Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, Ibinubunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, dapat batid ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at tanda ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi isasagawa sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay kayang punuin ang buong kosmos. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawaing isinasagawa sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maitutulad sa ilang libong taon na gawain sa Israel, ni hindi rin maitutulad sa dekadang gawain sa Judea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang isinagawa ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong panahon. Ang mga ito ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at ang mga ito ang tumatapos sa paglalakbay sa buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila dinadala ang buong sangkatauhan sa bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon sa bandang huli sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay sa bandang huli maiwawala sa mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal lang ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal ng higit sa anim na libong taon. At sa gayon, napapanahon na. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking may pagka-dominanteng Espiritu. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit dapat batid ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, maaabala, o makukubkob ni Satanas, at sila ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nasakop Ko na ngayon at natamo ang Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking nailigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuo-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, at bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi nailigtas at nasakop Ko ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, at lubos na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa biga ng kanilang mga pinto. Hindi ba't ang mga taong Aking sinakop at naging pamilya ay siya ring mga taong kumain sa Aking laman bilang Kordero at uminom ng aking dugo bilang Kordero at Aking tinubos at sinasamba Ako? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamatuwid. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamatuwid ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga pagsalungat ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda Ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?
Ako ay nagsagawa at nagsalita sa ganitong paraan kasama ninyo, Ako ay gumugol ng napakaraming lakas at pagsisikap, ngunit kailan ba kayo nakinig sa mga malinaw Kong sinasabi? Saan kayo yumukod sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Bakit lahat ng inyong sinasabi at ginagawa ay pinupukaw ang Aking galit? Bakit napakatigas ng inyong mga puso? Pinabagsak Ko ba kayo kahit minsan? Bakit wala kayong magawa kundi gawin Akong nalulungkot at nababalisa? Hinihintay ba ninyo ang araw ng poot Ko, si Jehova, na dumating sa inyo? Hinihintay ba ninyo na ipadala Ko ang galit na pinukaw ng inyong pagsuway? Hindi ba ang lahat ng Aking ginagawa ay para sa inyo? Ngunit laging ang turing ninyo sa Akin, si Jehova, ay ganito: ninanakaw ang Aking mga alay, kinukuha ang mga handog sa Aking altar pauwi upang pakainin ang mga anak at apo sa loob ng tirahan ng lobo; lumalaban sa isa’t isa ang mga tao, humaharap sa isa’t-isa na may galit sa mga mata at mga tabak at sibat, itinatapon ang mga salita Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, sa palikuran upang maging kasing-dungis ng dumi. Nasaan ang inyong integridad? Ang inyong pagkatao ay naging kahayupan! Ang inyong mga puso ay matagal nang naging bato. Hindi ba ninyo alam na kung dumating ang araw ng Aking galit ay kung kailan Ko hahatulan ang masasamang ginawa ninyo sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, ngayon? Akala ba ninyo na sa pamamagitan ng panlilinlang ninyo sa Akin sa ganitong paraan, sa pagtapon ng Aking mga salita sa putikan at hindi pagdinig sa mga ito—naiisip ba ninyo na sa pamamagitan ng pagkilos nang ganito sa Aking likuran kayo ay makatatakas sa Aking nagngangalit na tingin? Hindi ba ninyo alam na kayo ay nakita na ng mga mata Ko, si Jehovah, nang ninakaw ninyo ang Aking mga alay at pinagnasaan ang Aking mga pag-aari? Hindi ba ninyo alam na noong ninakaw ninyo ang Aking mga alay, ito ay sa harapan ng altar kung saan ang mga alay ay inihandog? Paano ninyo nagawang paniwalaan na sapat ang inyong katusuhan para malinlang Ako nang ganoon na lang? Paano ba maaalis ang Aking nagngangalit na poot sa inyong mga karumal-dumal na kasalanan? Paano ba palalampasin ng Aking ngitngit ang inyong masasamang gawain? Ang kasamaan na inyong ginagawa ngayon ay hindi magbibigay ng daang palabas para sa inyo, bagkus ito ay mag-iipon ng pagkastigo para sa inyo sa kinabukasan; ito ay pinupukaw ang pagkastigo mula sa Akin, ang Makapangyarihan sa lahat, patungo sa inyo. Paano makatatakas ang inyong masasamang gawain at masasamang salita sa Aking pagkastigo? Paano makararating ang inyong mga panalangin sa Aking mga tainga? Paano Ako magbubukas ng labasan para sa inyong di-pagkamatuwid? Paano Ko pababayaan ang inyong masasamang gawain na pagsasalungat sa Akin? Paano Ko hindi puputulin ang inyong mga dilang makamandag kagaya ng sa ahas? Hindi kayo tumatawag sa Akin para sa kapakanan ng inyong pagkamatuwid, bagkus iniipon ang Aking galit dahil sa inyong di-pagkamatuwid. Paano Ko kayo mapapatawad? Sa mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ang inyong mga salita at kilos ay marungis. Ang mga mata Ko, ang Makapangyarihan sa lahat, ay nakikita ang inyong di-pagkamatuwid bilang walang tigil na pagkastigo. Paano maaalis ang Aking matuwid na pagkastigo at paghatol sa inyo? Dahil ginagawa ninyo ito sa Akin, ginagawa Akong malungkot at napopoot, paano Ko papayagang makawala kayo sa Aking mga kamay at mahiwalay sa araw na Ako, si Jehova, ay kastiguhin at isumpa kayo? Hindi ba ninyo alam na ang lahat ng masasama ninyong salita at binigkas ay nakarating na sa Aking mga tainga? Hindi ba ninyo alam na ang inyong di- pagkamatuwid ay dinungisan na ang Aking banal na balabal ng pagkamatuwid? Hindi ba ninyo alam na ang inyong pagsuway ay nakapukaw na sa Aking matinding galit? Hindi ba ninyo alam na noon pa ninyo Ako iniwang nagngingitngit, at noon pa ninyo sinusubukan ang Aking pasensiya? Hindi ba ninyo alam na nasira ninyong parang basahan ang Aking katawan? Nagtiis Ako hanggang ngayon, anupat pinakakawalan Ko ang Aking galit, hindi na nagiging mapagparaya sa inyo kailanman. Hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang gawain ay nakarating na sa Aking mga mata, at ang Aking mga hinagpis ay narinig na ng Aking Ama? Paano Niya papayagang gawin ninyo ito sa Akin? Hindi ba ang Aking mga ginawa ay para sa inyong kapakanan? Ngunit sino sa inyo ang naging mas mapagmahal sa gawain Ko, si Jehova? Ako ba ay magiging di-tapat sa kalooban ng Aking Ama dahil marupok Ako, at dahil sa pighating napagdusahan Ko? Hindi ba ninyo nauunawaan ang Aking puso? Kinakausap Ko kayo gaya ng ginawa ni Jehova; hindi ba Ako maraming tinalikuran para sa inyo? Kahit na Ako ay nakahanda na pasanin ang lahat ng mga pagdurusang ito para sa kapakanan ng gawain ng Aking Ama, paano kayo makaliligtas sa pagkastigo na Aking ipapataw sa inyo dahil sa Aking pagdurusa? Hindi ba ninyo Ako natamasa nang sobra-sobra? Ngayon, Ako ay ipinagkaloob sa inyo ng Aking Ama; hindi ba ninyo alam na mas marami kayong natatamasa kaysa sa Aking mapagbiyayang mga salita? Hindi ba ninyo alam na ang Aking buhay ay ipinagpalit sa inyong buhay at sa mga bagay na inyong kinalulugdan? Hindi ba ninyo alam na ginamit ang buhay Ko ng Aking Ama upang labanan si Satanas, at ipinagkaloob din Niya ang Aking buhay sa inyo, upang matanggap ninyo ito nang makasandaang beses, at pinayagang makaiwas kayo sa napakaraming tukso? Hindi ba ninyo alam na sa pamamagitan lamang ng Aking gawain kayo ay nakalaya sa maraming tukso, at sa maraming nagliliyab na kaparusahan? Hindi ba ninyo alam na dahil lamang sa Akin na pinayagan kayo ng Aking Ama na magsaya hanggang sa ngayon? Paano nananatiling matigas ang inyong mga puso ngayon, na parang naging manhid na? Sa paanong paraan ang inyong mga masamang ginawa ngayon ay makatatakas sa araw ng poot na susunod sa Aking pag-alis sa lupa? Paano Ko papayagan silang napakatigas ang puso na makaligtas sa galit ni Jehova?
Gunitain ninyo ang nakaraan: Kailan naging galit ang Aking pagtingin, at ang boses naging malupit, sa inyo? Kailan Ako nakipagtalo sa inyo? Kailan Ko ba kayo pinangaralan nang wala sa katuwiran? Kailan Ko ba kayo pinangaralan nang harap-harapan? Hindi ba ito para sa kapakanan ng Aking gawain na Ako ay nanawagan sa Aking Ama upang ingatan kayo sa tukso? Bakit ninyo Ako tinatrato nang ganito? Ginamit Ko ba ang Aking awtoridad upang pabagsakin ang inyong mga laman? Bakit ninyo Ako sinuklian nang ganito? Matapos kayong mag-urong-sulong tungo sa Akin, kayo ay urong-sulong, at sa ganoon kayo ay mapanlinlang sa Akin at nagtatago ng mga bagay sa Akin, at ang inyong mga bibig ay puno ng dura ng mga di-matuwid. Sa tingin ba ninyo ay madadaya ng inyong mga dila ang Aking Espiritu? Sa tingin ba ninyo ay matatakasan ng inyong mga dila ang Aking poot? Sa tingin ba ninyo ay makakapagbigay ng paghatol ang inyong mga dila sa mga gawain Ko, si Jehova, sa paraang gugustuhin ng mga ito? Ako ba ang Diyos na binibigyang-hatol ng tao? Mapapayagan Ko ba na ang isang uod ay lumapastangan sa Akin? Sa paanong paraan Ko ilalagay ang mga anak ng pagsuway sa gitna ng Aking mga walang hanggang pagpapala? Ang inyong mga salita at gawa ay matagal nang nailantad at nahatulan kayo. Nang Aking inunat ang kalangitan at nilikha ang lahat, hindi Ko pinayagan ang kahit anong nilalang na lumahok ayon sa kanilang kagustuhan, lalong hindi Ko pinayagan ang kahit na anong bagay na gambalain ang Aking gawain at Aking pamamahala ayon sa kagustuhan nito. Wala Akong pinayagang tao o bagay; paano Ko ililigtas silang mga malupit at hindi makatao tungo sa Akin? Paano Ko mapapatawad silang nag-alsa laban sa Aking mga salita? Paano Ko ililigtas silang mga sumuway sa Akin? Ang kapalaran ba ng tao ay wala sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko isasaalang-alang ang iyong di-pagkamatuwid at pagsuway bilang banal? Paano dinudumihan ng iyong mga kasalanan ang Aking kabanalan? Ako ay hindi nadudungisan ng dumi ng di-pagkamatuwid, ni hindi Ko ikinatutuwa ang mga alay ng mga di-matuwid. Kung ikaw ay tapat sa Akin, si Jehova, kukunin mo ba para sa sarili mo ang mga alay sa Aking altar? Gagamitin mo ba ang iyong makamandag na dila upang lapastanganin ang Aking banal na pangalan? Ikaw ba ay mag-aalsa laban sa Aking mga salita sa ganitong paraan? Ituturing mo ba ang Aking kaluwalhatian at banal na pangalan bilang isang kasangkapan upang maglingkod kay Satanas, ang masama? Ang Aking buhay ay inalay para sa kaligayahan ng mga banal. Paano Kitang papayagang paglaruan ang Aking buhay ayon sa iyong kagustuhan, at gamitin ito bilang kasangkapan sa pag-aalitan sa gitna ninyo? Paano mo nagagawang maging napaka-walang-puso, at kulang na kulang sa paggawa ng kabutihan, sa kung paano kayo tungo sa Akin? Hindi ba ninyo alam na itinala Ko na ang inyong masasamang gawain sa mga salita ng buhay? Paano ninyo matatakasan ang araw ng poot kapag kinastigo Ko ang Ehipto? Paano ba ninyo Ako malalabanan at masusuway sa ganitong paraan, nang paulit ulit? Sinasabi Ko sa inyo nang malinaw, pagdating ng araw, ang inyong pagkastigo ay magiging higit na mahirap kaysa naranasan ng Ehipto! Paano ninyo matatakasan ang Aking araw ng poot? Sinasabi Ko sa inyo nang buong katotohanan: Ang Aking pagtitiis ay inihanda para sa inyong masasamang gawain, at ito ay umiiral para sa inyong pagkastigo sa araw na iyon. Hindi ba kayo ang mga magdurusa sa poot ng paghatol kapag naabot Ko ang katapusan ng Aking pagtitiis? Hindi ba ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Paano Ko papayagang suwayin ninyo Ako nang ganito, sa ilalim ng kalangitan? Ang inyong mga buhay ay magiging napakahirap dahil nakatagpo ninyo ang Mesias, na nasabing Siyang darating, ngunit hindi nakarating kailanman. Hindi ba kayo ang Kanyang mga kaaway? Si Jesus ay nakipagkaibigan sa inyo, ngunit kayo ay mga kaaway ng Mesias. Hindi ba ninyo alam na bagama’t kayo ay kaibigan ni Jesus, ang inyong masasamang gawain ay pumuno ng mga sisidlan ng mga karumaldumal? Kahit na kayo ay napakamalapit kay Jehova, hindi ba ninyo alam na ang inyong masasamang salita ay nakarating na sa mga tainga ni Jehova at naudyukan ang Kanyang poot? Paano Siya magiging malapit sa iyo, at paano Niya hindi susunugin ang iyong mga sisidlan, na puno ng masasamang gawain? Paanong hindi ka Niya naging kaaway?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento