Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hindi Dapat Paniwalaan ang “Kung Makikita ay Paniniwalaan”
Xiaowen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Dati, kapag narinig ko ang mga tao na nagkokomento sa isang bagay, palagi nilang sinasabi “kung makikita ay paniniwalaan.” Sa paglipas ng panahon, ginamit ko rin ito na basehan sa pagtimbang sa mga bagay-bagay, at ganito rin pagdating sa mga salita ng Diyos. Ang naging resulta sa bandang huli ay hindi ko na mapaniwalaan ang marami sa mga salita ng Diyos na hindi pa naisasakatuparan. Habang tumatagal ang panahon na ginugugol ko sa paniniwala sa Diyos, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa iba’t-ibang antas ng pagsasakatuparan, nakita ko ang mga katibayan ng mga pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at hindi ko na pinagdudahan ang anumang sinabi ng Diyos. Akala ko na ito ay ang aking pagkakaroon ng kaunting pagkaintindi sa katapatan ng Diyos, at nagawa kong paniwalaan na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay tunay.
Subalit isang araw, nang nabasa ko ang mga salitang ito na binigkas ng Diyos, “kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno,” ako ay hindi ulit makapaniwala dito. Naisip ko, kung sinabi nito “kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, kung gayon, lahat ng tiwaling tao ay nararapat na masira sa wakas,” kung gayon, maaari na akong tuluyang maniwala dito, dahil alam ko kung gaano kahalaga sa atin ang Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit para sabihin na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, kung gayon matagal na sanang sinira ng Diyos ang tao sa impiyerno, akala ko ito ay isa lamang na interpretasyon. Noong naisip ko ito, nakaramdam ako ng pagkabalisa. Kinailangan kong humarap sa Diyos para humingi ng tulong at pamamatnubay: O, Diyos ko! Ayokong ganito ang pagharap ko sa Iyong mga salita at kinamumuhian ko ang aking pagiging masyadong tuso. Sumunod ako sa Iyo nang mahabang panahon at nakita ko ang maraming mga katibayan ng pagsasakatuparan ng Iyong mga salita, kung kaya’t paanong ako ay nag-iisip pa rin ng ganito? O, Diyos ko! Gusto kong maniwala sa bawat salita na Iyong sinasabi at mayroon akong totoong pananalig sa Iyong mga salita. Gusto kong akayin Mo ako sa katotohanang ito!
Pagkatapos, nabasa ko ang naibahagi mula sa itaas na nagsasabing: “Dapat kilalanin ng isang tao na ang bawat salita na sinasabi ng Diyos ay maisasakatuparan at maisasagawa, subalit hindi nakikilala o nakikita ng tao ang lahat ng ito. Dahil ang pagsasakatuparan sa mga salita ng Diyos ay tiyak na hindi lubusang tutugma sa iniisip ng tao at kung minsan ay maikukubli sa pamamagitan ng maraming mga panlabas na kaanyuan, at hindi madaling makikilala ng tao ang mga ito; tanging ang Diyos ang nakakaalam kung paano maisasakatuparan ang mga salita ng Diyos. Mayroong ilang mga bagay kung saan ang pagsasakatuparan ng mga salita ng Diyos ay maaaring malinaw na makita ng sangkatauhan, at ang ilan ay hindi madaling makita nang malinaw, kaya hindi dapat na ibase ng sangkatauhan ang kanilang mga konklusyon sa kung naisakatuparan na ba o hindi pa ang mga salita ng Diyos sa kanilang sariling mga imahinasyon. Maging yaong mga may mas malinaw na pagkaintindi sa katotohanan ay hindi lubusang makita nang malinaw kung paano naisasakatuparan ang bawat salita ng Diyos. Ang mga bagay kung saan malinaw na nakikita ng tao ang pagsasakatuparan ng mga salita ng Diyos ay napakalimitado dahil hindi kailanman maaarok ng tao ang karunungan ng Diyos. Kung paano maisasakatuparan ang alinmang salita ng Diyos ay lubos na nakasalalay sa Kanyang pagbibigay kahulugan dito at ang lahat nito ay naglalaman ng karunungan ng Diyos—kaya paano ito maaarok ng tao?” (“Ang Pangunahing Pagbabago sa Pananaw Ay isang Palatandaan ng Tunay na Pagkaintindi sa Katotohanan” sa Mga Salaysay ng Pagbabahagi at mga Ayos ng Gawain ng Iglesia I). Habang binabasa ko ang sipi na iyan, bigla kong naisip si Jonas. Nakarating kay Jehova ang kasamaan ng mga tao ng Ninive, at ipinadala ng Diyos si Jonas sa Ninive para sabihing “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak” (Jonas 3:4). Subalit hindi pumayag si Jonas na gawin ang iniutos ni Jehova dahil alam niya na ang Diyos na Jehova ay mayroong biyaya at awa, mayroong saganang pagmamahal at hindi madaling bumigay sa matinding galit. Natakot si Jonas na, kung tumuloy siya at nagpahayag gaya ng iniutos ni Jehova, kung gayon makalipas ang 40 araw at hindi nagdulot ang Diyos ng kalamidad sa mga tao ng Ninive, sasabihin nila na siya ay isang sinungaling at mandaraya. Makalipas ang ilang libong taon, tinitingnan ko ang buong prosesong ito na makikitang nakatala sa Biblia. Malinaw kong napagtanto na, sa panahong iyon, talagang ginusto ng Diyos na sirain ang siyudad ng Ninive, subalit dahil sa kanilang pagsisisi, hindi Niya ito ginawa. Ngunit kung ako ay naging isa sa mga nabubuhay noong kapanahunan ni Jonas, na hindi alam kung ano ang pinagdaanan ni Jonas at ang tanging nakita ko ay maayos ang lahat sa Ninive, iisipin ko ba na si Jonas ay isang sinungaling at mandaraya? Tiyak na naisip ko ito.
Noon ko lamang naintindihan na para hatulan ang mga bagay batay sa mga katibayan na nakikita sa labas ay masyadong pagkiling sa isang panig, masyadong simple. Hindi nito isinasaalang-alang ang kabuuan ng mga katibayan, hindi ito ang totoong katayuan ng mga bagay at ito ay lubos na hindi tumpak. Ito ay sa dahilang ang mga bagay na nakikita ng mga mata ng tao ay masyadong kakaunti, masyadong limitado at masyadong mababaw. Tanging ang pagtingin sa mga bagay alinsunod sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, lubusang malawak, at ibinubunyag ang totoong sitwasyon. Katulad noong ginusto ni Jehova na sirain ang Ninive. Habang tinitingnan ang mga katibayan na nakikita ng mga tao, magmula noong bago bigkasin ni Jonas ang mga salitang iyon hanggang pagkatapos, ang lahat ay maayos sa siyudad na iyon, walang palatandaan na ninais ni Jehova na sirain ito. Subalit, ang totoong sitwasyon, ay na sa matuwid na disposisyon ng Diyos, ang mga tao sa siyudad na iyon ay napakatiwali na kinakailangan Niyang sirain ito. Ngunit nagpakita ang Diyos ng awa sa tao at minahal sila, at kaya ipinadala si Jonas para sabihan sila na magsisi. Pagkatapos, nakita ng Diyos na talagang sila ay nagsisi kung kaya, taglay ang maawaing puso, hindi Siya nagdulot ng kalamidad para sirain sila. Kung hindi sila nagsisi, isinagawa sana ng Diyos kung ano ang Kanyang sinabi: “Apat na pung araw pa at ang Ninive ay mawawasak.” Ang totoong sitwasyon noong panahon na iyon ay nabuo sa ganitong paraan, subalit hindi posible para sa mga taong kasangkot na makilala o makita ito kailanman. Sa ibang pananalita, ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay maisasakatuparan at maisasagawa—ito ay may katiyakan. Ito ay sa kadahilanang hindi kailanman maaarok ng tao ang karunungan ng Diyos, at kung paano naisasakatuparan ang anumang salita ng Diyos ay lubusang nakasalalay sa Diyos para bigyang kahuluguan ito at ang lahat ng nilalaman nito ay ang karunungan ng Diyos, tanging ang tao ang hindi makaaarok nito, lalo na ang lubusan itong arukin.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa paggamit sa bagay na ito para maliwanagan ako, para maintindihan ko na ang talatang “kung makikita ay paniniwalaan” na kadalasang sinasabi ng mga tao ay hindi tumpak, at para timbangin ang mga salita ng Diyos ayon sa pananaw na ito ay sa kabuuan, isang pagkakamali. Pagkatapos ko itong matanto, binasa kong muli ang mga salitang ito na binigkas ng Diyos, “kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno,” at nagawang maniwala sa mga ito mula sa aking puso at tanggapin ang mga ito sa tamang paraan. Dahil sa ating katiwalian at sa pagkamatuwid ng Diyos, dapat ay matagal na tayong sinira, subalit dahil lamang sa pagpakita sa atin ng Diyos ng awa at pagbalik muli sa katawang-tao para iligtas tayo, maaari tayong mabuhay sa harapan ng Diyos ngayon. Ngayon lamang ako nagkaroon ng malinaw na pag-unawa na bawat isa sa mga salita ng Diyos ay karapat-dapat na paniwalaan, at mula sa aking puso nararamdaman ko na ang Diyos ay matuwid at napaka-mapagmahal sa tao.
Nagpapasalamat ako sa pagliliwanag ng Diyos na naging daan para maunawaan ko ang aspetong ito ng katotohanan, at na bumago sa dating maling pananaw ko. Magmula ngayon, kung ito man ay tungkol sa kung paano ko tinitingnan ang mga tao o paano ko tinitingnan ang mga bagay, palagi ko itong gagawin ayon sa mga salita ng Diyos, dahil ang mga salita ng Diyos ay lubusang tama. Bukod sa mga salita ng Diyos, anumang pananaw kagaya ng “kung makikita ay paniniwalaan” na nakikita ng mga tao bilang tama, kahit na ito ay ginawa at nasubok na o may matagal nang kasaysayan, hindi pa rin tama ito. Ang mga salita ng Diyos ang tanging batayan para tingnan o timbangin ko ang lahat ng mga bagay.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento