Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan
Kailangan lahat ng mga tao na maunawaan ang layunin ng Aking gawain sa lupa, iyon ay, ang pangwakas na layunin ng Aking gawain at kung ano ang antas na dapat kong makamit sa gawaing ito bago ito maging kumpleto. Kung ang mga tao, na lumalakad kasama Ako sa araw na ito, ay hindi maintindihan kung ano ang tungkol sa Aking gawain, sa gayon ay walang kabuluhan ang kanilang paglakad kasama Ako? Ang mga taong sumusunod sa Akin ay dapat alam ang Aking kalooban. Ako ay nagtatrabaho sa mundo nang may libo-libong taon na, at Ako ay gumagawa pa rin nito ngayon. Bagaman may mga karamihang natatangi na iba’t-ibang mga bagay na kasama sa aking gawain, ang layunin nito ay nananatiling hindi nagbabago. Halimbawa, bagaman Ako ay napupuno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ito pa rin ay upang iligtas siya, upang mahusay na kumalat ang Aking Ebanghelyo at higit pang palawakin ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil sa panahong ang tao ay naging kumpleto. Kaya ngayon, sa panahon na maraming mga tao ang lubos na nawalan ng pag-asa, Ako ay nagpapatuloy sa Aking gawain, pinagpapatuloy ang gawaing nararapat upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanan na ang tao ay sawang-sawa na sa Aking sinasabi at hindi alintana ang katunayan na siya ay walang pagnanais na pahalagahan ang tungkol sa Aking gawain, ipinagpapatuloy Ko pa rin ang Aking tungkulin dahil ang layunin ng aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang pakay ng Aking paghatol ay upang gawin ang tao na mas mahusay na sumunod sa Akin, at ang pakay ng Aking pagkastigo ay upang payagan ang mga tao na magkaroon ng mas mahusay na pagbabago. Bagama’t ang gagawin Ko ay para sa kapakanan ng Aking pamamahala, hindi Ako kailanman gumawa ng anumang bagay na hindi mapapakinabangan ng tao. Iyon ay dahil gusto Kong gawin ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel na maging kasing masunurin gaya ng mga Israelita at gawin silang mga tunay na lalaki, kaya Ako ay may isang panghahawakan sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ay ang gawain na Aking tutuparin sa mga lupain ng mga Hentil. Kahit sa ngayon, maraming mga tao ang hindi pa rin maunawaan ang Aking pamamahala dahil sila ay walang pakialam dito, sa halip basta nag-isip lamang ng kanilang mga kinabukasan at mga patutunguhan. Kahit ano pa man ang Aking sinasabi, ang mga tao ay walang malasakit sa Aking gawain, nakatutok lamang sa mga patutunguhan ng kanilang kinabukasan. Kaya kung ito ay magpapatuloy, paano lalawak ang Aking gawain? Papaano kakalat sa buong mundo ang Aking Ebanghelyo? Kailangan ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumalawak, Ikakalat ko kayo, at tatamaan kayo tulad ng kung papaano tinamaan ni Jehovah ang mga tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang ang Aking ebanghelyo ay lumawak sa buong mundo upang ang Aking gawain ay maaaring kumalat sa mga bansang Gentil. Kung kaya, ang Aking pangalan ay dadakilain ng mga parehong matatanda at mga bata at ang Aking banal na pangalan ay itataas sa pamamagitan ng mga bibig ng mga tao mula sa lahat ng mga angkan at mga bansa. Sa huling panahon, ang Aking pangalan ay dadakilain sa gitna ng mga bansang Gentil, gagawin ang Aking mga gawaing nakikita ng mga Hentil upang sila ay tawagin Akong Makapangyarihan sa lahat, at ipatupad ang Aking mga salita. Ipagbibigay-alam ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, bagkus Diyos ng lahat ng mga bansang Gentil, pati na rin ng mga bansang Aking isinumpa. Pahihintulutan ko ang lahat ng mga tao na makita na Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ito ay ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na ipapatupad sa mga huling araw.
Ang gawain na ipinapatupad ko sa libu-libong taon ay ganap na naipahayag nang buo sa tao sa mga huling araw. Ngayon ko lamang binuksan ang buong misteryo ng Aking pamamahala. Alam ng tao ang layunin ng Aking gawa at bukod pa rito ay tumatamo ng pang-unawa sa lahat ng Aking mga misteryo. At Aking sinabi sa tao ang lahat ng bagay tungkol sa mga hantungan na inaalala niya. Aking nalantad para sa mga tao ang lahat ng Aking mga hiwaga na nakatago nang mahigit 5,900 na taon. Sino si Jehovah? Sino ang Mesiyas? Sino si Jesus? Dapat ninyong malaman ang lahat ng ito. Ang mga kaganapan ng Aking mga gawain ay nakasalalay sa mga pangalang ito. Naintindihan ninyo ba ito? Paano ninyo dapat ipahayag ang Aking banal na pangalan? Paano ninyo dapat ikalat ang Aking pangalan sa anumang bansa kung saan ang alinman sa Aking mga pangalan ay tinatawag? Ang Aking gawain ay nagsimula nang lumawak, at Aking ipalalaganap ang kabuuan nito sa lahat ng mga bansa. Dahil naisagawa na sa inyo ang Aking gawain, hahagupitin ko kayo gaya ng paghagupit ni Jehovah sa mga pastol ng sambahayan ni David sa Israel, na naging sanhi ng inyong pagkakawatak-watak sa iba’t ibang bansa. Dahil sa mga huling araw, ay dudurugin ko ang lahat ng mga bansa, at magiging sanhi ng muling pagbabahagi. Sa aking muling pagbabalik, ang mga bansa ay nagkahati-hati na sa hangganan na itinakda ng Aking nagliliyab na apoy. Sa panahong iyon, ipakikita ko ang Aking sarili muli sa mga tao bilang isang nakapapasong araw, na ipinapakita ang Aking Sarili sa mga ito sa publiko sa imahe ng Kabanalan na hindi pa nila kailanman nakita, naglalakad kabilang ng lahat ng bansa, tulad ko, si Jehovah, na naglakad kasama ang mga tribong Hudyo. Simula sa araw na iyon, gagabayan Ko ang mga tao habang sila’y nabubuhay sa lupa. Makikita nila ang Aking kaluwalhatian doon at pati na rin ang isang alapaap na poste sa himpapawid upang patnubayan sila, dahil magpapakita Ako sa isang banal na lugar. Magiging saksi ang tao sa araw ng Aking pagkamatuwid at sa Aking maluwalhating paghahayag. Mangyayari iyon kapag naghari ako sa buong mundo at dinala ko ang marami sa aking mga anak sa kaluwalhatian. Lahat ay yuyukod sa lahat ng dako, at ang tabernakulo ay matitirik sa gitna ng mga ito, sa bato ng gawain na Aking ipinapatupad ngayon. Paglilingkuran nila Ako sa templo. Ang dambana, na kung saan ay puno ng marumi, kasuklamsuklam na bagay, ay dudurugin nang pira-piraso, at Aking muling itatayo ang isang bagong dambana. Ang banal na altar ay sasalansanan ng mga unang panganak na batang tupa at guya. Aking gigibain ang templong umiiral ngayon at muling itatayo ang isang bagong templo. Ang templong nakatayo ngayon at puno ng mga kasuklam-suklam na mga tao ay mabubuwal. Ang templong itatayo ko ay mapupuno ng mga tapat na tagapaglingkod sa Akin. Sila ay muling tatayo at maglilingkod sa Akin para sa kaluwalhatian ng Aking templo. Tiyak na makikita ninyo ang araw ng Aking dakilang kaluwalhatian. Makikita ninyo ang araw kapag binuwag ko ang templo at muling itatayo ang isang bagong templo. Makikita rin ninyo ang araw ng pagdating ng Aking tabernakulo sa sanlibutan. Habang binubuwag ko ang templo, saka ko rin dadalhin ang Aking templo sa daigdig, gaya ng nakikita ng mga tao na Ako’y bumaba. Pagkatapos kong durugin ang lahat ng mga bansa, Akin silang titipuning muli, Bubuuin ang Aking templo at itatayo ang Aking altar upang ang lahat ay makapaghandog ng mga hain sa Akin, maglingkod sa Akin doon, at maging matapat na nakatuon sa aking gawain sa mga bansang Gentil. Ito ay magaganap katulad ng ginagawa ng mga Israelita sa ngayon, ang balabal ng isang pari at isang korona, ang kaluwalhatian Ko, si Jehovah, na nananatili sa gitna nila at ang Aking kamahalan na nangingibabaw sa kanila at kasama nila. Ang Aking gawain sa mga bansang Gentil ay isasakatuparan din nang ganoon. Tulad ng Aking gawain sa Israel, pati na rin ang Aking gawain sa mga bansang Gentil, dahil Aking palalakihin ang Aking gawain sa Israel at ikakalat ito sa mga bansang Gentil.
Ngayon ang oras na ang Aking Espiritu ay lubhang nagtatrabaho, at ang oras na Aking ginugugol sa gitna ng mga bansang Hentil. Kahit pa, ang oras ang Aking inuuri sa lahat ng nilikha at inilalagay ang bawat isa sa kanyang kaukulang pag-uuri upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang mas mabilis at mas epektibo. Kung kaya, Ako pa rin ay nag-uutos na ialay mo ang iyong buong pagkatao para sa lahat ng Aking gawain; at saka, dapat mong maunawaan nang malinaw at maging tiyak sa lahat ng mga gawain na ginawa ko sa iyo, at ilagay ang lahat ng iyong lakas sa Aking gawa upang ito ay mas maging epektibo. Ito ang dapat mong maunawaan. Huwag na ninyong pagtalunan ang bawat isa, huwag hanapin ang daan palayo, o ang ginhawa ng katawan, na mag-aantala ng Aking gawain at sasayangin ang iyong kahanga-hangang hinaharap. Ipapahamak ka lamang noon, at tiyak na hindi ka iingatan nito. Magpapakahangal ka ba? Ang bagay na ikinasisiya mo ngayon ay ang mismong bagay na sisira sa iyong hinaharap, samantalang ang sakit na iyong ipinagdurusa ngayon ay ang tanging bagay na magtatanggol sa iyo. Dapat ninyong malinaw na malaman ang ganoon upang panatilihin kang malayo sa kawit ng tukso at upang maiwasan ang pagpasok ng mga makakapal na ulap na tumatabing sa araw. Kapag ang makapal na usok ay napawi, makikita mo ang iyong sarili sa dakilang araw ng paghatol. Sa oras na iyon, ang Aking panahon ay dumating na sa tao. Paano mo matatakasan ang Aking paghatol? Paano mo magagawang kayanin ang nakapapasong init ng araw? Kapag bibigyan ko ng Aking kasaganaan ang tao, hindi niya ito itatangi sa kanyang dibdib, ngunit sa halip isinasantabi ito palayo sa mga lugar na hindi napapansin. At kung ang Aking araw ay dumating, ang tao ay hindi na magagawang tuklasin ang Aking kasaganaan o hanapin ang mapait na katotohanang ibinigay Ko sa kanya sa matagal na panahon. Siya ay mananaghoy at sisigaw para sa kawalan ng liwanag na sinamahan ng isang paghulog sa kadiliman. Kung ano ang nakikita ninyo ngayon ay ang espada lamang ng Aking bibig. Hindi pa ninyo nakikita ang tungkod sa Aking kamay o ang apoy na kung saan Ko pinaso ang tao, at iyon ang dahilan kung bakit kayo ay mapanghamak pa rin at walang pagpipigil sa Aking presensya. Kaya nilalabanan pa rin ninyo Ako sa Aking tahanan, na nangangatuwiran sa mga bagay na Aking sinabi sa inyo. Hindi Ako kinatatakutan ng tao. Ang pagkapoot ninyo sa Akin hanggang ngayon, wala pa rin siyang takot sa Akin. Mayroon kayong dila at ngipin ng katiwalian sa inyong bibig. Ang inyong mga salita at gawa ay tulad ng sa mga ahas na tinukso si Eba sa pagkakasala. Hinihingi ninyo sa bawat isa ang mata sa mata at ngipin sa ngipin, at nakikipagtuligsa kayo para sa inyong posisyon, katanyagan, at kita sa aking presensya, gayon ma’y hindi ninyo alam na Ako’y lihim na nanonood sa inyong mga salita at gawa. Bago pa man kayo dumating sa Aking presensya, lubus-lubusan ko nang alam ang inyong kaisipan. Laging nais makatakas ng tao mula sa Aking kamay at iwasan ang pagmamasid ng Aking mga mata, ngunit hindi Ko kailanman iniwasan ang kanyang mga salita o gawa. Sa halip, kusa Kong pinapayagan ang mga ito upang maabot ang Aking mga mata upang Aking kastiguhin ang kanyang kabaluktutan at hatulan ang kanyang paghihimagsik. Sa gayon, ang mga nakatagong salita at gawa ng tao, ay palaging nakalagay sa Aking upuan ng paghatol, at hindi kailanman nito iniwan ang tao, dahil ang kanyang panghihimagsik ay labis. Ang Aking gawain ay sunugin at dalisayin ang lahat ng mga salita at gawa ng tao na ipinahayag at ginawa sa harapan ng Aking Espiritu. Sa ganoong paraan, pagkatapos Kong lisanin ang kalupaan, magagawang panatilihin pa rin ng mga tao ang katapatan sa Akin, at maglilingkod pa rin sa Akin bilang aking banal na mga tagapaglingkod na gagawa ng aking gawain, na magpapahintulot sa Aking gawain sa lupa upang magpatuloy hanggang sa araw na ito ay makumpleto.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento