Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 21, 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Sabi ng Makapangyarihang Diyos“Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas….Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway. Wawasakin Ko ang buong lupa, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga guhò, upang mula ngayon ay hindi na nila mapápasámâ ang sangkatauhan. Buo na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa makaharing parada sa ibabaw ng sansinukob, magagawang bago ang lahat ng mga tao, at mapapasigla ang lahat ng mga bagay. Hindi na iiyak ang tao, at hindi na sila sisigaw sa Akin para tulungan. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sansinukob, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …”

Setyembre 1, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalawang bahagi)

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalawang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Nakikita Lang ng mga Tao ng mga Huling Araw ang Galit ng Diyos sa Kanyang mga Salita, at 'Di Nila Tunay na Nararanasan ang Galit ng Diyos
Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Tinatanggihan Niya
Ang Disposisyon ng Diyos ay Hindi Kailanman Nakatago Mula sa Tao—Lumayo sa Diyos ang Puso ng Tao

Agosto 30, 2018

Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?


Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - Paano Magpapakita at Isasagawa ng Panginoon ang Gawain Niya sa Kanyang Pagbabalik?

Ang pangitain ng malaking kalamidad sa mga huling araw-apat na blood moon ay naganap at ang mga bituin sa kalangitan ay nagkaroon ng isang kakaibang hitsura; malapit na ang malaking sakuna, at marami sa mga may pananampalataya sa Panginoon ang nakaramdam ng Kanyang ikalawang pagbabalik o na Siya ay dumating na. Kapag sabik ang lahat na naghihintay sa ikalawang pagdating ng Panginoon, marahil ay naisip natin ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Paano magpapakita sa tao ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik sa mga huling araw? Anong gawain ang gagawin ng Panginoon sa muli Niyang pagparito? Paano ang eksaktong pagkatupad ng propesiya ng paghatol ng malaking luklukang maputi mula sa Aklat ng Pahayag? Ibubunyag sa iyo ng maikling video na ito ang mga sagot!

Rekomendasyon:
Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Tagalog Dubbed)

Agosto 23, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Tanging ang Pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ang Pag-agapay sa mga Yapak ng Cordero"


      Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

Agosto 22, 2018

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.


Agosto 19, 2018

Salita ng Diyos | Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot




      Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, Ibinubunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, dapat batid ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at tanda ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi isasagawa sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribu sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay kayang punuin ang buong kosmos. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawaing isinasagawa sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maitutulad sa ilang libong taon na gawain sa Israel, ni hindi rin maitutulad sa dekadang gawain sa Judea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang isinagawa ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong panahon. Ang mga ito ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at ang mga ito ang tumatapos sa paglalakbay sa buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila dinadala ang buong sangkatauhan sa bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon sa bandang huli sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay sa bandang huli maiwawala sa mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal lang ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal ng higit sa anim na libong taon. At sa gayon, napapanahon na. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking may pagka-dominanteng Espiritu. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit dapat batid ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, maaabala, o makukubkob ni Satanas, at sila ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nasakop Ko na ngayon at natamo ang Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking nailigtas mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging pagkakabuo-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, at bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi nailigtas at nasakop Ko ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, at lubos na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa biga ng kanilang mga pinto. Hindi ba't ang mga taong Aking sinakop at naging pamilya ay siya ring mga taong kumain sa Aking laman bilang Kordero at uminom ng aking dugo bilang Kordero at Aking tinubos at sinasamba Ako? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamatuwid. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamatuwid ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga pagsalungat ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda Ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Agosto 18, 2018

Kristianong Awitin | "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"


I
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.
Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,
ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.
Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos
sa Kapanahunan ng Salita.
Siya'y nagkat'wang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,
upang tunay na makita ng tao ang Diyos,
ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,
makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.
Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin
ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.
Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita
upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,
sa Kapanahunan ng Salita.

Agosto 16, 2018

"Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"



I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Agosto 10, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"


Tagalog Christian Music Video | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao"



I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Agosto 8, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Bago siya pinasama ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos pasamain ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging pinag-isang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may lihis na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay pinasama ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, bukod pa riyan, ay nagpupukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring humahatol sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may lihis na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila nang kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong katinuan na hindi batay sa katotohanan.

Agosto 7, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

Agosto 5, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “nakabasa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay walang silbi, lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat isama ang ating mga pagkaintindi sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya gagawin niyan tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyang-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat humanap ng paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat nakikipagmatigasan sa pagsalungat sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring maibunga ng ganoong mga pagkilos?

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo|Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang masamang disposisyon.

mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Agosto 4, 2018

Buhay musika | "Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao" (Tagalog Dubbed)

I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

Agosto 2, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


  Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Mga Pagsubok at Pagpipino.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Anong panloob na tayog ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Mayroong napakaraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at napakaraming mapagkunwari, at kaya isinasailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y dalisayin. ...

Agosto 1, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas
at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

Hulyo 31, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hulyo 30, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.

Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Paghatol at Pagkastigo.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

      Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Buhay musika | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" (Tagalog Dubbed)


Buhay musika | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" (Tagalog Dubbed)



I
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito?
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.