Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Langit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Langit. Ipakita ang lahat ng mga post

Abril 6, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ‘yon?




Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ‘yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Kristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ‘yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ‘yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Kristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ‘yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Marso 30, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 4: Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?

Sagot: Ang pag-asam ng mga santo na madala sa alapaap ay base sa sariling mga salita ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Iniinterpreta natin ang mga salita ng Panginoong Jesus ayon sa mga sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Iniisip nating dahil umakyat sa langit ang Panginoong Jesus gamit ang alapaap, ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa sangkatauhan ay marahil nasa langit. Samakatuwid, hinihintay natin na magbalik ang Panginoong Jesus at iakyat tayo sa langit. Bukod pa ro’n, partikular nating iginagalang ang mga salita ni Pablo: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Samakatuwid, nagsimula tayong umasa na iaakyat tayo sa langit ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Iba-iba ang pagkakaintindi ng iba’t ibang tao tungkol sa pagdadala sa alapaap. Iniisip ng karamihan sa mga tao na pagdating ng Panginoon, iaakyat Niya sa langit ang mga santo para makita Siya. Inasam natin ang ganitong uri ng pagdadala sa alapaap sa loob ng maraming taon. Bueno, ano ba talaga ang pagdadala sa alapaap? Hindi pa malinaw sa karamihan sa mga tao ang tungkol do’n. Ang hiwaga ng pagdadala sa alapaap sa mga santo ay nabunyag lang nang dumating ang Makapangyarihang Diyos.

Agosto 31, 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)

I Ay … Narito ang 'sang langit, Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba! Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, at hangi'y malinis. Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos at nabubuhay kapiling natin, Nagpapahayag ng katotohanan at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw. Inilantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan ng ating kasamaan, nalinis tayo at naperpekto ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay. Magpaalam na tayo sa masama nating buhay at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha. Kumikilos tayo at nagsasalita nang may prinsipyo at hinahayaang maghari ang mga salita ng Diyos. Ang apoy ng ating pagmamahal sa Diyos ay nag-aalab sa ating mga puso. Ipinalalaganap natin ang mga salitang Diyos, sumasaksi para sa Kanya, at ibinabahagi ang ebanghelyo ng kaharian. Iniaalay natin ang buo nating pagkatao para mapaligaya ang Diyos, at handa tayong harapin ang anumang pasakit. Salamat sa Makapangyarihang Diyos para sa pagbabago ng kapalaran natin. Nabubuhay tayo ng bagong buhay at sinasalubong ang isang bagong bukas! II Kapag magkakasama ang mga kapatid, mababakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha, Binabasa natin ang mga salita Niya at ibinabahagi ang katotohanan, pinagsama tayo sa pag-ibig ng Diyos. Mga tapat na tao tayo, dalisay at bukas, walang pagtatangi sa pag-itan natin. Nabubuhay tayo sa katotohanan, nagmamahalan, natututo sa lakas ng bawat isa at tinatama ang ating mga pagkukulang. Sa isang kaisipan tinutupad natin ang ating tungkulin, at inaalay natin ang ating katapatan. Sa landas patungo sa kaharian, ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos lampas ng mga problema at paghihirap. Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang Kanyang kadakilaan, nananakop ang mga iyon at lumilikha ng isang grupo ng mananagumpay. Nagbalik sa Diyos ang mga taong pinili Niya mula sa lahat ng bansa. Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos at sinasamba Siya kailanman. Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, nagpakita ang kaharian ni Cristo. Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos, napanibago ang langit at lupa. Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian at iniiwasan ang masama, at nabubuhay sila sa liwanag. Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos at sinasamba Siya kailanman. Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, nagpakita ang kaharian ni Cristo. Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos, napanibago ang langit at lupa. Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian at iniiwasan ang masama, at nabubuhay sila sa liwanag. Ah, hey... Narito ang 'sang langit, Oh, Oh, Oh... Isang langit na talagang ibang-iba! mula sa Sundan ang Cordero at Umawit ng mga Bagong Awitin

Agosto 15, 2018

Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?


    Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?

Agosto 14, 2018

Ebangheliyong pelikula | "Ano ang mga Pamantayan sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"


     Tungkol sa klase ng tao na makakapasok sa kaharian ng langit, sinabi ng Panginoong Jesus, "kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Kaya anong klaseng tao mismo ang sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Maraming taong naniniwala na yaong mga sumusunod sa halimbawa ni Pablo at nagpapakahirap para sa Panginoon ang gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. At may ilang niniwala na yaon lamang mga nagmamahal sa Diyos nang buong puso, isipan at kaluluwa, na hindi na nagkakasala at nagtamo na ng kadalisayan, ang mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit. Kaya sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!

Agosto 13, 2018

Kristianong video | Ang Kaligtasan Ba sa Pamamagitan ng Pananampalataya ang Tanging Tiket Tungo sa Kaharian ng Langit?


    Anong klaseng tao ba mismo ang makakapasok sa kaharian ng langit? Naniniwala ang ilang tao na mapapatawad ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, na kapag naligtas tayo ay naligtas na tayo magpakailanman, at ang ganitong klase ng tao ay nara-rapture at nakakapasok sa kaharian ng langit. At mayroon pang naniniwala na, bagama’t napatawad na ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at hindi tayo nagtatamo ng kabanalan, at dahil sinasabi sa Biblia na yaong mga hindi banal ay hindi makikita ang Panginoon, paano pa tayo mara-rapture at makakapasok sa kaharian ng langit kapag hindi tayo nagtamo ng kabanalan? Sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!

Agosto 10, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"



I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Agosto 4, 2018

Buhay musika | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao" (Tagalog Dubbed)

I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Hulyo 23, 2018

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?

Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


     Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?

Hulyo 16, 2018

Kristianong video | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


   Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Hulyo 14, 2018

"Pananabik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)


    Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad: "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Dahil dito, patuloy na lubhang inasam at ipinagdasal ng mga henerasyon ng mga nananalig ang katuparan ng pangako ng Panginoon, at inasam at ipinagdasal na madala sila sa kalangitan para salubungin ang Panginoon at pumasok sa ng langit pagdating ng Panginoon. Inilalarawan din nito ang bida sa pelikula na si Chen Xiangguang. Masigasig siyang naghahanap, nangangaral ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa Panginoon para makasalubong sa pagdating ng Panginoon. Kahit natanggal sa trabaho sa paaralan at hindi siya naunawaan ng kanyang mga kapamilya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang puso kailanman. Isang araw habang nasa isang pagtitipon, inaresto si Chen Xiangguang at ibinilanggo ng gobyernong Chinese Communist. Sa ilalim ng nakamamanghang pamamahala ng Diyos at pakikipag-ayos, nakilala niya si Zhao Zhiming, isang Kristiyano mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagpatotoo sa kanya si Zhao Zhiming tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na nakalutas sa maraming taon niyang paniwala at imahinasyon sa pag-asam at pagdarasal para sa pagbalik ng Panginoon. Nang makalaya sa bilangguan, hinikayat ni Chen Xiangguang ang kanyang mga kapatid na pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa wakas ay naunawaan ng lahat kung ano ang madala sa kaharian ng langit, kung nasa lupa ba o sa langit ang kaharian, at kung paano dapat salubungin ng mga tao ang pagbalik ng Panginoon ...

Hulyo 13, 2018

Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?


   Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

Rekomendasyon:

Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?

Pananabik "Nasa Langit ba ang Kaharian ng Langit o nasa Lupa?


*****************❀.❋.❀****************

Maraming sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na ang kaharian ng langit ay nasa langit. Totoo ba ito? Sabi sa Panalangin ng Panginoon: "Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa" (Mateo 6:9-10). Sabi sa Aklat ng Pahayag, "Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo" (Pahayag 11:15). "Ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, … ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao" (Pahayag 21:2-3). Kaya, nasa langit ba ang kaharian ng langit o nasa lupa?

Hulyo 12, 2018

"Ganito Pala ang Pagbalik ng Panginoon"


    
    Nabasa na ng maraming nananalig sa Panginoon ang sumusunod na propesiya sa Biblia: "Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian" (Mateo 24:30). Naniniwala sila na pagbalik ng Panginoon, siguradong bababa Siya sakay ng ulap, pero may iba pang mga propesiya sa Biblia na nagsasabing: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Malinaw na may mga propesiya na darating ang Panginoon nang lihim bukod pa sa propesiya na hayagan Siyang bababa sakay ng ulap. Kaya ano ang katotohanan tungkol sa Kanyang pagbalik?

Hulyo 11, 2018

Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Awtoridad at Kapangyarihan na Ipinapakita ng Diyos Nang Nagkatawang-tao


I
D'yos ay dumating sa lupa upang katunaya'y tuparin,
katunayan ng "pagkakatawang-tao ng Salita."
Ang mga salita ng D'yos nagmumula sa katawang-tao
(di tulad Sa Lumang Tipan,
tuwirang nagsalita ang D'yos mula langit).
Lahat sila'y matutupad sa Milenyong Kaharian
upang maging katunayang nakikita ng tao,
para katupara'y tiyak na makita ng lahat.
Ito ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng D'yos.
Naganap ang gawain ng Espiritu
sa pamamagitan ng katawang-tao at salita.
Ito ang kahulugan ng "Salitang nagkatawang-tao,
ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao."

II
Diyos lang makakapagwika sa isip ng Espiritu,
at D'yos lang sa katawang-tao ang makakapagwika
sa ngalan ng Espiritu.
Salita ng D'yos ay nagpapakita sa nagkatawang-taong D'yos.
Bawa't isa'y magagabayan nito
at lahat ay namumuhay sa hangganan nito.
Kaunawaa'y makakamit sa pagbigkas na ito;
liban sa pagbigkas na 'to walang sinumang
makakapangarap na makatanggap
ng pagbigkas mula langit.
Ito ang ipinakitang awtoridad ng Diyos sa pagkakatawang-tao,
upang bawat tao'y makumbinsi,
upang bawat tao'y makumbinsi.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hunyo 13, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Masunurin ay Tiyak na Makakamit ng Diyos


     Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos ay iisa at pareho. Yaong mga sumailalim lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain ng Diyos ay hindi maaaring ituring na masunurin, at tiyak na wala rin naman sa mga hindi tunay na nagpailalim at mga nagpapakitang sunud-sunuran. Yaong mga tunay na sumailalim sa Diyos ay magagawang makinabang mula sa gawain at maabot ang pang-unawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang mga ganitong tao lamang ang tunay na sumailalim sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay magagawang magkamit ng bagong kaalaman mula sa mga bagong gawain at makararanas ng bagong mga pagbabago mula doon din. Tanging ang ganoong mga tao ang may pag-sang-ayon ng Diyos; ang ganitong uri ng tao lamang ang ginawang perpekto at sumailalim sa pagbabagong-anyo ng kanyang disposisyon. Ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay ang mga masayang sumailalim sa Diyos, pati na rin sa Kanyang gawa at salita. Tanging ang ganitong uri ng tao ang nasa tama; tanging ang ganitong uri ng tao ang tunay na nagnanasa at naghahanap sa Diyos."

Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Hunyo 12, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

     Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula, lahat ng mga tao ay may bagong pagpasok, at sila ay susulong kasama Kong kapit-kamay, maglalakad kami sa malaking daan ng kahariang magkasama, at may matalik na kaugnayan sa pag-itan Ko at ng tao. Upang ipakita ang Aking mga nadarama, upang ipamalas ang Aking pagtrato tungo sa tao, palagi Akong nagsasalita sa tao. Bahagi ng mga salitang ito, gayunpaman, ay maaaring makasakit sa mga tao, samantalang ang iba sa mga iyon ay maaaring maging malaking tulong sa kanila, kaya’t pinapayuhan Ko ang mga tao na makinig nang mas maigi sa kung ano ang lumalabas sa Aking bibig. Ang Aking mga pagbigkas ay maaring hindi maging elegante at pino, subali’t ang lahat ng mga iyon ay mga salita mula sa kaibuturan ng Aking puso. Dahil ang tao sa orihinal ay Aking kaibigan, nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao, at ang tao, rin, ay ginagawa ang kanyang sukdulang makakaya upang makipagtulungan sa Akin, lubhang natatakot sa pag-abala sa Aking gawain. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita, at ang Aking “pamilihan ng prangkisa” ay hindi na mabagal ang takbo. Ang mga tao ay makatuwiran sa paanuman, silang lahat ay handang “ialay ang kanilang mga sarili” para sa Aking pangalan at Aking kaluwalhatian, at sa paraang ito ang Aking “departamento ng prangkisa” ay kumikita ng ilang bagong “mga produkto,” kaya’t sa espirituwal na kinasasaklawan maraming “mga kostumer” ang dumarating upang bumili ng Aking “mga produkto.” Sa sandaling ito lamang Ako nakakatamo ng kaluwalhatian, saka lamang ang mga salitang binigkas mula sa Aking bibig ay hindi na mga walang-lamang salita. Ako ay naging matagumpay, at nakabalik na tagumpay, at lahat ng mga tao ay ipinagdiriwang Ako. Upang ipakita ang paghanga nito sa Akin, upang ipakita na sumusuko ito sa ilalim ng Aking mga tuhod, sa sandaling ito ang malaking pulang dragon ay dumarating din para “magdiwang,” at Ako ay naluluwalhati rito. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, nakipaglaban na Ako sa maraming matatagumpay na mga digmaan, at nakágáwâ na ng maraming kahanga-hangang mga bagay. Maraming mga tao ang minsang ipinagdiwang Ako, at nag-alay ng papuri sa Akin, at sumayaw para sa Akin. Bagaman ang mga ito ay mga nakakapukaw na tagpo, at di-malilimutan, kailanman ay hindi Ko ipinakita ang Aking ngiti, sapagka’t hindi Ko pa nalulupig ang tao, at ginagawa lamang ang bahagi ng gawaing kahawig ng paglikha. Ngayon ay di-tulad ng nakaraan. Ako ay nagbibigay ng ngiti sa trono, nalupig Ko na ang tao, at ang mga tao lahat ay yumuyukod sa pagsamba sa harap Ko. Ang mga tao ng ngayon ay hindi yaong sa nakaraan. Kailan na ang Aking gawain ay hindi alang-alang sa kasalukuyan? Kailan ito hindi para sa Aking kaluwalhatian? Para sa kapakanan ng maningning na kinabukasan, palilinawin Ko ang buo Kong gawain sa tao nang maraming ulit, upang ang buo Kong kaluwalhatian ay maaaring “mamahinga” sa tao, na nilikha. Kukunin Ko ito bilang alituntuin ng Aking gawain. Yaong mga handang makipagtulungan sa Akin, tumáyô at magsigasig upang ang higit ng Aking kaluwalhatian ay maaaring pumuno sa papawirin. Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa. Lahat niyaong nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig ay may pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kakayahan dito, sa Aking lugar, at Aking mamaniobrahin ang lahat ng mga bagay upang “bumaling” para sa Aking gawain. Ang mga ibong lumilipad sa himpapawid ay Aking kaluwalhatian sa himpapawid, ang mga karagatan sa lupa ay Aking mga gawa sa lupa, ang panginoon ng lahat ng mga bagay ay Aking pagpapakita sa gitna ng lahat ng mga bagay, at Aking ginagamit ang lahat ng mayroon sa lupa bilang ang puhunan para sa Aking pamamahala, sinasanhi ang lahat ng mga bagay upang dumami, lumago, at sumagana ng buhay.

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

      Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upang ibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upang gambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu ang pagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan ang kabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyang sariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silang perpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nang napapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, ang higit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?

Hunyo 9, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

    
     Ang mga tao ay nakatuon sa bawa’t galaw Ko, na para bang ibababa Ko na ang mga kalangitan, at sila ay palaging naguguluminahan sa Aking mga ginagawa, na para bang ang Aking mga gawa ay lubos na hindi-maarok sa kanila. Sa gayon, kinukuha nila ang kanilang hudyat mula sa Akin sa lahat ng kanilang ginagawa, lubhang natatakot na magkakasala sila sa Langit at mapapatapon sa “mundo ng mga mortal.” Hindi Ko sinusubukang mahawakan ang mga tao, kundi tinututukan ng Aking gawain ang kanilang mga pagkukulang. Sa sandaling ito, sila ay napakasaya, at lumalapit upang umasa sa Akin. Kapag nagbigay Ako sa tao, minamahal Ako ng mga tao gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sariling mga buhay, subali’t kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, iniiwasan nila Ako. Bakit ganito? Hindi ba nila man lamang maisasagawa ang “pagiging-patas at pagkamakatwiran” ng mundo ng tao? Bakit ba Ako humihingi ng ganoon sa mga tao nang paulit-ulit? Talaga bang ang kalagayan ay wala Ako kahit ano? Tinatrato Ako ng mga tao na parang isang pulubi. Kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, itinataas nila ang kanilang mga “tira-tira” sa harap Ko upang Aking “tamasahin,” at sinasabi pang tangi ang pag-aalaga nila sa Akin. Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kaibhan, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling di-nakauunawa, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik. Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa di-alam na dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y walang kakayahang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin. Bilang resulta, Aking itinatala ang kanilang nagpipilit na mga pag-aalinlangan kabilang sa “mga salita ng hiwaga,” upang magsilbing “sanggunian” para sa mga henerasyon sa hinaharap, dahil ang mga ito ay ang “mga resulta ng siyentipikong pagsasaliksik” na naibunga ng “pagpapagal na paggawa” ng mga tao; paano Kong basta na lamang aalisin ang mga iyon? Hindi ba ito ay magiging “pagbigo” sa mabubuting mga hangarin ng mga tao? Sapagka’t Ako, kung tutuusin, ay talagang may konsensya, hindi Ako nakikisangkot sa tuso at nakikipag-sabwatang mga kilos ng tao—hindi ba gayon ang Aking mga gawa? Hindi ba ito ang “pagiging-patas at pagiging-makatwiran” na sinabi ng tao? Sa gitna ng tao, nakágáwâ Ako nang walang-humpay hanggang sa kasalukuyan. Sa pagdating ng mga panahong gaya ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, itinuturing pa rin nila Akong tulad sa isang dayuhan, at dahil nadálá Ko sila sa isang “dulong hangganan,” lalo pang namumuhi sa Akin. Sa panahong ito, ang pag-ibig sa kanilang mga puso ay matagal nang naglaho nang walang bakas. Hindi Ako nagpapalabis, lalo nang hindi minamaliit ang tao. Maaari Kong mahalin ang tao hanggang sa kawalang-hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian hanggang sa kawalang-hanggan, at ito ay hindi kailanman magbabago, pagka’t Ako ay may pagtitiyaga. Gayunman ang tao ay hindi nagtataglay ng pagtitiyagang ito, siya ay lagi nang pabagu-bago tungo sa Akin, siya ay laging nagbibigay lamang ng kaunting pansin sa Akin kapag ibinubuka Ko ang Aking bibig, at kapag itinikom Ko ang Aking bibig at hindi nagsalita ng kahit ano, siya ay kaagad na nawawala sa gitna ng mga alon ng malaking mundo. Sa gayon, pinaiikli Ko ito tungo sa isa pang kasabihan: Ang mga tao ay kulang sa pagtitiyaga, at sa gayon hindi nila kayang sundin ang Aking puso.

Hunyo 8, 2018

Mga Movie Clip | "Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?"


    Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan nila...." "Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan