Salita ng Diyos | Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas
Sa Aking pamamahay, minsang nagkaroon ng mga dumadakila sa Aking banal na pangalan, na gumawa nang walang kapaguran upang mapuno ang papawirin ng Aking kadakilaan sa lupa. Dahil dito, labis Akong natuwa, napuno ang Aking puso ng kaluguran—ngunit sino ang kayang gumawa na Aking kahalili, tinatalikdan ang tulog sa gabi at araw? Nagbibigay sa Akin ng kaluguran ang determinasyon ng tao sa Akin, ngunit pinupukaw ng kanyang paghihimagsik ang Aking galit, at gayon, dahil hindi kailanman masunod ng tao ang kanyang tungkulin, lalong tumitindi ang Aking kalungkutan para sa kanya. Bakit laging hindi kaya ng tao na ialay ang kanilang sarili sa Akin? Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao? Maaari bang hindi Ako maalam sa mga pamamaraan ng pagnenegosyo, pero marunong ang tao? Bakit palagi Akong nililinlang ng mga tao sa pamamagitan ng matatas na pananalita at panghihibok? Bakit palaging dumarating ang mga tao na may dalang mga “regalo,” humihingi ng daan pabalik? Ito ba ang itinuro Ko na gawin ng tao? Bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na yaon “nang mabilis at malinis”? Bakit palaging nagaganyak ang mga tao na linlangin Ako? Kapag kasama Ko ang tao, tinitingnan Ako ng mga tao bilang isang nilikhang nilalang; kapag nasa pangatlong langit Ako, itinuturing nila Ako bilang ang Makapangyarihan sa lahat, na siyang humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay; kapag nasa kalangitan Ako, nakikita nila Ako bilang ang Espiritu na nagpupuno sa lahat ng bagay. Sa kabuuan, walang nararapat na lugar para sa Akin sa puso ng mga tao. Para bang isa Akong bisitang hindi imbitado, kinayayamutan Ako ng mga tao, at gayon kapag nakakakuha Ako ng tiket at kukunin ang Aking upuan, itinataboy nila Ako, at sinasabing wala Akong mauupuan dito, na nagpunta Ako sa maling lugar, at kaya wala Akong pagpipilian kung hindi umalis kaagad. Nagdesisyon Akong hindi na makihalubilo sa tao, dahil masyadong makitid ang utak ng mga tao, masyadong maliit ang kanilang kagandahang-loob. Hindi na Ako kakain sa parehong mesa sa kanila, hindi na Ako magpapalipas ng oras sa mundo na kasama sila. Ngunit kapag nagsalita Ako, namamangha ang mga tao, natatakot sila na lilisan Ako, at kaya pilit nila Akong “ikinukulong”. Habang nakikita ang kanilang pagkukunwari, agad Kong naramdamang tila malungkot at mapanglaw ang Aking puso. Natatakot ang mga tao na iiwan Ko sila, at gayon kapag humihiwalay Ako sa kanila, agad napupuno ang lupa ng tunog ng pag-iyak, at nababalutan ng mga luha ang mga mukha ng mga tao. Pinupunasan Ko ang kanilang mga luha, muli Ko silang pinagiginhawa, at tinititigan nila Ako, ang kanilang mga mata ay tila nagmamakaawa sa Akin na huwag lumisan, at dahil sa kanilang “kabusilakan” kasama nila Ako. Ngunit sino ang makakaunawa ng sakit na nasa Aking puso? Sino ang matandain sa mga bagay na hindi Ko nasasabi? Sa mga mata ng mga tao, para bang wala akong emosyon, at kaya palagi kaming nagmumula sa dalawang magkaibang pamilya. Paano nila makikita ang pakiramdam ng kapanglawan sa Aking puso? Iniimbot lamang ng mga tao ang kanilang mga sariling kaaliwan, at hindi nila iniisip ang Aking kalooban, dahil, hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mangmang ang mga tao tungkol sa layon ng Aking plano ng pamamahala, at kaya ngayon gumagawa pa rin sila ng tahimik na mga pagsamo—at ano ang benepisyo nito?