Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post

Mayo 25, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo....Sa inyong mga buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, kaya’t madalian Kong hinihingi na kayo ay maging mga tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan.

Mayo 8, 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Paano Malalaman at Ituturing ang Katunayan ng Soberanya ng Diyos sa Kapalaran ng Tao

Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan
Sa madaling salita, sa ilalim ng awtoridad ng Diyos bawat tao ay aktibo o walang kibo na tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan at Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa ang isa ay nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay, kahit gaano pa kadami ang mga baluktot na daan na nilalakaran ng isa, sa katapusan ang isa ay babalik sa orbit ng kapalaran na iginuhit ng Manlilika para sa kanya. Ito ang kawalan ng kayang gumapi ng awtoridad ng Maylalang, ang paraan na kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang kawalan ng kayang gumaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala, na may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na hinahayaan ang mga taong magpalipat-lipat muli’t muli nang walang panghihimasok, na nagpapainog sa mundo ng regular at nagpapasulong, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan mo ang lahat ng mga katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, kahit na sa mababaw o mapataimtim; ang lalim ng iyong pagkaunawa ay nakabatay sa iyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at iyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan. Kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kainam na nakikilala ang diwa at disposisyon ng Diyos—ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa kung ang mga nilalang na tao ay napapasailalim sa kanila?

Mayo 7, 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Pagsasarili: Ang Ikatlong Sugpungan

Matapos madaanan ng isang tao ang pagkabata at kabataan at unti-unti at di-maiiwasan ang pagdating sa pagkahinog sa gulang, ang susunod na hakbang ay ganap na pamamaalam ng tao sa kanyang kabataan, pagpapaalam nila sa kanilang mga magulang, at pagharap sa daan bilang isang nagsasariling may sapat na gulang. Sa puntong ito[c]dapat nilang harapin ang lahat ng mga tao, pangyayari, at bagay na dapat na kinakaharap ng isang taong may sapat na gulang, harapin ang lahat ng mga koneksyon sa tanikala ng kanilang buhay. Ito ang ikatlong sugpungan na dapat madaanan ng isang tao.

Agosto 7, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

Hulyo 17, 2018

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay

Kidlat ng Silanganan,Makapangyarihang Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Tinataglay Niya ang paghahari sa lahat ng mga bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang makakapagpalaya ng kanilang mga sarili sa Kanyang paghahari? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang paghahari. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang umiiral at Siyang nagtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang nang ibang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mamahala sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ay laging magtataglay sa paghahari sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at mauunawaan ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.

Hulyo 6, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

——————————
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Hulyo 5, 2018

"Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)



.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸♪

I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

II
Ang gayong Diyos ay ginagawa kang sambahin S'ya,
hangaan S'ya, kumapit sa Kanya, yapusin S'ya,
pinangangambahan mong mawala,
ayaw mo nang talikuran at suwayin,
o iwasan at layuan.
S'ya'y nais mo lang kalingain, sundin,
suklian sa lahat N'yang binibigay,
magpasailalim sa Kanyang kaharian.
Ika'y 'di na tumatanggi sa Kanyang gabay,
tustos, kalinga, at kanlong;
ika'y 'di na sumasalungat sa Kanyang paghahari at panukala.
Tanging nais mo'y sundin S'ya, makasama S'ya;
tanggapin S'ya na iyong nag-iisang buhay,
nag-iisang Panginoon at Diyos.


mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hunyo 25, 2018

Salita ng Diyos | Ang Landas... (7)



▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄▄─▄
    

     Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?

Abril 29, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaapat na Pagbigkas

Ang Kalooban ng DiyosAng Ikaapat na Pagbigkas

  
    Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking bayan na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, sapagka’t binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking bayan? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong Aking itinalaga, ikaw ay tiyak na aalisin at ihahagis sa napakalalim na hukay sa pangalawang pagkakataon. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangang Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng isang huwaran para sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon nagdaranas pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:

Abril 19, 2018

Ang tinig ng Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos



     Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagtalima sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita ng Diyos, at kainin at inumin nila ang mga salita ng Diyos, at ito ay kanilang isagawa, upang makamit nila ang pagtalima sa Diyos. Kung ang iyong mga dahilan ay totoong ganoon, siguradong itatanghal ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagpala Siya tungo sa iyo. Walang sinuman ang kayang pagdudahan ito, at walang makapagbabago nito. Kung ang iyong mga adhikain ay hindi para sa kapakanan ng pagtalima sa Diyos, at mayroon kang ibang mga layunin, kung gayon ang lahat ng iyong sinasabi at ginagawa—ang iyong mga dasal sa harapan ng Diyos, at kahit ang bawa’t kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Diyos. Maaaring ikaw ay may malumanay na pananalita at marahang pag-uugali, ang bawa’t kilos mo at pagpapahayag ay maaaring tama kung tingnan, maaaring lumilitaw ka bilang isa na tumatalima, subali’t pagdating sa iyong mga adhikain at mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, lahat ng iyong ginagawa ay pagsalungat sa Diyos, at masama. Ang mga taong nagpapakita na parang tumatalima gaya ng tupa, subali’t ang mga puso ay nagkakandili ng mga masasamang hangarin, ay mga lobo na nakadamit-tupa, sila ay direktang nagkakasala sa Diyos, at ang Diyos ay walang ititira kahit isa sa kanila. Ang Banal na Espiritu ang siyang magbubunyag sa bawa’t isa sa kanila, upang makita ng lahat na ang bawa’t isa sa kanila na mapagkunwari ay siguradong kamumuhian at itatakwil ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Ang Diyos ang siyang makikitungo at magpapasya sa kanila nang isa-isa.

Marso 28, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Kidlat ng Silanganan,Makapangyarihang Diyos,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.
Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi maging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehovah ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kaya sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.

Marso 19, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosIsang Himno ng mga Salita ng Diyos
Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas


I
Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya.
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa
pag-aalis ng inaasam ng tao,
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa,
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.
II
Dahil Diyos ang gumagawa sa tao,
tao ay may hantungan at kapalaran niya ay tiyak,
kapalaran n'ya'y tiyak.
Ang ninanasa't hinahabol ng tao'y
mga hinahangad nila pag nadadala ng
mga maluhong pagnanasà ng laman,
sa halip na ang hantungan,
hantungang laan sa tao.
Ang naihanda ng Diyos sa tao, sa kabilang banda,
ay mga pagpapala't
pangakong laan sa tao pag nadalisay s'ya,
inihanda ng Diyos sa kanya matapos mundo'y likhain.
Mga pagpapala't pangakong yao'y hindi
guni-guni at pagka-intindi lang ng tao,
o pagpili niya't laman.
III
Hantungang ito'y hindi inihanda para sa partikular na tao,
sa partikular na tao,
kundi dakong pahingahan ng buong sangkatauhan.
Ito ang pinakawastong hantungan,
wastong hantungan ng sangkatauhan.
Ito ang pinakawastong hantungan,
hantungan ng sangkatauhan.


Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Marso 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

      
    Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nang gawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walang maaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ng araw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyang gawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanang tinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ng Diyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Pebrero 25, 2018

Kristianong Awitin | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosSa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.
II
Dumarating ang Diyos sa lupa sa mga huling araw,
upang makilala Siya sa ministeryo ng salita.
Sa salita'y kita lahat kung sino Siya,
ang dunong at mga dakila Niyang gawa.
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
sa salita nilulupig ng Diyos ang tao.
Darating rin ang mga salita Niya sa
lahat ng dibisyon, sekta, saklaw, at denominasyon.
Sa salita'y lulupigin Niya sila,
upang makita ng lahat ang awtoridad at kapangyarihang dala ng salita Niya.
Kaya salita lang ng Diyos ang nasa harap mo ngayon.
III
Sa paghayag ng kapangyariha't awtoridad ng salita ng Diyos,
lahat nang sinabi ng Diyos ay kailangang maganap,
at isa-isang matutupad.
Kaya maluluwalhati ang Diyos sa mundo,
na salita Niya'y maghahari.
Sa mga salita ng Diyos,
masasama'y nakastigo, at matutuwid ay napagpala.
Nakumpleto't naitatag lahat sa mga salita ng Diyos.
Ginaganap lahat ng Diyos sa salita nang walang mga himala,
reyalidad ay sa salita Niya.
Sa Kapanahunan ng Kaharian, gawa ng Diyos sa salita ginagawa.
Sa salita, nakakamit Niya mga resulta ng gawain Niya,
walang mga kababalaghan at himala;
Sa salita lamang Siya gumagawa.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Pebrero 24, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan

I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.
II
Tanging paglilinis na ito
ang makakapagtanggal sa di pagkamatuwid.
Ang pagkastigo at paghatol na ito
ay nagbubunyag sa pagsuway ng tao,
sa gayo'y pinaghihiwalay ang mga ligtas sa mga sinumpa,
at ang mga mananatili sa mga hindi.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.
V
Sa huli ay parurusahan ng Diyos ang kasamaan
at gagantimpalaan ang mabuti
upang lubos na linisin ang sangkatauhan
at dalhin sila sa walang hanggang kapahingahan.
Ito'y huli't mahalagang yugto para gawing ganap gawain ng Diyos.
Kung ang masama ay mananatili,
ang sangkatauhan ay hindi makakapasok sa kapahingahan.
Kapag natapos S'ya, buong sangkatauha'y magiging banal,
at saka payapang makakapamuhay ang Diyos sa kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pebrero 23, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"



Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos |  Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | "Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan"

   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw."

Rekomendasyon: Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




Pebrero 17, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos



Mga himno ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos

I
Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay,
ay tiniwali at nalinlang ni Satanas,
ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos,
at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos.
Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap
sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.
II
Ang likas na ugali ng sangkatauhan ay hindi nagbago.
Ang tao ay umaasa pa rin sa kanyang mga mata upang makakita,
sa kanyang mga tainga upang makarinig,
sa kanyang utak para mag-isip, sa kanyang puso upang makaunawa,
sa kanyang mga paa para maglakad,
sa kanyang mga kamay upang gumawa, at iba pa;
ang lahat ng mga likas na ugali ipinagkaloob ng Diyos sa tao
upang makakuha ng Kanyang probisyon mananatiling hindi nagbabago.
Ang mga kakayahan ng sangkatauhan ay hindi nagbago,
sa pamamagitan ng kung saan siya ay nakikipagtulungan sa Diyos
at tinutupad ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang.
Ang kanyang espirituwal na mga pangangailangan ay hindi nagbago;
ang kanyang nais na matagpuan ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago.
Ang paghahangad ng sangkatauhan upang maligtas
sa pamamagitan ng Lumikha ay hindi nagbago.
Ito ang kalagayan ng sangkatauhan,
na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos,
at sino ang nananatili sa madugong pagkalipol na gawa ni Satanas.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan

 Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pebrero 9, 2018

Kabanata 4 Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng Gawain ng Diyos ng mga Huling Araw |1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

 1. Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos |  Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.

      Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
    Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.

Pebrero 3, 2018

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

1. Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay. 

      Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
   Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Siya ang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang maaaring maglabas ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang kataasan? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang kataasan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang tunay na umiiral at Siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang iba pang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ang palaging pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at maaabot ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.
     mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos”
     sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang        makatatakas sa Kanyang kontrol.