Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan
Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon, nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.
Pagkalipas ng dalawang buwan, muling inilagay ako ng iglesia sa grupo ng pagbabago upang tuparin ang aking tungkulin. Noong una akong dumating, hindi ko maintindihan ang mga prinsipyo sa likod ng mga pagbabago sa teksto. Humaharap sa sunud-sunod na mga artikulo ng mga teksto na nangangailangan ng pagbabago, pag-aayos at patnubay, wala akong magawa kundi mahulog sa isang estado ng pagiging negatibo. Wala akong naintindihang anumang bagay, gayunman ay hindi ko lang kailangang tuparin ang tungkuling ito kundi itinalaga pa sa paghahanap ng mga kakulangan sa mga artikulo. Sobra ang hinihiling sa akin nito! Nakaramdam lamang ako ng sobrang kagipitan at hindi na makahinahon, at hindi ko rin alam kung paano umasa sa Diyos. Ako ay sobrang balisa na hindi ako nakatulog nang tatlong magkakasunod na araw at gabi. Sobra akong nataranta sa aking sitwasyon. Nang tulungan ko ang bagong pinuno ng iglesia na iyon na lutasin ang kanyang problema, nararamdaman ko na lubos kong naunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Ngunit paanong nang dumaan ako sa gayong problema ngayon, hindi ko alam kung paano haharapin ang gayong karanasan? Lumapit ako sa Diyos na dinadala ang aking pagkalito at pagkatuliro.
Nang maglaon, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok (2) ”: “Kapag ang tao ay gumagawa at nagsasalita, o sa panahon ng panalangin ng tao sa kanyang espirituwal na mga debosyon, ang katotohanan ay biglang magiging malinaw sa kanila. Sa katotohanan, gayunpaman, ang nakikita lamang ng tao ay kaliwanagan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (natural, ito ay may kaugnayan sa pakikipagtulungan mula sa tao) at hindi totoong tayog ng tao. Pagkatapos ng isang panahon ng karanasan na kung saan ang tao ay nakatagpo ng iba’t-ibang tunay na mga problema, ginawang malinaw ng naturang mga pangyayari ang tunay na tayog ng tao. … Pagkatapos lamang ng ilang mga panahon ng naturang karanasan marami sa mga taong nagising sa loob ng kanilang mga espiritu ang napagtantong hindi ito ang kanilang sariling katotohanan sa nakaraan, ngunit isang panandaliang pagbibigay-liwanag ng Espiritu Santo, at nakatanggap lang ang tao ng liwanag. Kapag niliwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay madalas sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto. Iyon ay, hindi Niya isinama ang mga paghihirap ng tao sa pahayag na ito, at sa halip direktang ibinunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na karanasan ng tao.” Habang pinag-iisipan ko ang siping ito, naunawaan ko: Ang katotohanan na naunawaan ko nang tulungan ko ang kapatid na babae na malutas ang kaniyang problema ay nagmula sa pagpapalinaw ng Diyos. Dahil sa kooperasyon ko noong panahong iyon kaya tinanggap ko ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Ngunit hindi ito ang aking tunay na katayuan at hindi rin nagpapakita na natanggap ko na ang aspeto ng katotohanan. Pinaliwanag sa akin ng Banal na Espiritu upang maunawaan ang katotohanan noong panahong iyon dahil kinakailangan ito sa aking gawain, at sa pamamagitan ng aking kooperasyon ay tinulungan Niya ako upang malutas ang mga problema at kahirapan sa aking gawain. Ngunit bago ako nagkaroon ng tunay na karanasan tungkol dito, ang aking katayuan ay ganito lamang kaliit. Kaya nang nakatagpo ako ng mga paghihirap sa pagpasok, sa pamamagitan lamang ng paglakip ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu ito magiging isang aktwal na karanasan sa buhay ko.
Sa ilalim ng pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos, pinakalma ko ang aking puso upang tumingin at umasa sa Diyos, at sa pamamagitan ng maingat na pagkukumpara at pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo sa pagsusulat sa likod ng mga artikulo at mga halimbawang ibinigay, tinanggap ko nang hindi namamalayan ang pagliliwanag at patnubay ng Diyos, na nagpahintulot sa akin upang unti-unti kong makita ang mga suliranin sa mga artikulo, makakuha ng higit na kalinawan sa aking pag-iisip habang binabago ko ang mga artikulo, at pahalagahan din ang kahulugan sa likod ng bahay ng Diyos na humihingi sa amin na magsanay sa pagsulat ng mga artikulo. Nagawa ko ring unti-unting lumabas mula sa aking pagiging negatibo at maling pagkaunawa.
Salamat sa Diyos. Sa pamamagitan ng karanasang ito ay nakita ko ang aking totoong katayuan nang malinaw, itinutuwid ang mga paglilihis sa aking pag-unawa. Ito ang nagpakita sa akin na ang aking pagkaunawa sa katotohanan na napaliwanagan ng Banal na Espiritu ay hindi kumakatawan sa aking tunay na karanasan. Bukod pa rito, hindi ito nangangahulugan na nagtataglay ako ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan. Mula ngayon, higit kong handang dalhin ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu sa totoong buhay upang magsanay at makapasok, upang ang mga katotohanang ito ay tunay na maging katotohanan ng aking buhay.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosRekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento