Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tanging Paraan Para Maiwasan ang Sakuna
Chaotuo Siyudad ng Xiaogan, Probinsiya ng Hubei
Mula nang lumindol sa Sichuan, lagi na akong natatakot at nag-aalala na maaari akong dalawin ng sakuna isang araw. Sa partikular dahil nakita ko ang paglubha ng mga sakuna, at mas dumadalas ang mga lindol, mas tumampok ang takot ko sa napipintong disgrasya. Bilang resulta, gumugugol ako ng mga buong araw sa kaiisip kung anong mga pag-iingat ang dapat kong gawin para pangalagaan ang sarili ko sakaling lumindol.
sang araw, sa pananghalian, binuksan ng kapatid na babae ng pamilyang nagpapatuloy sa akin ang TV tulad ng dati, at nataong nagsasabi ang tagapagbalita tungkol sa mga hakbang sa kaligtasan sa lindol. Sakaling lumindol, dapat kang mabilis na tumakbo palabas sa bakanteng lugar para maiwasang mapinsala ng gumuguhong gusali. Kung hindi ka agad makaalis, dapat kang magtago sa ilalim ng kama, mesa o sa isang sulok…. Pagkarinig ko nito, naramdaman kong parang natagpuan ko ang isang kalutasan sa pagliligtas ng buhay, at mabilis na kinabisado ang mga hakbang sa pag-iingat na ito, para mailigtas ko ang sarili kong buhay sakaling lumindol. Bumalik ako sa kuwarto ko pagkatapos mananghalian, at maingat na tumingin sa paligid ng loob at labas ng bahay at labis na nabigo sa nakita ko: Isang toneladang basura ang nasa ilalim ng kama, at walang lugar para pagtaguan. Pagtingin sa labas ng bahay, ilang daang metro kung saan ako nakatayo, lahat ng gusali ay 5 o 6 na palapag ang taas, at magkakadikit. Kahit umalis ako sa gusali pinakamalamang pa ring madurog ako hanggang kamatayan. Tila magiging napakamapanganib ang pagtupad ko ng mga tungkulin dito. Kakailanganin kong hintayin ang pinuno ng distrito na dumating para ilipat ako sa isang nagpapatuloy na pamilya sa nayon. Sa gayong paraan, kapag lumindol, mas madaling tumakbo palabas sa bakanteng lugar. Pero naisip ko: Ang trabaho kong magrebisa ng mga artikulo ay pangunahing ginagawa sa loob ng bahay—kahit ang pamumuhay sa kanayunan ay maglalagay pa rin sa buhay ko sa panganib. Baka mas mabuti pang sabihin ko sa pinuno ng distrito na ilipat ako sa isang pangalawang hanay na pangkat ng ebanghelyo. Sa gayong paraan buong araw akong nasa labas kahit paano, at magiging mas ligtas kaysa manatili sa tahanan. Ang problema lang, hindi ko alam kung kailan darating ang pinuno ng distrito. Kailangan ko pa ring maghanda ng kublihan pansamantala. Kaya, nabuhay ako sa takot araw-araw, at hindi nakatutok sa pagrebisa ko ng mga artikulo.
Hanggang isang araw, nakita ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos, “Sa pagdating ng sakuna; tag-gutom at salot ay sasapit sa mga taong tumututol sa Akin at sila ay mag-iiyakan. Yaong mga nakagawa ng lahat ng klase ng kasamaan sa mahabang panahon bilang Aking tagasunod ay hindi dapat walang kasalanan; sila rin ay mabubuhay sa patuloy na estado ng takot sa gitna ng sakuna na bahagyang nakita sa nakaraan. Ang mga tagasunod Ko lamang na naging matapat sa Akin ang magagalak at magbibigay papuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang hindi maipahayag na kaligayahan at ang mamuhay sa kagalakan na kailanman hindi Ko pa naipagkakaloob sa sangkatauhan. … Sa anumang pagkakataon, sana ay gumawa kayo ng sapat na mabuting gawain bilang paghahanda sa inyong sariling hantungan. Pagkatapos lamang nito Ako masisiyahan; walang sinuman sa inyo ang makatatakas sa sakuna. Ang sakuna ay ibinaba Ko at siguradong nasa pagsasaayos Ko. Kung hindi ninyo kayang gumawa ng kabutihan sa Aking presensya, kung gayon, hindi kayo makatatakas sa pagdurusang dala ng sakuna” (“Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ginising ako ng mga salita ng Diyos. Ang kinalabasan, Diyos ang nagsasanhi ng mga sakuna—Siya ang nagpapadala ng mga ito. Gustong gamitin ng Diyos ang mga sakuna para wasakin ang masama at tiwaling sangkatauhan. Ito ang nais gawin ng Diyos sa huling mga araw. Hindi ito alam ng mga di-naniniwala, at inaakalang natural na sakuna ang mga ito. Kaya gumagamit sila ng mga paraan ng tao, mga pagsisikap ng tao para iligtas ang kanilang sarili kapag naharap sa mga sakuna. Inaakala nilang kaya nilang iwasan ang pagkawasak ng iba’t ibang sakuna sa paggawa nito. At ako, na ignorante, ay naniwala sa Diyos pero hindi man lang alam ang gawa ng Diyos. Iniisip kong ang kailangan ko lang gawin ay sundin ang mga hakbang sa pag-iingat ng mga di-naniniwala at matatakasan ko ang pagdurusang dulot ng mga sakuna at mabubuhay. Tunay na baligho na paniniwalaan ko ang parehong pananaw ng mga di-naniniwala! Hindi ba dapat kong nalamang kung hindi isinasagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin nang tapat at nabigong isagawa ang mabuting mga gawa, hindi sila makikita sa mga mata ng Diyos bilang mabuti? Gaano man ang pagkamakapangyarihan ng mga tao, gaano man kaabante ang kanilang mga hakbang sa pag-iingat, o gaano man kaperpekto ang kanilang mga plano sa pagliligtas ng sarili, sa dulo nito walang pagtakas sa mga sakunang iyong pinabisita ng Diyos sa tao. Mula sa iba’t ibang tugon sa banta ng sakuna, malinaw na wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos. Wala akong tunay na pagkaunawa sa gawa ng Diyos sa mga huling araw at sa Kanyang pagkamapangyarihan at soberanya. Wala akong ideya kung sino ang nais wasakin ng Diyos sa mga sakuna, o kung sino ang nais iligtas ng Diyos, ni hindi ko nalaman na sa mga sakuna, tanging silang nananampalataya sa Diyos at nakapaghanda ng sapat na mabuting mga gawa ang siyang nakaliligtas sa kalamidad. Kung gayon, kapag nakaamba ang banta ng sakuna, sa halip na limiin kung nakapaghanda ako o hindi ng mabuting mga gawa, naging matapat sa Diyos, hinanap ang katotohanan at natanggap ang kaligtasan ng Diyos, inubos ko ang oras ko sa kaiisip ng mga paraan para iligtas ko ang sarili. Kung walang katotohanan, ganyan tayo nagiging kahabag-habag!
Sa panahon ni Noah, nang wasakin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, dahil may takot sa Diyos si Noah at lumayo sa kasamaan, nagtayo ng arko ayon sa kagustuhan ng Diyos, ginugol lahat ayon sa kahilingan ng Diyos, at ipinakita ang lubos niyang katapatan, nakita siya ng Diyos bilang mabuti. Kung gayon, nang dumating ang sakuna, nakaligtas lahat ang walong kasapi ng kanyang pamilya. Sa puntong ito, naalala ko ang tinalakay sa “Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay,” “Kung hindi ka naghanda ng anumang mabuting mga gawa, kapag dumating ang sakuna, mangangamba ang puso mo buong araw. Kung walang mabuting mga gawa, walang ginhawang mararamdaman ang puso ng tao, at wala siyang kumpiyansa o kapayapaan sa kanyang puso. Dahil hindi siya naghanda ng mabuting mga gawa, walang tunay na kapayapaan at ligaya sa kanyang puso. Ang mga gumagawa ng masama ay inuusig ang budhi, at masama ang puso. Habang mas maraming masamang gawa ang ginagawa nila, mas inuusig ang pakiramdam nila at mas natatakot sila. Kapag dumating ang malaking sakuna, kailangan mong gumawa ng mas maraming mabuti at maghanda ng mas maraming mabuting gawa para maginhawahan ang puso mo at mapayapa. Noon ka lamang makadarama ng kapayapaan at ginhawa sa iyong puso kapag dumating ang sakuna.” (“Ang Mahalagang Kahulugan sa Likod ng Paghahanda ng mga Mabubuting Gawa” sa Pagbabahagi at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Nang maisip ko kung paano ako di-mapakali at kinakabahan buong araw, natatakot sa sarili kong kamatayan sa sakuna, napagwari kong dahil ito sa hindi ko nagawa nang tapat ang tungkulin ko at hindi nakapaghanda ng anumang mabuting mga gawa. Sa pagtupad sa tungkulin ko, hindi ko talaga kailanman pinasan ang bigat ng mga gawaing iniatang sa akin ng iglesia. Hindi ko kailanman ginawa ang mga tungkulin ko nang may pusong nananampalataya sa Diyos. Sa halip, nilinlang at hinarap ko ang Diyos para matugunan ang pangangailangan ng laman. Wala akong gaanong ginawa sa mga artikulong ipinadala sa akin, kundi pahapyaw na nirebisa ang mga ito at ninais lang na matapos ang gawain. Nang makita ko kung gaano kagulo ang mga artikulong sinulat ng mga kapatid, hindi ko sila ginabayan at tinulungan nang matiyaga, kundi nagsulat lang ng ilang komento, walang pakialam kung naunawaan nila ang mga ito o kung makatutulong ang mga ito sa kanila. Sa halip, nagmamadali kong ibinalik sa kanila ang mga artikulo, at pagkaraan ay paunti nang paunti ang mga artikulong tinanggap ko para iwasto. Bilang resulta, nahinto lahat ang gawaing editoryal. Gayon man, hindi ko nilimi ang mga kilos ko, ni hindi ko sinubukang kilalanin at iwasto ang pinagmulan ng problema, kundi sinisi ang pinuno, sinasabing nagkaroon ng mga problema dahil hindi niya pinahalagahan ang gawaing editoryal. Paano ko naipagpalagay na nasisiyahan ang Diyos sa gayong mga kilos at sa gayon ay maginhawahan sa puso ko? Sa ganitong paraan, paano ako makikita bilang mabuti sa mga mata ng Diyos? Kapag nagpatuloy ako sa ganitong landas at hindi sinundan nang wasto ang katotohanan, nabigong maging tapat sa ipinagkatiwala sa akin ng iglesia, at hindi naghahanda ng sapat na mabuting mga gawa, tiyak hindi ko matatakasan ang ngitngit ng parusa ng Diyos sa mga masasama kahit sundin ko ang mga pag-iingat na itinakda ni Satanas kapag dumating ang sakuna.
Salamat sa Diyos sa Kanyang paggabay na mabuksan ang aking isipan upang hayaan akong maunawaan na sa pamamagitan lamang ng pagtupad nang wasto sa tungkulin ko at pagsasagawa ng sapat na mabuting mga gawa na makakamit ko ang kaligtasan mula sa pagdurusang dulot ng mga sakuna at makaligtas nang buhay. Ito lang ang nag-iisa at tanging paraan. Sa hinaharap, nais kong sundan nang wasto ang katotohanan, maging tapat hangga’t maaari sa pagtupad ng mga tungkulin ko, at maghanda ng sapat na mabuting mga gawa upang masiyahan ang Diyos.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento