Ngayon ay hindi na ang Kapanahunan ng Biyaya, ni ang kapanahunan ng awa, kundi ang Kapanahunan ng Kaharian kung saan ang mga tao ng Diyos ay ibinubunyag, ang kapanahunan kung saan ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang tuwiran sa pamamagitan ng pagkaDiyos. Sa gayon, sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos, inaakay ng Diyos ang lahat ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang mga salita patungo sa espirituwal na kinasasaklawan. Sa pambungad na talata, ginagawa Niya ang mga paghahandang ito nang pauna, at kung tinataglay ng isa ang kaalaman ng mga salita ng Diyos, susundan nila ang baging upang makuha ang melon, at tuwirang matatarok kung ano ang inaasam ng Diyos na makamit sa Kanyang bayan. Dati, ang mga tao ay sinubok sa pamamagitan ng titulong “taga-serbisyo,” at ngayon, pagkatapos na sila ay naparaan sa pagsubok, ang kanilang pagsasanay ay opisyal na nagsisimula. Karagdagan pa, ang mga tao ay dapat na magkaroon ng higit na malaking kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos batay sa pundasyon ng mga salita ng nakaraan, at dapat na tumingin sa mga salita at sa persona, at sa Espiritu at sa persona, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan—bilang isang bibig, isang puso, isang pagkilos, at isang pinagmumulan. Ang kailangang ito ang pinakamataas na kailangan na ginawa ng Diyos sa tao simula sa paglikha. Mula rito ay nakikita na inaasam ng Diyos na gugulin ang bahagi ng Kanyang mga pagsisikap sa Kanyang bayan, na inaasam Niyang magpakita ng ilang mga tanda at himala sa kanila, at, higit na mahalaga, na inaasam Niyang mapasunod ang lahat ng mga tao sa kabuuan ng gawain at mga salita ng Diyos. Sa isang bahagi, itinataas ng Diyos Mismo ang Kanyang patotoo, at sa isa, nakágáwâ Siya ng mga kailangan sa Kanyang mga tao, at tuwirang inilabas ang mga utos ng Diyos sa pangangasiwa sa mga masa: Sa gayon, “Yamang kayo ay tinatawag na Aking bayan, ang mga bagay-bagay ay hindi na gaya nang dati; dapat ninyong pakinggan at sundin ang mga pagbigkas ng Aking Espiritu, matamang sundan ang Aking gawain, at hindi maaaring paghiwalayin ang Aking Espiritu at Aking katawang-tao, sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay.” Dito, upang hadlangan ang mga tao mula sa pagwawalang-bahala sa Diyos na nagkatawang-tao, minsan pa ay may pagdidiin sa “sapagka’t Kami ay likas na iisa, at hindi magkahiwalay”; dahil ang gayong pagpapabaya ay pagkabigo ng tao, ito ay minsan pang nakatala sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos. Sunod, ipinababatid ng Diyos sa mga tao ang mga kalalabasan ng pagsuway sa mga utos sa pangangasiwa ng Diyos, nang walang itinatagong anuman, sa pamamagitan ng pagsasabing, “sila ay magdurusa ng kawalan, at makakaya lamang uminom mula sa kanilang sariling mapait na karanasan.” Dahil ang tao ay mahina, pagkatapos marinig ang mga salitang ito wala siyang magawa kundi maging higit pang maingat sa Diyos sa kanyang puso, sapagka’t ang “mapait na karanasan” ay sapat upang ang mga tao ay saglit na magbulay. Ang mga tao ay maraming mga pakahulugan sa “mapait na karanasang” ito na sinasabi ng Diyos: mahatulan ng mga salita o mapaalis mula sa kaharian, o maihiwalay sa ilang panahon, o ang laman ng isa ay magawang tiwali ni Satanas at maangkin ng masasamang mga espiritu, o mabigo ng Espiritu ng Diyos, o ang laman ng isa ay matapos at maitapon sa Hades. Ang mga pakahulugang ito ay kung ano ang mararating ng mga utak ng mga tao, kaya’t sa kanilang guni-guni, hindi kaya ng mga taong lampasan ang mga iyon. Nguni’t ang mga kaisipan ng Diyos ay hindi gaya niyaong sa tao; ibig sabihin niyan, ang “mapait na karanasan” ay hindi tumutukoy sa alinman sa nasa itaas, kundi sa lawak ng pagkakilala ng mga tao sa Diyos pagkatapos tanggapin ang pakikitungo ng Diyos. Para sabihin ito nang maliwanag, kapag ang isang tao ay sadyang pinaghihiwalay ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang mga salita, o pinaghihiwalay ang mga salita at ang persona, o ang Espiritu at ang katawang-tao na idinaramit Niya sa Kanyang Sarili, ang taong ito ay hindi lamang walang kakayanang makilala ang Diyos sa mga salita ng Diyos, kundi may kaunti ring paghihinala sa Diyos—kung saan matapos ito ay nabubulag sila sa bawa’t pagbaling. Hindi ito gaya ng naguguni-guni ng mga tao na sila ay tuwirang inihiwalay; sa halip, unti-unti silang bumabagsak sa pagkastigo ng Diyos—na ang ibig sabihin, sila ay bumababa sa matitinding mga sakúnâ, at walang sinumang magiging tugma sa kanila, na para bang naangkin sila ng masasamang espiritu, at para bang sila’y isang langaw na walang ulo, dumadapo sa mga bagay-bagay saan man sila pumunta. Sa kabila nito, hindi pa rin sila makaalis. Sa kanilang mga puso, ang mga bagay-bagay ay di-mailarawan sa hirap, na parang may di-masabing pagdurusa sa kanilang mga puso—gayunman hindi nila maibuka ang kanilang mga bibig, at ginugugol nila ang buong araw na tulalâ, hindi madama ang Diyos. Sa ilalim ng mga kalagayang ito na ang mga utos sa pangangasiwa ng Diyos ay nagbabanta sa kanila, kaya hindi sila nangangahas na umalis sa iglesia sa kabila ng kawalan ng kasiyahan—ito ang tinatawag na “panloob at panlabas na pagsalakay,” at lubhang napakahirap para sa mga tao na tiisin. Ang nasábi rito ay iba sa mga pagkaintindi ng mga tao—at iyan ay dahil, sa ilalim ng mga kalagayang yaon, alam pa rin nilang hanapin ang Diyos, at nangyayari ito kapag tinatalikuran sila ng Diyos, at ang higit na mahalaga ay yaong, gaya lamang sa isang hindi-mananampalataya, lubos na hindi nila kayang madama ang Diyos. Hindi inililigtas nang tuwiran ng Diyos ang ganoong mga tao; kapag ang kanilang mapait na karanasan ay naubos na, iyan ang sandali na ang kanilang huling araw ay nakarating. Nguni’t sa sandaling ito, hinahanap pa rin nila ang kalooban ng Diyos, nag-aasam na masiyahan kahit sa kaunting sandali pa—nguni’t ang sandaling ito ay iba sa nakaraan, malibang mayroong mga namumukod na kalagayan.
Kasunod nito, ipinaliliwanag rin ng Diyos ang mga positibong aspeto sa lahat, at sa gayon sila ay minsan pang nakatatamo ng buhay—sapagka’t, sa nakaraang mga panahon, sinabi ng Diyos na ang mga taga-serbisyo ay walang buhay, nguni’t ngayon ang Diyos ay biglang nagsasalita tungkol sa “buhay na tinataglay sa loob.” Tanging sa pagsasalita lamang tungkol sa buhay nalalaman ng mga tao na maaari pa ring magkaroon ng buhay ng Diyos sa loob nila. Sa paraang ito, ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay nadaragdagan nang nadaragdagan, at nakakatamo sila ng higit na pagkakilala sa pag-ibig at habag ng Diyos. Sa gayon, matapos makita ang mga salitang ito, lahat ng mga tao ay nagsisisi sa kanilang nakaraang mga pagkakamali, at palihim na lumuluha ng mga luha ng pagtitika. Ang karamihan, din, ay tahimik na binubuo ang kanilang mga pasya na dapat nilang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Kung minsan, ang mga salita ng Diyos ay tumatagos sa kaloob-looban ng puso ng mga tao, pinahihirap para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, at mahirap para sa mga tao na maging mapayapa. Kung minsan, ang mga salita ng Diyos ay taos-puso at masigasig, at pinasisigla ang mga puso ng mga tao, anupa’t matapos na mabasa ang mga iyon ng mga tao, gaya ito ng pagkakitang muli ng isang kordero sa ina nito makalipas ang maraming mga taon ng pagkawala. Napupuno ng mga luha ang kanilang mga mata, nadadala sila ng damdamin, at sabik na sabik silang mayakap ng Diyos, humahagulgol, inilalabas ang di-mailarawang sakit na naroon na sa kanilang mga puso sa loob ng maraming taon upang maipakita sa Diyos ang kanilang katapatan. Sanhi ng maraming buwan ng pagsubok, sila ay naging bahagyang napakasensitibo, na parang kararanas pa lamang nila ng matinding kapinsalaan, gaya ng isang imbalido na nakaratay sa loob ng ilang taon. Upang patatagin sila sa kanilang paniniwala sa mga salita ng Diyos, maraming ulit na idinidiin ng Diyos ang sumusunod: “Upang ang susunod na hakbang ng Aking gawain ay makapagpatuloy nang maayos at walang balakid, Aking kinakasangkapan ang pagpipino ng mga salita upang subukin ang lahat niyaong nasa Aking bahay.” Dito, sinasabi ng Diyos “subukin ang lahat niyaong nasa Aking bahay”; ang masinsinang pagbasa sa mga salitang ito ay nagsasabi na kapag ang mga tao ay kumikilos bilang mga taga-serbisyo, sila ay mga tao pa rin sa loob ng bahay ng Diyos. Higit pa, ang mga salitang ito ay nagdidiin ng katapatan ng Diyos tungo sa titulong “mga tao ng Diyos,” nagdadala sa mga tao ng isang sukat ng ginhawa sa kanilang mga puso. Kaya’t bakit paulit-ulit na tinutukoy ng Diyos ang maraming mga palatandaan sa mga tao pagkatapos na mabasa nila ang mga salita ng Diyos, o kung kailan “ang mga tao ng Diyos” ay hindi pa naibubunyag? Ito ba ay upang ipakita lamang na ang Diyos ay ang Diyos na tumitingin nang malalim sa puso ng tao? Ito ay bahagi lamang ng dahilan—at dito, ito ay pangalawa lamang ang kahalagahan. Ginagawa ng Diyos ang gayon upang ang lahat ng mga tao ay lubos na mapapaniwala, upang ang bawa’t tao ay maaring, mula sa mga salita ng Diyos, makaalam ng kanilang sariling mga kakulangan at makaalam ng kanilang sariling mga dating pagkukulang na may kinalaman sa buhay, at, higit na mahalaga, upang ilagay ang pundasyon para sa susunod na hakbang ng gawain. Ang mga tao ay maaari lamang magsikap upang makilala ang Diyos at maghabol upang tularan ang Diyos batay sa pundasyon ng pagkilala sa kanilang mga sarili. Dahil sa mga salitang ito, ang mga tao ay nagbabago mula sa pagiging negatibo at pasibo tungo sa pagiging positibo at maagap, at itinatanim nito ang mga ugat para sa pangalawang bahagi ng gawain ng Diyos. Maaaring masabi na, sa hakbang na ito ng gawain bilang pundasyon, ang ikalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay nagiging madali, nangangailangan lamang ng pinakabahagyang pagsisikap. Sa gayon, kapag naalis ng mga tao ang kalungkutan sa kaibuturan ng kanilang mga puso at naging positibo at maagap, ginagamit nang lubusan ng Diyos ang pagkakataong ito upang magtalaga ng iba pang mga kailangan sa Kanyang mga tao: “Ang Aking mga salita ay inilalabas at ipinahahayag sa anumang sandali o lugar, at, gayundin, dapat ninyong makilala ang inyong mga sarili sa Aking harapan sa lahat ng sandali. Sapagka’t ang ngayon ay, matapos ang lahat, hindi-gaya ng dati, at hindi mo na maisasakatuparan kung anuman ang iyong nais. Sa halip, dapat mong, sa ilalim ng paggabay ng Aking mga salita, makayang supilin ang iyong katawan, dapat mong gamitin ang Aking mga salita bilang pangunahing-timon, at hindi dapat kumilos nang padalus-dalos.” Dito, pangunahing ipinagdidiinan ng Diyos ang “Aking mga salita”; sa nakaraan, din, tinukoy Niya ang “Aking mga salita” nang maraming ulit, at sa gayon, walang magawa ang bawa’t tao kundi magbaling ng kaunti nilang pansin dito. Sa gayon ay ipinakita ang sentro ng susunod na hakbang ng gawain ng Diyos: Lahat ng mga tao ay magbabaling ng kanilang pansin sa mga salita ng Diyos, at hindi maaaring magkaroon ng anumang iba pang pag-ibig. Lahat ay dapat na magpahalaga sa mga salitang binigkas mula sa bibig ng Diyos, at hindi paglaruan ang mga iyon, at sa gayon ay mawawakasan ang sinusundang mga kalagayan sa iglesia, kapag ang isang tao ay magbabasa ng mga salita ng Diyos at marami ang magsasabi ng amen at magiging masunurin. Nang panahong iyon, hindi alam ng mga tao ang mga salita ng Diyos, nguni’t ginamit ang mga iyon bilang isang sandata para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Upang baligtarin ito, gumagawa ang Diyos sa lupa ng bago at mas mataas na mga kailangan sa tao. Upang pigilan ang mga tao mula sa pagiging negatibo at walang-ginagawa matapos makita ang matataas na mga panuntunan at mahihigpit na mga kinakailangan ng Diyos, pinalalakas ng Diyos ang mga tao nang maraming ulit sa pamamagitan ng pagsasabing: “Yamang ang mga bagay-bagay ay nakarating na nang ganitong kalayo ngayon, hindi ninyo kailangang makadama ng masyadong kalungkutan at pagsisisi tungkol sa inyong mga gawa at pagkilos nang nakaraan. Ang Aking pagpapatawad ay walang-hangganang tulad ng mga karagatan at ng kalangitan—maari kayang ang lawak ng pagkilos ng tao at pagkakilala sa Akin ay hindi kasing-pamilyar sa Akin ng likod ng Aking sariling kamay?” Ang mga masigasig at taos-pusong mga salitang ito ay biglang nagbubukas ng isipan ng mga tao, at agad na inaalis sila mula sa kawalang-pag-asa tungo sa pag-ibig para sa Diyos, tungo sa pagiging positibo at maagap, sapagka’t ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng paghawak sa kahinaan sa mga puso ng mga tao. Nang hindi ito namamalayan, ang mga tao ay palaging nakadarama na nahihiya sa harap ng Diyos dahil sa kanilang mga nakaraang pagkilos, at nagpapahayag sila ng pagsisisi nang paulit-ulit. Sa gayon, ibinubunyag ng Diyos ang mga salitang ito na natatanging natural at normal, upang hindi maramdaman ng mga tao na ang mga salita ng Diyos ay matigas at walang-buhay, kundi kapwa mahigpit at malambot, at malinaw at parang buhay.
Mula sa paglikha hanggang ngayon, tahimik na isinaayos ng Diyos ang lahat ng bagay para sa tao mula sa espirituwal na mundo, at kailanman ay hindi inilarawan ang katotohanan ng espirituwal na mundo sa tao. Gayunman, ngayon, biglang binabalangkas ng Diyos ang digmaang nagaganap sa loob nito, na sadyang iniiwan ang mga tao na nagkakamot ng kanilang mga ulo, tumitindi ang kanilang pandama na ang Diyos ay malalim at di-maarok, at mas pinahihirap pa para sa kanila na matagpuan ang pinagmumulan ng mga salita ng Diyos. Maaaring masabi na ang nakikipagdigmang katayuan ng espirituwal na mundo ay naghahatid sa lahat ng mga tao tungo sa espiritu. Ito ang unang mahalagang bahagi ng gawain sa hinaharap, at siyang gabay kung saan sa pamamagitan nito ang mga tao ay maaaring makapasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Mula rito ay makikita na ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos ay pangunahing nakatutok sa espiritu, kung saan ang pangunahing layunin ay bigyan ang lahat ng mga tao ng higit na kaalaman tungkol sa mahimalang mga gawa ng Espiritu ng Diyos sa loob ng katawang-tao, sa gayon ay binibigyan ang lahat niyaong mga tapat sa Diyos ng higit na kaalaman tungkol sa kahangalan ni Satanas at sa kalikasan ni Satanas. Bagaman sila ay hindi ipinanganak sa espirituwal na kinasasaklawan, pakiramdam nila ay parang namasdan na nila si Satanas, at sa sandaling magkaroon sila ng ganitong pakiramdam, agad na lumilipat ang Diyos sa isa pang paraan ng pagsasalita—at sa sandaling matamo ng mga tao ang paraang ito ng pag-iisip, itinatanong ng Diyos: “Bakit Ko sinasanay kayo nang ganitong madalian? Bakit sinasabi Ko sa inyo ang mga katunayan ng espirituwal na mundo? Bakit Ko kayo pinaaalalahanan at pinapayuhan tuwina?” At marami pa—isang buong serye ng mga tanong na pumupukaw ng maraming mga katanungan sa mga utak ng mga tao: Bakit ang Diyos ay nagsasalita sa ganitong tono? Bakit nagsasalita Siya tungkol sa mga bagay ng espirituwal na mundo, at hindi tungkol sa Kanyang mga hinihingi sa mga tao sa panahon ng pagtatayo ng iglesia? Bakit hindi pinatatamaan ng Diyos ang mga pagkaintindi ng mga tao sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga hiwaga? Sa pagiging bahagyang mas maalalahanin lamang, ang mga tao ay nakakatamo ng kaunting kaalaman tungkol sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, at sa gayon, kapag nakatagpo sila ng mga tukso sa hinaharap, mayroong isinisilang sa kanila na tunay na damdamin ng pandidiri kay Satanas. At kahit na kapag nakatagpo sila ng mga pagsubok sa hinaharap, nakakaya pa rin nilang makilala ang Diyos at kamuhian si Satanas nang mas matindi, at sa gayon ay sumpain si Satanas.
Sa katapusan, ang kalooban ng Diyos ay inihahayag nang buo sa tao: “tinutulutan ang bawa’t salita Ko na mag-ugat at mamulaklak sa loob ng inyong mga espiritu, at higit na mahalaga, mamunga nang marami. Iyan ay dahil sa ang Aking hinihingi ay hindi ang matingkad at mayabong na mga bulaklak, kundi masaganang bunga—bunga, na higit pa, hindi nabubulok.” Sa mga paulit-ulit na hinihingi ng Diyos sa Kanyang mga tao, ito ang pinakamalawak-ang-sakop sa lahat ng mga iyon, ito ang pinakasentrong punto, at inilalatag sa isang prangkahang paraan. Nakalipat na Ako mula sa paggawa sa normal na pagkatao tungo sa paggawa sa lubos na pagkaDiyos; sa gayon, sa nakalipas, sa Aking simpleng-binigkas na mga salita, walang pangangailangan para sa Akin na magdagdag ng higit pang mga paliwanag, at karamihan sa mga tao ay nakayang maunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita. Ang resulta ay na, noon pa, ang kinailangan lamang ay malaman ng mga tao ang Aking mga salita at makayang magsalita tungkol sa realidad. Ang hakbang na ito, gayunpaman, ay malaki ang kaibahan. Ang Aking pagkaDiyos ay lubos na pumalit, at hindi nag-iwan ng puwang para gumanap ng bahagi ang pagkatao. Sa gayon, kung ang mga yaong nasa gitna ng Aking mga tao ay nagnanais na maunawaan ang tunay na kahulugan ng Aking mga salita, mahihirapan sila nang sukdulan. Sa pamamagitan lamang ng Aking mga pagbigkas sila makakatamo ng pagliliwanag at pag-iilaw, at kung hindi sa pamamagitan ng daang ito, anumang mga kaisipan ng pagtarok sa layunin ng Aking mga salita ay mga walang-kabuluhang pangangarap lamang. Kapag ang lahat ng mga tao ay may higit na pagkakilala sa Akin matapos tanggapin ang Aking mga pagbigkas ay ang panahon kung kailan isasabuhay Ako ng Aking mga tao, ito ang panahon kung kailan ang Aking gawain sa katawang-tao ay tapos na, at ang panahon kung kailan ang Aking pagkaDiyos ay buong isinasabuhay sa katawang-tao. Sa sandaling ito, lahat ng mga tao ay susubukang makilala Ako sa katawang-tao, at tunay na makakayang sabihin na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ang magiging bunga. Ito ay dagdag pang patunay na ang Diyos ay nanghinawa na sa pagtatayo ng iglesia—iyan ay, “Bagaman ang mga bulaklak sa isang ‘greenhouse’ ay di-mabilang gaya ng mga bituin, at inaakit ang lahat ng mga turista, sa sandaling ang mga iyon ay nalanta, nagugutay ang mga iyon gaya ng mga mandarayang pakanâ ni Satanas, at wala nang sinumang nagpapakita ng anumang interes sa kanila.” Bagaman ang Diyos ay personal na gumawa sa panahon ng pagtatatag ng iglesia, dahil Siya ay ang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma, wala Siyang pangungulila sa mga bagay ng nakaraan. Upang pigilan ang mga tao sa pag-iisip pabalik sa nakaraan, ginamit niya ang mga salitang “nagugutay ang mga iyon gaya ng mga mandarayang pakanâ ni Satanas,” na nagpapakitang ang Diyos ay hindi nananangan sa doktrina. May mga tao na maaaring magkamali ng pakahulugan sa kalooban ng Diyos, at magtatanong: Bakit, yamang ito ay gawaing ginawa mismo ng Diyos, sinabi ba Niya “sa sandaling ang mga iyon ay nalanta, wala nang sinumang nagpapakita ng anumang interes sa kanila”? Ang mga salitang ito ay nagbibigay sa tao ng isang pagbubunyag. Ang pinakamahalaga ay tinutulutan ng mga ito ang lahat ng mga tao na magkaroon ng isang bago, at wastong, panimulang punto, at saka lamang nila mabibigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan, ang mga tao ng Diyos ay makakapagpuri sa Diyos nang tunay, hindi napipilitan, at na nagmumula sa kanilang mga puso. Ito ang kung ano ang nasa puso ng 6,000-taong planong pamamahala ng Diyos. Iyan ay, ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong planong pamamahalang ito: pagpapabatid sa lahat ng mga tao ng kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos—pagpapabatid sa kanila nang praktikal na ang Diyos ay naging katawang-tao, na ibig sabihin, ang mga gawa ng Diyos sa katawang-tao—upang matanggihan nila ang malabong Diyos, at makilala ang Diyos na Siyang sa ngayon at kahapon din, at, higit sa riyan, sa kinabukasan, na tunay at aktwal na umiiral mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Saka lamang papasok ang Diyos sa kapahingahan!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento