Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Enero 5, 2018

Kabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

   Ang susi sa pagkamit ng isang pagbabago ng disposisyon ay alamin ang sariling kalikasan, at ito ay dapat manggaling mula sa pagbubunyag ng Diyos. Tanging sa salita ng Diyos kayang malaman ang kaniyang sariling karima-rimarim na kalikasan, makilala sa kaniyang sariling kalikasan ang mga sari-saring lason ni Satanas, matanto na siya ay hangal at mangmang, at makilala ang mahina at mga negatibong elemento sa kaniyang sariling kalikasan. Kapag ang mga ito ay ganap nang nalaman, at kaya mong tunay na talikdan ang laman, palaging isinakatuparan ang salita ng Diyos, at may kaloobang walang pasubaling nagpapasakop sa Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay sinimulang ang landas ni Pedro. Kung wala ang biyaya ng Diyos, kung walang pagliliwanag at gabay mula sa Banal na Espiritu, ay magiging napakahirap lakaran ang daang ito, dahil ang mga tao ay walang katotohanan at hindi magagawang ipagkanulo ang kanilang sarili.
Upang tahakin ang landas ng pagiging perpekto na tinahak ni Pedro, ang pangunahing dapat taglayin ng tao ay ang kaloobang gawin iyon, sila ay dapat na magkaroon ng kumpyansa, at manalig sa Diyos. Bukod dito, siya ay dapat magpahinuhod sa gawa ng Banal na Espiritu, at sa bawat bagay na hindi lihis sa salita ng Diyos. Ito ang maraming mga pangunahing aspeto, na walang alinman sa mga ito ang maaring labagin. Napakahirap alamin ang sarili mula sa karanasan. Kung wala ang gawa ng Banal na Espiritu napakahirap pumasok doon. Upang tahakin ang landas ni Pedro ang isa’y dapat pagtuunan ang pag-alam sa sarili, at ang pagkamit ng isang pagbabago ng disposisyon. Si Pablo ay tumahak sa isang landas na hindi naghanap sa buhay, at hindi itinutuon ang pansin sa pag-alam ng kaniyang sarili. Si Pablo ay lalong nagbigay-diin sa gawain, ang prestihiyo at impluwensya ng gawain. Ang kaniyang motibasyon ay makuha ang mga biyaya ng Diyos kapalit ng kaniyang gawain at paghihirap, upang makatanggap ng pabuya mula sa Diyos. Ang kaniyang motibasyon ay hindi tama. Hindi niya binigyang-diin ang buhay, ni nagbigay diin sa isang pagbabago ng disposisyon. Siya ay tumuon lamang sa mga pabuya. Dahil hinanap niya ang maling adhikain, ang landas na kung saan siya tumahak ay tiyak na mali rin. Ito ay dinala ng kaniyang kamangmangan at pagkamapagmataas. Maliwanag na, siya ay walang anumang katotohanan, at walang konsensya o katuwiran man. Sa pagliligtas sa tao, pangunahing binabago ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng pagbago sa kanilang mga disposisyon, anupat ang mga tao ay kayang makilala ang Diyos, na magpasakop sa Kaniya, at sambahin Siya sa normal na paraan. Ito ang layunin ng mga salita ng Diyos at ng Kaniyang gawain. Ang paraan ni Pablo sa paghahanap ay nasa direktang paglabag at sumasalungat sa intensyon ng Diyos. Ito ay lubos na nasa mga magkasalungat na layunin. Ang paraan ni Pedro sa paghahanap, sa kabilang banda, ay ganap na kaayon sa intensiyon ng Diyos, na ito ang mismong resultang nais ng Diyos na matamo sa mga tao. Ang paraan ni Pedro kung gayon ay pinagpala at tinatanggap ang papuri ng Diyos. Dahil ang landas ni Pablo ay nasa paglabag sa intensyon ng Diyos, kaya ang Diyos ay namumuhi rito, at isinusumpa ito. Para tahakin ang landas ni Pedro dapat malaman ang intensyon ng Diyos. Kung talagang nauunawaan nang lubos ang intensyon ng Diyos sa Kaniyang mga Salita, na nangangahulugang unawain kung ano ang gusto ng Diyos na gawin sa tao at sa bandang huli ay ano ang resultang ninanasa Niyang makamit, sa gayon lamang mauunawaan ng isa nang may katumpakan kung anong daan ang susundan. Kung hindi mo lubos na nauunawaan ang landas ni Pedro, at ang mayroon ka lamang ay pagnanasang sundan ito, hindi mo makakayang magsimula dito. Sa ibang pananalita, marami kang alam na mga doktrina, ngunit sa bandang huli ay hindi kayang makapasok sa katotohanan. Bagaman ikaw ay makagagawa ng mababaw na pagpasok, hindi ka makatatamo ng tunay na resulta. Sa mga panahong ito halos lahat ng tao ay may napakababaw na kaalaman sa kanilang sarili. Hindi nila man lang narating ang malinaw na pagka-alam ng mga bagay na bahagi ng kanilang kalikasan. Alam lamang nila ang ilang mga tiwaling paghahayag ng kanilang sarili, ang mga bagay na malamang ay gagawin nila, o ang ilan sa kanilang mga kamalian, at kaya naniwala sila na kilala nila ang kanilang sarili. Kung sila ay patuloy na manatili sa ilang mga panuntunan, siguraduhing hindi sila gumagawa ng mga pagkakamali sa ilang mga tiyak na bahagi, at kayaning umiwas na makagawa ng ilang mga paglabag, pagkatapos ay ituturing na nila ang kanilang sarili na may katotohanan sa kanilang paniniwala sa Diyos at sila ay maliligtas. Ito ay lubos na imahinasyon ng tao. Kung ikaw ay mananatili sa mga ito, ikaw kaya ay talagang magkakaroon ng kakayahang hindi gumawa ng mga paglabag? Ang tunay bang pagbabago sa disposisyon ay natamo na? Isinabuhay mo na ba talaga ang pagkakatulad sa tao? Kaya mo ba talagang palugurin ang Diyos? Siguradong hindi, ito ay tiyak. Ang paniniwala sa Diyos ay gagana lamang kapag ang isa’y may matataas na mga pamantayan, nagtatamo ng katotohanan at ilang pagbabago sa disposisyon sa buhay. Kaya kung ang kaalaman ng tao sa kaniyang sarili ay labis na mababaw, magiging imposible na lumutas ng mga suliranin, at ang kaniyang disposisyon sa buhay ay tiyak na hindi magbabago. Kinakailangan na malaman ang sarili sa isang malalim na antas, na nangangahulugan na alamin ang sariling kalikasan ng isa, at alamin kung anong mga elemento ang kalakip sa kalikasan ng isa, kung saan galing ang mga elemento at paano ang mga ito’y lumitaw. Gayundin, ikaw ba talaga ay kayang mamuhi sa mga bagay na ito? Nakita mo ba ang iyong sariling pangit na kaluluwa at ang iyong masamang kalikasan? Kung ang tao ay tunay na kayang tingnan ang katotohanan tungkol sa kaniyang sarili, kung gayon ay magsisimula siyang kasuklaman ang kaniyang sarili. Kapag kinasuklaman mo ang iyong sarili at pagkatapos ay isinagawa ang salita ng Diyos, makakaya mong talikuran ang laman, at magkakaroon ng lakas na isagawa ang katotohanan nang walang paghihirap. Bakit ang mga tao ay dating sumusunod sa laman? Dahil itinuring nila ang kanilang sarili na mahusay. Naramdaman nilang sila ay tama at makatwiran, walang mga pagkakamali, sa katunayan ay ganap na tama. Sila kung gayon ay nakagagalaw na may palagay na ang katarungan ay nasa kanilang panig. Kapag nakilala ng isa kung ano ang tunay niyang kalikasan, gaano kapangit, gaano kasuklam-suklam, at gaano kaawa-awa, pagkatapos ay hindi na siya labis na mapagmataas ng kaniyang sarili, hindi na labis na mayabang, at hindi na labis na humahanga sa kaniyang sarili tulad ng dati. Nararamdaman niya, “Ako ay kailangang maging maalab at mapagpakumbaba, at isagawa ang ilan sa mga salita ng Diyos. Kung hindi, ako ay hindi masusukat sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiyang mabuhay sa harapan ng Diyos.” Nakikita niyang tunay ang sarili bilang hamak, bilang totoong walang halaga. Sa panahong ito ay magiging madali para sa kaniya na isakatuparan ang katotohanan, at siya ay mas magmumukhang parang tulad ng isang tao. Kung kailan lamang tunay na kinasusuklaman ng tao ang kaniyang sarili ay saka niya magagawang talikdan ang laman. Kung ang isa’y hindi kasusuklaman ang sarili, hindi niya magagawang talikdan ang laman. Ang kamuhian ang sarili ay binubuo ng ilang mga bagay: una, inaalam ang sariling kalikasan ng isa; ikalawa, nakikita ang sarili bilang nangangailangan at kaawa-awa, nakikita ang sarili bilang napakaliit at walang halaga, at nakikita ang sarili na kahabag-habag na kaluluwa, ang maruming kaluluwa. Kapag lubos na nakikita kung ano ang tunay na siya at ang resultang ito ay nakamit, kilala niya talaga kung gayon ang kaniyang sarili, at masasabi natin na nakarating siya sa pagkaalam ng kaniyang sarili nang lubusan. Sa gayon lamang niya tunay na kamumuhian ang kaniyang sarili, na humahantong sa pagsumpa sa kaniyang sarili, tunay na nararamdaman na siya ay ginawang tiwali nang malaliman ni Satanas, anupat hindi na siya kahawig ng isang tao. Pagkatapos ay isang araw, kapag ang banta ng nalalapit na kamatayan ay lumitaw, nararamdaman niya, “O! Ito ay makatwirang parusa ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makatwiran. Ako ay dapat mamatay!” Sa puntong ito, siya ay hindi maghahain ng reklamo, lalong hindi sisisihin ang Diyos, basta mararamdaman na siya ay labis na kaawa-awa, labis na madungis at tiwali, na siya ay dapat lipulin ng Diyos at ang kaluluwang tulad ng kaniya ay hindi angkop na mabuhay sa mundo, at kaya siya ay hindi lalaban, mas lalong di magtataksil, ni magrereklamo laban sa Diyos. Kung hindi niya kilala ang kaniyang sarili at itinuturing pa rin niya ang kaniyang sarili na mahusay, kapag ang kamatayan ay binabantaan siya, nararamdaman niya, “Ako ay naniwalang lubos sa Diyos. Gaano ko hinanap! Ako ay nagbigay nang napakarami, Ako ay nagdusa nang labis, at sa bandang huli ay hinihingi ng Diyos na ako ay mamatay. Hindi ko alam kung nasaan ang pagka-matuwid ng Diyos. Bakit hinihingi sa akin ng Diyos na ako ay mamatay? Kung ang taong katulad ko ay mamamatay, sino ang maliligtas? Ang lahi ba ng tao ay darating sa katapusan?” Una siya ay may mga paniwala tungkol sa Diyos. Pangalawa, siya ay may reklamo; walang pagpapasakop sa anuman. Gaya halimbawa, noong si Pablo ay mamamatay na, hindi niya kilala ang kaniyang sarili. Noong ang parusa mula sa Diyos ay dumating, ay labis na huli na para magsisi.
Mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento