Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama!
Xiaojin Pan’an County, Zhejiang Province
Noong Pebrero ng 2007, ang iglesia ay nakatanggap ng kaayusan sa trabaho na pinamagatang “Tubigan at Tustusan ang mga Bagong Mananampalataya upang Tulungan Silang Magkaugat sa Lalong Madaling Panahon.” Binibigyang-diin nito na “Kinakailangang gamitin ang lahat ng epektibo at sanay na sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya upang makumpleto ang gawaing ito. Ang mga taong hindi naaangkop sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya ay hindi dapat gamitin; dapat silang mapalitan upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain” (“Ang mga Isyung Kinakaharap ng Iglesia sa Kasalukuyan ay Dapat na Malutas” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos makita ang kaayusang ito, sa halip na gamitin ang mga prinsipyo upang masukat kung ang kapatid na babae mula sa aming distrito na siyang nagdidilig sa mga bagong mananampalataya ay naaakma, may mga patiunang ideya akong pinanghahawakan laban sa kanya: Ang taong ito ay walang interes na ginawa ang kanyang tungkulin at hindi nagtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, inatupag niya ang laman, kaya hindi siya naaangkop upang tubigan ang mga bagong mananampalataya. Higit sa lahat, inakala niyang siya’y de-kalibre na kaya naman naging mapagmataas siya at minaliit ang iba. Noong nakaraan, pinuntahan niya ang taong namamahala sa gawaing pagpapatubig ng rehiyon at nagsabi ng masasama tungkol sa akin. Kung hindi lang dahil sa mga hinihingi ng trabaho ko, hindi ko sana siya bibigyang pansin pa. Sa pag-iisip tungkol dito, gumawa ako ng plano: bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong ito na palitan siya nang sa ganoon ay hindi ko na siya makita pa? Hindi ba’t napakayabang niya? Papalitan ko lang siya at pagkatapos ay makikita ko kung gaano siya mapagmataas!
Dahil dito, hindi ko tinimbang ang pagiging epektibo ng kanyang trabaho at hindi ko na iniisip ang interes ng iglesia. Nagmamadali lamang akong palitan siya. Nang maglaon, walang-ingat kong inilipat ang isang pinuno ng iglesia sa distrito upang maisagawa ang tungkulin sa pagpapatubig. Sa aking pananaw, ang taong ito ay kayang magtiis ng mga paghihirap, mabubuting mga salita ang sinasabi niya at mabilis siyang manggagawa. Siya ay mahabagin sa mga tao at talagang nababagay para sa gawain ng pagpapatubig. Hindi ko napagtanto na naisip ng taong responsable sa pagpapatubig ng rehiyon at ng coordinator na ang taong ito ay hindi karapat-dapat at ang orihinal na kapatid na babae ang siyang naaangkop. Ginawa ko ang makakaya ko upang papurihan ang pinuno ng iglesia na ito, hanggang sa puntong sinasabi na wala nang mas huhusay pa kaysa sa kanya. Nang malapit ko nang hindi tanggapin ang kanilang mga mungkahi, nakatanggap ako ng balita na nagsasabing sinusubaybayan ng malaking pulang dragon ang pinuno ng iglesia na ito. Dahil wala nang ibang mapagpipilian, isinantabi ko ang sarili ko at mabigat sa loob na ibinalik ang orihinal na kapatid na babae. Lubhang naguguluhan at nanlulumo ang puso ko, at pakiramdam ko’y wala akong mapaghihingahan ng aking pagkasiphayo.
Nagpatuloy ito hanggang isang araw nang mabasa ko ang isang sipi sa pangangaral ng lalaki: “Kung paano pakitunguhan ng mga pinuno ang mga kapatid na nasusumpungan nilang hindi kanais-nais, na kumokontra sa kanila, na ganap na naiiba ang pinanghahawakang mga pananaw kaysa sa kanila—ito ay isang napakaseryosong isyu at dapat pangasiwaan nang may pag-iingat. Kung hindi sila pumasok sa katotohanan, tiyak na itatangi nila at kakalabanin ang taong ito kapag kinaharap ang ganitong uri ng isyu. Ang ganitong uri ng pagkilos ay tiyak na inilalantad ang likas na katangian ng malaking pulang dragon na nilalabanan at pinagtataksilan ang Diyos. Kung ang pinuno ay isang taong nagtataguyod ng katotohanan, na nagtataglay ng konsiyensiya, at katinuan, hahanapin nila ang katotohanan at tatanganan ito nang tama” (“Ang Walang-Ingat Na Mga Pinuno Na Hindi Ginagampanan Nang Tama ang Kanilang Trabaho Ay Dapat Paalisin” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Sa oras na ito, hindi ko mapigilan na maalala ang tungkol sa kamakailang paglipat ng tauhan sa pagpapatubig ng distrito. Noong panahong iyon, pinigilan ako ng Diyos sa paggawa ng isang masamang bagay upang ipagtanggol ang Kanyang sariling gawain, na siyang pumigil sa pagtatagumpay ng aking plano. Gayunpaman, ang mala-satanas na kalikasan at ang matinding lason ng malaking pulang dragon sa loob ko ay tuluyang nalantad. Ang kaayusan sa trabaho ay malinaw na binigyang-diin ang paggawa ng lahat ng makakaya para tubigan ang mga bagong mananampalataya at ilipat ang naaangkop na tauhan sa pagpapatubig. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ng Diyos upang mailigtas ang mga tao, nang hindi man lamang pinag-iisipan na isakatuparan ang mga trabaho nang maayos, sinamantala ko ang kalayaan upang itangi at atakihin ang taong nagkasala sa akin. Sa paggawa nito, hindi ko rin ba ginagamit ang parehong kasuklam-suklam na pamamaraan ng malaking pulang dragon upang alisin ang mga tagalabas? Paano ito naging paglilingkod sa Diyos? Pinagmamalupitan lamang nito ang mga tao at pinarurusahan sila. Nakakaabala at nakagagambala ito sa gawain ng iglesia. Ako’y tunay na ginawang tiwali nang husto ni Satanas at tuluyang naging sagisag ng malaking pulang dragon. Ang aking mga aksyon ay hindi naiiba sa mga aksyon ng malaking pulang dragon. Ang malaking pulang dragon ay gumagamit ng napakasamang paraan upang alisin ang mga tagalabas. Pinapalitan ko rin ang taong nagkasala sa akin sa ngalan ng pagsasagawa ng pag-aayos sa trabaho. Itinataguyod ng malaking pulang dragon ang mga pinagkakatiwalaan nito at pino-promote ko ang isang tao na personal kong naisip na magaling at siyang umayon sa aking opinyon. Sinusunod ng malaking pulang dragon ang mala-satanas na alituntuning “Magpasakop sa akin o malipol.” Ginamit ko rin ang aking “awtoridad” upang makaganti sa taong nagkasala sa akin at may opinyon tungkol sa akin. Pinapaikot ng malaking pulang dragon ang mga katotohanan; ito ay hindi makatarungan at hindi patas. Naging emosyonal ako nang walang taros kong binatikos ang taong hindi sumunod sa aking kalooban. Patuloy akong nagsasalita ng pabor sa taong nagustuhan ko kahit na sa puntong naging eksaherado ako at nagsasalita ng laban sa katotohanan. … Ngayon nakikita ko na ang lason ng malaking pulang dragon ay malalim ang pagkakaugat sa akin. Ito ay naging bahagi na ng aking buhay, sa gayong lawak na nakakaapekto na ito sa bawat aspeto ng aking pag-uugali. Ang lason ng malaking pulang dragon ay ginagawa akong napakasama at mapaminsala; ginagawa nitong marumi, kasuklam-suklam, at pangit ang aking kaluluwa, kung saan ginagawa ko nang hindi sinasadya na labanan ang Diyos. Kung hindi dahil sa pagliliwanag ng Diyos, malamang na namumuhay pa rin ako sa sarili kong katiwalian at malamang na nagmumukmok pa rin sa kabiguan ng aking mga pakana. Siguradong hindi ko pa rin alam na tuluyan nang nawala ang aking katinuan at konsensya at na ang aking pag-uugali ay nagkasala sa disposisyon ng Diyos.
Makapangyarihang Diyos, naipakita sa akin ng Iyong mga pagbubunyag na ang aking kalikasan ay masyadong masama at kasuklam-suklam. Ako ay ganap na sagisag ng malaking pulang dragon; ang aking pag-uugali ay hindi naiiba sa malaking pulang dragon. Mula ngayon, nakahanda ako na masigasig na itaguyod ang katotohanan. Susuriin ko ang aking sarili sa pamamagitan ng paghahambing ng aking mga saloobin, mga salita at mga pagkilos sa salita ng Diyos, at kikilalanin ang likas na katangian ng malaking pulang dragon sa loob ko. Makikita ko nang malinaw ang diwa nito at tunay na kapopootan ito, lalayo mula rito, at magiging isang tunay na lalaking may pagkatao upang aliwin ang Iyong puso.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan
ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento