Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Disyembre 2, 2018

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya

Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya 

    Simula nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay. Noong 1991, Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpakita at nagsimula ng gawain sa Tsina, nagpahayag ng mga katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Nasindak ang CCP sa mga taong nakikinig sa tinig ng Diyos at lumalapit sa Kanya, kaya para matanggal ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at maprotektahan ang kanilang diktadura, palihim silang naglabas at nag-isyu ng maraming lihim na dokumento para masugpo ang mga Kristiyano, at walang-awa nilang inaaresto at pinahihirapan ang mga Kristiyano sa bawat sulok ng bansa. Nag-imbento rin sila ng maraming kasinungalingan at mga kasong walang katotohanan para maibunton ang sisi at masira ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinagawa nila ang labis na pagpapahirap, ang brainwashing, at binantayan at minanmanan ang mga Kristiyano, at kahit yaong mga may kaugnayan sa kanila ay nadamay. Pinagbubugbog nila ang maraming Kristiyano hanggang sa mamatay nang walang pakundagan at pag-aalinlanlangan. Ang lahat ng ito ay dahil sa nakakabaliw nilang tangka na mapuksa ang mga Kristiyano at magawang isang rehiyong walang Diyos ang Tsina. Sa video na ito, ipinakikita namin ang napakaraming katotohanan upang maisiwalat ang maraming taktika na ginawa ng CCP para mapahirapan ang mga Kristiyano, inilalantad nito ang karumaldumal na kasalanan ng kanilang malupit na pagsugpo at pang-aapi sa mga Kristiyano sa mga bahay-sambahan, ganun din ang malademonyong diwa ng gobyerno ng Tsina.

Marso 20, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain


 Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi

      Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. “

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao


Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan


       Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Pebrero 3, 2018

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

1. Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay. 

      Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
   Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Siya ang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang maaaring maglabas ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang kataasan? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang kataasan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang tunay na umiiral at Siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang iba pang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ang palaging pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at maaabot ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.
     mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”
     sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang        makatatakas sa Kanyang kontrol.

Enero 23, 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Ebangheliyong musika | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,
Prinsipe ng Kapayapaan,
S'ya'y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo'y umawit,
pagka't sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo'y inaliw N'ya,
Tinubos N'ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa'y pinamalas, ng Diyos ang bisig N'yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita'ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Enero 22, 2018

Kidlat ng Silanganan | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Zhang Jin, Beijing

August 16, 2012
   
   Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.

Enero 21, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Ang Kalooban ng Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

   Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Enero 9, 2018

Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosMaikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Yang Le Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia
    Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkatapos niyang mamatay, hindi lamang kami–ang aking ina na walang trabaho, ang aking dalawang kapatid na babae at ako–pinabayaan ng mga tiyuhin sa parehong parte ng pamilya na madalas na tinutulungan noon ng aking ama ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng kaya nila para pagkakitaan kami, nakikipag-away pa sa amin para sa maliit na pamana na iniwan sa amin ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tumatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng mga masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.

Enero 6, 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong
      Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Enero 2, 2018

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosNatatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
    Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

    Isang umaga, habang nagsasagawa ako ng mga espirituwal na debosyon, nakita ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Ang gawa ni Pedro ay ang pagganap sa tungkulin ng nilalang ng Diyos. Hindi siya gumawa sa tungkulin ng isang apostol, ngunit sa panahon ng kanyang paghahangad sa isang pagmamahal sa Diyos. Ang daan ng gawa ni Pablo ay naglalaman din ng kanyang personal na gawa…. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawa—itong lahat ay para lang sa kanyang sariling kapakanan, at hindi naisagawa sa gitna ng pagsusulong ng pagbabago. Ang lahat sa kanyang gawa ay isang pakikipag-unawaan, ito ay hindi naglalaman ng tungkulin o pagpapasakop ng nilalang sa Diyos. Noong panahon ng kanyang gawa, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawa ay para lamang sa paglilingkod sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. … Si Pedro ay iba: Siya ay isang tao na naranasan ang pagpupungos, at naranasan na ang pakikitungo at pagpipino. Ang layon at udyok ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba sa gawain ni Pablo. Kahit na hindi gumawa si Pedro ng malakihang gawain, ang kanyang disposition ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay yaong katotohanan, at totoong pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa lamang para sa kapakanan ng mismong gawaing ito” (“Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naantig ng mga salita ng Diyos ang aking kaluluwa at nanahimik ako: Si Pedro ay isang taong tumupad ng kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha. Ginawa niya ang kanyang proseso ng paghahanap ng pag-ibig sa Diyos na kabaligtaran ng kanyang papel bilang isang apostol. Ngunit ako ba ay isang taong tumutupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang na nilikha o basta ginagawa lang ang aking trabaho bilang isang manggagawa? Sa panahong ito, inisip ko ang iba’t ibang sitwasyon ng nakaraan: Noong napakaraming gawain ng iglesia na kailangang asikasuhin, sinasabi ng ibang mga kapatid: Kayo ay tunay na napabibigatan ng gawain ng Diyos. At napapabulalas ako: Kaming mga pinuno ay walang magagawa kundi ang harapin ito. Kung minsan, sa mga pamilyang kumukupkop o sa harapan ng mga kasamang manggagawa, gusto kong pagbigyan ang aking katawang pisikal at magpahinga, ngunit pagkatapos ay naiisip ko: Hindi, isa akong pinuno, kailangan kong mamuhay ng normal na pagkatao at hindi mamuhay sa kahalayan. Kapag parang ayaw kong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, iniisip ko rin na: Bilang isang pinuno, kung hindi ko kakainin at iinumin ang mga salita ng Diyos, paano ko malulutas ang mga problema ng ibang tao? Kung minsan sumasama ako sa isang kasamang manggagawa papunta sa pamilyang kumukupkop sa kanya, at kapag nakita kong ang paraan ng pakikitungo sa akin ng babaeng kumukupkop sa aking kasamahan ay hindi kasing-sigla ng pakikitungo sa kanya, nagagalit ako: Maaaring hindi mo alam kung sino ako, pero ako ang kanyang pinuno. Kung minsan, sa anumang kadahilanan, parang ayaw kong makipag-usap sa mga kapatid na kumukupkop, pero gayunman ay iniisip kong: Bilang isang pinuno, paano ang magiging tingin sa akin ng mga tao kung nagpupunta ako pero hindi ako nakikipag-usap sa kanila? Dahil isa akong pinuno dapat akong makipag-usap sa mga pamilyang kumukupkop. … Sa iba’t ibang pag-uugaling ito ay nakita kong: Nagtatrabaho ako dahil sa katayuan. Ito man ay sa pakikipag-usap sa mga tao, pagdalo sa mga pulong, o pag-aasikaso sa mga pangkalahatang gawain, lahat ng ito ay dahil lamang sa ako ay isang pinuno at dama kong obligasyon kong tuparin nang kaunti ang aking tungkulin at magtrabaho nang kaunti. Hindi ko tinutupad ang tungkulin ko bilang isang nilalang na nilikha, at higit pa rito hindi ako nagtatrabaho sa pamamagitan ng aking proseso ng pagmamahal sa Diyos tulad noon ni Pedro. Kung magpapatuloy ang mga bagay tulad ng dati, kapag dumating ang araw na aalisin at papalitan na ako, marahil hindi ko patuloy na tutuparin ang aking tungkulin gaya ng ginagawa ko ngayon. Noon ko lamang nakita na hindi ako isang taong nagsasagawa ng katotohanan o nagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Sa halip, ako ay isang kasuklam-suklam na kontrabida na nagtrabaho lamang para sa reputasyon at katayuan. Imposibleng magkaroon ng katapatan sa Diyos sa pagtatrabaho sa paraang ginawa ko dahil iyon ay sa kawalang-interes. Hindi ko kusang isinasagawa ang katotohanan at binigyang konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, dahil “it was all for its own sake, and not carried out amid the pursuit of change.” Paano posibleng mabibigyang-kasiyahan ng gayong serbisyo ang kalooban ng Diyos? Si Pablo noon ay kumikilos sa kanyang posisyon bilang isang apostol; ang kanyang gawain ay puno ng mga transaksyon. Ako ay gumagawa at gumugugol noon sa aking posisyon bilang isang pinuno. Paano naging kaiba kay Pablo ang gayong mga intensyon at layunin sa paniniwala sa Diyos?

   Sa puntong ito, lumuhod ako sa harapan ng Diyos: O Diyos! Salamat sa Iyo sa napapanahong kaligtasan, na nagbangon sa akin mula sa aking pagkatuliro, nagbukas ng aking isip sa tunay kong kalagayan, at nagpakita na tinatahak ko pa rin noon ang landas ni Pablo na Fariseo.

   Ang aking gawain at pagtupad sa aking tungkulin ay katulad na katulad sa mga Fariseo, na marahil ay ikinainis Mo. O, Makapangyarihang Diyos! Handa akong baguhin ang aking mga maling intensiyon at mga pagkaintindi sa ilalim ng patnubay ng Iyong salita. Handa akong tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilalang na nilikha at sundan ang halimbawa ni Pedro sa paggawa ng nararapat kong gawin sa pamamagitan ng proseso ng pagmamahal sa Diyos, hindi na kumikilos sa aking posisyon bilang isang pinuno, at gawin ang lahat ng aking makakaya upang hanapin at lumakad pasulong tungo sa landas ni Pedro!
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Enero 1, 2018

Kabanata 33. Paano Uunawain ang Makatuwirang Disposisyon ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 33. Paano Uunawain ang Makatuwirang Disposisyon ng Diyos

     Ang mga tao ay maaaring bigyan ng mga kategorya, na dineditermina ng kanilang mga espiritu . Ang ilang tao ay may mga makataong espiritu, at sila ay pinipili sa isang paraan na nauna nang nadetermina. Sa kalooban ng makataong espiritu ay ang bahagi na nauna nang nadetermina. Ang ibang tao ay walang espiritu, sila ay mga demonyo na nakapasok. Sila ay hindi naunang nadetermina at pinili ng Diyos. Bagama’t nakapasok sila, hindi sila maliligtas, at sa huli ay hihilahing palayo ng mga demonyo. Dinidetermina ng panloob na kalikasan ng tao kung tatanggapin niya ang ginawa ng Diyos o kung anong daan ang kanyang tatahakin o kung makakapagbago siya pagkatapos niyang tanggapin ito. Hindi maiiwasan na may ilang tao na maliligaw.

Disyembre 31, 2017

Kabanata 18. Ang Ikalawang Aspeto ng Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 18. Ang Ikalawang Aspeto ng Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao

    Ano ang dahilan para sa pagiging pangkaraniwan at pagiging normal ng Diyos na nagkatawang-tao? Ito ba ay para lamang Siya ay makagawa? Ito ba ay upang patunayan lamang na Siya si Cristo? Anong kahalagahan ang taglay ng Kanyang karaniwang pagiging pangkaraniwan at pagiging normal? Sinasabi ng ilang mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman. Nangangahulugan ba lamang ito nang ganito? Kung Siya ay si Cristo, kung gayon Siya ay tiyak na dapat isang karaniwan at normal na laman, kaya hindi ba nito nililimitahan ang Diyos? Kung Siya ay tiyak dapat isang karaniwan at normal na laman, ano ang kahulugan ng “tiyak na”? Sinasabi ng ilang mga tao na ito ay upang ipahayag ang mga salita ng Diyos, nang upang magawa ng tao na kaagad makipag-ugnayan sa Kanya. Ito ba ay para lamang sa dahilang ito? Noong una, ito ang inisip ng lahat ng mga tao. Ngayon pinag-uusapan natin ang tungkol sa diwa ni Cristo. Ang diwa ni Cristo ay lubos na sa Diyos Sarili Niya. Ito ang Kanyang diwa, ngunit ang lahat ng bagay na Kanyang ginagawa ay mayroong kahulugan. Isang natatanging hinirang na laman, isang laman na mayroong isang natatanging kaanyuan, isang natatanging hinirang na sambahayan, isang natatnging hinirang na buhay na kapaligiran—ang mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay mayroong kahulugang lahat. Itinatanong ng ilang mga tao: “Paano nangyari na hindi ko makita ang dakilang kahalagahan sa likod ng pagsusuot ng Diyos sa pangkaraniwan at normal na laman na ito? Hindi ba ito isa lamang panlabas na anyo? Sa sandaling matapos ng Diyos ang kanyang gawain, hindi ba magiging walang kabuluhan ang panlabas na anyo na ito?” Sa mga iniisip ng mga tao at sa kanilang kamalayan, iniisip nila na ang panlabas na anyo nitong pangkaraniwan at normal na laman na ito ay walang malaking kabuluhan, na wala itong malaking kabuluhan sa gawain ng Diyos sa Kanyang plano sa pamamahala at na ito ay upang makumpleto lamang ang yugto ng gawaing ito. Ang mga tao ay naniniwala na ito lamang ay upang maaari silang makipag-ugnayan nang madali sa Kanya at dinggin ang Kanyang mga salita, nagagawa nilang makita at madama Siya, at wala nang iba pa. Ito ang dati nang naiintindihan ng mga tao na kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Sa totoo lang, sa panahon ng gawain ng karaniwan at normal na laman at sa panahon ng pagkakatawang-tao, bukod sa pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin sa Sarili Niya, nagsasagawa din Siya ng isa pang gawain. Ang aspeto ng gawain na isinasakatuparan din ng laman na ito ay isang bagay na wala pang sinuman ang nagsaalang-alang. Anong uri ng gawain ito? Bukod sa paggawa ng gawain ng Diyos Sarili Niya, dumating Siya upang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Ito ay isang bagay na hindi napagtanto ng mga tao noong una. Noong una, iniisip ng mga tao: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay palaging nagdurusa mula sa karamdaman. Para saan at dinanas Niya ang ganito?” Sinasabi ng ilang mga tao na ito ay ang kababaang-loob at pagka-tago ng Diyos, na iniibig ng Diyos ang tao, na ito ay dinadanas ng Diyos upang iligtas ang tao…. Ipinaliliwanag nila ito sa ganitong nakalilitong paraan. Ngunit kung hindi itinulot ng Diyos na nagkatawang-tao ang Sarili Niya na magdusa, makakamit ba Niya ito? Magagawa Niya, hindi ba ? Sinasabi ng ilang mga tao: “Sa Kapanahunan ng Biyaya ay kailangan lamang nating manalangin sa Diyos upang lunasan ang anumang karamdaman sa sandaling ito ay bumangon, kaya paanong nangyari na ang Diyos na nagkatawang-tao ay palaging dinadapuan ng karamdaman? Paano Siya kung gayon palaging maysakit? Paano kung gayon ang Kanyang sarili ay hindi kailanman gagaling?” Ang bagay ba na ito ay hindi palaging isang palaisipan para sa tao? Bagamat sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay nagdusa, na iniibig sila ng Diyos, iniisip pa rin ng ilan na: “sa Kapanahunan ng Biyaya, kailangan lamang nating umasa sa panalangin upang malunasan ang karamdaman. Hindi tayo kailanman uminom ng gamot, hindi kailanman nagkaroon ng anumang gamot sa ating mga tahanan, hindi nababatid kung nasaan ang pagamutan at kailangan lamang nating manalangin upang lunasan maging ang ating kanser. Kaya bakit ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi nagtamo ng maraming biyaya gaya ng sa tao?” Hindi ba ito isang palaisipan? Ito ay isang buhol sa puso ng tao, ngunit hindi ito sineseryoso nang husto ng mga tao at ipinaliliwanag lamang ito nang basta-basta, sinasabi na iniibig ng Diyos ang tao, na ang Diyos ay nagdusa para sa sangkatauhan. Hanggang sa ngayon, hindi pa ito naiintindihan ng mga tao nang tama. Ang maranasan ang pagdurusa ng mundo ay isang pananagutan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit ano ang silbi ng pagdanas ng pagdurusa ng mundo? Ito ay isa pang usapin. Ang Diyos ay dumating upang maranasan ang pagdurusa ng mundo at ito ay isang bagay na hindi talaga matatamo ng Banal na Espiritu. Ang Diyos na nagkatawang-tao lamang na isang karaniwan, normal, at lubos na laman at Siya na naging ganap na tao, ang makararanas nang lubusan sa pagdurusa ng mundo. Kung ang Espiritu ang gagawa ng gawaing ito, kung gayon hindi Niya talaga magagawang maranasan ang anumang pagdurusa. Maaari Siyang makakita at maaari Siyang makauunawa, ngunit hindi Niya maaring maranasan ang anuman. Ang pagkakita ba, pagkaunawa at pagdanas ay iisa at magkakapareho? Hindi, hindi sila gayon. Noong una, sinabi ng Diyos: “Nababatid ko ang kahungkagan ng mundo at nababatid ko ang mga paghihirap na umiiral sa buhay ng sangkatauhan. Lumakad Ako sa iba’t-ibang lugar sa mundo at nakita ang matinding kaabahan. Nakita Ko ang mga paghihirap, ang kaabahan at ang kahungkagan ng buhay sa mundo.” Ngunit naranasan man Niya ito o hindi, ito ay lubos na isa pang bagay. Nakakakita ka ng isang sambahayan na nahihirapang makaraos, halimbawa. Nakikita mo ito at mayroon kang ilang pagkaunawa, ngunit naranasan mo na ba mismo ang kanilang kalagayan? Nadama mo ba ang kanilang mga paghihirap, ang kanilang pagdurusa at nagkaroon ng ganitong mga damdamin o nagkaroon ng ganitong karanasan? Hindi. Sapagkat ang pagkakita at pagdanas ay dalawang magkaibang mga bagay. Maaaring masabi na ang gawaing ito, ang bagay na ito, kailangang tiyak na gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa bagay na ito, hindi ito makakamit ng Espiritu sa anumang paraan. Kaya, ito ay isa pang aspeto ng kahalagahan ng pagkakatawang-tao: Siya ay dumating upang maranasan ang pagdurusa ng mundo at upang maranasan ang pagdurusa na tinitiis ng tao. Kaya ano’ng pagdurusa ang ibig Kong sabihin? Mga kahirapan sa buhay ng sangkatauhan, mga kasawian sa sambahayan, mga pandaraya ng tao, pagpapabaya at pag-uusig, gayundin ang ilang mga kapighatian ng karamdaman sa sariling katawan ng sinuman—ito ang mga paghihirap ng mundo. Ang kapighatian ng karamdaman, ang mga pag-atake ng mga taong nakapaligid, mga usapin at mga bagay, kasawian sa sambahayan, pagpapabaya ng mga tao sa isa’t-isa, pamumusong ng mga tao, paninirang puri, paglaban, paghihimagsik, mga pang-iinsulto at mga hindi pagkakaunawaan…. Para sa Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng ito ay isang uri ng paglaban, at ito ay isang uri din ng pag-atake sa mga taong nagbabata sa kanila. Maging ito man ay isang dakilang tao, o isang tao na mayroong mataas na kinalalagyan, o sinuman na mayroong malawak na pag-iisip, ang pagdurusa na ito, ang mga bagay na ito, ay isang uri lahat ng pag-atake kung ang tao ang pag-uusapan. Sumasailalim ang Diyos sa pag-uusig ng mundo, nang walang lugar na mapagpahingaan ang Kanyang ulo, walang lugar na matitirhan, at walang mapagtitiwalaan…. Ang lahat ng ito ay mahapdi. Bukod dito, Nararanasan din Niya ang mga kasawian na sumapit sa sambahayan. Hindi na Niya kailangang abutin ang pinakamatinding pagdurusa, ngunit nararanasan Niya lahat ito. Nagtataka ang ilan noong una: “Sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba maaaring alisin ng Diyos ang mga karamdaman? Upang tulutan Siyang magawa nang madali ang Kanyang gawain, at upang huwag tulutan ang mga tao na maghimagsik o lumaban sa Kanya—hindi ba Niya magagawa ang mga bagay na ito? Kung parurusahan Niya ang mga tao, kung gayon hindi sila mangangahas na labanan Siya. O upang huwag tulutan ang anumang karamdaman, kung ang sinuman ay mayroong karamdaman kailangan lamang nilang manalangin para ito ay malunasan, kaya bakit nagdaranas pa rin ang Diyos ng karamdaman?” Ito ay upang maranasan Niya ang pagdurusa ng mundo. Mula sa laman tinanggap Niya ang isang pagkakatawang-tao, hindi Niya inalis ang mga kahirapang ito o ang kapighatian ng mga karamdaman, ni hindi Niya inalis ang pagpapabaya ng mundo. Likas lamang Siyang sumusulong at gumagawa sa mahirap na kapaligirang ito. Sa ganitong paraan maaari Niyang maranasan ang pagdurusa ng mundo. Kung wala sa mga bagay na ito ang umiral, hindi Niya malalasap ang pagdurusang ito. Kung ang mga karamdamang ito ay itinago sa Kanya, o kung maaari Siyang mahawa sa anumang karamdaman na pumipighati sa normal na mga tao …, hindi ba magiging kaunti kung gayon ang Kanyang pagdurusa? Maaari kaya itong makamit, para hindi Siya magdanas ng anumang sakit ng ulo, ni makadama ng pagod pagkatapos gamitin nang sobra ang Kanyang utak, samantalang ang ibang mga tao ay nagdaranas ng mga sakit ng ulo matapos gamitin ang kanilang mga utak nang sobra? Oo, maaari itong makamit; ngunit sa pagkakataong ito ay isasagawa nang kakaiba. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maaari Siyang tumagal ng 40 araw at mga gabi nang walang pagkain o tubig at hindi makararamdam ng gutom. Sa panahong ito, ang gutom ay mararamdaman kapag hindi nakakain nang minsan. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ang Diyos ba ay hindi makapangyarihan? Nakikita ko na ang Diyos ay hindi makapangyarihan. Ni hindi Niya kayang gawin ang gayong kaliit na bagay kagaya nito. Mula sa Kanyang sinasabi, Siya ay Diyos; kaya paanong hindi Niya makakamit ang mga bagay na ito?” Hindi sa hindi Niya maaaring makamit ang mga ito, ngunit sa halip hindi Niya ginagawa ang mga ito sa gayong paraan. Ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao ay hindi upang gawin ang mga bagay na iniisip ng mga tao na kayang gawin ng Diyos. Nararanasan Niya ang pagdurusa ng mundo at mayroong kahalagahan sa Kanyang paggawa nito. Sa gayon ay mayroong yaong mga nagtatanong: “Ano’ng kabuluhan mayroon, O Diyos, sa Iyong pagdanas sa pagdurusa ng mundo? Maaari Ka bang magdusa kahalili ng tao? Ang mga tao ba ay hindi nagdurusa pa rin sa ngayon?” Walang ginagawa ang Diyos ang ginagawa nang basta-basta na lamang. Hindi Siya umaalis sa sandaling maranasan Niya ang pagdurusa ng mundo, sa sandaling tumingin Siya at nakita kung napaano na ang mundo. Sa halip dumating Siya upang lubos na matapos ang lahat ng gawain na kailangang gawin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Iniisip ng ilang mga tao na maaaring ang Diyos ay masyado nang nasanay sa pagtatamasa ng isang buhay na maalwan at maginhawa, na gusto lamang Niyang magdusa nang bahagya, na Siya ay nabubuhay sa kagalakan at hindi nalalaman kung paano lasapin ang pagdurusa, kaya gusto lamang Niyang malaman ang kung paano lasapin ang pagdurusa…. Ang lahat ng ito ay nasa isip ng mga tao. Ang maranasan ngayon ang pagdurusa ng mundo ay isang bagay na maaari lamang magawa sa panahon ng pagkakatawang-tao. Kung ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay matapos at lubos na matapos, ang susunod na gawain ay nagsimula na sana at ang bagay na pagdanas sa pagdurusa ng mundo ay wala na sana. Kaya para sa anong dahilan talaga ginagawa ang pagdanas sa pagdurusa ng mundo? May sinuman ba ang nakaaalam? Hinulaan na ang tao ay hindi dapat magkaroon ng luha, walang pagtangis, at walang pagdurusa at hindi magkakaroon ng mga karamdaman sa mundo. Nararanasan ngayon ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagdurusang ito at kapag Siya ay natapos dadalhin Niya ang sangkatauhan sa magandang hantungan, at ang lahat ng pagdurusa nang nakalipas ay mawawala na. Bakit mawawala na? Sapagkat ang nagkatawang-taong Diyos Sarili Niya ay naranasan na ang lahat ng pagdurusang ito at aalisin na Niya ang lahat ng pagdurusang ito mula sa sangkatauhan. Para sa ganitong layunin na ito ay ginagawa. Naranasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagdurusa ng mundo nang upang maihanda nang mas mahusay ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan, upang gawin itong higit maganda, higit na perpekto. Ito ang pinakamahalagang aspeto ng pagkakatawang-tao, at isang aspeto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Mayroon pa ring isang usapin rito. Sa pagiging laman at sa pagdanas nitong pagdurusa, aalisin ng Diyos pagkatapos ang pagdurusang ito sa tao. Ngunit kung walang mga pagkakatawang-tao at walang pagdanas, maaari bang ang pagdurusang ito ay hindi pa rin aalisin? Maaari ba itong alisin? Oo, ito ay maaaring alisin. Sa pagkakapako sa krus, si Jesus ay naging larawan ng isang makasalanan. Siya ay isang taong matuwid na naging larawan ng makasalanang laman at ginawa ang Sarili Niya na isang handog sa kasalanan, sa gayon ay tinubos ang buong sangkatauhan at iniligtas sila mula sa paghawak ni Satanas. Ito ang layunin at kahalagahan na si Jesus ay ipinako sa krus: ang katubusan ng sangkatauhan, ang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo, na ang sangkatauhan mula noon ay hindi na magkakasala. Nararanasan ngayon ng Diyos ang pagdurusa na ito, na ang ibig sabihin ay nararanasan Niyang lahat ito kahalili ng sangkatauhan. Ang pagdanas ng Diyos sa pagdurusang ito ay nangangahulugan na ang sangkatauhan pagkatapos ay hindi na kailanman kailangan na muling danasin pa ito. Hindi mo maaaring kalimutan ang mga salitang ito: Ang bawat yugto ng gawain na ginagawa ay ginagawa sa pakikidigma kay Satanas at ang bawat yugto ng gawain ay may kaugnayan sa paanuman sa digmaang ito kay Satanas. Sa nakaraang yugto ng gawain, maaari sana itong maging katangap-tanggap para sa isang salita na sabihing makapag-aalis sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan at tubusin sila, sapagkat ito ay walang anumang mga katotohanan at hindi makapagpakita ng anumang katibayan. Sa isang salita na sinalita ng Diyos ang sangkatauhan ay wala na sanang kasalanan—ito ay maaaring makamit. Ngunit maaaring hindi pa mahihikayat si Satanas. Maaari pa nitong sabihin: “Hindi Ka nagdanas ng anuman ni Ikaw ay nagbayad ng anumang halaga. Sa isang salita mawawala na ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ito ay hindi katanggap-tanggap, dahil ang sangkatauhan ay Iyong nilikha.” Ngayon, lahat ng mga taong iniligtas ay dadalhin sa isang magandang hantungan at dadalhin sa susunod na kapanahunan. Ang sangkatauhan ay hindi na magdurusa, hindi na pahihirapan ng karamdaman. Ngunit anong batayan mayroon na wala ng kapighatian ng karamdaman? Anong batayan mayroon na wala ng pagdurusa sa mundo? Bilang tao, kailangang pagdaanan ng mga tao ang pagdurusang ito. Kaya, ang Diyos na nagkatawang-tao sa panahong ito ay gumawa din ng isang bagay na pinakamahalaga, at yaon ay upang humalili sa sangkatauhan at maranasan ang lahat ng pagdurusa nito—ang karanasang ito ay upang magdusa kahalili ng sangkatauhan. Sinasabi ng ilang mga tao: “Ngayong ang Diyos ay nagdurusa kahalili ng sangkatauhan, bakit kung gayon nagdurusa pa rin tayo?” Hindi mo ba nararanasan ngayon ang gawain ng Diyos? Hindi ka pa lubos na ginawang perpekto, hindi ka pa lubos na pumasok sa mga sumusunod na kapanahunan at ang iyong disposisyon ay tiwali pa rin. Hindi pa nakarating ang gawain ng Diyos sa kanyang kaluwalhatian at nasa proseso pa rin nang pagsasagawa. Kaya hindi dapat magreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang pagdurusa; Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdurusa pa rin, lalo na ang tao. Ang bagay bang ito ay walang malaking kahalagahan? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi dumating upang gumawa ng ilang mga piraso ng gawain at sa gayon ay aalis. Ngunit sa halip ang pagkaunawa ng mga tao ay masyadong mababaw, sa paniniwala na ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating upang gawin ang gawain ng Diyos Sarili Niya, na ang lamanna ito ay dumating lamang upang ipahayag ang salita ng Diyos at gumawa sa ngalan ng Diyos. May mga ilan na nag-iisip pa na ang laman na ito ay isa lamang panlabas na anyo, ngunit ito ay lubos na napagkamalian, at ito ay karaniwang pamumusong laban sa nagkatawang-taong Diyos. Ang gawain ng laman ay gawain ng Diyos Sarili Niya, at ng Kanyang pagiging laman ay upang maranasan ang pagdurusang ito. Kung ito ay magiging kung ano ang sinasabi ng tao, ito ay magiging panlabas na anyo ng laman ng Diyos na dumating upang magdusa, at ang Diyos ay nasa loob na hindi magdudusa nang anuman; maaari ba silang maging tama? Nagdurusa ba ang Diyos? Siya ay nagdudusa kung paanong nagdudusa ang laman. Sa anong dahilan at ninais ng Diyos minsan na talikuran ang pagdurusa na ito, at talikuran ang kabalisahang ito? Nakita mo nang si Kristo ay ipapako na sa krua, Nanalangin Siyang: “Kung baga maaari, lumampas sa akin ang sarong ito: gayunman huwag ang ayon sa gusto ko, kundi ang ayon sa gusto mo.” Ninais Niya ito sapagkat, habang ang Kanyang laman ay nagdurusa, Siya sa Sarili Niya ay nagdurusa din sa loob ng laman. Kung sasabihin mo na ang panlabas na anyo lamang ng laman ang nagdurusa, na ang Diyos sa Kanyang pagka-Diyos at hindi kailanman nagdurusa, hindi nagdanas ng kahirapan, kung gayon ito ay mali. Kung naiintindihan mo ito sa ganitong paraan kung gayon pinatutunayan nito na hindi mo pa nakikita ang aspeto ng diwa ng Diyos. Bakit sinasabi na ang Diyos ngayon ay nag-anyo sa loob ng isang laman? Maaari Siyang dumating at umalis kailanman Niya naisin, ngunit hindi Niya ginagawa ang gayon. Siya ay naging laman upang sumailalim sa pagdurusang ito, sa katunayan, sa katotohanan, nang upang ito ay makita at madama ng mga tao habang ito ay nangyayari. Nadadama din Niya ang pagdurusa na Kanyang pinagdadaanan, naranasan ito sa Sarili Niya. Walang sandali na ang Kanyang laman ay nakadadama ng anumang aspeto ng pagdurusa o kahirapan na hindi nadarama ng Kanyang Espiritu—ang Kanyang laman at Espiritu ay iisa sa pagdama at pagtitiis ng pagdurusa. Ito ba ay madaling maintindihan? Hindi. Sapagkat ang nakikita lamang ng tao ay isang laman kung tutuusin, at hindi nila nakikita na ang Espiritu ay nagdurusa din habang ang laman ay nagdurusa. Naniniwala ka ba na kapag ang sinuman ay nagdurusa, ang kanilang kaluluwa ay nagdurusa rin? Bakit natin sinasabi na nakakaramdam tayo ng gayon at gayon nang taos sa ating puso? Ito ay dahil ang laman at espiritu ay iisa. Ang espiritu at laman ng tao ay iisa lamang; pareho silang nagdurusa at pareho silang nakadadama ng kagalakan. Walang sinumang tao na, kapag nagdanas ng totoong pagdurusa, nararamdaman lamang ito sa kanilang mga puso ngunit hindi sa laman; o mayroong sinuman na magsasabing ang kanilang panlabas na laman ay hindi kailanman nagdurusa kapag ang kanilang puso ay nasa pinakamataas na antas ng pagdurusa. Ang mga bagay sa puso na pumupukaw sa mga damdamin o pagdurusa, o yaong maaaring maranasan—ang mga bagay na ito na maari ding madama ng puso. Ang pangkaraniwan at normal na laman na ito ay si Cristo na dumating upang gawin ang Kanyang gawain—upang maranasan ang pagdurusa ng mundo—upang pagdaanan ang lahat ng pagdurusa ng tao. Sa sandaling ang lahat ng mga pagdurusang ito ay natagalan, ang kaparehong gawain ay hindi na kailangang gawin sa susunod na yugto. Sa halip, ang sangkatauhan ay maaari nang dalhin sa magandang hantungan. Sapagkat naranasan Niya ang pagdurusang ito kahalili ng tao, Siya kung gayon ay karapat-dapat na magdala sa tao sa magandang hantungan—ito ang Kanyang plano. Ang ilang kakatwang mga tao ay nagsasabing: “Kung naranasan Niya ang lahat ng pagdurusang ito, bakit hindi ko ito nakita? Hindi ito lubos na natagalan. Ang lahat ng uri ng mga pagdurusa ay dapat na matagalan, at kahit paano dapat Niyang maranasan ang pagkakapako sa krus.” Ito ay napagtiisan na noong una at hindi na kailangang muling pagtiisan. Bukod dito, hindi kailangang magsalita ang mga tao nang gayon. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagdusa nang husto sa mga taong ito. Ang mga kakatwang tao ay nasanay sa ganitong uri ng pag-iisip. Sa loob ng saklaw ng pagdurusa na maaring pagtiisan ng Diyos na nagkatawang-tao, pangunahin nang lahat ng pagdurusa sa mundo ay maaaring sumapit sa Kanya. Para sa pagdurusa na masyadong malaki, para sa pagdurusa na isang tao lamang sa isanlibo ang makatatagal, hindi kailangang danasin ito ng Diyos sapagkat ang pagdurusa na ito ay kinatawan na. Maaring maranasan ng Diyos ang pagdurusa gaya ng karamdaman at ang paghihirap ng kalooban sa mga kahirapan, at pinatutunayan nito na Siya ay hindi naiiba mula sa mga normal na tao, na walang pagtatangi sa Kanya sa mga tao, na walang paghihiwalay sa pagitan Niya at sa mga tao, at Siya ay nagtitiis kung paanong ang mga tao ay nagtitiis. Kapag ang mga tao ay nagdurusa, hindi rin ba Siya nagdurusa kasama nila? Kapag ang mga tao ay may sakit, Siya din naman, at ang pagdurusang ito ay Kanyang nalasap. Hindi inihiwalay ng Diyos ang Kanyang sariling laman mula sa laman ng tao, ngunit sa halip Siya ay nagdurusa kung paanong ang mga tao ay nagdurusa. Ang pagdurusa ng nagkatawang-taong Diyos sa panahong ito ay hindi kagaya ng sa panahon na kinailangan Niyang lasapin ang kamatayan sa krus. Ito ay hindi na kailangan sapagkat ang kamatayan ay nalasap na. Ito ay upang maranasan lamang ang pagdurusa at pagdaanan ang pagdurusa ng tao.

Disyembre 28, 2017

Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

He Jiejing Lungsod ng Hezhou, Lalawigan ng Guangxi
    Ang isang kapatid na babae at ako ay pinagpares upang magkasamang magrebisa ng mga artikulo. Habang kami ay nagpupulong, aking natanto na hindi mahalaga maging ito man ay sa pagkanta, pagsayaw, pagtanggap ng salita ng Diyos, o pagpapahatid ng katotohanan, siya ay mas magaling sa akin sa bawa’t aspeto. Ang mga kapatid sa nag-anyayang pamilya ay lahat gusto siya at kinakausap siya. Dahil dito, ang puso ko ay medyo hindi mapalagay at naramdaman ko na parang nakatanggap ako ng malamig na pagtanggap— hanggang sa punto na naiisip ko na hanggang siya ay naroroon, walang lugar para sa akin. Sa puso ko nagsimula akong makaramdam ng pagkasawa sa kanya at ayaw nang samahan siya sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Inasahan ko na siya ay aalis upang ang mga kapatid ay magustuhan ako at mag-isip ng mataas tungkol sa akin.

Disyembre 27, 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo

Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.
Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.
Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.
Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.
Nguni't 'di Mo alintana sala ko
kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.
Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.
Pag nagrerebelde, mukha Mo'y itinatago,
kadilima'y bumabalot sa akin.
Pagbalik ko sa 'Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.
Pag hinahagupit ni Satanas,
hinihilom Mo aking sugat, puso'y nagagalak.
Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.
Bukang-liwayway ay agad lilitaw,
at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,
pag naro'n Kang kasama ko.

Disyembre 25, 2017

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."

Disyembre 24, 2017

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyo

1
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig
N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.
Ang disposisyon ng Diyos
kumakatawan ng dangal, kapangyariha't maharlika.
kumakatawan ng kadakilaan at kataasan.
Diyos ay pinakamataas at marangal,
ang tao'y walang halaga't mababa.
Diyos isinakripisyo'y sarili para sa tao,
ngunit gawa ng tao'y pansarili lang.

Disyembre 23, 2017

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing  Agosto 11, 2012
    Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Disyembre 22, 2017

Hindi Dapat Paniwalaan ang “Kung Makikita ay Paniniwalaan”


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hindi Dapat Paniwalaan ang “Kung Makikita ay Paniniwalaan”


Xiaowen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
    Dati, kapag narinig ko ang mga tao na nagkokomento sa isang bagay, palagi nilang sinasabi “kung makikita ay paniniwalaan.” Sa paglipas ng panahon, ginamit ko rin ito na basehan sa pagtimbang sa mga bagay-bagay, at ganito rin pagdating sa mga salita ng Diyos. Ang naging resulta sa bandang huli ay hindi ko na mapaniwalaan ang marami sa mga salita ng Diyos na hindi pa naisasakatuparan. Habang tumatagal ang panahon na ginugugol ko sa paniniwala sa Diyos, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa iba’t-ibang antas ng pagsasakatuparan, nakita ko ang mga katibayan ng mga pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at hindi ko na pinagdudahan ang anumang sinabi ng Diyos. Akala ko na ito ay ang aking pagkakaroon ng kaunting pagkaintindi sa katapatan ng Diyos, at nagawa kong paniwalaan na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay tunay.

Disyembre 15, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosSalita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa Mga Inápó ni Moab

    Sa dalawa hanggang tatlong taon ng gawaing ito, ang dapat sanang nakamit sa gawain ng paghatol na ginawa sa inyo ay pangunahing nagawa na. Karamihan sa mga tao ay isinantabi ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon at kapalaran. Gayunpaman, kapag binabanggit na kayo ang mga inápó ni Moab, marami ang hindi ito matagalan—ang inyong mukha ay tumatabingi, ang inyong bibig ay ngumingiwî, at ang inyong mga mata ay nagiging walang-sigla. Kayo ay hindi basta makapaniwala na kayo ang mga inápó ni Moab. Si Moab ay itinapon sa lupaing ito pagkatapos isumpa. Ang lahi ng anak ni Moab ay naipasa pababa hanggang ngayon, at kayong lahat ang kanyang mga inápó. Wala Akong magagawa—sinong may gawa na maisilang ka sa bahay ni Moab? Naaawa Ako sa iyo at hindi Ako sang-ayon na magkaganito ka, nguni’t ang katunayan ay hindi mababago ng mga tao. Ikaw ay isang inápó ni Moab, at hindi Ko masasabi na ikaw ay isang inápó ni David. Kung kanino ka mang inápó, ikaw ay isa pa rin sa sangnilikha. Kaya lamang ikaw ay isang nilalang na mababa ang katayuan—ikaw ay isang nilalang na mula sa hamak na kapanganakan. Ang buong sangnilikha ay dapat maranasan ang buong gawain ng Diyos, lahat sila ay mga pinag-uukulan ng Kanyang paglupig, at dapat na makita nilang lahat ang Kanyang matuwid na disposisyon, at maranasan ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ngayon ikaw ay isang inápó ni Moab at dapat mong tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo, kaya kung ikaw ay hindi isang inápó ni Moab, kung gayon hindi ba’t kailangan mo ring tanggapin ang paghatol na ito at pagkastigo? Dapat mong kilalanin ito! Sa katotohanan, ang kasalukuyang paggawa sa mga inápó ni Moab ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhan. Yamang ang gawain ay ginagawa sa inyo, ito ay may napakalaking kabuluhan. Kung ang gawain ay ginawa sa mga inápó ni Ham ito ay hindi magiging makabuluhan dahil sila ay hindi mula sa gayong hamak na kapanganakan at ang kanilang mga kapanganakan ay hindi kapareho ng kay Moab. Ang mga inápó ng pangalawang anak ni Noe na si Ham ay isinumpa lamang—sila ay hindi nagmula sa pakikiapid. Sila nga lamang ay may mababang katayuan, dahil isinumpa sila ni Noe at sila ay mga alipin ng mga alipin. Sila ay may mababang katayuan, subali’t ang kanilang orihinal na kahalagahan ay hindi mababa. Tungkol kay Moab, alam ng mga tao na siya sa pasimula ay may mababang katayuan sapagka’t ipinanganak siya mula sa pakikiapid. Bagaman ang katayuan ni Lot ay napakataas, si Moab ay nagmula kay Lot at sa kanyang anak na babae. Bagaman si Lot ay isang matuwid na tao, si Moab ay ang pinag-ukulan pa rin ng sumpa. Si Moab ay may mababang halaga at may mababang katayuan, at kung hindi man siya isinumpa siya ay mula sa karumihan, kaya siya ay iba kay Ham. Hindi siya kumilala at lumaban, nagrebelde laban kay Jehova, ang dahilan kung bakit siya ay nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar. Ang paggawa ngayon sa mga inápó ni Moab ay pagliligtas sa mga yaon na nahulog tungo sa pinakamatinding kadiliman. Bagaman sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay sapagka’t sa pasimula, silang lahat ay mga tao na walang Diyos sa kanilang mga puso—ang magawa lamang sila na mga yaong tumatalima at nagmamahal sa Kanya ay tunay na paglupig, at ang gayong bunga ng gawain ay ang pinakamakabuluhan at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatian na nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagaman ang mga taong ito ay may mababang katayuan, sila ngayon ay may kakayahang makamit ang gayon kadakilang kaligtasan, na tunay na pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan, at ito ay sa pamamagitan ng paghatol kaya nakakamtan Niya ang mga taong ito. Hindi Niya sinasadyang parusahan sila, kundi dumating Siya upang iligtas sila. Kung isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel sa panahon ng mga huling araw ito ay magiging walang-halaga; kung ito man ay magkaroon ng bunga, hindi ito magkakaroon ng anumang halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Niya makakamit ang lahat ng kaluwalhatian. Siya ay gumagawa sa inyo, iyan ay, yaong mga nahulog tungo sa pinakamadilim na mga lugar, yaong mga pinakapaurong. Ang mga taong ito ay hindi kumikilala na mayroong isang Diyos at kailanman ay hindi nakaalam na mayroong isang Diyos. Ang mga nilalang na ito ay ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa punto na nakalimutan na nila ang Diyos. Sila ay nabulag ni Satanas at wala silang kaalam-alam na mayroong isang Diyos sa langit. Sa inyong mga puso kayong lahat ay sumasamba sa mga diyus-diyosan, sinasamba si Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakapaurong na mga tao? Kayo ang pinakahamak sa laman, walang anumang pansariling kalayaan, at nagdurusa rin kayo ng mga kahirapan. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas sa lipunang ito, na wala kahit ang kalayaan ng pananampalataya. Ito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo. Ang paggawa sa inyo ngayon, mga inápó ni Moab, ay hindi para sadyang hamakin kayo, kundi para ibunyag ang kabuluhan ng gawain. Ito ay isang dakilang pag-aangat para sa inyo. Kung ang isang tao ay may katwiran at kabatiran, sasabihin niya: “Ako ay isang inápó ni Moab. Tunay na hindi ako karapat-dapat sa ganito kadakilang pag-aangat ng Diyos na aking natanggap ngayon, o sa gayong dakilang mga pagpapala. Ayon sa aking ginagawa at sinasabi, at batay sa aking estado at kahalagahan—ako ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa gayong kadakilang mga pagpapala mula sa Diyos. Ang mga Israelita ay may dakilang pag-ibig sa Diyos, at ang biyaya na kanilang tinatamasa ay ipinagkaloob Niya sa kanila, nguni’t ang kanilang estado ay lalong higit na mataas kaysa sa atin. Si Abraham ay napakatapat kay Jehova, at si Pedro ay napakatapat kay Jesus—ang kanilang katapatan ay nakahihigit sa atin ng makaisandaang ulit, at batay sa ating mga pagkilos tayo ay walang-pasubaling hindi karapat-dapat sa pagtatamasa ng biyaya ng Diyos.” Ang paglilingkod ng mga taong ito sa Tsina ay hindi maaaring madala sa harap ng Diyos kahit kailan. Ito ay ganap na magulo, at ang lubhang pagtatamasa ninyo ngayon ng biyaya ng Diyos ay totoong pagtataas ng Diyos! Kailan ba ninyo nahanap ang gawain ng Diyos? Kailan ba ninyo naisakripisyo ang inyong buhay para sa Diyos? Kailan ba ninyo naisuko ang inyong pamilya, inyong mga magulang, at ang inyong mga anak? Wala sa inyong nakabayad ng malaking halaga! Kung hindi sa paglalabas ng Banal na Espiritu sa iyo, ilan sa inyo ang makakayang isakripisyo ang lahat? Dahil lamang sa kayo ay napuwersa at napilitan kaya kayo ay nakasunod hanggang ngayon. Nasaan ang inyong debosyon? Nasaan ang inyong pagsunod? Batay sa inyong mga pagkilos, matagal na sana kayong winasak—dapat sana ay winalis kayo nang malinis. Anong karapatan ninyo na magtamasa ng gayong kalaking mga pagpapala—kayo ay ganap na hindi karapat-dapat! Sino sa gitna ninyo ang bumuo ng kanyang sariling landas? Sino sa gitna ninyo ang nakasumpong sa totoong daan sa kanyang sarili? Kayong lahat ay tamad at matakaw, walang-kwentang hampaslupa na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan! Palagay ba ninyo ay napakadakila ninyo? Ano’ng inyong ipagyayabang? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inápó ni Moab, ang inyo bang kalikasan, ang inyong lugar ng kapanganakan ang pinakamataas? Kahit na hindi Ko sinabing kayo ay mga inapo ni Moab, hindi ba kayong lahat ay tunay na mga anak ni Moab? Ang katotohanan ba ng mga katunayan ay mababago? Ang paglalantad ba ng inyong kalikasan ngayon ay sumasalungat sa katotohanan ng mga katunayan? Tingnan kung gaano kayo kaalipin, ang inyong mga buhay, ang inyong mga pag-uugali—hindi ba ninyo alam na kayo ang pinakamababa sa lahat ng mababa sa gitna ng sangkatauhan? Ano’ng inyong ipagyayabang? Tingnan ang inyong katayuan sa lipunan. Hindi ba’t kayo ay nasa pinakamababang antas? Palagay ba ninyo ay nagkamali Ako sa pagsasalita? Inialay ni Abraham si Isaac. Ano’ng inyong naialay? Inialay ni Job ang lahat ng bagay. Ano’ng inyong naialay? Napakaraming tao ang nagbigay ng kanilang mga buhay, nagtayâ ng kanilang mga ulo, nagbuhos ng kanilang dugo upang hanapin ang tunay na daan. Nakabayad ba kayo ng halagang iyan? Sa pagkukumpara, kayo ay hindi kailanman kwalipikadong magtamasa ng gayong kalaking biyaya, kaya nagkakamali ba sa inyo kung sabihin ngayon na kayo ang mga inápó ni Moab? Huwag ninyong tingnan ang inyong mga sarili nang napakataas. Wala kang maipagyayabang. Ang gayong kadakilang kaligtasan, gayong kalaking biyaya ay ibinigay sa inyo nang libre. Wala kayong naisakripisyo, nguni’t basta nagtamasa ng biyaya nang libre. Hindi ba kayo nahihiya? Ang tunay na daang ito ba ay isang bagay na nasumpungan ninyo sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap? Hindi ba’t ang Banal na Espiritu ang pumilit sa inyo na tanggapin ito? Kayo ay hindi kailanman nagkaroon ng puso sa paghahanap at sa partikular ay wala kayong mga puso ng paghahanap ng katotohanan, ng pananabik sa katotohanan. Nangakaupo lamang kayo at nasisiyahan dito, at nakamit ninyo ang katotohanang ito nang walang pagsisikap sa inyong bahagi. Ano’ng inyong karapatan na dumaing? Palagay mo ba ay ikaw ang pinakamahalaga? Kumpara sa mga yaon na nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at nagbubô ng kanilang dugo, ano’ng inyong maidaraing? Ang pagwasak sa inyo ngayon din ay kusang darating! Bukod sa pagtalima at pagsunod, wala kayong iba pang pagpipilian. Kayo ay basta hindi karapat-dapat! Karamihan sa inyo ay tinawag, nguni’t kung hindi kayo napilit ng kapaligiran o kung hindi kayo natawag, kayo ay lubos na hindi handang lumabas. Sino ang handang talikdan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Sino ang handang iwan ang mga kasiyahan ng laman? Kayong lahat ay mga tao na buong-kasakiman na nagpapasasà sa kaginhawahan at naghahanap ng isang maluhong pamumuhay! Kayo ay nagkamit ng gayong kalaking mga pagpapala—ano pa ang inyong masasabi? Ano’ng inyong mga idinaraing? Nagtamasa kayo ng pinakadakilang mga pagpapala at ng pinakadakilang biyaya sa langit, at ang gawain ay naibunyag ngayon sa inyo na hindi pa kailanman nagawa sa lupa noong una. Hindi ba ito isang pagpapala? Dahil kayo ay lumaban at nagrebelde laban sa Diyos, kayo ngayon ay sumailalim sa ganito katinding pagkastigo. Dahil sa pagkastigong ito nakita ninyo ang habag at pag-ibig ng Diyos, at higit pa nakita ninyo ang Kanyang pagkamatuwid at kabanalan. Dahil sa pagkastigong ito at dahil sa karumihan ng sangkatauhan, inyong nakita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at inyong nakita ang Kanyang kabanalan at kadakilaan. Hindi ba ito ang pinakamadalang sa mga katotohanan? Hindi ba’t ito ay isang buhay na may kahulugan? Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay punô ng kahulugan! Kaya mas mababa ang inyong katayuan, mas ipinakikita nito ang pagpapataas ng Diyos, at mas pinatutunayan nito kung gaano kahalaga ang Kanyang gawain sa inyo ngayon. Ito ay isang kayamanang walang-katumbas na halaga! Hindi ito makukuha kahit saan, at sa pagdaan ng mga kapanahunan walang sinuman ang nakapagtamasa ng gayong kadakilang kaligtasan. Ang katunayan na ang inyong katayuan ay mababa ay nagpapakita kung gaano kadakila ang pagliligtas ng Diyos, at ipinakikita nito na ang Diyos ay tapat sa sangkatauhan—Siya ay nagliligtas, hindi nagwawasak.