Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 1, 2019

Mga Espirituwal na Laban | Espirituwal na Pakikidigma: Dalawang Buwang “Pagkakabilanggo” Sa Akin ng Aking Asawa

Gawa ni Baituo, South Korea
 “Mahal, buti pa itago mo yung mga bank card. Kasalanan ko na bulag kong pinaniwalaan ang mga tsismis ng CCP at sinubukan kong hadlangan ang paniniwala mo sa Diyos, at kinuha ko pa sa ‘yo ang mga bank card. Hay, huwag na nga natin ‘yong pag-usapan. Mabuting bagay ang paniniwala sa Diyos. Ituloy mo lang ang paniniwala sa Diyos, at hindi na kita aabalahin pa.” Nang marinig kong sabihin ‘to sa ‘kin ng asawa ko, patuloy akong nag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos sa puso ko. Kung iisipin yung nakalipas na dalawang buwan, kung hindi dahil sa paggabay ng Diyos, baka namumuhay pa rin ako ngayon bilang “ibinilanggo” ng aking asawa …
Pinaniniwalaan ng Pamilya ko ang mga Tsismis at Sinubukan Akong Pigilin sa Pagdalo sa mga Pagtitipon
  Noong May 2017, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos akong sumali sa buhay-iglesia, nakita kong tinatanggap ng mga kapatid ko ang mga salita ng Diyos bilang mga prinsipyo nila sa pagkilos, at hinahangad nilang maging mga tapat na tao. Sa tuwing meron silang paghihirap o problema o kasamaan, bubuksan nila ang mga puso nila sa isa’t isa, maghahanap at magbabahaginan tungkol do’n, at tutulungan at susuportahan nila ang isa’t isa. Kapag kasama ko ang aking mga kapatid, palagay ang loob ko ramdam kong malaya ako. Habang dinidiligan ako ng mga salita ng Diyos, mas lalo ko pang naiintindihan ang mga katotohanan, at talagang gusto kong gawin ang parte ko sa pagpapakalat sa ebanghelyo ng kaharian para makabawi sa pagmamahal ng Diyos. At kaya, nagsimula akong kumilos nang masigasig para sa Diyos. Pero nung panahong ‘yon, nabasa ng pamilya ko yung mga tsismis ng pamahalaang Tsina online na kumokondena at naninira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsimula silang tumutol sa aking pananampalataya sa Diyos.

Abril 14, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Hu Ke Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong

Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Abril 12, 2019

Pamilya | Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Ikalawang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
Sa mga sumunod na araw, hindi man nahulog si Jingru sa tukso ni Satanas at alam niyang hindi na sila maaaring magsama ni Wang Wei, patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang pakikipagkita niyang iyon kay Wang Wei tulad ng isang eksena sa pelikula …
Nang muli siyang tawagan ni Wang Wei, saglit siyang hindi napakali, at sinabi niya sa kanyang sarili: “Hindi na maaring maging tayo, pero maaari pa naman tayong maging ordinaryong magkaibigan. Hangga’t alam ko ang aking mga kinikilos at hindi ako lalampas sa kung ano ang maaari kong gawin, ay ayos lang iyon.” Matapos nito ay sinagot niya ang tawag ni Wang Wei at nag-usap sila. Sa paglipas ng panahaon, madalas nang napapaisip si Jingru kung tatawagan ba siya ni Wang Wei o hindi, hanggang sa puntong nasasabik na ang kanyang puso sa kakaantay. Sa tuwing tatawag ito, palulubagin niya ang kanyang loob bago sasagutin ang telepono na parang wala lang…. Habang tumatagal, lalong dumalas ang mga tawagan sa pagitan nina Wang Wei at Jingru. Ngunit pagkatapos ng bawat tawag, si Jingru ay nababagabag at nasasaktan, at napagtanto niya na ang kanyang mga kilos ay hindi umaayon sa kalooban ng Diyos, at ang kanyang mga nararamdamang sakit at pagkabalisa ay tiyak na pagpapaalala at paninisi sa kanya ng Diyos. Kaya nagmadali siyang humarap sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko! Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap kay Wang Wei ngunit hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilang pagbigyan ang sarili ko at mahulog sa kasalanan. O Diyos ko! Hindi ko gustong galitin ka ng mga kilos ko. O Diyos ko! Tulungan po Ninyo ako!”

Marso 28, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

Pebrero 28, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag


April 28, 2018
Qiuhe Japan

Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.
Noong 2009, pumunta ako sa Japan upang mag-aral. Minsan, sa kuwarto ng dormitoryo ng kapwa ko mag-aaral, nagkataong nakilala ko ang pinuno ng isang maliit na grupo ng mga Cristiano na dumating upang ipalaganap ang ebanghelyo. Naisip ko: Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon. Gayunman, pagkalipas ng ilang buwan, hiniling ng mga pastor at tagapangaral na maghandog kami ng ikapu bawat linggo. At, bawat linggo, dapat kaming magpamigay ng mga polyeto upang ipalaganap ang ebanghelyo. Minsan, sobrang pagod na kami kaya napapaidlip kami sa panahon ng serbisyo sa Linggo. Wala na kaming normal na gawain sa aming buhay. Sa panahong iyon, ang ilan sa amin ay parehong nagtatrabaho at nag-aaral. Hindi lamang namin kailangang kumita ng pera upang may ibayad para sa aming pag-aaral, ngunit kailangan din namin ng pera para sa aming pang-araw-araw na gastusin. Halos mahirap na ang aming mga buhay, ngunit gusto pa rin nila na ibigay namin sa kanila ang aming pera at aming lakas. Sumailalim kami sa maraming kahirapan at pasakit. Unti-unti, natuklasan ko na ang mga pastor at tagapangaral ay hindi mga tunay na tao na naglilingkod sa Panginoon. Karaniwan, dahil sila ang nagpapatnubay sa iglesia, dapat na tinutulungan nila kaming lumago sa aming espirituwal na buhay. Gayunman, wala silang pakialam sa aming buhay. Hindi nila kailanman inisip ang tungkol sa aming mga praktikal na problema. Sa halip, gusto lang nila ang aming pera at lakas. Ang lahat ng ginawa nila ay tumulong na palawakin ang kanilang iglesia at patatagin ang kanilang katayuan at kanilang impluwensiya. Sa oras na ito, naramdaman namin na naloko kami. Dahil dito, nilisan ko at ng ilang kapatid ang iglesia.
Pagkatapos na umalis sa iglesia, natagpuan ko ang isang simbahang Katoliko na matatagpuan sa tuktok ng isang bundok. Ang mga tao sa simbahan ay mga Hapones. Dumalo ako sa Misa nang ilang beses ngunit naramdaman ko na hindi ako nakinabang nang espirituwal dito. Bukod pa rito, mahirap dumalo sa pagbabahagi, kaya umalis din ako sa simbahan. Sa ganitong paraan, napunta ako sa isang lito at hungkag na buhay na walang direksiyon at diwa ng layunin. … Nangyari ito hanggang Oktubre 2016. Si Sister Liang, na nakilala ko noon sa iglesia ng Protestante, ay biglang nakipag-ugnayan sa akin, kinamusta ako at inimbitahan akong makipagkita sa kanya. Naisip ko kung gaano naging hindi kasiya-siya ang aking karanasan sa iglesia ng Protestante sa isang taon na iyon at bilang resulta, tinanggihan ko ang imbitasyon ni Sister Liang. Gayunman, paulit-ulit akong inimbitahan ni Sister Liang at bilang paggalang sa kanyang mga damdamin, nagpasya akong makipagkita sa kanya.
Sa pamamagitan ni Sister Liang, nakilala ko sina Sister Ma at Sister Fang. Isang araw, nagsalita sila sa akin tungkol sa maraming propesiya ng Biblia. Sinabi nila sa akin ang tungkol sa gawain ng Diyos na Jehova at ng Panginoong Jesus. Napakasariwa ng kanilang pag-unawa at nagsalita sila tungkol sa mga bagay na hindi ko pa kailanman dating narinig. Sinabi ko sa kanila ang tungkol sa madilim na sitwasyon na aking nasaksihan sa iglesia at kung paano ako naging masyadong bigo sa aking kawalan ng kakayahan na makakuha ng espirituwal na pagkain mula sa iglesia na hindi ko na gustong dumalo sa mga pulong. Sinabi ni Sister Fang: Naranasan din namin kung ano ang iyong naranasan. Sa kasalukuyan, ang buong relihiyosong mundo ay nasa isang madilim at mapanglaw na sitwasyon. Sa loob nito, naroon ang layunin at katotohanan ng Diyos upang hanapin. Sa kasalukuyan, tayo ay nasa mga huling panahon ng mundo. Hinulaan ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mat 24:12). Ang katampalasanan ay mas higit pang lumalaganap sa relihiyosong mundo sa panahong ito. Hindi sinusunod ng mga pastor at mga elder ang mga turo ng Panginoon at hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos. Nangangaral lamang sila at nagtatrabaho para sa kanilang katayuan. Palagi nilang pinupuri ang kanilang mga sarili at sumasaksi sa kanilang sarili upang igalang sila ng ibang tao at sambahin sila. Pinaghahandog nila ang ibang tao at pinagpapalaganap ng ebanghelyo. Sa pangalan lamang, sinasabi nila na ang kanilang layunin ay upang iligtas ang mga kaluluwa ng mga tao, ngunit sa katotohanan, hindi nila inaakay ang mga tao upang maranasan ang mga salita ng Panginoon ni hindi nila tinutulungan ang mga tao upang isabuhay ang mga salita ng Panginoon. Nais lamang nilang sundin sila ng ibang tao. Hindi sila mapakali na ituring sila ng ibang tao bilang Diyos. Noon nagsimula silang tahakin ang landas ng anticristo na laban sa Diyos. Nawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu at pinabayaan sila ng Diyos. Alalahanin ang huling panahon sa Kapanahunan ng Kautusan nang ang templo ay naging mapanglaw at naging kuta ng mga magnanakaw. Gumawa ang mga saserdote ng mga mababang handog habang ang mga karaniwang tao ay nagpapalit ng pera at nagbebenta ng mga baka, tupa at kalapati sa loob ng templo. Ngunit hindi ipinataw sa kanila ang disiplina at kaparusahan ng Diyos. Bakit ganoon? Ang mga punong saserdote, eskriba at Fariseo na naglingkod sa Diyos ay hindi sumunod sa kautusan, ay mga mapagkunwari at nilinlang ang mga tao, at inakay ang mga piniling tao ng Diyos papunta sa landas ng paglaban sa Diyos. Humantong ito sa pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos sa kanila at pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu sa templo at naging isang kuta ng mga magnanakaw. Upang mailigtas ang mga tao mula sa hatol na kamatayan ayon sa batas, nagkatawang-tao ang Diyos sa unang pagkakataon, ginawa ang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalan ni Jesus, sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ng Banal na Espiritu kapagdaka ay lumipat sa mga taong tumanggap sa Panginoong Jesus. Ang templo ay wala nang gawain ng Banal na Espiritu. Sa kasalukuyang panahon, bumalik na ang Panginoong Jesus ayon sa hula. Bumalik na Siya sa katawang-tao. Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo sa mga huling araw at nagsimulang magpahayag ng katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol na sinimulan sa pamilya ng Diyos. Lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga taong tumanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw. Dahil ang relihiyosong mundo ay hindi nakipagsabayan sa gawain ng Diyos at maraming pastor at elder ang humatol at lumaban sa bagong gawain ng Diyos, humantong ito sa pagkapoot at pagsumpa sa kanila ng Diyos. Ito ang pinagmulan ng kadiliman at kapanglawan ng relihiyosong mundo.
Pagkatapos nito, binasa ng mga babaeng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos upang magkaroon ako ng malinaw na pagkaunawa. Dahil tiyak na muling nakagawa ang Diyos ng bagong gawain, lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang lahat ng sekta na walang gawain ng Banal na Espiritu ay naging mas lalong madilim at mapanglaw. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya. Iyon ang oras na ang mga gawa ng Diyos ay mahahayag, at ang Diyos ay maluluwalhati; ang lahat ng tao sa buong sansinukob ay sasamba sa kabigha-bighaning “tao.” Hindi ba ito ang magiging araw ng kaluwalhatian ng Diyos?” (“Dumating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kapag naalala ko ang sitwasyong nakita ko sa Protestanismo at Katolisismo, higit pang nakumpirma sa aking puso na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagsalita tungkol sa aktuwal na sitwasyon. Ang kanyang mga salita ay napakamakatotohanan at totoo. Tunay na lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung ito man ay sa Protestanismo o Katolisismo, ang naramdaman ko ay panlabas na simbuyo ng damdamin lamang ng mga tao. Ang natutunan ko lamang ay ang kaalaman sa banal na kasulatan at mga teorya na teolohiko. Karaniwang walang bagong liwanag ni hindi ko naramdaman ang anumang espirituwal na pagbibigay ng buhay. Sa mga taong tunay na sumusunod sa Diyos, sino ang hindi nagnais na makakuha ng espirituwal na pagkain? Nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kakayahang sirain ang aking mga kadena at buksan ang mga misteryo ng Biblia. Pinaliwanag ng Kanyang mga salita ang aking puso. Hindi na naguguluhan ang aking puso. Tunay na nagtamo ako ng maraming benepisyo!
Pagkatapos noon, inilabas ni Sister Ma ang isang kopya ng aklat na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at binasa ang ilang sipi: “Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian” (“Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang gawain sa kasalukuyan ay tinulak pasulong ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; iyon ay, sumulong ang gawain sa buong anim-na-libong-taon ng plano ng pamamahala. Kahit na natapos ang Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay tuluyang itinataguyod. Bakit ko paulit-ulit na sinasabi na ang yugtong ito ng gawa ay binubuo sa Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay nangangahulugang ang gawa sa ngayon ay ang pagpapatuloy ng gawa na tinupad sa Kapanahunan ng Biyaya at pagpapaunlad ng mga ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay malapit na magkakaugnay at magkarugtong sa isa’t isa. … Tanging ang kombinasyon ng tatlong yugto ang maituturing na anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala” (“Ang Dalawang Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos niyang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sinabi niya, “Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na dahil ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, sinimulan ng Diyos ang paggawa ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ihiniwalay ang gawaing ito sa tatlong yugto: Ang gawain ng Diyos na Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya at ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Sa Kapanahunan ng Kautusan, naglabas ang Diyos na Jehova ng mga kautusan upang maging may kamalayan ang tao sa kanyang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang tubusin ang tao. Ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw, ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus upang malutas ang ating makasalanang kalikasan, alisin ang ating mga kasalanan at lubusang linisin at iligtas tayo. Kinukumpirma ng katunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos na Jehova na nagbigay ng mga kautusan at pumatnubay sa buhay ng tao. Siya ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus na tumubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Sa loob ng tatlong yugtong ito ng paggawa, gaano man nagbago ang pangalan at gawain ng Diyos, ang layunin ng gawain ng Diyos, na siyang layon upang iligtas ang sangkatauhan, ay hindi kailanman nagbago. Hindi kailanman magbabago ang pinakadiwa ng Diyos. Ang bawat isa sa tatlong yugtong ito ng paggawa ay binuo sa ibabaw ng pagkakatatag ng naunang yugto. Mas malalim ang bawat yugto at mas mataas kaysa sa huli. Ginawa ang gawain ng Diyos alinsunod sa pag-unlad ng mga kapanahunan. Ginawa ito batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan upang mas mahusay Niyang mailigtas at makamit tayo. Sa ibang salita, ang gawaing kautusan ng Diyos na Jehova, ang gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus at ang gawaing paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay iba’t ibang uri ng gawaing isinagawa sa iba’t ibang kapanahunan ng iisang Diyos. Ayon sa Kanyang sariling mga plano at ayon sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, inililigtas tayo ng Diyos sa bawat yugto.”
Sa puntong ito, naramdaman ko na ang gawain ng Diyos ay napakaganda, napakamakapangyarihan at napakatalino. Naramdaman ko rin ang pangangalaga at pagtingin na inilagay ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas at ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa atin! Nagbigay ng liwanag ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga katotohanan at misteryong ito na hindi ko pa narinig kailanman. Tunay na lumawak ang aking mga abot-tanaw at marami akong nakamit. Nagpasya akong suriing mabuti ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
Reading-God-s-word-1.jpg
Dahil medyo gabi na nang mga oras na iyon, nagpasya kaming ipagpatuloy ang pagbabahagi sa susunod naming pagkikita. Bago sila umalis, binigyan ako ni Sister Ma ng kopya ng Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian upang masuri kong mabuti ang gawain ng Diyos ng mga huling araw kapag umuwi na ako sa bahay. Nang makauwi ako, dahil sa pagkamausisa, hinanap ko ang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” sa internet. Hindi ko kailanman inakala na makakakita ako ng napakaraming negatibong propaganda mula sa pamahalaan ng CCP at sa relihiyosong mundo na nilalabanan at hinahatulan ang Makapangyarihang Diyos at ang Kanyang Iglesia. Nang makita ko ang nilalaman na ito, mas tiyak pa ako na ang “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” ay ang iglesia na tunay na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos na nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Ito ay dahil, mula noong sinaunang panahon, ang tunay na daan ay palaging pinipigilan! Kapag pumunta ako sa mga pagtitipon kasama ang aking mga lolo at lola sa China, dumanas din ako ng pag-uusig mula sa pamahalaan ng CCP. Kailangan naming maging malihim kapag dumadalo kami sa mga pagtitipon na ito. Tunay na masama ang pamahalaan ng CCP! Sila ay isang rehimeng walang kinikilalang Diyos. Pinakanapopoot sila sa katotohanan at sa Diyos. Kaya, marahil kung ano ang kanilang nilalabanan at sinusugpo ay ang tunay na daan at ang tunay na iglesia. Sa ibang pagkakataon sa isang pagtitipon, sinabi ko ito kay Sister Fang at sa iba pa. Pinapanood niya ako ng ang isang kahanga-hangang episode na, Nagising mula sa Panlilinlang, sa video ng ebanghelyo na may pamagat na Umalpas sa Patibong. Ang pangunahing tauhan ay naghahanap. “… Ngunit hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit matindi itong tinututulan ng pamahalaan ng CCP? Bakit marahas na hinahatulan din ito ng mga relihiyosong pinuno?”
“Sa video, tumugon ang isa sa mga kapatid na, “Sinasabi ng Biblia, ‘ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama’ (1 Juan 5:19). Sinabi rin ng Panginoong Jesus: ‘Ang lahing ito’y isang masamang lahi’ (Luk 11: 29). Kung gayon, gaano kalawak ang kadiliman at kasamaan ng mundo? Sa Kapanahunan ng Biyaya, upang matubos ang sangkatauhan, ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus ng relihiyosong mundo at ng mga pinuno ng panahong iyon. Ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na dumating upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang sangkatauhan ay nahaharap din sa paghatol at paglaban ng relihiyosong mundo at ng pulitikang rehimen ng malaking pulang dragon at tinanggihan ng kapanahunang ito. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito’ (Luk 17:24-25). Sa wakas ay natupad na ang hulang ito ng Panginoong Jesus. Dapat makita nang malinaw ng bawat isang tao na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos na ang Panginoon ay dumating na nang matagal nang panahon at nasa proseso ng paggawa ng gawain ng paghatol ng mga huling araw. Natupad na ang hula ng Panginoong Jesus. Maaaring bang hindi natin nakikita nang malinaw ang katotohanan?”
Nagpatuloy na magsalita ang isa pang saksi: “Mga kapatid, itong rehimeng pulitikal na walang kinikilalang Diyos at ang karamihan sa mga pinuno ng relihiyosong mundo ay mga napakasamang puwersa na napopoot sa Diyos at sa katotohanan. Nakumpirma na ito ng katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus. Iyan ang dahilan kung bakit ang tamang daan ay palaging haharap sa pagtanggi at paghatol ng rehimeng pulitikal na walang kinikilalang Diyos at ng relihiyosong mundo. Dagdag pa rito, lahat yaong nagpapakalat ng tamang daan at isinasagawa ang katotohanan ay ipi-frame at pipilitin din ng mga ito. Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Kung kayo’y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo. Kung kayo’y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni’t sapagka’t kayo’y hindi taga sanglibutan, kundi kayo’y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan’ (Juan 15:18-19). Para sa mismong kadahilanang ito na sa lahat ng mga henerasyon, yaong mga maaaring tumanggap sa tunay na daan at sumunod sa tunay na Diyos ay isang napakaliit na minorya lamang na nagmamahal sa katotohanan at nagsisikap na matamo ang katotohanan. Gayunman, karamihan ng tao ay hindi naglalakas-loob na suriin ang tunay na daan at bilang resulta, nawawalan ng pagkakataon na maligtas ng Diyos dahil sinusunod nila ang puwersa ni Satanas o natatakot na mausig. Iyan ang dahilan kung bakit dati nang nagbabala ang Panginoong Jesus: ‘Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka’t maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo’y nagsisipasok. Sapagka’t makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon’ (Mat 7:13-14).” Nang makita ko ang mga bagay na ito sa video, naramdaman kong mas lalong tiyak na kung ano ang pinag-uusig at hinahatulan ng pamahalaan ng CCP ay ang katunayang siyang tunay na daan. Sigurado ito.
Matapos ang panahon ng pagtitipon at pag-iimbestiga, nagkaroon ako ng mas malalim na pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi at pakikipag-usap ng kapatiran. Nakamit ko rin ang pagkaunawa sa katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao, kaligtasan at buong kaligtasan, ang layunin ng Diyos na pamahalaan ang sangkatauhan, katapusan at hantungan ng sangkatauhan at ang mga orihinal ng daan ng buhay na walang hanggan. Napakarami ang mga katotohanan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking puso, matatag akong naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang talagang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.
Araw-araw akong nagtiyaga sa pagdarasal at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Paminsan-minsan, nakinig din ako sa mga sermon at pagbabahagi sa pagpasok sa buhay at sa mga awit ng salita ng Diyos at nanood ako ng mga video ng ebanghelyo. Bawat linggo, nakipagtipon ako sa aking mga kapatid at maagap na nagpalaganap ng ebanghelyo at sumaksi sa Diyos na kasama nila. Pakiramdam ko na ang buhay ko ngayon ay napakayaman at ang aking espirituwal na buhay ay pinalusog at kasiya-siya. Sa wakas, nakabalik ako sa tunay na iglesia at natagpuan ko ang tunay kong “pamilya.” Noong nakaraan, ang mga iglesia na dati kong pinupuntahan ay may mga pastor at saserdote na kailangang batiin. Gayunman, sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang aking mga kapatid, at ako ay lahat pinaparangalan ang Diyos bilang dakila. Ang aming kaugnayan sa isa’t isa ay hindi nakikita ang pagkakaiba ayon sa katayuan. Ang bawat isa ay pantay-pantay. Wala ring mga regulasyon o relihiyosong ritwal sa mga pagtitipong ito. Maaari kang dumalo ayon sa iyong sariling mga pangangailangan at oras. Walang sino man ang magbabawal sa iyo o pipilit sa iyo. Ang pinag-uusapan ng lahat ay kung paano pagsikapang maging isang taong matapat, kung paano pagsikapan ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao upang makamit ang paglilinis at kaligtasan, kung paano tuparin ang sariling tungkulin upang gantihan ang pag-ibig ng Diyos at upang mapalugod ang Diyos, atbp. Nang hindi namamalayan, sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nagsimula rin akong magsikap ng pagbabago sa aking disposisyon at tingnan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos; nagkaroon din ako ng ilang pagkaunawa at nalaman kung paano makilala ang masamang diwa ng takbo ng lipunan at ang mga pamamaraan at landas ni Satanas na nakakapagpatiwali sa tao. Mula noon, hindi na ako naglalaro ng mga laro sa video ni hindi ako nag-aaksaya ng oras sa pagpunta sa KTV. Kapag may oras ako, nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos o nakikipagtipon ako sa aking mga kapatid para sa pagbabahagi kung saan magsisiawit kami at pupurihin namin ang Diyos. Ang bawat araw ay masagana. Hindi ko na nadama ang pagiging hungkag at mahina. Bukod dito, malinaw sa akin ang mga layunin ko sa buhay. Alam ko na ang kahulugang iyon ay matatagpuan sa pamamagitan ng pagtupad sa sariling mga tungkulin sa harap ng Diyos at pamumuhay para sa Diyos bilang isa sa Kanyang mga nilikha. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa paggabay sa akin upang maglakad sa tamang landas ng buhay. Handa akong ilagay ang lahat ng kapangyarihan, kaluwalhatian at kapurihan sa paanan ng nag-iisang tunay na Diyos, mula ngayon hanggang sa magpakailanman. Amen!

Pebrero 27, 2019

Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo

Liu Jing


Nang ako ay bata pa, sa tuwing dinadala ako ng aking ina sa ospital upang patingin sa isang doktor at nakita ang lahat ng mga doktor at mga nars sa kanilang puting toga na nagmamadali sa paligid, madalas kong naiisip na mukha silang mga anghel na nakaputi. Puno ako ng paghanga para sa kanila, at nasanay akong isipin na: Kung maaari din akong maging anghel na nakaputi paglaki ko, napakagaling noon! Bilang isang kabataan, ang aking mga grado sa paaralan ay talagang napakaganda at nagawa kong makapasa sa pang-unang pagsusulit para sa kolehiyong medikal, at hindi nagtagal ang aking taus-pusong pag-asam ay natupad nang ako ay ipinadala sa isang partikular na ospital sa siyudad upang simulan ang aking karera bilang isang doktor. Hindi mo maaaring maisip kung gaano ako kasaya sa unang araw na isinuot ko ang isang puting toga! Ang propesyonal na tungkulin ng mga doktor ay pagalingin ang karamdaman at pigilan ang kamatayan, at yaon ang nagiging sanhi upang tumaas ang paggalang sa propesyon, napakatayog! Ako ay determinadong mamuhay sa tag-uring, mga anghel na nakaputi, sa pagiging ganap na responsable at propesyonal na doktor na nakatuon sa pagpapagaan ng pagdurusa ng aking mga pasyente.

a-doctors-experience-of-metamorphosis

Ang Aking Panaginip ay Nagsisimulang Magkalamat
Sa pagsunod sa takbo ng pagbabago at pagbubukas ng Tsina, ang aking ospital ay masigasig na tumugon sa sawikain ng pamahalaang sentral na: “Hindi mahalaga kung ang pusa ay itim o puti hangga’t nakakahuli ito ng mga daga.” Ang lumang sistema ng mga trabaho para sa buhay sa mga pirmihang sahod ay inalis na, at ang lahat ay naging kaugnay sa paggawa. Ako ay nagtrabaho sa mga klinika sa ospital at ang ospital ay nagtalaga ng isang itinakdang bilang para sa dami ng mga pasyente na kailangang ilipat naming mga doktor sa klinika sa mga silid ng pag-aalaga. Sa bawat pasyente na kulang sa itinakdang bilang kami ay minumultahan ng limampung RMB. Nang una kong nalaman ang ganito ako ay nagalit nang husto. Naisip ko: Kaya kahit walang malalang suliranin sa pasyente, kailangan pa din namin silang ipadala sa mga silid ng pag-aalaga? Hindi ba eto isang uri ng pandaraya? Ito ay ganap na walang puso.
Kaya nagpatuloy ako na gumawa ng mga pasya tungkol sa pananatili ng bawat pasyente batay lamang sa aking pagsusuri sa kanilang mga karamdaman at hindi pinansin ang direktiba ng ospital. Sa pagtatapos ng buwan, ang hindi pagsunod ay humantong sa limangdaang RMB na ikinaltas mula sa aking lalagyan ng sahod Ang lalagyan ng sweldo ng ibang mga doktor ay makapal at mabigat habang ang sa akin ay kahabag-habag sa nipis. Lahat sila ay tumingin sa akin sa isang kakaibang paraan, at narinig ko silang sinasabi ang mga bagay tulad ng: Siya ay hangal. Hindi niya man lang maabot ang itinakdang bilang para sa mga pagtanggap sa mga silid ng pag-aalaga.” “Hindi ba siya makatarungan! Ang ating klinika ay lumampas sa itinakdang bilang.” Tinawag ako ng punong tagapangasiwa ng ospital upang pagalitan: “Xiaoliu! Binibigyan tayo ng pamahalaan ng napakaunting pera sa mga araw na ito, kaya kailangan natin ibalanse sa ating mga sarili ang mga kuwenta. Kung hindi natinkukunin ang pera mula sa mga pasyente, paano natin mababayaran ang sahod ng mga manggagawa? Kung bawat doktor ay itatrato ang kanilang mga pasyente kagaya ng ginagawa mo, kakailanganin ng ospital na magsara kaagad!” nang marinig ko ito, hindi ko mapigilan sa sumigaw sa aking sarili: Ginagawa mong magnanakaw ang mabubuting tao! Umalis ako sa opisina ng tagapangasiwa na may luha sa mga mata. Isa sa mga kasamahan ko na nakasama ko nang mabuti ay inudyokan ako na isaalang-alang muli: “Huwag kang masyadong magmatigas. Sino ba ang walang pakialam sa pera sa mga araw na ito? Kagaya ng kasabihan, ‘Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba.’ Lahat tayo ay gumagawa sa parehas na bilang ng haba ng trabaho sa loob ng isang buwan at nakikita mo ang kasingdami ng pasyente kagaya ng sa sinuman at ang iyong propesyonal na kakayahan ay kasing-galing ng sa sinuman, ngunit ang iyong sahod ay higit na kaunti. Talaga bang mala-anghel ka na hindi mo na kailangan kumain? Nakikita mo ba ang iyong sarili bilang bodhisattva na dinadala ang mga masa sa ilang Budistang kalangitan? Sa pagsunod sa payo ng aking kasamahan, unti-unti kong naunawaan ang tunay na kahulugan ng kasabihan, “Ang kalikasan ang namimili, ang pinakamatibay ang natitira.”

Ang Pakikiayon sa Pandaraya sa mga Tinatanggap sa Ospital
Sa pagharap sa malupit na katotohanan ng buhay sa ospital, wala akong ibang pagpipilian kundi baguhin ang aking mga pamamaraan at makiayon sa mga patakaran ng namamahala. Upang magawa ang trabaho na ibinigay sa akin at bayaran ng mas malaki, nagsimula din akong ibaon ang aking konsiyensiya at ipinadadala ang mga pasyenteng hindi naman kailangan manatili sa ospital papunta sa mga silid ng pag-aalaga. Madalas akong may ngiti sa aking mukha habang inuudyukan at nililinlang ang mga pasyenteng ito, at hindi nila kailanman nalaman kung ano ang nangyayari. Upang makuha ang nararapat na panggagamot, lagi silang nagtitiwala at sumusunod sa lahat ng aking sinasabi, at nagpapasalamat pa nang husto. Paano nila malalaman na sa likod ng ngiti ng doktor ay mayroong isang bihasang tagabitay? Naalala ko minsan nang suriin ko ang isang babae na kakakaroon lang ng isang kaunting ginekolohikal na pamamaga. Upang makakuha ng mas malaking pera mula sa kanya tinakot ko siya sa pagsasabing: Ang iyong karamdaman ay masyadong malala. Kung hindi tayo magmadali at ipasok ka sa ospital, magiging malaking sakit sa ulo ito upang gamutin.” Maamong itinanong sa akin ng pasyente kung ano ang “karamdaman” at sinabi ko sa kanya na ito ay xxx, isang uri ng nakahahawang impeksiyon. Ang babae ay lubhang natakot at nagsimulang umiyak. Kaagad akong nakadama ng pagsisisi sa panlilinlang sa kanya at ninais na sabihin ang katotohanan sa kanya, ngunit naisip ko pagkatapos na ang hindi paggawa sa ibinigay sa aking trabaho ay hindi lamang nangangahulugan na ako ay makukutya ng aking mga kasamahan at pupunahin ng aking mga tagapamahala ngunit mangangahulugan din ng mas maliit na sahod. Kaya nagngalit ang aking mga ngipin at nanatiling tahimik. Dahil sa aking pananakot ang babae ay nagtapos sa pananatili sa ospital sa ilang panahon. Nang una akong magsimula naumasal ng ganito, mararamdaman ko pa rin ang kaunting malasakit para sa mga pasyente, ngunit sa paglipas ng panahon ang aking konsiyensiya ay nagsimulang unti-unting nawawala at sa pakiramdam ko ay lalong naging mas manhid.

Ang mga Materyal na Kaginhawaan ay Hindi Kailanman Makapagpapaginhawa ng Espiritwal na Pagdurusa
Ang aking buong pagkatao ay natupok sa kagustuhang kumita ng salapi, at bukod sa pandaraya sa mga pasyente sinamantala ko ang anumang pagkakataon na dumating sa ospital upang lalo pang magkamal ng mas maraming salapi. Sa aming departamento, kapag ang mga doktor ay gumawa ng pag-oopera sa mga pasyente maaari nilang ibulsa sa sarili nila ang bayad nang hindi na ibinabahagi ang mga ito sa ospital. Kaya upang magkaroon pa ng mas maraming pera sinimulan naming sunggaban ang mas maraming operasyon hangga’t makakaya namin. Mayroon laging panganib na kaakibat ang operasyon, ngunit upang dagdagan ang aming mga sahod kami ay naging pabaya, at sa loob ng isang buwan ang mga patagong bayad ay ilang beses na mas malaki kaysa sa aming mga buwanang sweldo. Sa pagkakaroon ng isang pitakang palaging puno ng salapi nagsimula akong bumili ng mga mamahaling mga gamit. Ang kalidad ng aking mga damit at mga palamuti ay lubos na tumaas, at kapag nakakita ako ng ilang pampaganda na nais ko hindi ako mag-aalinlangan upang ilabas ang aking kard sa pangungutang at binibili ang mga ito. Ang aking mga kaibigan at mga kamag-anak ay nagsimulang tingnan ako nang may paghanga. Ngunit sa kalagitnaan ng gabi, kapag tahimik na ang lahat, maiisip ko kung paano ko ginagawa ang mga operasyon nang patago. Ano ang mangyayari kapag nadulas ako isang araw? Ang pag-iisip nito ay sapat na upang ako ay manginig. Araw-araw lahat ng aking enerhiya at lakas sa pag-iisip ay papunta sa pagkita ng salapi nang wala ni pinakamaliit na piraso ng konsiyensiya. Ako ay nabubuhay na parang patay na buhay at hindi ko alam kung bakit ako nabubuhay dito sa mundo o kung ano ang tungkol sa kamatayan. Ako ay ganap na walang direksyon sa aking buhay… Ang aking espirituwal na walang kapahingahan at pagdurusa ay nagpapahirap sa akin hanggang sa puntong nawawalan ng tulog, at ito ay nang mapagtanto ko na ang materyal na kaginhawaan ay hindi kailanman malulutas ang suliranin ng takot sa aking puso. Sa katunayan, habang lalong dumadami ang aking imoral na mga pakinabang mas lalo akong nabuhay sa takot at pagkabalisa…

Ang Biyaya ng Kaligtasan sa mga Huling Araw ay Dumating sa Akin
Isang araw noong Mayo 2007, ako ay nakikipag-usap sa isang kasamahan na nakikilala ako nang husto, na nagsabing: Lahat tayo ay nagkaroon ng maraming salapi at nawiwili tayo sa pagkakaroon ng lahat ng mga mamahaling damit na ito at mga matataas na uri ng gamit. Sa anumang pagpapakahulugan, dapat tayong maging masaya at makuntento ngunit wala ni isa sa atin ang nakadadama sa gayong paraan. Sa katunayan, nakakaramdam tayo ng kahungkagan at nababalisa.” Nilarawan ng mga salita ng kasama ko kung ano eksakto kong nararamdaman. Hindi ba ako ganoon mismo? Ngunit sino ang malinaw na makapagsasabi kung ano ang ugat ng suliranin? Habang ako ay nagbubulay sa tanong na ito, sinabi ng aking kasama na naniniwala siya sa Diyos at sa mga salita ng Diyos niya natagpuan ang mga sagot na kinailangan niya. Kinuha niya ang isang aklat at nagbasa sa akin ng isang talata ng mga salita ng Diyos: “Sa nakaraang ilang libong taon, ang sangkatauhan ay napasailalim sa impluwensiya ni Satanas at hinihigop ang hangal na mga maling aral ni Satanas. Lahat itong ‘Ang salapi ang una,’ ‘Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba.’ ‘Ang kalikasan ang namimili, ang pinakamatibay ang natitira,’ at iba pa. Ang ganitong mala-satanas na mga pilosopiya ng buhay ay naging patakaran at salawikain para sa ating pag-iral sa mundo. Tinatrato natin ang kakatwang mga ideya ni Satanas bilang isang bagay na positibo na dapat sundin, at kapag hindi tayo nabuhay sa mga bagay na ito makikita tayo ng ibang tao na wala sa uso at kakaiba at hindi tayo magkakaroon ng paraan upang magkaroon ng katayuan at matirang buhay sa lipunan. Ngunit upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan ng mga mala-satanas na pilosopiyang ito at palaging naghahanap ng paraan upang kumita ng salapi mula sa ating mga pasyente ay nangangahulugang sa kabila ng pagkakaroon ng mga karangyaan at kaginhawaan na kayang bilhin ng salapi, sa kabila ng pagkakaroon ng katayuan sa lipunan, hindi tayo kailanman magiging masaya at kuntento. Ang ating mararamdaman sa halip ay takot, pagkabalisa, kahungkagan at kapighatian. Ginagamit ni Satanas ang mga nakalalasong pamamaraan na ito upang sirain tayo at linlangin tayo upang sa gayon tayo ay manatili sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, patuloy na pinahihirapan at inaabuso… Kung nais nating alisin ang ating mga sarili sa mahapding pag-iral na ito at pigilan ang pagpapasama ni Satanas, kailangan nating lumapit sa Panginoon ng Paglikha at tanggapin ang kaligtasan ng Diyos at mga pagtustos para sa buhay. Ito ang tanging paraan upang matakasan ang mahigpit na mga paghawak ni Satanas at mabuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Kagaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos:
Ang mga salitang ito ng Diyos at at ng pagbabahagi ng aking kasamahan ay umantig sa akin sa kaibuturan ng aking puso. Naalala ko kung paano ako nasanay na umakto na may konsiyensiya kapag ginagamot ang aking mga pasyente, na palaging pinagtitibay ang sinumpaan ng doktor upang maiwasan ang kamatayan at pagalingin ang karamdaman. Ngunit pagkatapos kutyain ng aking mga kasama, batikusin ng aking nakatataas na namamahala, at inakit sa pamamagitan ng pag-iisip sa materyal na pakinabang ako din ay unti-unting sumuko sa masasamang kalakaran. Bumagsak sa pinakamababa ang aking moralidad at ngayon lahat ay aking gagawin upang kumita ng salapi ng walang pinakamaliit na konsiderasyon para sa kalagayan ng aking mga pasyente o kung sila man ay nabuhay o namatay. Oo, nabigyang kasiyahan ko ang lahat ng aking materyal na mga pagnanasa at nakamit ang paghanga ng mga tao sa paligid ko, ngunit hindi kailanman nabura ng panlabas na halina ang kapighatian na aking nararamdaman sa sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Ang lubos na kailangan ng malalim na lugar sa aking kaluluwa ay hindi ang materyal na kaginhawaan kundi ang pagliligtas ng Diyos, at ito ay tanging sa paglapit sa Diyos, pagkakamit ng panustos para sa buhay sa Kanyang mga salita na nagawa kong alisin ang aking sarili sa pagsira at dalamhati ni Satanas at nabawi ang pagkakawangis ng isang nilalang na may paggalang sa sarili at integridad. Bilang resulta, tinanggap ko nang may galak ang gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos at hindi nagtagal ay sinimulan ang aking buhay iglesia kasama ang mga kapatiran. Nagbabasa kami ng mga salita ng Diyos at ibinahagi ang tungkol sa mga katotohanan, at nakita ko kung paanong ang mga kapatiran ay inosenteng lahat at bukas, at nagiging matapat. Sa tuwing ibinubunyag nila ang kanilang tiwaling disposisyon, nagagawa nilang gamitin ang mga salita ng Diyos upang magbulay sa sarili at sa gayon nakakamit ang kaalaman ukol sa kanilang mga sarili, at nagawang hanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga suliranin. Sinuportahan nila ang isa’t-isa at nakakasundo nang may pagkakaisa nang hindi kailanman nakikibahagi sa intriga o sa paninirang-puri. Sa lahat ng aking mga taon hindi pa ako kailanman nakatagpo ng isang grupo tulad nito; ito ay tulad ng isa pang mundo, at ito ay ang buhay na akingkinasasabikan sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Minahal at pinahalagahan ko ang aking bagong buhay at mabilis na nabuo sa malaki at masiglang pamilya.

Ibinubunyag ng mga Kaganapan ang Lalim ng Aking Pagkakalugmok
Isang araw habang ako ay nasa pagtupad ng tungkulin isang matandang mag-asawa ang pumasok, at sa pagsusuri sa kanila natuklasan ko na mayroon silang karaniwang impeksyon sa bakterya na kayang gamutin gamit ang ilang karaniwang gamot na nabibili lamang sa botika. Ngunit kung irereseta ko lang ang mga gamot na ito, wala akong kikitaing anumang salapi. Kaya sa nakasanayang pagbukadkad ng aking panulat nagreseta ako ng mga gamot na maraming beses na mas mahal upang ako ay magkaroon ng komisyon. Ngunit nang magtungo ang matandang mag-asawa sa botika at pinagsama ang kanilang bayarin para sa mga gamot, natuklasan nila na wala silang sapat na dalang salapi at kinailangan na umuwi na walang dala.
Pagkatapos tapusin ang aking oras ng trabaho bigla akong nakaranas ng parang nasusuka at sobrang pagkahilo. Nagtaka ako: Ako ay palaging malusog kaya paanong bigla akong nakaramdam ng ganito. Sa pag-uwi sa bahay nagmadali akong lumuhod sa Diyos at nanalangin at nagsaliksik. Kinalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: At saka ito tumama sa akin na ang pagkabalisa na aking nararamdaman ay ang mapagmahal na kamay ng Diyos, ang Kanyang paghatol at pagkastigo, na dumadating sa akin. Ako ay nagbulay sa aking pag-uugali at pagkilos sa buong araw at kung paanong inalala ko lamang ang pakikinabangan ko at inireseta ang mga mamahaling gamot na iyon kapalit ng matandang mag-asawa na kinailangan umalis ng ospital na walang anumang gamot. Sa pagdulot na maantala ang kanilang paggagamot hindi ko ba sila dinadaya? Naisip ko ang tungkol sa kung paanong sa bawat araw ako ay nababahala sa pagkalkula kung gaano karaming komisyon ang makukuha ko para sa bawat pagrireseta o kung gaano kalaki ang masisingil ko sa bawat operasyon. Ang aking ulo ay sobrang puno ng mga kaisipan ukol sa salapi na ako ay naging walang puso, hindi makataong doktor na walang malasakit na naitala sa mga pasyente. Ngunit sinuri ng Diyos ang lahat ng aking mga adhikain at intensyon—wala kahit isa sa mga kaisipan ko ang nagawang makaligtas sa paningin ng Diyos —kaya sa pagkakataong ito nang gumawa ako ng masama, hindi taglay ng Diyos puso upang hayaan ako na mahulog sa patibong at bitag ni Satanas, at sa halip ay nagdulot sa akin ng pisikal na pagkabalisa upang magawa kong magbulay sa sarili at mas makilala pa ang aking sarili. Hinayaan ng Diyos na makita ko na napoot Siya sa aking pag-uugali at mga kilos, na hindi kabilang sa isang wastong nilalang. Nang maisip ko ito naramdaman ko ang taimtim na pagsisisi, at sa paglapit sa Diyos ako ay nanalangin: “O Diyos! Salamat sapagkat hinayaan mo na makita ko na ako ay lubos na pinasama ni Satanas sa punto na nawala ko ang mabuti kong konsiyensiya. O Diyos! Bukal sa loob ko na magsisi sa Iyong pangalan at susubukan na maging isang tao na may konsiyensiya at pagkatao ayon sa Iyong mga salita…”

Ang Pamumuhay sa Tunay na Kaligayahan sa Batayan ng mga Salita ng Diyos
Isang araw isang dalaga ang dumating sa aking klinika para magpagamot, at pagpasok niya sa aking silid nagsimula siyang makiusap sa akin: “Doktor, pakiusap, pakiusap magreseta ka ng ilang disenteng gamot para sa akin. Nangangati ang buong katawan ko, matagal ko na itong nararanasan. Nanggaling na ako sa lahat ng ospital, malaki at maliit, at gumastos nang halos sampung libong yuan ngunit ang pangangati ay naririto pa rin. Kung matutulungan mo ako, babayaran kita hanggang sa kinakailangan.” Nang marinig ko agad ito, ako ay napuno ng palihim na galak at naisip ko: Gayong marami kang salapi—ito na marahil ang masuwerte kong araw. Lumapit ka sa akin, kaya nararapat kang talupan. Sa ilang saglit kaagad kong isinaalang-alang kung anong mamahaling gamot ang makapagdadala sa akin ng pinakamalaking komisyon, at pagkatapos, sa pagbukadkad ng aking panulat, isinulat ko ang reseta. Ngunit nang ibibigay ko na ang reseta sa pasyente, agad kong naisip ang ilang salita ng Diyos na nabasa ko nang nakaraang ilang mga araw: “Ang mala-serpiyente mong dila ay sisirain kalaunan ang iyong laman na gumagawa ng pagwasak at nagsasakatuparan ng mga kasuklam-suklam, at yaong mga kamay mo na nababalutan ng dugo ng maruming mga espiritu ay hihilahin din ang iyong kaluluwa kalaunan sa impiyerno, kaya bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito upang linisin ang iyong mga kamay na balot ng dumi? At bakit hindi mo samantalahin ang pagkakataong ito na putulin ang dila mong iyan na nagsasalita ng hindi-matuwid na mga salita? Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa iyong dalawang kamay at iyong dila at mga labi?” (“mula sa “Ang Inyong Pagkatao ay Napakababa!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ng mahigpit na mga salita ng Diyos ay ipinaramdam sa akin na Siya ay halos nasa harapan ko, na nagtatanong: “Maaari kaya na handa kang magdusa sa ilalim ng mga ningas ng impiyerno para sa iyong dalawang kamay at iyong dila at mga labi?” Nakaramdam ako ng saglit na takot at pagkapahiya. Lahat ng bagay na aking iniisip ay masama, na wala ni ang pinakamaliit na piraso ng kabutihan dito. Alam ng Diyos na wala akong lakas upang mapagtagumpayan ang kasalanan nang mag-isa at inisip na baka malihis “akong muli mula sa Kanyang landas at kaya pinili ang mahigpit na mga salitang ito upang humatol at magkastigo sa akin sa tamang oras. Ginawan Niya ng paraan na makita ko na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi maiinsulto, at ang aking puso ay bumalik muli sa Diyos na may takot at paggalang at tinalikuran ko ang paggawa ng masama. Madali kong binawi ang reseta mula sa pasyente at sinabi sa kanya: “Bakit hindi kaya ako gumawa ng buong pagsusuri upang makita kung ano ang dahilan ng iyong karamdaman, at saka ako magsusulat ng reseta?” Pagkatapos ko siyang suriin sinabi ko sa kanya: “Ang pangangating ito ay hindi dulot ng isang impeksyon ng bakterya. Nagkaroon ka ng lisa, at maaalis mo ang mga ito nang mura at madali. Aking ginagarantiya na makatutulog ka nang napakahimbing ngayong gabi.” Tila ang pasyente ay hindi talagang naniniwala sa aking sinabi, kaya tumingin ako sa kanya na may pagbibigay-katiyakan habang tumatango. Pagkatapos niya umalis naramdaman ko sa unang pagkakataon ang kasiyahan ng pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos. Pagkaraan ng dalawang araw nakatagpo kong muli ang pasyente, at humagulgol siya sa iyak habang ang mga salita ng pasasalamat ay lumabas: “Salamat Doktor Liu! Salamat sa iyo, Doktor Liu! Magaling ka talagang doktor. Ginugol ko ang lahat ng salaping iyon sa nakaraan sa ibang mga doktor ngunit sinabi mo sa akin kung paano gamutin ang aking karamdaman nang ilang yuan lang. Napakaswerteko na nakatagpo ko ang gayong isang mabuting doktor. Hindi kita lubos mapasalamatan…” Sa pakikinig sa sinabi ng pasyente, tahimik kong pinasalamatan at pinuri ang Diyos. Alam ko na hindi ito dahil sa ako ay talagang mabuti kundi dahil sa epekto ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin.

Ang Simula ng Isang Bagong Buhay
Ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang hatulan ako, magtustos sa akin, manguna at gumabay sa akin, at ibalik unti-unti ang aking nawalang konsiyensiya upang bahagya akong makapamuhay kagaya ng isang tunay na nilalang. Ngayon ang buhay ko ay hindi na tungkol lamang sa pagkita ng pera, hindi ko na ibinabatay ang aking buhay sa mala-satanas na mga lason tulad ng “Ang pera ang una,” “Dapat alalahanin ng bawat isa ang kanilang mga sarili at huwag ng mag-alala pa tungkol sa iba,” “ang pinakamatibay ang matitira” at iba pa. Hinayaan ko ang mga salita ng Diyos na maging aking bagong buhay at mga patnubay kung saan ako ay kumikilos. Sa mga salita ng Diyos natagpuan ko ang tunay na direksyon para sa buhay at nagkaroon ng layunin kung paano kumilos. Umaawit pa din ako ng mga awit at nagbabasa habang nananalangin ng mga salita ng Diyos kasama ang kapatiran araw-araw at ginagawa ko ang makakaya ko upang tuparin ang aking mga tungkulin bilang isang nilikha. Ako ay parang isang alibughang anak na nawala sa loob ng maraming taon at naramdaman ang kagilagilalas na kasiglahan, kapayapaan at kapanatagan nang sa wakas ay nakabalik sa yakap ng kanyang ina. Lahat ng luwalhati ay sa Makapangyarihang Diyos!

Pebrero 26, 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.
gods-words-guide-me-2.jpg
Kinalaunan, tinuruan ko siya tulad nang dati, ngunit hindi pa rin siya natuto. Naalala ko ang pagdarasal ko sa Diyos at hindi na ako nagalit muli. Kasabay nito, nagsimula rin akong magnilay-nilay sa sarili ko. Bakit hindi ko mapigil ang aking sarili kapag nabibigo akong pasiyahin ng aking anak? Sa pagninilay ko rito, naalala ko ang talata na ito mula sa mga salita ng Diyos: “Sa sandaling magkaroon na ng estado ang isang tao, madalas ay nahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya masisiyahan siyang samantalahin ang mga pangyayari upang ipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan at ilabas ang kanyang mga damdamin; madalas siyang sumisiklab sa matinding galit kahit walang malinaw na dahilan, upang ibunyag lamang ang kanyang abilidad at malaman ng ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang indibiduwal na mga benepisyo. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas ilabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga damdamin at ibunyag ang kanilang mayabang na kalikasan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “May ilang nagsasanay ng pagpigil sa kanilang galit, samantalang ang iba ay mas mapusok at sumisiklab sa labis na galit sa tuwing nais nila nang walang kahit katiting na pagpipigil. Sa madaling salita, ang galit ng tao ay nagmumula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ano man ang layunin nito, mula ito sa laman at sa kalikasan; wala itong kinalaman sa katarungan o kawalang-katarungan sapagka’t walang anuman sa kalikasan at diwa ng tao ang umaayon sa katotohanan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng mga ipinahayag ng mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ako ay labis na pinasama ni Satanas at masyadong naging hambog at mapagmataas, palaging pinipigilan at pinipilit ang aking mga anak sa aking pagkakakilanlan at estado bilang kanilang ina at sa sandaling hindi nila matugunan ang aking mga hinihingi at mga pamantayan, hindi ko napipigilan ang aking sarili na magalit at pagsabihan at pisikal na parusahan sila. Sa katunayan ay wala akong ibang dahilan. Ang dahilan ba kaya nagalit ako sa aking anak ay dahil sa siya ang nakakuha ng pinakamababang marka sa lahat ng mga bata noong kumuha siya ng entrance test sa paaralan? Nahiya ako sa harap ng ibang mga tao. “Ang mahigpit na pagtrato ko sa aking anak at pambabalewala sa kanyang mga nararamdaman ngayon ay ganap na hindi nakabubuti sa kanya ni makakatulong na mapabilis ang pagbuti ng kanyang akademikong pagganap, sa halip ay upang mapagbigyan ko ang aking sariling kayabangan at pagnanais ng katayuan. Masyado akong makasarili at kasuklam-kasuklam! Dahil sa aking kayabangan, makasarili at masamang disposisyon kaya hindi ko masunod ang Diyos at palaging gusto kong tumakas mula sa kasanayan at mga pagsasaayos ng Diyos at nais kong ayusin ang lahat para sa aking mga anak batay sa aking kakayahan at sa huli ay saktan ko ang aking sarili at mga anak.” Nang maisip ko ito, nagalit ako sa aking sarili at ninais kong tapusin ang aking pamumuhay sa masamang disposisyon ni Satanas at ang magpalinlang sa kanya. Kaya nanalangin ako sa Diyos at hininging pangalagaan ng Diyos ang aking puso, gabayan ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at maghanda ng marami pang pagkakataon upang baguhin at linisin ako. Kasunod nito, hindi na ako nanghihingi ng labis mula sa aking anak. Sa halip, matiyaga ko siyang tinuruan at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maging ina. Unti-unti, hindi na ako nag-aalala na hindi matuto ang aking mga anak, at mas naging panatag ako at masaya. Noong tiningnan kong muli ang aking mga anak, napagtanto ko kung gaano sila kaganda at kasigla, at napagtanto ko kung gaanong hindi naging patas para sa aking mga anak kapag iginigiit kong mamuhay sila ayon sa aking mga paraan at lumaki batay sa pamantayang larawan sa aking isipan.
Nagulat na lamang ako pagkatapos nito nang simulang magbago ang aking mga anak. Dati ay wala silang anumang konsentrasyon sa pag-aaral at hindi makaupo nang maayos kapag gumagawa ng takdang aralin, lupaypay sa lamesa at nagnanais maglaro matapos lamang magsulat ng kakaunting salita. Ngayon ay nakakatagal na silang umupo at nagagawa na nila ang kanilang takdang aralin nang masigasig. Sa nakalipas na mga ilang araw, hindi pa natutunan ng aking pinakamatandang anak ang mga salitang Tsino na itinuro ko sa kanya nang maraming beses, ngunit ngayon ay naalaala niya na ang mga ito pagkatapos na sabihin ko ang mga ito nang isa o dalawang beses at kaya na niyang magbasa ng apat o limang karakter na magkakasama. Ikinagulat ko talaga ito; nang mas hindi inaasahan, kung dati ay madalas mag-away ang aking mga anak kapag magkasama sila, ngayon bigla silang naging mabait at hindi na nagtatalo. Kusang ibinigay ng aking panganay ang mga paborito niyang gamit sa kanyang nakababatang kapatid. Nang makita ng asawa ko ang pagbabagong ito ng aming mga anak, sa pagkamangha ay tinanong niya ako kung paano ko tinuruan ang aming mga anak at kung bakit bigla silang tumalino at tumino. Paano ko ito naituro sa kanila? Ito ay isang kahanga-hangang gawa ng Diyos!
Matapos maranasan ito, kinalma ko ang aking sarili at nagnilay sa mga dati kong pamamaraan ng pagtuturo sa aking mga anak. Palagi ko dating tinuturuan at kinokontrol ang aking mga anak mula sa posisyon ko bilang ina, para makinig sila at kumilos tulad nang sinasabi ko. Inakala ko na ito ang paraan upang turuan sila. Sa katunayan, nang tinuruan ko sa ganitong paraan ang aking mga anak, hindi lang sa sila ay nabigo, kundi mas naging mapangahas pa sila. Ngunit noong itinakwil ko ang aking laman at itinigil kong mamuhay sa pamamagitan ng makasarili, hambog, at mala-satanas na disposisyon at pumayag na sumunod sa kapamahalaan at mga pagsasaayos ng Diyos, ipagkatiwala ang aking mga anak sa Diyos at tupdin ang aking katungkulan at mga pananagutan bilang isang ina, mas naging masunurin at matino ang aking mga anak. Nauunawaan ko na ngayon na tanging ang Diyos lamang ang may awtoridad at kapangyarihan at tanging mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa tao at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng totoong mga tao. Kaya dadakilain ko ang Diyos at hahayaan ang Diyos na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa aming tahanan. Tulad nang sinasabi sa mga pagbabahagi at mga sermon: “Kung dadalhin mo ang Diyos sa iyong totoong buhay, unahin mo Siyang dalhin sa iyong buhay sa tahanan. Sa iyong tahanan, kung may mga taong nagmamando sa iyong pamilya, dapat mo silang tanggalin sa kanilang mga puwesto. Dapat mong iwaksi ang lahat ng mga diyus-diyusan, gawin ang mga salita ng Diyos na panginoon ng iyong tahanan, at pahintulutang mamuno si Cristo. Ang mag-asawa, mag-ama, mag-ina—dapat nilang basahin at pag-usapan ang mga salita ng Diyos. Kung mayroong anumang mga problema o hindi pagkakasundo, ang mga ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagpapahayag ng katotohanan. Huwag gawin tulad ng iyong nakasanayan, nakikinig sa isang tao. Hindi dapat kumilos ang mga tao dahil sa ito ang sinasabi ng ibang tao, dapat nilang luwalhatiin si Cristo, at hayaang ang mga salita ni Cristo na manguna sa kanilang pamilya, pahintulutan ang mga salita ng Diyos na mangasiwa sa kanilang tahanan. Hindi ba ito pagdadala ng mga salita ng Diyos sa iyong tunay na buhay? (mula sa pagbabahagi sa itaas).
Kaya, sinabi ko sa aking mga anak: “Magmula ngayon, hindi na magagalit si nanay nang wala sa katuwiran o papaluin ka ulit. Kung gumagawa ka ng mali, matiyaga kang pagsasabihan ni nanay at kung si nanay ang nagkamali, manghihingi ng paumanhin sa iyo si nanay. Sama-sama nating pag-aralan ang mga salita ng Diyos at sabay tayong lumago sa mga salita ng Diyos at huwag tayo gumawa ng mga bagay na hindi gusto ng Diyos, ayos ba ‘yon?” Masayang sumagot ang aking mga anak: “Ayos!” Pagkaraan nito, sinanay ko nang huwag gamitin ang aking posisyon bilang ina upang gipitin sila. Kung nahaharap kami sa ilang mga usapin, kinikilala namin na ang Diyos ang pinakadakila at hinahayaan ang Diyos na gamitin ang Kanyang kapangyarihang kumilos sa aming tahanan. Minsan nagsalita ako sa kanila nang malakas at sinabi nila sa akin: “Nanay, hindi ka mamahalin ng Diyos kung ganyan ka.” Kapag may ginawa silang mali, ipaliliwanag ko rin sa kanila ang dahilan at sasabihin kung paano tayo gustong kumilos ng Diyos at sa bawat pagkakataon ay nakikinig sila nang husto. Unti-unti, ang aking relasyon sa aking mga anak ay lalong naging mas malapit. Madalas ko silang binabasahan ng mga salita ng Diyos at at nakikinig sa mga himno ng salita ng Diyos kasama nila. Kung dati ay nanonood sila ng “Robot” sa iPad pagkauwi galing sa paaralan ngayon madalas nilang sabihin sa akin: “Nanay, saglit lang kaming manonood ng iPad, pero hindi kami manonood ng ayaw mo. Pwede po ba kaming manood ng mga video ng himno ng mga salita ng Diyos?” Pagkatapos ay tahimik silang manonood, minsan ay kaya nilang manood nang mahigit isang oras.
Maraming salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagpapabago ng aking buhay pati ng aking mga anak gamit ang Kanyang mga salita! Noong nakaraan, ako ay walang alam at hangal at dinidisiplina ang aking mga anak batay sa sarili kong mapagmataas na kalikasan. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang aking mga anak sa Diyos at bilang resulta habang lalo ko silang dinidisiplina, mas naging suwail sila. Nauunawaan ko na ngayon na ang mga salita lamang ng Diyos ang makapagpapabago sa atin at makagagawang maisabuhay natin ang wangis ng tunay na mga tao. Mula ngayon, pag-aaralan kong parangalan ang mga salita ng Diyos at aakayin ang aking mga anak na maniwala at sumunod sa Diyos. Lahat ng kaluwalhatian ay pagmamay-ari ng Makapangyarihang Diyos!