Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Maghanda Para sa Kanilang Patutunguhan na may Sapat na Mabubuting Gawa.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, makagaganap kayo nang buong husay, lubos ang pamimintuho at hindi na kayo mananamlay. Mangyari pa, umaasa rin Ako na magkaroon kayo ng magandang patutunguhan. Gayon pa man, mayroon pa rin Akong sariling itinakdang hinihingi, at ito ay ang makagawa kayo ng pinakamahusay na pasya na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may tao na walang ganyang natatanging pamimintuho, tiyak na magiging napakahalaga kay Satanas ng taong iyan, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya. Pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang.
mula sa "Hinggil sa Patutunguhan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kailangan ninyong gawin ang inyong katungkulan hanggang sa inyong makakayanan nang bukas at matuwid ang inyong mga puso, at kailangang handa kayong gawin ang anumang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pakikitunguhan nang masama ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad nang malaki para sa Kanya. May halaga ang pagkapit sa ganitong uri ng paniniwala, at hindi ninyo ito dapat kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, hindi Ko kailanman mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, at habambuhay ko kayong ituturing nang may kapaitan. Kung susundan ninyo ang iyong konsiyensya, at ibibigay ang lahat para sa Akin, walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at iuukol ang buong buhay ng pagsusumikap sa Aking gawain ng mabuting balita, hindi ba’t lulukso sa tuwa ang Aking puso? Hindi ba’t lubos na mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo?
mula sa "Hinggil sa Patutunguhan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maaari mong italaga ang iyong puso at katawan at lahat ng iyong tunay na pag-ibig sa Diyos, ilagay ang mga iyon sa harap Niya, maging ganap na masunurin sa Kanya, at lubos na maging mapagbigay sa Kanyang kalooban. Hindi para sa laman, hindi para sa pamilya, at hindi para sa iyong personal na mga pagnanasa, ngunit para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sa lahat ng bagay maaari mong tanggapin ang mga salita ng Diyos bilang panuntunan, bilang saligan. Sa gayong paraan, ang iyong mga hangarin at iyong mga pananaw ay magiging nasa tamang lugar lahat, at ikaw ay magiging isang tao na nakakakuha ng papuri ng Diyos sa harap Niya. Yaong mga nagugustuhan ng Diyos ay mga taong lubos na tungo sa Kanya, mga taong tapat sa Kanya at wala ng iba.
mula sa “Ang Mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin
Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong Mga Tunay
na Umiibig Sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian.
mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Pagbabahagi ng Tao:
Sa isang banda ang mabubuting gawa ay isang patotoo sa ating kaligtasan, at sa kabila naman ay isang pagpapakita ng ating pagpasok sa katotohanan at ang katotohanan ng salita ng Diyos. Ganoon din, kung naghahanda tayo ng maraming mabubuting gawa, ipinapakita din nito na tayo ay naipanganak na muli sa harap ng Diyos at tayo ay may tunay na patotoo ng pagiging isang tao. Ang ating mabubuting gawa ang pinakamabuting pagpapakita na tunay na nagsisi tayo at naging bagong mga tao. Kung tayo ay may maraming mabubuting gawa, nagpapatunay ito na tayo ay kawangis ng isang tunay na tao. Kung naniwala kayo sa Diyos sa loob ng maraming taon pero wala kang ginawang maraming mabubuting gawa, kung gayon, nagtataglay ng anyo ng tao? May konsensya at pakiramdam ba kayo? Kayo ba ay taong nagsusukli sa pag-ibig ng Diyos? Nasaan ang inyong tunay na pananampalataya? Nasaan ang inyong pag-ibig sa Diyos? Nasaan ang inyong pagkamasunurin sa Diyos? Nasaan ang katotohanan na inyong pinasok? Wala kayo ng alinman sa mga ito. Samakatwid, ang isang taong walang ginagawang mabubuting gawa ay isang taong walang natatanggap, isang taong hindi makakuha ng kaligtasan mula sa Diyos, isang taong ang kasamaan ay malalim at hindi man lang nabago kahit kaunti. Kaya nga ang mabubuting gawa ang pinakanaglalantad sa isang tao.
mula sa “Ang Mahalagang Kahulugan sa Likod ng Paghahanda ng Mabubuting Gawa”
sa Samahan at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay (II)
Ano ang kinakatawan ng mabubuting gawa? Kinakatawan nila ang tunay na pananampalataya ng mga tao sa Diyos. Kung ang iyong mabuting gawa ay alang-alang sa kalooban ng Diyos, kung ito ay ganap na para mahalin ang Diyos at aliwin ang Kanyang puso, kung gayon ang mabuting gawang ito ay nagpapakita ng iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kung ang iyong mabuting gawa ay para masiyahan ang kalooban ng Diyos, kung ito ay ganap na para maabot ang mga hinihingi ng Diyos, kung gayon ang mabuting gawaing ito ay tumutukoy sa iyong pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, ang iyong intensiyon na suklian ang pag-ibig ng Diyos. Ang mga ito ay kumakatawan sa mabubuting gawa at lahat ay may kahulugan. Bawat uri ng mabubuting gawa ay kumakatawan sa mga puso ng mga tao, sa kanilang pagkamasunurin, at sa kanilang pag-ibig sa Diyos, at gayon din sa kanilang pagsusukli sa pag-ibig ng Diyos. Kaya ang pagkakaroon ng mabubuting gawa ay pinakanagpapatunay at labis na mahalaga. Maaari bang magkaroon ng mabubuting gawa kung ang mga tao ay walang pag-ibig sa Diyos at pagkamasunurin sa Kanya? Hindi magkakaroon, talagang hindi. Maaari bang magkaroon ng mabubuting gawa na makakapagbigay ng kasiyahan sa Diyos at makakatugon sa Kanyang mga kinakailangan kung ang mga tao ay hindi handang magbigay ng kasiyahan sa Diyos at tumugon sa Kanyang mga kinakailangan? Tiyak na hindi rin. Kaya, ang mabubuting gawa ay kumakatawan sa pagbabago sa disposisyon ng buhay ng mga tao, at sila ang kumakatawan sa mga puso ng mga tao.
mula sa “Ang Mahalagang Kahulugan sa Likod ng Paghahanda ng Mabubuting Gawa”
sa Samahan at Pangangaral Tungkol sa Pagpasok sa Buhay (II)
Ano ang mabuting gawa? Masasabi mo na kapag ang isang tao ay tumutupad sa lahat ng kanilang mga tungkulin at naaabot ang mga inaasahang bunga, itinuturing silang nakapaghanda nang sapat na mabubuting gawa. Hangga’t ang pagganap sa tungkulin ay ayon sa pamantayan at makakapagbigay ng kasiyahan sa Diyos, ito ay masasabing isang mabuting gawa. Ang pagkakaroon ng mabubuting gawa ay ang paggawa ng iyong tungkulin nang walang hinahanap na gantimpala, nang walang ginagawang pakikipagpalitan, at paggawa nito nang bukal sa kalooban para sa layuning bigyang kasiyahan ang Diyos, nang hindi kailanman pinagsisisihan ito. Kung ginagawa mo lang ito nang hindi bukal sa iyong kalooban at hindi ka interesado sa ginagawa mong tungkulin, hindi matutupad ang kalooban ng Diyos bahagya man, at kung kaya hindi ito maituturing na isang mabuting gawa.
mula sa “Ang Lahat ng Hindi Naghahanda ng Mabubuting Gawa ay Masasama”
sa Mga Talaan ng mga Pag-uusap Ni Cristo at Mga Pinuno at Mga Manggagawa ng Iglesia
Ang mabubuting gawa ay pangunahing tumutukoy sa pagtupad ng iyong tungkulin, at kasama rin sa mga ito ang paggawa ng mga bagay na makakabuti sa iglesia, sa interes ng sambahayan ng Diyos, pangangalaga sa gawain ng Diyos, pagpapanatili sa kadalisayan ng katotohanan, paglaban sa mga kamalian at hidwang pananampalataya, paggarantiya na ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi nagagambala at hindi dumanas ng kapahamakan ang mga banal, pagpapatotoo sa mahahalagang sandali, at pagkakaroon ng pusong tunay na nagmamahal at may konsiderasyon sa Diyos. Ang lahat ng mga ito ay itinuturing na mga mabuting gawa. Ang mga taong may ganitong mabubuting gawa ay ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan at mahusay na ginagampanan ang kanilang tungkulin. ... Ang isang mabuting gawa ay isang positibong bagay, isang bagay na kinikilala ng langit at ng lupa at ng ating konsiyensya. Ang mga nagtataglay ng sapat na mabubuting gawa ay tiyak na mga taong nasa katotohanan na lubusang gagawa ng buong kalooban ng Diyos.
mula sa “Ang Mga Taya sa Pagitan ng Ugali ng Tao at Kanyang Katapusan”
sa Mga Tala ng Pag-uusap ni Cristo at Mga Pinuno at Mga Manggagawa ng Iglesia
Ang mabubuting gawa ay unang-una tungkol sa pangangalaga sa gawa ng Diyos at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, lalo na sa mga pangunahing bagay na may kinalaman sa gawain ng sambahayan ng Diyos na mangangailangan ng pagharap sa lalong malaking panganib. Halimbawa, sa mahalagang sandali ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, ang paglalaan ng iyong sarili at hindi pagiging takot sa pagdurusa at pagtitiis sa kahihiyan, ang pagsuko ng personal na interes ng iyong pamilya. Ang pakikibahagi sa ganitong mga bagay ay pagkakaroon din ng mabubuting gawa, at magbibigay sa inyo ng pagkilala mula sa Diyos.
mula sa “Pagkukumpara sa Paggawa ng Mabuti at Paggawa ng Masama”
sa Mga Tala ng Pag-uusap ni Cristo at Mga Pinuno at Mga Manggagawa ng Iglesia
Anumang mabubuting gawa ang iyong ihanda, dapat silang gawin ng bukal sa kalooban, matapat hanggang sa wakas, at dapat na maging karapat-dapat sa pagsang-ayon ng iba. Ito ay isang gawang mabuti, at isa ring patotoo sa tunay na pagsisisi ng isang tao. Sa Biblia maraming halimbawa ng mabubuting gawa na karapat-dapat sa pagkilala ng Diyos na maaaring sundin. Halimbawa: Sa paglilingkod sa Diyos, maaaring masaid ang iyong isip at pagsisikap, maging tapat hanggang sa kamatayan, walang pagsisisi o reklamo—iyan ay mabuting gawa; pagiging matapat sa iyong tungkulin, nang hindi nagwawalang-bahala o nagpapabaya, at nagtatamo ng mabubuting bunga—iyan ay isang mabuting gawa; ang magkaloob ng mabuting pakikitungo sa loob ng ilang taon na para bang ito ay isang araw lamang, ang pagtrato sa mga kapatid gaya ng pamilya, na walang anumang hinihingi o hinahanap na kabayaran—iyon ay isang mabuting gawa; ang maging lubusang handa nang hindi alintana ang halaga ng salaping inaalok, nang walang hinihinging anuman o hinahanap na kabayaran—iyon ay isang mabuting gawa; ang gumugol at ilaan ang sarili para sa Diyos, hindi para sa katanyagan at kayamanan, hindi naghahanap ng kabayaran, walang reklamo—iyon ay isang mabuting gawa; ang mahuli at madala sa kulungan dahil sa paggawa ng iyong tungkulin, magdusa ng matinding paghihirap nang walang reklamo, at maging matapat pa rin sa Diyos at tuparin pa rin ang tungkulin—iyon ay isang mabuting gawa; ang maipalaganap ang ebanghelyo at mahikayat ang mas maraming mabubuting tao, dalhin ang mga naghahanap sa katotohanan sa harap ng Diyos, at hayaan silang magtatag ng pundasyon sa ibabaw ng tunay na daan—iyon ay isang higit na mas mabuting gawa; kung, higit sa rito, ay madadala mo ang mga piniling tao ng Diyos sa katunayan ng katotohanan, upang magawa nilang magpatotoo nang malinaw sa Diyos, kung gayon wala ng iba pang mas higit na mabuting gawa; ang maging matapat sa Diyos anuman ang tungkulin na iyong ginagampanan, nang hindi nagwawalang-bahala o nagpapabaya, matapat na sinusuklian ang pag-ibig ng Diyos at binibigyang kasiyahan ang Diyos—iyon ay isang mabuting gawa. Sa madaling salita, anumang maaaring gawin ng mga tao na kapaki-pakinabang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, at ginagawa nang may katapatan, walang hinahanap na gantimpala at walang ginagawang pakikipagpalitan, lahat ng ito ay ibinibilang na isang mabuting gawa. Kung gagawin mo ang buong kaya mo para isagawa ang lahat ng mabubuting gawa na dapat taglay mo, at kaya mo pang makamit, nang walang hinahanap na kabayaran at ang tanging layunin ay suklian ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon iyon ay pagkakaroon ng sapat na mabubuting gawa.
mula sa “Tanging ang Mga Nagkamit ng Katotohanan at Pumasok sa Katotohanan ang Tunay na Ligtas” sa Mga Salaysay ng Samahan at mga Kaayusan ng Gawa ng Iglesia (I)
Ang mabubuting tao ay nagmamahal sa katotohanan. Handa silang magbayad ng halaga at maging isuko ang lahat para bigyang kasiyahan ang Diyos. Hindi sila naghahanap ng kabayaran, at tiyak na hindi ito para makipagpalit sa mas malalaking pagpapala. Ang mga taong tunay na nakaunawa ng katotohanan ay laging makakaramdam na ito ay isang tungkulin na dapat tuparin, at isa ring hindi maiiwasang responsibilidad. Hindi nila iniisip na ang paggawa ng mabubuting gawa at paggugol ng lakas para sa sambahayan ng Diyos ay isang malaking bagay dahil ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin. Naniniwala sila: Gaano man pagpasyahan ng Diyos ang aking pagtatapos, ito ay ang Kanyang pagkamatuwid, at wala akong anumang reklamo kahit ano pa man. Ito ay dahil ang pananampalataya ko sa Diyos ay para sikaping matamo ang katotohanan at mamuhay ng isang totoong buhay. Bawat araw na buhay ako kailangan kong pagsikapang hanapin ang katotohanan at magsagawa ng mabubuting gawa. Ang pagtupad sa tungkulin ng tao at pagbibigay kasiyahan sa Diyos ang pinakamalaki kong kaaliwan.
mula sa “Lahat Niyaong Hindi Naghahanda ng Mabubuting Gawa ay Masama”
sa Ang Pagsasama Galing sa Itaas
Mula sa Ang Mga Tupa ng Diyos ay Naririnig ang Tinig ng Diyos (Mga Kinakailangan ng Bagong Mananampalataya)
Ang pinagmulan:Ang mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Maghanda Para sa Kanilang Patutunguhan na may Sapat na Mabubuting Gawa.
Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento