Gawa ni Baituo, South Korea
“Mahal, buti pa itago mo yung mga bank card. Kasalanan ko na bulag kong pinaniwalaan ang mga tsismis ng CCP at sinubukan kong hadlangan ang paniniwala mo sa Diyos, at kinuha ko pa sa ‘yo ang mga bank card. Hay, huwag na nga natin ‘yong pag-usapan. Mabuting bagay ang paniniwala sa Diyos. Ituloy mo lang ang paniniwala sa Diyos, at hindi na kita aabalahin pa.” Nang marinig kong sabihin ‘to sa ‘kin ng asawa ko, patuloy akong nag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos sa puso ko. Kung iisipin yung nakalipas na dalawang buwan, kung hindi dahil sa paggabay ng Diyos, baka namumuhay pa rin ako ngayon bilang “ibinilanggo” ng aking asawa …
Pinaniniwalaan ng Pamilya ko ang mga Tsismis at Sinubukan Akong Pigilin sa Pagdalo sa mga Pagtitipon
Noong May 2017, tinanggap ko ang gawain ng
Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos akong sumali sa buhay-
iglesia, nakita kong tinatanggap ng mga kapatid ko ang mga
salita ng Diyos bilang mga prinsipyo nila sa pagkilos, at hinahangad nilang maging mga tapat na tao. Sa tuwing meron silang paghihirap o problema o kasamaan, bubuksan nila ang mga puso nila sa isa’t isa, maghahanap at magbabahaginan tungkol do’n, at tutulungan at susuportahan nila ang isa’t isa. Kapag kasama ko ang aking mga kapatid, palagay ang loob ko ramdam kong malaya ako. Habang dinidiligan ako ng mga salita ng Diyos, mas lalo ko pang naiintindihan ang mga
katotohanan, at talagang gusto kong gawin ang parte ko sa pagpapakalat sa ebanghelyo ng kaharian para makabawi sa pagmamahal ng Diyos. At kaya, nagsimula akong kumilos nang masigasig para sa Diyos. Pero nung panahong ‘yon, nabasa ng pamilya ko yung mga tsismis ng pamahalaang Tsina online na kumokondena at naninira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsimula silang tumutol sa aking
pananampalataya sa Diyos.