Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao
Ang susi sa pagkamit ng isang pagbabago ng disposisyon ay alamin ang sariling kalikasan, at ito ay dapat manggaling mula sa pagbubunyag ng Diyos. Tanging sa salita ng Diyos kayang malaman ang kaniyang sariling karima-rimarim na kalikasan, makilala sa kaniyang sariling kalikasan ang mga sari-saring lason ni Satanas, matanto na siya ay hangal at mangmang, at makilala ang mahina at mga negatibong elemento sa kaniyang sariling kalikasan. Kapag ang mga ito ay ganap nang nalaman, at kaya mong tunay na talikdan ang laman, palaging isinakatuparan ang salita ng Diyos, at may kaloobang walang pasubaling nagpapasakop sa Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay sinimulang ang landas ni Pedro. Kung wala ang biyaya ng Diyos, kung walang pagliliwanag at gabay mula sa Banal na Espiritu, ay magiging napakahirap lakaran ang daang ito, dahil ang mga tao ay walang katotohanan at hindi magagawang ipagkanulo ang kanilang sarili.