Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaalaman. Ipakita ang lahat ng mga post

Marso 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

      
    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Pebrero 17, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos



Mga himno ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos

I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.
II
Ang likas na ugali ng sangkatauhan ay hindi nagbago.
Ang tao ay umaasa pa rin sa kanyang mga mata upang makakita,
sa kanyang mga tainga upang makarinig,
sa kanyang utak para mag-isip, sa kanyang puso upang makaunawa,
sa kanyang mga paa para maglakad,
sa kanyang mga kamay upang gumawa, at iba pa;
ang lahat ng mga likas na ugali ipinagkaloob ng Diyos sa tao
upang makakuha ng Kanyang probisyon mananatiling hindi nagbabago.
Ang mga kakayahan ng sangkatauhan ay hindi nagbago,
sa pamamagitan ng kung saan siya ay nakikipagtulungan sa Diyos
at tinutupad ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang.
Ang kanyang espirituwal na mga pangangailangan ay hindi nagbago;
ang kanyang nais na matagpuan ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago.
Ang paghahangad ng sangkatauhan upang maligtas
sa pamamagitan ng Lumikha ay hindi nagbago.
Ito ang kalagayan ng sangkatauhan,
na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos,
at sino ang nananatili sa madugong pagkalipol na gawa ni Satanas.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pebrero 5, 2018

1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

1.Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

     
       Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.

Pebrero 3, 2018

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus

2.Salita ng Diyos | Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.


      
     Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu, at ito ay may kaugnayan sa gawain na nilayon Niyang gawin. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehovah ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Kristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Kristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehovah; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya sa kasalukuyan, kinakain at iniinom pa rin ng mga tao ang mga salita ni Jehova, at ikinakapit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi mo ba sinusunod ang patakaran? Hindi ka ba naiipit sa nakaraan? Sa kasalukuyan, nababatid mo na ang mga huling araw ay dumating na. Kapag si Jesus ay dumating, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga tao ng Israel na ang isang Mesias ay darating, ngunit nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesias kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at na Siya ay darating kagaya nang sa Siya ay umalis. Ang mga ito ay mga salita ni Jesus, ngunit nasaksihan mo bang umalis si Jesus? Kaya si Jesus ay umalis sa isang puting ulap ngunit personal ba Siyang babalik sa gitna ng tao sa isang putting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehovah at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalang sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehovah, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakayang pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sa isang puting ulap, ito ay katotohanan, ngunit paano Siya makababalik sa isang puting ulap sa gitna ng tao at tatatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sa isang ulap, hindi ba Siya makikilala ng tao? Hindi ba Siya makikilala ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba magiging Diyos si Jesus nang mag-isa? Kung magkagayon, ang larawan ng Diyos ay magiging ang kaanyuan ng isang Judio, at mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Nasabi ba Niya talaga sa iyo? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis sa isang ulap ngunit nalalaman mo ba talaga kung paano ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talagang nakikita mo, kung gayon paano maipaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sinabi Niya, “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa mga huling araw, hindi Niya malalaman sa ganang Kanyang Sarili, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng lahat ng mga tao. Tanging ang Ama ang makakaalam, iyon ay, ang Espiritu lamang ang makakaalam.” Kung may kakayahan kang makaalam at makakita, kung gayon hindi ba mga salitang hungkag ang mga ito? Hindi nalalaman maging ng Anak ng tao sa ganang Kanyang Sarili, ngunit nagagawa mong makita at malaman? Kung nakita mo gamit ang iyong sariling mga mata, ang mga salita bang iyon ay hindi sinabi nang walang kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus ng panahong iyon? “Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Mangagpuyat nga kayo: sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.” Kapag dumating ang araw na yaon, hindi ‘yon malalaman ng Anak ng tao Mismo. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na magiging isang normal at karaniwang tao. Maging Siya Mismo ay hindi alam, kayo paano mo nalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paanong Siya ay umalis. Kapag Siya ay dumating, maging Siya sa Kanyang Sarili ay hindi nakakaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nakikita mo ba ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro? Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehovah, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.

Enero 26, 2018

Salita ng Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

Salita ng DiyosMarami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

     Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga tao, at iyong mga naglilingkod. Ipinapalagay Ko ang mga pagkakaibang ito alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag pinagbukud-bukod ang lahat ng tao ayon sa uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naging malinaw, aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang nararapat na lugar sa gayon ay maaari kong matanto ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, aking tinatawag ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay tatanungin Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan o parurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga nagawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.

Enero 20, 2018

Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos |Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

       

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

       Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.

       Huwag na tayong magsayang ng mahalagang oras, at huwag nang pag-usapan pa itong mga nakamumuhi at kasuklam-suklam na mga paksa. Sa halip ay pag-usapan natin kung ano ang bumubuo sa paghatol. Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito o paghahanap ng isang bagong paraan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, nguni’t hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na nagdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Tiyak, ito ay bagay na mangyayari sa hinaharap.

      Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may ‘di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay Siyang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawa’t yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uuliting muli ang gawain ng paghatol para sa kapakanan ng iyong “mga katangian,” at walang-hangganan mong pagsisisihan ang pagkawala ng ganoon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa dakilang puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng mga Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang katunayan na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghahangad lamang ng mga biyaya. Sa kabaligtaran, hindi Siya magpapakita ng awa sa pagbubulid sa iyo sa dagat-dagatang apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libu-libong taon.

       Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao.

Mula sa Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
(Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Rekomendasyon:


Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Enero 14, 2018

Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Kidlat ng SilangananMaikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

Yang Le Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia

    Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkatapos niyang mamatay, hindi lamang kami–ang aking ina na walang trabaho, ang aking dalawang kapatid na babae at ako–pinabayaan ng mga tiyuhin sa parehong parte ng pamilya na madalas na tinutulungan noon ng aking ama ngunit sa halip ay ginawa ang lahat ng kaya nila para pagkakitaan kami, nakikipag-away pa sa amin para sa maliit na pamana na iniwan sa amin ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan ng mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tumatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng mga masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.

      Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bago siya itiniwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay dating may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos itiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Ngunit hindi alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik na may talukbong ang mga mata” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kaalaman ng ilang libong taon ng sinaunang kultura at kasaysayan ang nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipan pananaw ng tao upang hindi tagusan at hindi matunaw. … Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa ‘Hades,’ sa gayon mas mababa ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao sa mas malalim sa Hades…. Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at binigay ang tao sa hari ng mga demonyo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang ang tao ay higit pang sumamba sa mga taong sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinapalawak ang kanilang paniniwala sa Diyos. Walang awang pinalayas ng hari ng mga demonyo ang Diyos sa puso ng tao nang wala silang kamalayan, habang tuwang-tuwa itong kinuha ang puso ng tao. Mula noon, nagtataglay ang tao ng isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga demonyo. Pinuno ng galit sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang masamang-budhi ng hari ng mga demonyo hanggang ang tao ay lubos na natupok…. Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at gumawa ng kaguluhan. Nagiging sanhi ng kaguluhan ang kasalawahan sa mundo18 at nagdudulot ng kagukuhan sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao upang maging kahawig ng tao ang mga hayop na may hindi mabatang kapangitan, hindi na nagtataglay nang bahagyang bakas ng orihinal na banal na tao” (“Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salitang ito ng Diyos, naunawaan ko na ang sangkatauhan na nilikha ng Diyos sa simula ay dating masunurin sa Diyos, sinamba nila Siya, may konsensya at katwiran ng normal na katauhan, at hindi pa sila nadungisan, o nakagawa ng anumang masama. Pagkatapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang kasalanan ay nagsimulang palagiang kasama ng tao. Sa loob ng ilang libong taon, patuloy na niligalig at itiniwali ni Satanas ang tao. Nagtanim ito ng reaksyonaryong mga pag-iisip at teorya sa tao, upang ang tao ay mabuhay na nakasalalay sa lason nito, na humantong sa pagiging mas tiwali at mas masama ng sangkatauhan, at ang mundo ay mas lalo pang naging madilim at masama. Ang mga kasabihang kagaya ng “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” “Bakit kailangang bumangon nang maaga kung wala naman akong mapapala dito?” “Ang mga napapala ng kasakiman ay kamatayan,” “Ang makitid na utak ay hindi pagiging maginoo, ang tunay na lalaki ay makamandag,” “Ang buhay ay maikli, kaya't magsaya,” “Kailanman ay walang tagaligtas” at “Walang sinumang Diyos sa mundo” ay mga lason lahat na itinanim ni Satanas sa tao. Ang mga bagay na ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging panuntunan para sa buhay, kung kaya wala nang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, wala nang sumasamba sa Langit, at wala nang nakikinig sa katwiran o sa kanilang konsensya. Wala nang puwang ang Diyos sa puso ng tao, wala nang mga ipinagbabawal mula sa mga batas at mga regulasyon na nanggaling sa Diyos. Nilason at kontrolado na ni Satanas ang lahat ng tao, kung kaya ang tao ay naging mas lalong taksil, makasarili, kalait-lait, sakim, arogante, mas masama at mas napariwara, hindi mapigilan, lalo pang lumalabag sa batas, walang diyos at napakasama. Sila ang naging sagisag ng demonyo sa tao na walang konsensya, walang moralidad, walang pagkatao, at naging pangalawang kalikasan na niya ang pagiging malisyoso. Partikular, “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” ay isang nakamamatay na lason na itinanim ni Satanas sa tao, at ito ay napakalinaw sa aking mga tiyuhin. Ang tao ay nabubuhay lamang para sa kanilang mga pansariling pakinabang, inuuna ang tubo higit sa lahat, iniisip na “Bakit babangon nang maaga kung wala naman akong mapapala?” Para makakuha ng mas marami at mas malaking tubo, kayang gawin ng tao ang anumang masamang bagay o kabuktutan, gumawa ng anumang walang-hiya, kalait-lait o napakababang kaduda-dudang transaksiyon. Walang tunay na pag-ibig o pagmamahal sa pagitan ng mga tao—ang lahat ay pandaraya, panggagamit at pananakit sa isa’t isa. Na ang mga miyembro ng parehong pamilya ay maaaring magalit sa isa’t isa at maging magkaaway, nag-aaway dahil sa pera at mga pakinabang. Pagkatapos, mas lalo pa, nalilimutan ng mga relasyon at pagkakaibigan ang lahat ng prinsipyo ng moralidad para lamang sa tubo; maaaring mukha silang mga tao, ngunit mayroon silang mga puso ng mga halimaw. .... Kayang gawin ng tao ang mga masasamang bagay na ito dahil sila ay nilason ni Satanas sa kanyang “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” at sila ay nasa ilalim ng kanyang pamumuno. Makikita na ang pinagmulan ng mga masamang gawain ng tao ay ang lason ni Satanas, at ito ang pinagmulan ng kadiliman sa mundo.

    Sa maraming pangyayari na nasa buhay natin, napakadali nating makita ang kadiliman ng mundo. Masasabi natin na ang mga tao na nangunguna sa mga kalakaran sa mundo sa mga araw na ito ay sagisag lahat ni Satanas. Partikular, yaong mga may kapangyarihan at awtoridad ay mga prinsipe ng mga diyablo, at sa mga ito ang malaking pulang dragon ang pinakamadilim at pinakamasamang kapangyarihan. Mula noong natamo ng malaking pulang dragon ang kapangyarihan, ginamit na niya ang kapangyarihang nasa mga kamay nito para gawin ang sukdulang pagsisikap upang itiwali ang tao, itinitiwali sila para sila ay maging mga diyablo sa katawang-tao, upang ang tao ay hindi na magmukhang tao. Iginagalang ng malaking pulang dragon ang karahasan at sinusuportahan ang rebolusyon. Ginagamit nito ang karahasan para sunggaban ang kapangyarihan at ginagamit ang karahasan para pamahalaan ang bansa. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan nito ay nasisiyahan din sa karahasan at patuloy na ginagamit ang lakas para malutas ang bawat isyu, madalas nagagalit kahit sa pinakamaliit na bagay. Nagkaroon lalo ng mas maraming kaso ng mga pagnanakaw at mga pagpatay na nagpapakulo sa dugo ng mga tao, at ang mga paraan ng pagpatay sa mga tao ay lalo pang mas malupit at kasuklam-suklam. Ang lahat ng ito ay mga katibayan na naroon para makita ng lahat. Ginagabayan ng malaking pulang dragon ang kanyang mga tao para “mapaunlad ang ekonomiya,” at iginagalang ang mga kasabihang kagaya ng “Hindi mahalaga kung ang pusa ay itim o puti, basta nakakahuli ito ng daga,” “Mas mabuti ang prostitusyon kaysa kahirapan,” “Kapag may pera, magagawa mong ipatulak sa diyablo ang gilingang bato,” “Magagawa mo ang lahat kahit wala kang anuman, huwag lang pera,” at “Magagawa ng pera ang anumang bagay.” Taglay ang makapangyarihang pagsuporta nito sa ganoong mga bagay, pinapahalagahan ng mga tao ang pera at kapangyarihan, sinumang may pera at kapangyarihan ay uunlad, at sinumang walang pera at walang kapangyarihan ay maaapi lamang at lulunukin ang lahat ng hinaing, at ang kahahantungan nito ay mga puso ng mga tao na puno lamang ng pera. Para sa pera, ang mga ugnayan ng mga magkakamag-anak ay nakakalimutan; para sa pera at kapangyarihan, tatanggap sila at mag-aalok ng mga suhol, bibili at magbebenta ng mga opisyal, magnanakaw, manlilinlang, papatay ng mga tao at kukunin ang kanilang mga ari-arian, maglalaban at magpapatayan—masasabi na sila ay gagamit ng anumang paraang kinakailangan. Ang mas malala pa, ang prostitusyon ay laganap sa lipunan ngayon at ang mga lugar para sa pagbebenta ng katawan at mga droga ay nakikita sa lahat ng lugar. Ang mga suhol na pakikipagtalik at mga transaksiyong sekswal ay uso at sumasang-ayon ang mga tao sa masama, pinapahalagahan ang kasamaan, hindi na iniisip na ito ay nakakahiya, sa halip iniisip na maringal ito. Ang mga ito ay mga bunga rin ng umuunlad na ekonomiya, ginagawa ang relasyon sa pagitan ng mga tao na isang relasyon sa pera. Ginagamit ito ng malaking pulang dragon para itiwali ang mga moralidad ng mga tao at gawin silang walang konsensya. Ang pinakamadilim at pinaka-reaksyonaryong aspeto nito ay hindi kinikilala ng malaking pulang dragon na mayroong Diyos, ngunit sa halip ay pinapalaganap ang hindi paniniwala sa Diyos upang itanggi ng mga tao ang Diyos, itanggi ang Kanyang dakilang kapangyarihan, iwanan ang tunay na Diyos at sambahin si Satanas. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng panloloko at pagbibigay ng maling impormasyon ng malaking pulang dragon ay hindi naniniwala na mayroong Diyos at hindi sinasamba ang tunay na Diyos, ngunit sa halip ay sumusunod kay Satanas, pinapahalagahan ang kasamaan at naaalis mula sa pagkamatuwid kung kaya lalo pa silang naging mas tiwali at mas masama. .... Ngayon, mas malinaw kong nakikita na dahil sa “modelong” ito ng malaking pulang dragon, ang tao ay naging napakatiwali at masama, walang konsensya, walang katauhan. Ang ugat ng lahat ng kasiraang ito ay ganap na nasa malaking pulang dragon. Ang mahusay na kriminal na lumikha sa kasamaan sa mga puso ng tao, ang mga tiwaling moralidad at pagkasalawahan ng mundo sa lipunan ngayon ay ang malaking pulang dragon; na ang ugat ng lahat ng kadiliman at kasamaan sa mundo ay ang pagkamit ng malaking pulang dragon ng kapangyarihan. Kung nagkamit ang malaking pulang dragon ng kapangyarihan kahit sa isang araw lang, kung si Satanas ay hindi mapupuksa balang araw, kung ganon, hindi mabubuhay ang sangkatauhan sa liwanag at hindi na kailanman muling magkakaroon ang mundo ng kapayapaan.

      Pagkatapos makita ang kadiliman at kasamaan ng malaking pulang dragon at kung paano nito itinitiwali at tinatapakan ang mga tao, lalo ko pang nararamdaman ang kabanalan at kagandahan ni Cristo. Tanging si Cristo ang liwanag sa mundong ito ng kadaliman, tanging si Cristo ang makapagliligtas sa sangkatauhan at tutulong sa kanilang kumawala mula sa madilim at masamang lugar na ito, at magkakaroon lamang ng liwanag ang sangkatauhan kapag natamo na ni Cristo ang kapangyarihan. Dahil tanging ang Diyos ang may diwa na maganda at mabuti, tanging ang Diyos ang pinanggalingan ng pagkamatuwid at liwanag, tanging ang Diyos ang simbolo na hindi magagapi o masisira ng lahat ng kadiliman at kasamaan, tanging ang Diyos ang makakapagbago sa lumang mukha ng buong mundo at maghatid ng liwanag sa mundo, at tanging ang Diyos ang makapagdadala sa sangkatauhan sa isang kahanga-hangang hantungan. Maliban sa Diyos, walang makakagawa sa gawain na ito at walang makakatalo o makakapuksa kay Satanas. Kagaya ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Sa napakalawak na mundo, hindi mabilang na mga pagbabago na ang nangyari, nang paulit-ulit. Walang may kakayahang manguna at gumabay sa sangkatauhan maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng mga bagay sa sansinukob. Walang makapangyarihan na maaaring magtrabaho o gumawa ng mga preparasyon para sa sangkatuhang ito, lalo na ang isang tao na may kakayahang mamuno sa sangkatuhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at ng liberasyon mula sa makamundong kawalan ng mga katarungan” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Gusto Kong itama ang mga kawalan ng hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking trabaho sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng mga kaaway sa lupa at ikukumpisal nila ang mga krimeng nagawa sa Aking harapan” (“Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakita ko sa mga salita ng Diyos ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat at ang Kanyang awtoridad, nakita ko na tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa atin na namumuhay sa ilalim ng nasasakupan ng malaking pulang dragon at natatapakan nito. Dahil dito, lalo pang hinahangad ng aking puso na makamit ni Cristo ang kapangyarihan, at sana'y malapit nang magwakas ang malaking pulang dragon.

     Nagpapasalamat ako sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos na nagpahintulot sa aking makita ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo, na dahilan para maramdaman ko sa aking puso ang tunay na pagkasuklam sa malaking pulang dragon, at na nagpahintulot sa akin na maunawaan na tanging si Cristo ang makakaakay sa tao para makawala mula sa madilim na lugar na ito, para makapasok sa liwanag. Tanging sa pamamagitan ng pagsunod kay Cristo at sa pagsamba kay Cristo na makakawala ang tao mula sa kapighatian ni Satanas. Magmula sa araw na ito, gusto kong hanapin ang katotohanan at sumunod sa pag-aakay ni Cristo, tanggapin ang mga salita ng Diyos at gawin ang mga itong aking buhay, alisin sa aking sarili ang lahat ng lason ng malaking pulang dragon, itakwil ang pagkontrol ng impluwensiya ng malaking pulang dragon, ganap na magrebelde laban sa malaking pulang dragon, at maabot ang pagliligtas ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo


Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

ang ikalawang pagdating ni Jesus







Enero 13, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

Kristianong Awitin | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos |Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

I
Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
Hanap ng Diyos ang may kaya,
kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
Kung walang makakayanig,
walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

Enero 5, 2018

Kabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 36. Ang Pag-alam Sa Sarili Ay Pangunahin Nang Pag-alam Sa Kalikasan Ng Tao

   Ang susi sa pagkamit ng isang pagbabago ng disposisyon ay alamin ang sariling kalikasan, at ito ay dapat manggaling mula sa pagbubunyag ng Diyos. Tanging sa salita ng Diyos kayang malaman ang kaniyang sariling karima-rimarim na kalikasan, makilala sa kaniyang sariling kalikasan ang mga sari-saring lason ni Satanas, matanto na siya ay hangal at mangmang, at makilala ang mahina at mga negatibong elemento sa kaniyang sariling kalikasan. Kapag ang mga ito ay ganap nang nalaman, at kaya mong tunay na talikdan ang laman, palaging isinakatuparan ang salita ng Diyos, at may kaloobang walang pasubaling nagpapasakop sa Banal na Espiritu at sa salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay sinimulang ang landas ni Pedro. Kung wala ang biyaya ng Diyos, kung walang pagliliwanag at gabay mula sa Banal na Espiritu, ay magiging napakahirap lakaran ang daang ito, dahil ang mga tao ay walang katotohanan at hindi magagawang ipagkanulo ang kanilang sarili.

Enero 4, 2018

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning
     
   Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

Enero 1, 2018

Kabanata 32. Anong Uri ng Mga Tao Ang Maparurusahan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKabanata 32. Anong Uri ng Mga Tao Ang Maparurusahan

    Ang kalapastanganan at paninira laban sa Diyos ay isang kasalanan na hindi mapatatawad sa kapanahunang ito at sa paparating na kapanahunan at silang mga gumawa ng kasalanang ito ay hindi kailanman bubuhayin muli. Ito ay nangangahulugang ang disposisyon ng Diyos ay hindi palalagpasin ang pagkakasala ng sangkatauhan. Ang ibang tao ay maaring makapagsabi ng ilang mga masasakit na salita o mga di-magandang salita kapag hindi sila nakauunawa, o kapag sila ay nilinlang, hinigpitan, pinigilan, o sinupil ng iba. Ngunit kapag tinatanggap nila ang tunay na landas sa panahong darating sila ay mapupuno ng pagsisisi.

Disyembre 26, 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos

Ngayon ako'y muling humaharap sa aking Diyos.
Puso ko'y mangungusap
pag makita ang mukha Niyang kalugod-lugod.
Iniwan ko na ang halaghag na nakaraan.
Biyaya Niyang Salita'y pinupuno ako ng kalugura't kaligayahan.
Mahabaging salita ng Diyos
ang kumandili't dumilig sa'king pagsibol.
Kanyang mahigpit na Salita
ang nagpalakas sa'kin upang muling bumangon.
Diyos, kami ngayo'y umaawit sa Iyo
nang dahil sa'Yong pagpapala.
Kami ngayo'y nagpupuri sa'Yo sapagkat kami'y iyong inangat.

Disyembre 23, 2017

Ang Himno ng Salita ng Diyos Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Himno ng Salita ng Diyos | Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos

I
Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,
sa paglinaw sa katangian ng tao,
bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.
Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,
katotohanang di saklaw ng tao
Tanging gawang tunay na paghatol;
tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos
sa puso't salita, sa isip o gawa,
siya'y tunay na makilala.

Disyembre 21, 2017

Ebangheliyong musika | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Kidlat ng Silanganan |Ebangheliyong musika | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono


Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay
at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan
ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.

Disyembre 19, 2017

Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos


Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Ang lupa ay sa langit, langit at lupa’y nagkaisa.
Tao’y nagiging bigkis ng langit at lupa.
Salamat sa kabanalan at pagbabago ng tao,
di na nakubli ang langit sa lupa,
at lupa’y kinikibo na ang langit.
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla,
kapal ng hamog wala na.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla,
kapal ng hamog wala na.
Araw ay matingkad, hangi’y masigla,
kapal ng hamog wala na.

Disyembre 18, 2017

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong
    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Umaasa ang Diyos na Makamit
ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya
I

Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.

Disyembre 17, 2017

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
     Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, "kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito." Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, "matiyagang" naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.