Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God
God says, “This time, God comes to do work not in a spiritual body but in a very ordinary one. Not only is it the body of God’s second incarnation, but also the body in which God returns. … This insignificant flesh is the embodiment of all the words of truth from God, that which undertakes God’s work in the last days, and an expression of the whole of God’s disposition for man to come to know” (The Word Appears in the Flesh).

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagsamba. Ipakita ang lahat ng mga post

Agosto 6, 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa Diyos




Tagalog Worship Songs | Ang Sansinukob at Kalawakan Nagpupuri sa Diyos
I
Ay ... mga awiting kayrami, mga sayaw kay ganda;
sansinukob at dulo ng lupa, naging kumukulong dagat.
Ay ... langit ay bago, lupa ay bago.
Sansinukob nagpupuri; tayo'y sumisigaw, tumatalon sa tuwà.
Bundok sama-sama, tubig sama-sama, kapatiran puso sa puso.

Agosto 4, 2019

Tagalog Worship Songs | Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso




Tagalog Worship Songs| Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso

I La … la la la … la la la…. La … la la la … la la la … la…. Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan. O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa. Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko. Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos. Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam. Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...) Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.

Hulyo 31, 2019

Tagalog Gospel Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord



Tagalog Gospel Songs | "Dalawang Libong Taon ng Pananabik" | Meet With the Lord


Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang 
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito? 

Disyembre 8, 2017


"Sino Ang Aking Panginoon"—Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"

Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na "Ang Biblia ay mga salita ng Diyos," at "Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon." Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Disyembre 4, 2017

Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-iral ng Sangkatauha’y Nakasalalay sa Diyos

Di basta parusa ang huling gawa ng Diyos,

ito’y para hantungan ng tao’y isaayos,
para rin kilalanin ng lahat ang Kanyang ginawa.
Nais Niyang makita ng tao na lahat ng ‘to ay tama,
at pahayag ng likas Niyang disposisyon.
Kung walang D’yos, tao’y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo’y ‘di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao’y ‘di susulong;
kung walang Diyos, tao’y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.
Tao’y haharap sa gabing malamig
sa ‘di-matakasang libis ng lilim ng kamatayan.
Diyos ang tanging kaligtasan at pag-asa,
pag-iral ng tao’y nakasalalay sa Kanya.
Hindi ‘to gawa ng tao, ni tao’y likha ng kalikasan.
Kung ‘di Diyos ang nagbibigay-buhay sa bawa’t kaluluwa sa buong sangnilikha.
Kung walang D’yos, tao’y maglalaho at sasalutin ng kalamidad;
luntiang mundo’y ‘di na muling makikita,
pati kagandahan ng araw at buwan.
Kung walang Diyos, tao’y ‘di susulong;
kung walang Diyos, tao’y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig sa Kanya.
Ang nagáwâ ng Diyos ‘di kayang gawin ng kahit sino.
Umaasa S’yang mabayaran ng tao ng mabuting gawa,
ng mabubuting mga gawa.
Kung walang Diyos, tao’y ‘di susulong;
kung walang Diyos, tao’y magdurusa
aapakan lang ng lahat ng uring espiritu,
kahit walang nakikinig,
kahit walang nakikinig sa Kanya.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyosdahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Nobyembre 12, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (1)

Kaalaman, Jesus, Iglesia, pagsamba, maghintay

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (1)

    Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.

Nobyembre 4, 2017

Ang tinig ng Diyos|Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo

Kaalaman, Praktikal, buhay, Diyos, pagsamba

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Tao, at ang Salita na bumubuo sa Mismong Praktikal na Diyos, at ito ang tunay na kahulugan na Siya Mismo ang Praktikal na Diyos. Kung kilala mo lamang ang Tao—kung alam mo ang Kanyang mga gawi at pagkatao—subalit hindi alam ang gawa ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at nagbibigay-pansin lamang sa Espiritu, at sa Salita, at nananalangin lamang sa Espiritu, hindi alam ang gawa ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, ito ay nagpapatunay na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pag-kilala at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pagunawa sa mga patakaran at prinsipyo ng gawa ng Banal na Espiritu, at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, pati, kabilang dito ang pagkilala sa bawa't pagkilos ng Diyos sa katawang-tao ay pinamumunuan ng Espiritu, at ang mga salita na Kanyang binibigkas ay direktang pahayag ng Espiritu. Kaya, kung nais mong makilala ang praktikal na Diyos, dapat mo munang malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; dito, naman, patungkol sa mga pahayag ng Espiritu, na pinagkakaabalahan ng lahat.

Oktubre 30, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng pagsamba - Ang Tinig ng Puso ng Isang Nilalang

Nais kong umiyak nguni't walang maiyakan.
Nais kong umawit nguni't walang maawit.
Nais kong ipahayag pag-ibig ng isang nilalang.
Naghahanap saan-saan, ngunit nadarama'y di masabi.
Praktikal at tunay na Diyos, pag-ibig sa puso ko.
Kamay 'tinataas sa pagpupuri't galak, naparito Ka sa mundo.