Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Enero 4, 2018

Kabanata 34. Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 34. Ang Kahalagahan at Pagsasagawa ng Panalangin

    Paano ba kayo nananalangin sa kasalukuyan? Paano ito isang pinahusay sa relihiyosong mga panalangin? Ano ba talaga ang inyong naiintindihan tungkol sa kahalagahan ng panalangin? Nasiyasat na ba ninyo ang mga katanungang ito? Ang sinumang hindi nananalangin ay malayo sa Diyos, ang sinumang hindi nananalangin ay sumusunod sa kanilang sariling kalooban; ang hindi pananalangin ay nagpapahiwatig ng pagiging malayo mula sa Diyos at pagtataksil sa Diyos. Ano ang inyong talagang karanasan sa panalangin? Sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay malapit nang magwakas at ang kaugnayan sa pagitan ng Diyos at tao ay maaaring makita mula sa panalangin ng tao. Paano ka gumagawi kapag ang mga taong nasa ibaba mo ay pinupuri ka at pinapupurihan ka para sa mga resulta na iyong ipinakikita sa iyong gawain? Paano ka tumutugon kapag binibigyan ka ng mga tao ng mga mungkahi? Nananalangin ka ba sa harapan ng Diyos? Nananalangin ba kayo kapag mayroon kayong mga usapin at mga kahirapan, ngunit nananalangin ba kayo kapag kayo ay nasa mabuting kalagayan, o kapag nararamdaman ninyo na nagkaroon kayo ng isang matagumpay na pagtitipon? Kaya karamihan sa inyo ay hindi nananalangin! Kung ikaw ay nakapagdaos ng isang matagumpay na pagtitipon, kailangan mong maghandog ng isang panalangin; kailangan mong maghandog ng isang panalangin ng pagpupuri. Kapag pinupuri ka ng sinuman, at ikaw ay nagiging mapagmapuri, nararamdaman na parang taglay mo ang katotohanan, pagkatapos ay babagsak ka sa isang maling kalagayan, ngunit ang iyong puso ay magiging masaya pa rin, at hindi ka magkakaroon ng isang panalangin ng pagpupuri, lalong hindi ng isang panalangin ng pasasalamat. Ang bunga ng iyong pagbagsak sa ganitong kalagayan ay ang iyong susunod na pagtitipon ay nakababagot, hindi ka magkakaroon ng mga salitang sasabihin, at ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa. Hindi mauunawaan ng mga tao ang kanilang sariling mga kalagayan, sila ay gagawa ng kaunting gawain at tatamasahin ang mga bunga ng kanilang gawain. Sa isang negatibong kalagayan, mahirap masabi kung ilang mga araw ang kailangan nila upang makabawi. Ang ganitong uri ng kalagayan ang pinakamapanganib. Lahat kayo ay nananalangin kapag kayo ay mayroong isang kalagayan o kapag hindi ninyo nakikita nang malinaw ang mga bagay; nananalangin kayo kapag kayo ay may mga pag-aalinlangan at mga pag-aalangan tungkol sa isang bagay o ang inyong tiwaling disposisyon ay nahayag. Nananalangin lamang kayo kapag mayroon kayong pangangailangan sa isang bagay. Dapat ka ring manalangin kapag mayroon kang tagumpay sa iyong paggawa. Kapag nagtamo ka ng ilang mga resulta sa iyong paggawa, nagagalak ka, at sa sandaling ikaw ay nagalak, hindi ka nananalangin; ikaw ay palaging masaya at palaging nabibitag sa loob. Ang ilan sa inyo sa panahong ito ay nakatatanggap ng disiplina: Kapag ikaw ay namimili, nagkaroon ka ng suliranin at hindi maganda ang mangyayari sa iyo; sasabihan ka ng maraming lisyang mga salita ng nagtitinda na maasiwa ka at magigipit, at hindi mo pa rin nalalaman kung sa paanong paraan ka nagkasala sa Diyos. Sa totoo lang, kadalasan, ginagamit ng Diyos ang panlabas na kapaligiran upang disiplinahin ka; halimbawa, ginagamit Niya ang mga bagay kagaya ng isang hindi sumasampalataya na nakikipagtalo sa iyo, o pagkanakaw ng iyong salapi upang hindi ka mapalagay. Sa katapusan, lalapit ka sa harapan ng Diyos upang manalangin at habang ikaw ay nananalangin, ang ilang mga salita ay lalabas. Makikilala mo na ang iyong kalagayan ay hindi tama, halimbawa, nasisiyahan ka at nagagalak sa iyong sarili…, pagkatapos ay maiinis ka sa iyong pansariling kasiyahan. Kasama ng mga salita sa iyong panalangin, ang hindi tamang kalagayan sa loob mo ay manunumbalik. Sa sandaling ikaw ay manalangin, ang Banal na Espiritu ay gagawa sa iyo; bibigyan ka Niya ng isang uri ng damdamin at aalisin ka sa hindi tamang kalagayan. Ang panalangin ay hindi lahat tungkol sa paghingi nang paghingi, at hindi ito paghahangad sa Diyos kapag ikaw ay nagugutom; kung ikaw ay hindi nagugutom, kailangan mo bang manalangin? Kapag ikaw ay busog, dapat ka ring manalangin.


   Natuklasan ba ninyo kapag tumagal ka sa mahabang panahon nang hindi nananalangin, bagamat mayroon kang lakas at hindi ka negatibo, o nararamdaman mo na mayroon kang lalong normal na kalagayan sa loob, mararamdaman mo na ginagawa mo ang mga bagay nang mag-isa at walang mga resulta sa kung ano ang ginagawa mo? Nasabi Ko na noong una: “Ang mga tao ay nakikibahagi sa kanilang sariling mga kapakanan at ginagawa ang kanilang gustong gawin.” Sa kasalukuyan, ang mga tao ay hindi nananalangin kapag sila ay gumagawa; Ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso sa anumang paraan, at iniisip nilang: “Gagawin ko na lamang ito alinsunod sa mga kaayusan sa paggawa at sa paanuman hindi ako gagawa ng anumang bagay na mali o magagambala ang anumang bagay ….” Hindi ka nanalangin at higit sa rito hindi nagbigay ng mga pasasalamat. Napakalala ng sitwasyong ito! Madalas, nalalaman mo na ang kalagayang ito ay hindi tama, ngunit wala kang wastong pamamaraan para gumawa ng pagbabago, at bilang resulta, hindi ka na makaiiwas pa. Bagamat naiintindihan mo ang katotohanan, hindi mo maisasagawa ito; kahit na naiintindihan mo ang iyong hindi wastong kalagayan sa loob (pagiging arogante, tiwali, o mapaghimagsik), hindi ka makagagawa ng pagbabago o mapipigilan ito. Ang mga tao ay abala sa paggawa ng kanilang sariling bagay at hindi pinakikinggang mabuti ang gawain o ang pagsasagawa ng Banal na Espiritu. Ang ipinagmamalasakit lamang nila ay ang kanilang sariling mga bagay at bilang resulta, nililisan sila ng Banal na Espiritu. Sa oras na nilisan sila ng Banal na Espiritu, makadarama sila ng kadiliman at pagkatuyo; hindi sila makatatanggap ng kahit kaunting pagkain o kasiyahan. Maraming mga tao ang nananalangin lamang ng isang beses sa bawat kalahating taon. Inaasikaso nila ang kanilang mga bagay-bagay at ginagawa ang kanilang gawain, ngunit sila ay nababagot, kung minsa’y iniisip: “Ano ang aking ginagawa, at kailan ito magwawakas?” Maging ang mga saloobing ito ay babangon. Ang hindi pananalangin sa mahabang panahon ay talagang mapanganib! Ang panalangin ay napakahalaga! Ang buhay iglesia nang walang pananalangin kailanman ay ginagawa talagang nakababagot at tigang ang mga pagtitipon. Kung gayon, kapag kayo ay magkakasama, kayo ay dapat na palaging nananalangin at naghahandog ng papuri, at ang Banal na Espiritu ay gagawa nang husto. Ang kalakasan na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa mga tao ay walang katapusan; magagamit ito ng mga tao sa lahat ng panahon nang hindi ito mapapagod—ito ay palaging mayroon nito. Kapag nananangan sa kanilang mga sarili, maaaring taglay ng mga tao ang kaloob sa pangungumbinsi ngunit kapag ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa rito, kung gayon ano ang kanilang maisasakatuparan? Kadalasan, ang mga tao ay nananalangin nang tatlo hanggang limang beses nang isa o dalawang parirala, “Oh Diyos, pinasasalamatan Kita, pinupuri Kita,” pagkatapos ay wala na silang masasabi pa, hindi na nila mabuksan ang kanilang mga bibig. Sabihin mo sa Akin kung anong antas ng paniniwala ang ganito; ito ay talagang mapanganib! Tama? Naniniwala ang mga tao sa Diyos, ngunit hindi nila taglay ang mga salita upang purihin Siya o pasalamatan Siya, at hindi nila taglay ang mga salita upang bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos. Ni hindi sila nagangahas na bigkasin ang mga salitang “humiling sa Diyos,” at sila ay masyadong nahihiya na sabihin ang mga ito. Napakasama nila! Sa kabila ng katotohanan na nagsasalita ka ukol sa Diyos at pinapapasok mo ang Diyos sa iyong puso, kung hindi ka lalapit sa harapan ng Diyos, at ang iyong puso ay malayo mula sa Diyos, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa. Lalo na kayong mga tagapanguna—hindi namin babanggitin ang mga tao sa ibaba—sa bawat umaga kapag ikaw ay gumigising, dapat kang manalangin. Pagkatapos mong manalangin, ang iyong araw ay talagang magiging maganda at masagana, madadama mo ang Banal na Espiritu sa tabi mo na iniingatan ka sa lahat ng oras. Kung hindi ka nanalangin sa loob ng isang araw, o kung pinalipas mo ang tatlo o limang araw nang hindi nananalangin, mararamdamang lalo na ikaw ay nalulungkot at nag-iisa. Kasasabikan mo ang iyong mga mahal sa buhay at ang iyong paghahangad at pagnanasa ay lalong titindi.

     Ngayon ay Aking nakita na ang lahat ng mga tao ay may isang suliranin: Kapag sila ay mayroong isang usapin, lumalapit sila sa harapan ng Diyos, ngunit ang panalangin ay panalangin at ang mga usapin ay mga usapin, at iniisip ng mga tao na hindi sila magsasalita tungkol sa mga usapin kapag sila ay mananalangin. Madalang lamang kayong magkaroon ng isang totoong panalangin, at ang ilan sa inyo ay ni hindi marunong manalangin; sa totoo lang, ang panalangin ay pangunahin nang tungkol sa pagsasabi kung ano ang nasa loob ng inyong puso, parang isa lamang normal na pakikipag-usap. Gayunman, pinipili ng ilang mga tao ang maling katayuan kapag sila ay nananalangin, at hindi alintana kung ito man ay kaayon sa kalooban ng Diyos o hindi, hinihiling nila sa Diyos na ipagkaloob sa kanila kung ano ang hinihingi nila. Bilang resulta, habang lalo silang nananalangin lalo itong nagiging nakababagot. Kapag nananalangin, anuman ang hinihingi ng iyong puso, ninanasa, at hinihiling, o kapag ninanais mong asikasuhin ang ilang mga bagay na hindi mo lubos na naiintindihan nanghihingi ka sa Diyos ng karunungan, lakas, o pagliliwanag, dapat kang maging makatuwiran sa iyong paraan ng pagsasalita. Kung hindi ka makatuwiran, at ikaw ay luluhod at magsasabi: “O Diyos, bigyan mo ako ng kapangyarihan at tulutan Mong makita ko ang aking kalikasan; hinihiling ko sa Iyo na gawin ito. O, hinihiling ko sa Iyo na ibigay sa akin ang ganito at ganoon, hinihiling ko sa Iyo na hayaan Mo akong maging kagaya nito o ganoon…,” ang salitang ito na “hiling” ay nagdadala ng isang elemento ng puwersa, at ito ay parang pagsisikap na gipitin ang Diyos upang ipagawa sa Kanya ito. Higit sa rito, itinatadhana mo ang iyong mga usapin. Bagamat ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, nakikita ito ng Banal na Espiritu bilang: Yamang ito ay itinadhana mo na mismo, at gusto mong gawin ito sa gayong paraan, ano ang kalalabasan ng ganitong uri ng panalangin? Dapat kang maghangad at pasakop sa iyong mga panalangin; halimbawa, kung ang isang bagay ay dumating sa iyo na hindi mo malaman kung paano haharapin, kung gayon ay iyong sasabihin: “Oh Diyos! Ang bagay na ito ay dumating sa akin, at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. Nakahanda akong Ikaw ay mapalugod sa bagay na ito, nakahanda ako na Ikaw ay hangarin, hinahangad ko na ang Iyong kalooban ay mangyari, hinahangad ko na gumawa alinsunod sa Iyong mga saloobin, at hindi alinsunod sa aking sarilng kalooban. Nababatid Mo na ang mga saloobin ng tao ay labag sa Iyong kalooban; nilalabanan Ka nila at hindi umaayon sa katotohanan. Hinahangad ko lamang na gumawa alinsunod sa Iyong mga saloobin. Hinihiling ko sa Iyo na liwanagan Mo ako at gabayan sa bagay na ito, nang upang hindi ako magkasala sa Iyo….” Ang ganitong uri ng tono ng boses sa panalangin ay angkop. Kung sasabihin mo lamang: “Oh Diyos, hinihiling ko na gawin Mo ang ganito at ganoon; tulungan ako at alalayan ako; maghanda ng isang angkop na kapaligiran at angkop na mga tao para sa akin, nang upang makagawa ako nang mahusay sa aking gawain…,” kapag ang ganitong panalangin ay natapos, hindi mo pa rin malalaman kung ano ang kalooban ng Diyos, sapagkat sinusubukan mong gawin ng Diyos ang mga bagay alinsunod sa iyong mga saloobin.

    Ngayon kailangan ninyong maunawaan kung ang mga bagay na iyong hinihingi sa iyong mga panalangin ay makatuwiran o hindi. Hindi alintana maging ikaw man ay hangal o kung sinasadya mo na manalangin sa ganitong paraan, kung ang iyong mga panalangin ay hindi makatuwiran, kung gayon ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa iyo. Kung gayon, kapag ikaw ay nananalangin, ang mga salita na iyong sasabihin ay kailangang makatuwiran, at ang iyong tono ay kailangang maging angkop: “Oh Diyos! Nababatid Mo ang aking mga kahinaan at nababatid mo ang aking pagiging rebelyoso. Hinihiling ko lamang sa Iyo na bigyan ako ng kapangyarihan, nang upang aking matagalan ang pagsubok ng kapaligirang ito. Gayunman, mangyari alinsunod sa Iyong kalooban. Hinihiling ko lamang ito at hindi ko nalalaman ang iyong kalooban, ngunit hinahangad ko na mangyari ang Iyong kalooban; hindi alintana kung kakasangkapanin Mo ako sa paglilingkod o gawin ako bilang isang pangontra, nakahanda ako alinman sa dalawa. Gayunman, hihiling ako sa Iyo ng lakas at karunungan upang tulutan akong Ikaw ay mapalugod sa bagay na ito. Ako ay nakahanda lamang na pasakop sa Iyong mga pagsasaayos ….” Pagkatapos mong manalangin sa ganitong paraan, mararamdaman mo ang lalong katatagan. Kung ikaw ay matiyaga lamang sa paghingi nang paghingi, kung gayon pagkatapos mong humiling ito ay hindi hihigit sa isang bungkos ng mga salitang walang laman, sapagkat iyo nang tinadhana ang iyong mga hangarin. Kapag ikaw ay lumuluhod upang manalangin, kailangan mong magsalita ng isang bagay gaya ng: “Oh Diyos! Nababatid Mo ang aking mga kahinaan at nababatid Mo ang aking mga kalagayan. Hinihiling ko sa Iyo na liwanagan ako sa bagay na ito at tulutan akong maintindihan ang Iyong kalooban. Hinahangad ko lamang na pasakop sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos ….” Kung mananalangin kang kagaya nito, kung gayon ay kikilusin ka ng Banal na Espiritu at kapag ang patutunguhan ng iyong panalangin ay hindi tama, kung gayon ito ay magiging mapurol at tuyo, at hindi ka kikilusin ng Banal na Espiritu; ikaw ay bumubulong lamang, tahimik na nanananalangin, o ipinipikit ang iyong mga mata at basta na lang magsasalita ng ilang mga salita, na kababawan lamang. Kung ikaw ay mababaw, gagawa ba ang Banal na Espiritu? Ang mga tao na lumalapit sa harapan ng Diyos ay kailangang gumawi nang maayos at magpakita ng kabanalan. Tingnan ang mga sakripisyo ng mga pari sa Kapanahunan ng Kautusan, lahat sila ay lumuluhod. Ang panalangin ay hindi gayong kasimpleng bagay. Ang mga tao ay lumalapit sa harapan ng Diyos, ngunit matigas pa rin ang kanilang ulo at hindi mapigil, at gustong humiga sa kanilang kama at ipikit ang kanilang mga mata. Ito ay hindi katanggap-tanggap! Hindi Ko sinasabi ang mga bagay na ito upang kailanganin sa mga tao na sundin ang ilang tiyak na mga patakaran; sa pinakamababa, ang kanilang mga puso ay dapat bumaling sa Diyos at kailangan nilang magkaroon ng isang saloobin ng kabanalan sa harap ng Diyos.

      Ang inyong mga panalangin ay kadalasan nang kulang sa katuwiran; lahat ng mga ito ay mayroon nitong tono ng boses: “Oh Diyos! Yamang Iyong itinulot na ako ay maging isang tagapanguna, kailangan Mong gawing angkop ang lahat ng bagay na aking gagawin nang upang ang Iyong gawain ay hindi maantala at ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos at hindi magdanas ng mga kasawian. Kailangan Mong ipagawa ang mga bagay sa akin sa ganitong paraan….” Kailangan ba ito? Ang panalangin na ito ay hindi makatuwiran! Makagagawa ba ang Diyos sa iyo kung lalapit ka sa harapan ng Diyos at manalangin nang walang katuwiran na kagaya nito? Kung ikaw ay lumapit kay Cristo at nagsalita sa Akin nang walang dahilan, makikinig ba Ako? Ikaw ay palalayasin! Hindi ba pareho lamang ang mapunta sa harapan ng Espiritu at sa harapan ni Cristo? Kapag lumapit ka sa harapan ng Diyos upang manalangin, kailangan mong isipin ang tungkol sa kung paano ka magsasalita nang may katuwiran at isipin ang kung ano ang sasabihin nang upang magawa mong ibaling ang iyong panloob na kalagayan sa kabanalan, pagpapakumbaba at kababaang-loob, pagkatapos ay umusal ng isang panalangin at ikaw ay papahiran. Kadalasan kapag nananalangin ang mga tao, luluhod sila at ipipikit ang mga mata at hindi magsasalita ng anumang bagay; sasabihin lamang nila ang, “Oh Diyos, oh Diyos!” Sinasabi nila ang mga salitang ito, tumatawag sila nang matagal nang walang ibang sinasabi. Bakit ganito? Ang iyong kalagayan ay hindi tama! Mayroon ba kayong mga sandali na kagaya nito? Kung ang inyong kasalukuyang kalagayan ang pag-uusapan, nababatid ninyo kung ano ang maari ninyong gawin at sa kung anong antas ninyo magagawa ito, at nababatid ninyo kung sino kayo. Gayunman, kadalasan ang iyong kalagayan ay abnormal. May mga pagkakataon, ang iyong kalagayan ay inaakma, ngunit hindi mo nalalaman kung paano ito iniaakma, at maraming mga pagkakataon na nananalangin ka nang walang mga salita, iniisip na hindi ka edukado. Kailangan mo pa bang maging edukado para manalangin? Ang panalangin ay hindi pagsulat ng isang sanaysay, ito ay karaniwang pagsasalita alinsunod sa katuwiran ng isang normal na tao. Tingnan ang panalangin ni Jesus (ang pagbanggit sa panalangin ni Jesus ay hindi upang ipakuha sa mga tao ng kaparehong anggulo at katayuan gaya sa Kanya), nanalangin Siya sa hardin ng Gethsemane: “Kumbaga maaari….” Iyon ay, “kung maaari.” Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pagsangguni at hindi sa pagsasalita na “Hinihiling Ko sa Iyo.” Pinananatili Niya ang isang mapagpasakop na puso sa Kanyang panalangin, at nasa Kanyang mapagpasakop na kalagayan, Siya ay nanalangin: “Kumbaga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma’y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.” Nanalangin pa rin Siya kagaya nito sa ikalawang pagkakataon, at sa ikatlong pagkakataon Siya ay nanalangin na: “Kumbaga maaari.” Naunawaan Niya ang kalooban ng Diyos Ama, na nagsasabing: “Kumbaga maaari.” Nagawa Niyang lubos na pasakop nang hindi pinipili ang Sarili Niya sa pinakakakatiting na antas. Kanyang sinabi, “Kung maaari, lumampas sa akin ang sarong ito.” Ano ang ibig sabihin niyon? Ito ay dahil sa pag-iisip ng pagdurugo sa krus sa Kanyang huling naghihingalong hininga at ang matinding pagdurusa! May kinalaman ito sa kamatayan at sinabi sa ilalim ng saligan na hindi pa rin Niya lubos na nauunawaan ang kalooban ng Diyos Ama. Kung gayon, Siya ay talagang mapagpasakop yamang nagawa Niyang manalangin sa gayong paraan sa pag-iisip sa pagdurusa. Ang Kanyang panalangin ay normal, hindi Siya nanalangin upang makipagtawaran ni upang sabihin na kailangan itong alisin, ngunit sa halip upang hangarin ang mga saloobin ng Diyos sa isang kalagayan na hindi Niya naintindihan. Sa unang pagkakataon na Siya ay nanalangin, hindi Niya naintindihan at sinabing: “Kumbaga maaari … kundi ang ayon sa ibig Mo.” Nanalangin Siya sa Diyos sa isang kalagayan ng pagpapasakop. Sa ikalawang pagkakataon, Siya ay nanalangin sa kaparehong paraan. Sa kabuuan, nanalangin Siya nang tatlong beses (mangyari pa na ang tatlong mga panalangin na ito ay nangyari lamang sa tatlong araw), at sa Kanyang panghuling panalangin, lubos Niyang naunawaan ang mga saloobin ng Diyos. Pagkatapos nito, hindi Siya humiling ng anuman. Sa Kanyang dalawang panalangin, Siya ay naghangad, at sa paghahangad, Siya ay nasa kalagayan pa rin nang pagpapasakop. Gayunman, ang mga tao ay hindi nananalangin kagaya ng gayon. Sinasabi nila, “O Diyos, hinihiling ko sa Iyong gawin ito at iyon at hinihiling sa Iyo na akayin Mo ako sa ganito at ganoon, at hinihiling ko sa Iyo na maghanda ng mga kalagayan para sa akin ….” Marahil ay hindi Siya maghahanda ng angkop na mga kalagayan para sa iyo at hahayaan kang magdanas ng mga kahirapan. Kung palaging sinasabi ng mga tao, “O Diyos, hinihiling ko sa Iyo na gumawa ng mga paghahanda para sa akin at bigyan Mo ako ng kapangyarihan …,” ang panalangin ay magiging masyadong hindi makatuwiran! Dapat kang magkaroon ng dahilan kapag ikaw ay nananalangin, at dapat kang manalangin sa ilalim ng saligan ng pagpapasakop. Huwag magpasya. Bago ka manalangin, ikaw ay nagpapasya: Dapat kong tanungin ang Diyos at sabihin sa Diyos kung ano ang gagawin. Ang ganitong uri ng panalangin ay totoong hindi makatuwiran. Kadalasan, ang Espiritu ay ni hindi nakikinig sa mga panalangin ng mga tao, kung gayon, ang kanilang mga panalangin ay nakababagot.

       Bagamat ang mga tao ay naninikluhod upang manalangin sa isang hindi nasasalat na kaharian, nagsasalita sila at nananalangin, dapat mong maintindihan na ang mga panalangin ng mga tao ay isa ring daluyan para gumawa ang Banal na Espiritu. Kapag nananalangin ang mga tao at naghahangad ng tamang kalagayan, ang Banal na Espiritu ay gagawa din sa parehong oras. Ang mga ito ay dalawang mga aspeto kung saan ang Diyos at ang mga tao ay matagumpay na nakikipag-ugnayan sa isa’t-isa, o sa ibang mga salita, ang Diyos ang tumutulong sa mga tao na pangalagaan ang mga bagay. Ito ay isang uri ng pakikipagtulungan ng tao sa harapan ng Diyos; ito rin ay isang paraan para mabuo ng Diyos ang mga tao. Lalo na ang landas para sa normal na pagpasok ng mga tao sa buhay—ito ay hindi isang seremonya. Ang panalangin ay hindi lamang tungkol sa pagpukaw ng lakas ng sinuman o pagsigaw sa ilang mga sawikain; hindi ito ganito. Kung iyon na lahat ito, kung gayon ito ay magiging sapat upang dumaan na lamang sa mga paggalaw at isigaw ang ilang mga sawikain; wala nang magiging pangangailangan na humiling para sa anumang bagay, wala nang pangangailangan na maglingkod at wala nang pangangailangan para sa kabanalan. Ang kahalagahan ng panalangin ay totoong malalim! Kung madalas kang manalangin at kung alam mo kung paano manalangin, ang madalas na pananalangin na may pagpapasakop at may katuwiran, kung gayon madalas mong mararamdaman na talagang normal sa loob. Kung madalas kang nananalangin nang mayroong ilang mga sawikain at hindi nagtataglay ng isang pasanin, o bubulayin kung paanong ikaw ay nagsasalita nang may katuwiran o nang walang katuwiran sa iyong panalangin, at kung anong uri ng paraan ng pagsasalita ay hindi totoong pagsamba, at kung ikaw ay hindi kailanman seryoso tungkol sa mga bagay na ito, kung gayon ang iyong mga panalangin ay hindi magiging matagumpay at ang kalagayan sa loob mo ay magiging palaging abnormal; hindi ka kailanman lubos na makapapasok sa mga aral ng kung ano ang normal na katuwiran, kung ano ang totoong pagpapasakop, kung ano ang totoong pagsamba, at kung saan maninidigan. Ang lahat ng ito ay mga pinong bagay. Sapagkat karamihan sa mga tao ay mayroong kaunting pakikipag-ugnayan sa Akin, makalalapit lamang sila sa harapan ng Banal na Espiritu at mananalangin. Kapag ikaw ay mananalangin, may kinalaman ito kung ang iyong mga salita ay makatuwiran, kung ang iyong mga salita ay tungkol sa totoong pagsamba, kung pinupuri ka ng Diyos sa mga bagay na iyong hinihiling, kung ang iyong mga salita ay tungkol sa mga kasunduan, kung mayroong mga karumihang pantao ang iyong mga salita, kung ang iyong mga salita, mga kilos at mga pasiya ay alinsunod sa katotohanan; kung ikaw ay mayroong malaking paggalang, respeto at pagpapasakop sa Diyos, at kung totoo mong itinuturing ang Diyos bilang Diyos. Dapat kang maging seryoso at masigasig sa mga salita na iyong idinadalangin kapag wala sa harapan ni Cristo. Sa ganitong paraan ka lamang magiging normal sa harapan ni Cristo. Kung hindi ka seryoso sa harapan ng Espiritu, kapag lumapit ka sa harapan ng tao (Cristo), ikaw ay magiging palaging salungat, o hindi ka magkakaroon ng dahilan sa iyong mga salita, o hindi ka magiging tapat sa iyon, o ikaw ay palaging magagambala sa iyong mga salita at mga pagkilos. Makaraang ang bagay ay matapos, palagi mong sisisihin ang iyong sarili. Bakit palagi mong sinisisi ang iyong sarili? Sapagkat karaniwan nang wala kang pagkaunawa sa katotohanan sa iyong pagsamba sa Diyos at sa kung paano mo tinatrato ang Diyos. Kung gayon, kapag dumating ang mga bagay sa iyo, nalilito ka at hindi mo nalalaman kung paano ka magsasagawa, at palagi mo na lamang gagawin ang mga bagay nang mali. Paano lumalapit sa Diyos ang mga taong naniniwala sa Diyos? Sa pamamagitan ng panalangin. Kapag ikaw ay nananalangin, siyasatin kung paanong magsalita nang may katuwiran, kung paanong magsalita sa tamang lugar sa mga tao, kung paano magsalita sa kalagayan ng pagpapasakop, at kung anong uri ng paraan ng pagsasalita ang nagdudulot ng pagka-asiwa sa iyong puso (maliban sa mga panalangin na sinasalita nang hindi tapat). Lalong mas magiging mabuti kung magsasagawa ka sa isang yugto ng panahon at pagkatapos ay lalapit sa harapan ng Diyos. Sa karaniwan, ang iyong mga panalangin sa harapan ng Diyos ay hindi makatuwiran at hindi ka nagtutuon ng pansin dito. Naniniwala ka na hindi ka nakikita ng Diyos, kaya magagawa mong sabihin anuman ang iyong maibigan, at kung magsasabi ka ng anumang bagay na mali ito ay hindi malaking bagay. Ikaw ay walang ingat at magulo buong araw, at bilang resulta, kapag ikaw ay lumapit sa harapan ni Cristo, natatakot ka na magsabi ng anumang bagay na mali at gumawa ng anumang bagay na mali. Kahit na natatakot kang magsalita ng isang bagay na mali, magsasalita ka ng isang bagay na mali; kahit na natatakot kang gumawa ng isang bagay na mali, nakatalaga ka na gumawa ng mga pagkakamali; kahit na takot ka na magkautang, tiyak na ikaw ay magkakautang, at hindi mo magagawang makabawi sa iyong pagkakautang. Sapagkat hindi mo madalas natatawagan si Cristo o naririnig si Cristong nakikipag-usap sa iyo nang harapan. Magagawa mo lamang na madalas lumapit sa Banal na Espiritu upang manalangin, maghangad at pasakop, sapagkat magsalita man Ako sa iyo nang harapan, kailangan mong umasa sa iyong sarili upang lakaran ang landas na ito. Mula ngayon, kailangan ninyong maglaan ng higit pang pansin sa kung ano ang inyong sasabihin kapag kayo y nananalangin. Habang ikaw ay nananalangin, nagbubulay-bulay, at nakikiramdam, at liliwanagan ka ng Banal na Espiritu, makagagawa ka ng pagsulong sa aspetong ito. Ang pakiramdam ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu ay talagang pino. Kung taglay mo ang ganitong pinong mga damdamin at pinong pagkilala, kung pagkatapos mong gumawa ng ilang mga bagay at nag-aasikaso ng ilang mga bagay, o mayroong ugnayan kay Cristo at nag-aasikaso ng ilang mga bagay, kung gayon magagawa mong makilala kung alin sa mga salita ang may katuwiran, kung alin sa mga salita ang walang katuwiran, kung alin sa mga bagay ang may katuwiran, at alin sa mga bagay ang walang katuwiran. Tumutugon ito sa mga layunin ng panalangin.

      Dapat kang maging seryoso sa iyong pagtrato sa panalangin. Kung ikaw ay hihiga sa kama at mananalangin, naniniwala na naririnig ka ng Diyos, hindi ka nagpapakita ng kabanalan! Masdan ang maraming tao sa Biblia na nanalangin na hindi nagpapadalus-dalos sa pagpapasiya matapos matalakay ang isang bagay. Ang lahat ay pinagpapasyahan sa huli ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng panalangin. Ang Jericho ay sinalakay sa pamamagitan ng panalangin; ang mga tao ng Nineveh ay nagsisi at hiniling sa Diyos na patawarin sila sa pamamagitan din ng panalangin. Ang panalangin ay hindi isang seremonya, mayroong napakaraming kahalagahan rito. Ano ang ating nakikita mula sa mga panalangin ng mga tao? Ang mga tao ay pinaglilingkuran nang tuwiran ang Diyos. Kung titingnan mo ito bilang isang seremonya, kung gayon tiyak na hindi mo mapaglilingkuran ang Diyos nang mabuti. Maaaring sabihin na ang iyong mga panalangin ay hindi taimtim o tapat, kung gayon ang Diyos ay hindi aasa sa iyo, babalewalain ka Niya, at kapag ikaw ay nabalewala, hindi mo matataglay ang Banal na Espiritu na gagawa sa iyo. Kung gayon, nasisiraan ka ng loob sa paggawa ng iyong gawain. Mula ngayon, kung walang panalangin, hindi ka makagagawa. Ang panalangin ang nagdadala ng gawain at panalangin ang nagdadala ng paglilingkod. Sinasabi mo na ikaw ay isng tagapanguna at isang tao na naglilingkod sa Diyos, ngunit hindi mo kailanamn inilaan ang iyong sarili sa panalangin at hindi kailanman naging seryso sa iyong mga panalangin. Sa paglilingkod sa ganitong paraan, ikaw ay mabibigo. Anong mga kakayahan ang taglay ng tao upang hindi manalangin? Sapagkat ang Diyos ay naging laman? Ang gayon ay hindi isang dahilan. Nananalangin din ako paminsan-minsan. Tingnan ang panahon nang si Jesus ay nasa laman at nanalangin ang pinakamahalagang mga bagay ay dumating sa Kanya. Nanalangin Siya sa isang bundok, sa isang bangka, at sa hardin, at pinangunahan Niya ang Kanyang mga disipulo na manalangin. Kung madalas kang lalapit sa harapan ng Diyos at mananalangin nang madalas, kung gayon pinatutunayan nito na sineseryoso mo ang Diyos. Kung madalas kang gumagawa ng gawain nang sarilinan at madalas kang hindi nananalangin, madalas mong ginagawa ang ganito at ganoon sa likuran ng Diyos, kung gayon hindi mo pinaglilingkuran ang Diyos, ngunit sa halip ginagawa mo lamang ang iyong sariling gawain. Hindi ka ba hinahatulan sa paggawa ng iyong sariling gawain? Kung wawariin, tila hindi ka nakagawa ng anumang bagay na nakababahala, at tila hindi ka namusong, ngunit ginagawa mo ang gusto mo. Hindi ka ba nakagagambala? Tama? Kahit na tila hindi ka nakagagambala kung wawariin, ikaw ay lumalaban sa Diyos sa kalikasan.

      Naranasan ng mga tao ang lahat ng ito; mga bagay na dumarating sa isang paraan na hindi mo gusto ay talagang mahirap batahin; kapag ikaw ay naaasiwa, makikipag-usap ka sa sinuman at pagkatapos ng ilang sandali, hindi ka na maaasiwa. Hindi nalulutas ng pag-iwas sa paghihirap ang iyong kalagayan. Kung minsan kapag ang mga paghihirap ay dumating sa iyo sa paggawa, nakakaramdam ka ng pagkagipit, at kapag ang pagpupungos at pakikitungo ay dumating sa iyo, mararamdaman mo ang lalong pagkagipit…. Sa panahon ng mga paghihirap na ito ilang beses kang lumapit sa harapan ng Diyos upang manalangin? Sa bawat pagkakataon gumagawa ka ng mga pagbabago nang sarilinan at umiikot sa isang nakalilitong paraan. Kung gayon, ang mga tao ay naniniwala sa Diyos ngunit ang Diyos ay wala sa kanilang mga puso. Silang lahat ay basta na lamang gumagawa ng mga bagay na walang kabuluhan, kagaya ng isang pulubi na namumulot ng kaunting ganito at kaunting ganoon mula sa basurahan, at pinupuno ang kanyang lalagyan; ngunit ito ay walang kabuluhan at lubos na ginagawa nang basta-basta lamang. Makikita mo na ang mga tao ay madalas lumilihis mula sa tamang landas, lumalayo sila mula rito paminsan-minsan. Makikita natin ang kalikasan ng mga tao mula rito. Ano ang iyong nakikita mula rito? Ang kalikasan ng tao ay upang magtaksil. Sila ay walang Diyos habang sila ay gumagawa. Iniisip pa nila na: “Naniniwala ako sa Diyos, paano nangyaring wala akong Diyos? Hindi ba ako gumagawa para sa Diyos?” Ang iyong puso ay walang Diyos, inilayo mo ang iyong sarili mula sa Diyos at pinagtataksilan Siya sa anumang iyong ginagawa. Ang panalangin ay isang pinakamalalim na bagay; kung ikaw ay magsasagawa ng paglilingkod nang wala kahit panalangin, kung gayon naglilingkod ka nang walang kabuluhan. Ang iyong kalagayan ay lalong magiging abnormal at magkakaroon ka ng mas kaunting mga resulta. Ang panalangin ay hindi tungkol sa kung gaano kaganda ang iyong mga salita habang ikaw ay nananalangin, kailangan mo lamang sabihin ang mga salita ng iyong puso at magsalita nang tapat alinsunod sa iyong mga paghihirap. Magsalita mula sa pananaw ng pagiging bahagi ng paglikha at mula sa pananaw ng pagpapasakop: “Oh Diyos, Nababatid mo na ang aking puso ay masyadong matigas. Oh Diyos, pangunahan Mo ako sa bagay na ito; nababatid Mo na mayroong akong mga kahinaan, ako ay masyadong mapagkulang at hindi ako angkop upang Iyong kasangkapanin. Ako ay rebelyoso at ginagambala ang Iyong gawain kapag ako ay gumagawa ng mga bagay; ang aking mga pagkilos ay hindi nakaayon sa Iyong kalooban. Hinihiling ko na Iyong gawin ang iyong sariling gawain at kami ay makikipagtulungan lamang ….” Kung hindi mo masasabi ang mga salitang ito, kung gayon ikaw ay tapos na. Iniisip ng ilang mga tao na: “Kapag ako ay nananalangin kailangan kong maunawaan kung ang panalangin ay makatuwiran o hindi; imposibleng manalangin.” Ito ay hindi isang suliranin. Magsagawa ka sa ilang panahon at makukuha mo ito. Manalangin at malalaman mo kung mayroong mga salita na hindi angkop. Ang kaugnayan ng Diyos sa panalangin ay ang pinakatuwirang ugnayan, at ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at Diyos at nagiging pinakamatalik sa panahon ng panalangin. Magagawa mo bang basta na lang luluhod at mananalangin kaagad kapag ikaw ay gumagawa ng isang bagay? Hindi mo magagawa. Ang kaugnayan ng mga tao sa Diyos ay pinakamalapit kapag sila ay nanikluhod at nanalangin. Kapag binabasa mo ang mga salita ng Diyos, kung mananalangin ka at pagkatapos ay magbabasa ulit, kakaiba ang mararamdaman mo. Kung hindi ka mananalangin sa isang yugto ng panahon, kung gayon hindi mo maiintindihan ang mga salita ng Diyos kapag binabasa mo ang mga ito. Hindi mo malalaman ang kanilang kahulugan kapag natapos ka nang magbasa.
    Ang panananalangin at paghahangad sa harapan ng Diyos ay hindi tungkol sa pamimilit sa Diyos na gawin ang ganito at ganoon. Ano ang isang makatuwirng panalangin? Ano ang hindi makatuwirang panalangin? Iyong malalaman pagkatapos magtamo ng karanasan sa ilang panahon. Halimbawa, pagkatapos mong manalangin sa pagkakataong ito, mararamdaman mo na hindi ito ginagawa ng Banal na Espiritu sa gayong paraan at hindi ka inaakay sa gayong paraan. Kapag mananalangin ka sa susunod na pagkakataon, hindi ka mananalangin kagaya niyon, hindi mo pipilitin ang Diyos kagaya ng iyong sinubukan noong una, at hindi hihiling sa Diyos para sa mga bagay alinsunod sa iyong sariling kalooban. Kapag ikaw ay muling mananalangin, sasabihin mong: “Oh Diyos! Ang lahat ay nangyayari alinsunod sa Iyong kalooban.” Hangga’t nagtutuon ka sa ganitong paraan, at mag-aapuhap sa isang sandali, kung gayon ay iyong malalaman kung ano ang “hindi makatuwiran”. Mayroon ding isang uri ng kalagayan kung saan ay nararamdaman ng mga tao sa kanilang espiritu kapag sila ay nananalangin alinsunod sa kanilang sariling mga layunin, sila ay nagiging mapurol, hindi makapagsalita, nahihiya, at nangungusap nang walang salita. Habang lalo silang nagsasalita, lalo itong nagiging mas saliwa. Pinatutunayan nito na kapag nananalangin ka kagaya nito, ito ay lubos na pagsunod sa laman, at ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa o gagabay sa iyo sa gayong paraan. Ito ay isang bagay na pag-apuhap tungkol at isang bagay ng karanasan. Kahit na tapos na Akong magsalita sa iyo sa ngayon, kapag iyong naranasan ito, maaari kayong magkaroon ng mga natatanging karanasan. Ang panalangin ay pangunahing tungkol sa pagsasalita nang tapat: “Oh Diyos! Nababatid Mo ang aking katiwalian, at sa araw na ito ay nakagawa ako ng isa pang hindi makatuwirang bagay. Nagkaroon ako ng layunin sa loob, ngunit ako ay taksil. Nang panahong iyon hindi ko ginawa ito alinsunod sa Iyong kalooban o alinsunod sa katotohanan, ngunit sa halip ginawa ko ito ayon sa aking sariling mga layunin, at ipinagtanggol ko ang aking sarili. Ngayon ay kinikilala ko ang aking katiwalian at hinihiling ko sa Iyo na liwanagan mo pa akong lalo at tulutan Mo akong maintindihan ang katotohanan at maisagawa ito nang upang maitapon ko ang mga bagay na ito….” Magsalita sa ganitong paraan; aminin at magsalita nang may katapatan tungkol sa mga bagay-bagay: “Oh Diyos! Ako ay nakahandang itapon ang aking katiwalian, Nakahanda akong baguhin ang aking disposisyon at magsagawa ng katotohanan….” Kadalasan ang mga tao ay hindi totoong nananalangin, nag-iisip lamang sila at nagbubulay-bulay, mayroon lamang silang kabatirang pangkaisipan at pagsisisi. Gayunman, hindi nila lubos na naiintindihan ang katotohanan, na kailangang magawa sa panalangin. Pagkatapos manalangin, ang antas ng iyong pagkaunawa ay lalong lalalim kung magbubulay-bulay ka lamang. Ang Banal na Espiritu ay gagawa upang kilusin ka, at ang kalagayan, mga damdamin, at ang pagpapakilos na ibibigay Niya sa iyo ay magtutulot sa iyo na magkaroon ng malalim na pagkaunawa sa bagay na ito, at ang antas ng iyong pagsisisi ay lalong lalalim. Pagsisisihan mo nang husto ang bagay na ito at sa gayon ay lubos na maiintindihan ito. Kung sisiyasatin mo lamang nang walang interes ang iyong sarili, at pagkatapos, wala kang isang angkop na landas upang magsagawa, at hindi ka makagagawa ng anumang pagsulong sa katotohanan, kung gayon hindi mo magagawang magbago. Upang magbigay ng halimbawa, kung minsan kapag ang mga tao ay nagtatakda ng isang pagbabago, iniisip nila na: “Kailangan kong masikap na gugulin ang aking sarili para sa Diyos at masikap na tugunan ang pag-ibig ng Diyos.” Kapag taglay mo ang hangaring ito nang pag-udyok sa iyong paggugol, ang iyong pagmamalasakit ay hindi kinakailangang masyadong malaki, at ang iyong puso ay hindi kinakailangang lubos na mamuhunan sa aspetong ito. Gayunman, kapag ikaw ay napakilos kapag ikaw ay nanalangin at sa gayon ay magtatakda ka ng isang pagbabago: “Nakahanda akong magdanas ng mga kahirapan, nakahanda akong tumanggap ng mga pagsubok mula sa Iyo, nakahanda akong lubos na pasakop sa Iyo. Hindi alintana gaano man karami ang magiging mga kahirapan, nakahanda akong tugunin ang Iyong pag-ibig. Tinatamasa ko ang Iyong dakilang pag-ibig at itong dakilang pagkakataas. Nagpapasalamat ako sa Iyo mula sa kaibutiran ng aking puso at ibinibigay ko ang kaluwalhatian sa Iyo.” Sa ganitong uri ng panalangin, mapagkakalooban ka ng kapangyarihan; ito ang resulta na natatamo mula sa panalangin. Pagkatapos manalangin, liliwanagan at paliliwanagin ng Banal na Espiritu ang mga tao, at pangungunahan ang mga tao, at bibigyan ang mga tao ng pananampalataya at tapang upang magsagawa ng katotohanan. Nakikita mo na binabasa ng ilang mga tao ang salita ng Diyos araw-araw at hindi nagagawa ang ganitong mga resulta. Pagkatapos nilang basahin ang mga salita ng Diyos, at sila ay nagsasama at nag-uusap, ang kanilang mga puso ay magiging maliwanag, at magkakaroon sila ng isang landas. Kung ng Banal na Espiritu ay magbibigay din sa iyo ng pagpapakilos, mga pasanin at paggabay, kung gayon ito ay magiging totoong naiiba. Kung ikaw ay napakilos nang kaunti matapos lamang na mabasa ang mga salita ng Diyos, at tumulo ang iyong mga luha sa panahong iyon, ang gayong pagpapakilos ay kaagad na mapapawi pagkatapos ng paggawa ng ilang sandali. Kung mayroon kang isang nakakaiyak na panalangin, isang maalab na panalangin o isang tapat na panalangin, ang iyong lakas ay hindi bababa nang tatlong araw makaraan na ang panalangin ay matapos. Hindi ba ang lahat ay mayroong ganitong uri ng karanasan? Ito ang resulta na natatamo mula sa panalangin. Ang layunin ng panalangin ay upang makalapit ang mga tao sa harapan ng Diyos at tanggapin ang mga bagay na nilalayong ibigay ng Diyos sa kanila. Kung madalas kang manalangin at madalas na lumalapit sa harapan ng Diyos, kung gayon magkakaroon ka ng patuloy na kaugnayan sa Diyos, at ikaw ay palagi Niyang kikilusin, palaging tatanggapin ang Kayang mga panustos, at kung gayon ikaw ay magbabagong-anyo; ang iyong mga kalagayan ay patuloy na uunlad at hindi uurong. Lalo na kapag ang mga kapatid ay magsasama-sama sa panalangin. Kapag natapos na ang panalangin, mayroong napakalaking dami ng lakas, ang mukha ng bawat isa ay puno ng pawis at nararamdaman nila na nagkamit sila ng napakaraming mga bagay. Sa katunayan, pagkatapos ng ilang mga araw ng pagsasama hindi sila nakapag-usap nang husto, ang panalangin ang pumukaw sa kanilang lakas, at hinahangad nila na maaari nilang iwanan ang kanilang mga pamilya at ang mundo nang sabay-sabay, hinahangad nila na maari nilang iwanan ang lahat, lahat maliban sa Diyos. Makikita mo na ang kanilang lakas ay napakatindi. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang ibigay sa mga tao ang kapangyarihang ito at ang mga tao ay hindi kailanman lubos na matatamasa ito! Kung hindi ka nananangan sa kapangyarihan ito, patitigasin ang iyong puso at patitigasin ang iyong leeg; o kung ikaw ay aasa sa iyong sariling pagsisikap at mga paghahangad, kung gayon saan ka pupunta? Hindi ka makalalayo bago ka matitisod at babagsak, at hindi mo matataglay ang gayong kapangyarihan habang nagpapatuloy ka. Kailangan mapanatili ng mga tao ang kanilang ugnayan sa Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan, ngunit itinatapon ng mga tao ang Diyos habang nagpapatuloy sila. Ang Diyos ay Diyos, ang mga tao ay mga tao, at sila ay naghihiwalay ng landas. Sinasalita ng Diyos ang Kanyang mga salita at nilalakaran ng mga tao ang kanilang sariling mga landas, ang mga ito ay dalawang magkahiwalay na landas. Kapag ang mga tao ay walang kapangyarihan, maaari silang lumapit sa Diyos at magsabi ng ilang mga salita upang manghiram ng ilang kapangyarihan. Pagkatapos nilang manghiram ng kaunting kapangyarihan, sila ay tumatakbo palayo. Pagkatapos makatakbo ng ilang sandali, nawawalan sila ng lakas, at nagbabalik sa Diyos at hihingi sa Kanya ng kaunti pang lakas. Ang mga tao ay kagaya nito at hindi sila makapaghihintay nang matagal na panahon. Kapag iniwan ng mga tao ang Diyos, kung gayon sila ay walang landas.

      Naisip Ko na ang kakayahan ng maraming tao na pigilan ang kanilang mga sarili ay talagang kulang. Bakit ganito? Ang mga tao ay hindi kailanman nananalangin, at kapag hindi sila nananalangin, sila ay nagiging imoral; sa sandaling sila ay imoral, wala silang kabanalan o kababaang-loob; nagbibigay lamang sila ng pansin sa sangkatauhan, integridad, at ang pagkilala sa kanilang katiwalian, at iyon lamang. Binabalewala ng mga tao kung paano talaga gumagawa ang Banal na Espiritu at kinikilos ang mga tao, at kung paano nila dapat hangarin ang kalooban ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay. Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay isang paniniwala lamang, at walang anumang espiritwal tungkol rito. Ang mga ito ay dalawang magkaibang mga bagay. Ito ay isa lamang mundo ng materyalismo, at ikinakaila nito ang espiritu. Kung gayon, habang ang mga tao ay naglalakad, sila ay naliligaw at bumabagsak na una ang ulo sa kanal. Kung walang panalangin, ang kanilang pagsasagawa ng katotohanan ay maaari lamang umayon sa isang panuntunan sa loob ng isang tiyak na saklaw; nagsasagawa lamang sila ng mga patakaran. Kahit na hindi ka magkakasala sa Diyos sa pagsasakatuparan ng mga pagsasaayos mula sa itaas, sinusunod mo lamang ang mga patakaran. Ang mga damdaming espiritwal ng mga tao sa kasalukuyan ay manhid at mabagal. Maraming mga pinong bagay sa kaugnayan ng mga tao sa Diyos, kagaya ng pakiramdam na kinilos nang espiritwal o niliwanagan; ngunit hindi ito nararamdaman ng mga tao, sila ay masyadong manhid. Kagaya ito ng pagkanta, kapag ang mga tao ay hindi madalas na kumakanta, kung gayon hindi na sila nakatitiyak sa kanilang tono. Hindi binabasa ng mga tao ang salita ng Diyos at sila ay hindi kailanman nakaugnay sa mga bagay ng espiritwal na buhay. Wala silang isang pagkaunawa sa kanilang sariling mga kalagayan. Kung wala ang pananalangin at buhay sa iglesia, imposibleng maunawaan ang kalagayan ng espiritwal na buhay. Nararamdaman ba ninyo ang kagaya nito? Upang maniwala sa Diyos, kailangan na manalangin kagaya nito. Kung wala ang pananalangin, kung gayon hindi mo maaaring taglayin ang larawan ng paniniwala sa Diyos. Ngayon ay sinasabi natin, wala ng pangangailangan sa mga tuntunin, ang tao ay maaaring manalangin anumang oras at saan mang lugar. Kaya, ang ilang mga tao ay napakadalang manalangin; sila ay bumabangon sa umaga at hindi nananalangin. Sila ay bumabangon at sinusuklay ang kanilang buhok, hinuhugasan ang kanilang mukha, at pagkatapos ay magbabasa sila at kakanta. Sa gabi sila ay hihiga at matutulog nang hindi nananalangin. Naramdaman ba ninyo ang kagaya nito? Kung babasahin mo lamang ang mga salita ng Diyos nang hindi mananalangin, kung gayon magiging kagaya ka lamang ng isang hindi sumasampalataya na nagbabasa ng salita ng Diyos at hindi nauunawaan ito. Kung wala ang panalangin, ay hindi lubusang maitatalaga at hindi ka magkakaroon ng mga pinong damdamin sa iyong espiritu o pagpapakilos sa loob ng iyong espiritu. Ikaw ay magiging manhid at mabagal, at magsasalita lamang ng ilang panlabas na mga bagay tungkol sa pagbabago ng iyong disposisyon. Tila ikaw ay naniniwala sa Diyos, ngunit ng totoo, ang lalim ng iyong mga damdamin ay hindi malayo ang naaabot. Tila ikaw ay hindi naniniwala sa Diyos, at hindi ka nakapananalangin gaano mo man subukin. Ito ay masyado nang mapanganib at kulang. Ang pagbabalik sa espiritu upang manalangin ay hindi makaabala sa abalang gawain sa labas; hindi lamang ito hindi nagiging sanhi ng pang-aabala, ngunit ito rin ay kapaki-pakinabang sa gawain.
Mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento