Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Oktubre 17, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao


Salita ng Diyos | Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao

  Karamihan ng tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi pa sumasailalim sa kahit anong gawain, ang pananampalataya sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang gagawing perpekto, o gumanap ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Ibig sabihin, karamihan ng tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang ganapin ang kanilang responsibilidad, o para tuparin ang kanilang tungkulin. Madalang na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang buhay, ni mayroong mga tao na naniniwalang sapagkat ang tao ay buhay, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay kautusan ng langit at alituntunin ng daigdig na gawin ito, at ito ay ang likas na tungkulin ng tao. Sa ganitong paraan, kahit na ang bawat tao ay itinutuloy ang kanilang sariling mga layunin, ang tungkulin ng kanilang gawain at ang lahat ng mga pag-udyok sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, higit pa rito, para sa karamihan sa kanila, ang mga layon ng kanilang pagsamba ay labis na magkakapareho. Sa lumipas na ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami na ang nangamatay at muling isinilang. Hindi lamang ito isa o dalawang tao ang nais hanapin ang Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, ngunit ang gawain ng karamihan sa mga taong ito ay para sa kapakanan ng kanilang sariling inaasam o ng kanilang mga dakilang inaasahan para sa kinabukasan. Iilan lamang at madalang ang mga tapat kay Kristo. Maraming debotong mananampalataya ang nangamatay pa ring nabitag sa kanilang mga sariling lambat, at ang bilang ng tao na nagkamit na ng tagumpay, higit pa rito, ay walang saysay sa sobrang liit. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga katuwiran kaya ang tao ay nabibigo, o ang mga lihim ng kanilang tagumpay, ay hindi pa rin batid. Ang mga nahuhumaling na hanapin si Kristo ay hindi pa nararanasan ang sandali ng biglaang kabatiran, hindi pa nila nararating ang lalim ng mga misteryong ito, dahil lamang sa hindi nila ito alam. Kahit na gumagawa sila ng mga napakaingat na pagsusumikap sa kanilang gawa, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kamalian na minsan nang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi ang landas ng tagumpay. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung paano sila naghahanap, hindi ba nila tinatahak ang landas na patungo sa kadiliman? Hindi ba ang kanilang nakakamit ay mapait na bunga? Mahirap mahulaan kung ang mga taong tumutulad sa mga nagtagumpay sa nakalipas na panahon ay hahantong sa mabuting kapalaran o kapahamakan sa dakong huli. Paano pa kayang mas masahol pa ang mga pagkakataon, kung gayon, para sa mga taong nais makasumpong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ng mga nagkamali? Hindi ba sila magkakaroon ng higit na mas malaking pagkakataon para magkamali? Anong halaga ang mayroon sa landas na kanilang tinatahak? Hindi ba nila inaaksaya ang kanilang oras? Hindi isinasaalang-alang kung ang mga tao ay magtatagumpay o mabibigo sa kanilang gawain, samakatuwid, mayroong katuwiran kaya nila ito ginagawa, at hindi ito ang kalagayan na ang kanilang tagumpay o kabiguan ay malalaman sa pamamagitan ng paghahanap sa paano mang paraan nila gusto.


  Ang pinakapangunahing kinakailangan ng pananampalataya ng tao sa Diyos ay ang mayroon siyang tapat na puso, at na buo niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, kung saan sa pamamagitan nito ay maaari niyang makamit ang buong katotohanan, at isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ito ang hindi matatamo ng mga nagkakamali, at higit pang mas hindi matatamo ng mga hindi kayang mahanap si Kristo. Dahil ang tao ay hindi “magaling sa” buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi kusang gumagawa ng kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan ngunit iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkasala, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, kaya, laging nagkakamali ang tao, laging nakukuha sa pamamagitan ng panlilinlang ni Satanas, at nabitag sa sarili niyang lambat. Dahil hindi kilala ng tao si Kristo, dahil ang tao ay hindi dalubhasa sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan, dahil ang tao ay malabis na mapagsamba kay Pablo at masyadong mapag-imbot sa langit, dahil ang tao ay laging mapaghanap na si Kristo ay sumunod sa kanya at nag-uutos sa Diyos, kaya yaong mga dakilang pinuno at yaong mga nakaranas ng mga di-inaasahang pangyayari sa mundo ay may kamatayan pa rin, at namamatay pa rin sa kabila ng pagkastigo ng Diyos. Ang masasabi ko lang sa mga ganoong tao ay na namamatay sila sa kalunos-lunos nakamatayan, at ang bunga nito para sa kanila—ang kanilang kamatayan—ay hindi nang walang katuwiran. Hindi ba ang kanilang pagkakasala ay lalong hindi matitiis sa batas ng Langit? Nanggagaling ang katotohanan mula sa mundo ng tao, ngunit ang katotohanan sa tao ay ipinamamana ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, alalaon baga’y, mula sa Diyos Mismo, at hindi matatamo ng tao. Ngunit ibinibigay lang ni Kristo ang katotohanan; hindi Siya nagpapasiya kung ang tao ay magiging matagumpay sa kanyang pagtahak sa katotohanan. Kaya sumusunod lamang dito na ang tagumpay at kabiguan sa katotohanan ay nakasalalay sa gawa ng tao. Ang tagumpay o kabiguan ng tao sa katotohanan ay hindi kailanman nagkaroon ng kaugnayan kay Kristo, ngunit sa halip ay nakatalaga ayon sa kanyang gawain. Ang hantungan ng tao at ang kanyang tagumpay o kabiguan ay hindi dapat ibunton sa Diyos, upang ang Diyos Mismo ay panindigan ito, dahil hindi ito isang bagay na para sa Diyos Mismo, ngunit ito ay direktang kaugnay ng tungkuling dapat gawin ng mga nilalang ng Diyos. Karamihan ng tao ay mayroon lang kakaunting kaalaman sa gawain at hantungan ni Pablo at Pedro, ngunit walang alam ang tao bukod sa kinalabasan nito para kay Pedro at Pablo, at mangmang sila sa sikreto sa likod ng tagumpay ni Pedro, o ang mga kakulangan na naghatid sa pagkabigo ni Pablo. At kaya, kung kayo ay tunay na walang kakayahang umunawa ng diwa ang kanilang gawain, kung gayon ang gawain ng karamihan sa inyo ay mabibigo pa rin, at kahit na may kaunti sa inyo na magtatagumpay, hindi pa rin sila magiging kapantay ni Pedro. Kung ang landas ng iyong gawain ay ang nararapat, ikaw ay magkakaroon ng pag-asang magtagumpay; kung ang landas na iyong tinatahak sa pag-abot ng katotohanan ay ang mali, kung gayon ay habambuhay mong hindi makakayanang magtagumpay, at magkakaroon ng kaparehong katapusan gaya ni Pablo.

  Si Pedro ay isang taong ginawang perpekto. Pagkatapos lang niyang maranasan ang pagkastigo at paghatol, sa gayon ay natamo ang busilak na pagmamahal ng Diyos, nagawa siyang lubos na perpekto; ang landas na kanyang tinahak ay ang landas sa pagiging perpekto. Ibig sabihin, mula noong unang-una, ang landas na tinahak ni Pedro ay ang tamang landas, at ang kanyang pagkaudyok na manampalataya sa Diyos ay ang tamang gawain, at kaya naman siya ay naging isang taong ginawang perpekto. Tumahak siya sa panibagong landas na hindi pa kailanman natatahak ng tao noon pa man, samantalang ang landas na tinahak ni Pablo mula noong una ay ang landas ng pagsalungat kay Kristo, at iyon ay dahil lang ang Banal na Espiritu ay ninais na gamitin siya, at upang samantalahin ang kanyang mga talento at lahat ng kanyang mga gantimpala para sa Kanyang gawa, na siya ay gumawa para kay Kristo sa loob ng ilang dekada. Siya ay isa lamang sa kinasangkapan ng Banal na Espiritu, at hindi siya ginamit dahil si Jesus ay tumingin nang ayon sa kanyang pagkatao, kundi dahil sa kanyang mga talento. Kinaya niyang gumawa para kay Jesus dahil siya ay pinabagsak, hindi dahil siya ay masayang gawin ito. Kinaya niyang gawin ang nasabing gawa dahil sa kaliwanagan at paggabay ng Banal na Espiritu, at ang gawa na kanyang ginawa ay hindi kumakatawan sa kanyang gawain, o sa kanyang pagkatao. Ang gawa ni Pablo ay kinakatawan ang gawa ng isang alipin, sa madaling sabi ay ginawa niya ang gawa ng isang apostol. Si Pedro, gayunpaman, ay kaiba: Gumawa rin siya ng ilang gawa, ngunit ito ay hindi kasing-dakila ng gawa ni Pablo; gumawa siya sa gitna ng paghahangad sa sariling pagpasok, at ang kanyang gawa ay kaiba mula sa gawa ni Pablo. Ang gawa ni Pedro ay ang pagganap sa tungkulin ng nilalang ng Diyos. Hindi siya gumawa sa tungkulin ng isang apostol, ngunit sa panahon ng kanyang paghahangad sa isang pagmamahal sa Diyos. Ang daan ng gawa ni Pablo ay naglalaman din ng kanyang personal na gawa: Ang gawa ay para sa kapakanan ng walang iba kundi ang kanyang mga inaasahan sa kinabukasan, at ang kanyang pagnanais para sa isang magandang hantungan. Hindi niya tinanggap ang pagpipino sa panahon ng kanyang gawa, ni hindi njya tinanggap ang pagpupungos at pakikitungo. Naniwala siya na hangga’t ang gawaing kanyang ginawa ay makakapagbigay-kasiyahan sa pagnanais ng Diyos, at ang lahat ng kanyang ginawa ay nakalulugod sa Diyos, gayon isang gantimpala ang naghihintay sa kanya sa dakong huli. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawa—itong lahat ay para lang sa kanyang sariling kapakanan, at hindi naisagawa sa gitna ng pagsusulong ng pagbabago. Ang lahat sa kanyang gawa ay isang pakikipag-unawaan, ito ay hindi naglalaman ng tungkulin o pagpapasakop ng nilalang sa Diyos. Noong panahon ng kanyang gawa, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawa ay para lamang sa paglilingkod sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Isinagawa ni Pablo ang kanyang gawa nang direkta, nang hindi gagawing perpekto o hindi pa napakitunguhan, at siya ay naudyok ng gantimpala. Si Pedro ay iba: Siya ay isang tao na naranasan ang pagpupungos, at naranasan na ang pakikitungo at pagpipino. Ang layon at udyok ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba sa gawain ni Pablo. Kahit na hindi gumawa si Pedro ng malakihang gawain, ang kanyang disposition ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay yaong katotohanan, at totoong pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa lamang para sa kapakanan ng mismong gawaing ito. Kahit na gumawa si Pablo ng maraming gawain, ito ay gawaing lahat ng Banal na Espiritu, at kahit na nakiisa si Pablo sa kanyang gawain, hindi niya naranasan ito. Na si Pedro ay gumawa lamang ng kakaunting gawain ay dahil lamang ang Banal na Espiritu ay hindi rin gaanong gumawa ng maraming gawain sa pamamagitan niya.

  Ang dami ng kanilang gawa ay hindi tumutukoy kung sila ay gagawing perpekto; ang gawain ng isa ay upang tumanggap ng mga gantimpala, at ang ikalawa ay upang matamo ang sukdulang pagmamahal ng Diyos, at maisakatuparan ang kanyang tungkulin bilang nilalang ng Diyos, sa puntong kaya niyang ipamuhay ang isang kaibig-ibig na anyo para mapunan ang kalooban ng Diyos. Sa panlabas na anyo sila ay magkaiba, at gayundin ang kanilang mga diwa ay magkaiba. Hindi mo matutukoy kung sino sa kanila ang ginawang perpekto salig sa kung gaano karami ang ginampanan nilang gawain. Hinangad ni Pedro na ipamuhay ang anyo ng isang nagmamahal sa Diyos, maging isang tao na sumusunod sa Diyos, maging isang tao na tinanggap ang pakikitungo at pagpupungos, at maging isang tao na tumupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Kinaya niyang ialay ang kanyang sarili sa Diyos, upang ilagay ang kabuuan ng kanyang sarili sa kamay ng Diyos, at sundin Siya hanggang kamatayan. Iyon ang kanyang pinagpasyahang gawin at, higit pa rito, iyon ang kanyang nakamit. Ito ang pinakamahalagang katuwiran kaya ang kanyang katapusan ay kaiba kay Pablo. Ang gawa na ginawa ng Banal na Espiritu kay Pedro ay upang gawin siyang perpekto, at ang gawa na isinagawa ng Banal na Espiritu kay Pablo ay upang gamitin siya. Ito ay dahil ang kanilang mga kalikasan at pananaw tungo sa kabutihan ay hindi parehas. Pareho silang nagkaroon ng gawa ng Banal na Espiritu. Ginamit ni Pedro ang gawang ito sa kanyang sarili, at ibinigay rin ito sa iba; si Pablo, samantala, ay nagbigay lamang ng kabuuan ng gawa ng Banal na Espiritu sa iba, at walang tinamo mula rito para sa kanyang sarili. Sa ganitong paraan, matapos niyang maranasan ang gawa ng Banal na Espiritu sa loob ng maraming taon, ang mga pagbabago kay Pablo ay malapit sa talagang wala. Siya ay nanatili pa rin halos sa kanyang likas na katayuan, at siya pa rin ang Pablo noon. Ito lamang ay pagkatapos ng pagtitiis ng paghihirap sa maraming taon ng paggawa, natutunan na niya kung paano “gumawa,” at natutunan na ang pagiging matibay, ngunit ang kanyang dating kalikasan—ang kanyang lubos na pakikipagpaligsahan at sakim na kalikasan—ay nanatili pa rin. Matapos gumawa sa loob ng maraming taon, hindi niya nalaman ang kanyang tiwaling disposisyon, ni hindi niya inalis sa kanyang sarili ang kanyang dating disposisyon, at ito ay malinaw pa ring makikita sa kanyang gawa. Sa kanya ay mayroon lamang higit na karanasan sa paggawa, ngunit ang napakakaunti lamang na karanasan ay hindi kayang mapagbago siya, at hindi kayang ibahin ang kanyang pananaw tungkol sa pag-iral o sa kahalagahan ng kanyang gawa. Kahit na gumawa siya sa loob ng maraming taon para kay Kristo, at hindi na kailanman inusig ang Panginoong Jesus, sa kanyang puso ay walang pagbabago sa kanyang pagkakakilala sa Diyos. Ibig sabihin, na hindi siya gumawa para lamang ialay ang kanyang sarili para sa Diyos, ngunit siya ay, sa halip, napilitang gumawa para sa kapakanan ng kanyang hantungan sa hinaharap. Dahil, noong una, inusig niya si Kristo, at hindi niya sumuko kay Kristo; siya ay likas na isang rebelde na sinasadyang tumaliwas kay Kristo, at isang tao na walang kaalaman sa gawa ng Banal na Espiritu. Sa konklusyon ng kanyang gawa, hindi pa rin niya alam ang gawa ng Banal na Espiritu, at umakto lamang ayon sa kanyang sariling kusa batay sa kanyang sariling kalikasan, nang hindi nagbibigay ng kahit kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. At kaya ang kanyang kalikasan ay isang pagkapoot kay Kristo at hindi sumunod sa katotohanan. Isang tao kagaya nito, na siyang tinalikdan ng gawa ng Banal na Espiritu, na siyang hindi alam ang gawa ng Banal na Espiritu, at siyang tumaliwas kay Kristo—paano kayang maliligtas ang taong iyon? Kung kayang maligtas o hindi ang isang tao ay hindi nakasalalay sa kung gaano karami ang gawaing kanyang ginagawa, o kung gaano karami ang kanyang inilalaan, ngunit ito ay sa halip natutukoy sa pamamagitan ng kung alam niya o hindi ang gawa ng Banal na Espiritu, ng kung kaya niya o hindi na isagawa ang katotohanan, at kung ang kanyang mga pananaw tungo sa paggawa ay nasusunod sa katotohanan o hindi. Kahit na ang mga likas na pagbubunyag ay naganap matapos simulang sundan ni Pedro si Jesus, sa kalikasan siya ay, mula noong pinakasimula, isang tao na siyang may kusang sumunod sa Banal na Espiritu at hanapin si Kristo. Ang kanyang pagsunod sa Banal na Espiritu ay malinis: Hindi niya hinanap ang kasikatan at kayamanan, ngunit bagkus ay naudyok ng pagsunod sa katotohanan. Kahit na mayroong tatlong beses kung saan itinanggi ni Pedro ang pagkakakilala niya kay Kristo, at kahit na kanyang tinukso ang Panginoong Jesus, ang nasabing maliit na kahinaang pantao ay walang dalang kahit anong kaugnayan sa kanyang kalikasan, at hindi nito naapektuhan ang kanyang gawain sa hinaharap, at hindi kayang sapat na mapatunayan na ang kanyang tukso ay isang kilos ng anti-Kristo. Ang normal na kahinaan ng tao ay isang bagay na karaniwan sa lahat ng tao sa mundo—inaasahan mo bang si Pedro ay magiging iba sa kahit anong paraan? Hindi ba pinanghahawakan ng mga tao ang ilang mga pananaw ukol kay Pedro dahil gumawa siya ng maraming hangal na pagkakamali? At hindi ba labis na hinahangaan ng mga tao si Pablo dahil sa lahat ng gawang kanyang ginawa, at ang lahat ng mga sulating kanyang isinulat? Paano kayang ang tao ay magkaroon ng kakayanang maaninag ang diwa ng tao? Paniguradong sila na may totoong katinuan ay kayang makita ang bagay na mayroong ganoong kawalang-kahalagahan?

  Kahit na ang maraming taong masasakit na karanasan ni Pedro ay hindi naisulat sa Biblia, hindi nito pinatutunayan na si Pedro ay hindi nagkaroon ng mga totoong karanasan, o na si Pedro ay hindi ginawang perpekto. Paano kayang ang gawa ng Diyos ay inarok nang buo ng tao? Ang mga nasusulat sa Biblia ay hindi personal na pinili ni Jesus, ngunit ang mga ito ay tinipon ng mga sumunod na henerasyon. Sa ganitong paraan, hindi ba ang lahat ng naisulat sa Biblia ay napili ayon mga ideya ng tao? Higit pa rito, ang mga kapalaran ni Pedro at Pablo ay hindi lubos na naihayag sa mga kasulatan, kaya hinuhusgahan ng tao si Pedro at Pablo ayon sa kanyang sariling pananaw, at ayon sa kanyang sariling kagustuhan. At dahil maraming ginawa si Pablo, dahil ang kanyang mga “ambag” ay lubos na dakila, nakuha niya ang tiwala ng mga masa. Hindi ba pinagtutuunan lamang ng pansin ng tao ang mga kababawan? Paano kayang ang tao ay magkaroon ng kakayanang maaninag ang diwa ng tao? Higit pa rito, kung ganoong si Pablo ay naging layon ng pagsamba sa loob ng ilang libong taon, sino ang mangangahas na padalus-dalos na itanggi ang kanyang gawa? Si Pedro ay isa lamang mangingisda, kaya paano kaya ang kanyang ambag ay magiging kasing-dakila ng kay Pablo? Batay sa ambag, si Pablo ay dapat na gantimpalaan bago si Pedro, at siya dapat ang higit na karapat-dapat na magtamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Sino ang aakalain na, sa Kanyang pagtrato kay Pablo, ninais lang ng Diyos na siya ay gumawa gamit ang kanyang mga talento, datapwa’t ginawang perpekto ng Diyos si Pedro. Hindi ito ang kalagayang ang Panginoong Jesus ay gumawa ng mga plano para kay Pedro at Pablo mula noong pinakauna pa lang: Sila ay, sa halip, ginawang perpekto o pinagawa ayon sa kanilang likas na kalikasan. At kaya naman, kung ano ang nakikita ng tao ay iyon lamang panlabas na ambag ng tao, samantalang kung ano ang nakikita ng Diyos ay ang diwa ng tao, gayon na rin ang landas na tinatahak ng tao mula noong una, at ang pagkaudyok sa likod ng gawain ng tao. Sinusukat ang tao ayon sa kanilang mga pagkaintindi, at ayon sa kanilang mga sariling pandama, ngunit ang pinakakatapusan ng tao ay hindi nalalaman ayon sa kanyang kaanyuhan. At kaya sinasabi ko na kung ang landas na iyong tinatahak mula noong una ay ang landas ng tagumpay, at ang iyong pananaw tungo sa gawain ay ang tama mula noong una, kung gayon ikaw ay parang si Pedro; kung ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kamalian, kung gayon anuman ang halagang iyong babayaran, ang iyong katapusan ay mananatili pa ring katulad ng kay Pablo. Anuman ang kalagayan, ang iyong patutunguhan, at kung ikaw ay magtagumpay o mabigo, ay parehong malalaman sa pamamagitan ng kung ang landas na hinahanap ay ang tama o hindi, sa halip ay sa iyong kabanalan, o sa halaga na iyong babayaran. Ang diwa ni Pedro at Pablo, at ang mga layon na kanilang ipinagpatuloy, ay kakaiba; hindi kaya ng tao na matuklasan ang mga bagay na ito, at ang Diyos lamang ang maaaring makaalam nito sa kanilang kabuuan. Dahil kung ano ang nakikita ng Diyos ay ang diwa ng tao, datapwa’t walang alam ang tao sa kanyang sariling diwa. Hindi kaya ng tao na makita ang diwa sa loob ng tao o sa kanyang totoong tayog, at kaya hindi rin kayang tukuyin ang mga katuwiran para sa kabiguan at tagumpay ni Pablo at Pedro. Ang katuwiran kung bakit karamihan ng tao ay sinasamba si Pablo at hindi si Pedro ay dahil si Pablo ay ginamit para gawaing-bayan, at kaya ng tao na maunawaan ang gawang ito, at kaya kinikilala ng tao ang mga “tagumpay” ni Pablo. Ang mga karanasan ni Pedro, samantala, ay hindi nakikita ng tao, at iyong ang kanyang nasumpungan ay hindi kayang abutin ng tao, at kaya walang interes ang tao kay Pedro.

  Ginawang perpekto si Pedro sa pamamagitan ng pagdanas ng pakikitungo at pagpipino. Sinabi niya, “Kailangan kong bigyang kasiyahan ang kagustuhan ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Sa lahat ng aking ginagawa, ang hangad ko lang ay upang mapasaya ang kalooban ng Diyos, at kahit ako ay kastiguhin o hatulan, masaya pa rin akong gagawin ito.” Ibinigay ni Pedro ang kanyang lahat sa Diyos, at ang kanyang gawa, mga salita, at buong buhay ay lahat para sa kapakanan ng pag-ibig sa Diyos. Siya ay isang tao na nais hanapin ang kabanalan, at kung gaano karami ang kanyang naranasan, ganoon kadakila ang kanyang pag-ibig sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Pablo, samantala, ay gumawa lamang ng panlabas na gawa, at kahit na nagtrabaho rin siya nang matindi, ang kanyang mga gawa ay para sa kapakanan ng paggawa ng kanyang gawain nang maayos at gayon magtamo ng gantimpala. Kung nalaman niya na hindi siya makatatanggap ng gantimpala, isinuko na niya sana ang kanyang gawa. Ang pinahalagahan lamang ni Pedro ay ang tunay pag-ibig sa kanyang puso, na praktikal at kayang maisakatuparan. Wala siyang pakialam kung siya ba ay makatatanggap ng gantimpala, bagkus ay kung ang kanyang disposisyon ay mababago ba. Pinahalagahan ni Pablo ang paggawa nang mas mahirap, pinahalagahan niya ang panlabas na paggawa at kabanalan, at ang mga doktrina na hindi naranasan ng mga karaniwang tao. Wala siyang pagpapahalaga sa mga pagbabago sa kanyang katangian at ang tunay na pag-ibig sa Diyos. Ang mga karanasan ni Pedro ay upang makamit ang tunay na pag-ibig at totoong kaalaman. Ang kanyang mga karanasan ay upang magkamit ng isang mas malapit na relasyon sa Diyos, at upang magkaroon ng isang praktikal na pamumuhay. Ang gawa ni Pablo ay dahil ito ay ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus, at upang makamit niya ang mga bagay na kanyang inasam, ngunit ang mga ito ay hindi kaugnay ng kanyang pagkakakilala ng kanyang sarili at sa Diyos. Ang kanyang gawa ay para lamang sa kapakanan ng pagtakas sa pagkastigo at paghatol. Ang hinanap ni Pedro ay busilak na pag-ibig, at ang hinanap naman ni Pablo ay ang korona ng pagkamatuwid. Naranasan ni Pedro ang maraming taon ng gawa ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng isang praktikal na pagkakakilala kay Kristo, gayundin ang isang malalim na pagkakakilala sa kanyang sarili. At kaya naman, ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay busilak. Maraming taon ng pagpipino ang nagpayaman sa kanyang pagkakakilala kay Jesus at sa buhay, at ang kanyang pag-ibig ay isang pag-ibig na walang pasubali, ito ay isang pag-ibig na kusang-loob, at wala siyang hiniling na kahit ano bilang kapalit, ni hindi siya umasa sa kahit anong mga benepisyo. Gumawa si Pablo sa loob ng maraming taon, ngunit hindi siya nagkaroon ng dakilang pagkakakilala kay Kristo, at ang kanyang pagkakakilala sa kanyang sarili ay kaawa-awang maliit lamang. Wala siyang pagmamahal para kay Kristo, at ang kanyang gawa at ang daang kanyang tinahak ay upang magkamit ng huling laurel. Ang kanyang hinanap ay ang pinakamagandang korona, hindi ang pinakabusilak na pag-ibig. Hindi siya aktibong sumumpong, ngunit ginawa niya ito nang pasibo; hindi siya gumagawa ng kanyang tungkulin, ngunit siya ay napilitan sa kanyang gawain matapos na masakop ng gawa ng Banal na Espiritu. At kaya naman, ang kanyang gawa ay hindi nagpapatunay na siya ay angkop na nilalang ng Diyos; si Pedro ay siyang angkop na nilalang ng Diyos na gumawa ng kanyang tungkulin. Iniisip ng tao na lahat ng gumagawa ng pagtulong sa Diyos ay marapat na tumanggap ng gantimpala, at kung mas malaki ang pagtulong, mas higit ding inaasahan na sila ay dapat na makatanggap ng paglingap ng Diyos. Sa kakanyahan, nakikita ng tao ang mga ambag na iyon bilang isang transaksyon, at hindi aktibong nagsusumpong na gawin ang kanyang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Para sa Diyos, kung mas maraming mga tao ay masusumpungan ang tunay na pag-ibig sa Diyos at buong pagsunod sa Kanya, na siya ring nangangahulugang pagsumpong upang gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos, ay mas higit na kaya nilang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pananaw ng Diyos ay ang hingin na dapat mabawi ng tao ang kanyang orihinal na tungkulin at katayuan. Ang tao ay isang nilalang ng Diyos, at kaya hindi dapat lampasan ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghingi ng kahit anong hiling mula Diyos, at dapat na walang ibang gawin maliban sa paggawa ng kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ang hantungan ni Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gawin ang kanilang mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga hantungan ay nalaman ayon sa iyong ang kanilang nasumpungan mula pa noong una, hindi ayon sa kung gaano kalaki ang gawang kanilang ginawa, o ang palagay ng ibang tao sa kanila. At kaya, ang pagsumpong upang aktibong magawa ang isang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos ay ang landas patungo sa tagumpay; ang paghahanap ng landas ng tunay na pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatamang landas; ang paghahanap ng pagbabago sa isang dating disposisyon, at ang isang busilak na pag-ibig sa Diyos, ay ang landas tungo sa tagumpay. Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ay ang landas ng pagbuti ng orihinal na tungkulin gayun na rin ang orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ay ang landas ng pagbuti, at ito rin ang layon ng lahat ng gawa ng Diyos mula una hanggang katapusan. Kung ang gawa ng tao ay nabahiran ng personal na maluhong mga hiling at hindi makatwiran na pag-aasam, kung gayon ang epekto na matatamo ay hindi pagbabago sa dispisiyon ng tao. Ito ay salungat sa gawa ng paggaling. Walang duda na ito ay hindi gawa na ginawa ng Banal na Espiritu, at pinatutunayan lamang na ang gawa ng ganitong klase ay hindi aprubado ng Diyos. Anong halaga mayroon ang isang gawa na hindi aprubado ng Diyos?

  Ang gawa na ginawa ni Pablo ay ipinakita sa tao, ngunit kung gaano kabusilak ang kanyang pag-ibig para sa Diyos, gaano kalaki ang kanyang pag-ibig para sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso—ito ay hindi kayang makita ng tao. Namamasdan lamang ng tao ang gawa na kanyang ginawa, kung saan alam ng tao na siya ay paniguradong kinasangkapan ng Banal na Espiritu, at kaya iniisip ng tao na si Pablo ay mas magaling kaysa kay Pedro, na ang kanyang gawa ay mas dakila, dahil kinaya niyang magbigay sa mga simbahan. Tumingin lamang si Pedro sa kanyang mga personal na karanasan, at nagtamo lang ng kaunting tao noong paminsan-minsan niyang gawa. Mula sa kanya ay mayroong mga kaunting di-kilalang mga kasulatan, ngunit sino ang nakakaalam kung gaano kadakila ang kanyang pag-ibig sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso? Mula umaga hanggang gabi, gumawa si Pablo para sa Diyos: Hangga’t mayroong gawain na dapat gawin, ginawa niya ito. Naramdaman niya na sa ganitong paraan ay makakayanan niyang makuha ang korona, at makakayanang mapasaya ang Diyos, ngunit hindi niya hinanap ang mga paraan upang baguhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga gawa. Ang kahit anong bagay sa buhay ni Pedro na hindi nagbibigay kasiyahan sa kalooban ng Diyos ay pinabagabag siya. Kung hindi nito napasaya ang kagustuhan ng Diyos, kung gayon makararamdam siya ng mataos na pagsisisi, at maghahanap ng isang angkop na paraan kung paano niya kayang mapagsumikapan na mapasaya ang puso ng Diyos. Sa kahit na pinakamaliit at pinaka di-makatwirang aspeto ng kanyang buhay, kailangan niya pa rin ang kanyang sarili upang pasayahin ang kalooban ng Diyos. Labis siyang mapaghanap pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa mga kinakailangan ng kanyang sarili upang umusad nang mas malalim pa sa katotohanan. Hinangad lamang ni Pablo ang mababaw na reputasyon at estado. Sinumpungan niyang ipagyabang ang kanyang sarili sa tao, at hindi sumumpong na gumawa ng mas malalim pang pag-unlad sa kanyang pagpasok sa buhay. Ang kanyang pinahalagahan ay ang doktrina, hindi ang katotohanan. Ani ng ibang tao, gumawa ng maraming gawain si Pablo para sa Diyos, bakit hindi siya ginunita ng Diyos? Gumawa lamang si Pedro ng kakaunting gawain para sa Diyos, at hindi nagbigay ng malaking ambag sa mga simbahan, kaya bakit siya ginawang perpekto? Minahal ni Pedro ang Diyos sa tiyak na punto, na siyang kinakailangan ng Diyos; ang mga ganoong klase lamang ng tao ang mayroong testimonya. At ano naman kay Pablo? Hanggang saang antas minahal ni Pablo ang Diyos, alam mo ba? Para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pablo? At para sa kapakanan ng ano ang gawa ni Pedro? Hindi masyadong gumawa ng gawain si Pedro, pero alam mo ba kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso? Ang gawa ni Pablo ay tumutukoy sa pagbibigay sa mga simbahan, at sa suporta ng mga simbahan. Ang naranasan ni Pedro ay mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay; naranasan niya ang pagmamahal ng Diyos. Ngayong alam mo na ang mga pagkakaiba sa kanilang mga katangian, makikita mo kung sino, sa dakong huli, ang totoong nanampalataya sa Diyos, at sino ang hindi tunay na naniwala sa Kanya. Isa sa kanila ay totoong nagmahal sa Diyos, at ang isa naman ay hindi; ang isa ay sumailalim sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ang isa ay hindi; ang isa ay sinamba ng mga tao, at naging isang dakilang anyo, at ang isa naman ay mapagpakumbabang naglingkod, at hindi madaling napansin ng mga tao; ang isa ay sumumpong ng kabanalan, at ang isa ay hindi, at kahit na hindi siya marumi, hindi siya nagkaroon ng busilak na pagmamahal; ang isa ay mayroong totoong pagkatao, at ang isa ay hindi; ang isa ay nagtataglay ng katinuan ng isang nilalang ng Diyos, at ang isa ay hindi. Ang mga iyon ay ang mga pagkakaiba sa katangian nina Pablo at Pedro. Ang landas na tinahak ni Pedro ay ang landas ng tagumpay, na siya ring landas ng pagkamit ng pagbawi sa normal na pagkatao at tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Kinakatawan ni Pedro ang lahat ng mga matagumpay. Ang landas na tinahak ni Pablo ay ang landas ng kabiguan, at kinakatawan niya ang lahat ng nagpapasakop lamang ng kanilang mga sarili at ginugugol nang mababaw ang kanilang sarili, at hindi tunay na minamahal ang Diyos. Kinakatawan ni Pablo ang lahat ng hindi nagtaglay ng katotohanan. Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, sumumpong si Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng kanyang ginawa, at sumumpong na sumunod ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni kaunting reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, masaklap na karanasan, at ang kakulangan sa kanyang buhay, wala sa nabanggit ang kayang baguhin ang kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig ng Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Ang pagkastigo, paghatol, at masaklap na karanasan—may kakayanan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ay ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kabusilakan ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha. Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, ngunit hindi ka sumusunod sa Kanya, at hindi ninyo kayang tunay na magmahal sa Kanya. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi maisasakatuparan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kung hindi maisusumpa pa ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at na suwail sa Diyos. Gusto mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi gusto ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nalalaman ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na suwail sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.

  Ani ng ibang tao, “Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at pumasan siya ng malalaking pasanin para sa mga simbahan at tumulong nang sobra sa mga ito. Pinagtibay ng labintatlong kasulatan ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at ito ay pangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maihahambing sa kanya? Walang sinuman ang makakaintindi ng Pagbubunyag ni Juan, datapwa’t ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawa na kanyang ginawa ay may benepisyo sa mga simbahan. Sino pa ang maaring makamit ang mga ganoong bagay? At ano ang gawain na ginawa ni Pedro?” Kapag sinusukat ng tao ang kanyang kapwa, ito ay ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ito ay ayon sa kanyang kalikasan. Sa lahat ng mga sumusumpong ng buhay, si Pablo ay isang tao na hindi alam ang kanyang sariling diwa. Siya ay, sa kahit anong paraan, hindi mapagpakumbaba o masunurin, ni hindi niya alam ang kanyang diwa, na siyang taliwas sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang taong hindi sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa sa katotohanan. Kaiba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga di-pagka-perpekto, mga kahinaan, at ang kanyang tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, at kaya nagkaroon siya ng landas ng pagsasagawa kung saan siya magbabago ng kanyang disposisyon; hindi siya isa sa mga nagkaroon lamang ng doktrina ngunit hindi nagtaglay ng katotohanan. Ang mga nagbago ay ang mga bagong tao na nailigtas na, sila ang mga angkop na ipagpatuloy ang katotohanan. Ang mga tao na hindi nagbago ay kabilang sa mga likas na lipas na; sila ay ang mga hindi nailigtas, iyon ay, silang mga kinamuhian at itinakwil ng Diyos. Sila ay hindi gugunitain ng Diyos kahit gaano pa kadakila ang kanilang gawa. Kapag iyo itong ikinumpara sa iyong sariling gawa, kung ikaw ang sa dakong huli ay kaparis ni Pedro o ni Pablo at dapat na maging maliwanag. Kung wala pa ring katotohanan sa bagay na iyong sinusumpungan, at kung kahit ngayon mayabang ka pa rin at walang-galang gaya ni Pablo, at mapagpabayang mapagmalaki pa rin gaya niya, kung gayon walang duda na ikaw ay isang masamang tao na nabibigo. Kung sumusumpong ka ng kaparehas ng kay Pedro, kung sumusumpong ka ng pagsasagawa at mga totoong pagbabago, at hindi mayabang o matigas ang ulo, ngunit sumusumpong na gawin ang iyong tungkulin, kung gayon ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magkamit ng tagumpay. Hindi nalaman ni Pablo ang kanyang sariling kabutihan o katiwalian, higit na kaunti ang kanyang alam sa kanyang sariling pagka-suwail. Hindi niya kailanman nabanggit ang kanyang kasuklam-suklam na pagsuway kay Kristo, ni hindi siya labis na nagsisisi. Nag-alay lamang siya ng maiksing paliwaag, at, sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya buong nagpasakop sa Diyos. Kahit na nahulog siya sa daan tungong Damasko, hindi siya tumingin sa kaibuturan ng kanyang sarili. Siya ay kontento lamang na manatiling gumagawa, at hindi isinaalang-alang na kilalanin ang kanyang sarili at baguhin ang kanyang dating disposisyon na pinakamahalaga sa lahat ng mga paksa. Siya ay nasiyahan na lamang sa pagsasalita ng katotohanan, na may pagbibigay sa iba bilang isang pampalubag para sa kanyang sariling konsensya, at hindi na inuusig ang mga disipulo ni Jesus upang aliwin ang kanyang sarili at patawarin ang kanyang sarili para sa kanyang mga kasalanan noon. Ang layon na kanyang hinangad ay walang iba kung hindi isang korona sa hinaharap at panandaliang gawa, ang layon na kanyang hinangad ay saganang biyaya. Hindi niya sinumpungan ang sapat na katotohanan, ni hindi siya sumumpong upang umunlad nang mas malalim sa katotohanan na hindi niya naunawaan noon. At kaya ang kanyang pagkakakilala sa kanyang sarili ay masasabing mali, at hindi niya tinanggap ang pagkastigo o paghatol. Na kinaya niyang gumawa ay hindi nangangahulugang mayroon siyang pagkakakilala ng kanyang sariling pag-uugali o katangian; ang kanyang tuon ay sa panlabas na pagsagawa lamang. Ang kayang pinagsumikapan, higit pa rito, ay hindi ang pagbabago, kundi ang kaalaman. Ang kanyang gawa ay ang kabuuang resulta ng pagpapakita ni Jesus sa daan tungo sa Damasko. Ito ay hindi isang bagay na kanyang orihinal na pinagpasiyahang gawin, ni hindi ito ang gawa na naganap matapos niyang tanggapin ang pagpungos ng kanyang dating disposisyon. Gaano man siya gumawa, ang kanyang dating disposisyon ay hindi nagbago, at kaya ang kanyang gawa ay hindi nagbayad-puri para sa kanyang mga dating kasalanan ngunit nagkaroon lamang ng tiyak na papel sa mga simbahan noong panahong iyon. Para sa isang taong gaya nito, na may dating disposisyon na hindi nagbago—ibig sabihin, siyang hindi nagkamit ng kaligtasan, at higit na walang katotohanan—siya ay lubos na walang kakayahang maging isa sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus. Hindi siya isang taong puno ng pagmamahal at paggalang para kay JesuCristo, ni hindi rin siya isang dalubhasa sa paghanap ng katotohanan, lalong mahirap na hanapin niya ang misteryo ng muling pagkakatawang-tao. Siya lamang ay isang tao na marunong sa panlilinlang, at isa na hindi padadaig sa kahit ano na higit sa kanya o nagtaglay ng katotohanan. Kinainggitan niya ang mga tao o ang mga katotohanan na taliwas sa kanya, o laban sa kanya, at higit na gusto ang mga likas na matalinong tao na nagpakita ng dakilang anyo at nagtaglay ng malalim na kaalaman. Hindi niya gustong makipagkapwa sa mga mahihirap na sumumpong sa tunay na daan at walang ibang pinahalagahan kung hindi ang katotohanan, at sa halip ay nagkaroon siya ng pagkabahala sa mga nakatataas na mga tao mula sa mga relihiyosong samahan na nagsalita lamang ukol sa mga doktrina, at nagtaglay ng masaganang kaalaman. Wala siyang pagmamahal ng bagong gawa ng Banal na Espiritu, at hindi gumusto sa pagsulong ng bagong gawa ng Banal na Espiritu. Sa halip, kanyang pinaburan ang mga regulasyon at mga doktrina na mas higit sa mga karaniwang katotohanan. Sa kanyang likas na diwa at sa kabuuan ng kanyang hinanap, hindi siya karapat-dapat na matawag na isang Kristiyano na nagsulong ng katotohanan, lalong hindi tapat na tagasilbi sa bahay ng Diyos, dahil ang kanyang pagbabalatkayo ay labis-labis, at ang kanyang pagkasuwail ay sobra-sobra. Kahit na siya ay kilala bilang tagasilbi ng Panginoong Jesus, hindi siya kahit kailan karapat-dapat na makapasok sa tarangkahan ng kaharian ng langit, dahil ang kanyang mga kilos mula noong una hanggang katapusan ay hindi maaaring tawaging matuwid. Kaya lamang siyang makita bilang isang taong mapagpaimbabaw, at gumawa ng di-pagkamatuwid, ngunit siya rin ay gumawa para ay Cristo. Kahit na hindi siya matatawag na masama, maaari siyang nararapat na matawag na isang tao na gumawa ng di-pagkamatuwid. Gumawa siya ng maraming gawain, ngunit hindi siya dapat na husgahan sa dami ng gawain na kanyang nagawa, ngunit sa kalidad nito at nilalaman lamang. Sa paraan lamang na ito posibleng malaman ang pinakaugat ng bagay na ito. Parati siyang naniwala: Kaya kong gumawa, ako ay mas magaling kaysa sa karamihan; ako ay may konsiderasyon sa pasanin ng Panginoon di gaya ninuman, at walang sinuman ang nagsisisi nang lubos kagaya ko, dahil ang dakilang liwanag ay kumislap sa akin, at nakita ko na ang dakilang liwanag, at kaya ang aking pagsisisi ay mas malalim kaysa sa sinuman. Sa oras na iyon, ito ay ang kanyang inisip sa kanyang puso. Sa katapusan ng kanyang gawa, sinabi ni Pablo: “Inilaban ko ang laban, natapos ko ang aking daan, at mayroong nakalaan para sa akin na korona ng pagkamatuwid.” Ang kanyang laban, gawa, at daan ay kabuuan lamang na para sa kapakanan ng korona ng pagkamatuwid, at hindi siya aktibong sumulong; kahit na hindi siya walang-interes sa kanyang gawa, masasabi na ang kanyang gawa ay para lamang punan ang kanyang mga pagkakamali, upang punan ang mga akusasyon ng kanyang konsensya. Umasa lamang siyang makumpleto ang kanyang gawa, matapos ang kanyang pinagdaraanan, at ilaban ang kanyang laban sa lalong madaling panahon, upang makaya niyang makamit ang kanyang inaasam na korona ng paglamatuwid kaagad. Ang kanyang inasam ay hindi upang makilala ang Panginoong Jesus sa kanyang mga karanasan at tunay na kaalaman, ngunit upang tapusin ang kanyang gawa sa lalong madaling panahon, upang kanyang matanggap ang mga gantimpala na ang kanyang gawa ay pakinabang para sa kanya nang makilala niya ang Panginoong Jesus. Ginamit niya ang kanyang gawain upang aliwin ang kanyang sarili, at upang gumawa ng isang kasunduan kapalit ng isang korona sa hinaharap. Ang kanyang hinanap ay hindi ang katotohanan o ang Diyos, ngunit ang korona lamang. Paano bang makaaabot sa pamantayan ang nasabing gawa? Ang kanyang pagkaudyok, kanyang gawa, ang halagang kanyang binayaran, at lahat ng kanyang mga pagsisikap—ang kanyang kahanga-hangang pantasya ay lumaganap sa lahat, at siya ay gumawa nang buo ayon sa kanyang sariling mga kagustuhan. Sa kabuuan ng kanyang gawa, walang kahit maliit na pagkukusa sa halagang kanyang binayaran; siya ay sumasali lamang sa isang kasunduan. Ang kanyang mga pagsisikap ay hindi ginawa nang kusa upang gawin ang kanyang tungkulin, ngunit ginawa nang kusa upang makamit ang layon ng kasunduan. Mayroon bang saysay ang mga nasabing mga pagsisikap? Sino ang makapupuri sa kanyang hindi dalisay na mga pagsisikap? Sino ang may interes sa mga nasabing mga pagsisikap? Ang kanyang gawain ay puno ng mga pangarap para sa hinaharap, puno ng mga kahanga-hangang plano, at hindi naglalaman ng landas kung saan kayang baguhin ang disposisyon ng tao. Labis sa kanyang kabaitan ay pagpapangggap; ang kanyang gawa ay hindi nagbigay ng buhay, ngunit ito ay isang paimbabaw na pagkamagalang; ito ay ang paggawa ng isang kasunduan. Paano maihahatid ng isang gawaing gaya nito ang tao tungo sa landas ng panunumbalik ng kanyang orihinal na tungkulin?

  Ang lahat ng hinanap ni Pedro ay ayon sa kalooban ng Diyos. Hinanap niyang maisakatuparan ang nais ng Diyos, at hindi alintana ang paghihirap at pasakit, maluwag pa rin sa loob niyang tuparin ang nais ng Diyos. Walang higit na paghahangad ang isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinanap ni Pablo at nabahiran ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga pagkaintindi, at ng kanyang sariling mga plano at pakana. Hindi siya sa kahit anong paraan isang angkop na nilalang ng Diyos, hindi isang tao na humanap na maisakatuparan ang nais ng Diyos. Hinanap ni Pedro na magpasakop sa katugmaan ng Diyos, at kahit na ang gawa na kanyang ginawa ay hindi dakila, ang pagkaudyok sa likod ng gawang ito at ang landas na kanyang tinahak ay tama; kahit hindi niya kinayang magkamit ng maraming tao, kinaya niyang hanapin ang landas ng katotohanan. Dahil dito maaaring sabihin na siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos. Sa ngayon, kahit na hindi ka manggagawa, dapat mong kayanin na gawin ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hanapin na magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Dapat ay kaya mong sundin ang kahit anong sinasalita ng Diyos, at maranasan ang lahat ng anyo ng masaklap na karanasan at pagpipino, at kahit ikaw ay mahina, sa iyong puso dapat mo pa ring kayaning mahalin ang Diyos. Sila na may pananagutan para sa kanilang sariling buhay ay malugod na ginagawa ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at ang pananaw ng ganoong mga tao tungo sa paggawa ay ang siyang nararapat. Sila ang mga taong kailangan ng Diyos. Kung ikaw ay gumawa ng maraming gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga itinuro, ngunit ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi naglahad ng kahit anong testimonya, o nagkaroon ng totoong karanasan, kung saan sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagtataglay ng testimonya, kung gayon ikaw ba ay isang tao na nagbago na? Ikaw ba ay isang taong nagsusulong ng katotohanan? Sa pahanong iyon, kinasangkapan ka ng Banal na Espiritu, ngunit nang kinasangkapan ka Niya, ginagamit Niya ang iyong bahagi na kayang gumawa, at hindi Niya ginamit ang iyong bahagi na hindi kayang gumawa. Kung iyong hinahanap na magbago, kung gayon marahan kang gagawing perpekto habang nasa proseso ng paggamit sa inyo. Ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi tumatanggap ng responsibilidad para sa kung makakamit ka o hindi sa dakong huli, at ito ay depende sa pamamaraan ng iyong paggawa. Kung walang mga pagbabago sa iyong personal na disposisyon, kung gayon ito ay dahil ang iyong pananaw tungo sa paggawa ay mali. Kung ikaw ay hindi biniyayaan ng isang gantimpala, kung gayon ito ay iyong sariling suliranin, at dahil ikaw mismo ay hindi nagsagawa ng katotohanan, at hindi kinayang maisakatuparan ang nais ng Diyos. At kaya, walang mas hahalaga pa kaysa sa iyong mga personal na karanasan, at walang mas mahalaga kaysa sa iyong personal na pagpasok! Sasabihin ng ilang tao, “Nakagawa na ako ng labis na gawa para sa Iyo, at kahit na wala pang tanyag na mga nagawa, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako puwedeng basta papasukin sa langit upang kainin ang bunga ng buhay?” Dapat mong malaman kung anong uri ng tao ang Aking nais; silang mga hindi dalisay ay hindi papayagang makapasok sa kaharian, silang mga hindi dalisay ay hindi pahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at gumawa sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pasukin ang Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na panuntunan, at walang sinuman ang makababali nito! Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, sila na gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay ang mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at malugod na maglahad ng testimonya sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang gagawing perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!

  Mula sa kaibahan sa diwa nina Pedro at Pablo dapat mong maunawaan na lahat ng hindi nagsusulong ng buhay ay gumagawa nang walang saysay! Nananampalataya ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, at kaya sa iyong puso ay dapat mong mahalin ang Diyos. Dapat mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, dapat hanaping maisakatuparan ang nais ng Diyos, at dapat na magawa ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil ikaw ay nananampalataya at sumusunod sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi dapat na gumawa ng mga personal na pagpili o pangangailangan, at dapat kang magkamit ng pagsasakatuparan ng nais ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoon na lumikha sa iyo, dahil ikaw ay likas na walang kapangyarihan sa iyong sarili, at walang kakayahan na kontrolin ang iyong tadhana. Dahil ikaw ay isang tao na nananampalataya sa Diyos, dapat kang sumumpong ng kabanalan at pagbabago. Dahil ikaw ay nilalang ng Diyos, dapat kang umayon sa iyong tungkulin, at panatilihin ang iyong lugar, at hindi dapat lumampas sa iyong tungkulin. Ito ay hindi upang pilitin ka, o upang sugpuin ka sa pamamagitan ng doktrina, ngunit ito ay ang landas kung saan magagawa mo ang iyong tungkulin, at maaaring makamit—at dapat na makamit—ng lahat ng siyang gumagawa ng pagkamatuwid. Kung iyong ikukumpara ang kalooban nina Pedro at Pablo, kung gayon malalaman mo kung paano kayo dapat sumumpong. Sa mga landas na tinahak ni Pedro at Pablo, ang isa ay ang landas ng gagawing perpekto, at ang isa ay ang landas ng pag-alis; si Pedro at Pablo ay kumakatawan ng dalawang magkaibang landas. Kahit ang bawat isa ay tumanggap ng gawa ng Banal na Espiritu, at ang bawat isa ay nagkamit ng kaliwanagan at pag-ilaw ng Banal na Espiritu, at bawat isa ay tumanggap ng bagay na ipinagkatiwala sa kanila ng Panginoong Jesus, ang bunga na isinilang sa bawat isa ay hindi magkatulad: Ang isa ay ang tunay na nagtaglay ng bunga, at ang isa ay hindi. Mula sa kanilang mga diwa, ang gawain na kanilang ginawa, na siyang panlabas na ipinahayag nila, at ang kanilang mga huling katapusan, dapat mong maunawaan kung aling landas ang dapat mong tahakin, aling landas ang dapat mong piliin upang lakaran. Naglakbay sila sa dalawang malinaw na magkaibang mga landas. Si Pablo at Pedro, sila ay mga kabuuran ng bawat landas, at kaya mula noong pinakauna sila ay inabala upang maging sagisag ng dalawang landas na ito. Ano ang mga pangunahing punto ng mga karanasan ni Pablo, at bakit hindi niya ito nakamit? Ano ang mga pangunahing punto ng mga karanasan ni Pedro, at paano niya naranasan ang ginagawang perpekto? Kung iyong ikukumpara kung ano ang kanilang mga pinahahalagahan, kung gayon malalaman mo kung anong eksaktong uri ng tao ang kinakailangan ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos, ano ang disposisyon ng Diyos, anong uri ng tao ang gagawing perpekto sa dakong huli, at ganoon din ang uri ng tao na hindi gagawing perpekto, kung ano ang disposisyon ng mga gagawing perpekto, at ang disposisyon ng mga hindi gagawing perpekto—ang mga paksang ito ng diwa ay maaaring makita sa mga karanasan ni Pedro at Pablo. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at kaya ginagawa Niya ang lahat ng paglikha sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan, at magpasakop sa Kanyang kapangyarihan; Siya ang mag-uutos sa lahat ng bagay, upang ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Ang lahat ng nilikha ng Diyos, pati na rin ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, mga bundok at mga ilog, at ang mga lawa—lahat ay dapat sumailalim sa Kanyang dominyon. Ang lahat ng bagay sa kalangitan at sa lupa ay dapat sumailalim sa Kanyang dominyon. Hindi sila maaaring magkaroon ng kahit anong pagpili, at lahat ay dapat magpasakop sa Kanyang pagtutugma. Ito ay pinagpasiyahan ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos. Inuutos ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na ang bawat isa ay ibinukod ayon sa uri, at pinaglaanan ng kanilang sariling posisyon, ayon sa kagustuhan ng Diyos. Kahit gaano pa ito kadakila, walang kahit anong bagay ang makakahigit sa Diyos, at lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhan na nilikha ng Diyos, at walang bagay ang mangangahas na hindi sumunod sa Diyos o humingi ng kahit anong pangangailangan sa Diyos. At kaya ang tao, bilang isang nilalang ng Diyos, dapat ring gumawa ng tungkulin ng tao. Hindi alintana kung siya ay panginoon o pinuno ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang estado ng tao sa lahat ng bagay, siya pa rin ay isang maliit na tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, at ito ay hindi higit kaysa sa isang karaniwang tao, isang nilalang ng Diyos, at siya ay hindi kailanman magiging higit sa Diyos. Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat sumumpong ang tao na gawin ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at sumumpong na mahalin ang Diyos na hindi gumagawa ng ibang mga pagpili, dahil ang Diyos ay karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Ang mga sumusumpong na magmahal sa Diyos ay hindi dapat maghanap ng kahit anong personal na pakinabang o ang kanilang personal na inaasam; ito ay ang pinakatamang paraan ng paggawa. Kung ang iyong hinahanap ay ang katotohanan, ang iyong isagawa ay ang katotohanan, at kung ano ang iyong matamo ay isang pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon ang landas na iyong tinatahak ay ang tamang landas. Kung ang iyong hinahanap ay ang mga biyaya ng laman, at ang isagawa mo sa ay ang katotohanan ng iyong sariling pagkaintindi, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at ikaw ay hindi kailanman masunurin sa Diyos sa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, kung gayon ang iyong sinusumpungan at siguradong dadalhin ka sa impyerno, dahil ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kayo man ay gagawing perpekto o aalisin ay depende sa iyong gawa, sa madaling sabi “ang tagumpay o pagkabigo ay depende sa landas na tinatahak ng tao.”
 Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento