Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bago siya itiniwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay dating may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos itiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Ngunit hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging kaisang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may naligaw na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay itiniwali ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, tangi sa roon, ay magpukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring naghuhusga sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may ligaw na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila ng kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong pakiramdam na hindi batay sa katinuan.
mula sa “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kabilang sa normal na pagkatao ang mga aspetong ito: kabatiran, katinuan, konsiyensya, at karakter. Kung matatamo mo ang pagka-karaniwan sa bawat isa na mga aspetong ito, ang iyong pagkatao ay hanggang sa pamantayan. Dapat kang magkaroon ng pagkakahawig sa isang normal na tao at gumawi kagaya ng isang mananampalataya sa Diyos. Hindi mo kailangang magtamo ng malalaking tagumpay o makibahagi sa diplomasya. Kailangan mo lamang maging isang normal na tao, na mayroong isang normal na katinuan ng tao, magagawang makita sa pamamagitan ng mga bagay, at kahit man lang magmukhang isang normal na tao. Ang gayon ay magiging sapat na. … Napakaraming mga tao ang nakakakita na ang kapanahunan ay nababago, kaya hindi sila nagsasanay ng kababaang-loob o pagtitiyaga, at maaaring hindi rin sila nagtataglay ng anumang pag-ibig o pagiging disente ng isang banal. Ang mga taong ito ay totoong kakatwa! Mayroon ba sila kahit na kapirasong normal na pagkatao? Mayroon ba silang mababanggit na anumang patotoo? Wala silang anumang kabatiran o katinuan o kahit na ano. Mangyari pa, ang ilang mga aspeto ng pagsasagawa ng mga tao na lihis at mali ay kailangang maitama. Kagaya ng mahigpit na espiritwal na buhay ng mga tao o ang anyo ng pagiging manhid at kamangmangan ng nakaraan—ang lahat ng mga bagay na ito ay kailangang magbago. Ang pagbabago ay hindi nangangahulugan na hahayaan kang maging napakasama o magpasasa sa laman, o pagsasabi ng anumang naisin mo. Hindi maaari ang pagsasalita nang walang ingat! Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi.
mula sa “Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. … Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao.
mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Napakarami ng Aking mga kahilingan. Umaasa Ako na gagawi kayo sa isang maayos at maamong paraan, maging tapat na tumutupad ng inyong tungkulin, magkaroon ng katotohanan at ng pagkatao, maging sinuman na maaaring isuko ang lahat at isuko ang kanilang mga buhay para sa Diyos, at iba pa. Ang lahat ng mga pag-asang ito ay nag-ugat mula sa inyong mga kakulangan at inyong katiwalian at pagsuway.
mula sa “Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Hinihiling ng Diyos sa mga tao na isabuhay ang normal na pagkatao sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia; na isasabuhay nila ang katotohanan sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia; na tuparin nila ang kanilang mga tungkulin sa totoong buhay, hindi lamang sa buhay iglesia. Upang pumasok sa realidad, dapat ibaling ng isang tao ang lahat tungo sa totoong buhay. Kung ang mga naniniwala sa Diyos ay hindi makapapasok sa totoong buhay o makikilala ang kanilang mga sarili o isasabuhay ang normal na pagkatao sa realidad, sila ay magiging mga bigo. Yaong mga sumusuway sa Diyos ay ang lahat ng mga tao na hindi makapapasok sa totoong buhay. Sila ang mga tao na nagsasalita ukol sa pagkatao ngunit isinasabuhay ang kalikasan ng mga demonyo. Sila ay ang lahat ng mga tao na nagsasalita ukol sa katotohanan ngunit sa halip ay isinasabuhay ang mga doktrina. Yaong mga hindi makapagsasabuhay sa katotohanan sa totoong buhay ay yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit kinasuklaman at itinakwil Niya. Dapat mong isagawa ang iyong pagpasok sa totoong buhay, kilalanin ang iyong sariling mga kakulangan, pagkamasuwayin at kamangmangan, at kilalanin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang lahat ng iyong kaalaman ay isasama sa iyong totoong sitwasyon at mga kahirapan. Ang uri lamang ng kaalamang ito ang totoo at maaari kang tulutan na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at matamo ang iyong pagbabago sa disposisyon.
mula sa “Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga tao na kinakasangkapan ng Diyos ay lumilitaw na hindi makatuwiran mula sa panlabas na anyo at tila hindi nagtataglay ng wastong kaugnayan sa iba, bagamat sila ay nagsasalita nang may kawastuan, hindi basta nagsasalita, at palaging nagagawang ipanatag ang puso sa harap ng Diyos. Ngunit ang ganitong uri ng tao lamang ang siyang sapat upang kasangkapanin ng Banal na Espiritu. Ang “di-makatwirang” tao na ito na binabanggit ng Diyos ay tila walang wastong mga kaugnayan sa iba, at wala silang taglay na panlabas na pag-ibig o mababaw na mga pagsasagawa, ngunit kapag ibinabahagi nila ang mga espirituwal na bagay nagagawa nilang buksan ang kanilang puso at inilalaan nang walang pag-iimbot sa iba ang pagapalinaw at pagliliwanag na kanilang natamo mula sa kanilang totoong karanasan sa harap ng Diyos. Sa ganitong paraan nila ipinahahayag ang kanilang pag-ibig sa Diyos at pinalulugod ang kalooban ng Diyos. Kapag ang iba ay pawang sinisiraan sila ng puri at nililibak sila, nagagawa nilang hindi nasusupil ng mga tao sa labas, mga pangyayari, o mga bagay, at nananatili pa ring panatag sa harap ng Diyos. Tila taglay ng gayong tao ang kanilang sariling kakaibang mga pananaw. Hindi alintana ang iba, ang kanilang puso ay hindi kailanman iniiwan ang Diyos. Kapag ang iba ay masayang nag-uusap at nagtatawanan, ang kanilang puso ay nananatili pa rin sa harap ng Diyos, binubulay-bulay ang mga salita ng Diyos o tahimik na nananalangin sa Diyos na nasa kanilang puso, hinahangad ang mga layunin ng Diyos. Hindi nila kailanman ginagawang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang kanilang wastong mga kaugnayan sa ibang mga tao. Tila ang gayong tao ay walang pilosopiya sa buhay. Sa panlabas, ang taong ito ay masigla, kaibig-ibig, at walang muwang, ngunit nagtataglay din ng isang diwa ng kapanatagan. Ito ang wangis ng isang tao na kinakasangkapan ng Diyos.
mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga taong may katotohanan ay yaong mga, sa kanilang tunay na karanasan, kayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hindi umuurong, at kung sino ang maaaring magkaroon ng karaniwang relasyon sa mga tao na umiibig sa Diyos, na, kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, ay ganap na tatalima sa Diyos, at kayang tumalima sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pagbubunyag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, sila ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pag-ibig ng Diyos; kapag ikaw ay nakaranas hanggang sa puntong ito, ang iyong mga karanasan ay magkakaroon na ng epekto. Ang mga taong tunay na nakakita sa pag-ibig ng Diyos ay ang mga taong nagtataglay ng aktwal na pagsasabuhay, na ang bawa’t kilos ay hinahangaan ng iba, na ang anyo ay hindi kapansin-pansin nguni’t kanyang isinasabuhay ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, na kinakaniig ang mga salita ng Diyos at ginagabayan ng Diyos, at naliwanagan ng Diyos, na nagagawang sambitin ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga salita, at kinakaniig ang katotohanan, na nakakaunawa nang lalong higit tungkol sa paglilingkod na nasa espiritu, at nagsasalita nang walang inililihim, na disente at matuwid, na ayaw sa awayan at marangal, na may kakayahang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa kanilang patotoo kapag nangyari ang mga bagay sa kanila, at sila na kalmado at mahinahon kahit ano pa ang pinakikitunguhan nila. May mga tao na bata pa, nguni’t kumikilos sila na parang nasa kalagitnaang-edad; sila ay may isip na, mayroong katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ang mga taong ito ang may patotoo, at ang mga kahayagan ng Diyos.
mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay
sa Loob ng Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Ang isang tao na tunay na naniniwala sa Diyos ay isasagawa kahit papaano itong limang aspeto ng buhay espirituwal araw-araw: magbasa ng salita ng Diyos, magdasal sa Diyos, ipaliwanag ang katotohanan, kumanta ng mga himno at papuri, at hanapin ang lahat ng bagay. Kung mayroon ka ring buhay na laging nakikipagpulong, magkakaroon ka ng malaking kasiyahan. Kung ang isang tao ay mayroong pangkalahatang abilidad para makatanggap, ibig sabihin, kaya nilang alamin ang mga intensyon ng Diyos matapos basahin ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga sarili, naiintindihan ang katotohanan, at alam kung paano umayon sa katotohanan, maaari mong sabihin na ang naturang tao ay magiging matagumpay sa paniniwala sa Diyos. Kung ang isang tao ay wala ng naturang espirituwal na buhay, o kung ang kanyang espirituwal na buhay ay labis na hindi normal at napakabihira lang nangyayari, ang taong iyon ay ligaw at litong mananampalataya. Ang mga litong mananampalataya ay walang mga espirituwal na buhay at hindi maaaring makakuha ng malaking resulta sa pagtupad sa kanilang tungkulin. Ang paniniwala sa Diyos nang walang espirituwal na buhay ay hanggang salita lamang sa paniniwala sa Diyos, ngunit walang Diyos at talagang walang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Paano sila posibleng magkaroon ng pagkakahawig ng isang normal na tao? Nakikita ko ang ilang tao na hindi naman talaga mukhang mga mananampalataya ng Diyos. Mula sa kanilang mga uri ng pamumuhay at kanilang mga araw-araw na pananalita at pagkilos, mukha silang mga lubos na hindi mananampalataya. Wala silang pagkakahawig sa mga normal na tao, at ang mga bagay na kanilang sinasabi at ginagawa ay hindi nakakatulong. Ang ilan pa ay kinamumuhian, kinagagalitan, o pinapalayas pa. Hindi lang ito isang bagay na dumudungis sa Diyos, ngunit humahadlang pa sa kanilang tungkulin at nagdadala ng mga problema sa panghinaharap na gawaing pang-ebanghelyo. May ilang uri ng mga sitwasyon na kailangan mong pagtuunan ng pansin:
Ang pakikipag-ugnayan ng normal na tao sa iba ay marangal at matuwid, tunay at disente. Ngunit hindi ito ang sitwasyon para sa ilan, na patago, hindi tahasan, at tumitingin sa mata ng mga tao kapag nagsasalita. Wala silang asal ng normal na mga tao; para silang isang magnanakaw, isang tao na nagpapa-ingat sa mga tao sa kanila. Ang ilang tao ay ipinanganak na nang may pangit na hitsura. Kung hindi rin sila magdadamit nang maayos, hindi sila magkakaroon ng marangal at matuwid na hitsura, at ito’y magdadala ng ilang mga problema sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Talagang nangangailangan ito ng pagsasanay at pag-aaral para iyong matupad nang maayos ang iyong tungkulin. Ito’y dahil ang mga tao ay hindi pamilyar sa bawat isa at kadalasan nanghuhusga sa pamamagitan ng hitsura, kaya kung ikaw talaga ay mukhang magnanakaw, ang sinuman ay magiging maingat sa iyo. Samakatuwid, kailangan mong matutunan kung ano ang isusuot at magdamit na tulad ng isang marangal at matuwid na tao, maging tapat at totoo sa iyong mga salita at pagkilos. Hindi ka dapat kailanman maging mapagpaimbabaw o tumingin sa mata ng mga tao, at saka, kailangan mong magpigil sa iyong sarili. Huwag kang paikot-ikot sa tahanan ng ibang tao o hawakan ang kanilang mga gamit. Huwag tignan ang hindi mo dapat tinitignan o pumunta kung saan hindi mo dapat pinupuntahan. Kumilos nang mabuti para talagang mapalagay ang mga tao, at para mapagkatiwalaan ka at magkaroon ng magandang impresyon sa iyo. Sa ganoong paraan, maaari mong tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Ito ang mga isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng ilang mga tao.
May isa pang sitwasyon kung saan ang ilang tao ay hindi kayang makisama sa iba at hindi makapagsalita o makapagbahagi nang normal sa iba. Ni wala sila ng mga pakiramdam ng tao na dapat mayroon ang normal na mga tao. Ang alam lang nila ay kung papaano mabilis na tapusin ang kanilang gawain at umalis agad pagkatapos, at mukhang wala ng ano pa mang bagay ang naiintindihan. Wala silang ipinapakita na anumang pagmamahal kapag sila’y nakikipag-ugnayan sa iba, hindi nakapagpapadama sa mga tao ng init o pagsinta. Sa halip, mayroong diwa ng malamig na pakikitungo, na para bang dumating na ang isang walang-awang mamamatay. Paano nila nagagawa nang mabuti ang kanilang gawain na tulad nito? Kailangan mong gumamit ng iba’t ibang mga bagay para bigyan ng lasa ang isang pagkain. Kailangan mas pokus ka sa pakikisalamuha sa mga tao—hindi dapat laging iisa ang iyong mga paraan. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang pakikisalamuha sa isang tao nang isa o kalahating araw ay dapat mag-iwan sa kanila ng isang magandang impresyon—diretso, maalab, may pag-ibig at nagtataglay ng katotohanan, madaling pakisamahan, at isang pambihirang mabuting kapatid. Ang paggawa sa mga bagay ng masyadong paulit-ulit, nawawala ang mga bagay na dapat taglayin ng normal na sangkatauhan, at gayun din ang walang karunungan—magpapahirap ito na matapos ang mga bagay. Ito ang mga pagkukulang ng ilang tao, at ito’y magiging maganda kung ang mga ito ay mabilis na maitatama at masusolusyunan.
May isa pang sitwasyon, at iyon ay ang pagsasagawa ng gawain ng pag-ebanghelyo nang walang karunungan: hindi inoobserbahan ang mga sitwasyon kapag nakikisalamuha sa mga tao, hindi pag-alam sa kung papaano husgahan ang sitwasyon o maghanap ng mga oportunidad, at walang duda ang hindi pag-alam kung saan tama itong simulan; ang hindi pagkakaroon ng paraan o diskarte kapag ginagawa ang mga bagay, hindi pagkuha ng mga tamang hakbang, ibinubulalas na lang ang lahat ng bagay sa isang bagsakan sa harapan ng mga tao at pagkatapos ay umaalis sa sandaling nailabas na nila ang mga salita. Ang pagkilos sa ganitong paraan ay nagpapamukha sa tao ng pagiging hindi maingat, medyo magulo, at masyado ring hangal. Ito rin ang mayroon sa mga taong may kamalian, at nagkaroon na ng maraming kabiguan ang lahat sa bagay na ito. Ang pagpapakalat ng ebanghelyo ay hindi maaaring gawin nang walang karunungan o pasensiya. Habang mas naiinip ka, lalo kang mabibigo. Ang pagiging pasensiyoso at pagkakaroon ng kaunting karunungan ay nagbibigay sa iyo ng kalamangan, samantalang ang mga mainipin at hindi kayang pigilan ang kanilang mga sarili at kulang ang karunungan ay talagang hindi magagawa ang trabahong ito. Pinakamaganda kung ang isang mainiping tao ay makakasama ng isang pasensiyosong tao. Kung parehong mainipin, mas lalo silang uuwi ng maaga. Ang pagpapakalat ng ebanghelyo at paggawa ng gawain ng pastor ay magkaiba. Ang gawain ng pag-ebanghelyo ay kalimitang nangangailangan ng karunungan, pagmamahal, at pagiging malambing. Hindi magagawa ang gawaing ito kapag walang malaking pasensiya. Kapag kinakailangan, kailangan mo pang ibaba ang iyong sarili para ipahayag ang tapat at malinaw na pagmamahal na mayroon ka para sa mga tao. Ang ilan ay naantig nang todo ang iba sa pamamagitan ng pagluhod at paghingi sa Diyos ng biyaya sa mismong sandali. Hindi ito maaaring gawin nang walang pasensiya at walang tapat at mapagmahal na puso.
May ilang mga tao din na may mababang karakter na itinuturing ang tahanan ng pamilyang kumukupkop sa kanila na parang kanilang sariling bahay. Ginagawa nila kung anuman ang kanilang gusto nang walang kaalaman sa mga patakaran, ginagamit at nilalaro anuman ang kanilang makita na para bang hindi pa nila nakita ang mundo, at naglalakad at tingin nang tingin kahit saan. Ang mga naturang tao ay nakakapukaw ng hinanakit at galit ng iba, na nakakapagparaya lang sa galit dahil nahihirapan silang humindi. Mayroon pa ngang mga humihiram ng pera o gumagamit ng mga gamit ng ibang tao na iilang araw pa lang nilang kasama at hindi pa pamilyar sa bawat isa. Inilalagay talaga nito ang mga tao sa mahirap na sitwasyon. Mayroon ding mga nagpapakita ng kawalang-hiyaan kapag tumitira sa mga tahanan ng ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kalibugan, nagiging bastos sa iba, gumagawa ng mga kaswal na biro at nakikipaglokohan, lubusang nawawala ang kanilang malasantong pagkadisente. Habang hindi naman ako laban sa pakikipagbiruan, hindi naaangkop ang hindi makadiyos at mga bulgar na biro. Siyempre ayos lang namang maging nakakatawa at kasiya-siya para maging masaya ang mga tao at walang inaalala, ngunit mas magandang iwasan ang mga biro na nakakadiri at nakakarimarim sa mga tao. Nakikita ko ang ilang mga tao na talagang nagkukulang kung papaano maging isang tao. Kahit na ang bawat isa ay may kapintasan, kahit papaano magkaroon man lang ng pagpipigil laban sa kamunduhan, kaunting paggalang, kaunting respeto para sa iba, at kaunting pag-intindi sa mga patakaran, para maging angkop sa harapan ng iba. Sa pamamagitan lang ng pagkilos sa ganitong paraan maaari kang maging pakinabang sa mga tao. Hindi rin madudungisan ang pangalan ng Diyos at magiging mabunga ang pagtupad sa iyong tungkulin.
Napakahalaga na ang isang naniniwala sa Diyos ay kumikilos tulad ng isang katanggap-tanggap na tao. Ang isang tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi kumikilos tulad ng isang katanggap-tanggap na tao ay siguradong nagkukulang talaga sa pagkatao at tiyak na hindi nagtataglay ng katotohanan. Ang isang tao na ayaw ng iba ay mas inaayawan ng Diyos. Ang isang tao na walang pagkatao ay hindi madaling iligtas kahit na naniniwala sila sa Diyos. Sa sambahayan ng Diyos, ang isang tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi kumikilos tulad ng isang katangap-tanggap na tao ay taong mahirap pakitunguhan, isang tao na nasa panganib. Kapag ang isang tao ay hindi talaga nagbago sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos at may malademonyo pa ring hitsura ng hindi mananampalataya, kung gayon kapag dumating ang araw ng Diyos, ang ganitong uri ng tao ay tiyak na mapaparusahan. Ang ilang tao ay hindi alam ang kagandahang asal at mga patakaran dahil hindi sila pinalaki nang maayos, ngunit maaari itong matutunan at makasanayan. Talagang kinakailangan na makuha kung anong mga bagay ang dapat mayroon ang normal na sangkatauhan. Ang pag-alam kung paano maging katanggap-tanggap na tao at pagpasok sa buhay ng normal na sangkatauhan ay isang aral din na dapat matutunan. Kung naniniwala ka sa Diyos, kailangan mong hanapin ang kaligtasan at mamuhay ng isang makabuluhang buhay. Ang kawalan ng kaalaman sa pagiging tao ay hindi rin uubra. Karamihan sa ating mga naniniwala sa Diyos ay lumaki lahat sa mga uri ng pamilyang nagtatrabaho. Ang ating mga magulang ay walang masyadong kaalaman o karunungan at alam lang kung paano kumita ng pera para ipakain sa kanilang pamilya. Karaniwang hindi nila alam kung paano magpalaki ng mga bata. Talagang kaawa-awa ang mga taong kagaya natin. Matapos pagdaanan ang iba’t-ibang paraan ng katiwalian ni Satanas, ang alam lang natin ay gumawa ng anumang dapat gawin para humanap ng paraan sa buhay. Salamat sa Diyos na nagkatawang-tao na dumating para iligtas tayo, alam na natin ngayon ang lawak ng katiwalian ng tao, anong kulang sa tao, at paano maghangad para makuha ang katotohanan at buhay. Ang pag-intindi sa lahat ng ito ay dahil sa biyaya ng Diyos.
May ilan pa ring mga sitwasyon na pinakamalubha. Ang bawat isa ay maaaring makita nang napakalinaw na ang iba’t-ibang uri ng masasamang tao ay nagbunyag na ng kanilang mga sarili. Ang ilan ay hindi tinitignan ang mga limitasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae at nakikibahagi sa makamundong gawi na nakakasuklam at nakakarimarim na makita. Sila’y mga hindi mababagong balasubas, masahol pa sa mga hayop. Ang mga ganitong uri ng mga tao ay magkakaroon pa ng mas malubhang kaparusahan na naghihintay sa kanila sa huli. May isa pang uri ng tao: Marahil labis na mahirap ang kanilang pamilya at hindi sila maaaring mabuhay, kaya kapag may pagkakataon sila, mananamantala sila basta’t kaya nila, walang-pakundangang kumukuha ng pera at mga materyal na bagay. Sila’y masasama na may karumal-dumal na karakter. Ang mga taong ito ay hindi mapahalagahan ang kabaitan at hindi nararapat na kaawaan. May mga nagsasagawa din ng kung anumang mga kasamaan ang kanilang gusto, nagsisinungaling at niloloko ang mga tao sa lahat ng dako sa kanilang mga pag-aari. Ngunit kalaunan ibinibigay din nila ang kanilang mga sarili, hinahayaan ang iba na makita sila at nakukuha ang pagkamuhi at pagkapoot ng iba bago sila maitakwil sa huli. Ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaang ito ay mga tao na inaayawan ng Diyos. Ito ang mga kontrabida sa agos na ito, at ang uri ng kaparusahan na kanilang matatanggap ay malalaman batay sa kung paano susulong at magbabago ang mga pangyayari. Umaasa ako na ang bawat isa ay kukunin ang mga kabiguan ng mga taong ito bilang isang babala, para maiwasan nila ang paggising sa galit ng Diyos at ang pagdadala ng kaparusahan. Umaasa ako na ang bawat isa ay iingatan ang kanilang mga sarili.
May 10 bagay na dapat pagtuunan ng pansin at isagawa pagdating sa pagkilos sa kung paano dapat maging isang normal na tao:
1. Sundin ang magandang kaugalian, alamin ang mga patakaran, at irespeto ang matanda at pangalagaan ang bata.
2. Magkaroon ng naaangkop na uri ng pamumuhay; iyan ay kapaki-pakinabang sa iyong sarili at sa iba.
3. Magdamit sa marangal at maayos na paraan; ipinagbabawal ang kakaiba o marangyang pananamit.
4. Huwag, sa anumang dahilan, humiram ng pera sa mga kapatid, at huwag basta-bastang gumamit ng mga gamit ng ibang tao.
5. Kinakailangang may hangganan ang pakikipag-ugnayan sa di-kaparehong kasarian; kinakailangang marangal at maayos ang mga pagkilos.
6. Huwag makipagtalo sa mga tao; matutong makinig sa mga tao nang may pasensiya.
7. Maging partikular sa pagiging malinis, ngunit naaayon sa mga aktuwal na kondisyon.
8. Normal na makisalamuha at makipag-ugnayan sa mga tao, matutong gumalang at maging mapagsaalang-alang sa kanila, at mahalin ang bawat isa.
9. Gawin ang maaari mong gawin para matulungan iyong mga nangangailangan; huwag kumuha o tumanggap ng mga bagay mula sa ibang tao.
10. Huwag hayaan ang mga tao na pagsilbihan ka; huwag hayaan ang iba na gawin ang gawain na dapat mong ginagawa sa iyong sarili.
Ang 10 patakaran sa itaas ay dapat maging pinakamababang susundin ng lahat ng mananampalataya sa Diyos sa kanilang pamumuhay bilang tao. Ang mga taong lalabag sa mga patakarang ito ay may mahinang karakter. Maaari mong sabihin na ito ang mga patakaran ng sambahayan ng Diyos. Ang madalas na sumusuway sa mga ito ay tiyak na maiisantabi.
Ang lahat ng naghahanap sa katotohanan ay kinakailangan ding sundin ang 10 katangian ng mabuting karakter ng sinaunang mga banal. Ang mga taong regular na isinasagawa at pinapanatili ang mga ito ay tiyak na makikinabang nang husto. Sila’y labis na kapaki-pakinabang.
Ang 10 prinsipyo para tumalima nang may banal na kaangkupan:
1. Magsagawa ng espirituwal na pagbuo sa umaga sa pamamagitan ng pagdadasal-pagbabasa ng salita ng Diyos nang mga kalahating oras.
2. Hanapin ang mga hangarin ng Diyos sa lahat ng bagay sa bawat araw para matulungan na isagawa ang katotohanan nang mas katumpak-tumpak.
3. Makipag-usap sa lahat ng iyong makakatagpo, natututo sa bawat isa para parehong umunlad.
4. Magkaroon ng positibong pag-uugali tungo sa buhay, at laging kumanta ng mga himno at papuri at magpasalamat sa biyaya ng Diyos.
5. Huwag makisangkot sa sekular na mundo; mas lumapit sa Diyos sa iyong puso nang regular at huwag makialam.
6. Panatilihin ang karunungan sa iyong puso at lumayo sa masama at mapanganib na mga lugar.
7. Huwag makipagtalo sa mga tao, ipaliwanag ang katotohanan, at makisama sa iba.
8. Maging handa na gawin ang lahat na maaari mong gawin para tulungan ang iba, pagaangin ang kanilang mga alalahanin, at tulungan silang lutasin ang kanilang mga problema sa pagpasok sa paniniwala sa Diyos.
9. Matuto kung paano sumunod sa mga tao, huwag pangunahan ang mga tao at huwag silang puwersahin; hayaang makinabang ang mga tao sa lahat ng bagay.
10. Laging sambahin ang Diyos sa iyong puso, hayaan Siyang maging Panginoon at pinapasaya Siya sa lahat ng bagay.
Ang nasa itaas na 10 prinsipyo ng pamumuhay ng tao at ang 10 paraan para tumalima nang may banal na kaangkupan ay lahat na mga bagay na kayang gawin ng mga tao. Maaaring isagawa ng mga tao ang mga bagay na ito kung kanilang naiiintindihan ang mga ito. Kahit pa paminsan-minsan silang nagkakasala hindi ito mahirap lutasin. Hindi kailangang pag-usapan ang mga partikular na tao na masyadong masama ang pagkatao.
Hindi mo siguro maiintindihan ang mas malalalim na katotohanan, ngunit dapat mo man lang maintindihan kung ano ang kaalaman sa normal na pagkatao dapat mayroon ka. Ang mga tao na hindi man lang kayang sumunod sa iilang mga prinsipyong ito ay masyadong iba sa kung paano dapat maging ang mga tao, at kung tutuusin walang pinagkaibahan sa mga halimaw na nakadamit ng tao. Pinapayuhan ko ang ilang tao na huwag kumilos ng mali at magkaroon ng kaunting respeto sa sarili. Huwag gumawa ng mga bagay na dudungis sa Diyos at magagamit bilang biro ni Satanas. Ang panandaliang kasiyahan sa laman ay maaaring magdala ng kawalang-hanggang kahihiyan at sakit. Malapit nang parusahan ng Diyos ang mga tao. Ang maparusahan ay labis na masakit at pinakanakakahiyang bagay. Ang hindi pagkamit ng gantimpala at sa halip ay makatanggap ng kaparusahan ay maaaring hindi magbigay sa iyo ng mukha para patuloy na mamuhay. Hindi ba?
mula sa “Ang Wastong Anyo ng Isang Mananampalataya ng Diyos”
sa Ang Pagsasama Galing Sa Itaas
Ang karaniwang sangkatauhan ay pangunahing tumutukoy sa pagkakaroon ng konsensya at katinuan. Saklaw ng konsensya at katinuan ang pagtitiis, pagkakaroon ng pasensiya sa kapwa, pagkamatapat, pakikitungo sa kapwa nang may karunungan, at pagkakaroon ng tunay na pagmamahal sa mga kapatid. Ito ang mga katangiang dapat taglayin ng karaniwang sangkatauhan.
Ang unang katangian ay pagkakaroon ng pusong matiisin. Ano ang ibig sabihin dito ng pagtitiis? Ibig sabihin nito anumang pagkakamali ang nakikita natin sa ating mga kapatid ay dapat silang pakitunguhan nang wasto, huwag silang ibukod at huwag silang sisihin. Ang pakikitungo sa kanila nang wasto ay paghahayag ng pagtitiis at pag-unawa. Kapag nakakita tayo ng mga kapintasan o katiwaliang ibinunyag sa ibang tao dapat nating tandaan na ito’y panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos, at lahat ng pinili ng Diyos ay may kapahayagan patungkol sa katiwalian. Ito ay normal at dapat nating maintindihan. Maliban doon, dapat nating tignan ang ating sariling katiwalian, ang pagbubunyag na kung saan hindi ibig sabihin na mas mababa kaysa sa ibang tao. Kung paano natin ituring ang ating sariling pagbubunyag ng katiwalian ay dapat kung paano natin ituring ang pagbubunyag ng katiwalian ng iba. Sa ganoong paraan, maaari nating pagtiisan ang iba at makamit ang epekto ng pagtitiis. Kung hindi mo kayang pagtiisan ang ibang tao, ibig sabihin may problema sa iyong katinuan at nagpapatunay na hindi mo naiintindihan ang katotohanan at hindi alam ang gawain ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng hindi pag-alam sa gawain ng Diyos? Ito’y ang hindi pagkilala na ang gawain ng Diyos ay kasalukyang hindi pa tapos, at ang taong iyon ay nabubuhay pa rin sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos at hindi pa nakumpleto. Samakatuwid, bawat tao ay hindi maiiwasang magbubunyag ng katiwalian. Ngayon karaniwang naghahanap ang lahat ng katotohanan, inaalam ang kanilang sariling katiwalian, at nararanasan ang salita ng Diyos. Lahat ay nasa panahon ng pagpasok sa katotohanan at hindi pa ganap na nakuha ang katotohanan. Ang pagbabago ng disposisyon patungkol sa buhay ay magsisimula lamang makamit kapag natamo ng mga tao ang katotohanan. Kapag naintindihan ng mga tao ang puntong ito saka sila magkakaroon ng katinuan bilang isang karaniwang tao. Kapag ang mga tao ay may kamalayan ituturing nila ang iba nang may kahulugan. Kung ang mga tao ay walang kamalayan, sila’y hindi makikitungo nang may katinuan sa kanino man. Ito ang aspeto ng pagtitiis.
Ang pangalawang katangian ay pasensiya. Ang pagtitiis lamang ay hindi sapat; kailangan mo din maging mapagpasensiya. Minsan maaaring ikaw ay matiisin at maunawain, ngunit mahirap iwasan ang partikular na kapatid na gumagawa ng isang bagay na makasasakit o makaiinsulto sa iyo. Sa naturang sitwasyon napakadaling magalit para sa taong may tiwaling disposisyon. Gusto nating lahat na ipaglaban at ipagtanggol ang ating sariling kahambugan, lahat tayo ay makasarili at mayabang. Kaya kung ang isang tao ay nakakapagsalita ng isang bagay na nakakasakit sa iyo o gumagawa ng isang bagay na nakaiinsulto sa iyo, kailangan mong maging mapagpasensiya. Ano nga ba ang pagpapasensiya? Ang pagpapasensiya ay kasali sa saklaw ng katinuan. Kailangan natin ng katinuan para magkaroon ng pasensiya. Ngunit paano ba tayo magpapasensiya? Kung gusto mong magkaroon ng pasensiya sa iba, kailangan mo muna silang maintidihan, ibig sabihin kahit sino pa man ang magsasabi sa iyo ng isang bagay na nakakasakit, alam mo dapat mag-isip at paano ito harapin. Dapat mo munang maunawaan ito: Ang kanyang mga salita ay nakasakit sa akin. Ang kanyang sinabi ay mukhang nagbubunyag sa aking kakulangan at mukhang nakadirekta sa akin. Kung ang kanyang mga salita ay nakadirekta sa akin, ano ang ibig niyang sabihin? Sinusubukan ba niya akong sirain? Itinuturing ba niya akong kaaway? Siya ba ay galit sa akin? Siya ba ay naghahangad ng paghihiganti laban sa akin? Hindi ko siya sinaktan, kaya ang sagot sa mga katanungang ito ay hindi maaaring maging oo. Kung ganoon, ano pa man ang nasabi ng kapatid na ito, siya ay walang intensyon para ako’y saktan o ituring bilang kanilang kaaway. Sigurado iyan. Noong sinabi nila ang mga salitang ito, sila’y nagpapahayag lang kung ano ang iniisip ng isang normal na tao, sa halip na idirekta sila sa anumang partikular na tao. Maaari itong sabihin na tinatalakay nila ang katotohanan, tinatalakay ang kaalaman, ibinubunyag ang katiwalian ng mga tao, o kinikilala ang kanilang sariling tiwaling estado, tunay na hindi nila sinadyang puntiryahin ang anumang partikular na indibidwal. Magbigay ka muna ng pang-unawa, pagkatapos ang iyong galit ay mawawala, at pagkatapos ay maaari mo nang makamit ang pagpapasensiya. Pagkatapos may isang taong magtatanong: Kapag may isang taong sadyang binabatikos at pinupuntirya ako, at sadyang sinasabi lang ang mga bagay na ito para makamit ang ilang layunin, paano ako magiging mapagpasensiya? Ganito ka dapat magpasensiya: Kahit pa may taong sadyang inaatake ako, dapat maging mapagpasensiya pa rin ako. Ito’y dahil sila’y aking mga kapatid at hindi aking kaaway, at tunay na hindi ang demonyong, si Satanas. Hindi maiiwasang magbunyag ng ilang katiwalian ang mga kapatid at magkaroon ng ilang mga intensyon sa kanilang mga puso. Normal ito. Naiintindihan ko, at dapat kong maunawaan ang damdamin ng iba at maging mapagpasensiya. Sa sandaling ganito ka mag-isip, dapat kang manalangin sa Diyos at sabihin: “O Diyos, may taong nakasakit sa aking pagpapahalaga sa sarili. Hindi ko matanggap ang aking kahihiyan at nag-uudyok ito para ako’y laging magalit at atakihin sila. Ito talaga ang pagbubunyag sa katiwalian. Iniisip ko dati na may pagmamahal ako para sa iba, ngunit ngayon hindi ko matanggap na ang mga salita ng isang tao ay nanakit ng puso ko. Gusto kong bumawi. Gusto kong maghiganti. Walang pagmamahal dito! Hindi ba puro galit lamang ito? May galit pa rin sa aking puso! O Diyos, ang awa na dapat naming ibahagi sa iba ay katulad ng kung paano Ka naging maawain at mapagpatawad sa aming mga kasalanan. Hindi kami dapat magtanim ng galit. O Diyos, mangyaring protektahan Mo ako, huwag Mong hayaang lumabas ang aking likas na ugali. Nais kong sumunod sa Iyo at mabuhay sa Iyong pag-ibig. Masyado na tayong sumuway at tumutol kay Cristo at sa Diyos, ngunit pinagpapasensiyahan pa rin tayo ni Cristo. Isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito na Kanyang gawain nang may labis na pasensiya at pagmamahal. Gaano katinding paghihirap, kahihiyan at paninirang-puri ang kailangang tiisin ni Cristo? Kung kinayang magpasensiya ni Cristo dito, ang kaunting pasensiya na ating kailangan ay walang-wala! Hindi maaaring ihambing ang ano mang kailangan nating pagpasensiyahan sa ginawa ni Cristo….” Sa sandaling ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, mararamdaman mo na parang sobra ka nang tiwali, sobrang hindi na mahalaga, sobrang nagkukulang sa antas, at doon ka magiging mapagpasensiya, kapag hindi ka na galit at mawawala ang matindi mong galit. Doon mo makakamit ang pagpapasensiya.
Ang pangatlong katangian ay ang pagturing sa mga tao nang may katapatan. Ang pagiging matapat sa mga tao ay nangangahulugang kahit ano man ang ating gawin, pagtulong man ito sa kapwa o pagsisilbi sa ating mga kapatid o pagsasabi ng katotohanan, kailangan tayong magsalita mula sa puso. Huwag maging bulaan at huwag maging huwad. At saka, huwag mangaral nang hindi mo pa nagawa. Sa tuwing nangangailangan ng tulong ang ating mga kapatid dapat tayong tumulong. Ano man ang tungkulin na kailangan natin tapusin kailangan nating tuparin. Maging matapat at hindi bulaan o mapagkunwari. … Siyempre, ang pagiging matapat ay nangangailangan ng kaunting karunungan sa tuwing nakikitungo sa mga partikular na indibidwal. Kung nakikita mong ang taong ito ay hindi maaasahan, kung ang kanilang katiwalian ay masyadong malalim, kung hindi mo sila nakikita at hindi alam ang maaari nilang gawin, kailangan mong maging matalino at huwag sabihin ang lahat ng bagay sa kanila. Ang pagiging matapat na tao ay nangangailangan ng mga prinsipyo. Huwag bulag na magsalita ng mga bagay na hindi mo dapat sinasabi. Dapat nating pag-usapan ang mga dapat nating pinag-usapan. Higit pa diyan, ang pagiging isang matapat na tao ay nangangailangan ng pananalita na may kadahilanan at normalidad. Huwag sabihin sa isang tao na: “Magiging tapat ako sa iyo ngayong araw at sasabihin ko ang lahat ng bagay na tungkol sa akin”. Hindi ito pagiging isang matapat na tao. Ito ay larong pambata. Kailangan mong maging normal. Sabi nila: “Nagtatrabaho ako ngayon, kaya kung walang nangyayari sa inyo, aasikasuhin ko ang aking mga gawain.” Sabi mo: “Uy, saglit lang, kailangan ko munang maging isang tapat na tao sa iyo at sabihin ang ilang mga bagay”. Sabi nila: “Wala akong oras para makinig, nagmamadali akong matapos ang mga bagay.” Sabi mo: “Hindi, kailangan ko maging tapat na tao sa iyo. Dati akong ganoon sa iyo at ngayon kailangan kong maging ganito sa iyo.” Hindi ba ito kalokohan? Ang pagiging matapat na tao ay pagiging matalinong tao at hindi isang mangmang na tao. Ito’y hinggil sa pagiging matalino, simple at bukas, at hindi nakalilinlang. Kailangan kang maging normal at may kamalayan. Ang katapatan ay gawa sa katuwiran. Ito ang ibig sabihin ng pagiging matapat kapag humaharap sa mga tao, at ang pagiging isang tapat na tao. Siyempre, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa pagiging matapat na tao ay ang pagiging matapat sa Diyos. Hindi ba ito’y magiging isang malaking problema kung ikaw ay matapat lang na tao sa harapan ng ibang tao ngunit hindi ka matapat sa harapan ng Diyos at nililinlang Siya? Kung nais mong maging matapat na tao sa Diyos, natural kang magiging matapat sa harapan ng iba. Kung hindi mo ito kayang gawin sa harapan ng Diyos, mas lalo itong magiging mahirap gawin para sa ibang tao. Anumang aspeto ng katotohanan o positibong bagay ang iyong papasukin, kailangan mo muna itong gawin sa harapan ng Diyos. Kapag nagawa mo ito nang matagumpay sa harapan ng Diyos, natural mong maipapamuhay ito sa harapan ng ibang tao. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili na gawin ito o iyon sa harapan ng iba at malaya mong gawin anuman ang iyong nais sa harapan ng Diyos. Hindi maaari iyon. Ang pinakamahalagang bagay ay ang paggawa nito sa harapan ng Diyos, na Siyang sumusubok sa sangkatauhan at sumasaliksik sa kanilang mga puso. Tunay kang may reyalidad kung ikaw ay pumasa sa pagsubok ng Diyos. Wala kang reyalidad kung hindi ka pumasa sa pagsubok ng Diyos. Ito ang prinsipyo kapag isinasagawa mo ang katotohanan.
Ang pang-apat na katangian ay ang pakikitungo sa mga tao nang may karunungan. Sabi ng ilang tao: “Kailangan ba ng karunungan para makasundo ang mga kapatid?” Oo, kailangan, sapagkat ang paggamit ng karunungnan ay nagdudulot ng mas malaki pang pakinabang sa iyong mga kapatid. Ang ilan ay magtatanong: “Hindi ba ang pagiging magaling sa mga kapatid ay pagiging tuso?” Ang karunungan ay hindi pagiging tuso. Sa halip, ito ay lubos na kabaliktaran ng pagiging tuso. Ang ibig sabihin ng paggamit ng karunungan ay ang pagbibigay pansin sa paraan ng pananalita sa iyong mga kapatid kapag maliit ang katayuan nila, kung sakaling hindi nila matanggap ang iyong sinasabi. At saka, sa mga taong nasa mababang katayuan, lalo na ang mga hindi nagtataglay ng katotohanan at nagbubunyag ng ilang katiwalian at may ilang tiwaling disposisyon, kung ikaw ay masyadong simple at bukas at sinasabi mo ang lahat ng bagay, minsan maaari din itong maging madali para sa kanila na makakuha ng isang bagay sa iyo o para sa iyo para magamit. Hindi rin ito makabubuti. Dahil ang mga tao ay may tiwaling disposisyon, kailangan may pag-iingat ka at may ilang pamamaraan kapag nagsasalita. Ngunit ang pagiging maingat laban sa mga tao ay hindi nangangahulugang hindi sila tutulungan o walang pagmamahal sa kanila. Ibig sabihin lang nito ay ang hindi pagsabi agad ng mga importanteng bagay tungkol sa sambahayan ng Diyos, at pagpapaalam lang ng katotohanan sa kanila. Kung kailangan nila ng tulong espirituwal sa buhay at kailangang ibigay ang katotohanan sa kanila, kailangan nating gawin ang lahat ng ating makakaya para masiyahan sila tungkol dito. Ngunit kung sila ay nagtatanong sa ganito’t sa ganyan tungkol sa sambahayan ng Diyos, o sa ganito’t sa ganyan tungkol sa mga lider at manggagawa nito, hindi na kailangang sabihin sa kanila. Kung sasabihin mo sa kanila, maaari nilang ilabas ang mga impormasyong ito at ito’y makakaapekto sa gawain ng sambahayan ng Diyos.
Sa madaling salita, kung ito ay isang bagay na hindi nila dapat malaman o isang bagay na hindi nila kailangang malaman, huwag hayaang malaman nila ang tungkol dito. Kung ito ay isang bagay na dapat nilang malaman, gawing mo ang lahat para malaman nila ang tungkol dito, buong-buo at walang pag-aalinlangan. Ano ang mga bagay na dapat nilang malaman? Ang paghahangad sa katotohanan ang dapat nilang malaman; kung anong katotohanan ang dapat nilang makuha, anong mga aspeto ng katotohanan ang dapat nilang maintindihan, anong mga tungkulin ang dapat nilang matupad, anong mga tungkulin ang angkop sa kanila para matupad, paano nila dapat matupad ang mga tungkuling iyon, paano mamuhay nang may normal na pagkatao, paano mamuhay ng buhay iglesia—ito ang lahat na dapat malaman ng mga tao. Sa kabilang banda, ang mga patakaran at prinsipyo ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia ay hindi maaaring ibulgar sa mga tagalabas, o ni ng mga kalagayan ng iyong mga kapatid ay hindi maaaring ilantad sa mga tagalabas o mga hindi mananampalataya sa iyong pamilya. Ito ang prinsipyo na kailangang sundin sa ating paggamit ng karunungan. Ang mga pangalan at tirahan ng iyong mga lider, ay halimbawa, mga bagay na hindi dapat pag-usapan. Kung pag-uusapan ninyo ang tungkol sa mga ganitong bagay, hindi mo kailanman malalaman kung kailan maririnig ng mga tagalabas ang mga impormasyong ito, at ang mga bagay ay maaaring maging mas magulo kapag ito ay nakarating sa ilang masasamang espiya o mga lihim na ahente. Kailangan mong maging matalino sa mga bagay na ito. Kaya ko sinasabi ko na ang karunungan ay lubos na kinakailangan. Bukod dito, kapag ikaw ay nagiging simple at bukas, hindi mo maaaring sabihin nang basta-basta kung kanino man ang pribadong mga bagay. Kailangan mong pagpasyahan ang katayuan ng iyong mga kapatid para makita kung pagkatapos mong sabihin sa kanila, maaari silang maging hindi makadiyos at gawing biro ang iyong sinasabi. Magiging problema kung hahayaan nila itong makalabas; pipinsalain nito ang iyong karakter. Kaya kailangan din ng karunungan sa pagiging simple at bukas. Iyan ang pang-apat na pamantayan ng normal na pagkatao na kailangang taglayin—pakikitungo sa mga tao nang may karunungan.
Ang panglimang katangian ay ang pagkakaroon ng tunay na malasakit sa mga kapatid na totoong naniniwala sa Diyos. Kasama dito ang kaunting tunay na pag-ibig, aktuwal na pagtulong, at espiritu ng dedikasyon. Mas lalong dapat tayong makipag-usap at magbigay pa sa ating mga kapatid na naghahangad ng katotohanan, kahit pa sila’y mga bagong naniniwala o mga naniniwala na nang ilang taon. Mayroon nitong isang partikular na prinsipyo ng buhay iglesia: Magbigay ng espesyal na pagturing sa mga naghahanap ng katotohanan. Mas makipag-usap sa kanila, mas magbigay sa kanila, at mas diligan sila para bumilis ang kanilang paglago, para palaguin ang kanilang mga buhay sa lalong madaling panahon. Para sa mga hindi naghahanap ng katotohanan, kapag naging kapansin-pansin na hindi nila mahal ang katotohanan pagkatapos ng panahon ng pagdidilig, kung gayon hindi na kailangang gumugol ng matinding pagsisikap sa kanila. Hindi ito kinakailangan dahil nagawa mo na ang lahat ng bagay na posibleng gawin bilang tao. Sapat na natupad mo na ang iyong responsibilidad. … Kailangan mong makita kung kanino dapat ituon ang iyong gawain. Gagawin bang perpekto ng Diyos ang mga hindi naghahangad ng katotohanan? Kung hindi ginagawa ng Banal na Espiritu, bakit mo pa ito kailangang ipagpatuloy nang pikit-mata? Hindi mo naiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu subalit lagi ka pa ring kumikilos nang mapagmataas— hindi ba ito ang iyong kabobohan at kamangmangan? Kaya, mas magbigay ng tulong sa mga kapatid na tunay na naghahangad ng katotohanan, dahil sila ang layon ng pagliligtas ng Diyos at Kanyang natukoy na mga pinili. Kung lagi nating sasabihin ang katotohanan sa mga taong ito nang may iisang puso at isip at tutulungan at susuplayan ang bawat isa, sa huli ay makakamtan nating lahat ang kaligtasan. Pinagkakanulo mo ang kalooban ng Diyos kung hindi ka sasali sa mga taong ito. … Ang mga taong may normal na pagkatao sa iglesia ay dapat ibilang ang kanilang mga sarili sa mga naghahanap ng katotohanan, magkakaroon ng magandang ugnayan sa mga taong ito, at dahil sa paghahangad ng katotohanan paunti-unti kayong gugugol nang magkakasama para sa Diyos nang may iisang puso at isip. Sa ganoong paraan, ang mga taong naghahangad ng katotohanan ay maliligtas at ikaw ay maliligtas din, dahil ang Banal na Espiritu ay kumikilos kasama ng mga naghahangad ng katotohanan. …
Nasabi namin sa itaas ang limang aspeto na kailangang taglayin ng normal na pagkatao. Kung ikaw ay mayroon ng lahat ng limang katangiang ito, ikaw ay magkakaroon ng magandang ugnayan sa iyong mga kapatid, mahahanap mo ang iyong lugar sa iglesia, at matutupad mo ang iyong papel sa pinakamahusay mong kakayahan.
mula sa “Paano Magtayo ng Buhay-Iglesia at ang Kahulugan ng Pagtatayo ng Buhay-Iglesia”
sa Mga Sermon at Pagsasama sa Pagpasok sa Buhay (I)
Ang pang-apat na uri ng paghahayag ng pagbabago ng disposisyon ay ang pagkakaroon ng konsensya, pagkakaroon ng katinuan, at pagiging mabait, at pagiging tapat na tao. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng konsensya at katinuan ng isang tao ay ang pagtatamasa sa biyaya ng Diyos at alam kung paano suklian ang pag-ibig ng Diyos. Maaari nilang tuparin ang kanilang tungkulin bilang nilikha sa pamamagitan ng paniniwala sa Diyos dahil mayroon silang kaunawaan sa Diyos, sila ay mabait, at naging tapat na tao. Bilang tapat na tao, maaari nilang tuparin ang kanilang tungkulin at suklian ang pag-ibig ng Diyos, at ituring ang mga tao nang may kabaitan. Ang ganitong klase ng tao ay hindi nagsisinungaling, hindi nanloloko, at tunay na hindi nangmamanipula. Ang pakikisama sa ganitong klaseng tao ay hindi kailanman magdadala sa iyo sa panganib o mananakit sa iyo. Matapos mabago ang kanilang disposisyon sa buhay, maaaring maging mabait ang mga tao, pakikitunguhan nila ang lahat nang patas, at lalong magiging mahabagin sa mga taong partikular na mabuti. Una, hindi ka nila dadayain. Pangalawa, hindi ka nila bibitagin. Pangatlo, tunay na hindi nila nanaising ikaw ay saktan. Hindi mo na kinakailangang mag-alala tungkol sa mga bagay na ito kailanman. At saka, kapag sinaktan mo sila sa anumang paraan, patatawarin ka nila at hindi kikimkimin ang iyong kasalanan. Hahayaan ka nila, pagtitiisan ka nila, pagpasensiyahan ka nila, at ituturing ka pa rin nila nang may pag-ibig. Hindi ba ito’y mas ligtas kung may nakilala kang ganitong tao? Ang taong nabago ang disposisyon ng buhay ay may mabait na puso at may pag-ibig sa bawat tao at handa silang tulungan. Kahit na sinasaktan mo sila o magkasala sa kanila, kaya nilang magtiis, magpasensiya, at patawarin ka. Ang naturang tao ay may normal na pagkatao at may pagkakatulad sa totoong tao. Ang isang tao sa pagkakatulad sa totoong tao ay itinuturing ang mga tao nang may konsensya, katinuan at sa katotohanan. Sinusunod nila ang Diyos, may mapagmahal silang puso, at nagsasagawa sila ng tunay na pagsamba. Iyan ang tao na nabago ang disposisyon sa buhay. Ang mga tao sa panahon ngayon ay maraming masamang sangkap, kaya paano sila kikilos? Huhusgahan nila at mamaliitin ang sinuman kapag nakakita sila ng hindi nila gusto. Hindi ba kalupitan iyon? At saka, kapag sila ay nakakita ng kahit sinong nagbubunyag ng katiwalian, hindi nila ito ituturing na parang mga tao, sa halip ituturing nila ito bilang mga demonyo. Hindi tamang pagturing sa mga tao—hindi ba ito malisyoso? Kapag may isang taong nagawan sila ng mali o nakapagsalita ng hindi nila dapat sabihin, tulad ng mga salitang mapanghusga sa kanila o mapanghinala sa kanila, o nakakasakit sa kanila, hindi sila magpapatawad, gugustuhin nilang gumanti at bumawi. Hindi ba iyon mapanira? Higit pa diyan, lagi nilang sinusubukang manamantala ng ibang tao, inuutusan sila at inuutusan ang iba para gawin ang mga bagay para sa kanila, ngunit hindi sila kailanman tumutulong sa kanino man. Hindi ba’t bastos iyon? Ang lahat ng ito ay malalang pagpapahayag. Ang mababait na tao ay walang kasamaan sa kanilang mga puso. Kung ikaw ay may pagkakautang, hindi sila magagalit, ngunit wala silang utang na loob sa iyo dahil para sa kanila ito ay tunay na hindi katanggap-tanggap. At saka, hindi problema kung masaktan mo sila, ngunit kailanman ay hindi ka nila nais saktan, lalo na mapinsala ka nang mag-isa. Hindi ba’t kabutihang-puso iyon? Kapag ang sinuman ay nakagawa ng isang bagay na hindi kanais-nais sa kanila, kaya rin nilang lumagay sa posisyon ng taong iyon at ikonsidera sila, kaya silang patawarin, at intindihin sila. Ito rin ang pagpapahayag ng mabuting puso. Ang ilang tao ay nakagawa ng maraming kasamaan sa nakaraan, ngunit mayroon na sila ngayong pananalig sa Diyos at kayang hangarin ang katotohanan, at kaya pa nilang magpatawad ng iba at ituring sila nang wasto at patas. Ang ganitong uri ng tao ay nauuri bilang isang taong may mabuting puso. Ang mga taong may mabubuting puso ay may pagtitiis, awa at pagpapatawad sa kanilang mga puso, at higit sa lahat sila ay may pag-ibig at simpatya. Kaya naman ang bawat isa ay gustong makasalamuha ang isang tao na gaya nito at handang maging kaibigan.
mula sa “Ang Katotohanang Dapat Mapasok ng Isa Upang Makamit ang Pagbabago sa Disposisyon at mga Paghahayag ng Pagbabago sa Disposisyon”
sa Mga Sermon at Pagsasama sa Pagpasok sa Buhay (IV)
Kapag ang taong naligtas ay may tunay nang kaunawaan sa Diyos, maisasabuhay nila ang wangis ng totoong tao. Ang wangis na ito ng isang tunay na tao ay maaari nating ibuod sa dalawang parirala. Ang una ay ang pagtataglay ng katotohanan, at ang pangalawa ay ang pagiging tao. Tanging ang naturang tao ay isang tunay na matapat sa harapan ng Diyos. Ang katotohanan ay nasa kalooban ng tunay na taong tapat, kaya hindi sila kailanman muling matitiwali at malilinlang ni Satanas. Nakikita nila ang kalooban ng mundong ito at ang kasamaan nito at kadiliman, gayun din ang likas na kalagayan at diwa ng natiwaling mga tao. Sa makatuwid, kaya nilang tunay na sambahin ang Diyos, tunay na sundin ang Diyos, at ang kanilang buhay ay nagiging tunay na patotoo ng kanilang pananalig sa Diyos. Ang naturang indibidwal ay isang taong naligtas. Bilang isang taong naligtas na nagtataglay ng katotohanan, sila ay may konsensya at katinuan sa harapan ng Diyos at karakter at dignidad sa harapan ng iba. Mabilis silang kumakapit sa salita ng Diyos, at napapasaya nila ang Maylikha sa pamamagitan ng pagtupad nila sa kanilang tungkulin bilang isang nilikha. Iyan ang taong ligtas na. Ang isang aspeto ng taong naligtas na nagtataglay ng katotohanan ay nakikita nila ang laman ng mundo, nakikita si Satanas, at nakikita ang mga tiwaling tao. Samakatuwid, alam nila kung paano makitungo sa mundo, alam nila kung paano makitungo kay Satanas, at lalong alam nilang makitungo sa mga natiwaling mga tao. Dahil dyan, maraming bagay sa kanilang mga buhay kung saan mayroon silang mga prinsipyo at katotohanan. Ang taong mayroong katotohanan ay kumikilos sa ilang paraan. Una, pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa katotohanan, sila ay nananalangin at hinahanap ang Diyos at sinusunod Siya. Pangalawa, kapag tinutupad nila ang kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, pinangangalagaan nila ang gawain ng Diyos, lakas-loob nilang sinusuportahan ang katotohanan at mga prinsipyo, at hindi takot na masaktan ang tao. Kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilikha at ang puso nila ay naayon sa Diyos, laging nasa Kanyang panig. Ito ang panig ng taong naligtas na nagtataglay ng katotohanan. Ang kanilang makataong panig ay alam nila kung paano suklian ang pag-ibig ng Diyos at kayang isagawa nang matapat ang kanilang mga tungkulin bilang isang nilikha at gawin ang lahat ng bagay sa kanilang abilidad para gampanan ang mga tungkulin na kaya nila. At saka, mayroon silang normal na relasyon sa iba at kayang mamuhay nang normal sa karamihang tao, napapakisamahan sila, nakikipag-usap nang may katapatan at gawin ang mga bagay nang may karunungan. Iyan ang makatao nilang panig. Iyong mga kumikilos sa dalawang paraang ito ay mga tao na may katotohanan at may pagkatao. Ang mga taong may pagkatao ay maaaring hindi magmukang hindi mayabang, at maaaring wala silang anumang partikular na kaalaman o mga karanasan, ngunit dahil may taglay silang katotohanan, mayroon silang normal na pagkatao. Iyong mga tunay na nakakaintindi sa katotohanan ay may normal na pagkatao. Mula sa panlabas, ang naturang tao ay maaaring hindi katangi-tangi o mukhang espesyal. Maaaring sila ay mukhang ordinaryo, napakanormal, at hindi kapuna-puna, ngunit ang mga taong walang katotohanan ay hindi sila maaaring makita. Iyon lamang may katotohanan, sa pamamagitan ng mga obserbasyon sa buhay ng taong ito, sa bandang huli lang masasabi na naiiba ang taong ito. Ang katotohanan ay nasa loob nila, may mga prinsipyo sila, at ginagawa nila ang mga bagay nang may pinakamataas na karunungan. At saka, ang normal na pagkatao nila ay simple, matapat, at bukas, kaya naman napakadali nilang pakisamahan. Ang sinumang makasalamuha ng naturang tao ay mag-iisip na sila ay mabuting tao. Wala nang maraming mabubuting tao na tulad nito. Bihirang-bihira na lang sila. Ang naturang tao ay walang masamang mga hangarin at walang masamang ginagawa o ano pa man. Kapag gumugol ka ng oras kasama ang taong ito, kahit pa mukha sila marunong at maprinsipyo tungo sa iyo, hindi ka nila pipinsalain, lalo na ang lokohin ka. Sapat na ito para patunayan na ang taong nagtataglay ng katotohanan at may pagkatao ay tunay na may mabuting puso at matapat na tao. Iyon ay isang taong naligtas.
mula sa “Ang Apat na Pamantayan Para sa Kaligtasan at ang Tunay na Situwasyon ng isang Taong Naligtas” sa Mga Sermon at Pagsasama sa Pagpasok sa Buhay (III)
Mula sa Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos (Mga Kinakailangan ng Bagong Mananampalataya)
Ang pinagmulan:Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.
Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento