Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Enero 1, 2018

Kabanata 32. Anong Uri ng Mga Tao Ang Maparurusahan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 32. Anong Uri ng Mga Tao Ang Maparurusahan

    Ang kalapastanganan at paninira laban sa Diyos ay isang kasalanan na hindi mapatatawad sa kapanahunang ito at sa paparating na kapanahunan at silang mga gumawa ng kasalanang ito ay hindi kailanman bubuhayin muli. Ito ay nangangahulugang ang disposisyon ng Diyos ay hindi palalagpasin ang pagkakasala ng sangkatauhan. Ang ibang tao ay maaring makapagsabi ng ilang mga masasakit na salita o mga di-magandang salita kapag hindi sila nakauunawa, o kapag sila ay nilinlang, hinigpitan, pinigilan, o sinupil ng iba. Ngunit kapag tinatanggap nila ang tunay na landas sa panahong darating sila ay mapupuno ng pagsisisi.
Sila gayon ay gagawa ng sapat na mabubuting mga gawain at sila ay makararanas ng pagbabago at makakamtan ang pag-unawa, at sa ganitong paraan ang kanilang nakalipas na pagkakasala ay hindi na maaalala. Dapat ninyong makilala ang Diyos nang lubusan, dapat ninyong malaman kung kanino itinuon ang mga salita ng Diyos na iyon at ang mga nilalaman ng mga salitang iyon, at hindi ninyo dapat gamitin nang pabulagsak ang mga salita ng Diyos, o ihayag nang wala sa katuwiran ang mga salita ng Diyos. Ang mga taong walang karanasan ay hindi magkukumpara ng kanilang mga sarili sa salita ng Diyos sa anupaman. Samantalang ang mga taong may kaunting karanasan o kaunting tarok ng isip ay may gawing lubos na pagiging sensitibo. Kapag naririnig nila ang mga salita ng Diyos na sumusumpa, humahamak, namumuhi o nag-aalis sa mga tao, inaako nilang lahat ito sa kanilang sarili. Ito ay nagpapakita na hindi nila nauunawaan ang salita ng Diyos, at lagi silang magkakamali sa pagunawa sa Diyos. Ang ilang tao ay nagbibigay ng paghatol sa Diyos bago pa sila makabasa ng kahit na anong aklat, gumagawa ng mga pag-imbistiga, makarinig ng pagsasamahan ng silang mga nakauunawa sa mga bagong gawain ng Diyos, o lalong hindi nagkaroon ng paglilinaw ng Banal na Espiritu. Pagkatapos nito, may isang maghahayag ng ebanghelyo sa kanila at tatanggapin nila ito. Mayamaya, nakararamdam sila ng pagsisisi sa bagay na ito, at sila ay magsisisi. Sa gayon, sila ay titingnan ayon sa kanilang gawi sa panahong darating. Matapos silang maniwala sa Diyos, kung ang kanilang gawi ay lalong masama, at ibababa nila ang kanilang sarili, na sinasabing “Sabagay, ako ay bumigkas ng mga salitang lumapastangan at pangit na mga salita noon. Ipinahayag ng Diyos na ang mga taong kagaya ko ay hahatulan. Sabagay, ang aking buhay ay tapos na,” kung gayon ang mga ganoong tao ay tunay na tapos na. Patungkol sa mga kalagayan ng mga tao, ang ilan ay kumontra, ang ilan ay nagrebelde, ang ilan ay bumigkas ng mga salitang mareklamo, ang ilan ay gumawa ng di mabuting asal, gumawa ng mga bagay na laban sa simbahan o gumawa ng mga bagay na nakasira sa pamilya ng Diyos. Ang kanilang bunga ay pagpapasiyahan ayon sa kanilang kalikasan at kabuuan ng kanilang gawi. Ang ilang mga tao ay masama, ang ilan ay hangal, ang ilan ay maloko, at ang ilan ay mga hayop. Ang mga tao ay magkakaiba lahat. Ang ilang mga masasamang tao ay sinapian ng mga masasamang espiritu, samantalang ang mga iba ay mga mensahero ng diablong si Satanas. Tungkol sa kanilang mga kalikasan, ang ilan ay tanging nakapagpapahamak, ang ilan ay tanging mapanlinlang, ang ilan ay bukod tanging suwapang sa pera, samantalang ang ilan ay mahalay. Ang gawi ng bawat tao ay magkakaiba, kaya ang bawat tao ay dapat tingnan nang may kabuuan ayon sa kanilang angking kalikasan at gawi. Sa pagsabay sa mortal na laman ng tao, kung sino man siya, ang kanyang gawi ay ang payak na pagkakaroon ng malayang kalooban, upang magkaroon ng kakayanang mapag-isipan ang mga bagay ngunit hindi magkaroon ng kakayanang tuwirang makapasok sa mundong espirituwal. Gaya nang kapag ikaw ay naniwala sa tunay na Diyos at nais na tanggapin itong baitang ng Kanyang bagong gawain, ngunit walang sino mang nangangaral ng ebanghelyo sa iyo, tanging ang pagkilos lamang ng Banal na Espiritu, tanging nagpapaliwanag sa iyo at gumagabay sa iyo saan man, imposibleng malaman mo kung ano ang nais na tuparin ng Diyos sa panahong darating. Hindi maarok ng tao ang Diyos, wala silang ganitong kakayahan. Walang kakayahan ang tao upang tuwirang maarok ang mundong espirituwal, o maaninag nang lubusan ang gawain ng Diyos, lalong hindi masasabing sila ay maglilingkod ng buong kalooban gaya ng isang anghel. Maliban kung nalupig ng Diyos, nagligtas at binago ang mga tao, o diniligan at tinustusan ang mga tao ng mga bagay na ibinigay ng Diyos, ang mga tao ay walang kakayanang tanggapin ang bagong gawain. Kung hindi gagawin ng Diyos ang gawaing ito, hindi makakamtan ng mga tao ito sa kanilang sariling loob, at ito ay pinagpasiyahan ng gawi ng tao. Gayon kapag nakaririnig Ako ng gayung mga bagay gaya ng mga taong lumalaban o nagrerebelde, tila Ako ay lubos na napopoot, ngunit gayon, kapag wariin Ko ang gawi ng tao, hinaharap Ko ito nang kakaiba. Sa gayon, ang kahit anong gawain na ginawa ng Diyos ay lubos na sukat. Alam ng Diyos kung ano ang gagawin at kung paano ito gagawin. Sapagkat ang mga bagay na iyon ay hindi magagawa ng tao base sa gawi, tiyak na hindi Niya papayagan na gawin nila. Ang Diyos ay nakikitungo sa bawat tao ayon sa kaligiran sa panahong iyon, sa aktwal na sitwasyon, sa kilos ng mga tao, pagsagawa at mga pagpapahayag, at kapaligiran at konteksto ng kinaroroonan ng mga tao. Hindi kailanman lalapastanganin ng Diyos ang sinuman. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. Nakikita mo, kinain ni Eba ang prutas galing sa puno ng karunungan ng mabuti at masama nang siya ay nilinlang ng ahas. Ngunit si Jehovah ay hindi siya kinutya, hindi ba? Hindi Niya sinabing: “Bakit ka kumakain? Sinabi Ko sa iyo na huwag kang kakain, gayon bakit ka pa rin kumain? Dapat nagkaroon ka ng pag-aninaw at dapat alam mong ang ahas ay nakikipag-usap lamang upang akitin ka.” Hindi Niya sinabi ito, ni hindi Niya siya sinisi. Nang Siya ay lumikha ng tao, alam Niya ang gawi ng tao, alam Niya kung saan yari ang gawi ng mga tao, kung ano ang hangganan na kayang hawakan ang mga ito, at kung ano ang kayang gawin ng tao. Kapag nakitungo ang Diyos sa isa, kapag Siya ay kumupkop ng isa–maging sa pag-iring man, pag-ayaw, o pagka-suklam–ginagawa Niya ito ayon sa kabuuang pag-unawa sa konteksto ng salita ng mga tao at ng kanilang mga sitwasyon. Laging iniisip ng mga tao na ang Diyos ay may pagka-Diyos lamang, ang Diyos ay matuwid at hindi magkakasala. Iniisip nila na wala Siyang pagkatao, hindi isinasaalang-alang ang mga paghihirap ng mga tao, at hindi Niya inilalagay ang Kanyang sarili sa lugar nila; na parurusahan ng Diyos ang mga tao hanggat sila ay hindi sumusunod sa katotohanan at na maaalala Niya kung may lumaban kahit na kaunti, at sila ay parurusahan pagkatapos. Hindi talaga gayon ang kaso. Kung naiintindihan mo ang pagkamatuwid ng Diyos, gawain ng Diyos, at ang pagturing ng Diyos sa tao sa ganitong paraan, gayon ikaw ay lubhang nagkakamali. Ang basehan na ginagamit ng Diyos upang makitungo sa tao ay hindi maaarok ng tao. Ang Diyos ay matuwid at tunay na mahihikayat ang lahat ng tao sa malao’t madali.
Mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento