Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, pati, kabilang dito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, dapat mo munang malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.
Ano ang sinasaklaw sa pagpapahayag ng Espiritu? Minsan ang praktikal na Diyos ay gumagawa sa pagkatao, at kung minsan sa pagka-Diyos—ngunit sa kabuuan, namamahala ang Espiritu sa parehong pagkakataon. Anuman ang espiritu sa loob ng mga tao, gayon din ang kanilang panlabas na pagpapahayag. Gumagawa nang normal ang Espiritu, nguni’t mayroong dalawang bahagi sa Kanyang direksyon sa Espiritu: Isang bahagi ang Kanyang gawain sa pagkatao, at ang isa ay sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos. Dapat mong malaman ito nang malinaw. Ang gawa ng Espiritu ay nag-iiba ayon sa mga pagkakataon: Kapag ang Kanyang gawaing pantao ang kailangan, ginagabayan ng Espiritu ang gawaing pantao na ito, at kapag ang Kanyang gawaing Diyos ang kailangan, ang pagka-Diyos ay direktang lilitaw upang isagawa ito. Dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao at lumilitaw bilang katawang-tao, pareho Siyang gumagawa sa pagkatao at sa pagka-Diyos. Ang Kanyang gawain sa pagkatao ay ginagabayan ng Espiritu, at upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao sa katawang-tao, upang mapadali ang kanilang pakikisalamuha sa Kanya, upang hayaan silang makita ang katotohanan at pagka-karaniwan ng Diyos, at upang hayaan silang masaksihan na ang Espiritu ng Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay nabibilang sa tao, naninirahan kasama ng tao, at nakikisalamuha sa tao. Ang Kanyang pagka-Diyos na gawain ay upang tustusan ang buhay ng tao, at ginagabayan sa lahat ang mga tao mula sa positibong pananaw, binabago ang disposisyon ng mga tao at pinahihintulutan silang tunay na masaksihan ang pagpapakita ng Espiritu sa katawang-tao. Pinakamahalaga, ang paglago sa buhay ng tao ay direktang nakakamit sa pamamagitan ng gawa at mga salita ng Diyos sa pagka-Diyos. Tanging kung tatanggapin ng mga tao ang gawa ng Diyos sa pagka-Diyos, maaari nilang makamit ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon, doon lamang sila maaring maging bantad sa kanilang espiritu; tanging kung may dagdag dito na gawain sa pagkatao—pagpapastol, tulong, at pagtustos ng Diyos sa pagkatao—maaaring mapalugod ng tao ang kalooban ng Diyos. Kung susunod sila sa mga utos, dapat makilala man lang ng mga tao ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, nang walang pagkalito. Sa ibang salita, dapat maunawaan ng mga tao ang mga alituntunin ng pagsunod sa mga utos. Ang pagsunod sa mga utos ay hindi nangangahulugan ng pagsunod sa mga ito nang walang pagpaplano o kahit paano, kundi ang pagsunod sa mga ito nang may batayan, may layunin, at may mga prinsipyo. Ang unang bagay na dapat makamit ay maging malinaw ang iyong mga pangitain. Ang praktikal na Diyos Mismo na binabanggit ngayon ay gumagawa sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang ganap na banal na gawain ay nakamit. Ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay pinag-isa, at ang parehong gawa ay[a] naipatupad gamit ang mga salita; ito man ay sa pagkatao o pagka-Diyos, binibigkas Niya ang mga salita. Kapag ang Diyos ay gumagawa sa pagkatao, Siya ay nagsasalita sa wika ng sangkatauhan, upang magawang makibahagi at maunawaan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay sinasabi nang malinaw, at madaling maunawaan, upang sila ay maibahagi sa lahat ng tao; hindi alintana kung ang mga taong ito ay may angking kaalaman, o mababa ang pinag-aralan, silang lahat ay maaring tumanggap ng mga salita ng Diyos. Ang gawa ng Diyos sa pagka-Diyos ay ipinapatupad gamit ang mga salita, ngunit ito ay puno ng pagtustos, puno ng buhay, walang-bahid ng mga ideya ng tao, hindi ito kinabibilangan ng mga kagustuhan ng tao, at ito ay walang limitasyong pantao, ito ay sa labas ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; ito, rin, ay ipinapatupad sa katawang-tao, ngunit ito ang direktang pahayag ng Espiritu. Kung tatanggapin lamang ng mga tao ang gawa ng Diyos sa pagkatao, pagkatapos ay pananatilihin nila ang kanilang sarili sa isang tiyak na hangganan, at sa gayon mangangailangan ng pampalagiang kasunduan, pagpupungos, at disiplina upang magkaroon ng bahagyang pagbabago sa kanila. Kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, gayunman, sila ay laging dudulog sa kanilang lumang mga pamamaraan; ito ay sa pamamagitan lamang ng gawain ng pagka-Diyos na ang mga karamdaman at mga kakulangang ito ay maaaring maitama, doon lamang magagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pagkakasundo at pagpupungos, ang kinakailangan ay positibong pagtustos, gamit ang mga salita upang mapunan ang lahat ng mga pagkukulang, ang paggamit ng mga salita upang mabunyag ang bawa’t kalagayan ng mga tao, ang paggamit ng mga salita upang pamahalaan ang kanilang mga buhay, ang kanilang bawa’t binibigkas, ang kanilang bawa’t pagkilos, upang mailantad ang kanilang mga layunin at adhikain; ito ay ang tunay na gawa ng praktikal na Diyos. At sa gayon, ang iyong saloobin sa praktikal na Diyos ay dapat parehong ipasakop sa harap ng Kanyang pagkatao, kinikilala at tinatanggap Siya, at, saka, dapat mo ring tanggapin at sundin ang gawain at salitang banal. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong pinamamahalaan ang Kanyang gawaing pantao at ipinapatupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ay ang tunay na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t-ibang bahagi ng Diyos, at titigil upang mailagay sa mataas na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at maging sobrang mapagmaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka tutungo sa mga sukdulan, o kahit na ano mang likuan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal.
Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pagkatao ay mayroong mga yugto ng pagbabago. Sa paggawa sa sangkatauhan na maging perpekto, inaangkop Niya ang Kanyang pagkatao na makatanggap ng direksyon ng Espiritu, matapos nito ang Kanyang pagkatao ay maaaring magtustos at magpastol sa mga iglesia. Ito ay isang pagpapahayag ng normal na gawa ng Diyos. Kaya, kung malinaw mong nakikita ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa sangkatauhan, sa gayon malamang hindi ka magkaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa gawain ng Diyos sa sangkatauhan. Di alintana kung ano pa man, ang Espiritu ng Diyos ay hindi maaaring magkamali. Siya ay tama, at walang kamalian; hindi Siya gagawa ng anumang hindi wasto. Ang banal na gawain ay ang direktang pagpapahayag ng kalooban ng Diyos, na walang panghihimasok ng pagkatao. Hindi ito sumasailalim sa pagka-perpekto, ngunit direktang mula sa Espiritu. At gayon pa man, na nakakagawa Siya sa pagka-Diyos ay dahil sa Kanyang normal na pagkatao; hindi ito kapani-paniwala sa pinakamaliit na paraan, at mukhang ipinapatupad ng isang normal na tao; nagmula ang Diyos sa langit patungo sa lupa pangunahin upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao, upang gawing ganap ang gawain ng Espiritu ng Diyos gamit ang katawang-tao.
Ngayon, ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos ay nananatiling masyadong naka-isang-panig, at ang kanilang pag-unawa sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay napaka-katiting pa rin. Pagdating sa katawang-tao ng Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang gawa at mga salita, nakikita ng mga tao ang Espiritu ng Diyos na napakaraming sakop, na Siya ay napakayaman. Ngunit, hindi alintana, ang patotoo ng Diyos ay ganap na mula sa Espiritu ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagkatao, at kung ano ang Kanyang ginagawa sa pagka-Diyos. Ngayon magagawa mong sambahin na ang taong ito, ngunit sa katunayan ikaw ay sumasamba sa Espiritu. Ito man lang kahit papaano ang dapat makamit ng kaalaman ng tao sa Diyos nagkatawang-tao: ang pagkilala sa diwa ng Espiritu sa pamamagitan ng katawang-tao, ang pagkilala sa banal na gawain ng Espiritu sa katawang-tao at gawaing pantao sa katawang-tao, tinatanggap ang lahat ng mga salita ng Espiritu at mga pagbigkas sa katawang-tao, at nakikita kung paano pinamamahalaan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at itinatanghal ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang tao ay nakikilala ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa tao ay nagwawaksi ng malabong Diyos Mismo sa mga pagkaintindi ng mga tao; ang pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ay nadagdagan ang kanilang pagsunod sa Diyos; at sa pamamagitan ng banal na gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at gawaing pantao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pagbubunyag at pagpapastol, at ang mga pagbabago ay nakamit sa kanyang disposisyon sa buhay. Tanging ito lamang ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, at pangunahin ito upang ang mga tao ay maaaring makipag-ugnayan sa Diyos, umaasa sa Diyos, at naaabot ang kaalaman sa Diyos.
Sa pangunahin, ano ang dapat na saloobin ng mga tao tungo sa praktikal na Diyos? Ano ang iyong alam sa pagkakatawang-tao, ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, sa mga gawa ng praktikal na Diyos? At ano ang pangunahing sinasabi ngayon? Ang pagkakatawang-tao, ang pagdating ng Salita sa katawang-tao, at ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao—dapat maunawaan ang lahat ng ito. Batay sa inyong tayog, at sa panahon, dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga isyung ito; sa panahon ng inyong mga karanasan sa buhay, dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga isyung ito, at dapat magkaroon ng isang malinaw na kaalaman. Ang pamamaraan kung saan nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay ang kaparehong pamamaraan kung saan nakikilala nila ang pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalong nakikilala nila ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo na gawa ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, Kanyang pinapaalam sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawa ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, at upang ipakita sa kanila na ang Espiritu ng Diyos ay talagang nagpakita sa harapan ng tao. Kapag ang mga tao ay nakamtan ng Diyos at nagawang perpekto ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos ay nalupig sila, nabago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos, at ibinigay ang Kanyang buhay sa loob nila, pinupuspos sila ng kung ano Siya (ito man ay kung ano Siya na pagkatao, o kung ano Siya sa pagka-Diyos), pinuspos sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at hinahayaang isabuhay ng mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag nakakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at pagbigkas ng praktikal na Diyos upang pakitunguhan ang mga kakulangan ng tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na disposisyon, na nagdudulot sa kanilang makamit ang kanilang kailangan, at ipinapakita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa tao. Pinakamahalaga, ang gawain na ginawa ng praktikal na Diyos ay ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, paglayo sa mga ito mula sa lupain ng karumihan, at pagpawaksi sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Ang pinaka-malalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng praktikal na Diyos ay ang magawa bilang isang huwaran ang praktikal na Diyos, bilang isang modelo, at mamuhay na normal na pagkatao, makayanang magsagawa ayon sa mga salita at mga kinakailangan ng praktikal na Diyos, nang walang kahit na maliit na paglihis o pag-alis, isinasagawa sa paanong paraan ang Kanyang sinasabi, at nagagawang matamo ang anumang hinihiling Niya. Sa ganitong paraan, nakamit mo na ang Diyos. Kung ikaw ay nakamit ng Diyos hindi mo lamang angkin ang gawa ng Banal na Espiritu; higit sa lahat, naisasa-buhay mo ang mga pangangailangan ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawa ng Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang susi ay kung kaya mo ba kumilos ayon sa mga pangangailangan ng praktikal na Diyos sa iyo, na nag-uugnay kung ikaw ay nakakayang makamit ng Diyos. Ang mga bagay na ito ang pinakamalaking kahulugan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang Diyos ay nakakamit ang isang grupo ng tao sa pamamagitan ng tunay at aktwal na pagkakatawang-tao at pagiging buhay na buhay at totoong buhay, na nakikita ng mga tao, na talagang ginagawa ang gawain ng Espiritu sa katawang-tao, at sa pagkilos bilang huwaran para sa tao sa katawang-tao. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay una sa lahat upang makayang makita ng mga tao ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magkatotoo ang walang hugis na Espiritu sa katawang-tao, at hayaan ang mga tao na makita at madama Siya. Sa ganitong paraan, ang mga nagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, ang mga ito ay makakamit Niya, at magiging ayon sa Kanyang puso. Kung ang Diyos ay nagsalita lamang sa langit, at hindi aktwal na dumating sa lupa, ang mga tao ay maaring hindi pa rin magagawang makilala ang Diyos, maari lamang silang mangaral ng mga gawa ng Diyos ginagamit ang walang laman na teyorya, at hindi magkakaroon ng mga salita ng Diyos bilang realidad. Ang Diyos ay pangunahing naparito sa lupa upang kumilos bilang isang huwaran at modelo para sa mga taong makakamit ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring makilala ng mga tao ang Diyos, at mahipo ang Diyos, at makita Siya, at doon lamang sila maaaring tunay na makamit ng Diyos.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabing “at ang dalawa ay.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento