang sundin ng tao ang mga utos ng Diyos at kumikilos alinsunod sa mga kailangan ng Diyos, masagana ang awa ng Diyos sa tao; kapag napuno ng masama ang tao, namuhi at inayawan niya Siya, malalim ang galit ng Diyos. At hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang sa hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masamang gawain ng tao, hanggang sa wala na siya sa harapan ng Kanyang mata. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa ibang salita, hindi mahalaga kung sinuman ang tao, kung ang kanyang puso ay naging malayo mula sa Diyos, at tumalikod sa Diyos, hindi na bumalik, hindi alintana kung paano, sa lahat ng wangis o sa mga tuntunin ng kanyang pansariling pagnanasa, nilang nais sumamba at sundin at sumunod sa Diyos sa kanyang katawan o sa Kanyang pag-iisip, sa oras na tumalikod ang kanyang puso sa Diyos, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang tigil. Ito ay magiging tulad ng malalim na pagpapakawala ng Diyos sa Kanyang galit, dahil nagbigay ng sapat na pagkakataon sa tao, sa oras na pakawalan ito wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa maaawa at magpapaubaya sa naturang tao. Ito ay isang bahagi ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan. Dito, tila normal sa mga tao na wasakin ng Diyos ang isang lungsod, dahil, sa mata ng Diyos, ang lungsod na puno ng kasalanan ay hindi maaaring umiral at magpatuloy na manatili, at makatuwiran lang na dapat itong wasakin ng Diyos. Ngunit sa nangyari bago ang pagwasak at pagkatapos ng Kanyang pagwasak sa Sodoma, nakikita natin ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos. Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti; sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakakasuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi tumitigil ang Kanyang poot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto sa disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, ipinakita ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: malaking awa at malalim na poot. Karamihan sa inyo rito ay nakaranas ng isang bagay ng awa ng Diyos, ngunit napakakaunti sa inyo ang nagpahalaga sa poot ng Diyos. Ang awa at kagandahang-loob ng Diyos ay makikita sa bawat tao; iyon ay dahil sa ang Diyos ay nagbigay ng masaganang awa sa bawat tao. Ngunit napaka-bihira—o, masasabing, hindi kailanman nagalit nang matindi ang Diyos sa sinumang indibidwal o sa kahit anong lahi ng tao, sa mga nakakarinig nito sa inyo ngayon. Huminahon! Darating ang panahon, ang poot ng Diyos ay makikita at mararanasan ng bawat tao, ngunit ngayon ay hindi pa panahon. At bakit ganito? Dahil kapag palaging galit ang Diyos sa isang tao, iyon ay, kapag pinakawalan Niya sa kanila ang Kanyang malalim na poot, ibig sabihin nito na matagal na Niyang kinamuhian at tinanggihan ang taong ito, kinamumuhian Niya ang kanilang pag-iral, hindi Niya matagalan ang kanilang pag-iral; sa sandaling dumating ang Kanyang galit sa kanila, sila ay maglalaho. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay upang maabot ang puntong iyon. Wala ni isa sa inyo ang makakayanan ito kapag ang Diyos ay lubhang nagalit. Nakikita ninyo ngayon na sa panahong ito, masagana lamang sa awa sa inyo ang Diyos ngunit hindi niyo pa nakikita ang Kanyang malalim na galit. Kung may mga nanatiling hindi kumbinsido, matatanong ninyo na napunta sa inyo ang poot ng Diyos, upang maranasan ninyo kung ang poot ng Diyos at ang Kanyang hindi nagkakasalang disposisyon ay tunay na umiiral sa tao. Maglakas-loob kaya kayo?
Nakikita Lang ng mga Tao ng mga Huling Araw ang Galit ng Diyos, Pero Di Nila Tunay na Nararanasan ang Galit ng Diyos
Sigurado ba na ang dalawang panig ng disposisyon ng Diyos na makikita sa mga talatang ito ng banal na kasulatan na karapatdapat sa pakikisama? Nang marinig ang kwentong ito, nagkaroon ba kayo ng panibagong pag-unawa sa Diyos? Anong klaseng pag-unawa? Masasabi na mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang grupong lubos na nasiyahan tulad ng huling grupong ito sa luwalhati, awa at pagmamahal ng Diyos. Bagama’t, sa huling yugto, ginawa na ng Diyos ang paghuhukom at pagpaparusa, at ginawa Niya ito nang may kadakilaan at poot, kadalasan ginagamit lang ng Diyos ang mga salita para tapusin ang Kanyang gawain; gumagamit Siya ng mga salita upang magturo, at magtubig, at magbigay, at magpakain. Ang matinding galit ng Diyos, samantala, ay palaging nakatago, at bukod sa nararanasang mabagsik na disposisyon ng Diyos sa Kanyang mga salita, kakaunting tao lang ang personal na nakaranas ng galit Niya. Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paghuhukom at pagpaparusa, kahit na naranasan ng mga tao ang kadakilaan at hindi pagkunsinti ng Diyos sa kasalanan dahil sa poot na ipinahayag sa mga salita ng Diyos, hanggang salita Niya lang ang poot na ito. Sa madaling salita, ang Diyos ay gumagamit ng mga salita para pagalitan ang tao, ilantad ang tao, hatulan ang tao, parusahan ang tao at kahit isumpa ang tao—pero ang Diyos ay hindi pa talagang nagagalit sa tao, at bahagya pa lang na ipinapakita ang Kanyang poot sa tao nang hindi ginagamit ang Kanyang mga salita. Kaya, ang awa at kagandahang-loob ng Diyos na naranasan ng tao sa panahong ito ay ang paghahayag ng tunay na disposisyon ng Diyos, habang ang poot ng Diyos na naranasan ng tao ay epekto lang ng tono at pakiramdam ng Kanyang pagbigkas. Maraming tao ang nagkakamali sa pagtingin sa mga ito bilang tunay na karanasan at tunay na kaalaman sa poot ng Diyos. Bilang resulta, naniniwala ang karamihan na nakita na nila ang awa at kagandahang-loob ng Diyos sa Kanyang mga salita, na naranasan na nila ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, at karamihan sa kanila ay pinahahalagahan ang awa at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit gaano man kasama ang ugali ng tao, o gaano katiwali ang kanyang disposisyon, palaging nagtitiis ang Diyos. Sa pagtitiis, ang Kanyang layunin ay ang maghintay sa mga salitang sinabi Niya, sa mga pagsisikap na ginawa Niya at sa halagang binayad Niya para maapektuhan ang mga taong gusto Niyang matamo. Ang paghihintay ng kinalabasan nito ay inaabot ng matagal na panahon, at nangangailangan ng paglikha ng iba’t-ibang kapaligiran para sa tao, sa parehong paraan na hindi agad nagiging magulang ang pag-iisip ng tao pagkapanganak nila, inaabot iyon ng labingwalo o labingsiyam na taon, at ang ilang tao naman ay kailangan ng dalawampu o tatlumpung taon bago maging magulang ang kanilang isipan. Hinihintay ng Diyos ang pagkumpleto sa prosesong ito, naghihintay Siya sa pagdating ng ganitong oras, at naghihintay Siya sa pagdating ng kalalabasang ito. At sa buong oras na Siya ay naghihintay, ang Diyos ay likas na mahabagin. Sa panahon ng gawain ng Diyos, gayunpaman, ay kakaunting mga tao ang tinatanggal, at ang ilan ay pinaparusahan dahil sa kanilang malubhang pagsalungat sa Diyos. Ang ganitong mga halimbawa ay mas malaking patunay ng disposisyon ng Diyos na hindi pinapalampas ang pagkakasala ng tao, at ganap na pinapagtibay ang tunay na pag-iiral ng pang-unawa at pagtitiis ng Diyos sa mga pinili Niya. Mangyari pa, sa mga karaniwang na halimbawa na ito, hindi nakakaapekto sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos ang paghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos sa mga taong ito. Sa katunayan, sa huling yugto na ito ng gawain ng Diyos, ang Diyos ay nagtiis sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, at ipinagpalit Niya ang Kanyang pagtitiis at ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga taong sumusunod sa Kanya. Nakikita mo ba ito? Hindi mapataob ng Diyos ang Kanyang plano na walang dahilan. Maaari Niyang ipamalas ang Kanyang galit, at maaari ring Siya’y maging mahabagin; ito ay ang paghahayag ng dalawang pangunahing mga bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ito ba, o hindi, napakalinaw nito? Sa ibang salita, pagdating sa Diyos, tama at mali, makatarungan at hindi makatarungan, ang positibo at ang negatibo—ang lahat ng ito ay malinaw na ipinapakita sa tao. Ano ang Kanyang gagawin, kung ano ang gusto Niya, kung ano ang kinagagalitan Niya—ang lahat ng ito ay maaaring direktang nakalarawan sa Kanyang disposisyon. Ang ganitong mga bagay ay maliwanag at malinaw na makikita sa gawain ng Diyos, at sila ay hindi malabo o pangkalahatan; sa halip, ipinapakita nila sa lahat ng tao ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya sa isang talagang kongkreto, tunay at praktikal na paraan. Ito ang tunay na Diyos Mismo.
Ang Katangian ng Diyos ay Hindi Kailanman Itinago Mula sa Tao—Lumayo sa Diyos ang Puso ng Tao
Kung hindi ko ipinangaral ang mga bagay na ito, wala sa inyo ang makakaintindi ng tunay na disposisyon ng Diyos sa mga kwento sa Biblia. Ito ang katotohanan. Iyon ay dahil, kahit na ang mga biblikal na mga kuwento ay naitala ang ilan sa mga bagay na ginawa ng Diyos, kakaunti lang ang sinabi ng Diyos, at hindi Niya direktang ipinakilala ang Kanyang disposisyon o hayagang itinuro ang Kanyang kalooban sa tao. Ipinagpalagay ng sumunod na henerasyon na ang mga kasulatang ito ay mga kwento lang, kaya nagmukhang itinago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa tao, na hindi ang katauhan ng Diyos ang nakatago sa tao, kundi ang Kanyang disposisyon at kalooban. Pagkatapos ng Aking pakikipagniig ngayon, nararamdaman niyo pa rin ba na ang Diyos ay lubos na nakatago sa mga tao? Naniniwala pa rin ba kayo na ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao?
Mula noong panahon ng paglalang, ang disposisyon ng Diyos ay naayon sa Kanyang gawain. Ito ay hindi kailanman nakatago mula sa tao, ngunit ganap na nakalathala at ginawang malinaw sa tao. Ngunit, sa paglipas ng panahon, ang puso ng tao ay lalong lumayo sa Diyos, at habang lumalalim ang katiwalian ng tao, lalong naglalayo ang tao at ang Diyos. Dahan-dahan ngunit tiyak, ang tao ay nawala mula sa paningin ng Diyos. Hindi na kayang “makita” ng tao ang Diyos, na iniwan siyang walang “balita” tungkol sa Diyos; kaya, hindi niya alam kung may Diyos na umiiral, at nagagawa pang itanggi ang pag-iiral ng Diyos. Bilang resulta, ang kawalan ng pag-unawa ng tao sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay hindi dahil ang Diyos ay nakatago mula sa tao, kundi dahil sa ang kanyang puso ay tumalikod sa Diyos. Kahit ang tao ay naniniwala sa Diyos, walang Diyos sa puso ng tao, at hindi niya alam kung paano mahalin ang Diyos, ni hindi niya rin gustong mahalin ang Diyos, dahil ang kanyang puso ay hindi lumalapit sa Diyos at siya ay palaging umiiwas sa Diyos. Bilang resulta, ang puso ng tao ay malayo mula sa Diyos. Kaya nasaan ang kanyang puso? Sa katunayan, ang puso ng tao ay hindi nagpunta saan man: Sa halip na ibigay ito sa Diyos o isiwalat ito para makita ng Diyos, sinarili niya ito. Iyan ay sa kabila ng katunayan na may ilang mga madalas na nananalangin sa Diyos at nagsasabi, “O Diyos, tingnan mo ang aking puso—alam mo ang lahat ng nasa isip ko,” at ang ilan ay nanunumpa pa na hahayaan ang Diyos na tumingin sa kanila, na sila’y parurusahan kung sisirain nila ang kanilang panunumpa. Kahit pinahihintulutan ng tao ang Diyos na tumingin sa loob ng kanyang puso, ito ay hindi nangangahulugan na siya ay may kakayahang sumunod sa pagtutugma at pag-aayos ng Diyos, ni hindi rin ibig sabihin na iniwan niya ang kanyang kapalaran at mga inaasam at ang kanyang lahat sa ilalim ng kontrol ng Diyos. Kaya, kahit pa anong pangako ang ginawa mo sa Diyos o anong saloobin mo sa Kanya, sa mga mata ng Diyos at nakasarado pa din ang iyong puso sa Kanya, dahil hinayaan mo lang ang Diyos na tingnan ang iyong puso pero hindi ang payagan Siyang pamahalaan ito. Sa ibang salita, hindi mo pa talaga binibigay ang iyong puso sa Diyos, at nagsasalita ka lang ng magandang pakinggan na mga salita para marinig ng Diyos; ang iyong iba’t ibang mapanlinlang na intensyon, samantala, ay nagtatago ka sa Diyos, kasama na ang iyong mga pakana, pagbabalak, at mga plano, at hinahawakan mong mahigpit ang iyong mga inaasam at ang iyong kapalaran sa iyong mga kamay, may matinding takot na kukunin sila ng Diyos. Kaya, ang Diyos ay hindi kailanman tumingin sa katapatan ng tao sa Kanya. Kahit nagmamasid ang Diyos sa kailaliman ng puso ng tao, at nakikita ang iniisip ng tao at ang kung anong nais niyang gawin ayon sa kanyang puso, at nakikita ang mga bagay na nakatago sa kanyang puso, ang puso ng tao ay hindi pag-aari ng Diyos, hindi niya ito ibinigay sa pamamahala ng Diyos. Sa madaling salita, ang Diyos ay may karapatan na magmasid, ngunit wala Siyang karapatan na mamahala. Sa pansariling kamalayan ng tao, hindi gusto at walang balak ang tao na iwan ang sarili niya sa awa ng Diyos. Hindi lamang isinarado ng tao ang sarili niya sa Diyos, mayroon pang mga taong nag-iisip kung paano itatago ang kanilang puso, gamit ang mga mapanlinlang na salita at pambobola para gumawa ng maling impresyon at makuha ang tiwala ng Diyos, at itinatago ang kanilang tunay na katauhan sa paningin ng Diyos. Ang kanilang layunin ay hindi pagpapahintulot sa Diyos na makakita upang hindi payagan ang Diyos na maramdaman kung ano sila talaga. Hindi nila nais na ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos, ngunit ang panatilihin ang mga ito para sa kanilang sarili. Ang ibig sabihin nito ay ang ginagawa ng tao at ang gusto ang niya ay nakaplano na lahat, tinantya at pinagdesisyunan ng tao mismo; hindi niya kailangan ang pakikilahok o pamamagitan ng Diyos, lalong hindi niya kailangan ang mga pagtutugma at mga pag-aayos ng Diyos. Sa gayon, kung ang pag-uusapan ay ang mga utas ng Diyos, ang Kanyang utos, o ang mga hinihingi ng Diyos sa paggawa ng tao, nababatay ang desisyon ng tao sa kanyang pansariling mga intensyon at mga interes, sa kanyang pansariling estado at kalagayan sa panahong iyon. Laging ginagamit ng tao ang kaalaman at mga pananaw na pamilyar sa kanya, at sa kanyang sariling pag-iisip, upang hatulan at piliin ang landas na dapat niyang kunin, at hindi pumapayag sa panghihimasok o pamamahala ng Diyos. Ito ang puso ng tao na nakikita ng Diyos.
Mula sa simula hanggang ngayon, tanging tao lamang ang may kakayanan na makipag-usap sa Diyos. Iyon ay, sa gitna ng lahat ng nabubuhay at mga nilalang ng Diyos, walang iba kundi tao lang ang kayang makipag-usap sa Diyos. Ang tao ay may tainga para makarinig siya, at mata para makakita siya, mayroon siyang wika, at sariling mga ideya, at malayang kalooban. Nagmamay-ari siya ng lahat ng kailangan para marinig ang Diyos na nagsasalita, at maintindihan ang kalooban ng Diyos, at tanggapin ang utos ng Diyos, kaya ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga kagustuhan sa tao, gusto Niyang gawin ang tao bilang isang kasama na pareho ang pag-iisip gaya Niya at kayang maglakad na kasama Niya. Mula pa nang nagsimula Siya mamahala, naghihintay ang Diyos na ibigay ng tao ang kanyang puso sa Kanya, na hayaan ang Diyos na linisin at magbigay ng kasangkapan dito, upang gawin siyang kasiya-siya sa Diyos at mahal ng Diyos, upang igalang ang Diyos at umiwas sa kasamaan. Ang Diyos ay lubos na umaasa at nag-aabang sa kalalabasang ito. Mayroon bang mga naturang tao sa mga tala ng Biblia? Iyon ay, meron bang nasa Biblia na kayang ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos? Mayroon bang nauna bago ang panahong ito? Ngayon, ituloy natin ang pagbabasa sa mga tala ng Biblia at tingnan kung ang ginawa ng taong ito—ni Job—ay may anumang kinalaman sa paksang “pagbibigay ng iyong puso sa Diyos” na pinag-uusapan natin ngayon. Tingnan natin kung si Job ay kasiya-siya sa Diyos at minamahal ng Diyos.
Ano ang inyong palagay kay Job? Sinisipi sa orihinal na banal na kasulatan, may mga nagsasabi na si Job ay “natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.” “Natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan”: Ito ang orihinal na pagsusuri kay Job na nakasulat sa Biblia. Kung gagamitin ninyo ang inyong sariling mga salita, paano ninyo ilalarawan si Job? May mga nagsasabi na si Job ay isang mabuti at makatuwirang tao; may nagsasabi na siya’y may tunay na pananampalataya siya sa Diyos; may nagsasabi na si Job ay isang matuwid at makataong tao. Nakita ninyo ang pananampalataya ni Job, na ang ibig sabihin, binigyan ninyo ng halaga sa inyong mga puso at kinaiinggitan ninyo ang pananampalataya ni Job. Ngayon, pagkatapos, tingnan natin kung ano ang meron si Job na ikinalulugod ng Diyos. Susunod, basahin natin ang mga kasulatan sa ibaba.
C. Job
1. Ang Mga Pagsusuri ng Diyos kay Job sa Biblia
(Job 1:1) May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan.
(Job 1:5) At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka’t sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.
(Job 1:8) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.
Ano ang mahalagang punto na nakikita ninyo sa mga talatang ito? Ang tatlong maiikling mga daanang ito ng banal na kasulatan ay may kaugnayan lahat kay Job. Kahit maikli, malinaw nilang sinabi kung anong uri ng tao siya. Sa pamamagitan ng kanilang paglalarawan ng araw-araw na pag-uugali at asal ni Job, sinasabi nila sa lahat na, sa halip na walang batayan, maganda ang pundasyon ng pagsusuri ng Diyos kay Job. Sinasabi nila sa atin na kahit ito man ay pagsusuri ng tao kay Job (Job 1:1), o pagsusuri sa kanya ng Diyos (Job 1:8), pareho silang resulta ng mga gawain ni Job sa harap ng Diyos at ng tao (Job 1:5).
Una, basahin natin ang unang daanan: “May isang lalake sa lupain ng Uz, na ang pangalan ay Job; at ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan.” Ang unang pagsusuri kay Job sa Biblia, ang pangungusap na ito ay pagsusuri ng may-akda kay Job. Natural, ito rin ay kumakatawan sa pagsusuri ng tao kay Job, na kung saan ay “ang lalaking yaon ay sakdal at matuwid, at natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan.” Susunod, basahin natin ang pagsusuri ng Diyos kay Job: “sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan” (Job 1:8). Sa dalawang ito, ang isa ay galing sa tao, at isa ay buhat sa Diyos; sila ay dalawang mga pagsusuri na may parehong nilalaman. Makikita natin, pagkatapos, na ang pag-uugali at asal ni Job ay kilala ng tao, at pinupuri din ng Diyos. Sa ibang salita, ang asal ni Job sa harap ng tao at ang kanyang asal sa harap ng Diyos ay pareho; inihain niya ang kanyang pag-uugali at pagganyak sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, sa gayon ay maaari silang pagmasdan ng Diyos, at isa siyang tao na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kaya, sa mata ng Diyos, sa lahat ng tao sa lupa si Job lang ang perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.
Tiyak na mga Pahayag ng Takot ni Job sa Diyos at Pag-iwas Niya sa Masama sa Pang-Araw-araw Niyang Buhay
Susunod, tingnan natin ang mga tiyak na pahayag ng takot ni Job sa Diyos at ang pag-iwas niya sa masama. Bilang karagdagan sa mga sipi na nauna at sumunod dito, basahin din natin ang Job 1:5, na isa sa mga tiyak na paghahayag ng takot sa Diyos ni Job, at pag-iwas sa kasamaan. Ito ay may kinalaman sa kung paano siya ay natakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan sa kanyang araw-araw na buhay; na lalo pang nakikita dahil hindi lamang niya ginawa ang mga dapat niyang gawin dahil sa sarili niyang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, kundi pati na rin karaniwan siyang nagsasakripisyo ng mga handog na susunugin sa harap ng Diyos sa ngalan ng kanyang mga anak. Siya ay takot na sila ay madalas na “nagkakasala, at itinatakuwil ang Diyos sa kanilang mga puso” habang nagpapakabusog. At paano ipinahayag ni Job ang takot na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng mga sumusunod na salaysay: “At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat.” Ipinapakita sa atin ni Job ang kanyang asal na, sa halip na ipahayag sa kanyang panlabas na pag-uugali, ang kanyang takot sa Diyos ay mula sa kanyang puso, at ang takot niya sa Diyos ay makikita sa bawat aspeto ng kanyang araw-araw na buhay, dahil hindi lamang niya iniiwasan ang masama, kundi nag-aalay din ng mga sinunog na handog alang-alang sa kanyang mga anak na lalaki. Sa ibang salita, si Job ay hindi lamang may malalim na takot sa pagkakasala laban sa Diyos at ang talikuran ang Diyos sa kanyang puso, kundi pati rin nag-aalala siya na ang kanyang mga anak ay nagkakasala laban sa Diyos at tinatalikuran Siya sa kanilang mga puso. Makikita natin mula dito na ang katotohanan na ang takot ni Job sa Diyos ay nagtatagumpay laban sa masusing pagsisiyasat, at hindi maaabot ng pag-aalinlangan ng sinumang tao. Ginagawa niya ba ito paminsan-minsan, o madalas? Ang huling pangungusap ng teksto ay “Ganito ang ginagawa ni Job palagi.” Nangangahulugan ang mga salitang ito na hindi pumunta at bumisita si Job sa kanyang mga anak nang paminsan-minsan, o kung nais niya, at hindi rin siya nagkukumpisal sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa halip, karaniwan niyang sinusugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak, at nagsasakripisyo ng mga handog na susunugin para sa kanila. Ang “patuloy na” dito ay hindi nangangahulugan na siya ay gumawa ng gayon para sa isa o dalawang araw, o para sa isang sandali. Ito ay nagsasabi na ang paghahayag ng takot sa Diyos ni Job ay hindi pansamantala, at hindi tumitigil sa kaalaman, o winikang salita; sa halip, ang daan ng takot sa Diyos at pag-iwas sa masama ang pumapatnubay sa kanyang puso, ito ang nagdidikta sa kanyang asal, at ito ay, sa kanyang puso, ang ugat ng kanyang pag-iiral. Ang patuloy niyang pag gawa dito ay ipinapakita na, sa kanyangkanyang puso, madalas siyang natatakot na siya mismo ay magkakasala laban sa Diyos at natatakot din siya na ang kanyang mga anak na lalake at babae ay nagkakasala laban sa Diyos. Kinakatawan nito kung ano ang bigat sa puso niya ng daan na may takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Patuloy niya itong ginagawa dahil, sa kanyang puso, nagigimbal at natatakot siya—natatakot na may ginawa siyang masama at nagkasala siya laban sa Diyos at na nalihis siya sa daan ng Diyos kaya hindi niya napalugod ang Diyos. At sa parehong pagkakataon, nag-aalala rin siya tungkol sa kanyang mga anak na lalaki at babae, natatakot na ginalit nila ang Diyos. Gayon ang karaniwang asal ni Job sa kanyang araw-araw na buhay. Itong karaniwang asal na ito ang nagpapatunay na ang takot sa Diyos ni Job at ang pag-iwas niya sa kasamaan ay di lang puro salita, na talagang isinabuhay ni Job ang ganitong katotohanan. “Ganito ang ginawa palagi ni Job”: ang mga salitang ito ang nagsasabi ng araw-araw na gawa ni Job sa harap ng Diyos. Nang palagi niya itong ginagawa, naabot ba ng kanyang asal at ng kanyang puso ang Diyos? Sa ibang salita, madalas bang nalulugod ang Diyos sa kanyang puso at sa kanyang asal? Kung gayon, sa ilalim ng anong mga kalagayan at sa kung anong konteksto iyon ginawa ni Job palagi? May mga nagsasabi na ganito umasal si Job dahil madalas na nagpapakita sa kanya ang Diyos; may mga nagsasabi na patuloy niya itong ginagawa dahil umiiwas siya sa kasamaan; at may mga nagsasabi na malamang iniisip niya na hindi basta nakakamit ang kanyang kayamanan, at alam niya na Diyos ang nagkaloob nito sa kanya, kaya siya ay natatakot na mawala ang kanyang ari-arian bilang bunga ng pagkakasala o pagkakagalit sa Diyos. May mga totoo ba sa mga pahayag na ito? Malinaw na wala. Dahil, sa mga mata ng Diyos, ang tinatanggap at pinahahalagahan ng Diyos kay Job ay hindi lang ang kanyang patuloy na paggawa nito; higit pa rito, ay ang kanyang asal sa harapan ng Diyos, ng tao at kay Satanas nang siya ay iniabot kay Satanas at tinukso. Ibinibigay ng bahagi sa ibaba ang pinaka kapani-paniwalang katibayan, katibayan na nagpapakita sa atin ng katotohanan ng pagsusuri ng Diyos kay Job. Susunod, basahin natin ang mga sumusunod na talata ng kasulatan.
2. Tinukso ni Satanas si Job sa Unang Pagkakataon (Ninakaw ang Kanyang mga Alagang Hayop at Sinapitan ng Kalamidad ang Kanyang mga Anak)
a. Ang Mga Salitang Winika ng Diyos
(Job 1:8) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.
(Job 1:12) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.
b. Sagot ni Satanas
(Job 1:9-11) Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan
Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job
Job 1:8 ay ang unang tala na nakikita natin sa Bibliya ng isang palitan sa pagitan ng Diyos na Jehovah at ni Satanas. At ano ang sinabi ng Diyos? Ang orihinal na teksto ay naglalaan ng mga sumusunod na salaysay: “At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.” Ito ay pagsusuri ng Diyos kay Job sa harap ni Satanas; sinabi ng Diyos na siya ay isang perpekto at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Bago pa man ang mga salitang ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, nilutas na ng Diyos na gagamitin Niya si Satanas upang tuksuhin si Job—na iaabot Niya si Job kay Satanas. Sa isang banda, patutunayan nito na ang pagmamasid at pagsusuri ng Diyos kay Job ay tumpak at walang pagkakamali, at magdudulot ng kahihiyan kay Satanas sa pamamagitan ng testimonya ni Job; sa kabilang banda, gagawin nitong perpekto ang pananampalataya at takot ni Job sa Diyos. Kaya, nang si Satanas ay naparoon sa harap ng Diyos, hindi nagpaligoy-ligoy ang Diyos. Diretso Niyang sinabi at tinanong kay Satanas: “Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan?” Sa tanong ng Diyos mayroong sumusunod na kahulugan: Alam ng Diyos na gumagala si Satanas sa lahat ng lugar, at na madalas niyang minamanmanan si Job, na lingkod ng Diyos. Madalas niya itong tinutukso at inaatake, naghahanap ng paraan upang magdala ng kasiraan kay Job para mapatunayan na ang pananampalataya ni Job sa Diyos at ang takot sa Diyos ay hindi matatag. Si Satanas din ay mabilisang naghahanap ng mga pagkakataon para ganap na sirain si Job, na itakwil ni Job ang Diyos at hayaan si Satanas na agawin siya sa mga kamay ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay tumingin sa loob ng puso ni Job at nakita Niya na siya ay perpekto at matuwid, at na siya ay natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ginamit ng Diyos ang isang tanong para sabihin kay Satanas na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, na hindi kailanman tatalikuran ni Job ang Diyos at susunod kay Satanas. Nang marinig ang pagsusuri ng Diyos kay Job, nagalit si Satanas dahil sa kahihiyan, at lalo siyang napoot, at lalong nainip na agawin si Job, dahil hindi naniniwala si Satanas na may isang taong perpekto at matuwid, o na kaya nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Kasabay nito, si Satanas ay napopoot din sa kasakdalan at sa katuwiran ng tao, at nagagalit siya sa mga tao na kayang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Gayon din naman nasusulat sa Job 1:9-11 na “Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Dios? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,” Kilalang kilala ng Diyos ang malisyosong kalikasan ni Satanas, at alam niya na matagal nang binabalak ni Satanas na sirain si Job, kaya ninais ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasabi muli kay Satanas na si Job ay perpekto at matuwid at na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, na ibalik sa kanyang lugar si Satanas, na ipabunyag kay Satanas ang tunay nitong mukha at lusubin at tuksuhin si Job. Sa madaling salita, kusang binigyang-diin ng Diyos na perpekto at matuwid si Job, at na kinatakutan niya ang Diyos at umiiwas siya sa kasamaan, at sa pamamagitan nito napalusob Niya si Satanas kay Job dahil sa pagkamuhi at galit ni Satanas sa kasakdalan at katuwiran ni Job, isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa masama. Bunga nito, nagdala ng kahihiyan ang Diyos kay Satanas dahil sa katotohanan na si Job ay perpekto at matuwid na tao, isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at si Satanas ay maiiwang napahiya at talunan. Pagkatapos nito, si Satanas ay hindi na muling mag-aalinlangan o magbibigay-sala sa kasakdalan ni Job, katuwiran, takot sa Diyos, o pag-iwas sa kasamaan. Sa ganitong paraan, ang pagsubok ng Diyos at tukso ni Satanas ay halos tiyak na mangyayari. Ang tanging isa na nagawang makatiis sa pagsubok ng Diyos at tukso ni Satanas ay si Job. Sunod sa palitang ito, si Satanas ay nabigyan ng pahintulot upang tuksuhin Job. Kaya nagsimula ang unang pag—atake ni Satanas. Ang pinatatamaan ng mga paglusob na ito ay ang mga ari-arian ni Job, sapagkat ginawa ni Satanas ang mga sumusunod na paratang laban kay Job: “Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? … iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain.” Bunga nito, pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang lahat ng ari-arian ni Job—na siyang tunay na layunin kung bakit nakipag-usap ang Diyos kay Satanas. Gayunpaman, gumawa ang Diyos ng isang utos kay Satanas: “lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay” (Job 1:12). Ito ang kalagayan na ginawa ng Diyos matapos Niyang payagan si Satanas na tuksuhin si Job at ilagay si Job sa kamay ni Satanas, ang hangganan na itinakda Niya para kay Satanas: Inutusan niya si Satanas na huwag saktan si Job. Dahil kinikilala ng Diyos na si Job ay perpekto at matuwid, at mayroon Siyang pananampalataya na ang kasakdalan at katuwiran ni Job sa Kanya ay walang kaduda—duda, at kayang tiisin ang pagsubok, kaya pinahintulutan ng Diyos na tuksuhin ni Satanas si Job, ngunit nagpataw Siya ng hangganan kay Satanas: Si Satanas ay pinahintulutan na kunin ang lahat ng ari—arian ni Job, ngunit hindi ito maaaring mag—taas ng isang daliri laban sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig sabihin nito ay hindi lubusang ibinigay ng Diyos si Job kay Satanas. Maaaring tuksuhin ni Satanas si Job sa anumang paraan na nais niya, ngunit hindi nito maaaring saktan si Job mismo, kahit isang buhok sa kanyang ulo, dahil ang lahat ng tao ay pinamamahalaan ng Diyos, ang buhay at kamatayan ng tao ay naaayon sa pasiya ng Diyos, at si Satanas ay walang ganitong karapatan. Matapos sabihin ng Diyos ang mga salitang ito kay Satanas, hindi na makapaghintay na magsimula si Satanas. Ginamit nito ang lahat ng paraan upang tuksuhin si Job, at di nagtagal nawala kay Job ang gabundok na tupa at baka at lahat ng ari—arian na ibinigay sa kanya ng Diyos…. Kaya dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa kanya.
Kahit sinasabi sa atin ng Biblia ang mga pinagmulan ng tukso ni Job, si Job ba mismo, na siyang sumasailalim sa mga tuksong ito, ay may kamalayan sa kung ano ang nangyayari? Si Job ay isa lamang mortal na tao; siyempre wala siyang alam sa mga nangyayari sa likod niya. Gayunpaman, ang kanyang takot sa Diyos, at ang kanyang kasakdalan at katuwiran, ang nakapagpatanto sa kanya na ang mga pagsubok ng Diyos ay dumating sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naganap sa espirituwal na kaharian, o kung ano ang layunin ng Diyos sa likod ng mga pagsubok na ito. Ngunit alam niya na kahit ano pa man ang mangyari sa kanya, dapat niyang patotohanan ang kanyang kasakdalan at katuwiran, at dapat siyang sumunod sa daan na may takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Malinaw na nakita ng Diyos ang saloobin ni Job at reaksyon niya sa mga bagay na ito. At ano ang nakita ng Diyos? Nakita Niya ang puso ni Job na natatakot sa Diyos, dahil mula sa simula hanggang sa nang si Job ay masubok, nanatiling bukas ang puso ni Job sa Diyos, ito ay inihain sa harap ng Diyos, at hindi itinakwil ni Job ang kanyang kasakdalan o katuwiran, at hindi rin siya tumanggi o tumalikod sa daan ng may takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan—at wala nang ibang mas kasiya-siya pa sa Diyos. Susunod, titingnan natin kung ano ang mga tukso na pinagdaanan ni Job at kung paano niya tinrato ang mga pagsubok. Basahin natin ang mga kasulatan.
c. Ang Reaksyon ni Job
(Job 1:20-21) Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.
Na Kusang Ibinalik ni Job ang Lahat ng Kanyang Pag-aari na Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos
Pagkatapos sabihin ng Diyos kay Satanas, “lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay.” umalis si Satanas, at matapos noon ay napasailalim sa biglaan at mababangis na mga paglusob si Job: Una, dinambong ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang mga lingkod niya; sumunod, sinunog hanggang sa pagkawasak ang kanyang mga tupa at mga lingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay ang mga lingkod niya; sa huli, kinuha ang buhay ng mga anak niyang lalake at babae. Naranasan ni Job sa unang pagsubok ang mga sunod-sunod na paglusob na ito. Naayon sa iniutos ng Diyos, mga ari-arian at mga anak lang ni Job ang pinuntirya sa panahon ng mga pag-atake ni Satanas, at hindi sinaktan si Job. Gayunpaman, si Job ay biglaang nabago mula sa pagiging mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan hanggang sa siya ay naging taong walang kahit anong ari-arian. Walang sinumang may kakayanan na tagalan ang mga kagilas-gilas na biglaang paglusob o tumugon nang maayos dito, pero ipinakita ni Job ang kanyang pambihirang kakayanan. Nagbibigay ang Banal na Kasulatan ng sumusunod na pahayag: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o takot na takot, lalong hindi siya nagpahayag ng galit o poot. Makikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga sakuna na ito ay hindi isang aksidente, o gawain ng kamay ng tao, lalong hindi sila ganti o parusa. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ng Panginoon na Jehovahh; si Jehovah ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Kalmado at malinaw ang pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na sangkatauhan ang tumulong sa kanya upang makatuwiran at likas na gumawa ng mga tumpak na paghahatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba;” Ang “Hinapak ang kanyang balabal” ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang “inahitan ang kaniyang ulo” ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong panganak na sanggol; ang “nagpatirapa sa lupa, at sumamba” ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos bilang isang bagong panganak na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehovah ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos, at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik ang lahat ng kanyang pag-aari, pati ang kanyang buhay.
Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang kasakdalan at ang katuwiran ay ang rurok ng sangkatauhan na dapat makamtan ng tao. Kahit hindi niya nakikita ang Diyos, napagtanto niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagtatantong ito ay natakot siya sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, gayunpaman wala siyang hinaing, at nagpakumbaba sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya na, sa oras na ito, kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya siyang hahayaan na gawin Niya ito, nang walang hinaing. Ang Kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, di matitinag sa kanyang pagtatanto at karanasan sa pag-iral ng Diyos si Job, at mula dito inatasan niya ang sarili niya at binigyan ng pamantayan ang kanyang pag-iisip, pag-uugali, pag-aasal at alituntunin ng mga gawain sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, nagdulot sa kanya ang kanyang mga karanasan ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagpa-iwas sa kanya sa kasamaan. Ito ang pinagmulan ng integridad na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Nagmamay-ari si Job ng isang matapat, walang sala, at mabait na sangkatauhan, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at pag-iwas sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “ibinigay ng Panginoon, at ang inalis ng Panginoon.” Dahil lamang sa mga bagay na ito kaya siya matibay na nakatayo at sumaksi sa gitna ng mapaminsalang atake ni Satanas, at dahil sa mga ito kaya niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang ang pagsubok ng Diyos ay sumakanya. Kahit na ang asal ni Job sa unang pag-subok ay lubos na tapat, ang mga sumunod na henerasyon ay hindi siguradong may kakayanang makamit ang ganitong katapatan kahit na pagkatapos ng kanilang habambuhay na mga pagsisikap, at hindi rin nila kayang taglayin ang asal ni Job na inilarawan sa itaas. Ngayon, nakikita mo ang tapat na asal ni Job, at kung ihahambing ito sa sigaw at pagpupunyagi ng “lubos na pagkamasunurin at katapatang hanggang sa kamatayan” na ipinapakita sa Diyos ng mga taong nagsasabing naniniwala sa Diyos at sumusunod sa Diyos, kayo ba, o hindi ba kayo, nakakaramdam ng malalim na kahihiyan?
Kung babasahin mo sa banal na kasulatan ang lahat ng pinagdusahan ni Job at ng kanyang pamilya, ano ang iyong reaksyon? Nawala ka ba sa iyong mga saloobin? Nagulat ka ba? Masasabi bang ang mga pagsubok na dumating kay Job ay “kahindik-hindik”? Sa ibang salita, kakila-kilabot na basahin ang mga pagsubok ni Job na inilarawan sa banal na kasulatan, ano pang masasabi natin sa kung paano sila sa tunay na buhay. Makikita mo, sa gayon, na ang naranasan ni Job ay hindi isang “pagsasanay,” ngunit isang tunay na “labanan,” na nagtatampok ng tunay na “mga baril” at “mga bala.” Ngunit kaninong kamay ang nagsailalim sa kanya sa mga pagsubok na ito? Ang mga ito, siyempre, ay tinupad ni Satanas, personal silang tinupad ni Satanas—ngunit sila ay pinahintulutan ng Diyos. Sinabi ba ng Diyos kay Satanas kung sa paanong paraan tutuksuhin si Job? Hindi niya ginawa. Nagbigay lang ang Diyos ng isang kundisyon, pagkatapos nito ay dumating ang mga tukso kay Job. Nang ang tukso ay dumating kay Job, binigyan nito ang mga tao ng pang-unawa sa kasamaan at kapangitan ni Satanas, ng kanyang mga masamang hangarin at pagkamuhi sa tao, at ng kanyang alitan sa Diyos. Dito makikita natin na hindi maaaring ilarawan ng mga salita ang kalupitan ng tuksong ito. Masasabing ang malisyosong kalikasan ni Satanas na ginamit niya upang pagmalupitan ang tao at ang pangit nitong mukha ay buong ipinakita sa sandaling ito. Ginamit ni Satanas ang pagkakataong ito, ang pagkakataon na ibinigay ng pahintulot ng Diyos, para isailalim si Job sa nag-iinit at walang awang pagmamalupit, ang paraan at antas ng kalupitan ay parehong hindi mailarawan at ganap na hindi mapag-titiisan ng mga tao ngayon. Sa halip na sabihing tinukso ni Satanas si Job, at na siya ay naging matatag sa kanyang testimonya sa panahon ng tuksong ito, mas mabuting sabihin na sa mga pagsubok na inihanda para sa kanya ng Diyos si Job ay nakipagpaligsahan kay Satanas upang ingatan ang kanyang kasakdalan at katuwiran, at ipagtanggol ang kanyang paraan ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Sa paligsahang ito, nawala kay Job ang gabundok na mga tupa at mga baka, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian, at nawala sa kanya ang kanyang mga anak na lalaki at babae—ngunit hindi niya tinalikuran ang kanyang kasakdalan, katuwiran, o takot sa Diyos. Sa madaling salita, sa paligsahang ito laban kay Satanas, mas ginusto pa niyang mawala ang kanyang ari-arian at mga anak sa halip na mawala ang kanyang kasakdalan, katuwiran, at takot sa Diyos. Ginusto niyang manatili sa ugat ng ibig sabihin ng pagiging tao. Ang Banal na Kasulatan ay nagbibigay ng isang maikling sipi ng pamamaraan kung paano nawala kay Job ang kanyang mga ari-arian, at itinala rin nito ang asal at kalooban ni Job. Ang mga tuwiran at malinaw na siping ito, ay nagbibigay ng pakiramdam na si Job ay halos mahinahon sa pagharap sa tuksong ito, pero kung ang tunay na nangyari ay mangyayari uli, at dadagdagan ng malisyosong kalikasan ni Satanas—ang mga bagay ay hindi magiging kasing simple o kasing dali ng inilalarawan sa mga pangungusap na ito. Ang katotohanan ay higit na mas malupit. Ganoon ang antas ng pagkasira at poot na ginamit ni Satanas sa kanyang pagtrato sa sangkatauhan at sa lahat ng pinagtibay ng Diyos. Kung hindi sinabi ng Diyos kay Satanas na huwag saktan si Job, walang duda na papatayin siya ni Satanas nang walang pagsisisi. Hindi nais ni Satanas na may sinumang sumamba sa Diyos, at hindi niya rin nais na magpatuloy na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan ang mga taong matapat sa mga mata ng Diyos at iyong mga perpekto at matuwid. Kung ang mga tao ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, nangangahulugan ito na tinatalikdan nila si Satanas, kaya sinamantala ni Satanas ang pahintulot ng Diyos upang itambak ang lahat ng kanyang poot at galit kay Job nang walang awa. Makikita mo, sa gayon, kung gaano kalaki ang paghihirap na pinagdusahan ni Job, mula sa isip hanggang sa laman, mula sa labas hanggang sa loob. Ngayon, hindi natin nakikita kung paano ito noon, at maaari lamang makakuha, mula sa mga sipi ng Biblia, ng isang maikling sulyap sa saloobin ni Job nang siya ay ipailalim sa mga paghihirap ng mga panahong iyon.
Ang Di Natitinag na Dangal ni Job na Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Naging Sanhi Kaya ito Tumakas nang may Pagkasindak
At ano ang ginawa ng Diyos kapag si Job ay sumasailalim sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at nag-hintay ng kalalabasan. Habang ang Diyos ay nagmamasid at nanunuod, ano ang nadama Niya? Siya ay nakadama ng pighati, siyempre. Ngunit, bilang resulta ng Kanyang kalungkutan, maaari bang pinagsisihan Niya ang Kanyang pahintulot kay Satanas upang tuksuhin si Job? Ang sagot ay, Hindi, hindi Niya pinagsisihan. Sapagka’t may matatag Siyang paniniwala na si Job ay perpekto at matuwid, na siya ay takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Binigyan lang ng Diyos si Satanas ng isang pagkakataon upang patunayan ang katuwiran ni Job sa harap ng Diyos, at para ibunyag ang sarili nitong kasamaan at kalait-lait na kalagayan. Ito ay, higit pa rito, isang pagkakataon para patunayan ni Job ang kanyang katuwiran at ang kanyang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa harap ng mga tao sa mundo, kay Satanas, at kahit sa mga taong sumusunod sa Diyos. Pinatunayan ba ng kinalabasan nito na ang pagsusuri ng Diyos kay Job ay tama at walang pagkakamali? Talaga bang nangibabaw si Job kay Satanas? Dito basahin natin ang mga pangkaraniwang salita na sinabi ni Job, mga salitang patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon:” Ganito ang pagkamasunurin ni Job sa Diyos. Susunod, sinabi niya: “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan nila na ang Kanyang papuri kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na kinapupurihan ng Diyos ay matuwid. “… ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.” Ang mga salitang ito ay testimonya ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala dito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito, at, higit pa rito, nagkadena sa kanya at iniwan siyang walang mapagkukunan. Gayon, pati, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng kamanghaan at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na Jehovah, at pinayagan itong makita ang pambihirang bighani ng isang taong na ang puso ay pinamamahalaan ng paraan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan nila kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao sa pag-ayon sa daan ng may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kaya natalo si Satanas sa unang paligsahan. Sa kabila nitong “pinagtrabahuhang pananaw,” walang balak si Satanas na pakawalan si Job, at wala ring anumang pagbabago sa kanyang malisyosong kalikasan. Sinikap ni Satanas na patuloy na lusubin si Job, at minsan pang tumayo sa harap ng Diyos. …
Sunod, basahin natin ang mga banal na kasulatan tungkol sa pangalawang pagkakataon na tinukso si Job.
3. Muling Tinukso ni Satanas si Job (Naglitawan Ang Mga Pigsa sa Buong Katawan ni Job)
a. Ang Mga Salitang Winika ng Diyos
(Job 2:3) At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako’y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan.
(Job 2:6) At ang Panginoon ay nagsabi kay Satanas, Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kaniyang buhay.
b. Ang Mga Salitang Winika ni Satanas
(Job 2:4-5) At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan.
c. Paano Tinatanganan ni Job ang Pagsubok
(Job 2:9-10) Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi.
(Job 3:3) Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi.
Ang Pag-ibig ni Job sa Paraan ng Diyos na Humihigit sa Lahat
Itinala ng Kasulatan ang mga salita sa pagitan ng Diyos at ni Satanas sa mga sumusunod: “At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako’y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan” (Job 2:3). Sa ganitong palitan, inuulit ng Diyos ang parehong tanong kay Satanas. Ito ay isang tanong na nagpapakita sa atin ng positibong pagsusuri ng Diyos na Jehovah sa ipinakita at isinabuhay ni Job sa unang pagsubok, at wala itong pinagkaiba sa pagsusuri ng Diyos kay Job bago pa man siya napasailalim sa tukso ni Satanas. Na ang ibig sabihin, bago pa man dumating ang tukso sa kanya, si Job ay perpekto na sa mga mata ng Diyos, at dahil doon siya at ang kanyang pamilya ay pinangalagaan ng Diyos, at pinagpala siya; karapat-dapat siyang pagpalain sa mga mata ng Diyos. Pagkatapos ng panunukso, hindi nagkasala ang mga labi ni Job dahil nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak, ngunit patuloy niyang pinapurihan ang pangalan ng Jehovah. Ang kanyang tunay na asal ay pinuri ng Diyos, at nagbigay sa kanya ng mataas na marka. Sa mga mata ni Job, ang kanyang mga anak o ang kanyang mga ari-arian ay hindi sapat upang itakwil niya ang Diyos. Ang lugar ng Diyos sa kanyang puso, sa madaling salita, ay hindi maaaring palitan ng kanyang mga anak o anumang piraso ng ari-arian. Sa panahon ng unang tukso kay Job, ipinakita niya sa Diyos na ang kanyang pag-ibig para sa Kanya at ang kanyang pagmamahal sa paraang may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ay walang kapantay. Ito ay isang pagsubok lang na nagbigay kay Job ng karanasan na makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos na Jehovah at ang makuha ang kanyang ari-arian at mga anak sa pamamagitan Niya.
Para kay Job, ito ay isang tunay na karanasan na naglinis sa kanyang kaluluwa, ito ay isang pagbibinyag ng buhay na tumupad sa kanyang pag-iral, at, higit pa, isa itong katakam-takam na kapistahan na sumubok sa kanyang pagkamasunurin, at takot sa Diyos. Binago ng pagtutuksong ito ang estado ni Job mula sa pagiging isang mayaman na tao, siya ay naging isang taong walang pag-aari, at nagparanas sa kanya ng pagmamalupit ni Satanas sa sangkatauhan. Hindi naging dahilan ang kanyang paghihikahos upang kapootan si Satanas; sa halip, sa mga mapang-alipustang gawain nakita niya ang kapangitan at kalait-lait na kalagayan ni Satanas, pati na rin ang poot at panghihimagsik ni Satanas sa Diyos, at mas hinikayat siya nito na habambuhay na humawak sa paraan nang may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Isinumpa niya na hindi niya kailanman tatalikdan ang daan ng Diyos dahil sa panlabas na kadahilanan gaya ng ari-arian, mga anak o mga kamag-anak, at hindi siya kailanman magiging alipin ni Satanas, ng ari-arian o ng sinumang tao; bukod sa Diyos na Jehovah, wala nang ibang maaaring maging kanyang Panginoon, o kanyang Diyos. Iyon ang mga hangarin ni Job. Sa kabilang dako ng tukso, nakakuha si Job ng isang bagay: Siya ay nagkamit ng malaking kayamanan sa gitna ng mga pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos.
Sa kanyang buhay sa mga nakaraang mga dekada, pinagmasdan ni Job ang mga gawain ni Jehovah at nakamit ang mga biyaya ng Diyos na Jehovah para sa kanya. Mga biyaya sila na iniwan siyang may pakiramdam ng pagkabalisa at may pagkakautang, dahil naniwala siya na wala pa siyang ginagawa para sa Diyos, ngunit siya ay pinapamanahan na ng maraming biyaya at nagtatamasa na ng napakaraming pagpapala. Para sa kadahilanang ito, sa kanyang puso siya ay madalas na nananalangin, umaasa na siya ay mabigyan ng pagkakataon na magpatotoo sa mga gawa at kadakilaan ng Diyos, at umaasa na susubukin ng Diyos ang kanyang pagkamasunurin, at, higit pa rito, gawing malinis ang kanyang pananampalataya, hanggang sa ang kanyang pagkamasunurin at pananampalataya ay sang-ayunan ng Diyos. At nang dumating ang pagsubok kay Job, naniwala siya na narinig ng Diyos ang kanyang mga panalangin. Itinatangi ni Job ang pagkakataong ito higit pa sa anumang bagay, at dahil dito hindi siya nangahas na baliwalain ito, dahil ang kanyang pinakadakilang hangarin ay maaaring maganap. Nangangahulugan ang pagdating ng pagkakataong ito na ang kanyang pagsunod at takot sa Diyos ay maaaring ilagay sa pagsubok, at maaaring gawing dalisay. Bukod pa rito, nangangahulugan ito na may pagkakataon si Job na makuha ang pagsang-ayon ng Diyos, at sa gayon ay mapapalapit siya sa Diyos. Sa panahon ng pagsubok, ang gayong pananampalataya at pagtugis ang lalong nagpaperpekto sa kanya, at para magkaroon ng higit na pang-unawa sa kalooban ng Diyos. Si Job ay lalong naging mapagpasalamat sa mga biyaya at grasya ng Diyos, nagbuhos siya ng papuri sa mga gawa ng Diyos sa kanyang puso, at siya ay mas natakot at mas gumalang sa Diyos, at humangad pa ng mas maraming kagandahan, kadakilaan, at kabanalan ng Diyos. Sa oras na ito, kahit na si Job ay isa pa ring tao na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan sa paningin ng Diyos, dahil sa kanyang mga karanasan, ang pananampalataya ni Job at kaalaman ay lalong lumago: Nadagdagan ang kanyang pananampalataya, nagkaroon ng pundasyon ang kanyang pagkamasunurin, at lalong lumalim ang kanyang takot sa Diyos. Kahit binago ng pagsubok na ito ang espiritu at buhay ni Job, hindi nito napasiya si Job, at hindi rin nito pinabagal ang kanyang pag-unlad pasulong. Kasabay ng kanyang pagtatantiya sa kung anong napakinabangan niya mula sa pagsubok na ito, at habang iniisip ang kanyang mga pagkukulang, tahimik siyang nanalangin, naghihintay sa pagdating ng susunod na pagsubok sa kanya, sapagkat naghahangad siya na ang kanyang pananampalataya, pagkamasunurin, at takot sa Diyos na maitaas sa susunod na pagsubok ng Diyos.
Pinagmamasdan ng Diyos ang pinakamalalim na saloobin ng tao at lahat ng sinasabi ng tao at ginagawa. Nakarating sa pandinig ng Diyos na Jehovah ang mga saloobin ni Job, at dininig ng Diyos ang kanyang mga panalangin, at ang sumunod na pagsubok ng Diyos ay dumating gaya ng inaasahan.
Sa Kabila ng Sukdulang Paghihirap, Tunay na Napagtanto ni Job na Pinangangalagaan ng Diyos ang Sangkatauhan
Kasunod ng mga katanungan ng Diyos na Jehovah kay Satanas, si Satanas ay palihim na masaya. Ito ay dahil sa alam ni Satanas na ito ay pahihintulutan uli na lusubin ang tao na perpekto sa mata ng Diyos—na para kay Satanas ay isang bihirang pagkakataon. Nais ni Satanas na gamitin ang pagkakataong ito upang ganap na pahinain ang paniniwala ni Job, upang mawala ang kanyang pananampalataya sa Diyos at sa gayon ay hindi na siya matakot sa Diyos o magpapuri sa pangalan ni Jehovah. Ito ay magbibigay ng pagkakataon kay Satanas: Anuman ang lugar o oras, maaari nitong gawin si Job na isang laruan na nasa kanyang pamamahala. Itinago ni Satanas ang kanyang masasamang balak nang walang anumang bakas, ngunit hindi nito maitago ang kanyang masamang kalikasan. Ang katotohanang ito ay ipinahiwatig sa sagot niya sa mga salita ng Diyos na Jehovah, gaya ng nakatala sa banal na kasulatan: “At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan” (Job 2:4-5). Imposibleng hindi makakuha ng mahalagang kaalaman at pakiramdam tungkol sa malisyosong katangian ni Satanas sa palitan na ito sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Pagkarinig sa mga kamaliang ito ni Satanas, ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at namumuhi sa kasamaan ay walang dudang magkakaroon ng mas malaking galit sa kawalang-dangal at kabastusan ni Satanas, makakaramdam ng galit at pandidiri sa mga pagkakamali ni Satanas, at, gayundin, ay mag-aalok ng malalalim na dasal at masugid na hiling kay Job, nananalangin na makamtan ng matuwid na taong ito ang kasakdalan, humihiling na ang taong ito na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ay habangbuhay na mapagtagumpayan ang mga tukso ni Satanas, at mabuhay sa liwanag, at mabuhay sa gitna ng patnubay at mga biyaya ng Diyos; gayundin hinihiling nila na ang katuwiran ni Job ay habambuhay na umudyok at humimok sa lahat ng tumutugis sa daan na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Kahit ang malisyosong layunin ni Satanas ay makikita sa pagpapahayag na ito, ang Diyos ay madaliang pumayag sa “kahilingan” ni Satanas—ngunit Siya rin ay may isang kundisyon: “siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay” (Job 2:6). Dahil, sa pagkakataong ito, hiningi ni Satanas na maiunat niya ang kanyang kamay upang makapinsala sa laman at mga buto ni Job, sinabi ng Diyos, “ingatan mo lamang ang kanyang buhay.” Ang kahulugan ng mga salitang ito ay na ibinigay Niya ang laman ni Job kay Satanas, ngunit mapapanatili Niya ang kanyang buhay. Hindi maaaring kunin ni Satanas ang buhay ni Job, ngunit bukod dito maaaring gumamit si Satanas ng ibang pamamaraan laban kay Job.
Pagkatapos makuha ang pahintulot ng Diyos, si Satanas ay mabilisang pumunta kay Job at iniunat ang kanyang kamay para makapagpapadalamhati sa kanyang balat, na nagdulot ng mga namamagang bukol sa buong katawan niya, at si Job ay nakadama ng sakit sa kanyang balat. Pinapurihan ni Job ang kamanghaan at kabanalan ng Diyos na Jehovah, na mas lalong nagpagarapal kay Satanas sa kanyang kapangahasan. Dahil nadama nito ang kaligayan sa pagpinsala sa tao, iniunat ni Satanas ang kanyang kamay at kinalaykay ang laman ni Job, na naging dahilan upang magnaknak ang kanyang mga namamagang bukol. Agad na naramdaman ni Job ang sakit at paghihirap na walang kapantay sa kanyang laman na walang katulad, at wala siyang magawa kundi ang masahihin ang sarili niya mula ulo hanggang paa gamit ang kanyang mga kamay, na para bang mapapawi nito ang dagok sa kanyang espiritu na nanggaling sa sakit ng laman na ito. Napagtanto niya na nasa tabi niya ang Diyos na nagmamasid sa kanya, at ginawa niya ang kanyang makakaya upang magpakatatag. Siya ay minsan pang lumuhod sa lupa, at nagsabi: Tumingin Ka sa loob ng puso ng tao, napagmamasdan Mo ang kanyang karalitaan; bakit Ka nababahala sa kahinaang ito? Purihin ang pangalan ng Diyos na Jehovah. Nakita ni Satanas ang matinding sakit na nararamdaman ni Job, pero hindi nito nakita na itinakwil ni Job ang pangalan ng Diyos na Jehovah. Kaya nagmamadali ito na iniunat ang kanyang kamay at nagpahirap sa mga buto ni Job, desperado na pilasin ang kanyang mga paa mula kamay. Kaagad na nadama ni Job ang walang kapantay na paghihirap; na para bang ang kanyang laman ay pinunit mula sa kanyang mga buto, at para bang ang kanyang mga buto ay unti-unting binabasag. Ang pagdurusang ito ang dahilan kung bakit naisip niya na mas mabuti pa ang mamatay. … Ang kanyang kakayahang magtiis ay umabot na sa hangganan nito. … Nais niyang sumigaw, nais niyang pilasin ang balat sa kanyang katawan upang bawasan ang sakit—ngunit hindi siya sumigaw, at hindi niya pinilas ang kanyang balat sa kanyang katawan, sapagkat hindi niya nais makita ni Satanas ang kanyang kahinaan. At muli siyang lumuhod, ngunit sa pagkakataong ito hindi niya nadama ang presensya ng Diyos na Jehovah. Alam niya na madalas Siyang nasa harapan niya, at sa likod niya, at sa kanyang likuran, at sa magkabilang panig niya. Ngunit sa panahon ng kanyang paghihirap, ang Diyos ay hindi kailanman tumingin; tinakpan Niya ang Kanyang mukha at nagtago, dahil ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao ay hindi upang magdala ng paghihirap sa sangkatauhan. Sa oras na ito, si Job ay tumatangis, at ginagawa ang kanyang makakaya upang pagtiisan itong pisikal na sakit, gayunpaman hindi na niya mapigilan ang sarili niya na magpasalamat sa Diyos: Ang tao ay bumabagsak sa unang dagok, siya ay mahina at walang kapangyarihan, siya ay bata at mangmang—bakit Mo nanaisin na maging mapag-alaga at mapagmahal sa kanya? Hinampas Mo ako, gayunpaman nasasaktan Kang gawin ito. Anong mayroon ang tao na karapat-dapat sa Iyong pag-aalaga at pag-aalala? Naabot ng mga panalangin ni Job ang mga tainga ng Diyos, at ang Diyos ay tahimik, nanonood lamang nang walang tunog. … Matapos walang mangyari sa kabila ng paggamit ng lahat ng salamangka na mayroon sa libro, tahimik na umalis si Satanas, ngunit hindi dito natapos ang mga pagsubok ng Diyos kay Job. Dahil ang kapangyarihan ng Diyos na nahayag kay Job ay hindi isinapubliko, ang kuwento ni Job ay hindi nagtatapos sa pag-atras ni Satanas. Habang nadadagdag ang ibang mga tauhan, madami pang kamangha-manghang eksena ang dadating.
Isa pang Paghahayag ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan ni Job ay ang Kanyang Pagpupuri sa Pangalan ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Pinagdusahan ni Job ang pamiminsala ni Satanas, ngunit hindi pa din niya itinakwil ang pangalan ng Diyos na Jehovah. Ang kanyang asawa ay ang unang lumabas at gumanap sa katauhan ni Satanas na maaaring makitang lumulusob kay Job. Inilarawan ito sa orihinal na sulat bilang: “Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka” (Job 2:9). Ang mga salitang ito ang sinabi ni Satanas na nagbabalatkayong tao. Sila ay mga paglusob, at bintang, pati na rin pang—akit, tukso, at paninirang—puri. Matapos mabigo sa paglusob sa laman ni Job, si Satanas ay tuluyang nilusob ang dangal ni Job, nais niyang gamitin ito para ipasuko kay Job ang kanyang dangal, talikuran ang Diyos, at tumigil sa pamumuhay. Kaya, gusto din gamitin ni Satanas ang mga salitang ito para tuksuhin si Job: Kung itatakwil ni Job ang pangalan ni Jehovah, hindi niya kailangan pagtiisan ang ganitong paghihirap, maaaring mapalaya niya ang sarili niya mula sa paghihirap ng laman. Nang maharap sa payo ng kanyang asawa, pinagsabihan siya ni Job, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Matagal nang alam ni Job ang mga salitang ito, ngunit sa pagkakataong ito napatunayan ang katotohanan ng kaalaman ni Job sa kanila.
Nang pinayuhan siya ng kanyang asawa upang sumpain ang Diyos at mamatay, ang kanyang kahulugan ay: Ganito ka tratuhin ng Diyos mo, bakit hindi mo Siya sumpain? Paano mo pa nagagawang mabuhay? Ang iyong Diyos ay hindi patas sa iyo, ngunit sinasabi mo pa rin na purihin ang pangalan ng Diyos na Jehovah. Paano Niya nagagawang magdala ng sakuna sa iyo kahit na pinupuri mo ang Kanyang pangalan? Magmadali ka at talikuran mo ang pangalan ng Diyos, at huwag ka nang sumunod sa Kanya. Sa ganitong paraan matatapos ang iyong mga problema. Sa sandaling ito, doon ipinakita ang pagpapatotoo na ninais na makita ng Diyos kay Job. Walang karaniwang tao ang maaaring magdala ng ganitong testimonya, at hindi rin natin nababasa ang anumang mga kwentong ito sa Biblia—ngunit nakita na ng Diyos ang mga ito bago pa man sinabi ni Job ang mga salitang ito. Gusto lamang gamitin ng Diyos ang pagkakataong ito upang bigyan ng pagkakataon si Job na patunayan sa lahat na tama ang Diyos. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, si Job ay hindi lamang basta isinuko ang kanyang dangal o tumalikod sa Diyos, sinabi rin niya sa kanyang asawa: “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Mabigat ba ang dinadala ng mga salitang ito? Dito, mayroon lamang isang katotohanan na kayang patunayan ang bigat ng mga salitang ito. Ang bigat ng mga salitang ito ay na sila ay pinagtibay ng Diyos sa Kanyang puso, sila ay ang nais ng Diyos, sila ang nais na marinig ng Diyos, at sila ang kinalabasan na hinahangad na makita ng Diyos; ang mga salitang ito ay ang diwa ng testimonya ni Job. Dito, ang kasakdalan ni Job, katuwiran, takot sa Diyos, at pag-iwas sa kasamaan ay napatunayan. Ang kahalagahan ni Job ay nakasalalay sa kung paano, nang tuksuhin siya, at kahit nang ang kanyang buong katawan ay puno ng namamagang bukol, nang pinagtiisan niya ang sukdulang paghihirap, at nang ang kanyang asawa at kamag-anak at nagpayo sa kanya, nasabi pa rin niya ang mga ganoong salita. Sa madaling salita, naniniwala siya sa kanyang puso na, kahit pa anong tukso, o gaano kabigat ang pagtitiis o paghihirap, kahit na dumating ang kamatayan sa kanya, siya ay hindi tatalikod sa Diyos o tatanggi sa daan na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Makikita mo, sa gayon, na hawak ng Diyos ang pinakamahalagang lugar sa kanyang puso, at Diyos lamang ang nasa kanyang puso. Dahil dito, mababasa natin ang mga paglalarawan sa kanya sa mga Banal na Kasulatan bilang: Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kanyang mga labi. Hindi lamang na siya ay hindi nagkasala sa kanyang mga labi, ngunit sa kanyang puso siya ay hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Hindi siya nagsabi ng masasakit na salita tungkol sa Diyos, o hindi rin siya nagkakasala laban sa Diyos. Hindi lamang basta pinagpala ng kanyang bibig ang pangalan ng Diyos, ngunit sa kanyang puso ay pinapurihan niya ang pangalan ng Diyos; ang kanyang bibig at puso ay iisa. Ito ay ang tunay na Job na nakikita ng Diyos, at ito ay ang tunay na dahilan kung bakit itinatangi ng Diyos si Job.
Ang mga Di Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job
Ang paghirap na naranasan ni Job ay hindi ang gawain ng mga anghel na ipinadala ng Diyos, at hindi rin ito dahil sa kamay ng Diyos. Sa halip, ito ay sariling dulot ni Satanas, ang kaaway ng Diyos. Bilang resulta, malalim ang antas ng kahirapan na naranasan ni Job. Ngunit sa sandaling ito pinakita ni Job, nang walang pagpipigil, ang kanyang araw-araw na kaalaman sa Diyos sa kanyang puso, ang mga prinsipyo ng kanyang araw-araw na mga gawain, at ang kanyang mga saloobin sa Diyos—at ito ay ang katotohanan. Kung si Job ay hindi natukso, kung ang Diyos ay hindi nagdala ng pagsubok kay Job, nang sabihin ni Job, “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon,” sasabihin mo na si Job ay isang ipokrito; binigyan siya ng Diyos ng maraming mga ari-arian, kaya siyempre kanyang binasbasan ang pangalan na Jehovah. Kung, bago sumailalim sa mga pagsubok, sinabi ni Job na, “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” sasabihin mo na si Job ay nagmamalaki, at na hindi niya itatakwil ang pangalan ng Diyos dahil madalas siyang pinagpapala ng kamay ng Diyos. Kung nagdala ang Diyos ng sakuna sa kanya, siguradong itatakwil niya ang pangalan ng Diyos. Ngunit nang natagpuan ni Job ang sarili niya sa mga kalagayang walang may nais, o nais na makita, o nais na sapitin nila, na kinatatakutan ng mga tao na sapitin nila, mga kalagayan na hindi kayang panoorin kahit pa ng Diyos, nagawa pa din ni Job na panghawakan ang kanyang dangal: “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon.” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Sa harap ng asal ni Job sa oras na ito, ang mga nagsasabi ng mataas-magagandang salita, at ang mga nagsasalita ng mga banal na sulat at ng mga aral, ay naiiwang natatahimik. Ang mga pumupuri sa pangalan ng Diyos sa salita lang, ngunit hindi pa kailanman tumanggap sa mga pagsusubok ng Diyos, ay nahatulan ng dangal na pinanghawakan ni Job, at ang mga hindi kailanman naniwala na ang tao ay kayang humawak sa daan ng Diyos ay hinatulan ng testimonya ni Job. Nahaharap sa pag-uugali ni Job sa panahon ng mga pagsubok at ang mga salita na kanyang winika, may mga malilito, may mga maiinggit, at may magdududa, at may iba na magmumukhang hindi interesado, hindi maniniwala sa testimonya ni Job dahil hindi lang nila nakikita ang paghihirap na naranasan ni Job sa panahon ng kanyang pagsubok, at nabasa ang mga salitang winika ni Job, nakikita din nila ang “kahinaan” na nagtaksil kay Job nang dumating ang mga pagsubok sa kanya. Naniniwala sila na ang “kahinaan” na ito ay isang kasiraan sa kasakdalan ni Job, isang dungis sa isang tao na sa paningin ng Diyos ay perpekto. Na ang ibig sabihin ay, pinaniniwalaan na ang mga perpekto ay walang kamalian, na walang dungis o mantsa, na sila ay walang kahinaan o kaalaman sa sakit, na sila ay hindi kailanman nakakaramdam ng lungkot o lumbay, at wala silang galit o malubhang asal; bunga nito, madaming hindi naniniwala na si Job ay tunay na perpekto. Ang mga tao ay hindi sumasang-ayon sa kanyang asal sa panahon ng kanyang pagsubok. Halimbawa, nang mawala kay Job ang kanyang mga ari-arian at mga anak, siya ay hindi, gaya ng naisip ng mga tao, umiyak. Dahil sa kanyang “paglabag ng kagandahang-asal” kaya inisip ng mga tao na malamig ang kanyang puso, sapagka’t siya’y walang luha, o pag-ibig para sa kanyang pamilya. Ito ang masamang impresyon na unang nakikita ng tao kay Job. Mas nakakagulo sa isip nila ang asal niya matapos nito: “Hinapak ang kanyang balabal” ay ipinaliwanag ng mga tao bilang kanyang kawalan ng galang sa Diyos, at “inahitan ang kaniyang ulo” ay pinaniniwalaang kanyang paglapastangan at pagsalungat sa Diyos. Bukod sa mga salita ni Job na “ang Panginoon ang nagbigay, at ang inalis Panginoon; purihin ang pangalan ng Panginoon,” hindi nakikita ng mga tao ang katuwiran ni Job na pinupuri ng Diyos, at sa gayon ang pagsusuri ng marami sa kanila kay Job ay puro walang pang-unawa, walang pagkaka-intindihan, may pag-aalinlangan, paghahatol, at pagsang-ayon sa teorya lamang. Wala sa kanila ang tunay na nakakaintindi at nakakapagpahalaga sa mga salita ni Jehovah na si Job ay isang perpekto at matuwid na tao, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan.
Batay sa kanilang mga palagay kay Job sa itaas, mas lalong nagdududa ang mga tao sa katuwiran ni Job, dahil ang mga galaw at asal ni Job na nakasaad sa banal na kasulatan ay hindi gaya sa mundo-kahanga-hanga gaya ng inisip ng mga tao. Hindi lamang siya walang naisagawang mga dakilang gawa, kumuha pa siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Dahil sa gawang ito kaya nagugulat ang mga tao at pinagdududahan nila—at itinatanggi—ang katuwiran ni Job, dahil habang kinakayod niya ang sarili niya hindi nagdasal sa Diyos si Job, o nangako sa Diyos; o, gayunpaman, hindi rin siya nakitang umiiyak sa sakit. Sa oras na ito, nakikita lamang ng mga tao ang kahinaan ni Job at wala nang iba, at gayun pa rin kahit na narinig nila si Job na nagsabing “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” hindi sila ganap magalaw, o mabago ang paniniwala, at hindi pa rin kayang mabatid ang katuwiran ni Job sa kanyang mga salita. Ang pangunahing impresyon na ibinibigay ni Job sa mga tao sa panahon ng kanyang paghihirap ay na siya ay hindi sukot o mapagmataas. Hindi nakikita ng mga tao ang mga kuwento sa likod ng kanyang pag-uugali na galing sa kanyang puso, at hindi rin nila nakikita ang takot sa Diyos sa loob ng kanyang puso o ang pagsunod sa alituntunin ng pag-iwas sa masama. Ang kanyang kahinahunan ay naging dahilan kung bakit iniisip ng mga tao na ang kanyang kasakdalan ay katuwiran ay mga salita lang, na ang kanyang takot sa Diyos ay sabi-sabi lang; ang “kahinaan” na pinakita niya, samantala, ay nag-iiwan na malalim na impresyon sa kanila, nagbibigay sa kanila ng “bagong pananaw” at “bagong pang-unawa” sa taong inilarawan ng Diyos bilang perpekto at matuwid. Ang ganitong “bagong pananaw” at “bagong pag-unawa” ay napatunayan nang buksan ni Job ang kanyang bibig at sinumpa ang araw na siya ay ipinanganak.
Kahit na ang antas ng paghihirap na pinagdaanan niya ay hindi mailarawan at hindi kayang unawain nino man, hindi siya nagsabi ng mga salitang walang pananampalataya, ngunit binawasan ang sakit na nararamdaman niya sa sarili niyang paraan. Gaya ng nakatala sa Banal na Kasulatan, sinabi niya: Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi (Job 3:3). Marahil, walang sinuman ang tumuring na mahalaga ang mga salitang ito, at marahil may mga taong nagbigay ng pansin sa kanila. Sa inyong paningin, ang ibig ba nilang sabihin ay sumalungat si Job sa Diyos? Mga reklamo ba sila laban sa Diyos? Alam ko na marami sa inyo ang mayroong ilang mga ideya tungkol sa mga salitang ito na sinabi ni Job at naniniwala na kung si Job ay perpekto at matuwid, hindi dapat siya nagpakita ng anumang kahinaan o kalungkutan, at sa halip ay hinarap ang anumang pagsubok mula sa Satanas sa positibong paraan, at kahit ngumiti sa harap ng mga tukso ni Satanas. Hindi dapat siya nagpakita ng anumang reaksyon sa anumang paghihirap na dinala ni Satanas sa katawan niya, at hindi siya dapat nagpakita ng kahit anong damdamin mula sa puso niya. Dapat nga hiniling pa niya sa Diyos na gawing mas malupit ang mga pagsubok na ito. Ito ang dapat na ipinakita at may minamay-ari ng isang taong matibay at tunay na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sa gitna ng ganitong matinding paghihirap ng kalooban, isinumpa ni Job ang araw ng kanyang kapanganakan. Hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos, at lalong wala siyang balak na kalabanin ang Diyos. Mas madali itong sabihin kaysa gawin, dahil mula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon, walang sinuman ang nakaranas ng tukso o naghirap gaya ng paghihirap na dumating kay Job. At bakit walang sinuman ang napasailalim sa kagayang tukso na dumating kay Job? Dahil, ayon sa nakikita ng Diyos, walang sinuman ang may kakayanan na magdala ng ganitong pananagutan o tungkulin, walang makakagawa sa ginawa ni Job, at, higit pa dito, wala pa ring sinuman, bukod sa pagsumpa sa araw ng kanilang kapanganakan, ang may kakayanan na hindi talikdan ang pangalan ng Diyos at patuloy na papurihan ang pangalan ng Diyos na Jehovah, kagaya ng ginawa ni Job nang ang paghihirap ay dumating sa kanya. Mayroon bang kayang gumawa nito? Kapag sinasabi natin ito tungkol kay Job, pinapupurihan ba natin ang kanyang pag-uugali? Siya ay isang lalaking matuwid, at maaaring magdala ng patotoo sa Diyos, at may kakayanan na palayasin si Satanas na nakatago ang ulo sa kanyang mga kamay, sa gayon hindi na muli ito lumapit sa harap ng Diyos upang sumpain siya—anong mali sa pagpapapuri sa kanya? Mayroon ba kayong mas mataas na pamantayan kaysa sa Diyos? Maaari kaya na mas mahusay kayo kaysa kay Job kapag dumating ang mga pagsubok sa inyo? Si Job ay pinuri ng Diyos—anong pagtutol ang mayroon kayo?
Isinumpa ni Job ang Araw ng Kanyang Kapanganakan dahil Hindi Niya Gustong Masaktan ang Diyos ng Dahil sa Kanya
Madalas kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, at ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, habang tinutukoy ng tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Nang binuksan ni Job ang kanyang bibig at isinumpa ang kanyang kaarawan, ginulat nito ang mga espirituwal na namumuno, kabilang na ang tatlong mga kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Naiintindihan at nauunawaan ito ng karamihan. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat labagin, ito ay isang katotohanan na hindi maaaring baguhin. Si Job, sa kabilang banda, ay sumira sa mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong gawain na itinuturing ng karamihan bilang pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Hindi lamang siya hindi karapat-dapat sa pang-unawa at pakikiramay ng mga tao, hindi rin siya karapat-dapat sa kapatawaran ng Diyos. Sa parehong pagkakataon, mas madaming tao ang nagduda sa katuwiran ni Job, dahil tila ba ang papuri ng Diyos sa kanya ay ginawa siyang makasarili, ginawa siyang sobrang mapangahas at walang ingat na hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya at pag-aalaga sa kanya sa habangbuhay, ngunit isinumpa din niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Ano ito, kung hindi pagsalungat sa Diyos? Ang ganitong kababawan ang nagbigay sa mga tao ng patunay upang hatulan ang ginawa ni Job, ngunit sino ang nakakaalam ng mga tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang nakakaalam ng dahilan kung bakit si Job ay kumilos sa ganoong paraan? Tanging ang Diyos lamang at si Job ang may alam ng tunay na kuwento at mga dahilan nito.
At nang iniunat si Satanas ang kamay nito upang makapagpadalamhati sa buto ng Job, si Job ay nahulog sa kanyang mga kamay, nang walang paraan upang makatakas o ang lakas upang lumaban. Ang kanyang katawan at kaluluwa ay nagdusa ng napakalaking sakit, at dahil sa sakit na ito nagkaroon siya ng kamalayan sa kawalang saysay, kahinaan, at kawalan ng kapangyarian ng pamumuhay sa laman. Kasabay nito, nakakuha din siya ng malalim na pag-unawa sa kung bakit ang Diyos ay inaalagaan at iniingatan ang sangkatauhan. Sa kamay ni Satanas, napagtanto ni Job na ang tao, na may laman at dugo, ay talagang walang kapangyarihan at mahina. Nang siya ay nahulog sa kanyang mga tuhod at nanalangin sa Diyos, nadama niya na tila ba tinatakpan ng Diyos ang Kanyang mukha, at nagtatago, sapagkat ganap na inilagay siya ng Diyos sa mga kamay ni Satanas. Sa parehong pagkakataon, umiiyak din ang Diyos para sa kanya, at, higit pa rito, ay nagluluksa para sa kanya; ang Diyos ay nasasaktan dahil sa kanyang sakit, at nasusugatan dahil sa kanyang mga sugat. … Nadama ni Job ang sakit ng Diyos, pati na rin kung gaano ito kahirap para sa Diyos. … Hindi nais ni Job na magdala ng anumang pighati sa Diyos, at di niya nais na umiyak ang Diyos para sa kanya, lalong hindi niya nais na nasasaktan ang Diyos dahil sa kanya. Sa sandaling ito, nais lamang ni Job na ihiwalay ang sarili niya sa kanyang lamang, upang hindi na tiisin ang sakit na dala sa kanya ng laman na ito, dahil ito ang makakapigil sa pagpapahirap niya sa Diyos—ngunit hindi niya kaya, at kailangan niyang tiisin hindi lamang ang sakit sa laman, ngunit ang paghihirap ng pagnanais na huwag ipag-alala ang Diyos. Ang dalawang sakit na ito—isa mula sa laman, at isa mula sa espiritu—ay nagdala ng makabagbag-damdamin, at nakakapanginig-laman na sakit kay Job, at naramdaman niya kung paanong ang limitasyon ng tao na laman at dugo ay maaaring iparamdam sa isang tao ang pagiging bigo at mahina. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito, mas naging mabangis ang kanyang matinding pagnanasa para sa Diyos, at naging mas matindi ang kanyang pagkamuhi kay Satanas. Sa oras na ito, mas gugustuhin pa ni Job na hindi na lamang ipinanganak sa mundo ng tao, mas gugustuhin pa niya na siya ay hindi na umiiral, kaysa makita ang Diyos na lumuluha o nasasaktan dahil sa kanyang kapakanan. Nagsimula siyang mapoot sa kanyang laman, at mapagod sa sarili niya, sa araw ng kanyang kapanganakan, at kahit na sa lahat ng may kinalaman sa kanya. Hindi niya nais na may marinig tungkol sa kanyang araw ng kapanganakan o anumang bagay na may kinalaman dito, kaya ibinukas niya ang kanyang bibig at isinumpa ang kanyang kaarawan: Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag (Job 3:3-4). Dala ng mga salita ni Job ang poot niya sa sarili niya, “Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na kung saan ito ay sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi,” pati na rin ang kanyang galit sa kanyang sarili at pakiramdam ng pagkakautang dahil naging sanhi siya ng pasakit sa Diyos, “Hayaan ang kaarawang yaon na maging kadiliman; huwag nawang pansinin ng Diyos mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag sa mga ito.” Ang dalawang sipi na ito ay ang sukdulang paghahayag sa nadarama ni Job noon, at ganap na pinatunayan ang kanyang kasakdalan at katuwiran sa lahat. Sa parehong pagkakataon, gaya ng ninais ni Job, ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos, pati na rin ang kanyang takot sa Diyos, ay tunay na itinaas. Siyempre, ang pagtataas na ito mismo ang resulta na inaasahan ng Diyos.
Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos
Nang unang dinanas ni Job ang kanyang pagsubok, kinuha sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian at lahat ng kanyang mga anak, subalit hindi siya nadapa o nagsabi ng kahit anong kasalanan laban sa Diyos bilang bunga nito. Napagtagumpayan niya ang mga tukso ni Satanas, at napagtagumpayan niya ang kanyang materyal na ari-arian at mga anak, at ang mga pagsubok ng pagkawala ng lahat ng kanyang makamundong ari-arian, na ang ibig sabihin ay nagawa niyang sumunod sa pagkuha ng Diyos sa kanya at nagbigay ng pasasalamat at papuri sa Diyos dahil dito. Ganito ang asal ni Job sa panahon ng unang tukso ni Satanas, at ganito din ang patotoo ni Job sa panahon ng unang pagsubok ng Diyos. Sa ikalawang pagsubok, iniunat ni Satanas ang kanyang kamay na makapagpadalamhati kay Job, at kahit na naranasan ni Job ang sakit na di pa niya nararanasan noon, ang kanyang patotoo ay sapat na upang kamanghaan siya ng mga tao. Ginamit niya ang kanyang katatagan ng loob, pananalig, at pagkamasunurin sa Diyos, pati na rin ang kanyang takot sa Diyos, upang muling matalo si Satanas, at ang kanyang asal at ang kanyang patotoo ay muling inayunan at pinaboran ng Diyos. Sa panahon ng tuksong ito, ginamit ni Job ang kanyang tunay na asal upang ipahayag kay Satanas na hindi kayang baguhin ng sakit ng laman ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos o alisin ang kanyang debosyon sa Diyos at takot sa Diyos; hindi niya tatalikuran ang Diyos o isusuko ang kanyang kasakdalan at katuwiran dahil nahaharap siya sa kamatayan. Ginawang duwag ng pagpupunyagi ni Job si Satanas, iniwan ng kanyang pananampalataya si Satanas na takot at nanginginig, ang pwersa ng kanyang buhay-at-kamatayan na laban kay Satanas ay nagbigay kay Satanas ng malalim na galit at hinagpis, ang kanyang kasakdalan at katuwiran ay iniwan si Satanas na walang magawa sa kanya, sukdulang iniwan ni Satanas ang kanyang paglusob sa kanya at ang mga paratang nito laban kay Job sa harap ng Diyos na Jehovah. Nangangahulugan ito na napagtagumpayan ni Job ang mundo, napagtagumpayan niya ang laman, nagtagumpay siya kay si Satanas, nagtagumpay siya sa kamatayan; siya ay ganap at lubos na isang taong pag-aari ng Diyos. Sa panahon ng dalawang pagsubok na ito, si Job ay tumayong panatag sa kanyang patotoo, at tunay na isinabuhay ang kanyang pagiging perpekto at matuwid, at pinalawak ang saklaw ng kanyang buhay na alituntunin ng takot sa Diyos at umiiwas sa masama. Matapos maranasan ang dalawang pagsubok na ito, ipinanganak ang isang Job na mas mayaman sa karanasan, at ang karanasang ito ay ginawa siyang mas ganap at magulang, ginawa siyang mas malakas, may mas matibay na paniniwala, at ginawa siyang mas may tiwala sa pagiging tama at pagiging karapat-dapat sa dangal na pinanghahawakan niya. Binigyan si Job ng pagsubok ng Diyos na Jehovah ng malalim na pag-unawa at pakiramdam sa pagmamalasakit ng Diyos sa tao, at ipinaramdam sa kanya ang kahalagahan ng pag-ibig ng Diyos, kung saan ang pag-iisip at pag-ibig para sa Diyos ay idinagdag sa kanyang takot sa Diyos. Ang mga pagsubok ng Diyos na Jehovah ay hindi lamang hindi inilayo si Job mula sa Kanya, ngunit inilapit pa ang kanyang puso sa Diyos. Nang ang sakit sa laman na tiniis ni Job ay umabot na sa sukdulan, ang pag-aalala na nadama niya mula sa Diyos na Jehovah ay nagbigay sa kanya walang pagpipilian kundi sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang ganitong asal ay hindi binalak, ngunit isang natural na paghahayag ng pagsasaalang-alang at pag-ibig ng Diyos mula sa loob ng kanyang puso, ito ay isang likas na paghahayag na nagmula sa kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig ng Diyos. Na ang ibig sabihin, dahil kinapopootan niya ang sarili niya, at ayaw niya, at hindi niya matiis na pahirapan ang Diyos, kaya ang kanyang pagsasaalang-alang at pag-ibig ay umabot na sa punto na hindi niya iniisip ang kanyang sarili. Sa oras na ito, itinaas ni Job ang kanyang pagsamba at pagnanasa sa Diyos at malasakit sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Kasabay nito, itinaas din niya ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos at takot sa Diyos sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang bagay na maaaring magdulot ng pinsala sa Diyos, hindi niya pinahihintulutan ang sarili niya ng anumang asal na makakasakit sa Diyos, at hindi niya pinayagan ang sarili niya na magdala ng anumang kalumbayan, pighati, o kahit na kalungkutan sa Diyos dahil sa sarili niyang mga kadahilanan. Sa paningin ng Diyos, kahit na si Job ay si Job pa rin ng nakaraan, ang pananampalataya, pagsunod, at takot sa Diyos ni Job ay nagdala ng ganap na kaluguran at kasiyahan sa Diyos. Sa oras na ito, nagtamo si Job ng kasakdalan na inaasahan ng Diyos na makukuha niya, siya ay naging tunay na karapat-dapat na tawaging “perpekto at matuwid” sa paningin ng Diyos. Ang kanyang matuwid na gawa ang nagpatagumpay sa kanya laban kay Satanas at nagpatibay sa kanya sa kanyang patotoo sa Diyos. Kaya ay ang kanyang matuwid na gawa ang pagperpekto sa kanya, at nagtaas sa halaga ng kanyang buhay at mangibabaw ng higit pa sa kailanman, at ginawa siyang ang unang tao na hindi na kailan man lulusubin at tutuksuhin ni Satanas. Dahil si Job ay matuwid, siya’y pinaratangan at tinukso ni Satanas; dahil si Job ay matuwid, siya ay ibinigay kay Satanas; at dahil si Job ay matuwid, siya ay nagtagumpay at tinalo si Satanas, at tumayong panatag sa kanyang patotoo. Simula noon si Job ay naging ang unang tao na hindi kailanman muling ibibigay kay Satanas, siya ay tunay na dumating sa harap ng trono ng Diyos, at nanirahan sa liwanag, sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos na wala ang pagmamanman o paninira ni Satanas. … Siya ay naging isang tunay na lalake sa paningin ng Diyos, siya ay napalaya. …
Tungkol Kay Job
Pagkatapos matutunan kung paano ni Job nalampasan ang kanyang mga pagsubok, karamihan sa inyo ay malamang nais na malaman ang karagdagang mga detalye tungkol kay Job mismo, lalo na patungkol sa lihim kung saan niya nakamit ang pagpupuri ng Diyos. Sa ngayon, mag-usap tayo tungkol kay Job!
Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Makikita Natin ang Kanyang Kasakdalan, Katuwiran, Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan
Kung tatalakayin natin si Job, dapat magsimula tayo sa pagtatasa sa kanya na galing mismo sa bibig ng Diyos: “sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan.”
Alamin muna natin ang tungkol sa kasakdalan at katuwiran ni Job.
Ano ang inyong pag-unawa ng mga salitang “perpekto” at “matuwid”? Naniniwala ba kayo na si Job ay walang pagsisi, at marangal? Ito, siyempre, ay magiging isang literal na interpretasyon at pag-unawa ng “perpekto” at “matuwid.” Mahalaga sa tunay na pang-unawa kay Job ang tunay na buhay—ang mga salita, mga libro, at teorya lamang ay hindi magbibigay ng anumang mga sagot. Sisimulan natin sa pamamagitan ng pagtingin sa buhay ni Job sa bahay, sa kung ano ang kanyang karaniwan na asal sa kanyang buhay. Sasabihin nito sa atin ang tungkol sa kanyang mga alituntunin at layunin sa buhay, pati na rin ang tungkol sa kanyang pagkatao at pagtugis. Ngayon, basahin natin ang huling mga salita sa Job 1:3: “ang lalaking ito ay siyang pinaka dakila sa lahat na mga anak ng silanganan.” Ang sinasabi ng mga salitang ito ay na ang estado at katayuan ni Job ay napakataas, at kahit na hindi satin sinasabi kung siya ang pinakamataas sa lahat ng tao sa silangan dahil sa kanyang maraming ari-arian, o dahil siya ay perpekto at matuwid, at natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama, sa pangkalahatan, alam natin na ang kanyang estado at katayuan ay kinaiinggitan. Gaya ng nakatala sa Bibliya, ang unang tingin ng mga tao kay Job ay na si Job ay perpekto, na siya ay natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at siya ay nagmamay ari ng madaming kayamanan at kagalang-galang na katayuan. Para sa isang pangkaraniwang tao na nakatira sa ganitong kapaligiran at sa ilalim ng naturang mga kundisyon, ang pagkain ni Job, kalidad ng buhay, at ang iba’t ibang aspeto ng kanyang personal na buhay ay magiging tampulan ng pansin ng karamihan sa mga tao; kaya kailangan nating ipagpatuloy ang pagbabasa ng banal na kasulatan: At ang kaniyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawa’t isa sa kanikaniyang kaarawan; at sila’y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila. At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka’t sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi (Job 1:4-5). Ang talatang ito ay nagsasabi sa atin ng dalawang bagay: Ang una ay na ang mga anak na lalake at babae ni Job ay karaniwang nagpipista, kumakain at umiinom; ang pangalawa ay na si Job ay madalas na naghahandog ng mga handog na susunugin dahil siya ay madalas na nag-aalala para sa kanila, natatakot na sila ay nagkakasala, na sa kanilang mga puso ay itinakuwil nila ang Diyos. Dito inilarawan ang mga buhay ng dalawang magkaibang uri na mga tao. Ang una, ang mga anak na lalake at babae ni Job, madalas na nagpipista dahil sa kanilang kasaganahan, sila ay namumuhay ng marangya, sila ay uminom at kumain hanggang nais nila, tinatamasa ang mataas na kalidad ng buhay na dinala ng materyal na kayamanan. Sa ganitong pamumuhay, hindi maiiwasan na madalas silang nagkakasala at nakakasakit sa Diyos—gayunpaman di nila pinagbabanal ang mga sarili nila o naghahandog ng mga handog na susunugin bilang bunga nito. Makikita mo, sa gayon, na ang Diyos ay walang lugar sa kanilang mga puso, na hindi nila iniisip ang mga giliw ng Diyos, at di natatakot na magpakasakit sa Diyos, lalong hindi sila natatakot na itakwil ang Diyos sa kanilang mga puso. Siyempre, ang ating paksa ay hindi ang mga anak ni Job, ngunit sa kung ano ang ginawa ni Job kapag nahaharap siya sa mga ganitong bagay; ito ang isa pang bagay na inilarawan sa sipi, at kung saan ay kabilang ang pang-araw-araw na buhay ni Job at ang diwa ng kanyang pagkatao. Kapag inilalarawan ng Biblia ang pagpipista ng mga anak na lalake at babae ni Job, hindi nababanggit si Job; sinasabi lamang na ang kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay madalas na kumakain at umiinom ng magkasama. Sa ibang salita, hindi siya nagdidiwang ng kapistahan, at hindi rin siya sumasali sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae sa pagkain ng marangya. Kahit mayaman, at nagmamay-ari ng maraming ari-arian at mga tagapaglingkod, ang buhay ni Job ay hindi maluho. Siya ay hindi nalinlang ng kanyang mapagmalabis na kapaligiran, at hindi niya inaabuso ang kaligayahan sa laman o kinakalimutan na maghandog ng mga handog na susunugin dahil sa kanyang kayamanan, lalong hindi ito naging sanhi ng unti-unting paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Kung gayon, maliwanag na disiplinado si Job sa kanyang pamumuhay, at hindi sakim o naghahanap ng kasiyahan, at hindi rin nakatuon ang kanyang pansin sa kalidad ng buhay, bunga ito ng pagpapala sa kanya ng Diyos. Sa halip, siya ay mapagpakumbaba at mababang-loob, at mapagmasid at maingat sa harap ng Diyos, madalas niyang iniisip ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos, at noon ay patuloy na natatakot sa Diyos. Sa kanyang araw-araw na buhay, madalas na maagang bumangon si Job upang maghandog ng mga handog na susunugin para sa kanyang mga anak. Sa ibang salita, hindi lamang natatakot si Job sa Diyos, inaasam rin niya na ang kanyang mga anak ay gayon din naman matakot sa Diyos at hindi nagkakasala laban sa Diyos. Walang lugar sa puso ni Job ang materyal na kayamanan, at hindi nito napalitan ang posisyon na hawak ng Diyos; kahit pa para sa kapakanan ng sarili niya o ng kanyang mga anak, ang araw-araw na pagkilos ni Job ay may kinalaman sa takot sa Diyos at pag-iwas sa masama. Ang kanyang takot sa Diyos na Jehovah ay hindi tumitigil sa kanyang bibig, ngunit nakalagay sa gawa, at masasalamin sa bawat bahagi ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang tunay na asal na ito ni Job ay nagpapakita sa atin na siya ay tapat, at nagmamay ari ng diwa na nagmamahal sa katarungan at mga bagay na positibo. Na si Job ay madalas na nagsusugo at pinapagbanal ang kanyang mga anak na lalake at babae ay nangangahulugan na hindi niya pinahintulutan o pinayagan ang asal ng kanyang mga anak; sa halip, sa kanyang puso siya ay pagod na sa kanilang pag-uugali, at hinahatulan sila. Napagpasyahan niya na ang pag-uugali ng kanyang mga anak ay hindi kalugud-lugod sa Diyos na Jehovah, at sa gayon madalas niya silang pinagsasabihan na pumunta sa harap ng Diyos na Jehovah at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan. Ipakita sa atin ng mga kilos ni Job ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao: isa na kung saan ay hindi siya kailanman lumakad kasama ang mga taong madalas na nagkakasala at ginagalit ang Diyos, ngunit sa halip ay nilalayuan at iniiwasan ang mga ito. Kahit na ang mga taong ito ay ang kanyang mga anak na lalaki’t babae, hindi niya tinalikuran ang kanyang sariling mga alituntunin dahil sila ay kanyang sariling mga kamag-anak, at hindi siya magpakasawa sa kanilang mga kasalanan dahil sa kanyang sariling damdamin. Sa halip, hinimok niya ang mga ito upang magkumpisal at magtamo ng pagtitiis ng Diyos na Jehovah, at binigyan niya ang mga ito ng babala na huwag talikdan ang Diyos para sa kapakanan ng kanilang mga sariling sakim na kasiyahan. Ang mga alituntunin kung paano pinakisamahan ni Job ang iba ay hindi maihihiwalay sa mga alituntunin ng kanyang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Iniibig niya ang mga tinatanggap ng Diyos, at kinapopootan niya ang mga ikinagagalit ng Diyos, at iniibig niya ang mga taong natatakot sa Diyos sa kanilang mga puso, at kinapopootan niya ang mga gumagawa ng kasamaan o nagkakasala laban sa Diyos. Ang ganitong mga pag-ibig at pagkamuhi ay inihayag sa kanyang pang-araw-araw na buhay, at ang katuwiran ni Job na nakikita ng mga mata ng Diyos. Natural, ito din ang paghahayag at pagsasabuhay ng tunay na katauhan ni Job sa kanyang mga kaugnayan sa iba sa kanyang pang-araw-araw na buhay na kailangan nating matutunan.
Ang Paghahayag ng Pagkatao ni Job sa Kanyang mga Pagsubok (Ang Pag-unawa sa Kasakdalan, Katuwiran, Takot sa Diyos at Pag-iwas ni Job sa Kasamaan sa Panahon ng Kanyang Pagsubok)
Ibinahagi natin sa itaas ang iba’t-ibang aspeto ng sangkatauhan ni Job na ipinakita sa kanyang pang-araw-araw na buhay bago ang kanyang mga pagsubok. Nang walang pag-aalinlangan, ang iba’t-ibang mga paghahayag na ito ay nagbigay ng isang paunang pagkakakilanlan at pang-unawa sa katuwiran ni Job, takot sa Diyos, at pag-iwas sa kasamaan, at likas na nagbigay ng paunang patunay. Ang dahilan kung bakit sinasabi kong “una” ay dahil karamihan sa mga tao ay wala pa ring tunay na pang-unawa sa katauhan ni Job at sa antas na kung paano niya tinugis ang paraan ng pagsunod at takot sa Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa pang-unawa ng tao kay Job ay hindi lumayo sa kanais-nais na impresyon sa kanya galing sa kanyang mga salita sa Biblia na “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon” at “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Kaya, mayroong pangangailangan sa atin na maintindihan kung paano isinabuhay ng Diyos ang kanyang katauhan nang tanggapin niya ang mga pagsubok ng Diyos; sa ganitong paraan, makikita ng lahat ang buong katauhan ni Job.
Nang marinig ni Job na ang kanyang mga ari-arian ay ninakaw, na ang kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay kinuhanan ng buhay, at na ang kanyang mga lingkod ay pinatay, ganito ang ganyang naging tugon: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba” (Job 1:20). Ang mga salitang ito ay nagsasabi sa atin ng isang katotohanan: Pagkatapos marinig ang balita, si Job ay hindi nasindak, hindi siya umiyak, o sinisi ang mga lingkod na nagdala sa kanya ng balita, lalong hindi niya siniyasat ang pinangyarihan ng krimen upang suriin at patunayan ang mga bakit at paano at alamin kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi siya nagpakita ng sakit o kalungkutan sa pagkawala ng kanyang ari-arian, at hindi rin siya masira sa luha dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak, ng kanyang mga mahal sa buhay. Sa kabaliktaran, hinapak niya ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa, at sumamba. Ang mga kilos ni Job ay hindi kagaya ng kilos ng pangkaraniwang tao. Nililito nila ang maraming tao, at pinangaralan nila si Job dahil sa “kalamigan” ng kanyang puso. Sa biglaang pagkawala ng kanilang mga ari-arian, madudurog ang puso ng mga karaniwang tao, o mawawalan ng pag-asa—o, sa kaso ng ilang mga tao, sila ay maaaring sumailalim sa malalim na depresyon. Iyon ay dahil, sa kanilang mga puso, ang mga ari-arian nila ay kumakatawan sa isang buong buhay ng pagsisikap, kung saan nakasalalay ang kanilang kaligtasan, ito ay ang pag-asa na dahilan kung bakit sila nananatiling buhay; ang pagkawala ng kanilang ari-arian ay nangangahulugan na ang kanilang mga pagsisikap ay walang kabuluhan, na wala na silang pag-asa, at na wala silang hinaharap. Ganito ang saloobin ng karaniwang tao sa kanilang mga ari-arian at ang malapit na kaugnayan mayroon sila sa mga ito, at ito din ang kahalagahan ng ari-arian sa mga mata ng tao. Dahil dito, karamihan sa mga tao ay nalito sa mahinahong tugon ni Job sa pagkawala ng[c] kanyang ari-arian. Ngayon, aalisin natin ang pagkalito ng lahat ng mga taong ito sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa kung ano ang nangyayari sa loob ng puso ni Job.
Idinidikta ng katinuan na, dahil nabigyan ng madaming ari-arian ng Diyos, si Job ay dapat mahiya sa harap ng Diyos dahil sa pagkawala ng mga ari-ariang ito, dahil hindi niya sila binantayan o inalagaan, hindi niya pinanghawakan ang mga ari-arian na ibinigay sa kanya ng Diyos. Kaya, nang marinig niya na ang kanyang ari-arian ay ninakaw, ang kanyang unang tugon dapat ay ang pumunta sa pinangyarihan ng krimen at kumuha ng imbentaryo ng lahat ng bagay na ay nawala[d] at pagkatapos ay magkumpisal sa Diyos upang muling makatanggap ng mga pagpapala ng Diyos. Si Job, gayunpaman, ay hindi ginawa ito—at siya ay likas na may sariling mga dahilan kung bakit hindi niya ito ginawa. Sa kanyang puso, si Job ay tunay na naniniwala na ang lahat ng pagmamay-ari niya ay ibinigay sa kanya ng Diyos, at ay hindi nanggaling sa sarili niyang paghihirap. Kaya, hindi niya nakita ang mga biyayang ito bilang mga bagay na dapat bigyan ng pansin, ngunit kumuha lang ng kanyang kailangan para mabuhay ng payak alinsunod sa kanyang mga alituntunin. Itinatangi niya ang mga biyaya ng Diyos, at nagpasalamat para sa mga ito, ngunit hindi niya iniibig, at hindi siya humihingi ng karagdagang pagpapala. Ganito ang kanyang saloobin sa mga sa ari-arian. Wala rin siyang ginawa upang makatanggap pa ng madaming pagpapala, o nag-alala o nagluksa sa kakulangan o kawalan ng mga pagpapapala ng Diyos; hindi siya naging mabangis at hibang sa kasiyahan dahil sa biyaya ng Diyos, ngunit hindi niya binaliwala ang paraan ng Diyos o nakalimutan ang pagpapala ng Diyos dahil sa mga biyaya na madalas niyang tinatamasa. Ang saloobin ni Job sa kanyang mga ari-arian ay nagpakita sa mga tao ng kanyang tunay na pagkatao: Una, si Job ay hindi isang sakim na tao, at hindi mapaghingi ng materyal na bagay sa kanyang buhay. Pangalawa, si Job ay hindi kailanman nag-aalala o natatakot na aalisin ng Diyos ang lahat ng mayroon siya, ganito ang kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa kanyang puso; iyon ay, siya ay walang pangangailangan o reklamo tungkol sa kung kailan o kung ang Diyos ay mag-aalis sa kanya, at hindi nagtanong ng dahilan kung bakit, ngunit naghahangad lang na sumunod sa mga kaayusan ng Diyos. Ikatlo, siya ay hindi kailanman naniwala na ang kanyang mga ari-arian ay galing sa sarili niyang paghihirap, ngunit na ang mga ito ay ibinigay sa kanya ng Diyos. Ganito ang pananampalataya ni Job sa Diyos, at ito ay isang indikasyon ng kanyang matibay na paniniwala. Nilinaw ba ng tatlong buod na ito ang katauhan ni Job at ang kanyang araw-araw na pagtugis? Ang katauhan ni Job at pagtugis ay mahalaga sa kanyang mahinahon na asal nang maharap sa pagkawala ng kanyang ari-arian. Iyon ay tiyak na dahil sa kanyang araw-araw na pagtutugis kaya si Job ay may lakas at paniniwala na sabihing, “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon,” sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos. Ang mga salitang ito ay hindi nakamit ng magdamag, at hindi rin sila basta lumabas sa ulo ni Job. Ang mga ito ay kung ano ang kanyang nakita at natutunan sa kanyang mga maraming karanasan sa buhay. Kung ikukumpara sa lahat ng mga taong humihingi lang pagpapala ng Diyos, at natakot kumuha ang Diyos sa kanila, at napopoot at nagreklamo tungkol dito, ang pagsunod ba ni Job ay hindi makatotohanan? Kung ikukumpara sa lahat ng mga taong naniniwala na may Diyos, ngunit hindi kailanman naniwala na ang Diyos ay namamahala sa lahat ng bagay, hindi ba nagmamay-ari si Job ng dakilang katapatan at katuwiran?
Ang Pagkamakatuwiran ni Job
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na katauhan ay nangangahulugan na ginawa niya ang pinakamatuwid na paghahatol at pagpili nang mawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga matuwid na pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehovah ay namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang kapangyarihan ng Diyos na Jehovah sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang sabik at masunurin sa kapangyarihan at kaayusan ng Diyos na Jehovah, ang kanyang pagkamasunurin ang nag-tulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehovah; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang pag-iwas sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at umiwas sa masama; at ang kanyang kasakdalan ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng ganap na pagkamakatuwiran.
Paano natin dapat unawain ang salitang “matuwid”? Ang literal na interpretasyon ay na ito ay nangangahulugan ng mabuting katinuan, pagiging lohikal at makatwiran sa pag-iisip, pagkakaroon ng makabuluhang salita, kilos, at pagahatol, pagkakaroon ng makabuluhan at pangkaraniwang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatuwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag. Nang sinabi dito na si Job ay nagtataglay ng sukdulang pagkamakatuwiran, ito ay may kaugnayan sa kanyang pagkatao at ang kanyang asal sa harap ng Diyos. Dahil si Job ay tapat, nagawa niyang maniwala at sumunod sa pamamahala ng Diyos, na nagbigay sa kanya ng kaalaman na hindi makakamit ng iba, at ang kaalaman na ito ay ginawa siyang mas tumpak sa kanyang pag-intindi, pahahatol, at sa paglarawan sa mga nararanansan niya, na tumulong sa kanya upang mas tumpak at mas malinaw na pumili kung ano ang gagawin at kung ano ang panghahawakan niya. Kaya ang kanyang mga salita, pag-uugali, ang mga prinsipyo sa likod ng kanyang mga kilos, at ang prinsipyo ng kanya mga kilos, ay pangkaraniwan, malinaw, at tiyak, at hindi bulag, pabigla-bigla, o emosyonal. Alam niya kung paano talakayin ang anumang dumating sa kanya, alam niya kung paano timbangin at panghawakan ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga kumplikadong mga kaganapan, alam niya kung paano humawak ng mahigpit sa daan na dapat niyang panghawakan, at, higit pa rito, alam niya kung paano ituring ang pagbibigay at pagkuha ng Diyos na Jehovah. Ganito ang pagkamakatuwiran ni Job. Dahil si Job ay may ganitong pagkamakatuwiran kaya niya nasabing, “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon,” nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak na lalaki at anak na babae.
Nang si Job ay naharap sa napakalaking sakit ng katawan, at ng pangangaral ng kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan, at nang siya ay naharap sa kamatayan, muling ipinakita ng kanyang tunay na asal ang kanyang tunay na mukha sa lahat.
Ang Tunay na Mukha ni Job: Ang Tunay, Dalisay, at Walang Kasinungalingan
Basahin natin ang mga sumusunod: “Sa gayo’y umalis si Satanas mula sa harapan ng Panginoon, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kaniyang paa hanggang sa kaniyang puyo. At kumuha siya ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod ng langib; at siya’y naupo sa mga abo” (Job 2:7-8). Ito ay isang paglalarawan sa asal ni Job nang naglabasan ang mga namamagang bukol sa kanyang katawan. Sa oras na ito, si Job ay nakaupo sa mga abo habang tinitiis niya ang sakit. Walang gumamot sa kanya, at walang tumulong upang mabawasan ang sakit ng kanyang katawan; sa halip, ginamit niya ang isang bibinga ng palyok upang ipangkayod sa ibabaw ng masamang bukol. Sa labas, ito ay isa lamang yugto sa paghihirap ni Job, at walang kaugnayan sa kanyang pagkatao at takot sa Diyos, dahil si Job ay hindi nagsalita upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at paniniwala sa panahong ito. Ngunit ang pagkilos ni Job at ang kanyang asal ay mga tunay na paghahayag pa din ng kanyang katauhan. Sa talaan ng mga nakaraang kabanata ay mababasa natin na si Job ay ang pinakadakila sa lahat ng mga anak ng silanganan. Itong sipi sa ikalawang kabanata, samantala, ay nagpapakita sa atin na ang dakilang tao na ito ng silangan ay dapat kumuha ng isang bibinga ng palyok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Wala bang malinaw na pagsasalungat sa dalawang paglalarawan na ito? Ito ay ang kaibahan na nagpapakita sa atin ng tunay na sarili ni Job: Sa kabila ng kanyang prestihiyosong estado at katayuan, hindi niya sila minahal at binigyang pansin; wala siyang pakialam sa kung paano tiningnan ng iba ang kanyang katayuan, at hindi siya nag-alala sa kung ang mga kilos at asal niya ay may masamang epekto sa kanyang katayuan, hindi siya nagpakasasa sa yaman, at hindi siya nagsaya sa kaluwalhatian na kasama ng kanyang estado at katayuan. Nababahala lamang siya sa kanyang halaga at kabuluhan sa kanyang buhay sa mga mata ng Diyos na Jehovah. Ang tunay na sarili ni Job ay ang kanyang diwa: Hindi niya iniibig ang katanyagan at kapalaran, at hindi siya nabubuhay para sa katanyagan at kapalaran; siya ay totoo, at dalisay, at walang kasinungalingan.
Ang Paghihiwalay ng Pag-ibig at Galit ni Job
Ang isa pang bahagi ng sangkatauhan ni Job ay nagpakita sa palitan sa pagitan niya at ng kanyang asawa: “Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?…” (Job 2:9-10). Nang makita ang paghihirap niya, sinubukan ng asawa ni Job na tulungan siyang makatakas sa paghihirap na ito, ngunit ang kanyang “magandang intensyon” ay hindi sinangayunan ni Job; sa halip, binuhay nito ang kanyang galit, sapagkat itinakwil niya ang kanyang pananampalataya, at pagkamasunurin sa Diyos na Jehovah, at itinakwil niya ang pag-iiral ng Diyos na Jehovah. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya pinayagan ang sarili niya na gumawa ng kahit anong sumasalungat o nakakasakit sa Diyos, na walang masabi sa iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakikita niya ang iba na nagwiwika ng mga salitang lumalapastangan at iniinsulto ang Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang “hangal na babae.” Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kadustaan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na paghahayag ng katauhan ni Job na kumikilala sa pagkakaiba sa pagitan ng pag-ibig at poot ni Job, at isang tunay na pangangatawan ng kanyang matuwid na katauhan. Si Job ay nagmamay-ari ng katinuan ng katarungan—na dahilan upang magalit siya sa kabuktutan, at mapoot, magalit, hatulan at tanggihan ang walang katotohanan at maling pananampalataya, walang katotohanang argumento, at katawa-tawang pagbabadya, at pinahihintulutan siyang maging totoo sa kanyang sarili, mga wastong alituntunin at tindig nang siya ay itinakwil ng masa at iniwan ng mga taong malapit sa kanya.
Ang Kabaitan ng Puso at Katapatan ni Job
Dahil, sa asal ni Job, nakita natin ang paghahayag ng iba’t-ibang aspeto ng kanyang katauhan, alin sa katauhan ni Job ang nakikita natin nang binuksan niya ang kanyang bibig upang sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan? Ito ang paksang ibabahagi natin sa ibaba.
Sa itaas, isinalaysay ko ang pinagmulan ng pagsumpa ni Job sa araw ng kanyang kapanganakan. Ano ang nakikita ninyo rito? Kung matigas ang puso ni Job, at walang pag-ibig, kung siya ay malamig at walang pakiramdam, at walang katauhan, maaari ba niyang alagaan ang pagnanais ng puso ng Diyos? At maaari ba niyang kagalitan ang araw ng kanyang sariling kapanganakan bilang isang bunga ng pag-aalaga sa puso ng Diyos? Sa ibang salita, kung si Job ay manhid at salat sa katauhan, mamimighati ba siya dahil sa pagpapasakit sa Diyos? Maaari ba niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan dahil nasaktan niya ang Diyos? Ang sagot ay, Ganap na hindi! Dahil siya ay may mabuting puso, pinahahalagahan ni Job ang puso ng Diyos; Dahil pinahahalagahan niya ang puso ng Diyos, naramdaman ni Job ang pagpapakasakit ng Diyos; dahil siya ay may mabuting puso, nagdusa siya ng mas malaki bilang bunga ng pagraramdam niya sa sakit ng Diyos; dahil naramdaman niya ang sakit ng Diyos, nagsimula siyang mapoot sa araw ng kanyang kapanganakan, at sa gayon ay isinumpa ang araw ng kanyang kapanganakan. Sa mga tagalabas, ang buong pag-uugali ni Job sa panahon ng kanyang pagsubok ay kapuri-puri. Tanging ang kanyang sumpa ng araw ng kanyang kapanganakan ang naging dahilang ng pagdududa sa kanyang kasakdalan at katuwiran, o nagbibigay kakaibang pagtatasa. Sa katunayan, ito ang pinakaganap na paghahayag ng diwa ng katauhan ni Job. Ang diwa ng kanyang katauhan ay hindi lingid o nakabalot, o binago ng ibang tao. Nang isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan, ipinakita niya ang kabutihan ng puso at katapatan na nasa loob ng kanyang puso; siya ay parang bukal na ang tubig ay malinaw at maliwanag upang ipakita ang kailaliman nito.
Pagkatapos matutunan ang lahat ng ito tungkol kay Job, karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng medyo tumpak at makatotohanang pagtatasa ng diwa ng katauhan ni Job. Mayroon din dapat silang malalim, praktikal, at mas makabago na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasakdalan at katuwiran ni Job na sinasabi ng Diyos. Sana, ang pag-unawa at pagpapahalagang ito ay makatulong sa mga tao na hanapin ang daan na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama.
Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job kay Satanas at ang Layunin ng Gawain ng Diyos
Kahit na karamihan sa mga tao ngayon ay kinikilala na si Job ay perpekto at matuwid, at na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, hindi nagbibigay ang pagkilalang ito sa kanila ng mas higit na pang-unawa sa layunin ng Diyos. Kasabay ng pagkainggit sa katauhan at gawain ni Job, tinatanong nila ang mga sumusunod na katanungan sa Diyos: Si Job ay lubos na perpekto at matuwid, ang mga tao ay minamahal siyang lubos, kaya bakit siya ibinigay ng Diyos kay Satanas at isinailalim siya sa ganoong paghihirap? Ang ganitong mga tanong ay iiral sa mga puso ng maraming tao—o kaya, ang pagdududang ito ang tanong na nasa puso ng madaming tao. Dahil nililito nito ang madaming tao, kailangan natin itong ilatag at ipaliwanag nang maayos.
Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil lahat ng ginagawa Niya sa sangkatauhan ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at sa kaligtasan ng sangkatauhan. Natural, ang gawain na ginawa ng Diyos kay Job ay hindi naiiba, kahit na si Job ay perpekto at matuwid sa paningin ng Diyos. Sa madaling salita, kahit pa ano ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit pa ano ang halaga, o ang Kanyang layunin, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay ang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, mga kahilingan ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa madaling salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo at alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pang-unawa sa puso ng Diyos at pag-intindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya upang sundin ang dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at sa gayon ay nagbibigay-daan sa tao upang matamo ang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan—ang lahat ng ito ay isang aspeto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ay ang kabaligtaran at nagsisilbing gamit sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang ipakita sa mga tao ang mga kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng pagtutukso at paglusob ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas upang magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang unti-unting palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamamahala ni Satanas, at mula sa mga paratang ni Satanas, pagkagambala, at paglusob—hanggang sa, salamat sa mga salita ng Diyos, ang kanilang kaalaman at pagsunod sa Diyos, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at takot sa Kanya, mapagtagumpayan nila ang mga paratang ni Satanas; doon lamang sila ganap na maiaadya mula sa dominyon ni Satanas. Ang paglaya ng mga tao ay nangangahulugan na si Satanas ay natalo, ito ay nangangahulugan na hindi na sila pagkain sa bibig ni Satanas—na sa halip na lunukin sila, pinakawalan sila ni Satanas. Ito ay dahil ang mga taong ito ay matuwid, dahil mayroon silang pananampalataya, pagkamasunurin, at takot sa Diyos, at dahil tuluyan silang humihiwalay kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at tuluyan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang paniniwala sa pagsunod sa Diyos, at ang pagsunod at takot nila sa Diyos ang tumalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang isinuko ni Satanas. Tanging ang mga taong tulad ng mga ito ang mga tunay na nakamtan ng Diyos, at ito ang tunay na layunin ng Diyos sa pagligtas sa mga tao. Kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, kung gayon lahat ng gustong sumunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga tukso at paglusob na maliit at malaki galing kay Satanas. Ang mga taong mangingibabaw sa mga tukso at paglusob at nagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas sa Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at nilusob ni Satanas nang di mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at kahilingan ng Diyos, at nagagawang sumunod sa dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at hindi nila itinakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama sa gitna ng mga tukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas sa Diyos ay nagtataglay ng katapatan, ang mga ito ay may mabuting puso, pinaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may katinuan sila ng katarungan at sila ay matutuwid, at nagagawa nilang mahalin ang Diyos at nagagawa nilang pangalagaan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi nangatatalian, natitiktikan, naaakusahan, o naabuso ni Satanas, ang mga ito ay ganap na malaya, sila ay ganap na malaya at napakawalan na. Si Job ay isang tao ng kalayaan, at ito ang tiyak na kahulugan bakit ipinasa siya ng Diyos kay Satanas.
Si Job ay inabuso ni Satanas, ngunit nakakuha rin siya ng walang hanggang kalayaan at pagpapalaya, at nagkamit siya ng karapatan na hindi na muling mapasailalim sa katiwalian, pang-aabuso, at mga paratang ni Satanas, sa halip ay mabuhay sa liwanag ng pagsang-ayon sa Diyos na malaya at walang hadlang, at ang mabuhay sa gitna ng pagpapala ng Diyos sa kanya. Walang maaaring mag-alis, o sumira, o kumuha ng karapatang ito. Ito ay ibinigay kay Job kapalit ng kanyang pananampalataya, determinasyon, at pagsunod at takot sa Diyos; nagbayad si Job ng kanyang buhay upang manalo ng kagalakan at kaligayahan sa lupa, upang mapanalunan ang karapatan at titulo, itinakda ng langit at kinilala sa lupa, upang sumamba sa Lumikha nang walang paghadlang bilang isang tunay na nilalang ng Diyos sa lupa. Ito rin ang pinakamalaking kinalabasan ng mga tukso na tiniis ni Job.
Kapag ang mga tao ay ililigtas pa lang, ang mga buhay nila ay madalas na pinanghihimasukan, at pinamamahalaan, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, ang mga ito ay hindi naaangkop at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay tinutugis at nilulusob ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa karaniwang pag-iiral na masasabi, at higit sa lahat wala silang dangal na masasabi. Tanging kung ikaw ay tumayo at makipaglaban kay Satanas, gamit ang iyong pananampalataya sa Diyos at pagsunod, at takot sa Diyos bilang mga armas na gagamitin para sa buhay-at-kamatayan mong pakikipaglaban kay Satanas, na sukdulan mong matatalo si Satanas at magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at pagkaduwag tuwing makikita ka nito, para tuluyan nang itigil ang kanyang paglusob at paratang laban sa iyo—doon ka lang maililigtas at magiging malaya. Kung ikaw ay determinadong lumaya nang lubusan mula kay Satanas, ngunit wala kang mga armas na tutulong sa iyo para matalo si Satanas, kung gayon ikaw ay nanganganib pa rin; at sa paglipas ng panahon, kapag ikaw ay lubhang napahirapan na ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo, ngunit hindi mo pa din magawang magpatotoo, hindi pa rin tuluyang napapalaya ang iyong sarili sa mga paratang at paglusob ni Satanas sa iyo, kung gayon maliit na lang ang pag-asa na mailigtas ka. Sa katapusan, kapag ang konklusyon ng gawain ng Diyos ay ipinahayag, nasa mahigpit na pagkakahawak ka pa rin ni Satanas, hindi mo magawang palayain ang iyong sarili, sa gayon hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa. Ang pahiwatig, sa gayon, ay na ang mga taong ito ay ganap nang mga bihag ni Satanas.
Tanggapin ang mga Pagsubok ng Diyos, Pagtagumpayan ang mga Tukso ni Satanas, at Hayaan ang Diyos na Kunin ang Iyong Buong Pagkatao
Sa panahon ng gawain ng Kanyang walang maliw na pagkakaloob at suporta sa tao, sinasabi ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang kalooban at mga kinakailangan sa tao, at ipinakikita ang Kanyang mga gawa, disposisyon, at kung ano ang meron Siya at kung ano Siya sa sangkatauhan. Ang layunin ay upang bigyan ang tao ng katayuan, at ipakamit sa mga tao ang iba’t-ibang katotohanan mula sa Diyos habang sumusunod sa Kanya—mga katotohanan na siyang mga armas na ibinigay sa tao ng Diyos upang labanan si Satanas. Ngayong siya ay nabigyang kasangkapan, dapat harapin ng tao ang mga pagsubok ng Diyos. Ang Diyos ay may maraming paraan upang subukin ang tao, ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng “kooperasyon” ng kaaway ng Diyos: Si Satanas. Na ang ibig sabihin, pagkatapos bigyan ang tao ng mga armas upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na “subukin” ang katatagan ng tao. Kung makakayang makatakas ng tao sa hanay ng pakikipagbaka kay Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa teritoryo ni Satanas nang buhay, sa gayon ang tao ay nakalampas sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigo na makatakas sa hanay ng pakikipagbaka kay Satanas, at sumuko kay Satanas, kung gayon hindi niya nalampasan ang pagsubok. Kahit anong aspeto ng tao ang suriin ng Diyos, ang pamantayan ng Kanyang pagsusuri ay kung ang tao ay nagpapakatatag o hindi sa kanyang patotoo kapag nilusob siya ni Satanas, at kung itinakwil ba niya o hindi ang Diyos at sumuko kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na kung maililigtas o hindi ang tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapangibabawan at talunin si Satanas, at kung kaya niya o hindi na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay kung makakaya niyang buhatin, nang mag-isa, ang mga armas na ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapangibabawan ang pagkakatali ni Satanas, at mapasuko si Satanas at iwan siyang mag-isa. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at magpapalaya ng isa, ang ibig sabihin nito ay hindi na muling susubukan ni Satanas na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hindi na muling pararatangan at gagambalain ang taong ito, hindi na muling pahihirapan nang walang habas o lulusubin sila; tanging ang isang taong ganito ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ay ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang tao.
Ang Babala at Kaliwanagan na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon ng Patotoo ni Job
Kasabay ng pag-unawa sa proseso kung paano ganap na nakukuha ng Diyos ang tao, mauunawaan din ng mga tao ang layunin at kabuluhan ng pagbibigay kay Job ng Diyos kay Satanas. Ang mga tao ay hindi na nababalisa sa paghihirap ng kalooban ni Job, at mayroon ng bagong pagpapahalaga sa kanyang kabuluhan. Hindi na sila nag-aalala tungkol sa kung sila ay mapapasailalim sa kaparehong tukso na napagdaanan ni Job, at hindi na tinututulan o tinatanggihan ang pagdating ng mga pagsubok ng Diyos. Ang pananampalataya ni Job, pagkamasunurin, at ang kanyang patotoo sa pangingibabaw kay Satanas ay mapagkukunan ng malaking tulong at lakas ng loob ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakikita na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagsunod at takot sa Diyos, ganap na posible na talunin si Satanas, at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t hindi sila tumututol sa dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at kanilang aariin ang determinasyon at paniniwala na hindi itakwil ang Diyos matapos mawalan ng lahat, sa gayon kaya nilang maging dahilan ng kahihiyan at pagkatalo ni Satanas, at na kailangan lamang nilang ariin ang determinasyon at tiyaga upang tumindig nang matatag sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—para si Satanas ay maduwag at mabilisang sumuko. Isang babala ang patotoo ni Job sa mga sumusunod na henerasyon, at ang babalang ito ay nagsasabi sa kanila na kung hindi nila tatalunin si Satanas, ay hindi nila kailanman magagawang umiwas sa mga paratang at panghihimasok ni Satanas, at hindi rin nila kailanman magagawang makatakas sa pang-aabuso at paglusob ni Satanas. Ang patotoo ni Job ay nagbigay kaliwanagan sa sumunod na henerasyon. Ang kaliwanagan na ito ay nagtuturo sa mga tao na tanging kung sila ay perpekto at matuwid ay saka nila makakayanang matakot sa Diyos at umiwas sa masama; itinuturo nito sa kanila na tanging kapag sila ay may takot sa Diyos at umiiwas sa masama ay saka nila makakayang magdala ng malakas at tumataginting na patotoo sa Diyos; tanging kung sila ay may malakas at tumataginting na patotoo sa Diyos ay saka hindi sila kailanman mapapamahalaan ni Satanas, at mabubuhay sa ilalim ng paggabay at pag-iingat ng Diyos—at doon lamang sila tunay na nailigtas. Ang pagkatao ni Job at ang ginagawa niya sa kanyang buhay ay dapat tularan ng lahat na nagnanais ng kaligtasan. Ang kanyang isinabuhay sa kanyang buong buhay at ang kanyang asal sa panahon ng kanyang pagsubok ay isang mahalagang kayamanan para sa lahat ng sumusunod sa daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.
Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Aliw sa Diyos
Kung sabihin ko sa inyo ngayon na si Job ay isang kawili-wiling tao, maaaring hindi ninyo magagawang mapahalagahan ang kahulugan sa loob ng mga salitang ito, at maaaring hindi mo lubos na maintindihan ang damdamin kung bakit sinasabi ko ang lahat ng mga bagay na ito; ngunit maghintay kayo hanggang sa araw na kayo ay makaranas ng mga pagsubok na kapareho o katulad ng mga pinagdaanan ni Job, kapag kayo ay dumadaan sa pagsubok, kapag nararanansan ninyo ang mga pagsubok na iniayos ng Diyos Mismo para sa inyo, kapag ibinigay ninyo ang lahat ng meron kayo, at nagtiis sa kahihiyan at paghihirap, upang magtagumpay laban kay Satanas at magbigay patotoo sa Diyos sa gitna ng mga tusko—doon mo matutunang pahalagahan ang ibig sabihin ng mga sinasabi ko. Sa oras na iyon, mararamdaman mo na ikaw ay mas mahina kung ihahambing kay Job, mararamdaman mo kung gaano kaibig-ibig si Job, at na siya ay karapat-dapat na tularan; kapag dumating ang panahong iyon, mapagtatanto mo kung gaano kahalaga ang mga walang-kupas na salitang winika ni Job para sa mga tiwali at nabubuhay sa mga panahong ito, at mapagtatanto mo kung gaano kahirap para sa mga tao ngayon ang makamit ang nakamit ni Job. Kapag nararamdaman mo na ito ay mahirap, mapapahalagahan mo kung gaano kabalisa at nag-aalala ang puso ng Diyos, mapapahalagahan mo kung gaano kalaki ang halaga na binayaran ng Diyos para makamit ang ganoong mga tao, at kung gaano kahalaga ang ginawa at ginugol ng Diyos para sa sangkatauhan. Ngayon na inyong narinig ang mga salitang ito, mayroon na ba kayong tumpak na pang-unawa at tamang pagtatasa kay Job? Sa inyong mga mata, si Job ba ay tunay na perpekto at matuwid na lalaki na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan? Naniniwala ako na karamihan sa mga tao ay tiyak na tiyak na sasabihin ay, Oo. Dahil ang mga katotohanan ng ikinilos at ipinahayag ni Job ay hindi maikakaila ng sinumang tao o ni Satanas. Ang mga ito ang pinakamakapangyarihang patunay ng tagumpay ni Job laban kay Satanas. Ang patunay na ito ay ginawa kay Job, at ang unang patotoo na tinanggap ng Diyos. Kaya, nang si Job ay nangibabaw sa mga tukso ni Satanas at nagpatotoo sa Diyos, nakakita ang Diyos ng pag-asa kay Job, at ang Kanyang puso ay naaliw kay Job. Mula sa paglikha hanggang kay Job, ito ay ang unang pagkakataon na ang Diyos ay tunay na nakaranas ng kaginhawaan, at kung ano ang pakiramdam ng mabigyan ng ginhawa ng tao, at ito ay ang unang pagkakataon na nakita Niya, at nakamit, ang tunay na patotoo na dinadala para sa Kanya.
Nagtitiwala ako na, pagkarinig ng patotoo at mga patunay ng iba’t-ibang aspeto ni Job, karamihan ng mga tao ay magkakaron ng mga plano para sa landas sa harap nila. Kaya, gayon din, nagtitiwala ako na ang karamihan sa mga tao na napuno ng pagkabalisa at takot ay dahan-dahang mapapahinahon ang katawan at isip, at magsisimulang makaramdam ng ginhawa, unti-unti. …
Ang mga nasusulat sa ibaba ay mga patunay din tungkol kay Job. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa.
4. Narinig ni Job ang Diyos sa pamamagitan ng Pagdinig ng Tainga
(Job 9:11) “Narito, siya’y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan.”
(Job 23:8-9) “Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa pagka siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya.”
(Job 42:2-6) “Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya’t aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako’y magsasalita; ako’y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata, Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.”
Kahit na ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Kapangyarihan ng Diyos
Ano ang malakas na tulak ng mga salitang ito? Nakikita ba ninyo na may isang katotohanan dito? Una, paano nalaman ni Job na may Diyos? At kung paano niya nalaman na ang langit at lupa at lahat ng bagay ay pinasiyahan sa pamamagitan ng Diyos? Narito ang mga talata na sumasagot sa dalawang mga katanungan na ito: Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo (Job 42:5-6). Mula sa mga salitang ito ay nalaman natin na, sa halip na makita ang Diyos gamit ang kanyang sariling mga mata, natutunan ni Job ang tungkol sa Diyos mula sa isang alamat. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito siya ay nagsimulang lumakad sa landas ng pagsunod sa Diyos, matapos nito ay pinatunayan niya ang pag-iiral ng Diyos sa kanyang buhay, at sa lahat ng bagay. May isang hindi maikakailang katotohanan dito—at ano ito? Sa kabila ng kakayahang sundin ang daan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama, si Job ay hindi pa kailanman nakikita ang Diyos. Dito, hindi ba siya kapareho ng mga tao sa ngayon? Hindi pa kailanman nakita ni Job ang Diyos, ang nagpahiwatig dito ay kung saan nakasulat na bagaman narinig niya ang Diyos, hindi niya alam kung nasaan ang Diyos, o kung ano ang tulad ng Diyos, o kung ano ang ginagawa ng Diyos, na mga pansariling kadahilanan niya; sa madaling salita, bagaman sinundan niya ang Diyos, ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya o nakipagusap sa kanya. Hindi ba ito isang katotohanan? Kahit na hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job o nagbigay sa kanya ng anumang mga utos, nakita ni Job ang pag-iiral ng Diyos, at natanaw niya ang Kanyang kapangyarihan sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga alamat kung saan natutunan ni Job ang tungkol sa Diyos sa pakikinig, matapos noon ay sinimulan niya ang buhay na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Ganito ang pinagmulan at paraan kung paano sumunod si Job sa Diyos. Ngunit kahit gaano niya katakutan ang Diyos at umiwas sa kasamaan, kahit gaano niya panghawakan ang kanyang dangal, hindi pa rin kailanman nagpakita ang Diyos sa kanya. Basahin natin ang talatang ito. Sinabi niya, “Narito, siya’y dumaraan sa siping ko, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan” (Job 9:11). Ang sinabi ng mga salitang ito ay na maaaring nadama ni Job ang Diyos sa paligid niya o maaari ding hindi—ngunit hindi niya kailanman nakita ang Diyos. Nagkaroon ng mga oras kung saan napalagay siya na ang Diyos ay nagdadaan sa harap niya, o kumikilos, o pinapatnubayan siya, nguni’t hindi niya alam. Ang Diyos ay darating sa tao kapag hindi niya inaasahan; hindi alam ng tao kung kailan darating ang Diyos sa kanya, o kung saan Siya dadating sa kanya, sapagka’t ang tao ay hindi maaaring makita ang Diyos, at sa gayon, sa tao, ang Diyos ay nakatago mula sa kanya.
Ang Pananampalataya ni Job ay Hindi Naalog Dahil ang Diyos ay Nakatago Mula sa Kanya
Sa mga sumusunod na talata ng banal na kasulatan, nagsabi si Job, “Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa pagka siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya” (Job 23:8-9). Sa patunay na ito, nalaman natin na sa mga karanasan ni Job, ang Diyos ay nakatago sa kanya; ang Diyos ay hindi lantarang nagpakita sa kanya, at hindi rin Siya lantarang nagsalita ng anumang mga salita sa kanya, gayon ma’y sa kanyang puso, si Job ay may tiwala sa pag-iral ng Diyos. Palagi siyang naniniwala na ang Diyos ay maaaring naglalakad sa harap niya, o maaaring kumikilos sa kanyang tabi, at na kahit na hindi niya makita ang Diyos, ang Diyos ay sumusunod sa kanya at namamahala sa kabuuan niya. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, ngunit Nagawa niya upang manatiling totoo sa kanyang pananampalataya, na walang ibang nakakagawa. At bakit hindi nila magawa? Dahil hindi nangusap ang Diyos kay Job, o nagpakita sa kanya, at kung siya ay hindi tunay na naniwala, hindi siya maaaring magpatuloy, o maaaring manatili sa daan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Hindi ba ito totoo? Ano ang nadama mo nang nabasa mo ang tungkol kay Job na sinasabi ang mga salitang ito? Nararamdaman mo ba ang kasakdalan at katuwiran ni Job, at ang kanyang katuwiran sa harap ng Diyos, ay totoo, at hindi isang pagmamalabis na galing sa Diyos? Kahit na pareho ang pakikitungo ng Diyos kay Job tulad sa ibang tao, at hindi nagpakita o nakipag-usap sa kanya, naging matatag pa din si Job sa kanyang dangal, naniwala pa rin siya sa kapangyarihan ng Diyos, at, higit pa dito, madalas siyang naghahandog ng mga handog na susunugin at dumalangin sa harap ng Diyos bilang bunga ng kanyang takot na magalit ang Diyos. Sa kakayahan ni Job na matakot sa Diyos nang hindi pa nakikita ang Diyos, makikita natin kung gaano niya iniibig ang mga positibong bagay, at kung gaano katatag at tunay ang kanyang pananampalataya. Hindi niya ikinaila ang pagkakaroon ng Diyos dahil ang Diyos ay nakatago mula sa kanya, at hindi nawala ang kanyang pananampalataya at tinakwil ang Diyos dahil hindi pa niya Siya nakikita. Sa halip, sa gitna ng mga nakatagong pagkilos ng Diyos sa pamamahala sa lahat ng mga bagay, napagtanto niya ang pag-iiral ng Diyos, at nadama ang soberanya at kapangyarihan ng Diyos. Hindi niya isinuko ang pagiging matuwid dahil ang Diyos ay nakatago, at hindi rin niya itinakwil ang daan na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya. Hindi kailan man hiniling ni Job na lantarang magpakita ang Diyos sa kanya upang patunayan ang Kanyang pag-iral, dahil nakita na niya ang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at naniniwala siya na tinanggap niya ang mga pagpapala at mga giliw na hindi pa nakamit ng iba. Kahit na ang Diyos ay nanatiling nakatago mula sa kanya, ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay hindi kailanman naalog. Kaya, inani niya ang hindi pa nakukuha ng iba: Ang pagsang-ayon ng Diyos at biyaya ng Diyos.
Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Sakuna
May ay isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa kwento ni Job sa banal na kasulatan, ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ng Panginoon.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mapagmalabis na hangarin na may makakuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos. Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at karapatan ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkakamit ng pagpapala o nakakaranas ng kalamidad. Naniniwala siya na hindi alintana kung pinagpapala ng Diyos ang mga tao o nagdudulot ng kasamaan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at sa gayon, hindi alintana ang mga pangyayari sa tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Ang taong iyon ay pinagpala ng Diyos dahil sa kapangyarihan ng Diyos, at kapag dumating ang sakuna sa tao, gayundin naman, ay dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at umaayos ng lahat ng tungkol sa tao; ang pagbabago ng kapalaran ng tao ay paghahayag ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at hindi alintana ang kuru-kuro, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan ni Job at ang nalaman niya sa nakaraang mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga saloobin at mga kilos ni Job ay naabot ang mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinatangi ng Diyos ang kaalaman na ito ni Job, at itinatangi si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Palaging iniintay ng pusong ito ang mga utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit anong oras o lugar ay tinatanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang ginawang kahilingan si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang mag-intay, tumanggap, harapin at sundin ang lahat ng kaayusan na nanggaling sa Diyos; naniniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at na ito mismo ang nais ng Diyos. Hindi kailanman nakikita ni Job ang Diyos, at hindi rin narinig Siyang magsalita ng anumang mga salita, nagbigay ng anumang utos, nagbigay ng anumang aral, o nag-utos sa kanya ng kahit ano. Sa mga salita ngayon, para magtaglay siya ng ganoong kaalaman at saloobin sa Diyos kahit na ang Diyos ay walang ibinibigay sa kanya na kaliwanagan, patnubay, o paghahanda patungkol sa katotohanan—ito ay mahalaga, at para sa kanya na magpakita ng mga ganitong bagay ay sapat na para sa Diyos, at ang kanyang patotoo ay pinuri ng Diyos, at itinatangi ng Diyos. Si Job ay hindi kailanman nakita ang Diyos o narinig ng Diyos na personal na magbitiw ng anumang mga aral sa kanya, ngunit sa Diyos ang kanyang puso at siya mismo ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga tao na, sa harap ng Diyos, ay kaya lamang magsalita ng tungkol sa mga malalalim na teorya, na kaya lamang magmalaki, at magsalita ng tungkol sa mga handog, ngunit walang tunay na kaalaman sa Diyos, at hindi kailanman tunay na natatakot sa Diyos. Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at inibig niya ang katarungan at lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na nagmamay ari ng gayong uri ng puso at sangkatauhan ay magagawang sumunod sa daan ng Diyos, at kayang matakot sa Diyos at umiwas sa masama. Ang ganitong mga tao ay maaaring makita ang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makita ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at magagawang makamit ang pagsunod sa Kanyang kapangyarihan at mga kaayusan. Tanging ang taong kagaya nito ang maaaring tunay na pumuri sa pangalan ng Diyos. Iyon ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya ay pagpapalain ng Diyos o magdadala ng sakuna sa kanya, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at ang mag-alala ay isang simbolo ng kahangalan, kamangmangan, at kalabagan sa katuwiran, ng pag-aalinlangan sa katotohanan ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng walang takot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ay ang tiyak na ninais ng Diyos. Kaya, si Job ba ay may higit na maraming teoretikal na kaalaman tungkol sa Diyos kung ihahambing sa inyo? Dahil ang trabaho at pananalita ng Diyos sa mga panahon na iyon ay iilan, hindi madaling makamit ang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang ganitong nakamit ni Job ay hindi madaling gawin. Hindi niya naranasan ang mga kilos ng Diyos, o kailanman narinig na nagsalita ang Diyos, o nakita ang mukha ng Diyos. Na nagawa niyang magkaroon ng ganitong saloobin sa Diyos ay bunga ng kanyang katauhan at ng kanyang mga personal na pagtutugis, isang katauhan at pagtutugis na hindi magawang ariin ng mga tao sa ngayon. Kaya, sa panahong iyon, sinabi ng Diyos, “walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake.” Sa panahon na iyon, ang Diyos ay na gumawa na ng ganitong pagtatasa tungkol sa kanya, at siya’y nagkaroon ng konklusyon. Gaano pa ito katotoo sa ngayon?
Kahit na ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao, ang Kanyang mga Kilos sa Lahat ng mga Bagay ay Sapat na para sa Tao na Makilala Siya
Hindi nakita ni Job ang mukha ng Diyos, o narinig ang mga salita na sinasalita ng Diyos, lalong hindi niya personal na naranasan ang gawain ng Diyos, ngunit ang kanyang takot sa Diyos at patotoo sa panahon ng kanyang pagsubok ay nasaksihan ng lahat, at sila ay minamahal, nalulugod, at pinupuri ng Diyos, at ang mga tao ay naiinggit at humahanga sa mga ito, at, higit sa rito, kumakanta ng kanilang mga papuri. Walang malaki o kakaiba sa kanyang buhay: Tulad ng karaniwang tao, nabuhay siya sa isang karaniwang buhay, umaalis upang magtrabaho sa pagsikat ng araw at umuuwi upang magpahinga sa paglubog ng araw. Ang pagkakaiba ay na sa panahon ng mga ilang karaniwang dekada, siya ay nagkamit ng isang pananaw sa daan ng Diyos, at natanto at naintindihan ang dakilang kapangyarihan at soberanya ng Diyos, na hindi nagawa ng ibang tao. Hindi siya mas matalino sa ibang pangkaraniwang tao, ang kanyang buhay ay hindi mahigpit, at, gayundin, wala siyang nakatagong kakayahan. Ang taglay niya, ay pagkatao na tapat, mabait, isang pagkatao na may mabuting puso, matuwid, isang pagkatao na nagmamahal sa katarungan at katuwiran, at nagmamahal ng mga positibong bagay—mga bagay na wala ang karamihan sa mga karaniwang tao. Pinag-iba niya ang pag-ibig at galit, may pakiramdam ng katarungan, matibay at matiyaga at masigasig sa kanyang mga saloobin, at sa panahon ng kanyang pangkaraniwang oras sa lupa ay nakita niya ang lahat ng mga hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Diyos, at nakita ang kadakilaan, kabanalan, at ang katuwiran ng Diyos, nakita niya ang pagmamalasakit ng Diyos, kagandahang-loob, at pag-iingat para sa tao, at nakita ang kadakilaan at awtoridad ng kataas-taasang Diyos. Ang unang dahilan kung bakit si Job ay nagawang makuha ng mga bagay na ito na higit pa sa kayang isipin ng pangkaraniwang tao ay dahil nagkaroon siya ng isang dalisay na puso, at ang kanyang puso ay ukol sa Diyos, at pinangungunahan ng lumikha. Ang ikalawang dahilan ay ang kanyang pagtutugis: ang kanyang pagtugis ng walang pagkakasala, at perpekto, at isang tao na sumusunod sa mga kalooban ng Langit, na mahal ng Diyos, at umiiwas sa kasamaan. Nagmamay ari si Job at hinabol niya ang mga bagay na ito kahit na hindi niya nakikita o nadidinig ang mga salita ng Diyos; bagaman hindi niya nakikita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naiintindihan niya ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya naririnig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang kilos ng pagpapala sa tao at pagkuha mula sa tao ay dumating mula sa Diyos. Kahit na ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan na ito na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay, o ang maapektuhan ang kanyang pagsunod sa daan na may takot sa Diyos at umiiwas sa masama. Sa kanyang mga mata, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang mapagtanto na ang gawa ng Diyos ay sa lahat ng dako, at sa panahon ng kanyang pangkaraniwang oras sa lupa, sa bawa’t sulok ng kanyang buhay nagawa niyang makita at mapagtanto ang kahanga-hanga at nakakamanghang gawa ng Diyos, at maaaring makita ang nakakamangha kaayusan ng Diyos. Ang pagkatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagtatanto ni Job sa mga gawa ng Diyos, hindi rin makakaapekto sa kanyang kaalaman sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang kanyang buhay ay siyang katuparan ng kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay, sa panahon ng kanyang araw-araw na buhay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang boses at salita ng puso, kung saan ang Diyos, tahimik sa gitna ng lahat ng mga bagay, na ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa mga kautusan ng lahat ng bagay. Makikita mo, sa gayon, na kung ang mga tao ay may parehong pagkatao at pagtugis gaya ng kay Job, maaari nilang makamit ang parehong pagtatanto at kaalaman ni Job, at maaaring makuha ang parehong pang-unawa at kaalaman ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay gaya ni Job. Ang Diyos ay hindi nagpakita kay Job o nagsalita sa kanya, ngunit si Job ay nagawang maging perpekto, at matuwid, at matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Sa ibang salita, kahit na hindi lumitaw o nangusap sa mga tao ang Diyos, ang mga gawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay at ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay ay sapat na para sa tao upang magkaroon ng kamalayan sa pag-iral ng Diyos, kapangyarihan, at awtoridad, at ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay sapat na upang ang taong ito ay sumunod sa mga paraan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Dahil isang ordinaryong tao ang tulad ni Job ay nakayanang makamit ang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, ang bawat pangkaraniwang tao na sumusunod sa Diyos ay dapat makakagawa rin nito. Kahit ang mga salitang ito ay para bang mga lohikal na hinuha, hindi nito sinasalungat ang mga kautusan ng mga bagay. Nguni’t ang katotohanan ay hindi tumugma sa inaasahan: Takot sa Diyos at pag-iwas sa masama, ay tila ba, pinangangalagaan ni Job at ni Job lang. Sa pagbanggit ng “natatakot sa Diyos at umiiwas masama,” iniisip ng mga tao na si Job lang ang dapat gumawa nito, na para bang ang daan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama ay tinatakan ng pangalan ni Job at ay walang kinalaman sa iba. Ang dahilan nito ay malinaw: Dahil si Job lamang ang nagmamay-ari ng isang pagkatao na tapat, mabait, at matuwid, at nagmamahal sa pagkamakatarungan at katuwiran at mga bagay na positibo, kaya si Job lang ang maaaring sumunod sa mga paraan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Dapat naiintindihan niyong lahat ang mga pahiwatig nito—kung saan dahil walang sinuman ang nagmamay-ari ng isang pagkatao na tapat, mabait, at matuwid, at nagmamahal sa pagkamakatarungan at katuwiran at ang lahat ng positibo, walang sinuman ang maaaring matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at sa gayon ay hindi kailanman sila maaaring makakuha ng kagalakan ng Diyos o tumindig na matatag sa gitna ng mga pagsubok. Na nangangahulugan din na, bukod kay Job, ang lahat ng tao ay nakatali pa rin at nasilo ni Satanas, lahat sila ay pinararatangan, linulusob, at inabuso nito, at ang mga nilulunok ni Satanas, at silang lahat ay walang kalayaan, bilanggo na nabihag ni Satanas.
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Niya Katatakutan ang Diyos at Iiwas sa Kasamaan
Dahil ang mga tao sa ngayon ay hindi nagtataglay ng parehong katauhan gaya ng kay Job, anong nangyari sa diwa ng kanilang kalikasan, at sa kanilang mga saloobin sa Diyos? Natatakot ba sila sa Diyos? Umiiwas ba sila sa masama? Ang mga hindi natatakot sa Diyos o umiiwas sa kasamaan ay maaari lamang na ilarawan sa apat na mga salita: ang mga kaaway ng Diyos. Madalas ninyong sabihin ang apat na mga salita na ito, ngunit hindi ninyo pa kilala ang kanilang tunay na kahulugan. Ang mga salitang “ang mga kaaway ng Diyos” ay may buod sa kanila: Ang mga ito ay hindi na nagsasabi na nakikita ng Diyos ang tao bilang kaaway, ngunit ang tao ay nakikita ang Diyos bilang kaaway. Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino ang walang sariling mga layunin, pagganyak, at adhikain? Kahit na ang isang bahagi ng mga ito ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakita ang pag-iiral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman ng ganoong mga hangarin, at ang kanilang pangunahing layunin sa paniniwala sa Diyos ay upang makatanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng tao sa buhay, sila ay madalas nag-iisip, isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat ko bang idagdag ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Nagbigay ako ng marami sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at nagdusa ng mabigat—may ibinalik bang mga pangako ang Diyos? Naaalala ba Niya ang aking mga mabuting gawa? Ano ang aking magiging katapusan? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? … Ang bawat tao patuloy, at madalas na gumagawa ng kalkulasyon sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng kapalit upang magbigay ng kanilang mga pagganyak, at ambisyon, at kasunduan. Na ang ibig sabihin, sa kanyang puso ang tao ay patuloy na inilalagay ang Diyos sa pagsubok, patuloy na nag-iisip ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na ipinaglalaban ang kaso ng kanyang katapusan sa Diyos, at sinusubukang ilabas ang pahayag mula sa Diyos, yamang kung o hindi maaaring ibigay ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng pagtugis sa Diyos, ang tao ay hindi ituturing ang Diyos na Diyos. Palagi niyang sinubukang gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, patuloy na gumagawa ng mga kahilingan sa Kanya, at pinipilit Siya sa bawat hakbang, sinusubukan kumuha ng isang milya pagkatapos mabigyan ng isang pulgada. Kasabay sa paggawa ng kasunduan sa Diyos, ang tao ay nakikipag-away din sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumadating sa kanila na pagsubok o nanganganib sila, madalas nagiging mahina, walang kibo at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo para sa Diyos. Mula noong siya ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ang tao ay itinuturing ang Diyos na maging isang kornukopya, isang Pangkalahatang Kutsilyo, at itinuturing ang sarili niya na pinakadakilang pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang makakuha na mga biyaya at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang mga tao at magbigay para sa kanya. Ganito ang pangunahing pag-unawa ng “paniniwala sa Diyos” ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos, at ang kanilang pinakamalalim na pag-unawa sa mga konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa mga diwa ng kalikasan ng tao sa kanyang pansariling pagtugis, walang anumang may kinalaman sa takot sa Diyos. Ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay hindi maaaring may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Na ang ibig sabihin, ang tao ay hindi kailanman itinuturing o naintindihan na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng gayong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halata. At ano ang diwa na ito? Ito’y ang puso ng tao na may masamang hangarin, ito ay nagdadala ng pagtataksil at paglilinlang, wala itong pag-ibig sa pagiging patas at katuwiran, o sa mga bagay na positibo, at ito ay hamak at sakim. Ang puso ng Tao ay hindi maaaring sarado sa Diyos; hindi niya pa talaga ito ibinigay sa Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nakita ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Kahit gaano kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano karaming trabaho ang gawin Niya, o gaano karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan ang kanyang sariling puso, upang gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundin ang mga paraan na may takot sa Diyos at umiiwas sa masama, o sundin ang kapangyarihan at mga kaayusan ng Diyos, at di niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao ngayon. Ngayon tingnan muli natin si Job. Una sa lahat, gumawa ba siya ng kasunduan sa Diyos? Mayroon ba siyang mga natatagong layunin sa pagkapit niya sa daan na natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama? Sa panahong iyon, ang Diyos ba ay nagsalita sa sinuman tungkol sa katapusan na darating? Sa oras na iyon, Ang Diyos ay hindi nangako sa kanino man tungkol sa katapusan, at sa ganitong kalagayan nagawa ni Job na matakot sa Diyos at umiwas sa masama. Ang mga tao sa ngayon ba ay maaaring maihambing kay Job? Masyadong maraming pagkakaiba, sila ay nasa magkakaibang mga unyon. Kahit na si Job ay kakaunti ang alam tungkol sa Diyos, naiabot niya ang kanyang puso sa Diyos at ito ay pagmamay-ari ng Diyos. Siya ay hindi kailanman gumawa ng kasunduan sa Diyos, at walang mapagmalabis na hinahangad o hinihingi sa Diyos; sa halip, naniniwala siya na “ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis.” Ito ay kung ano ang kanyang nakita at nakuha mula sa may pagpapatotoo ng daan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama sa panahon ng maraming taon ng kanyang buhay. Gayundin, siya ay nagkamit din ng kinalabasan na “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Ang dalawang pangungusap na ito ay kung ano ang kanyang nakita at nalaman bilang resulta ng kanyang mga saloobin at pagsunod sa Diyos sa panahon ng karanasan ng kanyang buhay, at sila ay ang kanyang pinaka-makapangyarihang armas na ipinanalo niya laban sa mga tukso ni Satanas, at ang pundasyon ng kanyang katatagan sa patotoo niya sa Diyos. Sa puntong ito, nakikita niyo ba si Job bilang isang kaibig-ibig na tao? Nais niyo bang maging ganitong tao? Natatakot ba kayong sumailalim sa mga tukso ni Satanas? Kaya niyo bang magdasal sa Diyos na iharap kayo sa parehong mga pagsubok ni Job? Nang walang pag-aalinlangan, karamihan sa mga tao ay hindi maglakas-loob na manalangin para sa mga ganitong bagay. Maliwanag, sa gayon, na ang inyong pananampalataya ay nakakaawa at maliit; kung ihahambing kay Job, ang inyong pananampalataya ay hindi karapat-dapat na banggitin. Kayo ang kaaway ng Diyos, hindi kayo natatakot sa Diyos, kayo ay hindi makakatayo ng matatag sa inyong patotoo sa Diyos, at hindi magtatagumpay sa mga paglusob, paratang at tukso ni Satanas. Anong mayroon kayo para maging karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako ng Diyos? Pagkatapos marinig ang kuwento ni Job at maintindihan ang intensyon ng Diyos sa pag-ligtas sa sangkatauhan at ang kahulugan ng kaligtasan ng tao, kayo ba ay mayroon nang pananampalataya na tanggapin ang parehong mga pagsubok ni Job? Di ba dapat mayroon kayong kaunting tapang upang payagan ang inyong mga sarili na sundin ang mga paraan ng natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama?
Huwag Magkaroon ng Pangamba sa mga Pagsubok ng Diyos
Pagkatapos ng pagtanggap ng patotoo mula kay Job matapos ang kanyang pagsubok, naisip ng Diyos na Siya ay makakakuha ng isang grupo—o higit pa sa isang grupo—ng mga tao na kagaya ni Job, naisip Niya na hindi muling payagan si Satanas na lusubin o abusuhin ang sinumang tao gamit ang mga paraan na pagtutukso, pagtutuligsa, at pag-aabuso na ginamit niya kay Job, sa pamamagitan ng pagtaya sa Diyos; hindi pinahihintulutan ng Diyos si Satanas upang kailanman ay muling gawin ang mga gayong bagay sa tao, na mahina, mangmang, at ignorante—sapat na tinukso ni Satanas si Job! Ang hindi na nagpapahintulot kay Satanas na abusuhin ang tao sa anumang paraan na nais nito ay ang awa ng Diyos. Para sa Diyos, sapat na si Job ay nagdusa sa tukso at pang-aabuso ni Satanas. Hindi pinahihintulutan ng Diyos si Satanas upang kailanman muling gawin ang mga ganoong bagay, dahil ang buhay at lahat ng bagay ng mga taong sumunod sa Diyos ay pinasiyahan at pinamahalaan ng Diyos, at si Satanas ay hindi karapat-dapat upang manipulahin ang mga pinili ng Diyos—malinaw dapat ito sa inyo sa puntong ito! Nagmamalasakit ang Diyos sa kahinaan ng tao, at nauunawaan ang kanyang kamangmangan. Pero, para ang tao ay ganap na mailigtas, kailangan siyang ibigay ng Diyos kay Satanas, ang Diyos ay hindi handang makita ang tao na pinaglalaruan ni Satanas at inabuso ni Satanas, at hindi Niya nais na makita ang tao na laging nahihirapan. Ang tao ay nilalang ng Diyos, at ito ay perpekto na katuwiran na ang Diyos ang namamalakad at nag-aayos ng lahat ng bagay ng tao; ito ay ang responsibilidad ng Diyos, at ang awtoridad ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng bagay! Hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas na abusuhin ang tao at tratuhin nang masama kung kelan nito gusto, Hindi Niya pinahihintulutan si Satanas na gumamit ng ibat-ibang paraan upang iligaw ang tao, at higit pa dito, hindi Niya pinahintulutan si Satanas na makialam sa pamamahala ng Diyos sa tao, at hindi niya pinahintulutan si Satanas na apakan at sirain ang mga kautusan na ginagamit ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng mga bagay, ang walang masasabi sa kadakilaan ng pamamahala at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan! Sinomang ibig ng Diyos na iligtas, at ang mga taong nagawang magbigay ng patotoo sa Diyos, ay ang sentro ng anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos, pati na rin ang halaga ng Kanyang mga pagsusumikap sa Kanyang anim na libong taong gawain. Paano maaaring basta na lang ibibigay ng Diyos ang mga taong ito kay Satanas?
Ang mga tao ay madalas na nag-aalala at natatakot sa mga pagsubok ng Diyos, gayunpaman sa lahat ng oras sila ay naninirahan sa silo ni Satanas, at naninirahan sa mapanganib na teritoryo kung saan sila ay nilulusob at inabuso ni Satanas—ngunit wala silang takot, at mapanatag. Ano ang nangyayari? Ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay limitado lamang sa mga bagay na kanyang nakikita. Wala siya ni kaunting pagpapahalaga sa pagmamahal ng Diyos at pag-aalala para sa tao, o sa Kanyang pagmamahal at konsiderasyon sa tao. Ngunit para sa isang maliit na pangamba at takot tungkol sa mga pagsubok ng Diyos, paghahatol at kaparusahan, at karangalan at kapootan, ang tao ay wala maski kakaunting pang-unawa sa magagandang intensyon ng Diyos. Sa pagbabanggit ng mga pagsubok, pakiramdam ng tao ay mayroon natatagong layunin ang Diyos, at ang ilan ay naniniwala na may masamang layunin ang Diyos, walang kamalayan sa kung ano ang talagang gagawin ng Diyos sa kanila; kaya, sa habang sumisigaw ng pagsunod sa kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang pigilan at labanan ang kapangyarihan ng Diyos sa tao at sa kaayusan ng tao, dahil naniniwala sila na kung sila ay hindi maingat sila ay ililigaw ng Diyos, na kung hindi nila hahawakan ng mahigpit ang kanilang mga kapalaran sa gayon lahat ng mayroon sila ay kukunin ng Diyos, at ang kanilang buhay ay matatapos na. Ang tao ay nasa kampo ni Satanas, ngunit siya ay hindi kailanman nag-aalala tungkol sa pang-aabuso ni Satanas, at siya ay inabuso ni Satanas ngunit hindi siya kailanman natatakot na mabihag ni Satanas. Palagi niyang sinasabi na tinatanggap niya ang kaligtasan ng Diyos, gayon pa man ay hindi kailanman pinagkakatiwalaan ang Diyos o naniniwala na ang Diyos ay tunay na magliligtas sa mga tao mula sa mga kuko ni Satanas. Kung, gaya ni Job, ang tao ay magagawang sumuko sa pagtutugma at kaayusan ng Diyos, at maaaring ibigay ang kanyang buong pagkatao sa mga kamay ng Diyos, at hindi ba magiging kapareho ang katapusan niya sa naging katapusan ni Job—ang pagtanggap ng mga biyaya ng Diyos? Kung ang tao ay may kakayahan upang tanggapin at sumuko sa pamamahala ng Diyos, anong mawawala sa kanya? At sa gayon, minumungkahi ko na maging maingat kayo sa inyong mga kilos, at maingat sa lahat ng bagay na parating sa inyo. Huwag kang pangahas o pabigla-bigla, at huwag ituring ang Diyos at ang mga tao, ang mga bagay na inayos Niya para sa iyo habang natutukso ka, o ayon sa iyong likas na sa sarili, o ang iyong mga guni-guni at pagkaintindi; dapat kayong maging maingat sa inyong mga kilos, at dapat manalangin at humingi ng higit pa, upang maiwasan ang pag-udyok ng galit ng Diyos. Tandaan ito!
Susunod, titingnan natin kung paano si Job matapos ang kanyang mga pagsubok.
5. Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok
(Job 42:7-9) At nangyari, na pagkatapos na masalita ng Panginoon ang mga salitang ito kay Job, sinabi ng Panginoon kay Eliphaz na Temanita, Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job. Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y aking tatanggapin, baka kayo’y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka’t hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job. Sa gayo’y nagsiyaon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ng Panginoon: at nilingap ng Panginoon si Job.
(Job 42:10) At inalis ng Panginoon ang pagkabihag ni Job, nang kaniyang idalangin ang kaniyang mga kaibigan; at binigyan ng Panginoon si Job na makalawa ang higit ng dami kay sa tinatangkilik niya ng dati.
(Job 42:12) Sa gayo’y pinagpala ng Panginoon, ang huling wakas ni Job na higit kay sa kaniyang pasimula: at siya’y nagkaroon ng labing apat na libong tupa, at anim na libong kamelyo, at isang libong tuwang na baka, at isang libong asnong babae.
(Job 42:17) Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan.
Ang mga Natatakot sa Diyos at Umiiwas sa Masama ay Titingnan ng may Pagtatangi ng Diyos, Habang ang mga Hangal ay Tinitingnan na Mababa ng Diyos
Sa Job 42:7-9, sinabi ng Diyos na si Job ay Kanyang alipin. Ang kanyang paggamit ng salitang “lingkod” upang sumangguni kay Job ay nagpapakita ng kahalagahan ni Job sa Kanyang puso; bagaman ang Diyos ay hindi tumawag kay Job ng mas mataas na titulo, ang pangalan na ito ay walang kinalaman sa kahalagahan ni Job sa loob ng puso ng Diyos. Ang “Lingkod” dito ay palayaw ng Diyos para kay Job. Ang maramihang mga pagtawag ng Diyos kay Job na “ang aking lingkod na si Job” ay nagpapakita kung paano Siya ay nalulugod kay Job, at kahit hindi sinabi ng Diyos ang ibig sabihin ng sa likod ng salitang “lingkod,” ang kahulugan ng Diyos sa salitang “lingkod” ay makikita sa Kanyang mga salita sa siping ito na galing sa banal na kasulatan. Unang sinabi ng Dios kay Eliphaz na Temanita: “Ang aking poot ay nagaalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nangagsalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng aking lingkod na si Job.” Ang mga salitang ito ay ang unang pagkakataon na ang Diyos ay lantarang nagsabi sa mga tao na tinanggap niya ang lahat nang sinasabi at ginagawa ni Job matapos ang pagsubok sa kanya ng Diyos, at ang mga ito ang unang pagkakataon na Siya ay lantarang nagkumpirma sa kawastuhan at katumpakan ng lahat ng ginawa at sinabi ni Job. Ang Diyos ay galit kay Eliphaz at sa iba dahil sa kanilang kamalian, walang katotohanang diskurso, dahil, gaya ni Job, hindi nila makita ang hitsura ng Diyos o marinig ang mga salitang sinabi Niya sa kanilang buhay, gayon pa man si Job ay may tumpak na kaalaman sa Diyos, samantalang sila ay maaari lamang manghula tungkol sa Diyos, nilalabag ang kalooban ng Diyos at sinusubukan ang Kanyang pasensya sa lahat ng kanilang ginawa. Dahil dito, sa parehong pagkakataon ng pagtanggap sa lahat ng ginawa at sinabi ni Job, ang Diyos ay napoot sa iba, sapagka’t sa kanila Siya ay hindi lamang hindi makakita ng anumang mga katotohanan ng takot sa Diyos, kundi pati na rin walang narinig tungkol sa takot sa Diyos sa kanilang sinabi. At kaya sunod na ginawa ng Diyos ang mga sumusunod na utos sa kanila: “Kaya’t magsikuha kayo sa inyo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at magsiparoon kayo sa aking lingkod na kay Job, at ihandog ninyo sa ganang inyo na pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y aking tatanggapin, baka kayo’y aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan;” Sa talatang ito ang Diyos ay nagsasabi kay Eliphaz at sa iba na gawin ang isang bagay na tutubos sa kanilang mga kasalanan, dahil ang kanilang kamangmangan ay isang kasalanan laban sa Diyos na Jehovah, at sa gayon sila ay kailangan gumawa ng mga handog na susunugin upang malunasan ang kanilang mga pagkakamali. Ang mga sinunog na handog ay madalas na inaalok sa Diyos, ngunit kung ano ang hindi pangkaraniwang tungkol sa mga handog na susunugin ay na sila ay inaalok kay Job. Si Job ay tinanggap ng Diyos dahil pinasan niya ang patotoo sa Diyos sa panahon ng kanyang pagsubok. Ang mga kaibigan na ito ni Job, samantala, ay nagsiwalat sa panahon ng kanyang mga pagsubok; dahil sa kanilang kamangmangan, sila ay nahatulan ng Diyos, at pinalabas nila ang galit ng Diyos, at dapat na parusahan ng Diyos—parusahan sa pamamagitan ng paggawa ng mga handog na susunugin sa harap ni Job—matapos ay kung saan si Job ay ipinanalangin sila upang ilayo sa kaparusahan at poot ng Diyos papunta sa kanila. Ang layunin ng Diyos ay upang magdala ng kahihiyan sa kanila, sapagka’t sila’y hindi mga taong natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at sila man ay hinatulan ang dangal ni Job. Sa isang pagsasaalang-alang, nagsasabi sa kanila ang Diyos na hindi Niya tinatanggap ang kanilang mga kilos ngunit lubos na tinanggap at natutuwa kay Job; sa isa pa, sinasabi sa kanila ng Diyos na ang pagtanggap sa tao ng Diyos ay pagtataas sa tao sa harap ng Diyos, ang tao ay kinamumuhian ng Diyos dahil sa kanyang kamangmangan, at nagagalit ang Diyos dahil dito, at mababa at marumi sa paningin ng Diyos. Ito ang mga kahulugan na ibinigay ng Diyos sa dalawang uri ng mga tao, iyon ang mga asal ng Diyos sa mga dalawang uri ng mga tao, at mga salita ng Diyos tungkol sa halaga at katayuan ng dalawang uri ng taong ito. Kahit na tinatawag ng Diyos si Job na Kanyang lingkod, sa mata ng Diyos itong “lingkod” ay minamahal, at noon ay binigyan ng karapatan na manalangin para sa iba at silang patatawarin sa kanilang mga pagkakamali. Itong “lingkod” ay maaaring makipag-usap ng diretso sa Diyos at humarap ng direkta sa harap ng Diyos, ang kanyang estado ay mas mataas at lalong mas marangal kaysa sa iba. Ito ay ang tunay na kahulugan ng salitang “lingkod” na sinabi ng Diyos. Si Job ay binigyan nitong natatanging karangalan dahil sa kanyang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, at ang dahilan kung bakit ang iba ay hindi tinatawag na mga lingkod ng Diyos ay dahil hindi sila natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ang dalawang magkaibang uri ng saloobin ng Diyos ay Kanyang mga saloobin patungo sa dalawang uri ng mga tao: Ang mga taong takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan ay tinanggap ng Diyos, at nakikita bilang mahalaga sa Kanyang mga mata, habang ang mga taong hangal na hindi nangatatakot sa Diyos, at hindi kayang umiwas sa masama, at hindi magagawang makatanggap ng pabor ng Diyos; sila ay madalas na kinapopootan at ipinagbabawal ng Diyos, at mababa sa paningin ng Diyos.
Ang Diyos ay Nagbigay ng Awtoridad kay Job
Si Job ay nanalangin para sa kanyang mga kaibigan, at pagkatapos, dahil sa mga panalangin ni Job, ang Diyos ay hindi sila itinuring na nararapat sa kanilang kamangmangan—Hindi Niya pinarusahan ang mga ito o gumawa ng anumang ganti sa kanila. At bakit ganoon? Dahil ang mga panalangin para sa kanila ng lingkod ng Diyos, na si Job, ay naabot ang Kanyang mga tainga; pinatawad sila ng Diyos dahil tinanggap Niya ang mga panalangin ni Job. At ano ang nakikita natin dito? Kapag pinagpapala ng Diyos ang isang tao, Siya ay nagbibigay sa kanila ng maraming gantimpala, at hindi lamang materyal, alinman sa: Ang Diyos ay nagbibigay din sa kanila ng awtoridad, at ginagawa silang karapat-dapat na manalangin para sa iba, at kinakalimutan ng Diyos, at pianapalampas ang kanilang mga kasalanan dahil naririnig Niya ang mga panalanging ito. Ito ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos kay Job. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni Job upang ihinto ang kanilang paghatol, nagdala ang Diyos na Jehovah ng kahihiyan sa mga mangmang na tao—ito, siyempre, ay ang Kanyang mga natatanging kaparusahan para kay Eliphaz at sa iba.
Si Job ay Muling Pinagpala ng Diyos, at Hindi na Muling Pinaratangan ni Satanas
Kabilang sa mga pananalita ng Diyos na Jehovah ang mga salita na “hindi kayo nangagsasalita tungkol sa akin ng bagay na matuwid, na gaya ng aking lingkod na si Job.” Ano itong sinabi ni Job? Ito ay kung ano ang ating pinag-usapan dati, pati na rin ang maraming mga pahina sa Aklat ni Job kung saan naitala na nangusap si Job. Sa lahat ng mga pahina ng mga salita, hindi kailanman nagsabi si Job ng anumang mga reklamo o pagdududa tungkol sa Diyos. Hinihintay lamang niya ang kalalabasan. Ang paghihintay na ito ay ang kanyang saloobin ng pagkamasunurin, bunga nito, at bilang bunga ng mga salitang sinabi niya sa Diyos, si Job ay tinanggap ng Diyos. Nang siya ay nagtiis sa pagsubok at nagdusa sa paghihirap, ang Diyos ay nasa kanyang tabi, at kahit na ang kanyang paghihirap ay hindi nabawasan sa pamamagitan ng presensya ng Diyos, nakita ng Diyos kung ano ang nais Niyang makita, at narinig kung ano ang ibig Niyang marinig. Ang bawat isa sa kilos at salita ni Job ay naabot ang mga mata at tainga ng Diyos; dininig ng Diyos, at nakita Niya—at ito ay katotohanan. Ang kaalaman ni Job sa Diyos, at ang kanyang mga saloobin tungkol sa Diyos sa kanyang puso nang oras na iyon, sa panahon na iyon, ay hindi kasing tiyak ng mga tao sa panahong ito, ngunit sa konteksto ng oras, kinikilala pa rin ng Diyos ang lahat ng kanyang mga sinabi, dahil ang kanyang pag-uugali at ang pag-iisip sa kanyang puso, at kung ano ang kanyang ipinahayag, ay sapat na para sa Kanyang mga kinakailangan. Sa panahon ng si Job ay sumailalim sa mga pagsubok, at ang nasa puso niya at nalutas niyang gawin na ipakita sa Diyos ang isang kalalabasan, ang isa na kasiya-siya sa Diyos, at pagkatapos nito’y kinuha ng Diyos ang mga pagsubok ni Job, si Job ay nangibabaw mula sa kanyang mga pagsubok, at ang kanyang mga pagsubok ay nawala at hindi kailanman muling babalik sa kanya. Dahil si Job ay sumailalim sa mga pagsubok, at tumayo ng matatag sa panahon ng mga pagsubok, at ganap na nagtagumpay laban kay Satanas, binigyan siya ng Diyos ng mga biyaya na karapatdapat sa kanya. Gaya ng nakaulat sa Job 42:10, 12, si Job ay pinagpalang muli, at pinagpala na may higit sa unang pagkakataon. Sa oras na ito si Satanas ay sumuko, at hindi na nagsalita o gumawa ng anumang bagay, at pagkatapos ay hindi na pinaghimasukan o sinubok si Job ni Satanas, at si Satanas ay hindi na nagparatang laban sa pagpapala ng Diyos kay Job.
Ginugol ni Job ang Huling Kalahati ng Kanyang Buhay sa Gitna ng mga Pagpapala ng Diyos
Kahit na ang Kanyang mga pagpapala nang oras na iyon ay limitado sa mga tupa, baka, kamelyo, materyal na ari-arian, at iba pa, ang mga pagpapalang nais ng Diyos na ipagkaloob kay Job sa Kanyang puso ay higit pa kaysa dito. Sa panahon na iyon may naitala ba kung anong uri ng walang hanggang pangako ang ninais na ibigay ng Diyos kay Job? Sa Kanyang mga pagpapala kay Job, ang Diyos ay hindi nagbanggit o ginalaw ang kanyang katapusan, at walang kinalaman sa kung ano ang kahalagahan o posisyon ni Job sa loob ng puso ng Diyos, sa kabuuan alam ng Diyos ang Kanyang pagpapala. At Hindi ipinahayag ng Diyos ang Katapusan ni Job. Ano ang ibig sabihin nito? Sa oras na iyon, kapag ang plano ng Diyos ay hindi pa naaabot ang pagpapahayag ng katapusan ng tao, ang plano ay hindi pa pumapasok sa huling yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay walang sinabi tungkol sa katapusan, at basta nagbibigay ng materyal na pagpapala sa tao. Ang ibig sabihin nito ay na sa huling kalahati ng buhay ni Job gugugulin niya sa gitna ng pagpapala ng Diyos, kaya’t kaiba siya sa ibang tao —ngunit tulad ng mga ito siya ay tumatanda, at tulad ng sinumang karaniwang tao ang araw ay dumating na siya ay magpapaalam sa mundo. Kaya ito naitala na “Gayon namatay si Job, na matanda at puspos ng mga kaarawan” (Job 42:17). Ano ang ibig sabihin ng “namatay … puspos ng mga kaarawan” dito? Sa panahon bago ipinahayag ng Diyos ang katapusan, tinaningan ng Diyos ang buhay ni Job, kapag naabot niya ang edad na iyon hahayaan Niya si Job na likas na umalis mula sa sanglibutang ito. Mula sa ikalawang pagpapalakay ni Job hanggang sa kanyang kamatayan, ang Diyos ay hindi na nagdagdag ng anumang higit pang mga paghihirap. Para sa Diyos, ang pagkamatay ni Job ay likas, at kinakailangan din, ito ay isang bagay na napaka karaniwan, at hindi isang paghatol o ng isang pagsumpa. Habang siya ay buhay pa, sumamba si Job at natatakot sa Diyos; na patungkol sa kung anong uri ng katapusan mayroon siya kasunod nang kanyang kamatayan, walang sinabi ang Dioys, at hindi gumawa ng anumang mga komento tungkol dito. Ang Diyos ay mahusay magpasiya sa kung ano ang sinasabi Niya at ginagawa, at ang nilalaman at alituntunin ng Kanyang mga salita at mga kilos ay ayon sa mga yugto ng Kanyang gawain at sa panahon na Siya ay gumagawa. Anong uri ng katapusan ang mayroon si Job sa puso ng Diyos? Nagkaroon ba ang Diyos anumang uri ng desisyon sa Kanyang puso? Siyempre mayroon Siya! Ito ay hindi lamang ipinaalam sa tao; Hindi nais ng Diyos na sabihin sa tao, ni wala rin Siyang anumang intensyon na sabihin sa tao. At sa gayon, sa mababaw na pagsasalita, si Job ay namatay na puspos ang mga araw, at ganito ang buhay ni Job.
Ang Kahalagahan ay Isinabuhay ni Job sa Kanyang Buhay
Nabuhay ba si Job ng may kabuluhan? Nasaan ang Kabuluhan? Bakit sinabi na nabuhay siya ng buhay na may halaga? Sa tao, ano ang kanyang halaga? Mula sa paningin ng tao, kinakatawan niya ang sangkatauhan na nais iligtas ng Diyos, sa pagdadala ng tumataginting na patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas at ng mga tao sa mundo. Tinupad niya ang tungkulin na dapat na tuparin ng isang nilalang ng Diyos, at nagtakda ng isang mabuting halimbawa, at kumilos bilang isang modelo, para sa lahat ng sino mang ibig na maligtas ng Diyos, na nagpapahintulot sa mga tao upang makita na ito ay maaaring magtagumpay laban kay Satanas sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. At ano ang kanyang halaga sa Diyos? Sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job ay nasa kanyang kakayahan na matakot sa Diyos, sumamba sa Diyos, magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, at purihin ang gawa ng Diyos, na nagdadala ng kaginhawahan sa Diyos at isang bagay upang tamasahin; sa Diyos, ang halaga ng buhay ni Job ay sa kung paano, bago siya mamatay, ni Job naranasan ang mga pagsubok at nagtagumpay laban kay Satanas, at nagdala ng tumataginting na patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas at ng mga tao ng sanglibutan, na niluluwalhati ang Diyos sa sangkatauhan, inaaliw ang puso ng Diyos, at na nagpapahintulot sa sabik na puso ng Diyos upang masdan ang isang kinalabasan, at makita ang pag-asa. Ang kanyang patotoo ay nagtakda ng isang alinsunuran para sa kakayahan upang tumayong matatag sa kanyang patotoo sa Diyos, at sa pagdadala ng kahihiyan kay Satanas sa ngalan ng Diyos, sa gawain ng Diyos sa pamamahala ng sangkatauhan. Hindi ba ito ang halaga ng buhay ni Job? Si Job ay nagdulot ng kaaliwan sa puso ng Diyos, ibinigay niya sa Diyos ng unang tikim ng galak ng niluluwalhati, at nagbigay ng isang kahanga-hangang simula para sa plano sa pamamahala ng Diyos. At mula sa puntong ito ang pangalan na Job ay naging isang simbolo para sa pagkaluwalhati ng Diyos, at isang simbolo ng pagtatagumpay ng sangkatauhan laban kay Satanas. Ang isinabuhay ni Job sa panahon ng kanyang buhay at ang kanyang kapansin-pansin na tagumpay laban kay Satanas ay magpakailanman na itinatangi ng Diyos, at ang kanyang kasakdalan at katuwiran, at takot sa Diyos ay hahangaan at tutularan ng mga henerasyon na dadating. Siya ay habangbuhay na itatangi ng Diyos tulad ng isang walang kamali-mali, at umiilaw na perlas, at kaya siya ay karapat-dapat na itangi rin ng tao!
Sunod, tingnan natin ang gawain ng Diyos sa Panahon ng Kautusan.
D. Ang Mga Alituntunin sa Panahon ng Kautusan
1. Ang Sampung Utos
2. Ang Alituntunin para sa Pag-gawa ng mga Altar
3. Mga Alituntunin Para sa Pakiktungo sa mga Lingkod
4. Mga Alituntunin para sa Pagnanakaw at Kabayaran
5. Pagpapanatili ng Taon ng Sabbath at ang Tatlong Pista
6. Mga Alituntunin para sa Araw ng Sabbath
7. Mga Alituntunin Para sa Mga Handog
a. Sinunog na Handog
b. Handog na Karne
c. Handog para sa Kapayapaan
d. Handog Para Sa Kasalanan
e. Handog para sa Walang Pahintulot
f. Mga Alituntunin para sa Handog ng Mga Saserdote (Si Aaron at ang Kanyang mga Anak na lalaki ay Inutusang Sumunod)
1) Sinunog na Handog ng mga Saserdote
2) Handog na Karne ng mga Saserdote
3) Handog para sa Kasalanan ng mga Saserdote
4) Handog para sa Walang Pahintulot ng mga Saserdote
5) Handog para sa Kapayapaan ng mga Saserdote
8. Mga Alituntunin para sa Pagkain ng Handog ng mga Saserdote
9. Malinis at Hindi Malinis na Hayop (Yaong Aling Maaari at Hindi Maaaring Kainin)
10. Mga Alituntunin sa Pagdadalisay sa mga Babae Matapos Manganak
11. Pamantayan para sa Pagsusuri ng Ketong
12. Mga Alituntunin Para sa mga Pinagaling mula sa Ketong
13. Mga Alituntunin para sa Paglilinis ng mga Nalalinang Bahay
14. Mga Alituntunin Para sa mga Naghihirap Mula sa Di Pangkaraniwang Pagdidiskarga
15. Ang Araw ng Pagbabayad-puri Na Dapat Ganapin Ng Isang Beses sa Isang Taon
16. Mga Panuntunan para sa Pagpatay ng mga Baka at Tupa
17. Ang Pagbabawal Sa Pagsunod sa mga Kasuklamsuklam na Gawain ng mga Gentil (Pakikiapid sa kadugo at iba pa)
18. Mga Alituntunin na Dapat Sundin ng mga Tao (“Ikaw ay dapat maging banal: sapagka’t akong PANGINOON na inyong Diyos ay banal.”)
19. Ang Pagbibitay sa Mga Nagsakripisyo ng Kanilang mga Anak kay Molec
20. Mga Alituntunin para sa Parusa sa Krimen ng Pangangaliwa
21. Batas Na Dapat Sundin ng Mga Saserdote (Panuntunan para sa Kanilang Pang-araw-araw na Pag-uugali, Panuntunan para sa Paggamit ng Banal na Bagay, Panuntunan para sa Paggawa ng Handog, at iba pa)
22. Mga Kapistahan na Dapat Ganapin (Ang Araw ng Sabbath, Paskua, Pentekoste, ang Araw ng Pagbabayad-puri, at iba pa)
23. Iba pang mga Mga Alituntunin (Pagsusunog ng Mga Lampara, sa Taon ng Jubileo, ang Pagtubos ng Lupa, Paggawa ng mga Panata, ang Paghahandong ng Ikasampug bahagi, at iba pa)
Ang mga Alituntunin ng Panahon ng Kautusan ay ang Tunay na Katibayan ng Pamamahala ng Diyos sa Sangkatauhan
Ngayon, nabasa ninyo ang mga alituntunin at prinsipyo ng Panahon ng Kautusan, di ba? Malawak ba ang pinalilibutan ng mga alituntuning ito? Una, suklob nito ang Sampung Utos, matapos ay ang mga alituntunin kung paano bumuo ng mga dambana, at iba pa. Ang mga ito ay sinundan ng mga alituntunin para sa pagpapanatili ng Sabbath at paggaganap ng tatlong pista, matapos ay ang kautusan tungkol sa mga handog. Nakita niyo ba kung ilang uri ng handog ang mayroon? May mga handog na susunugin, mga handog na karne, handog para sa kapayapaan, handog para sa kasalanan, at iba pa, na kung saan ay sinundan ng mga alituntunin para sa mga handog ng mga saserdote, kabilang handog na susunugin at mga handog na karne ng mga saserdote, at iba pang mga uri ng mga handog. Ang ika-walong alituntunin ay para sa pagkain ng mga handog ng mga saserdote, at pagkatapos ay may mga alituntunin para sa kung ano ang dapat ma-obserbahan sa panahon ng buhay ng mga tao. May mga takda para sa maraming mga aspeto ng buhay ng mga tao, tulad ng mga alituntunin para sa kung ano ang kanilang maaaring o hindi maaaring kainin, para sa pagdadalisay ng mga babae matapos manganak, at para sa mga taong pinagaling sa ketong. Sa mga alituntunin na ito, ang Diyos ay pumupunta sa malayo upang nagsalita ng patungkol sa mga sakit, at mayroon mga panuntunan para sa pagpatay ng mga tupa at mga baka, at iba pa. Ang mga tupa at mga baka ay nilikha ng Diyos, at dapat mong patayin ang mga ito sa kung paano sa iyo sabihin ng Diyos; mayroong, ng walang pagdududa, dahilan ang mga salita ng Diyos, at walang duda na tama lang na kumilos ng naayon na itinalaga ng Diyos, at tiyak na kapaki-pakinabang sa mga tao! Mayroon ding mga kapistahan at mga panuntunan na dapat ganapin, tulad ng mga Araw ng Sabbath, Paskua, at madami pa—ang Diyos ay sinabi ang lahat ng mga ito. Tingnan natin ang mga nahuhuli: Iba pang mga Mga Alituntunin—Pagsusunog ng Mga Lampara, Ang Taon ng Jubileo, ang Pagtubos ng Lupa, Paggawa ng mga Panata, ang Paghahandong ng Ikasampug bahagi, at iba pa. Malawak ba ang sakop nito? Ang unang bagay na dapat pag-usapan ay ang paksa ng mga handog ng tao, pagkatapos ay ang mga alituntunin para sa pagnanakaw at kabayaran, at ang pagganap ng araw Sabbath…; bawat isang bahagi ng buhay ay kasama. Na ang ibig sabihin, nang nagsimula ang Diyos sa gawain ng Kanyang plano sa pamamahala, naglatag Siya ng madaming alituntunin na dapat sundin ng tao. Ang mga alituntunin na ito ay hinayaan ang tao na mamuhay ng normal na buhay ng tao sa mundo, isang pangkaraniwang buhay ng tao na hindi maihihiwalay sa Diyos at sa Kanyang patnubay. Unang sinabi ng Diyos sa tao kung paano gumawa ng mga dambana, paano ilagay ang mga dambana. Pagkatapos yaon, sinabi Niya sa tao kung paano gumawa ng mga handog, at itinatag kung paano ang tao ay dapat mabuhay—kung ano ang dapat niyang bigyang-pansin sa buhay, kung ano ang dapat niyang sundin, kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Ang ibinigay Diyos para sa tao ay sumasakop sa lahat, at sa mga kaugalian na ito, alituntunin, at mga prinsipyo ay nagbigay Siya ng pamantayan para sa pag-uugali ng mga tao, ginabayan ang kanilang mga buhay, ginabayan ang kanilang pagtanggap sa mga kautusan ng Diyos, ginabayan sila sa paglapit sa harap ng dambana ng Diyos, pinatnubayan sila sa pagkakaroon ng buhay sa lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos para sa tao na may kaayusan, kapanayan, at kahinahunan. Unang ginamit ng Diyos ang mga simpleng mga alituntunin at mga prinsipyo upang magtakda ng mga hangganan para sa tao, sa gayon ay sa lupa man ay magkaroon ang tao ng isang pangkaraniwang buhay na sumasamba sa Diyos, magkaroon ng pangkaraniwang buhay ng tao; ito ang tiyak na nilalamin ng panimula ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala. Ang mga alituntunin at mga patakaran ay nakakasakop sa napaka-lawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan, sila ay tatanggapin at pararangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Panahon ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.
Ang Sangkatauhan ay Habangbuhay na Hindi Maihihiwalay Mula sa mga Turo at Panustos ng Diyos
sa mga alituntuning ito nakita natin ang saloobin ng Diyos sa Kanyang mga gawa, sa Kanyang pamamahala, at sa sangkatauhan ay lubhang seryoso, taos-puso, mahigpit, at responsable. Ginagawa niya ang gawain na dapat Niyang gawin sa sangkatauhan ayon sa Kanyang mga hakbang, nang walang maski maliit na pagkakaiba, pinapahayag ang mga salita na dapat Niyang sabihin sa sangkatauhan nang walang katiting na pagkakamali o pagkukulang, na nagpapahintulot sa tao na makita na siya ay hindi maaaring ihiwalay mula sa pamumuno ng Diyos, at pinakita sa kanya kung gaano kahalaga ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi alintana sa kung ano ang tao sa susunod na panahon, sa madaling sabi, sa pinaka-simula—sa Panahon ng Kautusan—Ginawa ng Diyos ang mga simpleng bagay na ito. Sa Diyos, ang mga konsepto ng tao, ang sanlibutan, at ang sangkatauhan sa panahong iyon ay mahirap unawain at malabo, at kahit na sila ay nagkaroon ng ilang may kamalayang ideya at intensyon, ang lahat sa kanila ay hindi maliwanag at hindi tama, at sa gayon ang sangkatauhan ay hindi maaaring ihiwalay mula sa mga turo ng Diyos at mga pantustos para sa kanila. Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay kailangan simulan ang pagtuturo sa kanila sa pinaka-mababaw at mga pangunahing mga prinsipyo para sa kaligtasan ng buhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang unti-unti, at binibigyan ang tao ng paunti-unting pang-unawa sa Diyos, isang paunti-unting pagpapahalaga at pang-unawa ng pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan ng mga alituntunin na ito, at sa pamamagitan ng mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos makamit ang kinalabasang ito, saka lamang ang Diyos nakapagsimulang unti unting gawin ang trabaho na gagawin Niya, kaya ang mga alituntunin at gawa na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan ay ang pundasyon ng Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng Diyos sa kanyang plano sa pamamahala. Kahit na, bago ang gawain ng Panahon ng Kautusan, ang Diyos ay nagsabi kay Adan, Eba, sa kanilang mga anak, ng mga utos at mga aral ay hindi masyadong maparaan o tiyak na nangangailangang sabihin nang paisa-isa sa sangkatuhan, at hindi sila nasusulat, at hindi sila naging mga alituntunin. Iyon ay dahil, nang panahong iyon, ang plano ng Diyos ay hindi pa ganoon kalawak; nang maituro ng Diyos sa tao ang hakbang na ito, tanging kapag ginabayan ng Diyos ang tao sa hakbang na ito, saka lang Niya maaaring simulan na sabihin ang mga alintuntunin ng Panahon ng Kautusan, at simulan ipagawa sa mga tao ang mga ito. Ito ay isang kinakailangang proseso, at ang kalalabasan ay hindi maiiwasan. Ang mga simpleng mga kaugalian at mga alituntunin na ito ay nagpapakita sa tao ng mga hakbang ng gawain sa pamamahala ng Diyos at ang karunungan ng Diyos na naihayag sa Kanyang plano sa pamamahala. Alam ng Diyos kung ano ang nilalaman at paraan na gagamitin para magsimula, ano ang mga gagamitin upang magpatuloy, at kung anong paraan ang gagamitin para tapusin at upang makamtan Niya ang grupo ng mga tao na magdadala ng patototoo sa Kanya, magkamit ng grupo ng tao na may parehong pag-iisip sa Kanya. Alam niya kung ano ang nasa loob ng tao, at alam kung ano ang kulang sa tao, alam Niya kung ano ang dapat Niyang ibigay, at kung paano Siya dapat mamuno sa tao, at alam Niya kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng tao. Ang tao ay parang isang manika: Kahit na siya ay walang-pang-unawa sa kalooban ng Diyos, hindi niya mapigilang mapangunahan ng gawain sa pamamahala ng Diyos, unti-unti, hanggang sa araw na ito. Walang kalabuan sa puso ng Diyos tungkol sa kung ano ang dapat Niyang gawin; sa Kanyang puso nagkaroon ng isang napaka malinaw at matingkad na plano, at ginawa Niya ang gawain na Siya Mismo ay nagnais na gawin na sang-ayon sa Kanyang mga hakbang at sa Kanyang mga plano, sumusulong mula sa mababaw hanggang sa malalim. Kahit na hindi Niya sinabi ang gawain na gagawin Niya sa susunod, ang Kanyang susunod na gawain ay patuloy na nangyayari at sumusulong alinsunod sa Kanyang plano, na isang paghahayag ng kung ano ang meron at kung ano ang Diyos, at ang awtoridad ng Diyos. Hindi alintana kung aling yugto ng Kanyang plano sa pamamahala ang ginagawa Niya, ang Kanyang katangian at kanyang kasangkapan ay kumakatawan sa Sarili Niya—at walang pagkakamali dito. Anuman ang edad, o ang yugto ng trabaho, kung anong uri ng mga tao ang mahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinapopootan Niya, ang Kanyang katangina at lahat ng mayroon Siya ay hindi kailanman magbabago. Kahit na ang mga regulasyon at alituntunin na itinatag ng Diyos sa Panahong ng Kautusan tila napaka-simple at mababaw sa mga tao ngayon, at kahit na ang mga ito ay madaling maunawaan at makamit, mayroon pa ring karunungan ng Diyos sa mga ito, at mayroon pa rin na disposisyon ng Diyos at kung ano ang meron Siya at kung ano Siya. Dahil sa loob ng mga tila simpleng alituntuning ito ay ipinahayag ang responsibilidad ng Diyos at pag-aalaga sa sangkatauhan, at ang katangi-tanging diwa ng Kanyang mga saloobin, na nagpapahintulot sa tao na lubos na mapagtanto ang katunayan na ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay kontrolado ng Kanyang kamay. Hindi alintana sa kung gaano karami ang kaalaman ng tao, o kung gaano karaming teorya o misteryo ang kanyang nauunawaan, sa Diyos wala sa mga ito ang may kakayahan na palitan ang Kanyang panunustos, at pamumuno sa sangkatauhan; ang sangkatauhan ay magpakailanman hindi mapaghihiwalay mula patnubay ng Diyos at ang personal na gawain ng Diyos. Ganito ang hindi mapaghiwalay na kaugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos. Hindi alintana kung nagbibigay sa iyo ang Diyos ang isang utos, o alituntunin, o nagbibigay ng katotohanan upang iyong maunawaan ang Kanyang kalooban, kahit na ano ang ginagawa Niya, ang layunin ng Diyos ay upang gabayan ang tao sa isang magandang kinabukasan. Ang mga salitang sinabi ng Diyos at ang gawain Niya ay parehong mga paghahayag ng isang aspeto ng kanyang diwa, at ang paghahayag ng isang aspeto ng Kanyang disposisyon at ang Kanyang karunungan, ang mga ito ay kinakailangang mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala. Ito ay hindi dapat laktawan! Ang kalooban ng Diyos ay nasa kung anumang ginagawa Niya; ang Diyos ay hindi natatakot sa mga masasakit na salita, at hindi rin Siya takot sa anumang mga pagkaintindi o saloobin ng tao tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at patuloy sa Kanyang pamamahala, alinsunod sa Kanyang plano sa pamamahala, hindi napapanghawakan ng sinumang tao, o bagay.
Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento