Salita ng Diyos | Ang Ika-tatlumpu’t tatlong Pagbigkas
Sa Aking pamamahay, minsang nagkaroon ng mga dumadakila sa Aking banal na pangalan, na gumawa nang walang kapaguran upang mapuno ang papawirin ng Aking kadakilaan sa lupa. Dahil dito, labis Akong natuwa, napuno ang Aking puso ng kaluguran—ngunit sino ang kayang gumawa na Aking kahalili, tinatalikdan ang tulog sa gabi at araw? Nagbibigay sa Akin ng kaluguran ang determinasyon ng tao sa Akin, ngunit pinupukaw ng kanyang paghihimagsik ang Aking galit, at gayon, dahil hindi kailanman masunod ng tao ang kanyang tungkulin, lalong tumitindi ang Aking kalungkutan para sa kanya. Bakit laging hindi kaya ng tao na ialay ang kanilang sarili sa Akin? Bakit nila palaging sinusubukang makipagtawaran sa Akin? Punong tagapamahala ba Ako ng isang sentro ng kalakalan? Bakit Ko kaya isinasakatuparan nang buong puso ang hinihingi ng mga tao sa Akin, habang nauuwi lang sa wala ang hinihingi Ko mula sa tao? Maaari bang hindi Ako maalam sa mga pamamaraan ng pagnenegosyo, pero marunong ang tao? Bakit palagi Akong nililinlang ng mga tao sa pamamagitan ng matatas na pananalita at panghihibok? Bakit palaging dumarating ang mga tao na may dalang mga “regalo,” humihingi ng daan pabalik? Ito ba ang itinuro Ko na gawin ng tao? Bakit ginagawa ng mga tao ang mga bagay na yaon “nang mabilis at malinis”? Bakit palaging nagaganyak ang mga tao na linlangin Ako? Kapag kasama Ko ang tao, tinitingnan Ako ng mga tao bilang isang nilikhang nilalang; kapag nasa pangatlong langit Ako, itinuturing nila Ako bilang ang Makapangyarihan sa lahat, na siyang humahawak ng dominyon sa lahat ng bagay; kapag nasa kalangitan Ako, nakikita nila Ako bilang ang Espiritu na nagpupuno sa lahat ng bagay. Sa kabuuan, walang nararapat na lugar para sa Akin sa puso ng mga tao. Para bang isa Akong bisitang hindi imbitado, kinayayamutan Ako ng mga tao, at gayon kapag nakakakuha Ako ng tiket at kukunin ang Aking upuan, itinataboy nila Ako, at sinasabing wala Akong mauupuan dito, na nagpunta Ako sa maling lugar, at kaya wala Akong pagpipilian kung hindi umalis kaagad. Nagdesisyon Akong hindi na makihalubilo sa tao, dahil masyadong makitid ang utak ng mga tao, masyadong maliit ang kanilang kagandahang-loob. Hindi na Ako kakain sa parehong mesa sa kanila, hindi na Ako magpapalipas ng oras sa mundo na kasama sila. Ngunit kapag nagsalita Ako, namamangha ang mga tao, natatakot sila na lilisan Ako, at kaya pilit nila Akong “ikinukulong”. Habang nakikita ang kanilang pagkukunwari, agad Kong naramdamang tila malungkot at mapanglaw ang Aking puso. Natatakot ang mga tao na iiwan Ko sila, at gayon kapag humihiwalay Ako sa kanila, agad napupuno ang lupa ng tunog ng pag-iyak, at nababalutan ng mga luha ang mga mukha ng mga tao. Pinupunasan Ko ang kanilang mga luha, muli Ko silang pinagiginhawa, at tinititigan nila Ako, ang kanilang mga mata ay tila nagmamakaawa sa Akin na huwag lumisan, at dahil sa kanilang “kabusilakan” kasama nila Ako. Ngunit sino ang makakaunawa ng sakit na nasa Aking puso? Sino ang matandain sa mga bagay na hindi Ko nasasabi? Sa mga mata ng mga tao, para bang wala akong emosyon, at kaya palagi kaming nagmumula sa dalawang magkaibang pamilya. Paano nila makikita ang pakiramdam ng kapanglawan sa Aking puso? Iniimbot lamang ng mga tao ang kanilang mga sariling kaaliwan, at hindi nila iniisip ang Aking kalooban, dahil, hanggang sa kasalukuyan, nananatiling mangmang ang mga tao tungkol sa layon ng Aking plano ng pamamahala, at kaya ngayon gumagawa pa rin sila ng tahimik na mga pagsamo—at ano ang benepisyo nito?
Kapag naninirahan Ako kasama ng tao, humahawak Ako ng isang lugar sa mga puso ng tao; dahil nagpakita na Ako sa katawang-tao, at nabubuhay ang mga tao sa “lumang” katawan, palagi nila Akong pinakikitunguhan sa katawang-tao. Dahil mayroon lamang katawang-tao ang mga tao, at wala nang higit pang karagdagan, ibinibigay na nila sa Akin ang “lahat ng mayroon sila”. Ngunit wala silang alam, tanging “inaalay nila ang kanilang debosyon” sa Akin. Walang kuwentang basura ang Aking inaani—ngunit hindi ganoon ang iniisip ng tao. Kapag inihahambing Ko ang mga “regalo” na ibinigay nila sa Aking mga bagay, agad na napapansin ng mga tao ang Aking kahalagahan, at saka lamang nila nakikita ang Aking kalakihan. Hindi Ako nagmamalaki dahil sa kanilang papuri, ngunit nagpapatuloy na magpakita sa tao, upang maari Akong makilala nang lubusan ng mga tao. Kapag ipinapakita Ko sa kanila ang Aking kabuuan, tinitignan nila Ako nang may dilat na mga mata, nakatayo sa harapan Ko nang hindi gumagalaw, kagaya ng isang haliging asin. At kapag pinagmamasdan Ko ang kanilang kaibahan, nahihirapan Akong pigilan ang Aking sarili sa pagtawa. Dahil nagpaparamdam sila upang humingi ng mga bagay mula sa Akin, binibigyan Ko sila ng mga bagay na nasa Aking kamay, at hinahawakan nila ito sa kanilang dibdib, iniingatan ang mga ito kagaya ng isang bagong-silang na sanggol, isang gawi na kanilang ginagawa lang sa ilang sandali. Kapag iniiba Ko ang kapaligiran kung saan sila ay naninirahan, agad nilang inihahagis ang “sanggol” sa isang tabi at tumatakas nang nahihiya. Sa mga mata ng mga tao, Ako ang tulong na laging naroon sa anumang oras o lugar, na para bang isa akong serbidor na dumarating sa oras na siya ay tinawag. Kung gayon, palaging “tumitingala” sa Akin ang mga tao, para bang mayroon Akong walang hanggang kapangyarihan upang labanan ang sakuna, at kaya palagi nilang hinahawakan ang Aking kamay, dinadala Ako sa “mga lakbay sa kabuuan ng lupa,” na maaaring makita ng lahat ng bagay na mayroon silang Pinuno, upang walang mangangahas na manlinlang sa kanila. Noon Ko pa nakikita sa lansi ng mga tao ang isang “sorong nagpapalagay ng karilagan ng isang tigre,” dahil “nagsisimula silang lahat sa kanilang negosyo”, humihiling ng tubo sa pamamagitan ng panlilinlang. Matagal Ko nang nakikita ang kanilang mapanira, malisyosong pamamaraan, at hindi Ko lamang nais na saktan ang aming samahan. Hindi Ako gumagawa ng gulo mula sa wala—walang halaga o importansya roon. Ginagawa Ko lamang ang trabaho na dapat Kong gawin alang-alang sa mga kahinaan ng mga tao; kung hindi, gagawin Ko silang abo at hahayaan silang hindi na mabuhay. Ngunit may kahulugan ang gawain na Aking ginagawa, at kaya hindi Ko kinakastigo nang magaan ang tao. Sa kadahilanang ito na palaging nabibigyan ang mga tao ng kalayaan na pamahalaan ang kanilang katawan. Hindi nila sinusunod ang Aking kalooban, ngunit hindi kailanman Ako nilinlang sa Aking hukuman. Napakatapang ng mga tao: Kapag binabalaan sila ng lahat ng kagamitang pampahirap, hindi man lang sila nag-aalinlangan. Bago ang mga katotohanan, nananatili silang walang kakayahan sa pagbibigay ng anumang mga katotohanan, at walang ginagawa kung hindi ang mahigpit na manlaban sa Akin. Kapag hinihingi Ko na ilabas nila ang lahat ng karumaldumal, nagpapakita pa rin sila sa Akin ng dalawang kamay na walang dala—at paanong hindi magamit ito ng iba bilang isang “pamantayan”? Ito ay dahil ang pananampalataya ng mga tao ay labis na dakila na sila ay “kahanga-hanga.”
Nagsimula Ako sa Aking gawa sa kabuuan ng sansinukob; biglang nagising ang mga tao sa sansinukob, at gumagalaw palibot sa isang kalagitnaan, na siyang Aking gawa, at kapag “naglalakbay” Ako sa loob ng mga ito, tumatakas ang lahat sa pagkaalipin ni Satanas, at hindi pinahihirapan sa kabila ng kapighatian ni Satanas. Dahil sa pagdating ng Aking araw, napuno ng kasiyahan ang mga tao, nawawala ang kapanglawan sa kanilang mga puso, nagiging oksiheno ang mga ulap ng kalungkutan sa kalangitan at lumulutang doon, at sa puntong ito, tinatamasa Ko ang kasiyahan ng pakikisama sa tao. Binibigyan Ako ng mga gawa ng tao ng isang bagay na nanamnamin, at gayon hindi na Ako agrabyado. At, kasama ng pagdating ng Aking araw, muling nakakamit ng mga bagay sa mundo na may buhay ang ugat ng kanilang pag-iral, muling nabubuhay ang lahat ng bagay sa mundo, at tinatanggap nila Ako bilang ang pangunahin ng kanilang pag-iral, dahil idinudulot Ko na ang mga bagay ay magningning nang may buhay, at kaya, gayundin, idinudulot Ko na sila ay mawala nang tahimik. Kung gayon, naghihintay ang lahat ng bagay ng mga kautusan mula sa Aking bibig, at nasisiyahan sa Aking ginagawa at sinasabi. Sa lahat ng mga bagay, Ako ang Kataas-taasan—ngunit naninirahan rin Ako kasama ng lahat ng tao, mga pagpapamalas ng Aking paglikha ng langit at lupa ang mga gawa ng tao. Kapag nagbibigay ang mga tao ng dakilang papuri sa Akin, nadadakila Ako sa lahat ng bagay, at kaya naman tumutubo nang mas maganda sa ilalim ng araw ang mga bulaklak sa lupa, nagiging mas luntian ang mga damo, at tila mas asul ang mga ulap sa langit. Dahil sa Aking tinig, tumatakbo ang mga tao paroon at parito; ngayon, napupuno ng kaligayahan ang mga mukha ng mga tao sa Aking kaharian, at umuusbong ang kanilang buhay. Gumagawa Ako sa lahat ng Aking mga napiling tao, at hindi pinahihintulutan ang Aking gawa na mabahiran ng mga ideya ng tao, dahil personal Kong isinasagawa ang Aking gawain. Kapag gumagawa Ako, nababago at nagpapanibago ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng narito, at kapag nakumpleto Ko ang Aking gawain, lubos na napapanibago ang tao, hindi na siya namumuhay sa pagkabalisa dahil sa Aking hinihingi, dahil maaaring marinig sa buong mundo ang mga tunog ng kasiyahan, at nilulubos Ko ang oportunidad na ito upang maghandog sa tao ng mga biyaya na ibinibigay Ko sa kanya. Kapag Ako ang Hari ng kaharian, natatakot ang mga tao sa Akin, ngunit kapag Ako ang Hari sa mga tao, at naninirahan kasama ang tao, walang nakikitang kasiyahan ang mga tao sa Akin, dahil masyadong masakit ang kanilang mga pagkaintindi sa Akin, tulad ng masyado silang nababaon nang malalim na mahirap nang alisin. Dahil sa ipinapakita ng tao, ginagawa Ko ang Aking gawain, na siyang tama, at kapag umakyat Ako sa langit at ipamamalas ang Aking pagkapoot sa tao, agad na nagiging abo ang iba’t ibang opinyon ng mga tao ukol sa Akin. Hinihingi Ko na magsalita sila ng marami pa tungkol sa kanilang pagkaintindi sa Akin, pero nabigla sila na hindi na makapagsalita, para bang wala sila nito, at para bang mapagpakumbaba sila. Habang naninirahan Ako sa mga pagkaintindi ng mga tao, lalo nila Akong minamahal, at sa habang mas lalo Akong naninirahan sa labas ng mga pagkaintindi ng mga tao, lalo nila Akong iniiwasan, at nagkakaroon ng mas maraming opinyon ukol sa Akin, dahil, mula noong nilikha Ko ang daigdig hanggang ngayon, palagi na Akong naninirahan sa mga pagkaintindi ng mga tao. Kapag dumating Ako sa mga tao ngayon, iwinawaksi Ko ang lahat ng mga pagkaintindi ng mga tao, at kaya naman tinatanggihan lamang ito ng mga tao—ngunit mayroon Akong naaangkop na mga pamamaraan upang makitungo sa kanilang mga pagkaintindi. Hindi dapat mag-alala o maging balisa ang mga tao; dapat Kong iligtas ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Aking mga sariling pamamaraan, udyukan ang lahat ng tao na mahalin Ako, at pahintulutan sila na tamasahin ang Aking mga biyaya sa langit.
Abril 17, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento