Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Video | Kristianong video | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?
Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). “Ang lahing ito'y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?